Unexpected You [CGS #3]

By empress_myrrh

56.8K 1.3K 7

Sometimes the most shocking surprises are also the most beautiful surprises. SURPRISE? Yan bang lagi kang nae... More

Myrrh's Beautiful Note:
Prologue:
Chapter 1: Come Back Home
Chapter 2: Photoshoot
Chapter 3: Nothing Changes
Chapter 4: Accident
Chapter 5: Warrant Arrest
Author's Paepal Note:
Chapter 6: Hindi Ko Alam
Chapter 7: Elisha Quen
Chapter 8: Finding Statue
Chapter 9: Talk About Kiss
Chapter 10: Heartbreaker
Chapter 11: Ice Cream Incident
Chapter 12: Proxy
Chapter 13: It's A No
Chapter 14: Answer For My Question
Chapter 15: Long Lost Childhood Friend
Chapter 16: Trouble
Chapter 17: Trust Meant To Be Broken
Chapter 18: Walk Away
Chapter 19: Let You Go
Chapter 20: He's Back
Chapter 21: Ghost Him
Chapter 22: Pretend
Chapter 23: Potassium Girlfriend
Chapter 24: Talk About Us
Chapter 25: Secrets
Chapter 26: Baby Stuffs
Chapter 27: Agatha's Revenge
Chapter 28: Scars
Chapter 29: Invitation
Chapter 30: Runaway
Chapter 31: Ice Skating
Chapter 32: Blessing
Chapter 33: Lies Over Truth
Chapter 34: Truth or Dare
Chapter 35: Kneel Down
Chapter 36: Little Van
Chapter 37: My Teritory
Chapter 38: Elisha's Confession
Chapter 39: Happily Ever After
Epilogue:
Note to be Notice:
Author's Note

His POV:

1.3K 32 4
By empress_myrrh

Unexpected You by MyrrhRamirez


His POV:

"Papalabas na si Elica.." ani ni Myrrh sakin at hindi ko na lang ito pinansin. "May lunch tayo later huh! Sumama ka na.." dugtong pa nito.


Nagtuhumbs na lang ako sa sinabi nya kahit na ang totoo ay hindi naman talaga ako sasama dahil may gagawin pa ako paguwi ko ng bahay. At nakita ko naman mula sa periphial vision ko na lumabas na mula sa dressing room si Elica suot yung damit na imomodelo nya.



"Ready?" tanong ko sa kanya kahit na pinipigilan ko ang sarili ko na mailang sa kanya.


At isang tipid na ngiti lang ang sinagot nito sakin. Naninibago lang ako sa kanya ngayon dahil sa tuwing tatanungin ko to panigurado na may kasamang pambabara ito. Patuloy lang ako sa pagcclick ng camera ko at hindi ko maiwasang humanga sa galing nyang magpose. Pero nakakaramdam naman ako ng kakaipbang kaba sa tuwing tinitignan ko sya sa likod ng camera.

Ilang taon din ang lumipas nung umalis sya papuntang Brazil, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita na naman kaming muli. At naninibago lang ako sa kanya dahil ang laki ng pinagbago nya.


"Very impressive! Great job!" pagpupuri ko sa kanya at saka sabay thumbs up ko.


Pero isang ngiti lang ang sagot nito at dun ko nakita na may hindi pa nagbabago sa kanya. Hindi sya sanay na pinupuri ng ibang tao at ramdam ko naman na naiilang sya sakin. Pagkatapos ay mabilis ko naman inayos yung gamit ko ng bigla kong narinig ang nakakarinding boses ni Myrrh.


"Wow! Im totally speechless Elica! Mukhang mas forte mo ang modeling kesa sa ballet dancing!" masayang sabi ni Myrrh. "Right Van?" dugtong nito.


Mukhang nang aasar si Myrrh kaya naman napahinto ako sa pag aayos kaya naman nilingon ko sila.


"Kulang sya sa expression.." ganti ko at napansin ko naman sila na mukhang nagulat sa sinabi ko.


