My Secret Bride

By chinisparkle

10.4K 129 30

Bakit ganon? Lagi na lang si girl ang panget, slow, mahirap at overall nega ang qualities? Tapos si boy, maya... More

title of your story
Prologue
1 - The Debut
2 - 18th Rose
3 - The Morning After
4 - Meet the Parents
6 - The Talk 2
7 - First Night
8 - Moving In
9 - Party of the Season
10 - Back to School
11 - Campus Celebs
12 - Hot Choco and Honey Milk

5 - The Talk

555 6 0
By chinisparkle

LET"S TALK

Sa unang pagkakataon, hindi naeenjoy ni Lu ang pagkain sa Gazebo. Parang nawalan siya ng panlasa lalo na sa nagging revelation kanina.

NICK GEEK!!!

MY FIANCE?!?!?!

NO FRIGGIN WAY!!!!

(((p(>o<)q)))

This is, like, social suicide! I mean, being nice to the losers is different, waaaaaayyyyyy different, than marrying them. Moi? Le prinzeza pumapatol sa isang miyembro ng nasa talampakan ng social hierarchy? Ano na lang ang sasabihin ng iba? My ghaaaad!!!! Overoveroverprotective sa akin ang pamilya ko. Bawal malapitan ng kahit sinong lalaking hindi kamag-anak tapos sa isang NIck Geek LANG pala ako mapupunta?

NO FRIGGIN WAY!!!

HINDI MANGYAYARI YUN! HINDING-HINDING-HINDI!!!!

(((p(>o<)q)))

'Ang sarap talaga ng pagkain dito sa Gazebo! No wonder dinadayo ito ng mga tao." Sabi ni George.

'Iba talaga kapag organic lahat ng ingredients, hon.' sabi naman ni Anna.

'Mabuti nga naisipan naming  magpatayo ng hiwalay na mini and private gazebo para sa aming pamilya at sa mga bisita eh. Noong una, para lang ito magkaroon kami ng business meeting area na relaxed naman ang ambiance.' ani Lucy

'Siyempre mare, minsan mas maganda na sa ibang lugar naman nagaganap ang meetings hindi puro sa Moon Tower lang. Mas nakakalinaw ng isip kung fresh nakakalanghap ng fresh air kaysa puro aircon.' sagot ni Anna.

Ang Moon Tower ang headquarters ng buong Montoya Empire. Nakatayo ito sa gitna ng business district ng La Luz.

"Oo nga pala hindi pa nga pala kayo nakakalibot sa bayan. Kung gusto niyo, after natin mag-breakfast ililibot naming kayo. Para naman makita niyo nang personal ang lugar ng MAPAPANGASAWA ng anak niyo!' Sabi ni Raf

Sabay namang nabulunan ang dalawang kabataan sa lamesa nang marinig ang salitang MAPAPANGASAWA. Parehong namula ang mukha nang dalawa. Pasimpleng tiningnan ng masama Si Fin habang nakayuko at umiiwas ng tingin ang binata.

(((( ;°Д°))))      (((( ;°Д°))))

'Ehem.. ehem... Ito o uminom kayo ng tubig.'

'Ikaw naman pare binigla mo naman ang mga bata'

'Sus! Ano naman ang nakakabigla dun? Mga bata palang sila, alam na nilang mangyayari ito. Hindi ba nga matagal ka nang excited na ma-meet ang 18th Rose mo Lu?'

'He he...' Napangiti na lang si Lu.

It's true that I've been very excited to meet my 18th rose! Who wouldn't be?! Pero ngayon parang gusto ko bumalik dun sa panahong iniimagine ko pa siya at kung anong itsura niya. Please... NOT HIM!!! ANYONE BUT HIM!!!

(*≧m≦*)

'Pagkatapos natin mamasyal, dumiretso na tayo sa city hall. Kahapon nakausap ko si Judge Mariano. Naayos na raw niya ang mga papeles, pirma niyo na lang ang kulang,'

"Don't worry hija. Ngayon, since students pa naman kayo, civil wedding muna. Kapag nakapagtapos na kayong dalawa saka tayo magdadaos ng magarbong church wedding. Hahayaan na naming kayo ni Fin magdecide kung dito sa La Luz o sa isla namin idadaos ang kasal. O pwede rin namang both!"

Nanlulumo na sa kinauupuan niya si Lu. Pasimple niyang tinitingnan ang mukha ni Fin. Wala man lamang itong reaksyon. Akala mo sa mukha niya pagkain pa rin ang pinag-uusapan ng mga magulang nila. Kain lang siya ng kain.

"Can I order extra rice?"

