200 Pounds Of TLC

By coderema

2.7K 92 22

It's been three weeks since the accident at bawat araw, nagiging grumpy at irritated si Kristian. If there's... More

200 Pounds Of TLC
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-Two

Chapter Ten

94 3 0
By coderema

Three weeks has gone and they never mentioned about the incident. Basta napapangiti si Kristian kapag naaalala niya yun.

The intimate nearness of their bodies...
Her shy, reddish face...
The stare she gave him after...
The squirm she made when she saw his...
Yup! He won't forget!

As the usual routine, he's at the window, staring at the court. Mas dumami na ang naglalaro doon. Mas natuwa naman siya dahil nagkakaroon pa ng game, kahit half court lang. He misses going out so much na gusto na niya agad gumaling. Kaya naman natuwa siya nang malaman niyang after a few weeks, aalisin na sa wakas ang bakal na naka lagay sa paa niya.
But he's in no rush lalo na at masaya siyang nakakasama si Melody everyday.

Lalo din siyang naging close kay Melody, madalas na sila kung magkwentuhan, kahit hindi pa siya masyadong umiimik. Tuloy lang magkwento si Melody. She seems not to think too much of what he said to her, pero mas madalas na rin ang pag ngiti niya sa kanya. Not just the jolly smile she gives everyone. Gusto niyang isipin na special ang ngiting ibinibigay nito sa kanya.

He made friends with Louisse too. Kapag tapos na ang shift nito ay aakyat naman siya para bisitahin ang kaibigan niya. Kapag magkasama na ang dalawa ay hagalpakan ang maririnig sa buong kwarto niya. He laughs and jokes with them pero iba talaga ang tandem ng dalawa. Mas mahinhin lang kumilos si Melody kaysa sa isa.

He recieves more phone calls now, na dati ay tinatanggihan niya parati. He remembered what Melody said to him...

"Sagutin mo kapag ang mga kamaganak mo ang tumatawag. Ang mga kaibigan, maaring umalis ang mga yan, pero ang pamilya mo, hindi mo dapat itulak palayo."

He goes out of his room more frequently now, papunta parin sa nursery. Pero hindi katulad ng dati, he greets the people he meets, lalo na ang mga nurse na nakasalamuha na niya dati.

"Don't cut them out, gusto ka lang naman nila mabati. Just be courteous and greet them back. Ang tipid mo kasi sa ngiti, kaya napagkakamalan kang masungit. And we both know hindi ka ganoon."

Twice a week kung dumalaw ang mama niya. And one is always on a Sunday. He's not close to his mother kaya naman everytime they talk, it's either they clash or he just ends up not listening or not talking. Kaya naman one time, Melody talked to him about it.

"Napansin kong lagi kayong nagaaway ng mama mo kapag binibisita ka niya. Want to talk about it?"

"There's nothing to talk about. That's how we normally talk with each other."

"Alam mo ba, matuwa ka na binibisita ka parin ng mama mo. Nakikita ko nage-effort siya para sa inyo." at saka ito ngumiti sa kanya.

So everytime na bumibisita ang mama niya ay kinakausap na niya ito ng maayos.

He doesn't know why he just keeps following what Melody tells him to. Pero nakikita naman niya ang point nito and come to think of it, it's for his good.

"Your cousins Yñigo and Yael will be in the country tomorrow. Bibisitahin ka daw nila anyday." sabi ng mama niya habang nagt-type sa cellphone.

Sina Yñigo, two years older than him at si Yael, a year older ay mga pinsan niya from the province. Madalas silang magkita kapag nagbabakasyon ang magkapatid dito sa America, at sa Pilipinas naman ay bumibisita sila sa kanya sa Maynila. Mas lalo niyang namiss ang pagbabasketball. Kalaro niya kasi ang mga ito noon.

Melody came in with the lunch tray on her hand and smiled at him.

"Kakain na po!" Masayang sabi niya.

Ngumiti siya as he wheeled his chair towards the table.

May kanin at tocino na may kamatis at bagoong ang ulam, may itlog na maalat din na kasama.

He smiled widely, alam niyang pinalitan nanaman nito ang laman ng tray niya. Tumingin siya kay Melody at ibinigay ang matamis na ngiti. Kinindatan naman siya ni Melody.

"Thanks!"
"No prob!" Sa labas lang ako."

"Paanong naging ganyan ang breakfast mo?" Tanong ng mama niya.
"Kinausap niya yung nutritionist sa baba, tapos pilipino yung cook kaya ganito ulam ko."