"Expression? Really Van? Photographer ka ba talaga? She's really perfect!" sagot naman ni Myrrh.


Isinukbit ko na sa balikat ko ang bag ko at saka tinalikuran ko sila.


"Aalis na ko.." sabi ko habang hindi ko nililingon sila at saka tinahak papalabas ng boutique ni Myrrh.

"Sandali!" napahinto naman ako sa paglalakad pero hindi ko pa rin sila nililingon. "May luch pa tayo ah?! Ayaw mo? Libre ko!" dugtong nya.



Itinaas ko na lang ang kaliwang kamay ko na senyales na aalis na ko at saka nilisan ko na ang boutique. Sa ngayon ayoko munang kausapin si Elica, nararamdaman ko naman na naiilang sya sakin kahit na hindi naman nya sabihin.


"Kuya dito!"napalingon ako dun sa babaeng sumigaw kaya naman agad naman akong lumapit sa kanila at saka umupo ako sa tabi ni Elisha.

"Kuya ang tagal mo naman! Tunaw na tuloy yung ice cream na inorder naman nila Kuya Ian.." at saka nagpout naman ito.

"Stop pouting Elisha mukha kang pato.." sabi ko at saka inirapan naman ako nito.

"Pre may gig daw tayo nagtxt sakin si wifey.."sabi ni Ian habang hindi ito nakatingin sakin at mukhang busy sa pagttxt.

"Uy! Saan daw?" tanong ni Regie na may kalat pa sa gilid ng mga labi nya.

"Kila Anna daw.." sagot naman ni Ian.

"OMG! Kuya Ian can I join?" –Elisha.


Mukhang masama ang kutob ko sa gig na sinabi ni Ian ah. O sadyang napaparanoid lang ako kanina dahil kay Elica? Stop talking to your thoughts Van.


"No, hindi pwede baby girl dahil welcome party namin yun sa isa naming kabarkada kaya no outsiders allowed.." sabi ni Ian kay Elisha.

"I hate you Kuya Ian.." at saka nagpout na naman si Elisha.

"Don't worry baby girl, dadalhin ko sa harapan mo yung soon to be wi- AWW! BAKIT KA NANG AAPAK NG PAA VAN?!" inis na sambit ni Regie sakin.

"Bubusalan ko yang bibig mo Regie pag di ka pa tumahimik.."pananakot ko.

"Hay naku kuya! Kunawri ka pa e dib a si Ate Cai naman yun? If I know kuya namiss mo talaga sya ng sobra kahit hindi mo aminin samin.." at saka grin na tumingin sakin yung kapatid ko.

"I agree with that baby girl and obvious naman kasi ng kuya mo, kunware masungit pero deep inside natutuwa yan.." dugtong naman ni Regie.


Hindi ko na lang pinansin yung pang aasar nila at pinagsisihan ko na dapat hindi ko na lang sinipot itong tatlo na ito kung aasarin lang ako.


***


"Hoy lalaki nasaan na yung pinakukuha ko sayo?" inis na sambit ni Myrrh kay Regie.


Naririndi na naman ako sa iringan ng dalawang to kaya naman hindi ko na lang sila pinansin at inayos ko na lang ang tono ng gitara ko at yung iba naman may kanya-kanyang ginagawa.


"Grabe iisang paperbag lang ang pinakukuha ko sayo inabot ka na ng siyam-siyam.."

"Sorry na babe tinawag lang ako ng kalikasan kaya medyo natagalan.."

"Tigil-tigilan mo nga ako sa kalandian mo Regie, akina nga yan at sasalubungin ko sa si Elica.." at saka tinalikuran nito si Regie.



Napangisi na lang ako sa nangyari sa dalawang to, akala mo kung mag-away daig pa yung mag-asawa. Hindi pa naman nagiging sila.. Tsss..


Naramdaman ko naman na may humawak sa balikat ko kaya naman napalingon naman ako sa kung sino.


