Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

By krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... More

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Three
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Six
ShamEul- Seven
ShamEul- Eight
ShamEul- Nine
ShamEul- Ten
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Sixteen [flashback]
ShamEul- Eighteen [flashback end]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty
ShamEul- Twenty One
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]
Epilogue

ShamEul- Seventeen [flashback]

3.1K 68 9
By krizemman

Ilang araw nang dito pinatuloy si Shamy. Hindi na din naman nagtanong pa ang mga magulang ko. Dahil sinabi ko naman sa kanila na kaibigan siya nila Madam at dating kasintahan ni Van.

Ang laki ng pinagbago ni Shamy, kung dati ay masayahin siya at laging nakangiti. Ngayon ay tahimik at laging tulala. Madalas din siya nasa veranda. Minsan naman nahuhuli ko siyang nasa silid ni Van at nakadungaw sa bintana.

"Shamy gusto mong mamasyal tayo sa may ilog? Manghuli ta'yo ng mga isda" Masayang paanyaya ko sa kanya. Ngunit wala naman akong nakuhang tugon mula sa kanya. "Gusto mo mamasyal tayo sa bayan. Para naman malibang ka. Tapos kumain tayo sa mga masasarap na kainan?" Dagdag ko. Ngunit tulad ng una. Nanatiling wala siyang tugon.

Maya maya lang bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa may veranda sa taas. Sinundan ko siya at pumasok sa silid ni Van. 'Paano niya makakalimutan si Van kung patuloy pa din niyang inaalala ito? Hindi ko alam kung ano pa ba dapat kung gawin para makalimutan mo siya at ako na lang ang mahalin mo'

Nakita ko na naman umiiyak siya. Habang hawak ang larawan ng namayapang si Van. Lumabas na lang ako ng silid at pinabayaan na lang siya mag isa dun, kung nasasaktan siya. Nasasaktan din ako, dahil sa nakikita ko.

Gabi na nang binalikan ko siya sa dating silid ni Van. Pero laking gulat ko ng wala akong makitang Shamy na nandoon. Kinabahan ako sa mga pangit na pumapasok sa isip ko. Natakot, baka kung anong maaaring gawin niya sa kanyang sarili.

Mabilis akong nagpunta sa veranda, ngunit wala din siya. Pababa ako ng hagdanan ng makasalubong ko si Nanay.

"Nay nakita nyo po ba si Shamy?" Tarantang tanong ko.

"Hindi ko siya napansin, anak. Alam ko hindi pa siya nababa dito para kumain. Nagaalala ako sa kaibigan mo na yun. May alam ka ba sa problema niya?" Maaaring nakakapansin na din si Nanay sa mga ikinikilos ni Shamy.

Dahil walang alam si Nanay tungkol sa pinagdadaanan niya ngayon. Kaya imbis na sagutin ko ang tanong ni Nanay, nagpaalam na lang ako na hahanapin ko muna si Shamy.

Hinanap ko siya sa buong kabahayan, pero bigo akong makita siya. Kaya nagpasya akong hanapin naman siya sa labas. Sa bakuran. Sa likod bahay. Wala din siya. Masyado na akong nag aalala sa kanya. Lalo sa mga oras na 'to dahil gabi at madilim na.

Nagawi ako sa may hardin, nag-isip kung saan siya maaaring nagpunta.

"Aking mahal, nandito lang ako, maghihintay sayo na dumungaw ka dyan. Para makita mong nandito ako at naghihitay sa'yo. Kaya pakiusap dumungaw kana dyan aking mahal"

Nagmamakaawang usal ng isang babae. 'Hindi ako maaring magkamali. Siya yung narinig ko'. Tinig ng babaeng iniibig ko. Mabilis akong naglakad palapit sa malaking puno.

"Silipin mo na ako dito. Wag ka ng mag alala at matakot. Hindi kana nila masasaktan. Napaslang ko na silang lahat. Kaya maaari ka ng dumungaw at bumaba dito." usal niya sa pagitan ng pag iyak.

Hindi ko namalayan, pumapatak na din pala ang mga luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa nangyayari sa kanya. Wari ko'y wala na siya sa kanyang katinuan. Hindi niya matanggap na wala na ang taong minamahal niya.

Hindi na ako nakatiis sa nakikita. Kaya naman nilapitan ko na siya.

"Shamy tama na yan. Tanggapin mong wala na siya" Pakiusap na ani ko.

"Jess nagkita kami kanina. Sabi niya dito lang daw ako maghihitay. Kaya dito kang ako. Kaya iwan mo na ako dito. Baka makita ka pa ni Van kung ano na pang isipin at sabihin niya." Natatarantang pagtataboy niya sakin.