He's lying. Alam niyang si Melody ang gumawa at nagluto nito.

"Walang nagtitinda ng tocino sa mga asian stores here in town."

"Marunong gumawa yung cook."
Totoo naman...
Panandaliang tumahimik ito.

"That nurse is something, huh?"
"Yup! Mabait at magaling siya." ngiti nito sa ina.

"She's older than you, two years, if I remember correctly."

He doesn't know why she said this all of a sudden.
Kaya tumingin na lang siya dito ng nagtataka.

"You'll soon be having your fixators out. A month, to be exact."

"Yes. Pero may therapy pa."

Tumango ito. "Yes. But you can just go home after you heal from surgery. You don't need to stay at the hospital anymore."

"What? Why? Hassle pa kung galing pa ako sa bahay tapos pupunta ng hospital. That's everyday going to and from the hospital."

"I just thought you could go home already. We'll just hire a male attendant to assist you with your needs."

"I don't need to." pagiwas nito ng tingin. "I can just stay here, mahihirapan pa ako sa pabalikbalik."
I don't want another attendant.

"I'll talk to the doctor about it." Final na sinabi ng ina.
"I said I don't like the idea! Sasakit lang ang paa ko sa travel! Besides I'm fine here! Dati pinapagalitan niyo ako dahil ayaw ko dito sa hospital. Ngayon namang nakapag adjust na ako, sasabihin niyong uuwi ako?"

"You're not to give the final say on this." Tumayo ng diretso at nagpagpag ng damit ang mama niya. A sign that this conversation is over. She took her bag and left.

The next time the doctor visited, he asked about the therapy. Sadly, it's really just fine to go home after his surgery heals. But he doesn't want to. Kahit pa naiinis siya sa Doctor niya, na halos angilan niya sa kada bisita nito, minabuti niyang magpakumbaba at makiusap na sabihin ng doctor sa mama niya na mas ikakabuti kung sa hospital na lang siya mag stay.

Nagdalawang isip pa ang mokong na doctor.

"Why don't you want to leave?"

"I'm fine with the set up here. If i'm going to travel everyday then I'll only delay my healing."

"But it's good to have a change of environment, you've been in the hospital for quite some time now."

Aba, at talagang pilit akong pinapaalis?

"No doc. I won' t have anyone to help me at home."

Napataas ang kilay ng doctor.

"You can hire a male attendant?"

"NO!" mariing sabi nito. Tumigil ito panandalian at huminahon.
"I don't want to. Just tell my mom it's best for me to stay here. Please?"

Tahimik na nagisip muna ang doctor at saka tumango.
"Alright. I guess you'll heal quickly when someone is caring for you here."

Napayuko si Kristian at pinipigilan ang ngiting kumakawala sa labi.

-o-

"One month na lang at surgery mo na ulit, Kristian!" excited na sabi ni Melody habang nagbabalat ng apple.
"Oh, excited ka na yatang makaalis ako rito?"
"Asus! Siyempre, mamimiss ko ang kapilyuhan mo, pero mas masaya kapag magaling ka na."
"Nagsawa ka na yata sa pagaalaga saakin."

Aba? Nagtatampo pa yata ang loko?

"Anong drama naman yan? Ha? Dapat nga naeexcite ka na dahil malapit ka nang maka alis ng hospital."
"Ayoko na nga umalis eh."
"Huh? Di ka ba nababagot dito?"
"Hindi na. Nandito ka naman." Naka ngiting titig nito sa kanya.

May init na naramdaman si Melody sa pisngi kaya napayuko ito.

"Oh, namumula ka nananam!"
"Hindi ah!" Matinding pagtanggi niya.
"Cute mo talaga!" Tsaka siya kinurot sa pisngi.
That simple gesture melts her heart. After how many weeks together, they've warmed up to each other. Napaka-laki na rin ng pagbabagong nakita niya kay Kristian.

She doesn't show it, pero unti unti siyang na-attach kay Kristian. Alam niyang pasyente niya ito at any day ay aalis rin, kaya naman pinipigilan niya ang sarili na lalo pang ma-attach dito.
Iniisip pa lang niya na aalis na ito ay nalulungkot na siya.

Hinati hati niya ang apple at inabot kay Kristian ang fork. Pero di niya ito kinuha.

"Aaah!" Binuka nito ang bibig. Minomostrang subuan siya nito.

