Sleeping Beauty

By hyunjiwon_sg4ever

22.4K 1K 262

Fairytale Series #2: Iya tried to leave the life that she used to have to escape from a tradition that her fa... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39

Kabanata 6

764 38 12
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 6

Fifty Percent

-Iya-

"Meron akong papel dito sa bag ko, Jerome, gusto mo? Galing naman 'to sa buhay ko..." sabi ko sa kanya at akmang kukuha na ng papel sa bag ko.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. He looks irritated by what I said. Humalukipkip siya at pinagmasdan lang ako na para bang hindi siya naniniwala sa akin o sa mga sinabi ko. Pero ilang sandali ay napalabi siya at tila nagpipigil ng pag-ngiti.

"I don't really know if you're joking or you're serious..." aniya at kinuha iyong baso na may tubig at sumimsim doon. "Hindi ko alam kung nagbibiro ka ba sa mga banat mo sa akin o ano..." he said amusingly.

"Kapag sinabi kong pinapatawad na kita... iyon ang biro."

"So you're not yet forgiving me?"

"Bakit nandito na ba 'yung pagkain ha?" singhal ko sa kanya. "Kapag nasarapan ako sa pagkain dito, doon palang kita mapapatawad, Mr. Jerome Montello." umismid ako.

"I trust this place, Ms. Lorenzo..." makahulugan siyang ngumiti.

"We'll see." diretso kong sambit sa kanya. "Don't be too confident, I have high standards when it comes to food. Baka umuwi kang luhaan..."

"Okay..." muli na naman siyang ngumiti.

Nang dumating 'yung mga order niya ay biglang kumalam 'yung tiyan ko sa gutom. And the foods that they're serving are tempting! Mukhang masarap nga. Nakakainis basta pagkain masarap talaga...

"Dito kami madalas magpunta ng pamilya kapag kumakain kami sa labas. Last week, we went here may bago silang putahe. Sayang nga hindi namin nakasama si Kuya, busy kasi sa buhay pag-aasawa." aniya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. I thought? Wait, so his brother was married? Kanino? Bata pa 'yung sinasabi nilang binabakuran niya ah?

"Your brother was married?" curious na tanong ko.

"Yup..." tumango siya. "Two months ago..."

Lalong kumunot ang noo ko. "Kanino?"

"Kay Gail, doon sa babaeng binabakuran niya sa school. Aware ka naman doon di ba?"

Bahagya akong napasinghap doon sa sinabi niya. "Wait..." hindi ako makapaniwala.

"Oh, wait..." bahagya siyang humalakhak. "Hindi pala ganun ka-public ang tungkol sa kasal nilang dalawa. I understand if you don't know about it. And besides... mukha ka namang hindi interesado sa kanila."

Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang tungkol doon. And he's right when he said that I'm not really interested about their issues. Mas malaki pa ang problema ko para isipin pa ang sa kanila...

"Actually arrange marriage lang sila... but my brother is madly in love with her." aniya.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang arrange marriage na 'yun. That means I can somehow relate to his brother's wife. Kung kasal na sila, ibig sabihin pumayag siya na magpakasal sa Kuya ni Jerome?

"She agreed?"

"I don't know the real story pero dahil ata sa mga magulang niya... and my brother pursued her to agree." aniya.

Nanikip ang dibdib ko. Kinuha ko 'yung baso ng tubig sa harapan ko at mabilis uminom. I don't know. Pakiramdam ko hindi ako magiging katulad niya... hindi ako mapapayag ni Mommy at lalo na ng fiance ko.

"You listened to my story..." ngumiti siya sa akin. "I assume you allow me to be your friend now, Sab..."

Muli akong umismid at umirap. Ibang klase talaga. "I hate your logic..."

Mas lumawak ang ngiti niya at iminuwestra niya ang pagkain. "Let's eat?"

Tumango na lang ako at akmang kukuha na ng pagkaing nakahain ng nagsandok siya at inilagay niya iyon sa plato ko. Nagulat naman ako sa ginawa at pipigilan na sana siya ng ngumiti siya sa akin.

"Ako na, Sab..." he continued putting pasta on my plate. "You agree to be my friend so this is my way of saying thank you." aniya.

"And who told you that I agree?" tanong ko.