"Bro mukhang huli na yata ang lahat.." pakahulugan na sabi ni Ian sakin.


Hindi ko sya naintindihan sa nais nyang sabihin sakin kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at sinundan ko na lang si Ian kung saan ito patungo. Napansin ko naman na nakapalipot sila sa kararating lang na si Elica at isang lalaking hindi ko pa nakikita noon.



"Talaga? Ang galing mo naman! Si Van din marunong din yang kumanta Dale.." sabi ni Elaine sakin at saka tumingin sa gawi ko.


Tinignan naman ako ng lalaking kasama ni Elica at mukhang pamilyar sya sakin. Inilahad naman nya sakin ang kamay nya at mukhang nakikipagkilala.


"Im John Dale Torres, Elica's fiancée and you are?" sabi nito na may halong accent pa.


Sabi na nga at kilala ko tong lalaking ito.



Tinignan ko lang ang kamay nyang naghihintay na abutin ko para makipagkilala pero wala akong panahon para makipagkilala sa kanya. At isa pa hindi ko gusto ang dating ng lalaking to kahit na sabihin nyang sikat na singer sya. Dahil hindi nya kayang pantayan ang pagmamahal ko kay Elica.

Tamang-tama naman ang pag-upo ko at sakto ang paglabas ni Elica sa stage at hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. Napansin ko pang napahinga pa ito ng malalim bago nito simulan ang pagkanta. Itinuon ko ang sarili ko sa pagtugtog at pilit na hindi sya pinapansin. At binigyan naman kami ni Ian ng signal na ready na kaming magback-up dun sa kanta kaya naman inilapit ko na ang bibig ko sa mic. At nagulat ako ng mag-isa lang akong kumanta na buong akala ko ay sasabayan ako ni Regie.


Mukhang sinadya ng mga kumag na ito ang pagduduet namin ni Elica..



Pagkatapos na pagkatapos ng intermission na iyon ay agad na akong umalis sa kinauupuan ko dahil sa pagkabadtrip ko. Wala sa usapan namin na magduduet kami ni Elica at panigurado na magtatanong sakin si Elica nito.


"Bongga ka pre! Kailan ka pa natutong mag walk-out?" pang-aasar sakin ni Regie at hindi ko alam kung paano nya ako nasundan.

"Kadiri ka pre.." inip na sabi ko at saka nilagpasan ko ito.

"Wag ka ng mabadtrip pre, bakit di mo ba nagustuhan yung duet nyo ni Elica?"

"Babalik na ko sa stage.." malayong sagot k okay Regie at saka umalis ako sa harapan nito.


Pagbalik ko sila Myrrh, Anna at Elaine at stage na ang kumakanta. At mukhang nagbabangayan pa si Elaine at Myrrh dun sa kakantahin nila. Hanggang sa nakapagdesisyon na si Anna sa napili nyang kanta at wala naming nagawa yung dalawa dahil binatukan sila ni Anna. Hanggang sa nagawi ang atensyon ko dun sa fiancée ni Elica.

Ito ba ang tinutukoy ni Ian kanina? Talaga bang huli na ako?



***

Nauna na akong umuwi kila Regie dun sa welcome party ni Elica. Umalis na ako sa party na yun dahil alam ko naman na magiging display ako dun. Papauwi ako ng mapadaan ako sa isang flower shop kaya naman inihinto ko na muna ang kotse ko at saka bumbaba para bumili ng bulaklak.


"Good evening sir! Ano pong bulaklak ang hanap nyo?" anang sales lady.


Iginawi ko na lang tingin ko sa paligid hanggang sa mapapadpad ang tingin ko sa isang asul na rosas sa gilid at hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti.



~FLASHBACK~

Grad Ball naming sa L.U nun at lahat ay masaya dahil ngayon gabi ang huli pagkikita ng mga kaklase namin. Pero sakin malabong mangyari dun dahil madalas naman kaming nagkikita ng mga kabrakada ko. Kaya naman umalis ako ng hall at saka pumunta ako sa paborito kong tinatambayan sa L.U. Pagkarating ko sa lugar na iyon ay agad naman akong umupo sa damuhan at saka sumandal sa likod ng statue.