"Aba, inaabuso mo na yata pagaalaga ko sa'yo ha! Pati pag-kain mo susubuan pa kita?"

"Sige na, subuan mo na ko!"
Natatawa na lang na napapailing si Melody, pero sinubuan naman niya ito.

"Hmn. May bisita akong darating mamaya." Sabi nito habang may laman ang bibig.

"Talaga? That's a first. Sino?"

"Si Angel."

Napatigil si Melody sa pagtuhog sa apple.

"A-ah, ganun b-ba."

"Mmm." linunok niya ang nasa bibig at nagpatuloy. "Matagal siyang nagtrabaho sa New Jersey as a model kaya hindi siya naka bisita ulit. Before siya umalis binisita muna niya ako."

"Talaga? Di ko pa siya nakita."

"Yeah. Di pa kita nurse noon nung bumisita siya eh, madalas siya dito noon, halos araw-araw. Sabi niya agad siyang pupunta dito pagkadating sa LA. Namiss daw niya ako." Masayang sabi pa nito.

Napatayo na bigla si Melody at nag ayos ng gamit sa side table.

Darating daw yung 'Angel' na yun. Hmp!
Nakakainis ha. Di ko pa naman nakikita yung Angel na yun ayaw ko na sa kanya.
Maganda kaya siya?
Syempre Melody, maganda siya! Model nga eh? Diba?
Sexy rin yun panigurado.
Model nga eh? Diba?
Ikaw Melody? Maganda ka ba?
Sexy ka ba? Ha?
NGA NGA ka na lang diyan!!!
Kain pa more!!!

"Hey, what's wrong?" nagaalalang tanong ni Kristian.

"Ah, eh, wala po."

Napataas ito ng kilay sa kanya na parang nagtatanong.

"Sige sir, punta muna ako sa labas."
"Teka, wait!"
Hindi na niya narinig pa ang sasabihin ni Kristian dahil agad siyang naka labas ng pinto.

Ano ka ba Mel? Know your place!
Nacute-an lang sayo patient mo, kung umasta ka naman, para kang nagseselos!
Ano ka ba niya? Nurse ka lang, hello?
Model yun, huy! Nu panama mo dun?
Hanggang crush ka na lang diyan, asa ka pa!

Bumaba siya sa cafeteria at bumili ng dalawang bag ng chips, dalawang extra large coke, chocolate bars at dalawang cupcakes tsaka dumeretso sa nursery. Kailangan niya ang best friend niya ngayon.

-o-

"So ano bang meron, bakit tayo nagmumukmok?" Tanong ng bestfriend niya.

"Sinong nagsabing nagmumukmok ako?!" mataray na sagot niya.

"Ayan oh, yang sagot mong 'yan, halatang halata na. Don't me nga! Ako pa ba? Alam ko na yang style mo, uy!" pagtataas ng boses ni Louisse.

Kada mag bi-binge eating kasi ito ay sigurado, stressed na siya. Kapag kasi may pinoproblema siya patungkol sa financial needs niya at sa pamilya niya sa Pilipinas ay ganito ang ginagawa niya- nag s-stress eating siya. Masaya naman siyang dinadamayan at sinasamahan ng kaibigan, dahil hello? Libre luhfung din yun?

"So ano na, spill the beans!"

"Ano, may darating na bisita si Kristian."
"Ay good news yan! Makikilala natin ang bagong friend!"

Nakunot ang noo at nagdikit ang kilay ni Melody sa kaibigan.

"Ay, galit tayo sa bagong bisita, kambal?"
Dahan dahan itong tumango ito nang magkadikit parin ang mga kilay.
"Oh, eh bakit tayo galit dun?"

"Ang arte arte ng pangalan. Psh! At sabi ni Kristian, dati halos araw araw daw itong bumibisita. Modelo daw kasi kaya nagtrabaho muna sa ibang state. Ngayong pagbalik niya, agad daw siyang bibisita kasi namimiss na daw niya si Kristian. Modelo daw, kambal! Maganda, payat, sexy!"

Nakataas ang kilay ni Louisse. "Selos much, kambal?"

Naubo niya ang iniinom na coke.
"H-hindi!"

"Asus, deny pa, sige."
"Hindi ngaaaaa-uhg!" sinubuan siya nito ng cupcake sa bibig.
"Alam mo kambal, matagal ko na namang napapansin, may something sa inyong dalawa. Ang laki ng ipinagbago ni patient mo noh!"

