ETERNALLY

Par Silentiana

16 0 0

Isang babaeng inakala na siya ang pinakamalas sa mundo. Mahahanap ang kaniyang kasiyahan at kalungkutan sa i... Plus

KABANATA 1

16 0 0
Par Silentiana

Isang araw na naman para sa mala-impyernong buhay na ito. Isang magandang umaga ang sasalubong sana sa akin kung walang bumuhos na tubig mula sa aking itaas.

"Putangina Aurelia gumising ka na!" Sabi nito at sinapak ako.

Tumayo agad ako at pumunta sa banyo upang maligo dahil basang basa na ako at may pasok pa ako. Pagkatapos noon ay nagbihis na ako at sumilip sa aking bintana. Nakita ko roon ang isang lalaking nakatayo sa isang maliit na bahay na naka uniporme ngunit gusot at medyo may kadilawan na ang suot.

Medyo may kaputian ito at matangkad. Maganda ang mata at maganda rin ang ayos ng buhok. Gwapo ito at di ito makakaila. Pero di ito sapat para sa ibang tao dahil sa suot nito. Kung titingnan mo ay alam mong mahirap lang ito. Nakikita ko lagi ito na humihiram lagi ng isang libro. Siguro ay isang milyong beses niya na ito binabasa.

Sumigaw na ang ate ko kaya bumaba na ako at di na nag almusal pa dahil wala naman itong hinanda para sa akin. Ang lahat ay para sa kaniya.

May kaya lang kami. Di kami mayaman kaya't gumagawa ako ng paraan para matustusan ang aking pag aaral dahil di ko maaasahan ang aking ate sa ganoong bagay.

Namatay ang mga magulang namin sa isang aksidente at ako ang sinisi ng ate ko dahil ako lang ang nabuhay sa aming tatlo. Simula noon ay nag iba ang turing niya sa akin at minaltrato na ako simula noon.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng paaralan. Pumunta na ako sa Library dahil may trabaho ako roon. Dun ko nakukuha ang aking baon at minsan ay pang-kain na din sa buong araw.

Nakita ko ang lalaking iyon. Yung lalaking nakita ko sa tapat ng bahay namin. Nagbabasa ito at halatang pagod. Di ko na lamang ito pinansin at nagsimulang mag-encode ng mga kung anu-ano. Pagkatapos noon ay inayos ko ang mga libro kung saan ito naka-pwesto dati. Yun lamang ang mga trabaho ko. Sa isang shelf doon ko muli siya nakita. Naghahanap ng libro.

Di na ako sana titingin pa at gagawin ko muli yung pinapagawa sa akin ngunit.

"Miss asan dito yung libro na hinihiram ko lagi. Yung A walk to remember?" tanong nito

"Ahh e-eto o" sabi ko at binigay iyon sa kaniya na naging dahilan para mahulog ang mga librong hawak ko.

"Sorry tulungan na kita" sabi nitp ar tinulungan ako ayusin ang mga libro.

Tinulungan naman niya ako at ng maayos ay ngumiti siya at nagpaalam.

"Sandali lang" Sabi ko

Huminto naman siya at tumingin sa akin.

"Bakit mo binabasa yan lagi? Kahit di naman masaya yung ending?" Tanong ko.

"Di ko alam. Pero dito ko gusto makuha ang daloy ng storya ng pagmamahal ko. Kahit na magkaibang magkaiba ang sarili ko sa mga tauhan dito haha" sabi nito at ngumiti.

"Gusto mo may mawala sa huli?" Tanong ko muli.

"Di naman maiiwasan ang pagkawala ng isang tao. Pero ang ibig kong sabihin. Kahit pinaglalayo na sila ng mga tao pinaglalaban parin nila ang pag ibig nila." Sabi nito

Napangiti na lamang ako sa mga sagot niya.

"Kung Q&A to sa pageant sigurado ako panalo ka!" Sabi ko

Tumawa naman ito.

"Ako nga pala si Aurelia Zchell Gomez. Ikaw ano pangalan mo?"
Tanong ko.

"Kyle Regyll Delos Reyes" sabi nito at ngumiti.

"Kyle! Libre kita kasi pinasaya mo ako" Sabi ko

"Wag na. Ayos na yun haha" sabi niya.

"Sige na please?" Pag papaawa ko

"Sige na okay na!" Sabi nito at ngumiti.

"Yehey!" Sabi ko at hinawakan ito sa braso at pumunta na kami sa Cafeteria.

Kakaunti lang ang tao dito. Dahil uwian na.

Ang kinain namin ay dalawang slice ng pizza at drinks na rin.