Nang bigla kong naalala na may sikreto ang statue na ito kaya naman tumayo ako at saka pumunta para makita kung naroroon pa yung singsing na tinago ko simula nung nag aral ako sa LU. Pero..



"Kainis! Bakit ba lahat ng tao sa paligid ko ayaw sakin? May nakakadiri ba akong sakit kaya iniiwasan nila ako?" tinig ng isang babae na gustong-gusto kong marinig.


Kaya naman hindi ko na napansin yung sikreto ng statue na ito at saka pinanood ko ito.


"Ngayong gabi na ito kung sino man yung lalaking makakakahanap sa lugar na ito at makikita nya ako sya na ang forever ko.." at saka pinikit nya ang mata nya.



Napangisi na lang ako sa inakto nya at saka umalis ako sa kinatatayuan ko at saka nilapitan ko ito. Nasa harapan nya ako at hinihintay ko na imulat nya ang mata nya at bakas sa mukha nito ang pagkagulat.



"V-Van a-anong ginagawa mo dito?" kinakabahang tanong nya.

"Ikaw anong ginagawa mo dito? Ang dilim ng lugar na ito at hindi mo ba alam na may gumagala na masamang kaluluwa rito?" pananakot ko sa kanya.

"Wag mo nga akong niloloko Van, dapat nga ako ang magtanong sayo kung ano ang ginagawa mo rito?" iritableng tanong nya sakin.

"Pinahahanap ka sakin ni Elaine kaya ako nandito.." pagsisinungaling ko.



At nakita ko naman sa mukha nito ang disappointment at mukhang akala nya ay nagkatotoo na ang wish nito.


"Sana hindi totoo yun.." bulong nya kahit na narinig ko naman.


Tinanggal ko naman yung bulalak sa bulsa ng coat ko at saka inabot ko sa kanya kaya naman napakunot naman ako ng noo.


"Ano yan?"

"Bulaklak, common sense.."

"Alam ko na bulaklak yan! What I mean is anong gagawin ko dyan?"

"Just take it.." at saka inilagay ko ng sapilitan sa palad nya yung rose na iyon at saka tinalikuran sya.

"Gusto ko pag may isang tao ang magbibigay sakin ng bulaklak dapat kulay asul dahil iyon ang paborito kong kulay.." at saka binalik nya sakin yung bulaklak.

Muli ko naman kinuha yung kamay nito at saka inilagay ko yung rose na iyon sa palad nya.

"Next time na lang yung sinasabi mo.." at saka hinila ko naman ito paalis doon.

~END OF FLASHBACK~



"A-Ah? Sir? Ok lang po ba kayo? Kukunin nyo ba itong blue roses na ito?"



Nagising naman ako sa katotohanan ng magsalita yung sales lady. Kaya naman binayaran ko na ito at saka kinuha ko na ito at tinungo ko ang apartment ni Elica. Hindi halatang stalker ako pero sinundan ko sya nung minsan papauwi sya sa kanila.

Ilang oras din ay nakarating na rin ako sa apartment ni Elica. Napatingin na lang ako dun sa bulaklak na nasa passenger seat. Kumuha naman ako ng isang sticky note at saka sinulatan yun at saka idikit ko sa bulaklak. Lumabas na ako ng kotse ko at saka sinimulan ko ng pindutin yung doorbell. Pero nakakailang pindot na ako ay walang lumabas na Elica. Kaya naman napagdesisyunan ko na ilapag na lang ito sa tapat ng pintuan nya at mapapansin naman nya ito at saka umalis na ako.



***


"Kuya may favor ako.." sabi ni Elisha sakin.

"Ano ba yun?"iretable kong tanong sa kanya.