"Pero hindi ka humindi sa akin kanina... you only said 'I hate your logic', that's why I assume that it's a yes." aniya at kumuha siya ng chicken at nilagay sa plato ko.

"Stop assuming things will you? Nakakamatay 'yan..." umirap ako.

Pagkatapos niya akong lagyan ng pagkain ay yung plato naman niya ang nilagyan niya. Hindi ko talaga siya maintindihan sa lahat ng ginagawa niya ngayon. Bakit ba kailangan niyang gawin ito sa akin? His actions are bothering me.

I don't know his real motive but I will guard myself to whatever it is.

"If you allow me to be your friend, you can avoid issues with me. I can easily deny that article, Sab, you know..." seryosong sambit niya habang nakatingin sa akin.

Kinuha ko 'yung tinidor sa gilid at pinaikot doon 'yung pasta. "You can easily deny it. It's not even true... ikaw? Mai-in-love sa akin? You don't even know me, Jerome. Kaya mong itanggi 'yun kasi hindi naman totoo 'yung sinabi sa article..." I said in a casual tone as I ate the pasta.

"Magkaiba kasi kami ng Kuya ko, Sab. He wants his girl to fall for him fast but hard... but I want mine to be slow but surely..." he sounded so serious.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. What the hell is he saying?

"Hindi kita maintindihan..." umiling ako at nagpatuloy sa pagkain.

"It's really good to know that I'm good at the things you're not good at..." he grinned. He also started eating his food while I'm looking at him curiously.

Instead of occupying myself thinking about what he said. I continued eating my food and appreciate it's delicious taste. I can't deny that the food is comforting me. The place is also comforting... and the person in front of me makes it possible. Kasi kung ang mga pamilya ko ang kasama ko dito baka hindi ko na na-appreciate ang pagkain at lugar.

"As a friend, I'm curious..." he broke the silence between us. I stopped eating and turned my gaze to him. His eyes narrowed as he looked at me curiously. "Why are you working in that cafe? Bakit ka nagdo-dorm?" he asked.

I was caught of guard with his questions.

"Kailangan kong kumita para makapag-aral..." huminga ako ng malalim. "At mas malapit ang dorm ko sa trabaho at sa school... you see I'm not rich as you that's why I need to work hard for money... for my future."

Marahan siyang tumango pero binalik niya ang seryosong tingin sa akin.

"Talaga?" he asked. Nagulat naman ako sa reaction niya. Para bang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. "You look like you belong in some rich family here, Sab..."

My eyes narrowed at his direction again. What does he mean? Mukha pa rin ba akong anak mayaman sa lahat ng nangyari after more than six months? Do I need to act like a pitiful person in front of him to make him believe that I'm not now as well off as he is?

"So you're stereotyping us now?" tumikhim ako.

Marahan naman siyang umiling. I need to divert our topic to another. This conversation is getting a bit dangerous. I don't want him to know what's behind me. We're not that close to tell him my story.

"No..." mahinang sambit niya. "I'm just curious. 'Yun kasi ang unang tingin ko sa'yo, you look like a heiress of some rich family... so I thought... you are..." aniya.

I tried to keep my calmness. Hindi niya pwedeng mahalata! No!

"I don't know if I should consider that as a compliment..." ngumisi ako.

Bahagya naman siyang tumawa. "You should..."

Nakahinga ako ng malalim ng mukhang malapit ng mawala ang topic sa akin. Mukha naman siyang naniwala na sa mga sinabi ko. He should! Dahil baka saksakin ko na lang siya dito kapag hindi pa siya naniwala...

Nagpatuloy ako sa pagkain.

"Another question... where are your parents? Bakit hindi mo sila kasama?" tanong niya.

Bigla naman akong nabilaukan sa pagkain ko kaya kaagad akong uminom ng tubig. Akmang lalapit pa sana siya sa akin ng pigilan ko siya. Nakakainis naman!

Nang umayos ako ay huminga ako ng malalim ay hinirap ko siya. "Hoy Jerome, hindi dahil sa pumayag na akong makipagkaibigan sa'yo ay basta-basta mo na lang akong tatanungin ng mga personal na tanong." umirap ako.

He smiled widely as he held my hand. Kumunot ang noo ko't tumingin sa kanya.

"What?" kumunot ang noo ko.

