Love Times Two -COMPLETED [Ap...

By YaneyChinita

86.9K 1.9K 197

*Note: teaser is not yet official* Hindi alam ni Via kung anong espiritu ang sumanib sa kanya at puma... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
Author's Note
Author's Note ver. 02
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
Author's Note
FINAL CHAPTER

CHAPTER FIVE

5.6K 112 13
By YaneyChinita


"LUKARET KA TALAGA, MARIA OLIVIA!" Paulit-ulit na sabi ni Via sa sarili. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa kagagahang ginawa niya.

Mahigit sa isang buwan na mula nang may mangyari sa kanila ng ex-boyfriend niya at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya makalimutan ang bagay na iyon. Paano naman niya makakalimutan ang isang bagay na pinagsaluhan nila? Maaaring hindi detalyado sa isip ang lahat ng iyon subalit laging pumapasok ang ginawa nila sa isip niya. Kahit anong oras, kahit saang lugar. At hiyang-hiya siya sa sarili niya. She had just had sex with her ex-boyfriend! Of all people! Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumapi sa kanya noong gabing yun at pumayag siyang may mangyari sa kanila. Maybe she had gone crazy that night.

Hindi niya lubos-maisip kung bakit sa lahat ng lalaki ay kay Radley Valerio— her jerk of an ex-boyfriend— niya ipinagkaloob ang isang bagay na pinakaiingat-ingatan niya. Noong mag-karelasyon pa sila nito ay hindi niya iyon ibinigay dito, kaya nga marahil ay nakuha nitong ipagpalit siya sa iba dahil hindi pa siya handang gawin iyon dito. Ngunit kung kailan naman hindi na niya ito boyfriend ay saka naman niya ipinagkaloob ang kanyang sarili sa lalaki. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kung sino ang sisisihin. Pero naisip niyang kasalanan din niya dahil nagpadala siya sa mapang-akit nitong mga mata at mga halik. Isa rin siyang malandi!

"Ang gaga ko talaga!" gustong maiyak ni Via sa habag sa sarili.

Nagsisisi ka pa, eh, nagustuhan mo naman ang ginawa n'yo! Tudyo ng isang tinig sa isip niya.

Via's cheeks felt like they were burning up when she recalled the time they did it that night. Hindi siya sigurado kung ilang beses nilang ginawa iyon. Nang magising siya kinabukasan ay ang sakit-sakit ng buong katawan niya lalo na iyong parte sa pagitan ng magkabilang hita niya. Oh, god! I'm such a slut! Nahiya na naman si Via sa sarili niya. Ano na lang ang iisipin ni Radley sa kanya?

Agad-agad siyang umalis sa bahay ni Radley habang mahimbing ang tulog nito. Wala siyang mukhang maihaharap dito. It wasn't like her to have sex with an ex-boyfriend. Hindi naman siya katulad ng mga babaeng nauugnay dito. At pagkatapos ng mga naganap sa kanila ay wala namang magbabago. He was still her ex-boyfriend.

Dahil naguguluhan sa mga pangyayari. Nag-alsa-balutan si Via patungo sa probinsya ng kanyang ina sa La Union. May bahay ang kanyang mama doon na ipinamana dito ng mga yumaong magulang.

Dinaan na lang ni Via sa pagkain ng ice cream ang lahat ng gumugulo sa isip niya.

"Ang aga-aga ice cream ang kinakain mo," komento ni Marla sa kanya nang umupo ito sa tabi niya sa dining table. Sumama ito sa kanya sa La Union. Masaya na ang pinsan niya sa piling ni Micky— ang lalaking ipapakasal ni Tito Miguel dito. The two fell in love with each other. Tuloy na tuloy na rin ang kasalan ng mga ito dahil nag-propose na rin si Micky sa kanyang pinsan.

"Ang sarap kaya. Try mo." Sarap na sarap namang sabi niya. Bigla siyang nag-crave sa salted caramel flavored ice cream. Wala siyang gustong kainin kung hindi salted caramel ice cream, kaya nagpasama siya kay Marla sa bayan kanina para bumili niyon.

"Hindi ako mahilig sa sweets."

Nagkibit-balikat lang si Via. Muli siyang nag-scoop ng ice cream. Pangatlong baso na niya iyon. "Ayaw mo talaga?"