(*O*)

Napanganga lang si Lu!

huwatdaeff?! Pinag-uusapan na ang kasal natin may gana ka pang mag-extra rice??? Hindi ka ba pinapakain sa inyo? Gosh! Bakit naman sina tito at tita maayos itsura. Eh bakit ikaw mukhang patay-gutom ang peg? Pinapainit mo ang ulo ko ha! Palibhasa you have nothing to lose and everything to gain in this marriage. You will have ME! Beautiful, smart and sexy ME!

Nakayuko at patuloy lang sa pagkain si Fin. Tama ang mga magulang niya. Masarap talaga ang pagkain sa lugar na ito lalo na ang gulay at prutas. Pati ang mga karne fresh na fresh at halatang alagang alaga bago kinatay. Hindi ito ang unang beses niyang makakain dito pero sarap na sarap pa rin siya.

Alam niyang pasimple siyang tinitingnan ni Lu para alamin ang reaksyon niya, Alam niya rin na kahit na nakangiti lang ito buong oras na kumakain sila ay malapit nang sumabog sa inis si Lu.

Kahit na magalit pa si Lu at hindi pumayag, wala na silang magagawa. Nakatakda na ang pagpapakasal nilang dalawa at wala nang makakapigil dito. Matagal na itong pinlano ng mga magulang nila bago pa man silang dalawa ipinanganak.

Maya-maya pa ay natapos na silang kumain. Dahil naglilitanya na naman si Lu sa utak niya hindi niya napansin na tumayo na pala sa lamesa ang mga kasama niya.

Parehong nagpapaiwan sa paglalakad ang dalawang kabataan. Pareho nilang gustong kausapin ang isa't isa.  Nauna lang nang kaunti si Lu kay Fin. Habang naglalakad palabas ay tinititigan nang masama ni Lu ang likod ni Fin. Parang gusto niya ito saksakin patalikod. Naiinis talaga siya sa mga nangyayari.

Bago tuluyang makalabas si Fin, hinatak ni Lu ang braso nito. Dahil sa sobrang bigla ay muntik na matalisod si Fin. Mabuti na lamang at nakahawak siya sa isang kahoy na railings kung hindi ay nadaganan niya si Lu. Siguradong mababalian ng buto si Lu pag nagkaganon. Napakaliit pa naman nito kumpara sa kanya. Hindi tulad ng katawan niyang matigas at ma-muscle dahil sa pagsagwan ng bangka at paglangoy sa dagat.

Halos matanggal ang salamin niya sa mata. Tinitigan niya si Lu nang may pagtataka.

"Bakit Lu?" 【・ヘ・?】

"Umayos ka na nga! Nakakahiya sa mga tao o pasalampak ka na diyan." masungit na bulong ni Lu.

"Bigla mo kasi akong hinatak eh..."

"Whatevs! Let's Talk."

Tinawag ni Lu ang mga magulang ni Fin.

"Tito! Tita! Kung ayos lang po sa inyo, ako na po ang maglilibot kay Fin sa bayan" sabay ngiting anghel.

Nagkatinginan ang future magbabalae.

ヽ(^▽^)人(^▽^)人(^▽^)(^▽^)ノ

"Oo naman hija. Maganda yan para makapag-bonding kayo bago ang kasal."

HInatid nina Lu at Fin ang mga magulang hanggang sa entrance ng Gazebo. Hindi nawawala ang ngiti ni Lu sa mga labi niya kahit asar na asar na siya. Nang makalabas na ng vicinity ng restaurant ay tinitigan na naman niya nang masama ssi Fin saka pinasunod sa kanya.

Tuwang-tuwa si Fin sa paligid. Namamangha siya sa lahat ng nakikita niya.Ibang-iba talaga ang La Luz sa lugar na kinalakhan niya. Ekta-ektaryang taniman ng palay ang nakikita niya. Nilabas niya ang kanyang cellphone at nagsimulang kumuha ng mga litrato sa may palayan. Aliw na aliw talaga siya sa pagkuha na ultimo kalabaw at mga insekto kinukuhanan nya. Nagsimula pa nga siyang kumuha ng panorama. Ilang saglit lang ay tumambad sa screen ang isang nakasimangot at nakapamewang na Lu. Agad niyang binulsa ang kanyang cellphone.

"Nag-eenjoy ka ba?" sarcastic na tanong ni Lu.

"Yup! Yup! Ang saya dito! Napakasimoy ng hangin! Masarap ang mga pagkain. Ngayon nga lang ako nakakita ng live na kalabaw nang malapitan eh! blah blah blah blah..."

