Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

Bởi krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... Xem Thêm

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Three
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Six
ShamEul- Eight
ShamEul- Nine
ShamEul- Ten
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Sixteen [flashback]
ShamEul- Seventeen [flashback]
ShamEul- Eighteen [flashback end]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty
ShamEul- Twenty One
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]
Epilogue

ShamEul- Seven

3.8K 62 13
Bởi krizemman

Authors Note:

Napublished na ito under Rising Star Enterprise. Kaya kailangan ko ng magbura ng ilang chapter. Sana suportahan niyo din ang book ng Magkabilang Mundo. Salamat.

Available at 7-eleven, Pandayan, National Bookstores, Expressions & in all leading book stores and newsstands nationwide. P149.00

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

hamEul- Seven

NICO POV

Nagising ako ng maramdaman kong tila may nakatingin sa akin. Alam ko naman na dito ako sa kwarto ng mga babae na natulog para samahan sila, lalo na si Nikki. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko para tingnan kong gising pa din ba siya. Pero pag dilat ng mga mata ko ibang mukha ng babae ang nakita ko na nasa tabi ko.

"WHAAAAAAAAAA!!!"

Sa gulat ko kaya napasigaw ako ng malakas sabay balikwas ng bangon. Tumayo ako at lumayo sa kama ni Nikki habang nakatitig sa babaeng naka higa pa din sa pwesto ng pinsan ko. Pakiramdam ko bawat hibla ng buhok sa katawan ko ay nagtayuan, pati kaluluwa ko'y parang gustong humiwalay sa katawang lupa ko dahil sa takot. Ang mga mata kong dilat na dilat na kulang na lang ay lumuwa na. Nanatiling nakatingin pa din ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Ang katawan ko na ramdam ko ang panginginig. Ang bilis ng tibok ng puso ko kaya pati paghinga ko ay habol habol ko na.

Nakakatakot siya, yung mga mata nyang nakatitig sakin na hindi man lang nakurap ang maduming damit na nag kulay brown dahil sa dumi ng putik. Ang kulay ng kanyang balat na maputlang maputla. Hindi pa din siya nagalaw, nakahiga pa din siya sa kama.

Dahan dahan akong umatras palayo sa kama habang nakatingin pa din dun sa babae. Sa nginig ng katawan ko, sa takot na nararamdaman ko, hindi ko na alam kung saan direksyon ako patungo. Pakiwari ko parang nag iisa lang ako ngayon, yung mga pinsan ko nakikita ko pang mga natutulog bukod kay Nikki na hindi ko nakita. 'Bakit hindi sila gumigising? Hindi ba nila narinig ang sigaw ko'

Sa kaaatras ko, bigla akong na buwal. Tiningnan ko kung ano yung bagay na naka harang kung bakit ako nandito sa sahig. 'B-binti ng i-isang babae' sinundan ko ng tingin kung sino nag mamay ari nun. Dahil nakadapa yung babae kaya hinawakan ko sa magkabilang balikat para ibaling ito paharap sakin. Bigla ko itong nabitiwan at agad akong napaatras palayo, dahil mukha ng babaeng mahabang buhok ang nakita ko.

Habang nakaupo ako sa may sahig, tuloy pa din ako sa pag atras palayo sa babae. Dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko, hindi ko na nagawang tumayo pa, pakiwari ko wala ng lakas ang mga tuhod ko. Nanatili pa din nakahiga ang babae habang nakatingin pa din siya sakin.

Hindi ko na namalayan sa sobrang pag atras, nabangga na ako sa pader. Pero pag angat ng tingin ko, nasa may pintuan na ako. Nakaramdam ako ng konting pag asa na makalayo dun sa babaeng nakakatakot at hindi ko kilala kung sino man siya.

Mabilis akong tumayo, binuksan ang pinto, agad lumabas ng kwarto. Didiretso sana ako sa kwarto namin ni Eul ng maalala kong maaring masundan ako nung babae. Kaya nag desisyon ako na bumaba ng hagdan pababa ng bahay.