"Shamy!" Sigaw ko. Dahilan para magising siya sa kabaliwan niya. "Patay na si Van. Wala na siya. Tanggapin mo na yun!!"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi sumigaw. "J-Jess" Saad niya na maluha luha ang mga mata. "Kailangan ko siya. Mahal na mahal ko si Van. Gusto ko na siyang makasama" Umiiyak na ani niya.

Niyakap ko na siya ng mahigpit. Sa mga oras na 'to, ito lang talaga alam kong gawin para mapagaan kahit paano ang sakit na nararamdaman niya. 'Gumising kana Shamy sa mga kahibangan mo, buksan mo muli ang puso mo para sa taong handang magmahal sa'yo ng lubos.' Gusto ko man sabihin yan sa kanya ngunit alam kong hindi niya din ito papansinin. Dahil tanging si Van lang ang laman ng puso' isipan niya.

Inaya ko na siya pumasok sa loob. Pinakain ko muna siya ng hapunan, bago ihatid sa silid ko na pinagamit ko sa kanya.

"Matulog kana Shamy, bukas na bukas ipapasyal kita sa bayan. Para malibang ka kahit paano, para makalimutan mo saglit ang mga suliranin na nararanasan mo ngayon. Pipilitin kong pasayahin ka." Bulong ko sa nakahiga ng si Shamy.

KINABUKASAN

Tulad ng pinangako ko. Ipinasyal ko siya sa bayan. Nagpunta kami sa parke. Kumakain ng sorbetes habang naglalakad.

"Nagustuhan mo ba dito?" Ako

"Oo, ang ganda ng parke na 'to. Madaming mga tao. Tingnan mo sila doon. Anong ginagawa nila?" Turo niya sa mga batang naglalaro. "Nakaktuwa silang panoorin"

Pinagmasdas ko siya. Masaya ako, dahil hindi niya binuksan ang usapin ukol sa nangyari kagabi.

"Naglalaro sila ng tumbang preso, halika panoorin natin sila" Hinawakan ko ang isa niyang kamay. At hinila ng mahina palapit sa mga batang naglalaro. Nakatuwang panoorin siya. Parang ngayon lang siya nakakita ng mga batang naglalaro ng ganyan.

"Alam mo ba nung bata pa ako. Lagi lang akong nakakulong sa bahay. Mga libro at guro lang ang mga kaharap ko. Kung lalabas man, doon lang din sa loob ng bakuran para magsanay kung paano pumaslang." Walang emosyong kwento niya habang nakatingin sa mga batang naglalaro. "Mabuti na lang mga patay na sila. Wala ng magkukulong at magpapahirap sa akin." Bakas ang poot sa kanyang huling inusal. Kaya bago pa mag bago ng tuluyan ang kanyang nararamdaman. Hinila ko ulit siya papunta sa duyan.

"Tara Shamy. Maupo ka dito at iuugoy kita" Masayang utos ko sa kanya. Agad din naman siyang naupo at inumpisahan kong iugoy ang duyan. Nasa gilid ako naka pwesto. "Mamaya pumunta naman tayo ng ilog, manghuhuli tayo ng isda. Siguradong maaaliw ka din." Masaya akong nagkwento sa kanya kung gaano kasaya manghuli ng isda sa ilog.

Nang matapos kami sa parke, diretso na kami sa ilog para mamingwit ng isda.

"Paano tayo manghuhuli, kung wala tayong gamit na pamingwit?" Tanong niya. Kaya nagpunta ako sa isang puno kung saan ko tinatago ang gamit kong pamingwit.

"Ito" Abot ko sa kanya ng pamingwit.

"Mukha ngang masaya 'to, paano nga ba ito gamitin?"

Tinuruan ko siya kung paano gamitin ang pamingwit, pumuwesto ako sa likod niya, hinawakan ang dalawang kamay nya na nakahawak sa dulo ng kawayan na ginawa kong pamingwit ng isda.

Nakakatuwa siyang pagmasadan, para siyang batang paslit na aliw na aliw sa kanyang ginagawa. Tuwing may mahuhuli siya, kulang na lang magtatalon siya tuwa.

Umuwi na kami bago pa magdilim. Ang mga isdang nahuli namin ang pinaluto kay Nanay at yun ang inulam namin.

"Napakasarap ng isda kapag pinagpaguran at ito ay sariwa" Masayang usal niya habang nakain. Sabay sabay na kaming kumain ng hapunan kasama ng mga magulang at mga kapatid ko.

"Tama ka Hija, manamis namis kapag sariwang isda ang iyong kakainin." Masayang saad sa kanya ni Tatay.

