TIME BETWEEN US

By xristianbryan25

58.6K 1.9K 1.3K

Magkatagpo kaya tayo sa kabila ng magkaiba ang ating oras at panahon....... More

TEASER
Time Between Us - 1
Time Between Us - 2
Time Between Us - 3
Time Between Us - 4
Time Between Us - 5
Time Between Us - 6
Time Between Us - 7
Time Between Us - 8
Time Between Us - 9
Time Between Us - 10
Time Between Us - 11
Time Between Us - 12
Time Between Us - 13
Time Between Us - 15 (Finale)

Time Between Us - 14

2.6K 99 49
By xristianbryan25

December 31, 2005 10:00AM

Araw ng libing ni Nasser.

Si Ressan ang pinakahuling nagsalita sa misa para sa libing ng kapatid. Halos hindi niya mabigkas ng maayos ang mga salitang binibitawan dahil sa pagiyak. Lahat ng naroon sa misa ay bakas ang kalungkutang nararamdaman. Kasam naman ni Monique ang dalawa niyang kaibigan na katabi niya sa upuan. Lahat ng kamag anak ni nasser ay naroon sa harapan na lahat ay naluluha.

Walang patid din ang pagtulo ng luha ni monique maging ang kanyang dalawang kaibigan.

Sa sementeryo ay halos himatayin na sa pagdadalamhati ang mama ni ressan habang yakap niya ito. Halos magsisigaw na ang mag-ina ng buksan ang kabaong para sa huling bendisyon at pamamaalam ng lahat ng kapamilya. Maging si monique ay lumapit at nag alay ng salitang pamamaalam bago ito ibaba sa hukay.

Nasa likod ni Monique si Ressan na lumuluha lang.

" Paalam nasser.....sa apat na araw na nakakausap kita ay nabigyan mo ng kaunting saya ang nararamdaman kong lungkot dahil sa maling pag-ibig. Hindi man tayo magkaharap sa panahong iyon ay naipakita mo sa akin ang kahulugan ng salitang. Life is Beautiful no matter what.....hindi natatapos ang lahat dito nasser ang magandang naging buhay mo katulad ng mga naging karanasan nating pagkabigo sa pag-ibig ay bumangon tayo....paalam kaibigan....mami-miss kita, mami-miss ko ang tinig mo ang kakulitan at pang-aasar mo sa loob ng apat na araw ay nagbigay kaligayahan at ngiti sa akin....paalam sa iyong paglalakbay. Paalam kaibigan..."

Agad inihanda ang pagbaba sa hukay ng kabaong ni nasser at doon na nahimatay ang mama niya. Isa isang naghulog ng bulaklak ang mga tao at nagpalipad ng mga puting lobo.

Impit na iyak ang maririnig habang tinatabunan na ng lupa ang kabaong ni nasser. Doon lamang umalis si Monique at kanyang mga kaibigan. Sa kotse ng asawa ni rezza sila sumakay at nagpahatid muli si Monique sa bahay nina ressan kung saan nauna na ang mga kaanak ng namatay.

Pagkahatid ay tumuloy na rin ang mga kaibigan niya sa dahilang bisperas ng bagong taon.

Agad siyang sinalubong ni Ressan ng makita siyang papasok ng gate.

" Bumalik ka monique? May naiwan ka ba?"

" Ummm wala naman....bawal bang bumalik?"

Bahagyang natawa si Ressan. Ang mga batang pamangkin naman ni ressan sa mga pinsan ay hinawakan sa kamay si monique at hinila na papasok ng bahay. Nagkatinginang nakangiti na lang sila ni ressan.

Nagla lunch na ang pamilya kaya pati si monique ay kasali na rin at katabi si ressan.

" Tito lessan atawa mo po tya?" Tanong ng maliit na batang lalaki na pamangkin ni ressan kaya naubo ang binata.

" Hindi ko siya asawa buboy...kaibigan pa lang." Natawa na lang ang mga nakarinig.

" An danda danda po nya kati! Tana po mag atawa kayo paya may kayayo na ato bago."

" Ang batang ito kaliit alam na ang mga asa-asawa na yan!" Puna ng lolo nito na kapatid ng mama ni ressan.

" Ganyan na ang mga bata ngayon ang daming alam......iha....monique.....saan ka magbabagong taon?"