Busy kasi ako sa pageedit ko ng pictures ni Elica noong nakaraang araw at hindi ko namalayan na nasa tabi ko pala si Elisha.


"Ang ganda talaga nya noh kuya?" sabi nito habang nakatingin sa monitor. "Kung nalulusaw lang siguro yung monitor kanina pa siguro tunaw yan.." dugtong nito.



Napahinto naman ako sa pageedit at saka inis kong hinarap si Elisha.


"Ano ba talagang kailangan mo Elisha?" inis na sambit ko kay Elisha.



Napansin ko naming pinagdikit nito ang hintuturo nya at mukhang may pabor na hihingiin.


"Kuya..a-ano kasi.."

"Ano?"

"P-Pwede mo bang ibili mo ako ng sanitary napkin dyan sa malapit? Naubusan kasi ako ng stock eh hindi ko naman alam magkakaroon pala ako ngayon.."


Napanganga na lang ako sa sinabi ng kapatid ko. Ano na naman bang binabalak nito?


"Elis-"

"Please kuya...P-Promise hindi na kita kukulitin kay Ate Cai tsaka isabay mo na rin pala yung pag ggrocery para hindi nakakahiya diba?" at saka ngumiti naman ito ng malawak.


At saka iniwan naman nito ang isang piraso ng papel kung saan nakasulat rito ang mga bibilhin ko at saka mabilis na itongt lumabas ng kwarto. Napailing na lang ako at wala na lang ako nagawa kundi kunin na lang ang susi ng kotse ko at umalis.

Sa isang malapit na department store lang ako pumunta at agad naman akong kumuha ng push cart. Napatingin naman ako sa magkabilang gilid ko at kumukuha ako ng tyempo para kumuha ng sanitary napkin na kailangan ni Elisha. At napansin ko naman ang isang babae na nakatingin sakin.


"Need help?" nakangiting tanong nito sakin.


Lumapit naman ito sakin at saka kumuha naman ito ng dalawang ballot.


"Hindi ko alam kung anong brand ang ginagamit nya, by the way im Agatha hope to see you next time.." at saka tinalikuran ko ito.



Napakunot na lang ang noo ko dun sa babae na iyon at hindi ko na laang iyon pinansin at saka itinuloy ko na lang ang pamimili ko. At sa hindi inaasahang pangyayari ay may nakabunggo ako.


"Gosh! Ang lawak ng space bakit ba ginigitgit mo ako sa gilid?!" galit na sambit nito sakin.


Hindi ko napansin na nandito pala sya kaya naman napangisi na lang ako sa sinabi nito.


"Ikaw itong unang bumunggo sakin ikaw pa itong galit?" pang aasar ko habang hindi ako nakatingin sa kanya.


Pero inirapan lang ako nito at saka itinulak na nya ang push cart nya palayo sakin. Napailing na lang ako at saka itinuloy ko ang pamimili ko. Huminto naman ako sa meats ang vegatbles para bumili ng kakainin naming mamayang hapunan ni Elisha, palulutuin ko ang kapataid ko gayong ako naman ang namili



"Sir! Ma'am! Try no po ang bagong produkto naming! Mura na! Bago pa! At masarap pa! At swak na swak sa budget nyo!" sabi nung babaeng nagsasampling.


Kukuha sana ako ng sampiling nung sales lady ng may nakabanggan ako ng kamay. Napatingin naman ako sa kanya at napansin ko namang nagbago ang ekspresyon nito.


"Hanggang dito ba naman?" iretable nyang tanong sakin.


Tinggal naman nya yung kamay nya at saka tumingin sakin.


"Alam mo hindi ka pa rin nagbabago. Let me tell you na hindi kita sinusundan nagkataong nandito lang ako.." napailing na lang ako ng bigla sa kanya at saka tinalikuran ko na ito.

"Well.. Long time no see.." pang aasar ko at saka itinulak ko na ang push crt paalis as kanya.



