My Guy (series)

By cynthus_writes

532K 5.6K 707

Love is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen onc... More

My Mom's Other Guy
Other 1
Other 2
Other 3
Other 4
Other 6
Other 7
Other 8
Other 9
Other 10
Other 11
Other 12
Other 13
Other 14
Other 15
Final
My Mom's Only Guy
Only 1
Segue way~
Only 2
Only 3
Special Chapter (Coraline's Side)
Only 4
Only 5
Only 6
Special Chapter (Cornell's Side)
Only 7
Only 8
Only 9
Only 10
Only 11
Only 12
Special Chapter (Amelia's Side)
Final
My Offical Guy
Official 1
Official 2
Official 3
Official 4
Official 5
Official 6
Official 7
Official 8
Official 9
Official 10
Official 11
Official 12
Official 13
Official 14
Official 15
Official 16
Official 17
Official 18
Official 19
Official 20
Final
My Guy Series (Epilogue)
Foolish Hearts (Teaser)
Random Facts

Other 5

10.2K 96 8
By cynthus_writes

Sa mga new readers po thanks sa pagbabasa, Dedicated po sa iyo nakakatuwa po yung mga Comments niyo =)

CJ and Tristan at the side..

______________________________

“Ano raw yung Block nila?”sabi ni Shiela ng makapasok kami sa loob ng Queen Magnolia’s Subdivision and halatang High Elite talaga ang mga nakatira dito.

“Uy Cornelia! Ano raw yung Block ni Mr. Gonzales?”sabi ni Guia na nasa shotgun katabi ni Shiela at napatingin naman ako sa kanila.

“Ah Block 26.”sagot ko sa kanila at tinignan ang mga bahay, Tahimik and napansin kong may mga CCTV Cameras in the Street Lights.

“Where here in the Block 26 so saan dito ang bahay nila?”sabi ni Shiela sa akin then napa-role eyes naman ako at kinuha ang phone ko para ma-kausap yung bwisit na yun. How did i know his phone number? Remember the form he signed? Kaya hindi ako stalker baka kung ano pinag-iisip niyo.

“Hello who’s this?”tanong niya kaya naman napa-tawa ako dahil halatang asar yung boses niya.

“Hello Mr. Gonzales who am i? I am your worst nightmare.”sagot ko sa kanya and heard him chuckled kaya napa-role eyes ako.

“Hello Miss Minchin so saan ka na?”tanong niya napahinga naman ako ng malalim.

“Where here in the Block 26 and you said Gate 125? Anong Color ng Gate niyo?”sabi ko sa kanya in the line.

“Color ng Gate? Hmm.. Golden Black.”sabi niya kaya naman binaba ko ang phone ng marinig kong Golden Black. I don’t care if it’s rude.. Siya lang naman eh.

“Gate 125, Golden Black ang gate.”sabi ko kay Shiela then she drive away, Mabilis naming nahanap ang bahay nila dahil stand out na stand out, Naiiba ang Color ng Gate nila sa lahat ng bahay dito.

“Tara.”sabi ko then bumaba ako sa kotse ni Shiela pati na rin silang dalawa ni Guia para kunin yung Dress sa Trunk ng kotse ni Shiela, Ako naman lumapit sa Gate at nag-doorbell.

“Sino ho sila?”sabi ng isang babae, Ngumiti naman ako.

“Hinahanap po namin si Mr. Gonzales, Paki-sabi po yung Owner ng Couture Boutique.”sabi ko sa katulong ata, Shiela is a Co-Owner of Couture Boutique. Bestfriends kami since Highschool and parehas kami ng kinuhang Course na Fashion Designing nung College and we dreamt of having our own Clothing Line but for now Small Boutique muna ang ginagawa namin.

“Sige po saglit lang ho.”sabi nung katulong at sinara yung gate, Napa-pokerface naman ako. Masyado naman silang naniniwala sa “Don’t talk to a stranger.” pero kung ako nga naman ang katulong it’s better to be sure than to be sorry.

“Oh yung Dress.”sabi ni Guia sabay abot sa akin ng Box kung saan nandoon yung Dress. Lumabas yung katulong and pinapasok kami ng tumanggi yung dalawa sabay pasok sa kotse ni Shiela.

