Be my Girlfriend for 100 Days

By vjlat09

13.3K 426 50

Ako si Jane, naniniwala ako na sa pagibig dapat: Walang dapat rules, kasi di mo naman kelangan diktahan ang l... More

Be My Girlfriend for 100 Days.
Chapter 1: First Encounter.
Chapter 2: Enemies
Chapter 3: The Bitches
Chapter 4: Her Past.
Chapter 5: My Hero.
Chapter 6: His Past.
Chapter 7: First Date?
Chapter 8: Punishment.
Chapter 9: In a Relationship for 100 Days.
Chapter 10: Getting to know each other.
Chapter 11: Family Bonding.
Chaper 12: Best Actress.
Chapter 13: First Night Out.
Chapter 14: Rio & Alex #Complicated
Chapter 15: The Promise Necklace.
Chapter 16: Strangers.
Chapter 17: Andrei & Lovely #Awkward
Chapter 18: Scavenger Hunt.
Chapter 19: Dance with Me.
Chapter 20: 1st Monthsarry
Chapter 22: Movie Date.
Chapter 23: The Malabanan & The Erguiza Family!
Chapter 24: Mr. & Ms. Top 1

Chapter 21: The Erguiza Family.

184 15 3
By vjlat09

Mark's POV

"Coach Ryan galing mo umacting kanina ah!" Sabi ni Papa kay coach

"Haha pasensya na mr. Erguiza tinulungan ko lang po si Mark"

"Anu kaba coach ok nga eh, ang sweet ng anak ko no Jane?"

"Ma?" Sabi ko agad kay Mama, pinagmumukha na naman kasi akong bata

"Tita una na po kami" sabi ni Rio

"Sige sige ingat kayo salamat sa pagtulong kay Mark" sabi ni Mama at umalis na sila kasama si coach

Kami nalang ang natira, ako, si Jane, si Mama, si Papa at si Simon

"Let's go?" Yaya samin ni Mama at tumango naman kami, panigurado sa resto na naman kami ni Mama magdidinner,

Binalak ko talaga to na papuntahan sina Mama, oras na din para makilala ni Jane ang pamilya ko,

Buti nalang lahat ng plano ko naging maayos! Napaniwala ko si Jane, sina Mama naman pumunta agad, pati tong si Simon pumunta din, alam ko busy to eh!

"Ma si Thea nasan?" Tanung ko kay Mama

"Andun na sya sa resto anak iniintay na tayo!" Sabi ni Mama

"Are you okay Jane?" Tanung ni Papa kay Jane, andito na kami sa kotse nagdadrive si Papa, si Mama naman katabi nya,

Kaming tatlo ang nasa likod nasa gitna namin si Jane,

"Ah opo tito" sabi nya at nagsmile sya

"Shy type sya Pa" sabi ko at bigla nya akong kinurot

Grabe ang sakit -.-' tumingin ako sa kanya sya naman nakatingin din sakin ng galit ang mukha, grabe anu bang ginawa ko?

"Since when nyo nakilala ang isa't isa?" Biglang nagsalita si Simon

Sheet oo nga pala nakalimutan naman buuin ang lovestory namin, kung paano nagsimula at kung paano naging kami

Nagkatingin kami ni Jane kahit sya hindi nya alam ang sasabihin nya

"3 months ago" yun nalang nasabi ko

"I heard one month palang daw nakakalipat si Jane dito sa Manila" sabi nya

Shit ano nakapagreview ba tong kapatid ko? Pinaimbistigahan agad kami, hirap pag matalino ang kapatid

"Sinabi ko ba na sa school kami nag-met?" Sabi ko agad sa kanya

Kelangan gumawa agad ako ng kwento, di pwedeng malaman nilang nagpapanggap kami,

"So saan?" Tanung nya

"Sa..."

"Wait!" Bigla nyang pinutol ang sinabi ko "let Jane answer my question" sabi pa nya

Shit bigla kaming nagkatinginan ni Jane, tumango nalang ako sa kanya, bahala na! Matalino naman tong babaeng to sana lang di to gumawa ng ikapapahamak namin -.-'

Wrong timing pa ata tong pagpapakilala ko kay Jane kay na Mama at Papa di pa pala kami handa.

