The Obsessed Guy Pretender

Bởi Ajai_Kim

1.4M 33.9K 2.4K

Russel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person b... Xem Thêm

Obsession #1
Obsession #2
Obsession #3
Obsession #4
Obsession #5
Obsession #6
Obsession #7
Obsession #8
Obsession #9
Obsession #10
Obsession #11
Obsession #12
Obsession #13
Obsession #15
Obsession #16
Obsession #17
Obsession #18
Obsession #19
Obsession #20
Obsession #21
Obsession #22
Obsession #23
Obsession #24
Obsession #25
Obsession #26
Obsession #27
Obsession #28
Obsession #29
Obsession #30
Obsession #31
Obsession #32
Obsession #33
Obsession #34
Obsession #35
Obsession #36
Obsession #37
Obsession #38
Obsession #39
Obsession #40
Obsession #41
Obsession #42
Obsession #43
Obsession #44
Obsession #45
Obsession #46
Obsession #47
Obsession #48
Obsession #49
Obsession #50
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
Author's Note

Obsession #14

30.9K 699 57
Bởi Ajai_Kim

JULIAN'S POV

Hindi ko alam na madali palang mauto si Alanis at napapasunod ko siya sa mga gusto ko. Napakainosente niyang babae at pabor na pabor iyon sa akin. Ayaw niya talagang ipakalat ko ang video nila ni Russel. Talagang pinoprotektahan niya ang ampon ni lolo.

Si Russel na lang ang palaging nakikita nila na nakakairita na!

Kakatapos lang ng practice namin nila Neil nang dumiretso na ako sa locker ko at hindi ko inaasahan na nandoon si Russel na nakasandal sa pader malapit sa locker ko.
Lumapit siya sa akin na may seryosong ekspresyon ng mukha.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.

Ngumiti siya at may ipinakitang video sa akin mula sa cellphone niya.

Video iyon ng halikan nila ni Alanis pero hindi iyon video na nagmula sa akin. Bago lang 'yon. Parang kahapon lang nangyari at rinig na rinig ko pa na sinabi ni Alanis sa video na gusto niya si Russel.

Napakuyom ako ng kamao na mas lalong nagpangisi kay Russel.

"Masakit ba, Julian? Ang tindi mo rin naman, i-bablackmail mo pa si Alanis na ikakalat mo ang video namin na naghahalikan? Edi ipakalat mo. Kayang-kaya ko naman 'yon malusutan dahil katulad mo ay malakas rin ang impluwensya ko sa school na 'to. Kawawa ka naman, desperado ka na." Nang-aasar na sabi niya kaya hindi na ako makapagtimpi pa at sinuntok ko siya dahilan upang mapaupo siya sa sahig.

Mabuti na lang at dalawa lang kaming tao dito sa locker room at walang makakakita sa amin.

Tignan mo nga naman! Nagkukunwari pa siyang mabait sa harapan namin ni Alanis ayon pala ay lalabas rin ang tunay na kulay niya.

"Walanghiya ka! Wala kang pakialam sa mga gagawin ko kay Alanis at 'wag ka nang magkunwaring mabait, Russel dahil noon pa lang ay alam kong baliw ka na! May history ng pagiging baliw ang pamilya mo, hindi ba?" Nakangisi kong sabi.

Bigla itong nagalit sa sinabi ko at ako naman ang sinuntok. Kaagad nagdugo ang labi ko dahil sa ginawa niya.

"Hindi totoo 'yan! At wala kang karapatan kay Alanis dahil sa akin lang siya! At kapag hindi mo pa siya nilubayan ay mapapatay kita!" Nakaramdam ako ng takot dahil sa sigaw at nakakatakot na itsura ni Russel.

Ngayon ko lang nakitang magalit si Russel ng ganito dahil hindi ko pa talaga nakikita kung paano siya magalit.

"Baliw ka nga!" Sigaw ko.

