Reforming the Villainess (Rei...

بواسطة loeyline

582K 30.2K 10.2K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to... المزيد

Disclaimer
Characters Board
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Epilogue: North
Author's Note
Special Chapter: Austin
The Second Lead's Retribution
A little disclaimer
Group Page
ANNOUNCEMENT!!!
RTV Physical Book is here!
RTV Book is now on Shopee!
Playing With Trouble: Austin's Sequel

Chapter 7

17.2K 1.1K 550
بواسطة loeyline

#RTVillainess07


"EDI MEOW . . ." BULALAS ko nang makita ang resulta ng mga midterm examination ko.

Nagtitili ako sa loob ng kwarto ko at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko sa sobrang saya ko.

Worth it naman pala 'yung mga gabi na wala akong tulog kaka-aral.

Nilapat ko ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib ko at marahang tinapik ang sarili.

"Congrats, self. Nakaya mo ang first sem ng freshman year. Eight years pa," pampalubag-loob ko sa sarili ko. Natatawa ako sa mga pinagsasabi ko pero hindi ko lang talaga mapaliwanag 'yung saya na nararamdaman ko.

I gasped when I received an email from our department's dean. Parang dinadaga ang dibdib ko sa kaba habang hinihintay na mag-loading ang email.


Dear BRIELLE CHANTAL,

We are pleased to inform you that you made it into the President's Lister for the midterms of this academic school year's first semester with a general weighted average of 1.14.

Congratulations!


And below it was some guidelines that the said email is confidential and whatsoever. Attached is an e-Certificate with the university and college department's logo.

Patakbo akong lumabas sa kwarto at tinungo si Don Tiago na nagkakape sa hapag-kainan habang nagbabasa ng kung ano sa laptop niya.

"Papa," nakangiting bati ko pero nawala 'yon agad ng salubungin niya ako ng seryoso niyang mukha.

"What?"

"My grades just came out," ngumiti ako ulit at nilapag malapit sa kanya ang iPad ko kung saan nandoon ang grades through our portal.

"And you're proud of it?" sarkastikong aniya.

"P-Po?" gulat kong tanong.

"Buti pa si Jamila. Her grades are so high. She's the overall top in her college. Kasama rin siya sa dean's lister. I just received her grades this morning," dire-diretsong sabi niya at sinara na ang laptop niya. "Why can't you just be like her?"

"Pero, Papa—"

"Enough! Excuses lang din naman ang maririnig ko sa'yo. Just make sure you won't fail this year, Brielle. Or itutuloy ko na talaga ang pagdala sa'yo sa ibang bansa."

Napayuko ako. He's not my real father, but it still stings. Maybe, I am really starting to consider him as my family. Alam ko naman nag anito ang ugali niya kay Brielle, pero ang sakit pa rin pala maikumpara sa iba.

Masakit pa rin na lagi na lang akong pangalawa.

I heaved a sigh. My plan to reform Brielle is still not over. My goal for Brielle is not to be the main character, but to change Brielle's fate no matter how good or bad she is.

"ARE you okay?"

Nilingon ko si Jamila na kapapasok lang sa swimming pool area.

May awa ang mga mata niya at tinabihan ako sa gilid ng pool. Nakalublob ang paa ko doon habang nagbabasa ng bagong topics namin.

"Yeah. I'm good," sagot ko at natawa nang mahina dahil hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya. "Ano ka ba! Ayos lang ako!"

"Sure ako sa susunod, makakapasok ka rin sa dean's listers," nakasimangot niyang sabi.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa pagkakasabi niya. Parang tunog nang-aasar? O guni-guni ko lang 'yon?

"Ah, oo," sabi ko na lang. "Congrats ng apala," dagdag ko at bahagyang pumalakpak.

Nahihiya niyang inilagay ang takas niyang buhok sa likod ng tainga niya at tumawa ng bahagya. "Hindi ko nga alam paano ako nakapasok doon. Hindi pa naman ako gaanong nakapag-review para sa midterms."