Napatingin naman ako sa isang crew at napansin ko namang nakangiti ito sakin. At agad ko ng tinapos ang pamimili KO.

Pagkatapos kong mamili ay patungo na ako sa parking lot ng mapansin kong naiingay ang kotse ko (alarm ng kotse to be exact). At agad ko namang napansin na basag ang salimin ng kotse ko sa harap.


Ang baby ko...



Napamaywang na lang ako sa nangyari at napansin ko naman sa ibabaw ng kotse ko ang isang keychain.


"Van? What happen?" bungad ni Anna sakin.

"Tanong mo sa kaibigan mo.." iretableng sabi ko at saka sinimulan ko ng ilagay sa compartment lahat ng pinamili ko.

"W-What?"

"Just tell to Elica na bayaran nya itong binasag nya kundi kakasuhan ko sya.."

At saka pumasok na ako sa kotse ko at umalis.



***

"Elisha may papagawa ako sayo.." bungad ko sa kanya at saka inilapag ko sa ibabaw ng lamesa yung pinamili ko.

"Ano na naman yun gwapo kong kuya?"

"Gawan mo ako ng pekeng warrant arrest.."

"What?! Seryoso ka ba? Oi! Di porket na may talent ako sa ganyan pinagsasamanatalahan mo ah!"

"Wag kang mag-alala hindi ka sasabit dito.."

Kinabukasan...

"Hoy! Di mo ba sasagutin yung tawag? Kanina pa ring ng ring yang phone mo nakakarindi na kaya." Iretableng sabi sakin ni Elisha.

"Hayaan mo sya.." walang gana kong sagot habang pinagpapatuloy ko ang pageedit sa picture ni Elica.

"Sus kuya may pa pagkage-pagkage ka pang nalalaman di mo na lang puntahan du-"

"Shut up little brat, matulog ka na..."

"Hmph! Sungit!" at saka umalis na ito sa kwarto ko.



Napahinto naman ako sa pageedit ng mapatingin ako sa cellphone ko. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa nakita ko. 141 missed call? Kilala ko lang naman kung sino ang gumawa nun at mukhang natanggap na nya yung pinadala ko. Sigurado na babalik to sa boutique ni Myrrh bukas.

Late na akong dumating sa boutique ni Myrrh kinabukasan at..



"Van!" sigaw ni Myrrh sakin. "Ang aga mong dumating, by the way si Elica ulit yung model at nandun na sya sa loob.." sabi nito at saka sinundan ko lang ito papasok.


Nagulat naman kami ng makita naming si Elica na nakadapa sa sahig at mukhang napansin nya na nakatingin kami.



"Elica anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya.


Mabilis naman itong tumayo at pinagpag ang sarili nya at napansin ko naman na kinagat nya ang ibabang labi nya.


"Nandito ka na naman? Siguro sinunsundan mo ako dito noh? Umamin ka." pang aasar ko at sabay ngumit ako ng nakakaloko at hinihintay ko ang magiging reaksyon nya.

"Bakit ikaw lang ba ang pwedeng nandito? Wag ka ngang assuming at lisa pa gusto kong magtrabaho kay Myrrh...right?"

"A-Ah, o-oo magttrabaho na sya sakin Van, makakasama na nantin sya.." at saka alanganin ngumiti si Myrrh.



Pero tinalikuran ko na lang silang dalawa at saka kinuha ko ang bag ko. Umupo muna ako para maiset-up ko yung mga gagamitin ko mamayang photoshoot.



"Oi Van, ano bang trip mo? Lakas mong mang asar lam mo yun?" iretable nyang sabi sakin.


Kinuha ko yung camera at saka pinunasan ko yung lens at nakita ko naman sa periphial vison ko na umalis ito sa inis.


"Sabihin mo sa model mo na bilisan ang kilos, pinapainit nya ang ulo ko.." kunwaring inis na sabi ko kay Myrrh.


