Kyla's POV
Naglalakad ako ngayon papasok. Inagahan ko talaga dahil alam kong susunduin ako ni Axel. Nilock ko rin ang mga pinto at bintana sa bahay. Para hindi sila pumasok.
Maiiwasan ko kaya sila ngayon? Eh alam ko naman na lalapitan ako ng mga yun! Hindi ko nalang siguro sila papansinin!
Ng makarating ako sa room ay si Amanda palang ang tao. Saglit syang tumingin sakin pero agad din akong umiwas! Naiinis ako!
Dahil maaga pa lang naman ay pumunta nalang ako sa garden.
"Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala"
Hindi ako sumagot kay Ash. Kahit gusto ko ng magsalita.
"Kyla?"
Tumayo ako at nagsimulang maglakad paalis. Jusme! Ang hirap umiwas. Bumalik na lang ako sa room. Kaso andito naman si Keith! Huhu
"Yo! Best. Aga mo huh!"
Tumingin sakin si Amanda kaya tumingin din ako sa kanya. Parang sinasabi nya na wag akong sasagot o ano!
"Huy!"
Tumuloy nalang ako sa upuan ko. At nagbasa ng libro para hindi pansinin si Keith.
"Kyla?"
"Uy!"
Maya maya ang kalabit nya sakin pero hindi ako lumilingon.
"Bestfriend!"
"Ano ba?!" Nanlaki ang mata nya ng sigawan ko sya. Medyo nasaktan din ako sa ginawa ko. Pero hindi ko iyon pinahalata!
"A-ano s-sabihin ko lang sana na nakabaliktad yung L-libro"
Napatingin ako sa librong hawak ko. Tanga mo Kyla bakit hindi mo iyon napansin!
Inayos ko yung libro at nagpatuloy magbasa hanggang sa magumpisa na ang mga subjects. Napapansin kong tumitingin sakin si Axel. Pero hindi ko sya nililingon.
Lunch na pero sa rooftop ako pumunta. Para hindi ko sila makita.
"Dumaan ako sa bahay nyo kanina pero wala ka na."
Si Axel naman ngayon! Paano ba ako iiwas?!
"Hey.?"
"May problema ba?"
"Wala." Maikli kong sagot at aalis na sana pero hinawakan nya ako sa braso ko.
"Bakit--"
"Importante ba iyang sasabihin mo? Aalis na ako eh!" Walang emosyon kong sabi.
"May nagawa ba ako?"
"Axel Iwasan mo na lang ako"
"What?!" Kita ko ang pagkagulat nya sa sinabi ko. Napatingin ako Kay Ash at Keith na andito na rin. Mukhang narinig din nila ang sinabi ko.
"Kyla anong sinasabi mo?" Tanong ni Ash.
"Si Amanda ba?" Seryosong tanong ni Keith.
Si Axel naman nakatingin lang sakin.
"Hindi nyo ba nakikita? Pag lumalapit ako sa inyo! Napapahamak ako! Kaya please lang layuan nyo nalang ako!" Sabi ko sa kanilang tatlo.
"No!" Matigas na sabi ni Axel.
"Kyla Andito naman kami eh!"
"Hindi iyon sapat Keith. Sige sabihin na nating andyan nga kayo. Ang tanong hanggang kailan?"
Tumahimik si Keith sa sinabi ko.
"Hindi sa lahat ng oras andyan kayo! Kaya mas mabuti ng magiwasan nalang tayo!"
"Kyla wag naman ganito" Hindi ko tinignan si Ash.
"Pagod na yung katawan ko sa mga pananakit nila Amanda! Ayoko na! Baka hindi ko na kayanin ang susunod na gagawin nila sakin!"
"Damn! Ganun ganun na lang?!" Galit na sabi ni Axel.
"Layuan nyo na lang ako please!" Hindi ko na napigilan ang luha ko. At umalis na sa rooftop.
Ang sakit! Ang hirap sabihin ng mga ganung salita. Pakiramdam ko babalik nanaman ako sa pagiging loner. Pumunta ako sa cr at doon umiyak. Alam kong nasaktan ko rin sila. Kahit ayaw ko silang layuan kailangan ko yung gawin para tumigil sila Amanda.