Ngumiti siya ulit pero agad napawi 'yon nang dumako ang tingin niya sa akin. "Ay sorry. I possibly made you feel worse . . ."

Nabigla ako doon ngunit agad din naman nakabawi. Tinignan ko siya ng maigi at hindi ko alam bakit pakiramdam ko may nagbago kay Jamila.

"Hindi naman. Ayos—"

Naputol ang sinasabi ko nang tumunog ang cellphone ko.


North sungit calling . . .


Nataranta ako nang makita ko ang caller ID niya. Simula kasi nang dinrawingan ko siya sa mukha, palagi na niya akong inaasar na i-cuddle ko muna siya. Magma-meow daw siya kapag ginawa ko 'yon.

Hindi ko alam kung paano nabaliktad ang sitwasyon na ako ang nang-aasar tapos biglang ako na ngayon ang unti-unting napipikon at nahihiya sa kanya.

Kalat na nga rin kanina pa sa online forum ng university. Isa siya sa President's lister ng Political Science.

Hindi lang din naman kasi 'yon ang dahilan kung bakit siya nasa headline. Duh, anak din kasi siya ng presidente. Siyempre, big deal 'yon sa mga tao.

We all live in a judgmental society.


"Ano na naman?" kunot-noong bungad ko sa kanya.

[Congrats.]


Natigilan ako at parang may humaplos sa puso ko. Siya na nga unang bumati sa akin, sinungitan ko pa. Kailangan ko na talagang maging mabait kay North.


"T-Thank you," nauutal kong sagot.

[Labas ka. Let's go for a picnic.]

"Ha?!"


Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko at hindi na ako nakapag-tsinelas pa sa pagkataranta. Hindi na rin ako nakapagpaalam pa kay Jamila sa pagkabigla ko.

Tumakbo ako hanggang makalabas. Nakita ko siyang naka-pambahay pa habang nakasandal sa kotse niya. Black t-shirt, gray sweat shorts, naka-slides lang na white at siyempre, ang itim niyang hikaw na parang hindi niya hinuhubad. May hawak din siyang basket sa kaliwang kamay niya at nakahawak naman sa cellphone niya na nakatapat sa tainga niya ang isa.


"Ginagawa mo rito? Ang aga . . ." mahinang usal ko.

[To celebrate.]


Humalakhak ako dahil kitang-kita ko ang pag-irap niya. Kumaway ako sa kanya at pumasok muna saglit bago ako lumapit sa kanya.

"Tara na!" excited kong wika at nauna na akong sumakay sa kotse niya.

"Sure ka?" nakangisi niyang tanong.

"Oo nga! Gusto ko nang kumain!"

"Sabi mo 'yan ah," nakangisi pa rin ang mokong.

Tinaasan ko lang siya ng kilay na ikinatawa niya. Umikot siya at sumakay na rin.

May malapit na burol dito sa subdivision. Maraming pumupunta roon dahil mahangin doon at maganda ang tanawin. Pansin ko naman ang mga nakasunod na sasakyan sa amin at kanina ko pa nililingon-lingon ang mga 'yon.

Baka mamaya kaaway 'to ng pamilya nila North—

"They're my guards. Hindi nila tayo hinahabol if that's what you're thinking."

Inismiran ko lang siya at tinuon ko na lang ang tingin ko sa basket. Akmang iaangat ko ang tela nang magsalita na naman siya.

"Mamaya mo na tignan. Excited?" sarkastikong aniya.

"Curious lang naman!" napanguso ako.

Alam kong masungit talaga siya, nakakalimutan ko nga lang minsan. Lalo na kapag ngumingiti siya.

"We're here."

Hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako at bumaba na ako. Tumakbo ako sa malawak na pwesto at dinama ang simoy ng hangin. Nakadipa pa ang mga kamay ko.

"Parang bata."

"Kj," asik ko.

Hindi naman siya nakipagtalo pa. Naglatag siya ng tela sa lapag at pinatong doon ang basket kasama ang mga paper plates at mukhang kubyertos pa na galing sa bahay nila.

"Uy, pancake," anas ko sa sarili ko kaya umupo ako at kumain na.