At padabog na umlalis naman ito sa harapan ko at napangisi na lang ako sa reaksyon nila pareho. Napansin ko naman na nakakalabas lang ni Elica galing dressing room, tinignan ko lang ito at napailing na lang ako.


"Tapos ka na ba dyan?" tanong nito.


Sa halip ay hindi ko na lang ito pinansin at itinuloy ko ang ginagawa ko.


"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko at napahinto naman ako sa ginagawa ko.

"Ginawa ang alin? Hindi kita maintindihan-" pagsisisnungaling nito.



Hindi naman ito makatingin ng diretso sakin.


"Maang-maangan ka pa, ikaw yung bumasa dun sa salamin ng kotse ko.." sabi ko.



Sinasabukan ko na paaminin sya gamit ang pang aasar ko pero mukhang matigas ang isang to. Wala na akong maggawa kundi kunin ang alas ko.


"W-Wag ka ngang magbibintang dyan, wala ka p-"


Hindi ko na pinatapos ito sa sasabihin nya at inilabas ko yung keychain na nakuha ko kahapon.


"Eto? Sapat na bang patunay to?" at itinaas ko ito sa harapan nya ng makita nya.


Napansin ko naman napalunok ito sa nakita nya.


"Ngayon sasabihin mong hindi ikaw ang may gawa nyan? Nakita ko yan kahapon.." at saka lumapit ako sa kanya pero umatras naman ito pero umaatras naman ito.



Pilit ko namang tinitignan yung mata nya pero pilit naman nitong iniiiwas


"Teka nga! Ano yung pakulo mo kahapon? Bakit nakapagkage yung warrant arrest? Now tell me para saan yun?" sabi nito.



Ngumisi naman ako at lumayo ng konti sa kanya, mukhang napipimkon na itong isa sa ginagawa ko. At saka tumawa naman ako rito.


"Wag ka ngang tumawa-tawa dyan! Kung gusto mo kong ipadampot, wag sa ganong paraan! Napakaimarure mo naman!" galit na galit na sambit nito sakin.

"Bakit? Buti nga ganun lang yun, paano kung malaman ng mga tagahanga mo na isa ka pa lang kriminal? Pasalamat ka at hindi ko inilabas sa press.."

"Kriminal? Ang OA mo huh! Parang kotse lang Van!" sigaw nya.


Nagpanltig naman yung tenga ko ng sabihin nyang kotse lang yun. Hindi nya ba alam na ginamit ko yun para sundan sya bago umalis ng bansa. Parang sinabi nya na hindi ko sya pinahalagahan..


"Hindi lang basta-basta kotse yun Elica, hindi mo lang alam.." sabi ko at saka tinalikuran ko ito at nagtitimpi ako sa galit.

"Hindi ko alam ang alin dun Van?" tanong nito.


Huminga na lang ako ng malalim at saka humarap sa kanya.


"Kalimutan mo na lang yung sinabi ko, simulan na natin.." sabi ko at kinuha ko yung camerang nililinis ko kanina.


Mahirap kalimutan ang taong alam mong naging parte na ng pagkatao mo, pero sa tuwing nakikita ko na nagbabago sa kanya unti-unti nadudurog ang sarili ko sa tuwing makikita sya. Ewan.. pero hindi pa rin ako susuko sa kanya.


END OF HIS POV

Continue Reading

You'll Also Like

21.7K 878 42
Nadine Lustre had a big crush on James Reid. But what if she founds out that James is not who she thinks he is. Will she still give him a chance or w...
2.3K 104 40
This is Betrayal series #4 Shai Angelica Chavez was trying to forget the past, but what if destiny finds a way for us to meet again? Kiel Layjake Val...
704K 11.9K 59
"You're the pull that has made me fall over and over again. Damn! You really made me fall. Hard. So damn hard."
1.7K 75 27
Saan ka kaya dadalhin ng pag-asang balang araw ay may magpapahalaga rin sa iyo? Inaasahan mo na sa araw araw ay sasamahan at pahahalagahan ka nila ng...