End of Mark's POV

Jane's POV

"Wait..." Sabi ni Simon "let Jane answer my question" shit ako talaga? Di ko alam sasabihin ko

Kaya tumingin ako kay Mark ng may question mark na mukha di ko kasi talaga alam ang sasabihin nakalimutan namin pagusapan to -.-' anu ba yan isang buwan na kami wala pang kwento ang nabuo

Tumango nalang sya sakin, hudyat na bahala na ako, grabe bahala sya wag sya magrereklamo kung magkamali ako -.-'

"Nagmet kami sa coffee shop nya 3 months ago, natapunan ko sya ng coffee na binili ko, actually it's my fault kasi si ako tumitingin sa daan pero mabait si Mark inaccommodate nya ako, di ko naman kasi alam na sya pala ang may ari nung coffee shop, he offered me a dress na dinayo pa nya sa mall para makapagpalit ako and I appreciated it so much kaya siguro nagustuhan ko sya, he's so sweet, caring, gentleman and lovable person, although di masyadong halata kasi may pag chickboy tignan pero he's a honest person, that's why I fell in love with him" sabay tingin kay Mark

Na-shock siguro sya sa sinabi ko pero nagsmile naman sya, at nagsmile din ako sa kanya, medyo awkward haha

"Aaah ang sweet naman pala ng lovestory nyo, you know what Jane, lahat ng sinabi mo totoo, ewan ko ba sa mga tao dyan porket gwapo akala nilababaero na" sabi ni Tita haha medyo natawa naman ako dun

"Well kanino paba magmamana kundi sakin" sabi ni tito, infairness totoo din naman gwapo si tito tsaka mukhang di babaero

Uso pa pala yun, I mean may mga lalaki pa palang matitino haha,

Pero si Mark talaga hanggang ngayun hindi nagsasalita, tahimik lang sya, kaya kinulbit ko sya

Tumingin naman sakin tapos kinuha ko cellphone ko nagtype ako

'Bakit ang tahimik mo' tapos pinakita ko sa kanya

Kinuha nya yung cellphone at sya naman ang nagtype, tapos pinakita sakin

'Wala, btw buti naman matalino ka!'

So ano akal nya sakin bobo? Di ko kayang gumawa ng magandang story? Suus oh ngayun nakita nya may nagagawa din akong maganda haha

'Suus kinilig ka naman sa sinabi ko'

'HA-HA-HA bakit ako kikiligin eh totoo naman lahat ng sinabi mo, gawa gawa mo lang ba yun o totoo na? Ikaw ha nafall kana pala sakin di kapa nagsasabi'

'Hoy ang kapal mo! Sinabi ko lang yun kasi kelangan, eh lahat nga ng sinabi ko kabaliktaran mo eh'

'Wag masyadong defensive napaghahalata ka hahaha'

'Ewan ko sayo! Gusto mo bawiin ko lahat ng sinabi ko at sabihin kong nagpapanggap lang tayo?"

'Haha kaya gusto kitang iniinis eh pikon ka kasi'

At bigla kong inapakan ng malakas ang paa nya

"Araaaay" napasigaw sya sa sakit haha

Nakarating na kami ng restaurant, nakita namin si Thea nakaupo na

"Hi Mommy and Daddy" at nagkiss sya dito"

"Hi bunso!" Sabi ni kuya Simon sabay kiss sa ulo neto
Pp
"Hi kuya!" Sabi naman ni Thea "Hi ate Jane finally nakita na ulit kita" sabi nya sabay tayo at beso sakin

"Oo nga eh lalo kang gumaganda" sabi ko sa kanya

"Mga kuya narinig nyo sinabi niate Jane? Dapat kayo din lagi nyo ako sinasabihan"

"Bunso di kana namin kelangan sabihin dahil talaga naman maganda ka" sabi ni Mark sabay kiss sa piski ni Thea

"Yiieeh kilig ako"

"Hoy wag nyo na yang bolahin pa yang kapatid nyo baka maniwala" sabi ng papa ni Mark

