Rain.Boys V

By Adamant

68.9K 3K 304

[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their per... More

TEASER
DEDICATION
PROLOGUE
RAINBOW 01
RAINBOW 02
RAINBOW 03
RAINBOW 04
RAINBOW 05
RAINBOW 06
RAINBOW 07
RAINBOW 08
RAINBOW 09
RAINBOW 10
RAINBOW 11
RAINBOW 12
RAINBOW 13
RAINBOW 14
RAINBOW 15
RAINBOW 16
RAINBOW 17
RAINBOW 18
RAINBOW 19
RAINBOW 20
RAINBOW 21
RAINBOW 22
RAINBOW 23
RAINBOW 24
RAINBOW 25
RAINBOW 27
RAINBOW 28
RAINBOW 29
RAINBOW 30
RAINBOW 31
RAINBOW 32
RAINBOW 33
RAINBOW 34
RAINBOW 35
RAINBOW 36
EPILOGUE
RAINBOW NOTE

RAINBOW 26

1.2K 71 3
By Adamant

LUKE'S POINT OF VIEW:


Patuloy lang ako noon sa aking pagtakbo habang umiiyak, para akong isang bata na gustong gusto na takasan ang mga kalaro niya, pero the fact na umiiyak ako habang tumatakbo ay the fact na nasasaktan ako na iwanan silang lahat, lalo akong nasaktan ng maisip ko na sa kabila ng pagnanais ko na ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Arwin ay sa bandang huli matatalo din pala ako ni Charlie, na sa bandang huli ako mismo ang siyang susuko, wala akong magagawa kundi ang sumuko kahit masakit, wala na tapos na ang lahat.


Sa aking paglayo sa lugar na iyon ay di ko inaasahan na mababangga ko si Icko, dahil sa pareho naming hindi inaasahan na mababangga namin ang isa't isa ay pareho din kaming napaupo sa daan, masiyado akong nanghihina para makatayo agad, halos nanginginig ang aking mga tuhod at mga kalamnan sa tindi ng sakit at lungkot na nararamdaman ko, naramdaman ko na lamang na inaalalayan ako ni Icko na tumayo na tinulungan din ni Eloisa.


"Luke, ayos ka lang ba? Ibig kong sabihin ay may masakit ba sa'yo?" ang tanong sa akin ni Icko habang inaaalalayan ako nitong tumayo. "Teka bakit umiiyak ka? May nangyari ba? May ginawa bang hindi maganda sa'yo si Arwin?" ang pag-uusisa ni Icko nang makita niya ang pag-iyak ko, pinunasan ko ang mga luha ko pero nakakainis lang na sa bawat pagpuna ko ay muli din namang papatak ang mga ito, hindi ko mapigilan ang pagpatak nila, masiyadong masakit, masiyadong malungkot ang nangyari.


"Wa-wa-wala 'to 'wag kang mag-alala, ayos lang ako." ang sabi ko na nakayuko na lamang at hindi na magawang tumingin kay Icko at Eloisa na mga sandaling iyon ay alam kong nasa akin lamang ang atensiyon.


"You're not okay, alam ko 'yon, sabihin moa no ba ang nangyari?" ang mahinahon na tanong sa akin ni Icko, pero hindi ako tumugon, nanatili lamang akong tahimik at tanging paghikbi lamang ang aking ginawa, hanggang sa naramdaman ko na niyakap na lamang ako ni Icko kahit na basa ako at hinagod niya ang likod ko para kalamayin ang pakiramdam ko.


"Tahan na Luke, tahan na." ang mahinahon na sabi sa akin ni Icko habang patuloy pa rin siya sa paghagod sa likod ko, ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at patuloy ako sa pag-iyak at paghikbi.


"Mabuti pa Icko, ihatid na natin siya sa kanila, alam mo naman siguro ang bahay niya di ba?" ang nadinig kong sabi ni Eloisa. Kumalas ako sa pagkakayakp sa akin ni Icko, at muli kong sinubukan na punasan ang luha ko.


"Hindi, no need na ihatid niyo pa ako, salamat Icko sa pag-aalala, ayos lang talaga ako, salamat sa pag-comfort." Ang sabi ko at nang magawa kong kontrolin ang luha ko ay huminga ako ng malalim at pagkatapos ay pilit na ngumiti ako sa kanila. "Paano alis na ako ha, pasensiya na nakita niyo pa akong ganito." Ang sabi ko at maglalakad na ako noon para sana umuwi na ng mag-isa pero hinawakan ni Icko ang kamay ko para pigilan ako, dahilan para mapatingin ako sa kanya, nakita ko ang seryosong ekspresyon ng mukha ni Icko, ekspresyon na noong mga sandali lamang na iyon ko nakita.