" Ah  tita mamaya pong pag uwi ko sa apt aalis din ako pauwi ng prov sa laguna nandoon po kasi family ko."

" Ay ganun ba....sayang kala ko puwede ka naming makasama ni ressan at buong pamilya....maski nagluluksa kami....gusto pa rin namin salubungin ang bagong taon na masaya."

" Ganun po ba....dont woryy po....pagbalik ko dadalaw ako ulit dito."

" Dapat andito ka next wk sa pasiyam ni kuya."

" Oo ba....yun lang pala eh."

" Yesss!" Mahinang sabi ni ressan na narinig ng ina niya kaya napangiti ito.

Bandang ala una ay nagpaalam na si monique. Ngunit muli siyang inihatid ni Ressan sa kanyang apt kaya hindi na siya nakatanggi. Hanggang sa terminal ng bus ay inihatid siya dahil pahirapan ang pagsakay at bisperas ng bagong taon.

" Ressan....salamat sa paghatid."

" Walang anuman....puwede ba kitang ma text o matawagan mamaya?"

" Oo naman.....happy new yr sayo ressan....huwag kang malungkot sa nangyari....tuloy lang ang buhay....basta fight lang ng fight!"

" Salamat....hindi mo maialis ang lungkot kasi sariwa pa pero pipilitin kong magpakatatag. Happy new yr din....ingat ka." Agad niyakap ni ressan ng mahigpit si monique na ikinabigla nito.

" Sakay ka na baka maubusan ka ng upuan. Hintayin ko na makaalis ng bus.....asahan mo ang tawag ko mamaya."

" Sige....ingat ka din. See you next wk. Linggo ang luwas ko ulit."

Agad naman nakaupo si monique sa lugar kung saan nakikita niya si Ressan. Kumakaway pa itong nakangiti sa kanya na kinawayan din niya. Hanggang sa nakalabas na ng terminal ang bus saka na din umalis si ressan.

-----------------------------------------------------
Sa lugar ng mga kupido.....

" Malapit na ang bagong taon Upi.....masaya akong nagtagumpay ka sa iyong misyon. Sa pagpatak ng bagong taon ay isa ka na uling kupidong manlalakbay ng panahon."

" Salamat po bossing.....sigurado po ba na ang dalaga at binata sa huli kong misyon ay magkakatuluyan?"

" Sa ngayon hindi ko masasagot iyan....nagawa mong magkaroon ng damdamin sila sa isat-isa at nagtagumpay ka dun. Pero sila ang gumagawa ng kanilang sariling tadhana.....sa pagdating ng panahon malalaman natin. Tandaan mo palagi.....
" May mga itinakdang magkakilala at magmahalan habang buhay pero meron ding hindi itinakdang magsama ng habang buhay." Hintayin natin kung saan hahantong ang kanilang samahan."

" Salamat po bossing....masaya po ako na babalik na ako sa dati kong tungkulin."

----------------------------------------------------
Muling nakabalik ng maynila si monique at sa terminal ay muli siyang sinundo ni ressan.

" Ano ka ba? Di naman kita nire-require na sunduin ako."

" Ok lang yun....wala naman akong ginagawa. Saka ok lang naman sa tito ko na gamitin ko itong sasakyan habang nandito pa ako sa pilipinas."

Sa narinig ay tila nabigla si monique. May lungkot siyang naramdaman sa dahilang aalis pala ang binatang hindi pa man matagal niyang kakilala ay may iba na siyang nararamdaman dito.

" Babalik ka pa sa work mo sa abroad? Pano ang mama mo?"

" May isa pa kasi akong kontrata eh....bahala na mga susunod....kasama naman ni mama yung kapatid niyang walang asawa at may mga anak din katabi lang namin ang bahay kaya walang problema. Magtuturo pa din si mama sa school kaya malilibang siya maski papano na wala na din si kuya."

" Ah...ganun ba."

Nanibago si ressan sa biglang tahimik ni monique kaya naisip niyang asarin ito.

" Bakit mami miss mo ba ako babe!"

" Tsura mo noh! Huwag mo nga akong tawaging babe! Ang kuya mo lang may karapatan tawagin akong babe!"

" Ouchhh! Sakit naman babe! Pls ako din payagan mo ng tawagin kitang babe!"