Pero bago ako bumaba ng hagdan, nakita ko na naman yung babae sa baba nun. Kaya bumaling na ako pabalik, pero pagharap ko, nasa harap ko na sya. Naramdaman ko lang na itinulak nya ako pababa.

Halos maalog ang utak ko sa loob ng ulo ko, dahil kada baitang, tumatama ito doon. 'Dito na ba ako mamatay? Ito na ata ang katapusan ko na wala man lang kalaban laban'

Bigla nang tumigil ang pag gulong ko pababa. Kaya naman pilit kong minumulat ang dalawang mata ko, pero hindi ko na magawa. Hindi ko na alam kung ano pang sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

-----

ARAIL POV

~~Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapasayo lang ang pag ibig na alay sayo
Ang awit na ito,
Ay awit ko sayo
Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo~~

Hindi ko na pinatapos yung kanta agad ko ng sinagot yung tawag. 'Kahit kailan talaga itong babae na 'to, istorbo sa pagtulog' tiningnan ko muna ang oras bago ako magsalita '6 na pala ng umaga, tsss napasarap ata tulog ko dahil sa nangyari kagabi'

"Hello Andree" Walang emosyong sagot ko.

[Hoy Arail asan ka ba? bakit sabi ng maid nyo wala ka daw sa bahay pagtawag ko!] Pasigaw na bungad nya. 'Kaibigan ko nga siya, mahilig din sumigaw'

"Andito kami sa cavite, nagbabakasyon, bakit ka ba tumawag? ang aga aga mong mangistorbo!" asar na usal ko.

[Ang sungit mo naman, aba malay ko bang andiyan kayo! Taena hindi mo man lang ako isinama, pwede bang sumunod na lang ako dyan, bigay mo sakin yung address para magpapahatid ako ngayon papunta dyan.] Kulit pa niya.

"H'wag ka ng sumunod dito, baka umuwi na din kami agad, sige na baba ko na 'to istorbo ka lang"

[Tang na mo Arail hahaha, sige na hintayin na lang kita makauwi, may pakikila ako sayong gwapong] malanding usal niya.

"Pakyuh ka Andree, baba ko na'to" Hindi ko na hinintay pang sumagot ang isang yun, dahil siguradong hindi siya magpapatalo makipag trashtalk. 'Tsss sino naman kayang pakikila nun sa akin?' Bumango ako at iniayos ko na din yung kama bago magpunta ng cr. Tiningnan ko din mga pinsan ko kung may mga gising na, pero parang ako pa lang ang gising.

Bumaling ako sa higaan ni Nikki pero tulog pa ito. Pumasok na ako ng cr nang maalala ko na kasama nga pala namin si Nico na matulog. 'Parang hindi ko napansin si Nico sa tabi ni Nikki'

Wala nga si Nico. Dahil siya agad ang hinanap ko pagkalabas mula sa cr. 'Asan naman kaya ang isang yun?'

Lumabas ako ng kwarto para hanapin siya. Bago pa naman ako makababa ng hagdan nakita ko na nakahiga ito sa isang mahabang upuan na andoon sa sala. 'Anong ginagawa niya dyan? Nalasing ata talaga siya sa lambanog na ininum namin kagabi? Pero parang hindi naman, dahil sa nangyari kay Nikki siguradong nawala lahat ng tama namin' mabilis akong bumaba para gisingin siya. Paglapit ko, akmang gigisingin ko na si Nico ng may mapansin akong dumi sa pisngi nya. 'Saan naman kaya nagsuot itong isa na 'to at ang dumi ng pisngi.'

"Nico...Nico...Nico" Paulit ulit na tawag ko habang tinatapik siya sa balikat "Hoy gising, bakit ka dito natutulog" alog ko na sa kanya, pero hindi pa din siya nagigising. "Nico gising!!" pasigaw kong tawag sa kanya. Kinakabahan na ako dahil hindi naman mahirap gisingin si Nico. Dahil sa kaba ko kaya napapalakas na yung tawag ko sa kanya. "NICO!!" Ang lakas ng kaba ko, kung ano anong mga pangit na bagay ang pumapasok sa isip ko.