Umiling si Marla. "No, thanks."

"Ayaw mo, di 'wag mo."

"Puro ganyan ang kinakain mo lately. Akala ko pa naman health conscious ka," mayamaya ay sabi ng pinsan.

Nahinto siya sa pagsubo ng ice cream. "Ngayon lang ulit ako kumain ng ganito. Ito lang ang hinahanap-hanap ng panlasa ko," depensa niya sa sarili.

Tinitigan siya ni Marla pagkatapos ay, "Tell me, Via, are you pregnant?"

Tila nanlaki ang ulo ni Via sa tanong ng pinsan. "What?" gilalas na tanong niya.

"Buntis ka ba?"

"Ano bang klaseng tanong 'yan, Marla?" nailang siya sa pagtatanong nito. She couldn't be pregnant. "Nahilig lang akong kumain ng ice cream, buntis na agad?"

"Tumayo ka," Utos ni Marla. Sinunod niya ito. Hinila siya nito patungo sa full length mirror na nasa sala. "Look at yourself, Via!"

Wala naman siyang napapansin na kakaiba sa sarili niya. Medyo nangangayayat nga siya lately. Nawawalan kasi siya nang ganang kumain nitong mga nakaraang linggo. At ang tanging hinahanap niya ay iyong flavor ng ice cream na kinakain niya ngayon. "Oo na, Marla. Ikaw na ang mas maganda at mas sexy sa ating dalawa. Ikaw rin ang may guwapong fiancé na in love na in love sa'yo." Kung ganda ang pag-uusapan, masasabi niyang dyosa ng kagandahan si Marla. Maganda ang combination ng ama nitong Filipino at Amerikanang ina.

"Gaga!" Marla touched her left breast. "Sobrang laki yata ng boobs mo ngayon," komento nito.

"Ouch! Bakit nanghahawak ka ng boobs ng may boobs? Inggit ka sa size nitong sa akin, 'no?" Via's breasts were getting bigger and also sore and tender. Kaunting hawak lang doon ay nasasaktan na siya. Malapit na siguro siyang magka-menstruation. Iyon kasi ang isang sign kapag malapit na siyang magkaroon ng buwanang-dalaw.

"Ang weird ng itsura mo, Via. You're losing weight. Parang no'ng isang buwan parang di ka naman ganyan. Hindi kaya buntis ka nga?" ani Marla.

Siya? Buntis? How come? Ngunit nang maalala ang ginawa niya kasama si Radley... Nagtaka ka pa, gaga! Malamang mabubuntis ka talaga sa ginawa n'yo ni Radley! "Oh, shit!" Nanginginig ang mga kamay niya inihaplos niya ang mga iyon sa ibabaw ng tiyan niya. Could there be a baby inside her tummy?

Bakit ba hindi niya naisip ang mga bagay na iyon? First, she was craving for ice cream kahit hindi naman talaga siya mahilig do'n. Second, ang malalaking dibdib niya ay lalo yatang lumaki, naging mabigat at masakit kapag nahahawakan. And looking back, hindi pa nga dumarating ang buwanang dalaw niya na dapat ay no'ng isang linggo pa. Tamad na tamad din siyang kumilos lately. Mas gusto pa nga niyang mahiga sa kama dahil madalas ay masama ang pakiramdam niya. Could she really be pregnant? Nahihilo yata siya sa lahat ng realization na iyon. Naglakad siya sa sofa at naupo roon.

"I know you're in the right age pero alam kong wala ka namang boyfriend. May nangyari na ba sa inyo ni Red? Pero bffs lang kayo 'di ba? Imposible din namang divine conception 'yan. Hindi ka naman si Virgin Mary," nakangiwing sabi ni Marla.

"Ano'ng gagawin ko, Marla?" sa halip ay tanong niya. Kung hindi ba naman siya isang malaking shunga, eh! Hindi niya inisip ang magiging consequence ng ginawa niya. Oo nga't bente-kuwatro anyos na siya, pero hindi niya sigurado kung handa na ba siyang magkaroon ng anak sa edad niyang iyon. Marami pa siyang plano sa buhay at hindi pa kasama roon ang pagkakaroon ng anak. At higit sa lahat nabuntis siya nang wala naman siyang asawa!

"We have to be sure if you are really pregnant. Sasamahan kita sa doctor," concern na wika ng pinsan.

