Unlucky Princess

By BeWIXyGirl_Wp

107K 3.4K 968

May pag-asa pa kayang maibalik ang dating pagmamahal ng taong iyong nilalayuan,pinagtatabuyan at higit sa lah... More

Unlucky Princess-Prologue
Chapter 1-Photograph
Chapter 2-The Girlfriend
Chapter 3-BAE
Chapter 4-Why Not Me?
Chapter 5-With Someone
Chapter 6-Boyfriend?
Chapter 7-Moving On
Chapter 8-Reserved
Chapter 9- Fight For Him
Chapter 10-Use Me
Chapter 11-Hope
Chapter 12-Paris
Chapter 13-Kiss Me
Chapter 14-Akin Ka
Chapter 15-Bohol
Chapter 16-I Won't Give Up
Chapter 17-Text Message
Chapter 18-Party
Chapter 19-Pictures
Chapter 20-Giving Up
Chapter 21-True Love
Chapter 22-She Left
Chapter 23-Forgetting You
Chapter 24-Forgotten Feelings
Chapter 25-Picture Frame
Chapter 26-Letter
Chapter 27-Thinking Out Loud
Chapter 28-Your Smile
Chapter 29-Rain
Chapter 30-Jealous
Chapter 31-Gown
Chapter 32-Waiting
Chapter 33-Trash Can
Chapter 34-Luha
Chapter 35-Elevator
Chapter 36-Realization
Chapter 37-Eunice's Plan
Chapter 39-The Punishment

Chapter 38-The Son

2.3K 65 3
By BeWIXyGirl_Wp

VJ's POV

"Love,matulog na tayo." dinig kong yakag ni daddy kay mommy.

"Mauna ka na Jacob.Bakit ba kasi kailangan pa talagang nasa tabi mo ako,kapag matutulog ka na?" may pagtataray na tanong ni mommy.Kitang-kita ko kung paano siya hapitin ni daddy sa baywang.Hinalikan siya nito sa noo at pagkatapos ay sa mga labi na.Mahal na mahal ni daddy si mommy.Kaya hanggang ngayon na medyo may kaedaran na sila pero ang sweet pa rin nila at palaging naglalambingan.

Napapabuntong-hininga na lang ako sa kanila.Narito kasi ako sa harap ng piano na malapit lang sa sala.Samantalang sila ay naka-upo sa couch habang nanunuod ng 'The Voice'.

Mahilig sila kasing pareho sa music.Kaya nagkakasundo ng pinapanood.Ako naman ay mahilig din sa music pero sa kasamaang palad,ayaw ng awitin sa akin.

"Alam mo namang nasanay na ako na katabi ka bago matulog 'di ba,love?Ayokong matulog ng wala ka dahil wala akong mayayakap." malambing na turan ni daddy kay mommy at saka hinawakan ang kamay nito at hinila na.

"Tsk!Oo na nga.'Di naman talaga ako makakatanggi sa iyo eh." himutok daw ni mommy pero halata naman ang kilig sa tono.

"Siyempre.Mahal na mahal mo ang isang Jacob Samonte eh." pagmamayabang naman ni daddy.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang pinag-aaralan kung paano ko matutunan itong piano.Katabi ng pianong ito ay ang gitara.Kaya napaisip ako.Siguro mas madali kong ang gitara muna ang pag-aralan ko.Nawili kasi ako sa trabaho kaya iyon ang tinutukan ko at binalewala ang music. Gusto kong matuto kahit paano dahil magagamit ko ito.

"Asos!Kung 'di mo nga ako kinidnap eh bakit,nagkatuluyan ba tayo?" hinampas ni mommy si daddy.

Oh oh!

Nagsimula na naman sila sa kanilang love story.Kaya maigi pa na iwan ko na sila.Maririnig ko na naman kasi ang story nila sa kung paano nabawi ni daddy si mommy Railey kay Tito Melvin na siyang mapa-pangasawa sana ni mommy noon.

Naiinggit lang ako sa kanila.Pero ako, heto,paano ko ba ipaglalaban ang pagmamahal ko kay Bernice?Paano ko makukuha muli ang puso niya?Duwag kasi ako.Duwag ako at 'di ako kagaya ni daddy na matapang upang mabawi si mommy.