"NICO!!"

"Hey, anong nangyayari dyan?" Nakita ko si Mylene pababa ng hagdan.

"Si Nico kasi ang hirap gisingin" sagot ko habang pababa siya ng hagdan. Pagkasabi ko nun, mabilis siya naglakad pababa.

"Nico!!" Gising nya din. "Bakit may dumi yung mukha nya, at saka bakit dito siya natutulog, diba sa kwarto yan nahiga katabi pa ni Nikki kagabi?"

"Hindi ko din alam, pag gising ko wala na sya sa kwarto natin, kaya hinanap ko. Dito ko siya nakitang natutulog" usal ko habang may kaba pa din sa dibdib ko. "Ginigising ko pero ang hirap nyang gisingin. Pano kung hindi na yan magising"

Yumuko si Mylene, idinikit nya yung kaliwang tenga nya sa dibdib ni Nico. "Buhay pa siya, malakas pa naman yung tibok ng puso nya. Baka sadyang napasarap lang yung tulog nito." Nakahinga ako ng maluwag ng sinabi nyang buhay pa si Nico. Natakot ako na baka binangungot na yung pinsan namin.

Muli namin ginising si Nico. "Hoy Nico gumising ka na dyan!!" Sigaw nya sabay yugyog ng malakas na may kasama pang tampal sa pisngi.

"WHHAAAAAAAAA LUMAYO KA!! H'WAG KANG LALAPIT!! H'WAG MO AKONG HAWAKAN!!"

Nagulat kami ni Mylene at napaatras kay Nico, ng bigla itong bumangon at nagsisigaw ng malakas.

"LUMAYO KA, H'WAG MO AKONG LALAPITAN!!" Sigaw nya habang nakaupo siya at nakayuko, habang ang dalawang kamay nya ay nakaunat na tila may pinipigilan na lumapit sa kanya.

"Nico kami 'to" mahinahong usal ko. Habang malakas pa din ang kabog ng dibdib ko. Lalapit na sana ako ng makita kong mabilis na bumaba ang mga pinsa ko sa hagdan.

"Anong nangyayari dito? Bakit nagsisigaw si Nico?" Takang tanong ni Eul ng makalapit sa amin. Hindi pa kami nakakasagot ng lumapit na siya kay Nico. "Bro ako 'to, ano bang nangyayari sayo? Anong problema?" mahinahong kausap nya sa pinsan naming si Nico, habang ito'y patuloy na nagsisigaw ng paulit ulit.

Patuloy pa din si Eul sa ginagawa nyang pag kausap. Pero tila balewa lang, dahil tuloy pa din ito sa pag sigaw na layuan siya. Takot, awa at pag aalala ang nararamdaman ko sa mga orasna ito. Alam kong ganun din ang iba.

"S-simula ng dumating tayo dito kung ano anong k-kababalaghan ang mga nararanasan natin. Ilang araw pa lang tayo dito pero sunod sunod na yung mga nangyayari satin dito na hindi normal" naiiyak na usal ni Aira na nasa likuran ko. dahilan para mapalingon kami sa kanya.

'Tama siya, hindi normal yung mga nangyari sa amin. hindi kaya may nagmumulto dito at totoong may nakita si Nikki? Hindi kaya yun din ang nagpakita kay Nico' Maaring ganun nga ang nangyari kaya siya nagkakaganyan ngayon.

BOOOGSH

BLAAAAG

Napatingin kaming lahat sa gawi nung dalawang lalaki. Sinuntok pala ni Eul si Nico, dahilan para bumagsak ito sa sahig. Tila nahimasmasan naman ito sa ginawang pagsuntok sa kanya.