Mas lalo pang dumilim ang mukha niya at sinuntok ulit ako dahilan para mapaupo na ako sa sahig.

"Hindi mo lang matanggap na mas gusto ako ni Alanis kaysa sa'yo. Sige, ipakalat mo ang video namin at ipapakalat ko rin ang lahat ng baho mo sa buong school." Galit na galit na sigaw niya saka ako nito tinalikuran at tuluyan nang umalis.

Tuluyan na akong natakot at napahawi sa buhok ko.

He's not really a saint.

CHLOE'S POV

"Chloe, tama na 'yan. Stop crying na, please? Huwag mo nang iyakan si Uste. There's a lot of guys here na like ka. He doesn't deserve your tears." Pag-aalo sa akin ng friend kong si Tania.

Ilang araw na akong umiiyak dahil kay Uste. Masakit pa rin kasi sa akin na ni-let go ko siya pero ano pa nga bang magagawa ko kung hindi niya ako love? Kaya tanging pag-iyak na lang ang magagawa ko.

Nasa garden kami ngayon kasama ang mga friends ko na sila Tania, Farah at Katie. Kakatapos lang namin magpractice ng cheering at dito muna kami sa garden tumambay.

"Tania is right. Just move-on girl." Sabi naman ni Farah.

Napahikbi akong lalo kaya niyakap ako ni Katie. "Ang hirap niyang makalimutan, girls! Ginawa ko na ang lahat to forget him pero wala talaga. Mas love niya talaga ang girlfriend niya." sabi ko ng malungkot.

"Umiiyak ka na naman?"

Napaangat ako ng tingin at napairap na lang nang si Neil ang makita ko. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Nako, Neil! Hindi pa rin siya maka move-on kay Uste. Nakakabingi na ang iyak nyan!" Sumbong ni Tania kay Neil Furukawa.

Tinignan naman ako ni Neil nang may pag-aalala. "Nandito naman ako, Chloe ko. I-date mo na kasi ako para maka move-on ka na at makalimutan mo na si Uste." Nakangiti niyang sabi. I glared at him.

Neil said for a hundred times na gusto niya raw ako but I don't like him. Why? Dahil maingay siya at hindi pa cool. Nakakahiya pa ang pagkamadaldal niya kahit lalake siya. Mas gusto ko si Uste na matalino na at cool pa. Well, gwapo naman si Neil pero si Uste talaga ang nasa puso ko.

"How many times that I have to told you na ayoko sa'yo? Please stop annoying me!" Iritable kong sabi.

Mukha namang hindi siya naapektuhan sa mga sinasabi ko dahil inakbayan niya lang ako.

Nakatingin lang sa amin ang tatlo kong friend na halatang kinikilig kay Neil. Alam ko naman na crush nila ang gunggong na 'to.

"Maraming beses mo na rin sinabi sa akin 'yan pero wala nang epekto, Chloe. Wala naman akong sinabing gustuhin mo rin ako pero alam ko na magugustuhan mo rin ako." Sabi niya at kinindatan pa ako.

"Asa ka pa!"

Ang lakas talaga ng confidence niya sa sarili kahit na kailan!

"Neil! Tinatawag ka na ni coach. Start na nang practice!" Sigaw nang kateammate niya sa basketball mula sa malayo.

Humarap ito sa akin at biglang hinalikan ang pisngi ko na ikinagulat ko.

"Magpapractice na pala kami, Chloe ko. Pag-isipan mo yung date na inaalok ko sa'yo, ha? Ciao!" Sabi pa niya at umalis na.

Napatili naman ang tatlo kong kaibigan habang ako ay in shock pa rin sa nangyari. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti niya ako ng palihim.

I think Neil is not bad for me at wala naman sigurong masama kung i-date ko siya?

GIO'S POV

"Hoy lalake! Bakit tulala ka na naman?" Puna sa akin ni Lara habang nandito kami sa Canteen.