“At saan naman kayo pupunta?”tanong ko sa dalawa na nakasakay sa kotse habang ako nakatayo dito sa labas buhat-buhat yung Box with my sling bag.

“Bibili sana ng pagkain sa Fast Food Chain sa labas ng Subdivision na ito, Gutom na ko at sa tingin ko mahihimatay na ko kapag hindi pa ko kumain.”sabi ni Shiela kaya napa-make face ako kaya siya tumataba eh.

“Sige, Tatawagan ko na lang kayo para sunduin ako.”sabi ko sabay pasok sa loob. Guia is with Shiela kakain din daw siya. Pinatuloy ako ng katulong nila sa Living Room at masasabi ko lang ay isang malaking ‘wow’ ang gara ng bahay nila, Edi sila na mayaman.

“Miss Minchin.”sabi nitong ulupong na ito habang nakasalubong ang kilay na bumababa sa hagdanan nila.

“Eto na yung Dress.”sabi ko sabay tayo at inabot sa kanya yung Box pero hindi niya kinuha.

“Bakit mo ko pinagbabaan ng phone? Isn’t it rude lalo na sa Costumer mo?”sabi niya sa akin at napatawa naman ako. He acts like a jealous boyfriend and what am i thinking?

“Ikaw naman kaya okay na yan! Eto na yung Dress nangangawit din naman po ako uso pong kunin.”sabi ko at binigay ko sa kanya yung Box. Binuksan naman niya at nilabas yung Dress saka tinignan.

“What’s this? A loose thread?”sabi niya habang tinuturo ang laylayan ng dress. Nanlaki ang mata ko binalik niya yung Dress sa box at binigay sa akin.

“Sabi na magkakaroon ng damage iyan eh, Ayusin mo i need that tomorrow before 5pm.”sabi niya sa akin napatawa naman ako. Damage? Eh tatabasin lang yung sobrang sinulid sa laylayan eh! Haha nakalimutan ko lang tabasin dahil nagmamadali sina Shiela at Guia eh.

“Oh bakit ka tumatawa?”dugtong niya habang naka-salubong ang kilay.

“Tatabasin ko lang yang sobrang sinulid! May gunting kayo?”tanong ko sa kanya at lalong kumunot ang kilay niya.

“Make a new one! I want the best for my girlfriend at ayoko ng may mga damage! That loose thread is definitely a damage!”nagpa-palpitate na sabi niya and napa-pokerface naman ako.

“How did you know that this loose thread is a damage? Mananahi ka ba?”sabi ko sa kanya then napatahimik naman siya at napa-ubo. I smirked pahiya siya! Kung kahapon ako ang napahiya aba bumabawi ang langit!

“See? Just gave me a scissor so i can cut the thread.”dagdag ko sa kanya at binuksan ko yung Box saka ko kinuha yung Dress.

“Manang pahingi po ng gunting.”sabi niya sa katulong nila habang hinihintay namin yung gunting tahimik lang kami dito habang ako nakatingin sa Dress. Eto ang unang dinesign kong Dress nung Highschool ako, Inspired sa lalaking nagbigay sa akin ng panyo noong nag-break kami ng boyfriend ko nung Highschool. Buhay pa kaya yung damuho na yun? Hindi ko na maalala ang mukha niya at hindi ko rin siya kilala yung panyo niya lang ang nasa akin.

Saktong dumating ang gunting may mag-asawang bumaba mula sa hagdan, Mom at Dad ata nitong ulupong na ito.

“May bisita ka pala TJ.”sabi ng Mom niya, Napakagat ako ng labi ko matapos kong gupitin yung extrang sinulid sa Dress. May ilan talagang tao na swerte at buo ang pamilya, Samantalang ako pinipilit buoin ang sirang pamilya dahil doon sa pesteng lalaki ni Mom. He’s a Home Wrecker and i swear kapag nakilala ko siya maghahalo ang balat sa tinalupan!

“Hi ija, Ikaw ba ang girlfriend ni TJ? Ang ganda naman ng taste mo anak! Pwedeng Beauty Queen tulad ko.”sabi ng Mom niya. Napa-ubo naman ako doon sa girlfriend ako nitong ulupong na ito.