"Stop! Stop! Stop! Can't you detect sarcasm? Ano ba? Ambobo mo naman!" ヽ(#'Д´)ノ

Nawala ang ngiti ni Fin. (_ _|||)

"I mean... I didn't mean it that way... it's just that... you know...."

"I know. What do you wanna talk about?"

"Our marriage.... I'm sorry Fin I just can't do it."

"You CAN'T do it or you just WON'T do it because of ME?"

Natigilan si Lu.

"It's just that... hindi kita type eh... iba yung gusto ko."

"May gusto kang iba? Sino?"

"Wala. Walang iba. Pero hindi kita gusto..."

"Baka naman ang gusto mo ay yung 18th rose mo."

Hindi makatanggi si Lu. Kung si 18th Rose ang ipapakasal sa kanya, diretso na sila sa office ni Judge Mariano, kasal kasal agad... tas honeymoon... later na ang tour sa bayan.

"Ako rin naman yun eh. Iba lang ang ayos ko.."

"KAPAL MO! HINDI IKAW YUN! LOSER KA KAYA!"  o(>< )o

Gosh Lu! Lumalabas ang ugali mo... magtimpi ka... magtimpi ka... remember, schoolmate mo yan!

"I mean... eh... basta... TEKA! Bakit ikaw mukhang ok lang sayo? Siguro type mo ako no?"

"HINDI KITA TYPE!!!" Napalakas na sabi ni Fin. (><)

ANO RAW??? HINDI RAW NIYA AKO TYPE? WEEEHHH??? SA GANDA KONG TO? KAPALMUKS KA KUYA GIANT GEEKY LOSER!!!!

"Since hindi naman natin type ang isa't isa, huwag na tayo magpakasal."

"Wala ka nang magagawa Lu. Wala na TAYONG magagawa. Our families take arranged marriage seriously. Kahit ayaw natin pareho, it doesn't matter. Bakit mo pa sinistress ang sarili mo? Let's just go through it. If you can't treat me as a husband, that's fine. I mean, we're still in college. You can see me as a friend or at least a housemate when we move in together... O sige, wag na friends or housemates, kahit civil lang tayo sa isa't isa ok na. I won't butt in on your business and I hope you'll do the same. Hindi pa ba sapat yun?"

"But marriage is not supposed to be like that!" Lu was exasperated. "We're supposed to marry our one true love and we're supposed to live happily ever after..."  (ღ˘⌣˘ღ)

"Don't worry Lu.. In time, I'll give you your happily ever after..." mahinang-mahinang bulong ni Fin.

"Ano?"

"Wala... hopeless romantic ka pala kahit mejo masakit ka magsalita."

Brooommmm... Broooommmmm....

Maya-maya ay may dumating na naka-motor.

"Rick! Thank God!"

"Pinapasundo na kayo. Asa may office na ni Judge Mariano ang parents niyo eh."

"I'm sorry Fin. This won't work." sabay harap kay Rick "Ihatid mo na ako dun. Kakausapin ko ang parents ko."

"Pano siya?" Turo kay Fin.

"Malaki na yan. He can find his way back to where they are staying. Tara!"

Sumakay na siya sa motor. Napakibit-balikat na lang si Rick kay Fin. Tiningnan niya ito nang parang nagsasabing Pagpasesyahan mo na siya ha... Mejo spoiled brat eh...

Tumungo na lang sa Fin at humarurot na paalis ang motor.

"Hahahaha! Ibang-iba talaga ang tunay na ugali niya! Mas nakakatuwa siyang tingnan kapag nanggagalaiti siya sa galit! "

Dahil naiwan na rin lang siya, minabuti na niyang ipagpatuloy ang paglilibot sa bayan ng mapapangasawa niya...

☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆.。.:*・°☆

Hello peeps! Super thanks sa lahat ng nagClick, nagbasa, nagbabasa at may balak magbasa ng stories ko. Sana nagustuhan niyo. Kung hindi naman, eeehhh... yun yung asa utak ko eh. Ilang gabi na ako pinapatulog ng mga story ko. Dahil nasimulan ko rin lang naman isulat ay itulu-tuloy ko na raw. May mga naisuat na ako pero puro future scenes pa. Excited na nga ako isulat yun eh. Pero weird naman kung hindi in-order upload ng chapters diba?

Ansaya ko kasi umabot ng 100+ reads ang story na ito. Kung tutuusin onti pa nga yun compared sa iba pero kaiht na. Masaya pa rin ako.

Dedicated itong chapter na ito sa second follower ko. Salamat sayo. I hope you enjoy reading my stories.

By the way, I have a (bad?) habit of not rereading my works so pardon any errors.

SuperLove <3

Chinisparkle

Continue Reading