The Coolest Guy (ON GOING)

DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... Еще

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Eleven :)

1.1K 23 2
DianaAranda

Copyright © Diana Aranda


Ice Effect

"Next time, wag ka na sasali sa mga ganyang auction. Namumulubi ako sayo eh." nakangiti sya ng bumaling ako sa kanya. Nakaupo kami sa hood ng sasakyan nya. Ni hindi ko ininda ang fact na naka dress ako ngayon. Masyado akong nag eenjoy sa pagtingin sa langit at sa mga kumikinang na stars.

"Sino bang nagsabi sayo na gastusan ako ng 25M?" taas kilay kong tanong. Ngumisi lang sya at tumingin sa langit sabay sandal sa salamin ng sasakyan nya.

Naging masaya naman ang dinner naming dalawa. Ano pa bang aasahan natin? Nag away na naman kami at nagkaroon ng debate about love. Endless bickering at its finest.

"Who's Karl by the way?" natanong ko bigla. Tiningnan ko sya at nakisandal na rin ako gaya nya.

"Blue's current boyfriend." matipid nyang sagot. Nanahimik na lang ako at di na inungkat pa ang topic na iyon. I feel like hindi pa sya comfortable na pag usapan ang ganung topic. Besides, sino ba naman ako para magtanong sa kanya ng ganun diba?

"Your Mom's pretty but your prettier." naimik nya bigla. Natawa naman ako.

"Wow. Compliment ba yan?" nagkibit balikat sya at nag ayos ng tayo.

"You look like your Mom actually." tinitigan nya ako. Hindi ko maiwasang di pansinin ang mga mata ni Ice. May something sa mata nya na kakaiba talaga eh. Kumikinang sya pero di ko malaman kung bakit yun kumikinang. Its like, its speaking to me. Im being weird right?

"First time na may nagsabi sakin nyan. I always believed that I looked like my dad."

"Nope. You look like your Mom. You have the same eyelashes." pati iyon napansin nya. Yun nga lang rin ang tanging bagay na alam kong pareho kami ng Mommy.

"Yeah. My dad always brags me about that fact."

Tapos natahimik na naman kami. Kelan kaya kami mag uusap ni Ice ng walang moment na mapuputol na lang yung conversation namin? Ito yung mahirap kapag di ka pa ganun ka comfortable sa isang tao. Nahihirapan ka. You're torn between thinking if you should do this or that. Minsan pa nga, you're trying to make yourself believe that you're comfortable when in fact, you're not. Naiinis ka kasi sa fact na akala mo, comfortable ka. Pero pag nandun ka na sa sitwasyon, di mo maiwasang maramdaman ang uneasiness.

"Teka, bakit di pala sumali si Tita sa Auction?" I asked. Opening another subject of this not so obvious awkward moment.

"Wag na daw. Siguro, naramdaman ni Mom na gagastos ako ng 25M ngayon kaya ganun." natatawa syang bumaling sa akin. "Seriously, si Dad lang din naman ang magbibid ng pinakamataas eh. As if naman papayag yun na sa iba makipagdinner si Mom. He spent 50M last year para lang kay Mom. Napagtripan sya nila Tito Red at Tito Jake eh. Pinataas nila ng pinataas ang bid kaya umabot ng 50M."

"And why didnt you bid on Blue?" ngumisi sya sakin.

"Teka nga, ako lang ba talaga o nasesense ko na nagseselos ka. Are you jealous?"

"What? Hindi ako nagseselos no. Mag kaiba ang nagseselos sa nagtatanong." pagtanggi ko. Hindi ako nagseselos. Kelan pa ba ako nagselos ha? Ni maniwala nga sa love, di ko magawa eh ang magselos pa kaya? Malabo.

"Sus. Cream. Cream. Cream. Kelan mo kaya aaminin sa sarili mo na attracted ka sakin?"

"At kelan mo rin kaya aalisin sa katawan mo yang pagka feelingero mo? Besides, ako ba talaga ang nagseselos? Baka ikaw! Sino ba yung nag bid ng 25M? At yung may chorva na line na, 'i dont share what's mine' ha?" nakita ko ang pagpula ng mukha nya. Strike two ka na Cream. Dalawang beses mo na nakitang nag blush ang isang Ice Villarasa.

"Kung di ko ginawa yun, edi napapunta ka na kay Karl." bumaba sya ng sasakyan nya at naglahad ng kamay sakin. Inalalayan nya ako sa pagbaba. Buti na lang at sa tapat ng bahay namin natripan ni Ice mag star gazing. Hindi na ako mahihirapan umuwi.