“Hindi niya po ako girlfriend pero thanks po sa Compliment Mrs. Gonzales.”sabi ko at napa-tawa ng peke. Girlfriend daw and i can’t imagine that day will come..

“Beauty Queen? Kasungitan Queen pwede pa.”sabi nitong ulupong na ito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Sige po una na po ako.”sabi ko sa mag-asawa na naglalakad papunta sa amin then tinignan ko itong ulupong na ito.

“You said you will double the payment for this and about the Membership Card we will issue that as soon as possible pero bayad muna bago mo makuha yun.”sabi ko sa kanya and he chuckled.

“Siguristang-sigurista? Wala ka bang tiwala sa akin?”sabi niya at umiling naman ako.

“Siguro sa parents mo meron pero sa iyo wala, Hindi ka kasi mukhang katiwa-tiwala.”sabi ko at napa-pokerface siya sa sinabi ko while natatawa yung parents niya sa pinagsasabi ko.

“Tsk! I’ll just send the money to your account sige na lumayas ka na.”sabi niya na matawa-tawa at umiiling na lang ako habang kinukuha ko yung phone ko sa sling bag ko na nasa sofa para tawagan sina Shiela at Guia pero sakto tumawag sila.

“Hey sunduin niyo na ko.”bungad ko sa kanila pero isang tili lang ang narinig ko kaya dagli kong nilayo yung phone sa tenga ko, Take note! Nasa harap ko si Mr. Gonzales with his parents.

“Waahh!! CORNELIA!!!”sigaw nila at rinig na rinig ang sigaw nila kaya naman napa-pokerface ako, Ang lolokaret ng dalawang kaibigan ko.

“What? Sunduin niyo na ko dito! Don’t tell me di pa kayo tapos kumain?”sabi ko pero isang hikbi ang narinig ko sa kabilang linya.

“Sorry Cornelia pero sa tingin namin hindi ka namin masusundo!”rinig kong sigaw ni Guia and maingay ang Background nila.

“Ha?! Bakit naman?!”sabi ko sa kanila then they both screamed.

“Nandito sa KFC ang GinRyn! May Shooting sila para sa TVC ng KFC! Wah!! Hindi kami makalabas dito sa loob ng KFC dahil ang daming tao sa labas then yung kotse na-flood ng mga Fangirls and OMG ang Ganda ni Kathryn Bernardo!!”sigaw ni Shiela kaya naman napasapo na lang ako ng noo ko.

[A/n: Wala pong GinRyn sa totoong buhay, Characters po sila sa The Anti-Lover at oo ako na ang author na nag-plug pasensya naman po eksdi!]

“At ang gwapo ni Gino Dela Rosa pero mas gwapo yung boyfie ni Kathryn na si Daniel Padilla!!!”dagdag na sigaw ni Guia kaya napa-pokerface ako. Sheez! Bakit ngayon pa sumabay ang GinRyn di ba pwedeng bukas na lang?

“So hindi niyo ko masusundo?”sabi ko sa kanila then sabay silang sumigaw.

“Sorry Girl pero hindi!”sabay na sigaw nila kaya naman tuluyan na kong nanlumo habang binababa ko yung phone ko. I was like..

“Sige po Mr. and Mrs. Gonzales una na po ako.”sabi ko sabay naglakad papunta sa pinto ng magsalita ang Mom ng Ulupong na ito.

“Kumain ka na ba iha? If you want you can join us sa dinner namin.”sabi ng Mom niya kaya naman napalingon ako at ngumiti.

“Hindi na po, Nakakahiya naman po sige po una na po ako.”sabi ko at naglakad na ko palabas. Pinagbuksan naman ako ng gate ng katulong nila.

“Ay manang may Taxi po bang dumadaan dito?”tanong ko sa katulong nila.

“Sorry ineng walang taxi dito sa loob, Sa labasan ang terminal ng taxi saka may mga sariling kotse ang mga tao dito.”sabi ni Manang kaya naman lalo kong nanlumo so maglalakad ako ng ilang metro para lang maka-sakay sa taxi? No! I am so tired! Madaling araw na ko nakauwi kanina then pumasok ako ng regular time ko para matapos yung Dress. Hindi ko na kaya.