Ngumiti naman siya bilang tugon. Masaya ako sa nakikita sa kanya. Kahit paano nagkaroon ako ng pag asa na matulungan siyang bumalik sa dating siya.

Pero iyon lang pala ang akala ko. Isang gabi, pagkatapos niyang mapanaginipan si Van. Bumalik na naman siya sa pagiging malungkutin at tila wala sa sarili.

Parang mas lumala pa siya lalo. Dahil tuwing gabi lagi na lang siyang nasa ilalim ng malaking puno. Naghihintay sa taong hinding hindi naman na darating.

"Shamy tayo na sa loob, mahamog na baka magkasakit kapa, kng magtatagal ka dito. Tayo na at hindi na siya darating." Pag aaya ko sa kanya na pumasok na kami sa loob.

"Wag ka ngang magulo Jess! Nagsabi darating siya. Kaya dito lang ako maghihintay. Kung gusto mo pumasok kana sa loob at iwan ako!" Galit na sigaw niya na animo isang baliw.

Pumasok na ako sa loob at iniwan na lang siyang magisa sa ilalim ng malaking puno.

Ilang gabi siyang ganun. Minsan naabutan ko siyang umiiyak. Nakatayo at nakatanaw sa bintana ng dating silid ni Van.

Pinababayaan ko na lang siya sa gusto niya. Kahit ipakita at iparamda ko sa kanya na mahal ko siya, kahit ilang salita pa ang sabihin ko sa kanya. Balewala lang ito, nanatiling manhid at bulag ang puso niya.

Nawalan na din ako ng pag asa na mapansin niya at pag ukulan ng panahon ang pagmamahal ko para sa kanya. Napagod na akong umasa, ang tanging kaya ko na lang gawin para sa kanya ngayon ay alagaan at bantayan sa lahat ng oras.

Masyado nang malaki ang pinagbago niya. Parang wala na siya sa kanyang katinuan. Kaya mas lalo akong nag alala at natakot sa mga posibilidad na maaari nyang gawin.

Isang gabi hindi ko kinaya pa ang nakikita ko. Sa ayaw at gusto niya inalis ko siya sa ilalim ng malaking puno ng gabing iyon.

"Ibaba mo ako ngayon din Jess. Dadating si Van na wala ako doon!" Sigaw niya habang buhat ko siya. Nakaharap ang mukha niya sa likod ko. kaya naman nagagawa niyang hampasin ang likuaran ko. Tiniis ko na lang ang sakit ng bawat suntok nya.

Nakarating na kami sa silid na tinutuluyan niya ng maayos na hindi kami nahulog sa hagdan dahil sa ginawa niyang pagpalag habang buhat ko siya. Pahagis ko siyang inilapag sa higaan.

"Nababaliw kana ba Jess? Bakit ba ginagawa mo sakin to, bakit mo ako pinipigilan makipag kita kay Van!" Galit niyang usal.

"Ako pa ngayon ang baliw. nakikita mo ba yang sarili mo shamy? Umaasa na daraing ang taong, kahit ailan ay hindi na darating! Tanggapin mong patay na si Van dahil ako tanggap ko na hindi mo ako kayang mahalin, pero ang hindi ko matanggap ay yung nagkakaganyan ka dahil sa taong matagal ng wala!" Sumbat ko sa harapan niya habang nakatayo ako at siya nakahiga sa kama.

Tumayo siya. At hindi ko inaasahan ang gagawin niya sa akin.

*PAK*

Halos mabingi at hindi agad ako nakakilos sa lakas ng sampal niya, maaaring sa pagsasanay at galit niya. Kaya ganun na lang kalakas ito. Ilang segundo pa bago ako makabawi sa pagkabigla.

Nagpasya na lang akong lumabas ng silid.

'Sana magising kana sa bangungot na kinalalagyan mo ngayon, gumising kana Shamy. Sana Tanggapin mong wala na siya.' Pabulong na dasal ko. Nadito na ako sa veranda sa taas ng bahay. Iniisip bawat pangyayaring naganap sa mga nakalipas na araw.

*****

[A/N: LAST CHAPTER NG FLASHBACK, KUNG PAANO NAMATAY SI SHAMY. WAG NA MAGREKLAMO NG BITIN, ILANG CHAPTER NA LANG NATITIRA.]

VOTE COMMENT AND SHARE

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 54.1K 36
A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan...
2.2M 14.5K 8
Truth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIA...
5.3K 301 24
Isang buhay ang nawala pero lahat ng buhay nila ang kabayaran. Sino ang salarin? Sino ang dapat managot? Sino ang susunod? YOU'RE NEXT...
1.6M 23.7K 31
Evil students. Bullied teacher. Hell yes, this is a one of a kind school experience! Class resumes...