"Tinatanong mo pa Lara, siyempre namimiss na niyan si Alanis." Sabi naman ni Inah.

Tama ang sinabi ni Inah. Sobrang namimiss ko na si Alanis. Alam nilang may gusto ako kay Alanis pero hanggang pagkakaibigan lang ang turing niya sa akin.

Hindi nito alam na gusto ko siya at wala na rin akong balak ipaalam pa dahil baka masira lang ang friendship naming magkakaibigan nang dahil lang doon.

"Bakit pa kasi kailangan nilang lumipat sa Maynila? Pwede namang dito na lang sila!" Sabi ko at ginulo ang buhok ko sa pagkamiss kay Alanis.

"Sana pala ikaw na lang ang naging papa niya para ikaw na ang masunod kung saan sila titira hahaha!" Sabi ni Inah na ikinatawa rin ni Lara.

Napailing na lang ako.

"Ah, alam ko na!" Sabi naman ni Lara na parang nagkabumbilya ang ulo.

"Anong alam mo na?" Tanong ko.

"Bisitahin natin si Alanis sa Maynila this Saturday kung may free time kayo."

Tila nabuhayan ako sa sinabi ni Lara at napaayos ng upo.

"Wala naman akong gagawin sa sabado kaya pwede ako." Sabi ko.

Tumango si Lara at bumaling naman kay Inah. "Ikaw, Inah?"

"Sorry guys, hindi ako makakapunta, e. Debut kasi ng pinsan ko sa sabado at kailangan na pumunta ako do'n. Kayong dalawa na lang ang bumisita para makita niyo ang mga mahal niyo." tukso niya sa amin. Loko talaga 'to.

"It's settled then. Pupunta tayong dalawa, Mr. Giovanni sa Maynila para hindi ka na matulala diyan." sabi ni Lara sa akin.

"Pabor ka rin naman dahil gusto mong makita si Uste kahit pinupuntahan ka naman niya dito linggo-linggo." Asar ko naman.

Napapabilib nga ako sa boyfriend nitong si Lara dahil kahit long distance relationship sila ay gumagawa talaga iyon ng paraan para makapunta dito sa Masbate kada linggo. Mahal na mahal niya talaga ang kaibigan namin.

"Nahihiya na kasi akong si Uste na lang palagi ang pumupunta rito. Gusto ko naman na i-surprise siya saka gusto kong makita ulit ang Maynila. Ang tagal na kasi simula nang makapunta ako doon."

Hindi pa ako nakakatuntong ng Maynila at sabi nga nila ay maganda raw doon pero kahit kailan ay hindi ko ipagpapalit ang Masbate dahil dito na ako ipinanganak at lumaki.

"Kayo na ang may lovelife! Ako na ang leader ng Single Women's Association." Malungkot na sabi ni Inah pero alam naming nagbibiro lang siya.

"Loko! Sagutin mo na kasi si Rudolfo." At napatawa kami ni Lara dahil sa sinabi niya.

Si Rudolfo kasi ang schoolmate namin na may gusto kay Inah at nanliligaw rin pero hindi siya gusto ni Inah dahil para raw hindi iyon naliligo.

"Yuck! Mas mabuti pang maging boyfriend ko na lang si Bentong kaysa sagutin ko siya. Kadiri kayo!" Nandidiri nitong sabi.

Napatawa na lang ako.

Alanis, makikita na rin kita ulit at aamin na ako ng nararamdaman ko para sa'yo. Hindi ko na kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko sa'yo.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

496 160 17
Eva met Aldrei in a very unexpected way. She remembered his name thinking that she would never see him again. But, their paths met again when she ent...
312K 5.8K 53
Ang pinakamasayang parte ay ang paghahabol. Chasing him is like breathing oxygen. Chasing him is like riding a bicycle. Chasing him is like still wan...
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
3.1K 195 18
Luther versoul, the alpha king who ruled the entire wolves in the world who's in need of a luna. He want her to be skilled and mindful who can be hi...