Agad akong pumunta sa mini bar ng aming bahay.Naalala ko na naman si Bernice.Naalala ko kung paano niya ako sukuan.Ang sabi niya,kailangan niya muna na layuan ako.Kailangan niya muna ng space upang mapagtanto ang lahat kung karapat-dapat pa ba na mahalin niya pa rin ako sa kabila ng lahat?

Ang sabi niya,kailangan niya muna ng divertion.Kaya pinayagan ko na kahit na nasasaktan ako.

Tama siya, kailangan muna namin ang ganito.Ang magkalayo muna dahil medyo mabigat na sa amin ang lahat.Baka kapag ipinilit ko ng hindi sa tamang pagkakataon,magkagulo pa ang pamilya namin.Inaalala ko kasi si Tito Arthur.Mapapatay ako n'on kapag 'di ko nagawa ang pangako ko sa kanya.

Kumuha ako ng whiskey at saka inilagay sa goblet.Pagkatapos n'on ay tinungga ko kaagad.Good thing dahil may mini bar kami dito sa bahay na siyang pinagawa noon ni Daddy.Bibihira lang din akong pumasok dito dahil 'di naman ako manginginum.Kapag kasi may problema ako at gusto kong magpaka-lasing,sa bar ako pumupunta para na rin 'di mapansin ng parents ko ang aking mga problema.

Pakiramdam ko nga,mas mabigat 'tong nararamdaman ko ngayon kay Bernice.Mas mahirap at mas nakaka-panikip ng dibdib.'Di ko kasi nadama ito noon kay Eunice.Naiintindihan ako n'on lagi kapag nag-away kami.Kaya 'di ko na kailangan ng matinding effort at panunuyo sa kanya.Pero kay Bernice? Pakiramdam ko, nanghihina ako.Wala na akong lakas at pati utak ko yata ay 'di na rin gumagana.Kailangan kong mag-effort sa kanya at ipakita na kung gaano ko siya kamahal.Kailangan ko ng bigtime na effort.

Napangisi na lang ako.Ganito pala 'yon.Iyong 'di nga kami o 'di ko siya girlfriend pero kailangan kong patunayan sa kanya na totoo ang nararamdaman ko.

Ngayon ko lang din na-realize na boring pala ang naging relasyon namin ni Eunice dahil walang ganitong nangyayari.

"Vincent,anak..."

Napalingon ako kay mommy na nakasandal na pala sa amba ng pintuan habang tinitingnan ako na miserable.

"Hi mom.Akala ko ba matutulog na kayo ni dad?" tanong ko habang nilalapag ang hawak kong goblet.

"Naku,paano ako makakatulog kung nakita kitang papunta dito,aber,ha?"

Lumapit siya sa akin at tumabi ng upo.

"At ang daddy mo,nag-a-alala din sa iyo.Kaya hinayaan niya na lang muna ako na samahan ka dito.And now,tell me nak.What is your problem?" seryosong tanong niya.

Pinasadahan ko lang siya ng tingin at binawi naman ito.Napapansin na rin siguro nila ang pagiging miserable ko.

"I'm in-love mom." amin ko kaagad.

Nakita ko ang nagtataka niyang tingin sa akin habang nangungunot ang noo.

"Ikaw lang talaga ang in-love na problemado at 'di blooming anak." saad niya.

"Iba kasi ang sitwasyon namin mommy.Mahal ko siya.Pero alam kong 'di sapat ang ipina-pakita kong pagmamahal sa kanya kaysa pananakit ko ng damdamin niya noon." bumuntong-hininga ako. "Ang dami kong gagawin para mapaniwala siya at bumalik ang dati niyang pagmamahal sa akin.Marami akong haharapin na tao para patunayan na mahal ko siya, mommy." patuloy ko.

Napakunot naman ng noo si mommy.

"Sino ba 'yan nak?Baka may ipapayo ako sa iyo.Alam mo naman,pagdating sa pag-ibig eh expert 'tong nanay mo." anito na may halong pabiro. "Tell me, kilala ko ba 'yan?Kilala na namin ng daddy mo 'yan?"

"Yes mom.Kilalang-kilala niyo." sagot ko habang nilalaro-laro ang hawak na goblet na may laman pang alak.

"Hm.Si Bernice ba?" tanong nito at saka ngumiti ng nakakaloko.Kita ko rin ang pagkislap ng mga mata niya.Pero saglit lang 'yon dahil umiba ang ekspresyon niya na tila ba may na-realize.