" Ewan ko sayo!" Kunwaring inarte ni monique pero halatang kinikilig kaya napangiti si ressan.

Tulad ng ipinangako ni monique ay naroon siya sa pasiyam.

Muli niyang nakasama ang.mga kamag anak ni ressan na magiliw na magiliw ang pakitungo sa kanya.

Sa pagdaan ng mga araw ay mas lalong nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Palaging sinusundo ni ressan si monique sa trabaho nito at nagkakasama sila sa ilang lakaran. Maging sa laguna ay nakarating na rin si ressan. Dahil dun ay mas tumindi na ang nararamdaman ng dalawa na pagtingin sa isat-isa.

Hanggang sa sumapit ang araw ng pagbalik ni ressan sa Dubai.
Kasama si monique sa mga naghatid sa binata sa airport.

Makikitang may lungkot sa mama ni ressan ngunit pinipigilan nito. Nagyakapan ang dalawa kaya naiyak na ang ale.

Lumapit din si ressan kay monique....

" Ummm....monique ...paalam na muna....ingat ka....pasensya na kelangan kong bumalik may contract pa kasi ako. Pero lagi kitang tatawagan ha. Babalitaan mo ako mga lakad ng barkada mo."

" Sige ressan.....salamat sa lahat....mag iingat ka doon."

" Salamat." At mahinang pisil sa kamay ang ibinigay ni ressan kay monique at yumakap ng bahagya at humiwalay din. Tumalikod na ito dahil sa nalulungkot ayaw niyang maluha. Hanggang sa narinig niyang tinawag siyang muli ni monique. Paglingon niya ay mabilis itong lumapit sa kanya.

" Bakit monique?" Hindi naman masyadong makatitig si monique sa binata.

" Ah eh......kasi......"

" Anong kasi?"

" Kasi ano eh.....oo.."

" Ha? Anong oo?"

" Ay engot naman netoh! Oo na sinasagot na kita!"

Agad naman nanlaki ang mata ni ressan.

" HA! TALAGA! GUSTO MONG SABIHIN OO TAYO NA?! GF NA KITA MAGSYOTA NA TAYO??!"

" Oo sabi ang kulit! Huwag ka ngang maingay! Nakakahiya sa mga tao!"

Ngunit lalo pang napasigaw si Ressan at yumakap pa ng buong higpit sa dalaga.

Palakpakan naman ang ilang nakasaksi at ang mga kaanak ni ressan. Hanggang sa tinawag na ang flight ni ressan.

" Salamat monique....mahal na mahal kita....ipinapangako ko na babalik ako.....salamat sa pagmamahal."

Muling niyakap ni ressan si monique at di na nakapagpigil na halikan ito sa labi na tinugunan naman ng dalaga.

Naglakad na si ressan papasok sa departure area na masaya habang kumakaway kay monique. Lumapit ang mama ni ressan sa dalaga at masayang niyakap ang dalaga.
------------------------------------------------------
Lumipas ang mga araw at buwan na naging makabuluhan kay Ressan at Monique. Araw-araw kung sila ay magtawagan at magbalitaan ng mga ginagawa nila. Bagamat magkaiba ang oras ng Dubai at Pilipinas ay hindi naging hadlang ito sa pananabik nilang magkausap palagi.

February 2006 - Valentines Day- Bukod sa Kaarawan ito ni Monique ay may sorpresa naman sa kanya ang kanyang nobyo kahit malayo ito.

March - Kaarawan ni Ressan ay may sorpresa din sa kanya si Monique. Pareho na din silang 26.

April
.
.
.
May
.
.
June
.
.
July
.
.
August
.
.
September
.
.
October
.
.
November
.
.
December - Babang luksa ni Nasser ay naroon si Monique sa sementeryo. Lahat ng malapit na kamag-anak ng mga roman ay naroon din. Isang taon na ang nagdaan sa biglaang pagkawala ni ressan ay makikitang nakapag-move na maski papano ang pamilya.
.
.
January  29, 2007

Moniques POV

Ano kayang nangyari sa lalaking iyon....hindi na madalas tumawag. Kung tumawag naman ang bilis. Laging rason ay busy at may lalakarin, nagmamadali. At kung minsan hindi makontak. Ayokong mag-isip ng hindi maganda pero hindi ko maiwasan. Anniversary namin pero nakalimutan niya.