"Payag ka ng maging kaibigan ako? Pumayag ka na ah! So you're already allowing me to bug your life anywhere? Anytime? I'm a clingy friend, Sab..." masayang sambit niya.

Napataas ako ng kilay sa mga sinabi niyang hindi ko maintindihan. What the heck?

"Hoy, may best friend ka... doon ka magpaka-clingy!"

"Pero lalaki kasi si Luke..." napanguso siya. "Baka mapagkamalan akong bakla. At tsaka baka mamaya mahulog siya sa akin kasi gwapo ako tapos ganoon ako sa kanya..."

"Wow. Conceited." muli na naman akong umirap sa kawalan. "And I'm just one of your friends, doon mo sa iba gawin 'yan dahil baka masapak kita o mapatay kita ng wala sa oras." sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ba ang brutal mo magsalita?"

"Eh sa ganito ako eh, bakit ayaw mo na akong gawing kaibigan?"

"Heto naman... ayos lang sa akin na ganyan ka."

"Good. Mabuti't nagkakamabutihan tayo dito..."

"Pero clingy talaga ako-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng itapat ko sa kanya 'yung kutsilyo na kinuha ko. "Okay... okay..." napalabi siya.

"So forgiven na ba ako, Sab?" tanong niya nung umayos siya ng upo.

I sighed exasperatedly. "Bakit ba Sab ang tawag mo sa akin? You can call me Iya..."

"Para unique ako sa iba..." he smiled. "You can call me with other names too..."

Umismid na lamang ako at muling umirap sa kawalan. "Whatever."

"So am I forgiven? May dessert pa..." aniya.

Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. I don't understand him really. Hindi ko talaga alam kung bakit ang kapal ng mukha niya para harapin ako ngayon na parang wala kaming issue na dalawa. I don't even understand why he acts so friendly to me. Hindi ko alam kung may motibo ba siya sa akin o ano. Mukhang meron pero ewan.

I don't want to assume things. If he wants to be friends with me, fine. I'll give that to him. If he's really sincere on what he said, makakatagal siya sa akin. But if he's not... then good for me because he'll stop pestering me. Kung ganito siya kakulit ay wala na akong magagawa.

"So ano na? Am I forgiven? Naubos mo na 'yung dessert... binigay ko pa 'yung akin..."

I'm so full. Nabusog ako at masarap ang pagkain dito sa pinagdalhan niya sa akin. Sa ngayon masasabi ko na mas ayos na ako ngayon. I somehow forgot what happened today because of what he did today. Maybe I'll take this as a credit of why I agreed to be his friend.

Umangat ang gilid ng labi ko habang nanunuyang tumingin sa kanya. "Not yet..."

Napaawang naman ang bibig niya sa sinabi ko at marahas siyang napabuntong hininga. I kept my playful smile while looking at his face. Gusto kong matawa sa itsura niya.

I'm not going to be a good friend to you, Jerome.

"But since we're friends... mga 50% na ito. So you need to cope up for that remaining 50%. Okay lang ba sa'yo?" tumaas ang kilay ko.

He grinned at me then slowly nodded his head. "Yup, I'm willing to do everything..."

Kinabukasan dahil wala akong klase ay maaga ang pasok ko sa Moru-Moru Cafe. Since today is Saturday, sigurado ako na day-off ni Mitch at ng ibang employees ngayon. Kaya ako, si Kuya Dustin at dalawa pang staff ang nandito.

"Are you sure you're gonna work here?" isang baritonong boses ang narinig ko.

Pagpasok ko ay halos manlaki ang mata ko ng makita si Kuya Dustin na kausap si Jerome na nakasuot ng uniform ng cafe at isang lalaki na naka-kulay itim na longsleeves na nakatupi hanggang siko.

"Oo, Kuya. Sigurado ako dito..." Jerome smiled widely as he turned his gaze to me.

"Don't worry Jared, we'll take care of him. Isang buwan lang naman ang pinakiusap niya sa akin." sabi ni Kuya Dustin doon sa matangkad na lalaki at tinapik sa balikat si Jerome.

What the hell is happening here?

"Hi Sab! Good morning..." Jerome greeted me.

Napatingin sa akin si Kuya Dustin at ang Kuya ni Jerome. Lumapit ako sa kanila na gulong-gulo sa mga nangyayari ngayon. Bakit? What?