"Papa naman eh" sabay tingin samin "by the way Happy Monthsary sa inyo, you're so bagay talaga" sabi nya sabay yakap samin

"Thank you" sabi ko sa kanya at sabay umupo na,

Sinerve na din agad yung pagkain namin, tutal sa kanila naman to kaya bago pa kami makarating dito alam na nila ang dapat lutuin at dapat iserve,

Masarap kausap ang pamilya ni Mark, hindi sila yung mayaman na puro yabang lang ang alam, para lang silang simpleng pamilya, masaya, nagmamahalan, sobrang iba ang bonding nila, kahit matatanda na sila, nagkakaoras parin sila para magkabonding

Sobrang ganda ng samahan nila sa isa't isa, kaya naman gumaan na din nh sobra ang pakiramdam ko sa kanila, hindi nila hinahayaan maop ako, sa lahat ng topic sinasali nila ako, nagtatanung din sila sakin about sa family ko, at sobrang naexcite sila makilala sina mama at papa,

Alam mo yung feeling na parang kanang may isa pang magulang, at dahil isa lang ako anak nina mama at papa, feeling ko tuloy nagkamerun ako ng kuya at little sister, oh diba bongga!

Anu hahanapin mo, tapos may boyfriend kapang gwapo, hot, sweet, minsan masungit pero may kabaitang tinatago, haaay sana lang tunay na to, kasi kung totoo to, Lord pasensya na alam ko bawal ang selfish pero kasi Lord bihira na to eh! Hehe

Pero alam ko naman may hanggan ang lahat, kung sakali man lumalim ang samahan namin ng pamilya ni Mark, grabe mamimiss ko lahat ng magagandang na mangyayare kasama sila,

Anu ba yan Jane, kakakilala mo palang sa kanila yung ending na agad ang iniisip mo,

Ok sige enjoyin ko nalang tong gabi to! Tapos bahala na hehe

"So Mark san mo dadalhin si Jane mamaya after dito?" Tanung ng mama ni Mark

"I don't know pa Mama, baka magpalipas oras muna ako kung saan"

"Ok basta make sure na maiiuwi mo si Jane ng safe, pati ikaw!"

"Yes ma, don't worry, Jane is in good hands" sabay sipa sa paa ko, hudyat na kelanagn kong ngumiti kahit nakakasuka yung banat nya

"Good! So Jane nice meeting you again, sobrang akong masaya na nakasama ka namin ngayun, I hope this is not the last time"

"Opo hindi po ito ang huli tita" at ngumiti ako

Nauna na unalis sina tita at tito kasama si Thea kaya kami nalang natira sa table ni Mark at kuya Simon

Pero bigla na din nagaya agad si Mark "una na kami" sabay tayo nya, kaya tumayo na din ako

"Aren't you going to the birthday celebration of Ashley?" Tanung ni kuya nya,

"Ah ngayon ba? Andyan ka naman ikaw nalang magsabi Happy Birthday" at tumalikod na at naglakad

"Kuya Simon una na kami" sabi ko

"Ok nice meeting you Jane, I hope you're enjoying Mark's company"

"Thank you kuya!" At nagsmile na ako at umalis na din

Hinabol ko si Mark masyadong mabilis maglakad eh,

Kahit ang saya nilang tignan kanina, may nasesense ako awkwardness sa pagitan ni Mark at Kuya Simon,

May something ba sa kanila? And sino kaya si Ashley?

Napansin ko medyo nabad mood si Mark nung narinig ang name na Ashley, grabe dami ko gusto itanung pero I think this it not the right time to ask him, baka masigawan pa ako

"Mark?" Sabi ko kanya, naglalakad kami papunta sa kotse nila

"Bakit?"

"Are you okay?"

"Oo naman bakit mo natanung?"

"Wala lang" at nagsmile ako, nagsmile din sya

At nung nakita namin kotse nya sumakay na kami

"San pala tayo pupunta?" Sabi ko

"Bahala na!"

............

PLEASE VOTE & COMMENT GUYS!!

FOLLOW NYO NA DIN AKO HAHA

SALAMAT ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

376M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.3M 38.7K 53
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
107K 4.6K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...