“Excuse me.”sabi ng isang boses babae kaya naman napalingon ako at nandoon ang Mom ni Mr. Gonzales, Lumapit siya sa akin while smiling.

“Yes po?”sabi ko while smiling back to her, Ang ganda talaga ng Nanay nung Ulupong na yun.

“Why don’t you join us sa Dinner then ipapahatid na lang kita sa Driver namin.”sabi niya pero umiling na lang ako habang nakangiti.

“Hindi na po salamat na lang po, Nakakahiya po kasi.”sabi ko at napakamot sa batok ko.

“Wag ka ng mahiya, First time magdala ng babae ni TJ dito.”sabi ng Mom niya kaya naman nanlaki ang mata ko, Hindi pa ba nila nakikilala yung girlfriend ng anak nila?

“T-Talaga po?”iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. Wala sa itsura ng kumag na first time niyang magdala ng babae.

“Oo kaya natutuwa nga ako at akala ko ikaw ang girlfriend niya pero hindi pala, Tara join us.”sabi ng Mom niya kaya naman napabigay ako lalo na nung ngumiti.

“Ah.. Sige na nga po pero pwede pong magtanong?”sabi ko habang naglalakad kaming dalawa papasok.

“Oo naman ano yun?”sabi niya, Napakagat labi naman ako medyo nakakahiya yung itatanong ko napahinga ako ng malalim.

“Beauty Queen po ba kayo dati?”sabi ko at natawa naman siya, Ang ganda niya kasi eh.

“Oo, Halata pa rin ba?”with that napanganga ako while nodding, Mukha akong tanga sure ako.

“Ikaw pwede ka ring Beauty Queen, Ang ganda mo.”sabi niya at bigla naman akong nahiya. Ang liit ko para maging Beauty Queen.

“Kulang po ako sa Height.”sabi ko habang papasok kami sa loob.

“Oo nga ano? Mga 2 inches.”at napatawa kami pareho, Bukod sa maganda eh may sense of humor ang nanay ng ulopong!

“Nakakatuwa ka naman siya nga pala, Anong pangalan mo ija?”tanong sa akin ni Mrs. Gonzales.

“Cornelia po, Cornelia Hernandez Mrs. Gonzales.”sabi ko kay Mrs. Gonzales at napalo naman niya ako sa braso ko.

“Masyado namang pormal ang Mrs. Gonzales Cornelia tawagin mo na lang akong Tita Thea.”sabi ni Mrs. Gonzales i mean Tita Thea daw.

“S-Sige po, Tita Thea.”sabi ko at ngumiti ng alanganin. Pumunta kami sa Dinning Room nila at nagulat si Ulupong.

“Anong ginagawa mo dito? Akala ko umalis ka na.”sabi niya habang naka-upo at pinaglalaruan ang tinidor wala pa siguro yung pagkain.

“Ano ka ba naman TJ! Pina-join ko muna siya dito sa Dinner.”sabi ng Mom niya, Nahihiya pa rin ako kapag tinatawag kong Tita Thea.

“What’s your name young lady?”tanong ng Dad niya.

“Cornelia po, Cornelia Hernandez po Sir.”sabi ko at nalaglag ng Ulupong ang tinidor na pinaglalaruan niya.

“Hernandez? By any chance.. W-Wala.”sabi niya at pinaglaruan ulit ang tinidor, Napa-iling na lang ako ang wierd niya.

“So Cornelia tell us about yourself! Paano kayo nagkakilala ni TJ?”sabi ng Mom ni Ulupong, Sino si TJ?

“Excuse me po sino po si TJ?”tanong ko sa kanila at natawa naman silang tatlo.

“Obviously ako si TJ, Miss Minchin.”sabi nitong ulupong na ito.. TJ? Name or Nickname? I don’t bother to look at the form for his whole name, Mr. Gonzales is fine since hindi naman ako interasado sa kanya.

“Maarte kasi yang si TJ, Ayaw niyang tinatawag siya ng TJ lalo na at hindi niya pamilya.”sabi ng Mom niya at napatango naman ako, Di kaya bakla siya? Ang arte niya.