"O-okay," kahit hindi pa siya nakakapagpa-checkup ay malakas na ang kutob niyang maaaring nagdadalang-tao siya. Oh, god! What have I done? Natutop niya ang mga kamay sa bibig.

"Pregnant...?"

Sabay na napalingon sina Via at Marla sa nagsalita sa gawi ng nakabukas na pinto. Si Micky iyon at sa likod nito ay ang lalaking hindi na inaasahang makita pa ni Via pagkatapos nang naganap sa kanila. Parang nais ni Via na magka-earthquake at kainin silang lahat ng lupa.

Ano'ng ginagawa niya rito? Nanlaki ang mga mata niya sa pagka-shock. Paano nalaman ni Radley na nasa La Union siya? Bakit kasama ito ng fiancé ni Marla? Nang umalis siya bahay ni Radley ay napag-desisyunan niyang kalimutan ang lahat at ibaon sa limot. She didn't have the slightest idea that he would follow her after that. Alam naman niya kung anong lifestyle ang mayroon ito. He was used to having casual encounter. Masakit mang isipin ngunit wala na rin siyang ipinagkaiba sa mga babaeng nauganay kay Radley.

Tuluyang lumapit sa kanila ang dalawang lalaki.

"Oh, Micky! Glad you're here!" Marla smiled and kissed Micky's cheek. "He kinda looked familiar," ani Marla habang nakatingin kay Radley, kapagkuwan ay muling tiningnan ang fiancé. "He's the guy from the band 'Vampyres', right? Bakit kasama mo siya?" tanong nito kay Micky.

"He's Via's friend, baby. Hinahanap niya ang pinsan mo. Nagpumilit na sumama sa akin dito nang malaman kay Red na nandito kayo," paliwanag naman ni Micky.

Hindi kilala ni Marla si Radley dahil noong panahon na boyfriend niya ang lalaki ay nasa California pa ang pinsan niya. She never got the chance to introduce Radley to her cousin. At hindi naman niya nakuwento sa pinsan ang kahit na ano tungkol sa ex-boyfriend dahil ano bang magandang maiku-kuwento niya tungkol sa lalaki? Walang iba kundi ito lang naman ang lalaking nagpaiyak sa kanya. He was not worth telling stories about. Marla probably knew Radley by the face because he was a famous musician.

"He's not my friend!" mariing tanggi ni Via na napatayo mula sa pagkakaupo sa sofa. At si Red pala ang nagsabi kay Hudas Escariote kung nasaan siya. Malilintikan sa kanya ang baklang iyon!

Nagpalipat-lipat ang tingin nina Marla at Micky sa kanilang dalawa ni Radley.

"Not your friend. Sino ba talaga siya sa buhay mo, Via?" tanong ulit ni Marla. Kapagkuwan ay nilingon si Micky. "Hindi naman pala kaibigan ni Via. Bakit isanama-sama mo rito?" Kinurot pa ni Marla sa tagiliran ang fiancé nito.

"I'm not Via's friend but her ex-boyfriend. I'm sorry for the confusion," sa wakas ay sabi ni Radley na hindi inaalis ang tingin sa kanya. He was not smiling. Parang gusto niyang kilabutan sa uri ng tingin nito sa kanya. Kung makatingin kasi ito sa kanya ay tila may ginawa siyang masama rito.

"Ohhh..." magkapanabay naman na wika nina Micky at Marla.

Naupong muli si Via sa sofa. Wala siyang lakas para magpaliwanag kina Marla at Micky.

"Teka, Marla, sino 'yung sinasabi mong buntis?" curious na tanong ni Micky sa pinsan niya. "Are you pregnant? I'm going to be a father?" naging excited ang boses ng lalaki.

Tumingin siya kay Marla at pasimpleng sinenyasan niya ito na huwag magsasalita tungkol sa bagay na iyon ngunit huli na.

"Buntis? Hindi ako, 'no! Itong si Via. Magpapakasal na yata sila ni Red. Uunahan na tayo kasi mukhang may laman na ang tiyan nitong pinsan ko."

"Oh, my God!" mahinang usal ni Via. Namutla.

"You're pregnant?!" Tila kulog ang boses ni Radley. May galit siyang nakita sa mga mata nito.