"Anong nangyayari dito?" takang tanong ko.

Nagulat naman ako ng makitang nakatingin na sa akin 'yung Kuya ni Jerome. Tulad ng titig ni Jerome, he's gaze is also intimidating. But his aura is more serious compare to his brother. Si Jerome kasi, he can balance his playful and serious aura at the same time but not him.

I wonder what did he do to make her wife agree to marry him?

"Care to introduce me to your friend, Jerome?" makahulugang sabi niya kay Jerome tsaka ito binalingan ng tingin.

Lumapit naman sa akin si Jerome at inakbayan ako palapit sa kanya.

"She's Iya Sabrina Lorenzo, my friend..." pakilala niya sa akin.

Kumunot ang noo sa akin ng kapatid ni Jerome. "Your friend?" nanunuyang tanong niya.

Tumikhim si Jerome. "Yes, kahapon lang siya pumayag na maging kaibigan ko."

Tumaas ang gilid ng labi niya sa habang matamang nakatingin sa amin. "Friend huh?"

"Kuya..." Jerome said in a warning tone. "Siya nga pala, Sab... he's my brother, Jared Montello. You know him right? Sikat din siya sa school... until now." pakilala niya sa Kuya niya sa akin.

Muli akong napatingin sa Kuya ni Jerome. His smile suddenly became playful. Para bang may alam siya tungkol sa akin... lihim akong napasinghap ng may maalala ako.

Shit!

We've met before! Tama!

He proposed a business proposal before in our family! What the hell? But that was like two years ago... siguro naman hindi na niya ako naaalala. Kung partners man ang pamilya namin ngayon sana hindi pa nakakarating sa kanya na nawawala ako. Pero sana hindi niya ako kilala. But... argh! Bakit ba hindi ko 'to naisip?

It's a very wrong move to be friends with Jerome!

"I know him..." mahinang sambit ko.

"I know you too, Ms. Iya." he casually said. Marahas akong napatingin sa kanya.

"Huh?"

"Ikaw ang babaeng bukambibig ng kapatid ko," bahagya siyang tumawa. "I'm glad that you noticed my brother. Take good care of him..." makahulugan siyang ngumiti.

Hindi ko na naintindi ang mga sinabi niya. Nakahinga ako ng maluwag ng napagtantong hindi niya ako kilala. Buti naman.

"Ikaw naman, Kuya." ismid ni Jerome. "I'll take care of her, kaibigan ko ata 'to."

"Okay..." pagsuko niya.

Gosh, I don't know but I want him out of this store. Natatakot ako na baka maalala niya ako bigla tapos magsabi siya kay Mommy bigla o kay Lola. Ayoko! Gosh! This is insane!

"Sige na Jared, kami na ang bahala dito..." sabi ni Kuya Dustin at tumabi sa akin.

"Yup, I'll check your menu... I want to buy something for my wife." iyon na lang ang sinabi niya at nagtungo sa harapan para tumingin sa menu. Kaagad naman siyang in-assist ng nasa counter.

"Kuya, piliin mo 'yung oreo cheesecake nila, panigurado magugustuhan iyon ni Gail."

Iniwan ako ni Jerome at sumunod kay Jared. Napailing na lang ako at naglakad papunta doon sa Staff Room. Naguguluhan ako sa nangyayari! I'm clueless of what's happening and I'm scared because of Jerome's brother.

Pagpasok ko ay sumunod sa akin si Kuya Dustin.

"Anong nangyayari? Kilala mo pala 'yung Kuya ni Jerome?" I asked.

"Of course, I know him, Iya. Jared Montello was my classmate in college."

Kaya pala! That's why he and Jerome talk casually.

"And I need to tell you something, Iya. But I hope you'll not get mad of me..." naging seryoso ang tono ni Kuya Dustin. My eyes narrowed as I anticipate for his words.

"Ano na, Kuya?"

"I asked Jared before to help me process your application to enter Wiesel University while hiding your real identity..." he seriously said.

Halos malaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. What. The. Hell.

"Ano!?" tumaas ang boses ko. "Kuya... ibig sabihin alam niya kung sino ako?"

Marahan siyang tumango. "Oo, Iya... I'm sorry. Pero nangako naman siya na itatago niya ang sikreto natin, Iya. And I know Jared, he's true to his words."