"Bro pasensiya na" Hinging paumanhin niya. Nakaupo pa din si Nico sa sahig na tila litong lito. "Bro" sabay abot nya ng kanang kamay nya kay Nico. Iniabot naman ito at tinulungang tumayo.

"Kukuha lang ako ng tubig" paalam ko. Mabilis akong naglakad patungong kusina, diretso ako sa ref para kumuha ng maiinum namin. Kumuka ako ng isang baso at isang pitsel ng tubig.

Pagbalik ko tahimik na silang nakaupo sa sofa. "Uminum ka muna" abot ko kay Nico ng isang basong tubig. "Ano bang nangyayari sayo Nico, bakit dito ka sa baba natulog, hindi ba kasama ka namin natulog sa taas?" Umpisang tanong ko ng makaupo na ako at nakainum na din siya ng tubig.

Lahat kami naka upo lang at naghihintay ng paliwanag niya.

"Ang natatandaan ko, magkatabi kami ni Nikki matulog, hinintay ko pa nga siyang makatulog bago ako. Nang makatulog na ako, hindi ko alam kung panaginip o totoo. Pakiramdam ko may nakatingin sakin. kaya dumilat ako, pero pagmulat ng mga mata ko, hindi si Nikki ang nakitan kong katabi ko at nakatingin sakin. Kundi isang babaeng nakakatakot ang mukha, nakakatakot yung mga tingin nya sakin." Simula nya, na halata ang takot. Nanginginig yung mga kamay nya habang hawak ang basong may tubig. Kahit ako nangilabot sa mga sinabi nya. "Yung mga mata nya namumula" usal nya pa, sabay inum ng tubig.

"Paano ka naman nakarating dito sa baba? Bakit marumi yang mukha mo?" Tanong naman ni Mylene. Lahat kami tahimik lang nakikinig sa kanya.

Hindi muna siya sumagot, pilit inaalala nya yung mga nangyari. Hinawakan nya din yung mukha nya na may dumi na tila putik.

"Naalala ko sinundan ako ng babae, nang makalabas ako ng kwarto niyo." sabay tingin nya kay Mylene "Pababa na sana ako ng hagdan ng makita ko siyang nakatayo sa baba, sa takot ko kaya naisip kong bumalik na lang sa kwarto. Pero paglingon ko, nasa harap ko na siya. Tapos tinulak nya ako, naramdaman ko pa ngang tumatama yung ulo ko sa bawat kanto ng hagdan." Tapos humawak sa ulo nya. "Ang natatandaan ko iniwan nya ako sa baba tapos nawalan na ako ng malay"

"Pero paano kang napunta dito sa upuan. Hindi kaya panaginip lang yun bro?" Eul "May masakit ba sayo?"

Muling pinakiramdam nya yung sarili nya. "Wala akong nararamdamang sakit, pero kung panaginip nga yun bakit siya nagpakita sakin."

Walang isa man nakasagot sa amin sa tanong nynang iyon.

"Umuwi na tayo" Biglang usal ni Nikki "Sabi ko sa inyo totoong yung nakita ko, bumalik na tayo sa manila" nagsimula na siyang umiyak. "Hihintayin nyo pa bang may mapahamak sa atin dito sa bahay na 'to"

Tumayo na agad siya at patakbong umakyat patungong kwarto. Tumayo na din ako para sundan siya.

"Mag ayos na kayo ng mga gamit, babalik na tayo ng manila. Maraming ng nangyari sa atin dito ng ilang araw pa lng, ayoko ng magtagal dito sa bahay na 'to" Usal ko bago umalis sa may sala at sundan si Nikki.

Dahil ayoko na din magtagal dito, nakakaramdam na din ako ng takot. Dahil base sa kwento ni Nico maaari kaming saktan ng kung anong nilalang na yun. Kaya nagpasya na akong yayain na silang bumalik sa manila, ayoko ng may sumunod pa kina Nikki at Nico na mapahamak.

"Huhuhuhu"

Pagpasok ko ng kwarto nakita kong nakaupo si Nikki sa kama habang umiiyak.

