A Very Special Romance (BOOK...

By Jennie_Jem

144K 2.6K 75

Hinahabol ka ng lalaking kinamumuhian mo. Kinasal ka sa lalaking mahal mo na akala mo ay kinamumuhian mo. Ano... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Sorry!
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 35

1.3K 33 1
By Jennie_Jem

EROS' POV

Nakatulala ako sa kawalan, three days na akong naghahanap kay Chaniel, pero wala akong napala. Did something happen? Sobrang natakot ba siya na gagawin ko sa kanya yung ginawa ng Papa niya? Natakot ba siya na mag-cheat ako katulad ng hinala niya nun? I love her, pero parang wala siyang trust sa akin na hindi ko siya sasaktan.

Sinugod ko yung Papa niya nung isang araw, pero naghahanap din siya kay Chaniel na apat na araw ng nawawala. Hinalughog ko yung buong apartment ni Ara, yung kaibigan niya, pero wala rin akong napala. Wala sa Chaniel sa paligid, at lalong-lalo na, wala siya sa tabi ko.

Anong gagawin ko?

Parang isang iglap, nawala lahat. Sobrang saya pa namin, bat ngayon, parang biglang natahimik? May nagawa ba akong kasalanan para turturin niya ng ganito yung puso ko?

Sobrang nag-aalala na ako sa kanya.

"Dad," pinahid ko yung mga luha ko nang marinig ko si Athena na kakapasok lang sa kusina. Kasalukuyan kasi akong nagkakape, pero wala naman akong iniinom dahil umiiyak lang ako. I've been crying since I can't find Chaniel.

"Yes, baby?" nagsimula nang umiyak si Athena.

"Is Mommy coming home? Why she's not here for almost one week? Iniwan na niya ba tayo? May nagawa ba tayong kasalanan? Hindi na niya ba tayo mahal?" umiling-iling na rin ako kasabay ng pag-iyak ni Athena, ay kahit anong pigil ko, tumutulo talaga tong pesteng mga luha ko.

"Hindi ko alam, Athena." Hindi ko alam kung bakit biglaan ang pagkawala niya sa akin. Na wala man lang paalam? Sana nagpaalam siya? Para maitama ko yung pagkakamali ko na sa sobrang hindi ko alam, ang NAKAKASAKIT TALAGA.

"She said in her letter," namilog yung mga mata ko sa sulat na hawak ni Athena na inabot niya sa akin. Kaagad ko yung kinuha, at wasak na yung envelope dahil mukhang binasa ni Athena ng una.

My Dearest Eros,

Please, huwag mo na akong hanapin. Hindi mo ako deserve. May mga malalaking kasalanan ako nagawa, at kailangan kong hanapin yung sarili ko. Let's just break this up, and never find me again. Natatakot ako, I realized, hindi pa talaga ako ready bumuo ng pamilya. Hanapin mo yung babae para sa'yo. Let me go, and I'm sorry.

-Chaniel

OHGOD! Did I...Did I read a true letter from Chaniel? Anong may mga malalaking kasalanan siyang nagawa? What sort of mistakes? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Kailangan bang wala ako sa tabi niya para hanapin ang sarili niya? SYET! My heart is breaking into thin sheet pf pieces!

Let's just break this up and never find me again? Ibig sabihin, gusto niyang maghiwalay kami at hindi na magiging isa muli? WHAT!? Makatarungan ba 'to?!

ANO BANG KASALANAN ANG NAGAWA NIYA AT KAILANGAN TALAGANG GANITO?! Ganun ba kalaki yun para maghiwalay kami? Ang dami kong tanong, pero niisa nito, wala ako kasagutan? Hindi ba siya nagtitiwala sa akin na tutulungan ko siyang linisin yung kasalanan niya?

Kinuyumos ko yun sulat, at niyakap kaagad si Athena.

"She did not say I love you," naluluha kong sabi. Bakit? Anong bang kasalanan ang nagawa ko? I made everything for her special! Oo, pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako? At OO mahal niya ako. I believed in her love. Hindi ako susuko sa paghahanap sa kanya.

I love her, at kapag nagmamahal ka, pinaglalaban mo yun.

"Anak, sino ang nagbigay sa'yo nito? Nakaalis na ba yung mail man?"

"Hindi po, naglalaro ako sa labas kasama si Yaya, beach volleyball kung baga, nang mapunta sa may gate yung bola, nakita ko po yun. Wala naman nakasulat sa enevelope, kaya binasa ko. Totoo po ba? Hindi na babalik si Mommy?"