"So? Ano ngayon kung napunta na ako kay Karl? Wala naman sayo yun diba?" seryoso syang tiningnan ako

"We're not having this conversation Cream. Pumasok ka na." Uh-oh. What did I do? Bakit biglang sumeryoso ang isang yun?

Sumakay sya sa sasakyan nya at dere deretsong pinaandar iyon. Leaving me wondering kung anong mali sa mga pinagsasasabi ko.

"Cream! Nag start na ang online voting! And as expected, nangunguna kayo ni Ice!" pinakita sakin ni Trisha ang iPad nya. Marami na ngang votes ang pictures na sinasabi ni Trisha. Nakatambay kami ngayon sa kiosk habang naghihintay ng susunod na klase kung saan magkaklase kami.

Huminga ako ng malalim at naghalumbaba sa lamesa. "Wait, bakit ang tamlay mo ata ngayon ha?" hinawakan nya ang noo ko. Wala akong sakit. Wala lang talaga ako sa mood. Hindi ako pinansin ni Ice kanina. Hindi ko alam kung bakit. At mukhang si Adam lang ang nakapansin nun dahil bumulong sya sakin kanina na bad trip daw si Ice mula ng umuwi kagabi sa bahay nila.

"Wala ka namang sakit. Anyare sayo?" pinaling pa nya ang ulo nya para makita ang mukha ko. Nag ayos ako ng upo sabay hinga ng malalim.

"Naniniwala ka ba sa love?" tinawanan ako ni Trisha. Inayos nya saglit ang hairband nya bago nya ako sinagot.

"Oo naman! Teka nga, love ba ang problema mo? Yieee!" inasar asar pa nya ako at kinulit kung sino daw ba ang iniisip ko at bakit ako ganito ngayon.

"Bakit ba kayo naniniwala dyan? Eh di naman totoo yang love na yan." inagaw ko ang hawak nyang Piatos at sumubo ng ilang piraso.

"Sus! Bitter mo girl! Di porket sinaktan ka ng isang lalaki, lalahatin mo na sila. Magkakaiba ang tao Cream. Hindi ibig sabihin na sinaktan ka ng isa, sasaktan ka na din ng iba." Inagaw nya sakin ang Piatos at kumuha din ng ilan piraso doon.

"Kung totoo yang love, bakit may nasasaktan? Bakit may naiiwan? Bakit may nawawalan?" umiling iling sya at pinagpag ang kamay nya na may cheese na dahil sa Piatos na kanina pa nya nginunguya. Tinapos muna nya ang pagnguya saka ako sinagot.

"Girl, hindi naman happiness ang definition ng love. Love is a feeling. Not precisely happiness. Love is a complicated feeling. A mixed emotion of hapiness, sadness, longingness and all other feeling na nararamdaman ng isang tao. Nasasaktan ka, maybe because nagmahal ka ng maling tao.Naiwan ka? Maybe because someone out there is better than you. Nawalan ka? So what? You'll gain something later. Diba, walang permanent sa mundo. Even sa love Cream. To keep things on earth balance, some can be happy, others cant be."

Nakarinig ako ng marahang palakpak. Sabay kaming bumaling ni Trisha sa kung saan nanggagaling ang tunog. Nakita namin si Ivan na pumapalakpak pa rin hanggang ngayon at di Adam na natatawa habang may butbit na dalawang box ng pizza.

"Trisha the love guru. Nak nang! May mag eenroll kaya sayo?" pang aalaska ni Ivan sabay high five kay Adam. Pinatong ni Adam ang pizza sa lamesa at tumabi sakin. Tumabi naman si Ivan kay Trisha na ngayon ay kinukurot sa tagiliran ang lalaking kanina pa nang aasar sa kanya.

Binuksan ni Adam ang box. Hawaiian pizza. My favorite! "Alam mo Cream—" imik ni Ivan.

"Hindi ko pa alam." natawa naman sa sagot ko si Trisha.

"Basag!" sabay tawa naming apat.

"Basta. Cream, kapag love ang usapan dapat ako ang tinatanong mo." tinuro pa ni Ivan ang sarili nya. Diring diri naman syang tiningnan ni Trisha. Natatawa na lang kaming dalawa ni Adam sa dalawang to. They look cute though.

"Wag kang maniwala dyan. Wala yang alam. Torpe pa." taas kilay na sabi sakin ni Adam sabay subo ng isang slice ng pizza. Kumuha na rin ako ng para sakin at sumubo din.

"Hoy! Hindi ako torpe. Nahanap lang ako ng tamang time!" pagtanggi pa nung isa sabay kuha din ng pizza. Si Trisha naman, nakakadalawa na.