"Nginangi ngya ngyu aw ako angyanga he yayks nge ngaw."

"Ay puta! Ubusin mo nga muna yang nasa bibig mo! Kaloka ka, na-ngongo ka na jan!"

Mabilis na ngumuya siya at lumunok ng malaki.

"Sinabi niya... " lumunok ulit ito.
"Cute daw ako, atsaka he likes me daw."

" Oh. My. Gas!"

"I know right? Gas talaga. Mapapa utot ka na lang, kakatawa kasi, duh? Sino magkaka gusto sa balyena?" malungkot na sabi niya habang dumudukot ng chips.

"Ay tanga. Ang harsh mo sa sarili mo kambal!"

"Eh baka naman kasi like as in gusto niya ako as a nurse? O kaya gusto niya ako bilang kaibigan?"

"Ay, tanga nga. Oh sige, dahil magaling ka mag analyze at mukhang pinag-isiiipan mong mabuti ang 'i like you' niya, sige i-explain mo, bakit niya nasabi na cute ka, explain mo bakit magkahawak kayo ng kamay nang magkasama kayo matulog. Explain mo bakit lahat ng sabihin mo parang inaabangan niya at sa'yo siya lagi nakatingin!"

"Lagi ba siyang nakatingin?" Alanganing tanong niya rito. Sumipsip siya sa coke na ubos na pala.

"Kambal, I think you're not paying attention." Nahilot ito sa sentido. "Tanga ka na, bingi ka pa. OO NGA, LAGI NGA NAKATINGIN SA'YO! Kasasabi lang eh!"

Napangiwi siya at nagisip isip.

"Eeeh! Na s-stress ako lalo!"
"Oh sige, lafang ka pa." pag-aya ng kaibigan at inapot ang isang bar ng Twix.

Magbest friend nga ang dalawa.

-o-

Matagal na nakipag-kwentuhan si Melody kay Louisse at nilaro ang mga baby. Hindi muna siya bumalik agad sa kwarto ni Kristian at nagpaka busy muna sa nurses station habang nakatuon ang pansin sa chart ng pasyente niya.

Nang oras na para mag bigay ng gamot ay pupuntahan na niya ito, kaso may narinig siyang tawanan sa loob ng kwarto. Halatang masayang masaya and tinig ni Kristian habang may kausap. Baka nandito na yung Angel.

She opened the door briskly and went in. Tuloy tuloy lang siya habang nakatitig sa tray papunta sa bed kung nasaan si Kristian at inabot dito ang gamot.
Nakatingin lang sa kanya si Kristian na may bakas pa ng ngiti dahil sa paguusap nila ni Angel, pero kinuha naman nito ang gamot.

May lumapit sa kanya sa kanyang likuran at tinapik tapik ang balikat niya.

Aba! At talagang kakausapin mo pa ako ha? Mataray na sabi nito sa sarili.

Lumingon siya na handang mangisnab nang makita ang matangkad na Amerikanong lalaki na kulot ang buhok at naka handa ang palad para makipag kamay sa harapan nito.

"Hi, Beautiful. My name's Angel."

Nahulog ang panga niya habang nakatingin sa mukha ng lalaki.

"L-lalake? L-lalake si Angel?" Sabay tingin kay Kristian na nasa likuran niya.

Napangiti lang ng malaki si Kristian at hindi nagsasalita.

Ohmigosh ohmigosh omigosh!!!
Lalake siya, hindi babae! Lalake!

Biglang bumukas ang pinto ng kwart at bumulalas ang boses ni Louisse.
"Hay nako ha, sino ba yang friend na 'yan at..."

Napatigil ito nang makita ang hitsura ng mga taong nasa loob mg kwarto.

Tumingin siya sa bisita, tapos kay Kristian, Tapos kay Melody na parang natatae na ang hitsura.

"Oh my goodness." Bungad niya.

"I'll get the cokes and the chips." mabilis na napatalikod na sabi niya sa kanila.
"I'll get the cupcakes." mabilis at patakbo namang escape ni Melody.

Naiwang nagtataka ang dalawang lalake sa loob ng kwarto habang handa nang mag binge eating round two ang magkaibigan.

Continue Reading

You'll Also Like

20.1K 567 42
Just did this for fun
5.8K 319 95
More out of context shorts!
60.5K 447 7
An easy and proven way to build good habits and break bad ones..
635 79 12
Maybe this time i can love you without hesitation Maybe this time our heart could beat as one