"No, hahanapin natin siya. Hahanapin ko siya, at ibabalik dito."

"Promise?" inabot niya sa akin ang pinky niya, at yung akin din.

"Promise," I said habang pinunasan yung mga luha sa pisngi niya. "Huwag ka nang umiyak, ha.

If she's not ready to have a family, hindi ko siya mamadaliin. Basta, nandito lang siya sa tabi ko. Iyon ang mahalaga. Tutulungan ko siyang maging handa na bumuo ng pamilya sa akin.

Pero, bakit ngayon lang siya nakaisip ng ganyan? Noong una, sobra-sobra yung pagmamahal na inilaan niya sa amin. Sobra-sobra para bumuo kami ng pamilya. Natakot ba siyang talaga sa ginawa ng Papa niya???? Did she believe na magagawa ko yun? MYGOD, ang dami ko talagang katanungan.

CHANIEL...why? Bakit ngayon pa na sobrang saya na nating dalawa?

Bakit bigla mo akong iniwan at sinasaktan?


GRANDMA'S POV

Nakaupo ako sa isang upuan sa may pool, nakatingin ako kina Yaya at Athena na naglalaro ng beach volleyball daw, dahil beach ball yung ginamit nila.

Nagpapasalamat na lang ako kasi nakangiti na si Athena ngayon, di gaya nung nakaraang mga araw na sobrang iyak niya sa pag-alis ng Mommy niya. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang naglaho si Chaniel. Hindi naman sila nag-aaway ni Eros. Halata naman na sobrang nag-uumapaw yung pagmamahalan nilang dalawa.

I can't even comfort my grandson in his heartaches. Gabi-gabi na lang siyang umiiyak. Bumalik na naman yung kaba ko dahil ganyan din siya nung naghiwalay sila ni Chaniel six years ago, sobrang wasak na wasak at nasasaktan. Walang palya yung pag-iyak, at palagi na lang umiinom. Natatakot akong maranasan niya ulit yun, kasi nasasaktan ako kapag nasasaktan yung apo ko.

Ano bang nagawa ng apo ko para iwan ng babaeng katulad ni Chaniel? Is he not perfect enough? But, hindi ako nagdadalawang isip kay Chaniel, she loved my grandson, I can feel and see it. Ngayon, I don't know really, siguro may paliwanag ang lahat-lahat.

Biglaan naman kasi yung pagkawala niya. Biglaanng paghihiwalay sa gitna ng matinding pagmamahalan.

"Grandma!," biglang lumapit sa akin si Athena na may hawak na dalawang white envelopes. Mukhang mga sulat. "Nakita ko po sa may gate po. Para sa'yo yung isa, may Grandma, eh."

Inabot niya sa akin yung envelope na may Grandma na nakasulat.

"At yung isa?" kunot-noo ako ngayon. Sino namang magpapadala ng sulat sa akin? Uso pa ba yan ngayon? At, parang walang address o kahit kanina galing.

"Baka kay Daddy," tumango ako kay Athena.

"Ibigay mo sa kanya..."

"Okay," kaagad siyang umalis at talon-talon na naglakad.

Walang dalawang isip, binuksan ko yung envelope, at may sulat nga dun.

Dear loving Grandma,

I'm sorry if I fade away na hindi man lang nagpapaalam nang maayos. Sa'yo ko na lang po sasabihin ang gusto kong sabihin kay Eros. Grandma, your grandson don't deserve me. Hindi ako ang dapat para sa kanya. I can feel it coming. Selfish akong pagkatao dahil binigyan ko yung puso ko ng pagkakataon na ibigin siya ulit at magpakasal. Five years ago, I said I don't want Eros to be part of my life ever again. Why? Because...I made a very unforgivable mistake. A mistake that no man can ever forgive me. Kahit sarili ko, hindi ako kayang patawarin. Grandma, I had been pregnant five years ago. Nalaman ko na buntis ako nang maghiwalay kami ni Eros. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero natatakot ako na baka masira yung mga pangarap niya at yung mga pangarap ko. Wala akong napaglabasan ng hinanakit sa loob ko, dahil kakamuhian ako ng pamilya ko sa nangyari. Pumasok ako sa kumbento at doon namalagi ng dalawang buwan. I came up with a decision to abort the child, pero pinigilan ako ng mga madre at sabi nila makakaya kong lagpasan ito.

Ngunit, tingin ko sa buhay ko noon ay isang malaking pasakit. I felt I am broken and no one was there for me. Wala akong nasandalan, I went to the Lord, pero parang pati Siya ay hindi ko naramdaman.