Nabusog naman agad kami don. Di namin namalayan ang oras dahil sa rami ng mga pinag usapan namin. Parehas kasi kaming mahilig magbasa ng libro at parehas din ang mga gusto namin sa buhay. Gusto namin maging isang magaling na magsusulat.

Hinatid naman niya ako sa gate ng bahay namin at saka nagpaalam.

"San ka galing?!" Sigaw ng ate ko.
Sinapak ako at sinabunutan nito.

"Araaaaay! Tama na!" Sabi ko.

"Alam mo bang wala pang sinaing?!" Sabi nito habang pinapalo ako sa ulo.

"Bat di ka nagsaing?!" Sigaw ko ng makawala ako sa pananabunot niya.

"Gawain ko ba yun ha?!" Sabi nito at sinampal ako

"Magsaing ka na! Wala ka talagang kwenta!" Sabi nito ar umakyat papunta sa kwarto niya.

'Ako pa talaga yung walang kwenta..' Sabi ko sa isip ko.

Nang matapos ako magsaing ay umakyat na ako at di na kumain.

Natulog na lang ako dahil sa sakit ng katawan ko.

Di ko namalayan na humihikbi na pala ako sa pagtulog ko. Binibigkas ang mga salitang di o na nasasabi ng ilang taon.

Kala ko kaya ko na mabuhay ng wala sila. Hindi pala. Kumuha ako ng box sa tabi ko at hinanap ang kaibigan ko.

Linaslas ko ito sa aking mga kamay at tiningnan ang pagtulo ng dugo nito. Natulog na muli ako.

Nagising ako ng maaga at nakapag ready na din ng maaga kayat nakapagsolo ako ng pagkain. Pagkatapos ay umalis na ako ng hindi pa nagigising kapatid ko. Nakita ko si Kyle na palabas ng bahay nila kaya't tinawag ko na ito.

"Kyle! Kyle!" Sigaw ko at tumakbo palapit sa kaniya muntik naman ako mahagip ng sasakyan kayat hinila niya ako ng mabilis palapit sa kaniya.

Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya't mabilis akong humiwalay dahil ang awkward ng sitwasyon namin.

"Ahh- ehh- papasok ka na ba?" Tanong ko at um-oo naman siya

"Sabay na tayo" sabi ko

"Sige" sagot niya.

"Uhm- salamat nga pala siguro kung di mo ginawa yun siguro pinaglalamayan mo na ako. O kaya nasa hospital ako kung medyo mabait ang Diyos." Pagbibiro ko.

"Mabait naman talaga ang Diyos. Di niya yun hahayaang mangyari sa kahit na sino." Sabi nito na ikinalungkot ko

"Okay ka lang?" Tanong niya

"Oo naman! May naisip lang" sabi ko

"Andito na pala tayo" sabi niya at sabay na kaming pumasok sa school.

"Haha! Si Pobre at Ulila nagsama!" Sabi ng isang babae at pinagtawanan naman kami ng mga tao sa paligid.

"Huwag mo na pansinin" sabi ni Kyle at hinawakan ang kamay ko.

Di kami pumasok ng unang subject namin. Tumambay na lang kami sa tagong lugar. Kung saan tahimik at puro halaman.

May playground ito kaya't nag dito na lang muna kami nag stay.

"Ilang beses mo na nabasa yung paborito mong libro?" Tanong ko

"134 times di ako nagsasawa doon. Halos kaya ko na ngang sabihin lahat ng lines nila doon hahaha biro lang" sabi ni Kyle.

"Ikaw?" Tanong niya

"Mga 234 times lang naman hahaha" sabi ko.

"Imposible!" Sabi niya.

"Anong imposible sa kapag walang ginagawa babasahin iyon. Kapag may pinagdadaanan babasahin ulit iyon. Walang imposible dun" sabi ko habang nakangiti

"Hoy bumalik kayo sa klase niyo!" Napalingon kami sa magsalita at napatakbo na lang kami ng makita ang guard na kinatatakutan ng lahat.

Hingal na hingal kaming napaupo sa isang bench.

Nang makaraos ay nagpaalam na kami sa isa't isa at nagbalik na kami sa mga klase namin.

'Ang ganda ng mga ngiti niya' sabi ko sa isip ko at napangiti na din.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

208K 14.6K 41
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
The Mayor Par Dany

Fiction générale

14M 255K 61
.
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
49K 601 29
Stubborn Love (Denny & Raikko from JABIL) is now complete and available on Dreame. Search for my profile name, Destinesia or search for "Stubborn lov...