"I insist, ihahatid ka na namin, iyon na lang ang magagawa ko para sa'yo sa ngayon, kaya hayaan mo na kaming ihatid ka ni Eloisa." Ang sabi ni Icko bilang pagpupumilit.


"Sige na Luke pumayag ka na, susundan ka pa din naman namin kung di ka papaya eh." Ang dagdag na sabi ni Eloisa, at napatango na lamang ako sa kanila bilang pagpayag, at pagkatapos noon ay binitiwan na ni Icko ang kamay ko at nagpatiuna na akong naglakad.


Tahimik lamang kaming naglakad nila Icko, ramdam ko na nakatingin sila ni Eloisa sa akin, alam ko na iniisip nila kung ano ba ang nangyari talaga sa amin ni Arwin at kung bakit nila ako nakitang halos daig pa ang natalo sa isang giyera, pero ayoko na palakihin pa ang mga bagay-bagay, ayoko nang idamay pa si Icko sa kung ano man ang nangyayari sa akin.


Nang makarating kami sa bahay ay nakaramdam naman ako ng kaunting hiya dahil sa paghahatid nila sa akin kaya naman sa halip na paalisin sila ay inalok ko sila na pumasok muna sa loob ng bahay bilang pasasalamat na din sa paghatid sa akin na tinanggap naman nila. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay pinaupo ko sila sa sofa sa may sala, at pagkatapos ay pupunta na sana ako sa kusina upang ikuha sila ng makakain pero pinigilan ako ni Icko at siyang nagpresinta na siya na ang kukuha.


"Mabuti pa maupo ka na lang, ako na ang kukuha ng makakain sa kusina niyo." Ang sabi ni Icko, at di pa man ako nakakasang-ayon ay tumayo na si Icko kaya naman itinuro ko na sa kanya ang kusina at pagkatapos ay naupo ako sa may sofa, sa pag-upo ko ay muli akong nakaramdam ng pagkalungkot, unti-unting nagiging blangko ang isip ko.


"Uhm Luke..." ang nadinig kong pagtawag sa akin ni Eloisa, dahilan para mapatingin ako sa kanya.


"Ano 'yon?" ang malate kong tugon sa kanya.


"Alam ko na kakakilala pa lang natin, pero 'wag mo sanang masamain kung itatanong ko sa'yo kung ano ba ang nangyari? Ang totoo kasi niyan ay nag-aalala sa'yo si Icko." Ang sabi ni Eloisa sa akin at nakita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya para kay Icko, at ngumiti ako sa kanya.


"Everything will be okay, huwag niyo akong alalahanin ni Icko, sa nakikita ko ngayon sa mata mo na pag-aalala kay Icko ay alam kong pinahahalagahan mo siya ng lubos, at ayoko na din na isali pa kayo ni Icko sa kung ano man ang naging problema ko ngayon." Ang sabi ko bilang sagot.


"Yung lalaking humila sa'yo kanina, sino siya?" ang biglang tanong sa akin ni Eloisa. "Sa tingin ko ay special siya sa'yo, the way you react kasi kanina noong biglang sumulpot yung lalaking 'yon ay may tuwa akong nakita sa mukha mo." Ang sabi ni Eloisa na para bang alam niya na agad kung ano nga ba si Arwin sa buhay ko.


"Ah siya ba? Arwin ang pangalan niya, partner ko siya or in other words boyfriend ko siya, pero before 'yon, before maging kumplikado ang mga bagay dahil sa pagdating ng isang tao sa buhay niya, sa buhay namin." Ang sabi ko namang bilang sagot at habang sinasabi ko 'yon ay di ko maiwasan na mas malungkot pa dahil sa dami ng pinagdaanan namin isang Charlie lang pala ang bubuwag sa amin.


"You mean, isinuko niyo na lang ang relasyon niyo dahil sa isang tao?" ang tanong ni Eloisa sa akin.


"Siguro, parang ganon na nga." Ang sabi ko naman bilang matipid na sagot.


"Bakit di mo siya pinaglaban, I mean bakit di niyo pinanindigan ang pagmamahalan niyo kung mahal niyo talaga ang isa't isa? Don't get me wrong or 'wag k asana ma-offend ha?" ang sabi ni Eloisa bilang reaksiyon sa sagot ko, at ngumiti ako sa kanya sabay yuko habang nakatingin sa coffeetable.