"What the hell? Bakit.. at sina Mommy? Paano kapag nalaman nila dahil sa kanya?"

"Don't worry, Iya... walang connection ang mga Montello sa mga Mondragon." he assured me.

"Paanong? Jerome's brother presented a business proposal before. Paanong?"

"Tita Agatha rejected him, Iya. And until now, walang business connections ang pamilya natin sa pamilya nila." sabi ni Kuya. Para namang sumakit ang ulo ko sa mga nangyari at sa mga nalaman ko.

"But their family is dominating the market, Kuya? Hindi pwedeng hindi nila maging kasosyo ang pamilya ni Jerome." mariing sambit ko.

Ayoko na! Magulo na! Paano kung alam ni Jerome kung sino ako? Paano kung?!

"I know. But believe me, Iya, you're secret is safe with Jared." aniya. "And I think our family is not interested to be connected with Jared's family. Kasi kung oo, matagal ng alam ni Tita kung nasaan ka ngayon."

Huminga ako ng malalim parang kahapon may problema ako, ngayon may problema ulit ako. Pakiramdam ko ang gulo na ng buhay ko lalo ngayon. But I need to do something about this.

"Si Jerome? Paano kung alam niya?"

"Ikaw na ang bahala sa kanya..." sabi ni Kuya.

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What?"

Magsasalita pa sana si Kuya Dustin ng biglang bumukas 'yung pinto at pumasok si Jerome Montello, ang matinding sakit sa ulo ko ngayon. Nangingiti itong lumapit sa amin ni Kuya Dustin.

"Sir, ano po bang gagawin ko ngayon?" tanong niya kay Kuya Dustin.

Kumunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Humakbang palapit sa aming dalawa si Kuya Dustin.

"Ano bang nangyayari dito Kuya? And why is he going to work here?" litong tanong ko.

"He's going to take your shift for one month or more... depende daw sa'yo." Kuya Dustin said casually. "So you're not going to work for a month, Iya... sa ngayon, you need to guide and to teach him of the things he needs to learn then you're out-"

"What!?" sigaw ko. Marahas akong napatingin kay Jerome. "At bakit mo 'to gagawin aber? Are you crazy?" hindi makapaniwalang singhal ko sa kanya.

"O labas muna ako ah? Hinaan niyo ang sigawan baka magambala niyo 'yung ibang customer sa labas. Just call me when you're both ready." tumatawang sabi ni Kuya Dustin habang lumalabas.

What the hell?

"Bakit mo kailangang gawin 'to, Jerome?" mariin akong pumikit at huminga ng malalim habang sinasabi ko iyon. "If this is you being clingy then stop it..."

"Fifty percent..." aniya at nakangiting ngumiti sa akin. "Para tuluyan mo na akong mapatawad, Sab. Ayokong may sama ng loob sa akin ang kaibigan ko. So I'll do your work for a month. Magpahinga ka muna... baka stress ka sa trabaho mo kaya ka masungit." he said.

Parang may kung anong kumurot sa puso ko sa sinabi niya. He looks so sincere in what he just said. Parang gusto kong matuwa sa sinabi niya pero...

"You don't need to do this, Jerome. I don't want you to push it up to this extent..."

"Ang importante sa akin ay mapatawad mo ako. You looked so devastated because of that article... napaiyak pa kita. I can do this, Sab. I just need your support."

Damn, I can feel that he's breaking something within me.

"Paano ka? Jerome, nag-aaral ka, varsity player ka pa ng school... and for goodness sake, gumagawa kayo ng thesis! Graduating ka na! Hindi mo na kailangang gawin pa 'to. Stop this, Jerome..." pakiusap ko.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "You're worried about me, Sab."

"Of course! Hindi ako tanga para sirain ang kinabukasan mo!" bulyaw ko sa kanya.

"One month lang, Sab. Allow me to do this okay?" he pleaded. Umiling ako.

"Please? I just want to do this for you... kaya kong pagsabayin lahat. I promise!"

Tinignan ko lang siya. I can't believe this. I can't believe him. I can't believe his guts to do this. I really can't believe him. But I don't understand why I feel so overwhelmed right now because of him.

Huminga ako ng malalim. "Fine."

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 484K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
967K 101K 33
A trap that I never thought I'd ask an escape... Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
616K 30.1K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
796K 41.6K 103
an epistolary