Marahas ang naging pag-iling ni Via.

"You have to tell Red about it, Via. Kailangan niyang malaman na magiging daddy na siya. But first, kailangan muna nating makasigurado kung buntis ka nga ba talaga," payo ni Marla sa kanya.

"Via doesn't have to tell Red about it because he's not the one who got her pregnant," nagtatagis ang mga bagang na sabi ni Radley, nakakuyom ang mga kamay. Base sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha nito ay tila gusto na siya nitong komprontahin o sakalin— whichever ang gusto nitong unahing gawin.

Lumipad ang tingin nina Micky at Marla sa kanya. Tila hinihintay ang sasabihin niya. Ngunit wala siyang lakas na umamin sa mga taong naroon. She wanted to die right there on the spot!

"Via?" naguguluhang tanong ni Marla. Kahit ang pinsan ay tila nagkakaroon na rin ng hinala.

"Sigurado ako, isandaang porsyento na ako ang ama ng ipinagbubuntis mo, Olivia," buong kompiyansang saad ni Radley. Makulimlim ang mukha.

At sa sobrang kaba at pagkahilo—marahil sa lahat ng pangyayari ng umagang iyon ay nagdilim ang paningin ni Via. The last thing she heard was that they were calling her name.

NANG MAGMULAT NG MGA MATA si Via ay si Radley ang unang nakita niya sa loob ng kanyang kuwarto. May pag-aalala siyang nakita sa mga mata nito kasabay ng galit. Hindi niya alam kung para saan ang galit na iyon. Itinaas niya ang kalahati ng katawan sa kama, saka sumandal sa headboard.

"B-bakit nandito ka?" mahinang tanong niya. Hindi makatingin ng diretso kay Radley.

"Sinundan ka! At kung hindi pa ako pumunta rito, hindi mo sasabihin sa akin na magkakaanak na tayo? Itatago mo sa 'kin ang bagay na 'yon? How could you!" mataas ang boses na sabi nito. Sa unang pagkakataon ay nakita niyang galit ito.

Lumipad ang tingin niya kay Radley. "Hindi pa sigurado kung buntis nga ako! At 'wag kang mag-assume na sa'yo 'to if ever mang buntis ako!" ganting asik niya. Uminit ang ulo niya sa tonong ginamit nito sa kanya. Kahit nga siya ay nagugulat sa mga pangyayari.

"Oh, yeah? Remember the night you gave yourself to me? Hindi lang isa o dalawang beses 'yon! And I hadn't used any protection during those times," paalala nito sa kanya na parang iyon ang pinakamagandang pangyayari sa buhay nito. "I was the only man in your life, Via. At hindi ako naniniwalang kay Red Marasigan 'yang batang nasa tiyan mo!"

Ngayon ay alam na niyang hindi lang pala isang beses na ibinigay niya ang sarili dito kundi maraming beses pala. "'Wag mo nang ipaalala sa akin ang katangahan ko, okay? It wasn't supposed to happen. Kasalanan mo ang lahat ng ito!" Paninisi niya. She was not ready with all of this confrontation. Ang nais niyang gawin ng mga sandaling iyon ay umatungal ng iyak ngunit hindi niya magawa dahil ayaw niyang umiyak sa harap nito. At ano pa nga bang magagawa niya? Kahit pagbaliktarin niya ang mundo ay hindi naman magbabago ang katotohanan na may namagitan sa kanilang dalawa. Kahit upakan niya ito nang magdamag ay hindi rin naman maibabalik ang nawala sa kanya.

Natahimik si Radley, napasuklay sa buhok saka bumuntong-hininga. Umupo ito sa ibabaw ng kama, saka kinuha ang isang kamay niya at marahang pinisil iyon. "I'm sorry. Ang sa akin lang naman, hindi mo dapat ako pinagtaguan. You should have told me about it because it is my right as the father of our child," mahinahanon na ang tinig nito.

"Hindi pa sigurado na buntis nga ako, eh! Ngayon lang naman ako nagka-ideya at hindi pa naman ako nagpupunta sa doktor. Malay naman nating nagkakamali lang ang pinsan ko sa hinala niya," aniya subalit duda siya sa mga sinabi niya.

"Then let's go to the nearest doctor here so we could confirm that we're going to have a baby. Get dressed, Via," utos nito na parang isang hari na kailangang sundin.