Grandma, I'm sorry...I aborted your grandson's son. Hindi ko inaasahan na mapapatawad ako ng mundo, pero let me find myself and forgive myself. Gusto kong patawarin ang sarili ko, Grandma. Please, help Eros let me go. Help him to forget me. I am broken again, at hindi pa naayos ang pagkawasak ko. I'm sorry, Grandma. Tell Athena I love her, and I love you, too. Don't tell Eros I love him very-very-very much cause I want him to cast me away dahil in the first place, his dream to have a child has been destroyed, at guilty ako dun. Eros will never forgive me. -Chaniel

Tulalang-tulala akong tinutupi ulit yung sulat at kaagad na nilagay sa bulsa ko. Parang yung takbo at yanig ng mundo ay hindi ko naramdaman, parang humihinto yung bawat galaw ng mga baga-bagay. Pati heartbeat ng puso ko, sobrang kabang-kaba.

Abortion? Did she really do that? Gusto kong magalit sa bata sa ginawa niya, pero parang naaawa ako. I can feel her heartaches. Bakit ngayon lang niya sinabi?

Siguro, wala siyang balak na sabihin kay Eros. When Eros chased her, and told her he loves her...sinunggaban niay yung pagkakataon na mayakap yung apo ko habang siya ay may dinadalang pagsisisi. Malaking pagsisisi. My GOD! Chaniel, why did she never tell anyone?

Kaya pala, hindi niya mapatawad-tawad si Eros, or let just say, hindi niya pwedeng ipakita na napatawad na niya si Eros dahil siya ang hindi nagpatawad sa sarili niya. Natatakot siyang malaman ni Eros ang totoong nangyari.

But because she loves my grandson, she married him, kahit...natatakot siya.

Yes, I can feel it, he will never forgive her.

Sa pagkakabasa ko nga lang sa sulat, galit na galit ako...galit na galit...pero mas naaawa ako dun sa bata. Hindi niya alam ang ginagawa niya. Hiniwalayan siya ng apo ko, at hindi niya masabi-sabi rin.

Ganito talaga ang buhay, may maraming lihim. Natatakot tayong magsinungaling pero pilit nating tinatago kasi natatakot tayong hindi mapatawad. Natatakot tayong masaktan yung mga mahal natin, natatakot tayong saktan ng mahal natin kaya tayo mismo ang nanakit sa sarili natin.

Chanile chose to hurt my grandsone now, because she wanted to pay her mistake, at pakiramdam niya, magbabayad siya kapag sinaktan siya ni Eros, yun ay...gusto niyang maghanap si Eros ng babae para sa kanya. At kapag nakahanap na si Eros ay sobrang masasaktan siya, at yun na ang kabayaran niya.

Pero hindi yun ang kabayaran niya...she only need to tell my grandson what happened, at yung apo ko na ang hahatol. Pero, inunahan niya ang pagkakataon. Mas masasaktan siya ng husto kapag ganito. This matter will just need a very serious talk dahil usapang mag-asawa 'to.

Oh my gosh! Bakit ang sekreto ng batang yun? Hindi niya gustong ipakita na nasasaktan siya.

Hindiko rin alam ang nararamdaman ko, bigla na lang sumakit yung puso ko. Hawak nahawak ko yung dibdib ko sabay ungol dahil sa sobrang tinding sakit napumupokpok dito...at bumagsak ako sa sahig na kaagad napapikit sabay yakap ngdilim sa mga mata ko.    


>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Sana mga hindi nagandahan sa story? Thank you dahil nagbabasa pa rin kayo. 

Thank you sa mga nagbabasa.

VOTE.COMMENT.SHARE.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 25.3K 30
SPG Theseus Montenegro is a serious man. Puro business lang laman ng kanyang utak. Hindi mo sya makikitang may kasamang babae. Dating isn't in his vo...
46.8K 1.4K 45
[Completed] | [Under Revision] SYNOPSIS: Si Savannah Toran Davis ay nagmamahal ng isang taong hindi niya inaasahan. Kasabay ng kanyang pagmamahal ay...
1.8M 36.2K 41
Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan akong huminto sa pag aaral at lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho. Pero dahil hindi nakapagtapos ay nahi...
1M 19.5K 43
A Series #2 Siya ay simbolo ng kalawakan. Isang dalaga na naghahangad na makapiling ang magulang sa isang tahanan. Lumaki siyang ang Lola ang nag aa...