May whipped cream at maple syrup pa talaga siyang dala. May orange juice pa nga na nakalagay sa tumbler.

Nakatingin lang kami sa view sa harap naming habang kumakain. Walang nagsasalita. Hindi ko alam kung gutom lang ba kami kaya tahimik, o wala lang kaming masabi.

"Congratulations, North," bulalas ko habang nakahiga sa tela dahil tapos na ako kumain.

"Thanks."

"Alam mo? Walang bumati sa akin sa bahay," panimula ko at tumawa ng mahina. "Okay lang naman sa akin. Grades lang naman 'yon. Hindi pa naman ako graduate pero kahit na ganoon, umasa pa rin ako."

"Be proud of yourself. Don't depend your validation on others. Hindi naman nababase ang galing mo sa reaksyon nila."

"Yeah . . . thank you, North."

"You're welcome," he replied. "Lucky for you, you could see your father everyday. I couldn't even see both of my parents even once a week."

"I . . . I'm sorry to hear that," mahinang usal ko.

"Don't be. Sanay na ako. Simula bata pa naman ako busy na sila. I'm just a bit envious."

"Don't worry, North. Nandito naman na ako e. Si Austin din!" ani ko at bumangon mula sa pagkakahiga.

Pabiro kong pinat ang ulo niya at bahagyang ginulo 'yon. Sinamaan niya ako ng tingin sa ginawa ko kaya humalakhak ako.

But to show my gratitude, I hugged him while patting his back.

"You did well, North Sebastian. You did well."

Naramdaman kong nabigla siya sa ginawa ko at hindi siya agad nakalagaw. Then I felt him buried his face on my neck as he wrapped his arms around my waist.

And suddenly, I felt the erratic beating of my heart.

"Meow."

Napabitaw ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Gago?" bulalas ko.

He chuckled. "You cuddled me, barbie," nakangising sambit niya at tumawa pagkatapos ako tignan mula ulo hanggang paa.

That's when I realized that I am wearing a barbie pajama set.

"Bwisit ka talaga, North!" sigaw ko at malakas siyang pinaghahampas na nasasalag naman niya.

My whole afternoon was spent with him. Hindi ko na nga naalala pa 'yung nangyari kaninang umaga e.

Hinatid din ako ni North kaagad pauwi dahil may soccer practice pa raw sila. Pagdating ko sa bahay, may inabot sa akin ang isang katulong.

Inalog ko ang kahon para pakiramdaman kung ano 'yon pero walang tumunog.

"Kanino 'to galing, Ate?" tanong ko sa katulong.

"Kay Sir Austin po. Galing po siya rito kanina. Ang tagal nga pong naghintay. Nainip po siguro kaya umuwi. Hindi niyo raw po kasi nabasa ang chat niya."

"Huh?" gulat kong tanong.

Mabilis kong binuksan ang cellphone ko para tignan kung meron nga ba pero wala naman. May isang message request nga lang.

Pinindot ko 'yon at agad bumungad ang pangalan ni Austin.


Austin Alcantara: Hey! Congrats, Ms. President's Lister! I'm coming to your house later to give you a gift.


The message was sent the minute I woke up. My lips parted in shock. I immediately opened the box and I saw a stuffed toy.

A java chip frappe stuffed toy.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

136K 11.8K 74
Are you dying? Or are you preparing to die? Do you have recently dead loved ones? Do you want to treat them and yourself to a one-of-a-kind funeral...
270K 7.1K 24
[Self-published] "To be Queen is to become a thief." Velvet Vale, with a huge scar on her face, a signature of a non-beauty was captured by the Savag...
The Lost City of Eriendelle بواسطة tin

الخيال (فانتازيا)

387K 12.9K 44
Celestine is the one and only daughter of the King and Queen of Eriendelle. She was hidden from public because she is considered as the miracle of th...
Vera Estelle of Serpentine بواسطة tin

الخيال (فانتازيا)

8K 574 11
Serpentine is a kingdom known for being a blessed land. Because of the salvation of the first Lord of the land thousands of years ago, the people of...