"Sus! Nahanap ng tamang time. Ang tagal naman nun! Ano yun? Two years in the making?" napuno ng asaran ang kiosk sa lakas ng trip ni Adam at Trisha. Kapag magkakasama kami, kawawa talaga si Ivan. Palaging napapagtripan.

"Wait, naalala ko. Anong nangyari kagabi? Bad trip si Ice pag uwi." biglang sumeryoso ang kaninang puno ng asaran na aura namin.

"I dont know. Hindi ko din alam. Basta na lang syang umalis kahapon. Kagabi ko pa iniisip kung anong nasabi kong mali. Mukhang wala naman." tinanggal ko yung pineapple na nakaharang sa kakagatan ko. I was never really fond of them.

"Hmm. May nasabi ka ba about Blue or Karl?"

"Hindi ba pwede?" tanong ko. He snapped his fingers. "Ayun! Rule number one Cream. Wag na wag mong babanggitin si Blue or Karl lalo na pag pagod sya."

"Why?"

"Because he hates it. He's trying to forget Cream. Masyadong masakit sa kanya ang nangyari. Blue was his first girlfriend. At mataas ang expectation nya sa ending ng love story nila. Like how Mom and Dad end up together."

Imbes na mag react ay sinubo ko na lang ang pizza ko. "Teka nga, mamaya na natin pag usapan ang kaartehan ni Ice. Bakit mo tinatanggal ang pineapple chunks?" isa isang pinulot ni Trisha ang chunks at kinain ito. Buti na lang at sa box ko nilapag. Pede pang kainin.

"Hindi ako nakain ng pineapple." sagot ko sa kanya. May itinanong din si Ivan kay Adam pero hindi ko na yun inintindi.

"What? Hindi ka nakain ng pineapple? Edi sana, ham and cheese na lang ang binili para di sayang yung pineapple." sinaid nya lahat ng pineapple na tinanggal ko sa pizza ko.

"Hawaiian ang fave ko."

"Eh bat mo tinatanggal ang pineapple??"

"Sabi ng hindi nga ako nakain." tamad kong sagot kay Trisha.

"Whatever! Oh sya, balik isyung Ice na tayo." tinapik nya ang lamesa para makuha ang atensyon nung dalawa na mukhang naguusap na naman ng tungkol sa dota.

"Ay! Alam ko na. Matagal ko na talaga tong itanong sayo Cream. Ngayon lang ako nagkaroon ng chance. Hihi." kinagat pa nya ang labi nya at pinagsalikop ang dalawang kamay samay hinga ng malalim.

"Hindi ka ba naaapektuhan ng Ice Effect?" kumunot ang noo ko. Ano ba tong pinagsasasabi ni Trisha? Anong Ice Effect?

"Ha? Ano yun?" Na-curious tuloy ako. Bakit naman ako maaapektuhan ng Ice Effect.

"Nice question Trisha! Yan na ang pinakamagandang tanong na binitawan mo." ginulo ni Ivan ang buhok ni Trisha na parang bata.

"Gago ka talaga." inis na inalis ni Trisha ang headband nya inayos ang buhok.

"Thinking about it, hindi nga ba Cream? Immune ka?" natanong na din ni Adam. What are these guys talking about.

"Enlighten me please." tamad kong sabi. Umubob ako at pumaling sa tapat ni Adam. Kita ko pa rin naman si Ivan at Trisha. Tinatamad lang talaga ako. Mag ditch na lang ulit kaya akonng klase? Wow. Paano pa ko magiging university scholar nito kung puro ditch naman ako sa klase?

"Ice effect. Yung, pag nakita mo si Ice, mapapatigil ka bigla." umpisa ni Trisha na may pagka dreamy pa ang boses.

Ilang metro mula samin ay nakita ko si Ice na naglalakad. Nakalagay ang hood ng damit nya sa ulo at kitang kita ang suot nyang kulay itim na headset.

"Yung, kapag tumingin sya sayo, bibilis yung tibok ng puso mo."

Hindi ko alam kung bakit pero bat naging slow motion ata ang pagtingin ni Ice sa pwesto namin. Dito ba talaga yun nakatingin o ano?

Tinitigan ko sya. Wait, sakin ata talaga to nakatingin eh. Sakin nga ba?

"Yung pag ngumiti sya, mapapangiti ka na lang rin."

Dahan dahan syang ngumiti kaya nanlaki ang mata ko. Shet! Anong nangyayari?

"Yung, kapag nilapitan ka nya, maninigas ka."

Dahan dahang naglakad si Ice. Papunta ba sya sa pwesto namin? Shet! Bakit slow mo? Anong nangyayari?