“So ano ija? Paano kayo nagkakilala?”tanong ng Mom niya, Inaantay namin yung Dinner matagal pa ata.

“Uhm.. Costumer ko po siya sa Boutique ko po.”sagot ko sa Mom niya, Ang dad niya naman ang nagsalita.

“You run a small business young lady? Kapag nagsipag ka pa malay mo maging sucessful ka rin tulad nitong anak namin.”sabi ng Dad niya, He’s a Gonzales. I heard mayaman daw sila pero hindi ko sila kinilala.

“Alam mo ba Ma, Before akong maging costumer ng Boutique niya ginasgasan niya si Ford.”sabi niya kaya naman napa-pokerface ako. Ginasgasan ko lang yun sasakyan niya pero siya sinira niya yung bumper sa likod ng sasakyan ko kaya wala akong kotseng nagagamit dahil nasa Car Repair.

“Ginasgasan ko lang naman yung sasakyan mo pero yung sa akin sinira mo yung bumper ko tapos ako pa yung nagbayad sa iyo. Tsk.. Tsk.. Tsk..”sabi ko habang umiiling, Not minding the people around dahil nabwisit ako dito sa lalaking ito.

“Eh sino ba naman kasing matino ang ititigil ang sasakyan niya in the middle of the road?”sabi niya kaya naman lalo akong naaasar. Edi ako na talaga may kasalanan.

“Tsk! Edi ako na may kasalanan.. Sorry po.”sabi ko sa kanya at may narinig kaming nagtawanan actually dalawang halakhak, Nahiya naman daw ako.

“Nakakatuwa naman kayong dalawa mag-away, Hindi niyo man lang napansin na nandito pa kami.”sabi ng Mom niya kaya naman napayuko ako, Nakakahiya ugh! Cornelia you’re ashame! Wala kang manners, Nandyan yung parents pero inaway mo yung anak nila.

“Sorry po.”sabi ko at napalunok ng laway ko, Sure akong namumula na ko dito sa hiya.

“It’s okay, We find it cute.”sabi ni Tita Thea ng mahagip ng mata ko na hinawakan ng Dad ng Ulupong ang kamay ng Mom niya. Di ko maiwasan na mainggit, Dati nakikita kong ganyan ka-sweet si Mom at Dad pero ngayon hindi na kasi nasira na ang pamilya namin.

“What the problem young lady?”tanong ng Dad niya napatingin naman ako sa Dad niya at sa Mom niya na nakatingin sa akin, Napatitig siguro ako sa kamay nila.

“W-Wala po may naalala lang po.”sabi ko at napakagat ng labi ko, Ang swerte talaga niya dahil kumpleto ang pamilya niya. Nakakalungkot lang dahil wala na yung Perfect Family ko, Nasira lahat dahil sa lalaking yun. My Dad.. Hindi pa rin siya umuuwi hanggang ngayon at hindi ko alam kung na saan na siya.

“Hi Ma, What’s for dinner?”sabi ng isang lalaki, Pamilyar siya sa akin hindi ko lang maalala kung saan ko nakita itong batang ito.

“Nga pala, Cornelia meet CJ bunso ko and CJ meet Ate Cornelia kaibigan ng kuya mo.”sabi ni Tita Thea sa lalaking nagngangalang CJ.

“Kayo po ba yung Ate ni Coraline?”sabi niya at ayun naalala ko na! Siya yung lalaking umakbay kay Coraline kaninang umaga.

“Oo ako yung ate niya and you must be her?”tanong ko waiting for his answer.

“Bestfriend niya po.”pakilala niya sa akin at nagshake hands kaming dalawa.

“So siya yung ate nung Bestfriend kuno mo anak?”sabi ng Mom niya, Di ko alam kung bakit may kuno hindi ko na lang pinansin.

“Ma naman.”sabi ni CJ at napangiti na lang ako. Right now i am in front of a Perfect Family at Torture para sa akin ang ganitong tanawin lalo na at sirang-sira ang pamilya ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 38.8K 54
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
963K 16.2K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
1K 64 26
Figli della Notte, meaning 'Children of the Night'. Isang vigilante group na ang hit list ay composed of drug lords, corrupt politicians, and evil bu...