"Yes mom."

Tumingin ako sa kanya at saka nahihiyang binawi ang paningin.Nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili.Ito na nga ba ang sinasabi ko.Baka tumutol sila dahil sarili kong kinakapatid ay tinalo ko pa.

Tumungo ako upang maikubli ang kahihiyang nadarama ko ngayon.

"I'm sorry mom." basag ko sa saglit na katahimikan. "Pinigilan ko ang h'wag mahulog sa kanya.Believe me mom,i hurt her a lots.Para layuan niya ako.Kasi iniisip ko na kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.But i can't help myself to fall in-love with her.Habang tumatagal,lalo ko siyang minahal.A-akala ko noon,isa siyang panira sa relasyon namin ni Eunice.Pero mali pala ako dahil noon pa pala,mahal ko na siya.Mahal ko na siya dahil sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang ibang lalaki,nagagalit ako ng sobra.Akala ko concern lang ako sa kanya dahil kapatid na ang turing ko sa kanya.Pero nitong huli,na-realize ko na mahal ko na pala siya noon pa-noong kahit mga bata pa kami." mahaba kong paliwanag at pag-amin kay mommy.Tama ang mga sinabi ko.Noon ko pa pala mahal si Bernice.Noong mga bata pa kami.

Sa tuwing makikita ko siya noon,may kakaiba na akong naramdaman sa kanya kahit wala pa akong muwang sa mundo.Ina-asar ko siya lagi para mapansin niya ako.Ako palagi ang naglalagay ng pagkain sa plato niya para mapansin niya ako at ma-asar ko siya.

Nagkaroon ako ng isip noon na 'di pa nag-kabalikan ang parents ko.Lumaki ako na tanging si mommy lang at ang tita ko na pinsan niya ang nag-aalaga sa akin.Kaya noong unang kita ko pa lang kay Bernice noon ay nagkaroon na ako ng paghanga sa kanya.Iyong mga pilikmata niya kasi ang umakit sa akin.Subalit nang malaman ko na inaanak siya ni daddy,doon na nagbago ang lahat.Itinuring ko na lang siya na kapatid dahil iniisip ko na tutol silang lahat sa amin dahil kapatid na ang turingan namin.Naduwag na ako.Noon pa,duwag na pala ako sa totoo kong nararamdaman para sa babaing akala ko ay siya na.

"I love her so much mom.I really do." mahina kong dugtong.

Napalingon ako kay mommy ng bigla siyang tumawa.

"Manang-mana ka talaga sa daddy mo, Vincent." hinampas pa ako nito.Kaya ang kilay ko ay nagka-salubong.

"Magkaiba kami ni daddy mommy.Dahil matapang siya na ipaglaban ka.Samantalang ako,duwag at walang magawa dahil puro pangamba lang ang nararamdaman ko." ani ko.

Sinalubong ko ang mga titig niya sa akin.Iyon bang mga titig na may gustong ipaliwanag.

"Duwag din ang ama mo Vincent.Kung 'di siya duwag,sana noong unang dumilat 'yang mga mata mo, siya ang una mong natunghayan.'Di rin ako umaasa noon na magkabalikan kami ng daddy mo.Remember,na-i-kwento na namin ang lahat sa inyong magkakapatid?Kaya isipin mo kung paano naisipan ng daddy mo na ipaglaban ako.Kailangan pa niyang makita na masaya ako sa piling ng iba,bago niya ma-realize na mahal niya ako.Na kaya niya palang gawin ang mga bagay na 'di niya nagawa noon.Kaya ikaw,kung anuman 'yang bumabagabag sa iyo na ipaglaban si Bernice,kailangan mong harapin at labanan 'yan.Dahil sa pag-ibig anak,iba-ibang story 'yan.'Di yan cliché palagi na ang solution ay pare-pareho.Kaya ang gawin mo ay gumawa ka ng hakbang.Huwag mong hayaan na mawala sa iyo ang taong mahal mo.Huwag mong gayahin ang daddy mo na taon ang sinayang bago ako ipaglaban." mahabang paliwanag ni mommy.Halata ang sensiridad sa sinasabi niya.

"But mom,how?Siya na ang sumuko.Sinukuan na niya ako mom dahil pagod na pagod na siya sa akin.'Di na siya naniniwala sa mga sinasabi ko na mahal ko siya." umiling-iling ako.