"Pinaglaban namin, sa maniwala ka at hindi sinubukan namin na ipaglaban at isalba ang relasyon namin, pero ano ang laban namin, o laban ko kung yung taong kaagaw ko may taning na ang buhay, I mean hindi ko kayang maging madamot sa isang tao na malapit nang mamatay, hindi ko yata makakaya na ipagdamot ko sa isang tao yung makakapagpasaya dito. Nang malaman ko kasi na may taning na ang buhay nang taong kaagaw ko kay Arwin, naunawaan ko bakit ganoon na lang yung taong 'yon, bakit gusto niya mabawi ang lahat ng oras na nawala sa kanila ni Arwin, at siguro kung ako man siya ay gagawin ko din ang ginagawa niya." Ang sabi ko naman bilang pagsagot sa kanya, at nararamdaman ko na naman noong mga sandaling iyon ang pangingilid ng luha ko.


"Then bakit di na lang si Icko ang mahalin mo." Ang sabi ni Eloisa na walang dalawang pag-iisip, napatingin ako sa kanya at nakita ko na seryoso siya sa sinabi niyang iyon. "Alam ko na dapat di ko ito sinsabi sa mga ganitong pagkakataon at dapat di ako ang nagsasabi nito pero sa tingin ko kasi ito lang ang magagawa ko para kay Icko." Ang dagdag pang sabi ni Icko.


"To be honest Eloisa, alam ko ang nararamdaman ni Icko sa akin, hindi ako manhid." Ang nakangiti kong sabi sa kanya at nakita ko na bahagya itong nabigla.


"Then you mean bibigyan mo siya ng chance?" ang tanong agad sa akin ni Eloisa, at umiling ako sa kanya. "Hindi? Pero bakit? Alam mo naman pala na mahal ka niya pero bakit di mo siya pwedeng bigyan ng chance?" ang pag-uusisa ni Eloisa.


"Dahil sa hindi ko maaaring mahalin si Icko ng higit sa isang kaibigan, dahil mahal ko pa din si Arwin sa kabila ng lahat ng nangyayaring ito. I didn't open up things like this kay Icko dahil ayoko din siyang masaktan, hindi ko siya iniiwasan kahit na alam ko na ang nararamdaman niya sa akin dahil ayoko na isipin niyang dahil lamang doon ay wala na din kaming dahilan para maging magkaibigan. Icko is a good friend, palagay ang loob ko sa kanya, at bukod doon if may mas deserving na maging partner ni Icko, ikaw 'yon Eloisa, I can see how much you care for him kahit na kakakilala pa lang natin." Ang sabi ko bilang tugon kay Eloisa.


"Pero hindi ako deserving maging girlfriend ni Icko, minahal niya na ko before, at nasaktan ko siya, nagawa ko siyang lokohin sa kabila ng pagmamahal na binigay niya sa akin." Ang sabi ni Eloisa at nakita ko ang guilt sa mga mata niya.


"Pero nagsisi ka na di ba? Madalas talaga nasa huli ang pagsisisi, pero ikaw na nga ang nagsabi dapat pinaglalaban ang pagmamahal, I mean for your situation pwede mo pang ilaban ang pagmamahal mo kay Icko." Ang sabi k okay Eloisa at ngumiti ako sa kanya.


"Pero Luke, sinabi na ni Icko sa akin na hanggang magkaibigan na lamang kami, at tanggap ko na 'yon masaya na ako don." Ang sabi naman ni Eloisa bilang tugon sa akin.


"Pero sa pagkakaibigan naman nag-uumpisa ulit ang lahat di ba? Maybe now wala na talaga kaming magagawa ni Arwin, I have to let him go and forget him for now kasi iyon ang nararapat, but if time permits babalikan ko din siya kung pwede pa, kaya naman ngayon na may pagkakataon ka gawin mo ang lahat para maibalik niyo ang lahat. Trust is what makes broken love whole again and love is what makes broken trust whole again." Ang sabi ko at ilang sandali pa ay lumabas na mula sa kusina si Icko dala ang isang tray na naglalaman ng sandwiches, isang pitchel ng juice, at tatlong baso.


