Vampire's Pet

By FinnLoveVenn

3.3M 106K 11.3K

[TAGALOG] Pumasok ka sa Mansion. Mansion na magmimistulang kulungan mo. Ikaw ang laruan at alaga nila, sila a... More

N O T I C E
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
SPEACIAL CHAPTER
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
EPILOGUE
OTHER STORIES
| NOTICE ! MUST READ |

CHAPTER 36

44.1K 1.3K 149
By FinnLoveVenn

DANIEL's POV

❦❦❦

Balot na balot si Kaelynn ngayon at parang hindi mapakali habang binibigay niya sa'kin ng patago ang sulat niya para kay Red at Nana.

"Anong nangyari my loves?" Nabalik siya sa ulirat dahil tulala siya at kanina pa hawak ang batok niya.

"Ah wala hahaha," sabi niya at naglakad napapalayo.

"Salamat ulit Daniel," sabi niya at sinundan ko siya saka tinago ang sulat sa bulsa ko.

"Teka may kakaiba sayo," sabi ko sa kaniya kasi iba ito sa mga kinikilos niya kumpara nung na karaan.

"Ha? Wala ah," sabi niya tinignan ko siyang maigi at iniwas ang tingin sa'kin, huli ka may tinatago ka eh.

"Ows ano 'yang nasa batok mo?" Sabi ko pero hindi ko talaga alam kung ano 'yon I'm just guessing.

"Ha? Ah wala ito hahaha na ngalay lang hahaha," huli ka balbon, may tinatago ka eh, madali kang mabasa pag may tinatago ka Kaelynn.

"Patingin nga akin na hilutin na'tin." tumakbo siya na kinagulat ko.

"Waaah! wag-wag okay lang ako." lalo akong na curious sa pinaggagawa niya kaya hinabol ko siya.

Na daanan namin si Ash na nakatambay sa pasilyo at naghahanap ng signal habang nakanight gown pa rin.

"Yo!" bati ko sa kaniya at nagpeace sign siya sa'kin "anong meron?" Tanong niya at sumunod saming dalawa.

"Wala po!" sabi ni Kaelynn at takbo pa rin ng takbo papalayo sa'kin.

"Kung wala bakit ka na takbo??" Tanong ko sa kaniya.

"Eh kasi hinahabol mo ko!!" Tumawa si ate Ash.

"Nga naman." tumigil ako at nilingon niya ko.

"Yan! hindi nakita hinahabol okay ka na? Tara dito." umiling siya, lalo akong na curious pati si ate Ash.

"Hey whats going on Kaelynn?" Sabi ni ate Ash na nakangisi na.

"Po wala po?" Lalo siyang na curious katulad ko at gustong-gusto makita ang tinatago niya.

"Get her!" Sigaw ni ate Ash kaya tumakbo ako papunta kay Kaelynn at tumakbo rin siya.

This time na daanan namin ang office ni kuya at nakangiti 'tong lumabas ng pinto, ngiting may galit at puno ng kaplastikan.

"Anong commotion 'to?" Napatigil kaming tatlo dahil mukhang beast mode si kuya, ah nga pala monday na bukas at pasahan na ng mga files at report niya sa company.

"Ah wala po," sabi ni Kaelynn at dahan-dahan na umalis pero hindi siya pinalagpas ni kuya.

"No stay there," sabi niya at sumenyas kay Ash.

"Tignan mo 'yung batok niya." nagsalute si Ash at tinignan pilit 'yung batok ni Kaelynn.

Ikot siya ng ikot at panay ang takip dito, pulado na rin ang mukha niya at hindi alam ang gagawin.

"Hey wait wag kang malikot," sabi ni ate Ash at tinanggal ang kamay niya dito.

Nabigla si Ash at sumagitsit.

"That brat marked her." kumunot ang noo ko at tinignan naman ito ni kuya Daryl at napatawa.

"Isa't kalahating sira talaga ang batang 'yon." kaya nakisilip na rin ako at na mula.

"Oy palagay din!" Sabi ko kay Kaelynn at tinulak niya ko.