"Yung sa presensya nya, ramdam na ramdam mo ang lamig." napa angat tuloy ako at tinitigan si Ice.

"Yun! Yun ang Ice effect!" bigla na lang bumalik lahat ng kilos sa normal. At masakit pala talaga mag assume. Dahil, hindi sya sakin nakatingin. Hindi sya sakin nakangiti. At hindi sya papunta dito. Nandun pala si Catherine. (-_-)

Adam snapped a finger in front of me. "Huy! Cream." inalog alog pa nya ako.

"Shit!" agad akong tumayo at dinampot ang bag ko. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sakin nung tatlo. What just happened? That was the Ice Effect???

Dumeretso ako sa CR at agad na naghilamos. Baka nananaginip lang ako o imagination lang. No freakin' way!

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at sinampal sampal. Wake uo Cream! Hindi totoo ang nakita mo. Hindi yun totoo. Hindi. Pero, shit! Sinong niloloko ko? Alam kong nangyari yun! Nakita ng dalawang mata ko! Nakita ko ay naramdaman ko ang Ice effect.

"Huy!"

"Ay Ice effect!" napatingin ako sa babaeng kumulbit sakin. Si Catherine.

"Anong nangyari sayo?" tinitigan nya ako saka nagkibit balikat. Hunarap sya sa salamin at nilabas ang lipstick nya sabay lagay nun sa labi nya. Hinanap ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ang mukha ko. Saka huminga ulit ng malalim.

"Nga pala, I talked to Ice earlier." Oo, nakita ko. Sabi ko sa sarili ko. Why did I sound bitter?

"Tapos?" normal kong sagot sabay labas ng sarili kong lipstick. Naglagay na din ako dahil feeling ko, namutla ang labi ko.

"Okay na pala ang talent nyo? Ilang days na lang ah. Ready ka na?" she flashed me her most beautiful smile.

"Yeah. I—...think so? Haha." hinawakan nya ako sa balikat.

"Ano ka ba? Kaya mo yan! Naka raised ka nga ng 25M kahapon eh. Yung pageant pa kaya? Yakang yaka yan!" bahagya nyang tinapik ang balikat ko sabay iwan sakin sa loob ng CR.

Shit! May pageant pa nga pala! Dont tell me, ganito ako hanggang sa matapos ang pageant??!!

Lumabas ako ng CR at dumeretso sa room. Kaklase ko ngayon ang apat. Ice, Adam, Ivan ang Trisha. Buong klase lang ako tumunganga at nagpanggap na nakikinig. Madali lang namang gawin yun eh. Ang mahirap gawin ay ang magpanggapnna relax ka lang sa tabi ni Ice. I cant feel this! Bakit ako natataranta pag katabi ko sya??

"Hey, Cream okay ka lang?" Hindi ko alam kung pang ilang beses na ba may nagtanong sakin nyan. Hindi ko rin alam kung ilang beses na ba ako sumagot ng tungo sa kanilang habang nakatitig sa kawalan. Okay lang naman talaga ako eh. Wala namang masakit. Wala namang nangyaring masama. Mali. May nangyari palang masama. How could it be? Hindi naman ako tinatablan ng Ice Effect na yan ah! Bakit, ngayon pa?

"Cream, sa tingin ko umuwi ka na muna sa inyo at magpahinga. You look...I dont know. Wierd today?" tiningnan ko si Chloe na isa sa mga representative ng College of Engineering. May meeting kami ngayon tungkol sa darating na pageant sa SLU. Medyo busy ang lahat kasi ilamg araw na lang iyon. 

"Oo nga Cream. Mag beauty rest ka na lang then babalitaan ka na lang namin." imik din ni Mara. Isa pa sa mga kasamahan ko.

"Thanks guys." tumayo aoo at sinakbit ang bag ko. Dinampot ko na rin ang ilang papel na pinabitbit sakin kanina ni Catherine nung nagkita ulit kami. "Um..thanks. I guess..Im not feeling well." pagsisinungaling ko. Nagpaalam na ako sa kanila at nangakong babawi sa susunod na pagkakataon.

Laking pasalamat ko at hindi umattend ng meeting na iyon si Ice. May klase pa sya kaya di nya na attendan. Thank God about that!

Unti unti na akong nakahinga ng maluwag ng masilayan ko ang sasakyan ko. Yes! Uuwi na muna ako at itutulog ang kung ano mang humabagabag sa sistema ko ngayong araw.

"Cream!" lumingon ako at nakita ko sya.

Napatigil ako.

Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nanatili sa pwesto.

Hindi naka imik.