Nang mga sandaling iyon ay nagpanggap kami ni Eloisa na wala kaming pinag-usapan, we act normal, at kahit paano ay bahagya ding gumaan ang pakiramdam ko dahil sa usapan ni Eloisa, sa pag-uusap namin ni Eloisa nabuo ko din ang desisyon ko, it was final and cannot be change, Arwin and I is now totally finished, hahayaan ko na sila ni Charlie, masakit at mahirap pero pipilitin kong kayanin kahit na kailangan kong magpanggap na okay ako at masaya.


Pagkatapos nang ilang oras na pananatili nila Icko at Eloisa sa bahay ay nagpaalam na ang mga ito para umalis ng bahay, pero bago tuluyang umalis ng bahay sila Icko at Eloisa ay bigla akong niyakap ni Icko ng mahigpit na mahigpit.


"Icko?" ang pagsambit ko sa pangalan niya habang yakap pa din niya ako.


"Thank you!" ang sabi ni Icko na pabulong sa akin na labis kong pinagtataka kung bakit siya nagpapasalamat.


"Bakit ka nagpapasalamat? Di ba dapat ako ang magpasalamat, without you and Eloisa baka naglulupasay na ako dito." Ang sabi ko bilang tugon.


"Narinig ko lahat ng usapan niyo ni Eloisa, pero hindi ako nagtatampo o nalulungkot, actually masaya ako kasi naging honest ka, masaya ko na kahit alam mo na pala na ang nararamdaman ko sa'yo hindi mo ko iniwasan." Ang sabi ni Icko sa akin at bahagya akong nahiya sa kanya dahil sa kung narinig niya talaga ang usapan namin ni Eloisa ay ibig sabihin alam na niyang hindi ko siya mabibigyan ng pagkakataon.


"I'm sorry Icko..." ang di ko na natuloy na sabihin.


"Hindi mo kailangang mag-sorry, nauunawaan ko ang lahat, tiyaka wala namang mababago sa atin, good friends pa din tayo, at mananatili ka pa din na may lugar sa puso ko. I really hope na maging okay na kayo ni Arwin, makita lang kitang masaya ay magiging masaya na din ako." ang sabi ni Icko sa akin at bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.


"Masaya ako, at least we're good, about sa amin ni Arwin, hindi ko talaga alam kung saan hahantong ang lahat ng 'to pero kahit saan man humantong ang lahat magiging masaya na lang ako." ang sabi ko bilang tugon kay Icko at ngumiti ako sa kanya. "Sige na hinihintay ka na ni Eloisa sa gate. Di mo dapat pinaghihintay ang babae, give her a chance, ikaw ang lalaki kaya 'wag ka nang pakipot masiyado, I really hope dumating yung time na maibalik niyo din ang nawala sa inyong dalawa." Ang sabi k okay Icko at bago tuluyang umalis ay niyakap namin ang isa't isa at nagpasalamatan.


Sa pag-alis nila Icko ay siya namang pagtunog ng cellphone ko sa bulsa ko, agad ko itong kinuha, halos basa basa pa ito dahil na din sa nangyari na pagbubuno namin ni Charlie, mabuti na lamang ay waterproof ito kaya safe na safe. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko na si mama ang tumatawag, pero bago ako magsalita ay huminga ako ng malalim at nilinis ko pa ang lalamunan ko para hindi niya mahalata na kakagaling ko lang sa pagdadrama.


"Ma? Hello napatawag ka po?" ang pambungad kong tanong kay mama, at halos mapatulala na lang ako at mapaupo sa kinatatayuan ko nang madinig ko ang pag-iyak ni mama at kasunod nito ang pagsasabi na na-stroke si papa at ngayon nasa state of coma, halos takasan ako ng lakas ko nang madinig ko iyon kay mama, pakiramdam ko ay labis akong pinagsukluban ng langit at lupa dahil wala na nga si Arwin sa akin ngayon naman ay comatose ang papa ko na walang hinangad kundi ang maging masaya ako at maprotektahan ako. Bakit ba parang ang buhay ay sobrang daya, bakit sa tuwing masaya ka ay kailangan na dumanas ka ng kalungkutan na higit sa saya na naranasan mo, bakit kailangang maging malungkot? Nang mga sandaling iyon ay wala na akong nagawa kundi ang umiyak muli, hindi ko na nagawang kausapin si mama dahil pagbuhos ng matinding kalungkutan sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

17.5K 775 21
Daphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happ...
472K 2.3K 1
9:26 PM will pave its way soon. The 3rd batch of reprint will be announced further. Stay tuned for more updates. - Cookies
1.7M 80.2K 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabas...
3.1M 83.6K 62
How far can a person go in the name of true love?