"Eh?Siya lang ang sumuko.Ibig sabihin may pag-asa pa kayo.Kung sumuko na ba siya Vincent,hahayaan mo na lamang siya?Pahinga lang ang kailangan niya siguro.'Di ko man alam kung ano bang mayroon sa inyong dalawa o hindi ko man alam ang kwento niyo,basta huwag mo siyang sukuan.Kumapit ka habang may makakapitan ka pa Vincent. Ganyan naman kaming mga babae eh.Sumusuko kapag pagod na.Kapag sobra na kaming nasasaktan.Kaya kailangan namin kayong pakawalan.Kailangan lang namin ng pahinga.Kaya huwag kang suko agad para 'di niya iisipin na mababaw lang ang pagmamahal mo sa kanya." mabilis pero puno ng kabuluhan na wika niya.

At dahil sa mga sinabi ni mommy ay nagkalakas-loob ako.

"'Di ka tutol sa amin ni Bernice,mom?" tanong ko ng maalala.

"Bakit naman?Nagmahal din ako.'Di naman kayo magka-dugo anak.Kaya gawin mo ang tama na siyang magpapasaya sa 'yo." anito. "Kaya huwag ka ng mag-iinarte diyan.Baka maagaw pa si Bernice ni Alden,ikaw din." may halong pananakot pa na saad niya.

Naalala ko bigla si Alden.Tama si mommy.Baka maunahan pa ako ng kumag na iyon.

"'Yan ang 'di ko papayagan mommy.Sa akin si Bernice.Akin lang siya." nag-igting ang mga ngipin ko.

Muli ko na naman narinig si mommy na tumawa.

"Anak ka talaga ng tatay mo Vincent.Mga seloso kayo.At saka na-re-realize niyo lang na mahal niyo ang babae kapag may ume-eksenang iba.Pero huwag kang mag-alala anak.Sigurado akong mahal ka ni Bernice.Kaya kahit sino pa ang aaligid sa kanya, ikaw pa rin ang gugustuhin n'on.Kaya sa halip na pagselosan mo si Alden,hala ligawan mo ulit ng bongga si Bernice." anito at saka tumayo na.

Kilala na rin kasi ni mommy si Alden dahil palagi niya itong nakikita na kasama ni Bernice.

"Basta,isa-isip mo lahat ng sinabi ko Vincent." habilin niya.

"Wait mom." pigil ko sa kanya nang may maalala ako. "'Di ka na nagseselos sa tuwing makikita mo si daddy at tita Catherine na nag-u-usap?" curios na tanong ko.

"Bakit naman ako magseselos?Mahal ng tita Catherine mo si Tito Arthur mo at ako,mahal ko rin ng sobra ang daddy mo.At sigurado ako na gan'on din siya sa akin.So bakit ako magseselos?Kailangan mo lang ang maging kampante sa sarili kapag nagmahal ka anak.Magtiwala ka sa taong mahal mo.Kagaya kay Bernice.Magtiwala ka sa kanya na 'di ka niya gan'on kabilis na palitan sa puso niya." anito. "Sige anak.Labas na ako.Baka gising pa hanggang ngayon 'yong daddy mo.Alam mo naman.Love you nak." dugtong pa niya at saka hinalikan ako sa noo bago lumabas.'Di ko na nagawa pang magpa-salamat kay mommy dahil mabilis na itong lumabas.

"Oo nga pala anak."

Nagulat pa ako nang magsalita siya muli.Dumungaw pa siya sa may pintuan.

"Wala si Bernice sa kanila.Nasa hacienda nila sa Laguna.Kung gusto mo,puntahan mo doon." anito at mabilis na sinara ang pintuan.

Nasa Laguna si Bernice?

Susundan ko siya.Babaunin at isa-isip ko ang mga payo at mga sinabi ni mommy sa akin.

Ngayon ko kakailanganin ang katapangan.

****************

Unedited
No Reviews

AN: Pagpasenyahan niyo na kung mabagal ang update nito.Humahanap pa kasi ako ng inspiration.At busy din kasi ako.Kung naiinip ka na dahil sa bagal ng update,de wag mo munang basahin.Saka na pag-completed na siya.

Thank you so much & God bless!

Continue Reading

You'll Also Like

61.3M 946K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
2.5M 103K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
1.4M 51.4K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
2.2M 76.3K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...