"Nikki" tawag ko pero hindi nya ako nilingon. Kaya lumapit na ako para tabihan siya.

"Arail ayoko na dito, natatakot na talaga ako, maalala ko lang yung babae, nanginginig na ako sa takot." saad nya sa pagitan ng kanyang pag iyak. Kinabig ko siya palapit sa akin para yakapin at upang mahimasmasan siya.

"Oo Nikki uuwi na tayo. Kaya pag katapos natin na mag ayos ng mga gamit, aalis na tayo agad dito sa bahay na 'to."

Tumayo na ako para mag ayos ng mga gamit namin ni Nikki. Habang nag aayos ako yun naman ang pumasok si Eul sa kwarto.

"Mag impake ka na Eul ng mga gamit nyo ni Nico, para makaalis na tayo agad dito."

"Pero Arail may ilang araw pa tayo dito bago umuwi?" Napahinto ako sa ginagawa ko dahil sinabi niya.

"Eul alam mo ba yang mga sinasabi mo? Ayaw mo pang bumalik tayo ng manila kahit ganto na yung nangyayari sa mga pinsan natin?" Naasar kong tanong sa kanya, dahil parang ayaw nya pang umalis sa lugar na 'to.

"Hindi naman sa ganun, may ilang araw pa naman tayo para manatili dito. Bakit hindi na lang natin tapusin?" Eul

Lalo akong nainis sa mga pinagsasabi nya. "Eul Cyrus wala tayong pinirmahan na kontrata, para tapusin natin yung ilang araw na panantili natin dito! Nakita mo naman siguro kung anong nangyari dyan kay Nikki" Turo ko sa naiyak kong pinsan. "At kay Nico na akala mo baliw na nagwawala dahil sa sobrang takot. Tapos ngayon sasabihin mo may ilang araw pa. Baka naman sa ilang araw na yun, si Mylene, si Aira o ako naman ang parang baliw dahil sa sobrang takot kapag nagpakita na yung babaeng nagpakita sa dalawa!!" Galit na usal ko sa harapan nya.

Hindi na sumagot si Eul sa mga sinabi ko. Lumabas na agad siya ng kwarto, muli kong itinuloy ang ginawa ko ng pumasok na din si Aira at Mylene.

"Anong ginawa ni Eul dito?" Mylene

"Mukhang ayaw pa nyang umuwi, kesyo may ilang araw pa daw tayong natitira, bakit hindi na lang daw natin tapusin. Nababaliw na ata yung isa na yun." sagot ko "Ayosin nyo na din yung mga gamit nyo, para makabalik na agad tayo ng manila"

"Sige"

Nagsimula na din silang nag impake ng mga gamit nila. Nang matapos na akong mag ayos. lumabas na ako para tingnan kung nakapag impake na din si Eul ng mga gamit nila ni Nico.

'Mabuti naman naka ayos na din pala siya' Nakita ko na yung mga maleta nilang dalawa sa baba. Nakita ko din silang dalawa ni Nico sa labas at kausap si tatay Jess. Kaya bumalik ulit ako sa kwarto.

"Ok na ba? Wala na ba kayong nakalimutan?" Ako

"Wala na, Nikki, Aira tara na, ibaba na natin tong mga gamit natin sa baba. Tapos magpaalam na tayo kay Tatay Jess." Mylene

Sabay sabay na kaming bumaba bitbit yung mga maleta.

*****


Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

29.3K 342 10
COMPLETED | Ang gusto mo lang naman talaga nung una eh makapasok ng soccer team kaya kahit ano ginawa mo para makapasok lang matanggap ka sa team. Ka...
4.7K 435 37
"Isa lamang akong instrumento at ang Diyos ang dapat mong mas ibigin, higit pa kanino, higit pa sa akin."
17M 234K 103
I hope this book may help us to know more tips and secret facts here on earth. Lahat naman po tayo ay gustong mapadali ang mga gawain o di kaya ay gu...
494K 10.5K 61
Isang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isan...