Napabuga ng hangin si Via. It seemed that Radley was excited to know if she's really pregnant. Hindi niya maintindihan ang reaksyon nitong iyon. Malayong-malayo iyon sa inaasahan niya.

But then again, tama naman na magpunta sila sa OB-GYN upang malaman kung totoong buntis nga siya o hindi. Pinalabas niya si Radley sa kuwarto upang makapagbihis siya. Nang matapos magbihis ay agad silang nagtungo sa pinakamalapit na ospital sa bayan.

After a few hours ay kinausap sila ni Dra. De Asis— ang OB-GYN na nag-test sa kanya. "Congratulations, Olivia, you're four weeks pregnant!" magiliw na sabi ng doktora.

I'm four weeks pregnant! Oh. My. God!

Masaya ba siya sa nalaman? Definitely, may agam-agam siya ngayong kompirmadong buntis siya. Paano naman siya lubusang magiging masaya na magiging ina na siya, eh, wala naman siyang asawa? Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Natutuliro ang utak niya.

Mahigpit na hinawakan ni Radley ang mga kamay niya. "Maraming salamat po, Dra. De Asis." Nahimigan ni Via ang kasiyahan sa boses ni Radley. Ngunit hindi siya sigurado kung iyon nga ang narinig niya mula rito.

Maraming ibinilin ang doctor sa kanila at lahat ng sinabi nito ay hindi naintindihan ni Via. Parang hindi nga niya marinig ang sinasabi nito.

Oh, god. I just got knocked up by my ex-boyfriend! Paano niya sasabihin sa mga magulang ang bagay na iyon? Hindi naman siya menor-de-edad, pero siyempre, masa-shock pa rin ito kapag nalamang buntis siya. Ni boyfriend nga ay wala naman siyang ipinapakilala sa mga ito. Imposibleng paghinalaan ng mga ito si Red dahil alam ng kanyang pamilya na hindi naman talaga siya nito nobya.

Nang makalabas sila ni Radley sa klinika ni Dra. De Asis ay hindi pa rin siya nagsasalita. Hanggang sa napahinto si Via sa paglalakad at hindi napigilan ang mapahagulgol sa kalsada dahil sa halo-halong emosyon.

And just then, Radley pulled her closer to him so he could enclose her in his arms as he kissed the top of her head. "Sssh... everything's going to be all right," masuyong bulong nito sa kanya.

"Paanong magiging 'all right'?" hilam sa luha na tanong niya sa lalaki.

"Pananagutan kita." seryosong tugon nito.

"Bakit? Pakakasalan mo ba ako?" tanong niya. Iyon ang huling bagay na alam niyang gagawin nito.

"Iyon ba ang gusto mo?" balik na tanong nito.

"Hindi mo kailangang gawin ang isang bagay na alam kong labag sa loob mo. I won't force you to marry me just because you got me pregnant," sumisigok-sigok na winika niya. Of course, hindi tamang magpakasal silang dalawa dahil lang nabuntis siya nito. Hindi iyon ang nakikita niyang solusyon. Bahala na kung paano siya magpapaliwanag sa kanyang mga magulang.

He sighed. "Okay, then. Paninidigan ko pa rin ang ginawa ko sa'yo. I mean, if you think it's not right that we get married, at least let me be the father of our child." He dried her tears with his thumb.

Tumango siya. As if she had a choice. Nandiyan na ang bata sa tiyan. Hindi niya maatim na alisin ang isang buhay na nabuo sa kanyang sinapupunan. Tutal, hindi lang naman siya ang gumawa sa batang iyon, sila ni Radley— at sinabi nitong paninidigan ang anak nila. For now, that was enough for her.

Continue Reading

You'll Also Like

200K 5.6K 32
Story Of Us Trilogy Book 1: Vladimir Mondragon Book 2: Ezekiel MOreno Book 3: Alexander Mondragon Isang biyaya ang pagkakaroon ng anak ngunit paano...
29.5K 2.6K 44
Copper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya...
272K 4.7K 74
Stacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dah...
58.7K 1.4K 12
Hindi maganda ang nakilalang imahe ni Sienna bilang playgirl. At aware si Sienna doon. Wala siyang pakialam kung maya't maya man ay nagpapalit siya n...