Napangiti ng walang dahilan.

At ramdam na ramdam ko kung ano ang nagyayari sakin ngayon.

Ice effect.

Nangyayari ba to sa lahat ng fangirls ni Ice? Ibig sabihin, kaya sila baliw sa yelong to kasi naranasan nila to? What the heck! Bat sila natuwa? Bat ako kinabahan?

"Hi!" awakward kong itinaas ang kanang kamay ko at marahang nag wave sa kanya.

"About last night..." I smiled and pretended like litening. Shutems! Paano ko maiintindihan ang sinasabi nito kung, di ako makagalaw.

"Sorry. Pagod ako and masyadong mababaw yung rason ng pagkainis ko." nahihiya syang ngumiti. Dont smile at me you idiot!

"Ah! Ano ka ba?" hinampas ko sya ng mahina at tumawa ng peke. Dear Lord, sana di nya mapansin na awkward ako ngayon. Cross fingers. "Okay lang yun. Baka nga, may nasabi ako na di ko dapat nasabi. Sorry." Hindi ako to. I swear, hindi ako to! Nasaan na ang maingay na si Cream? Yung makapal ang mukha at babaeng immune sa charms ng mga Villarasa? Nasaan???

"Gutom na ko. Tara Hungry Hippo tayo." hihigitin na sana nya ako ng pigilan ko sya.

"Wait lang!" ngumiti muna ako habang nag iisip ng irarason sa kanya. I cant go with him. Not with this state! Baka mabaliw ako neto mamaya! Sabihin pa nya crush ko sya! Iww.

"Hindi ako pede ngayon. Ah eh...may gagawin pa ko! Tama...may gagawin pa ko. Hehe." Shet! I really suck at lying. Ito ang mahirap kapag pinalaki ka ng tatay mo na honest eh.

"Anong gagawin mo?" dali dali akong nag isip. Anong gagawin ko??? Kung pede lang sabihin na mag unwind ako para mawala ka sa utak ko, nagawa ko na.

"Ah..basta! About sa pageant." napakamot na ako sa ulo. Ako na! Ako na ang reyna ng kasinungalingan! Patawarin mo ko Dad!

"Pageant? Tulungan na kita." Walang lusot!

"At tsaka, may dinner pa ko with Mom! Oo, may dinner pa ko. Hehe."

"Dinner? Eh diba, sabi mo kagabi, papuntang Davao Mommy mo ngayon?" OMG. Bakit ba kasi binaggit ko pa sa kanya kagabi!!!???

"Na cancel yung...ano...yung flight. Bukas na lang daw. Due to bad weather." kapansin pansin ang pag kunot ng noo nya. Binitawan nya ako at huminga ng malalim.

"Tara na lang sa inyo. Aalis na lang ako pag dinner nyo na ni Tita."

"Ah..ano kasi eh..."

"Sana sinabi mo na lang na ayaw mo kong makasama." Eto na naman po! He just spit dramatic words madla! Napakahirap espelengin ng isang to!

"Haha. Kunwari Goodbye na lang yung narinig ko. See you bukas Ice!" tatakbo akong pumunta sa sasakyan ko sabay hagis ng bag sa likod. Shet! Agad kong inatras ang sasakyan at binusinahan si Ice na seryosong nakatingin pa din sakin ngayon. Buti na lang at nakalusot ako.

Agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. Wala na nga si Mommy. Naka alis na sya kanina pa daw sabi nung katulong. Naguilty tuloy ako. Eh anong magagawa ko? Kung di ba naman ako dinalihan nila Trisha ng Ice effect na yan edi sana nakakain na ko sa Hungry Hippo!

Tumingin ako sa ceiling at napaisip. Hanggang ngayon, nag eecho pa din sa utak ko ang pinagsasasabi ni Trisha at ang halakhak nila Adam at Ivan. Pati na rin ang slow motion moment kanina ng pagkakakita ko kay Ice. Nakakainis! Hindi naman ako ganito sa kanya not until kanina, bakit??!!??

Pinikit ko ang mata ko at nakita ko ang mukha ni Ice nung iniwan ko sya kanina.

Ice Villarasa, stop clouding my mind!!!!

Продолжить чтение

Вам также понравится

3.5M 149K 17
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
786K 28.5K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...
608K 25.1K 46
Heartbreakers Series #5: Tavian Giovanni Romero Si Frida Louisse Suarez ay dati nang estudyante ng Torrero University pero dahil sa isang pangyayari...
329K 11.9K 69
DIM Series #2: Gemiro Gellera (This is an epistolary) Love makes you do things you've never done before. Because she views herself as a strong indep...