Malungkot na buntonghininga ni Monique na nasa opisina pa. Panay ang tingin niya sa cp niya at hinihintay ang tawag ni ressan ngunit wala kahit hapon na at tanghali sa Dubai.

Ayaw naman niyang unahan ito ng tawag. Dahil gusto niyang malaman na naalala nito sa kabila ng hindi na nila pagkakaroon palagi ng kontak sa isat-isa.

Kinagabihan ay malungkot na umuwi ng bahay si monique. Walang ganang kumain at umaasang tatawagan siya ng nobyo. Hatinggabi na ay wala pa rin kaya natulog na siya. Kinabukasan ay wala pa rin maski ni text. Naging mahinahon pa rin siya sa kabila ng kalungkutan.

February 13, 2007

Sa apartment ni Monique....

" Bakla tulala ka na naman diyan.....itago mo na kasi ang cp na yan. Yung kapatid ng may ari niyan ang isipin mo. Dioskooo naman isang buwan na kayo na halos walang masyadong kontak. Anong nangyari? Sa oras na malaman ko na niloko ka nun! Ipapasalvage ko siya!" Si Rezza habang naghahanap ng makakain sa ref ni monique. Si Emeral naman ay nagtitimpla ng inumin.

" Ewan ko dun! Mula ng January ganun na yun. Maging anniversary namin nakalimutan niya!"

" Hindi kaya may asawa na yun dun bakla?!"

" Oy wag ka ngang ganyan rezza! Baka naman busy lang yung tao! Pero malamang tama ka kasi biglang hindi na nagpaparamdam eh!" Sabay kindat ni Emerald kay Rezza.

" My God! Kung ako yun warla na talaga kami! Subukan lang niyang  lokohin ako, pag uwi niya hindi na siya makakalabas ng buhay sa airport pa lang!"

Nanatili lang na walang kibo si Monique. Hawak pa rin ang cp ni Nasser. Ewan niya pero nalungkot siyang bigla ng maalaala si Nasser at ang naging ugnayan nila sa apat na araw sa kanya pero tatlong taon dito.

" Birthday ko na bukas....hindi ko alam kung maalaala niya. Valentines day. Pero pupunta ako sa puntod ni Nasser. Namiss ko siyang bigla....ewan ko ba....maski di kami nagkaharap ng buhay siya parang nakasama ko na siya."

" Bakla....huwag kang emotera....ok lang yan if ever na hindi siya magparamdam go,go lang maraming boylet diyan noh!"

" Ewan Rezza bahala na. Half day lang ako bukas then sa sementeryo ako dadalawin ko si nasser sabay uwi....ayokong makakita ng mga couple na may date sa gabi paguwi ko."

" Umayos ka Bakla! Usapan natin na sasama ka sa dinner date namin ng mga asawa namin! Kailangan naroon ka noh! Malay mo kinalimutan ka man niya may matagpuan ka pang higit sa guwapong yun!"

" Guwapo talaga pang sinabi mo hmp!"

" Eh sa guwapo naman talaga yun eh! Kung may ka triplets pa nga yun ipapa annul ko kasal namin ng asawa ko eh! Jokeeeeee! Sabay halakhak ni emeral.

" Litsiiii ka talagang malandi ka! Dalawa ng anak mo malandi ka pa rin!"

" Whatttt evahhhhh!"

Nagkatawanan na lang ang magkakaibigan sa kabila ng lungkot ni monique.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

25.8K 785 53
A girl was met a ghost that made her world up side down using a chat. This story will give goosebumps, blushing effect, terrified, comedy and a littl...
17.5K 862 34
I do not fear death nor grim reaper. Simula nang mawala ang lola ni Ariela na nagsilbing magulang niya, lumaki ang galit niya sa grim reaper. Bata p...
926K 4.1K 6
She's a PRINCESS. Being a GANGSTER is her STYLE. In UNDERGROUND BATTLE, no one can STOP her nor beat the DEMON inside her. You'll regret if you'll me...
27.9K 567 42
~Kindly read Season 1 so you won't get confused about the characters and plot. Thank you! ♥ Highest Rank Achieved: #175 in Fantasy♥ Highest Rank Achi...