~~*
Magisa akong naglalakad pauwi. Buong subject ay wala akong naintindihan. Nararamdaman ko sa kanilang tatlo na gusto nila akong kausapin kanina.
Napahinto ako ng madaanan ko yung park. Kaya pumunta nalang muna ako doon.
Habang papunta ako sa may bench ay nahagip ko ang dalawang tao na nasa puno. Nagpatuloy akong maglakad napatingin ako ulit sa puno.
Kaya ba pinapalayo nya ako para sya ang lumapit kay Axel?
Napaluha ako ng makitang naghahalikan sila. Ang sakit pala! Parang okay lang sa kanya ang ginagawa nila. Akala ko ba ayaw nya kay Amanda?
Unti-unti ng lumabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko. Naramdaman kong may humila sakin para umalis sa lugar na iyon at niyakap ako.
"Shhh. I'm here"
"K-keith?"
Nanginginig kong sabi.
"Kahit ngayon lang. Hayaan mong yakapin kita para maalis yung sakit pagtapos iiwasan na kita gaya ng sabi mo"
Gusto kong sabihin na 'wag mo akong iwasan please' kasi masakit. Pero ano nga bang magagawa ko? Sinabi ko iyon eh!
Medyo matagal din akong niyakap ni Keith. Madilim na rin at kailangan ko ng umuwi.
Kumalas ako sa pagkakayakap nya at inayos ang uniform ko.
"Salamat" Saad ko at umalis na.
Alam kong meron pa syang gustong sabihin pero hindi ko na iyon pinatapos pa.
Mabilis lumipas ang mga araw at Patuloy kaming nagiiwasan.
Sobrang hirap kahit minsan gusto ko na silang lapitan pero hindi ko magawa.
"Axel dali na kasi pakopya na!" Rinig kong sabi ni Keith may quiz kasi kami ngayon sa math eh.
"Kay Kyla-- tumahimik ka nga Keith!" Sabi ni Axel.
Ilang beses din nilang nababanggit ang pangalan ko pero mabilis nilang iibahin ang sinasabi nila. Ilang beses rin nila akong sinusubukang lapitan pero lumalayo ako.
Minsan nga pasimple akong natatawa pag naririnig ko ang mga corny jokes ni Keith.
Miss na miss ko na nga sila eh. Pero hindi ko pinapakita.
"Axel can we t-talk?"
"Sure" Umalis si Axel kasama si Amanda. Napangiti naman si Amanda habang naglalakad sila.
Mukhang okay na sila.
Lumipat si Keith sa upuan ni Axel kaya magkatabi kami. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin din pala sya sakin. Kaya ako nalang ang umiwas.
"I-i m-miss you Bestfriend" pabulong na sabi ni Keith kaya ako lang ang nakarinig.
Ramdam ko ang lungkot sa boses nya. Hahawakan nya dapat ang kamay ko pero iniwas ko iyon at nagpatuloy sa pagsusulat.
"T-take care always"
Pagtapos nyang sabihin iyon ay bumalik na sya sa upuan nya. Gusto kong maiyak. Sobrang lungkot ng boses nya.
Nagtama ang mata namin ni Ash. Ngumiti sya ng pilit kahit na may gusto syang sabihin.
Pagtapos ng subject namin ay dumiretso ako sa library may kailangan kasi akong tapusin sa Science.
"Kyla Santos?"
Napatingin ako sa lalaking nakasalamin at gulo gulo yung buhok. Messy hair si Kuya!
"Ako nga"
"May nagpapabigay" Inabot nya sakin ang isang fries tapos may dalawang burger tsaka tubig at juice." Wag mo daw pabayaan sarili mo. Tsk. Mga babae talaga"
Kinuha ko yung pagkain tinignan ko kung may pangalan ba para malaman ko kung sino ang nagbigay.
"Sino nagbigay?"
"ABS"
Eh? Ayun ba yung sa lalaki? Abs ha-ha.
K. Corneh!
Pero ABS?
'Axel Blake Smith?'