"Ayoko ang dami na nga eh," nanlaki ang mata naming tatlo sa kaniya at pinagtulungan namin siya ni Ash na tignan.

"Oh my gosh apat! And one in the breast." napaupo sa hiya si Kaelynn at tinakpan ang mukha niya. Awww ang cute gusto ko rin siya lagyan ng kiss mark.

"Lot's of hickeys." napatingala siya.

"Po?" Napatingin naman kami sa kaniya.

"Hickeys chikinini," sabi ko sa kaniya at lalo siyang na mula at tinakpan ang mukha niya.

"Waah ito pala 'yun! Akala ko mark lang." tumawa nang malakas si Ash at pinaghahampas si kuya.

"Wahahaha! she's so innocent look at her Daryl hahaha hindi niya alam na chikinini yung nilagay sakaniya ng hunghang mong kapatid hahaha you go Danrious hahaha," hays wala na kong magagawa si Kaelynn ay kay Rious na.

Lagi naman nagpaparaya ang mga pogi eh, kaya sige na hindi ko na ipipilit pa sa kaniya na talaga si Kaelynn, nakakatuwa lang tignan na hindi naiinis si Kaelynn sa ginawa sa kaniya ni Danrious kundi nahihiya siya at pulang pula.

Meaning may halaga na si Danrious sa kaniya. Pinagtawanan lang namin si Kaelynn hanggang sa mamula ito ng todo.

Napaka-inosente niya, anong akala niya doon? Hindi niya ba alam 'yung chikinini? Pero kiss mark alam niya hahahaha.

Bumalik kami sa kaniya-kaniyang kwarto pagtapos nun at ilang oras na naman ang lumipas at pasukan na.

Monday na naman, nakakatamad pumasok lalo na't na sanay akong kasama si Kaelynn at sila Red kumain sa cafeteria. Lalo na ngayon si Six lang ang kasama ko at si Rious iyon puro babae ang kasama.

"Hindi mo ba sasamahan ang kakambal mo?" Nagkibit-balikat ako.

"Hindi niya naman gusto eh, hayaan na muna na'tin siya maging ganyan at alam ko matatauhan din iyan." Napatawa lang sa'kin si Six.

"Ikaw 'yung mukhang panganay sanyong dalawa no?" Hinigop ko ang coke ko.

"Eh ilang minuto lang naman ang pagitan namin nung lumabas siya eh," tumango-tango siya.

"Sabagay may point ka, so anong gagawin na'tin ngayon?" Nag-isip ako, parang may bagay akong kailangan gawin na nakalimutan ko.

"Ah na kalimutan ko eh." nagpoker face siya habang kumakain. Parang tanga 'tong si Six masyadong isip bata minsan pero ka age lang naman siya ni kuya ko.

"Yo!" napatingin ako sa lalaking nakaharang sa harap ko.

"Kidd?" ngumiti siya sa'kin at inakbayan ako.

"Balita ko magkaaway daw kayo ng kambal mo? Hahaha so siya ba ang nakahome run sa yaya niyo?" Uminit ang ulo ko at akmang babanatan siya ng biglang inawat ako ni Six.

"No fighting in school ground please," binitawan ko ang kwelyo niya at inayos niya ito.

"Hahaha kawawa ka naman, sabagay ikaw naman ang lagi nagpaparaya sa inyo eh kaya ikaw lagi ang kawawa." sabi niya na nagpadilim sa sistema ko.

Lumabas ang pangil ko at hahabulin sana siya nang bigla akong sinipa ni Six at tumilapon sa locker.

"Aray fuck you old man!" Lumabi siyang lumapit sa'kin.

"Aww, ang pogi ko para maging matanda Daniel wag kang ganyan mukha pa kong bata sayo," inirapan ko siya at inalalayan niya kong tumayo.

Maraming nakatingin samin at iniwasan ko na lang sila ng tingin, inakbayan niya ko.

"Tara na bumalik kana sa klase mo at ako na magaayos ng mga locker na nakupi mo." Binatukan ko siya.

"Kung hindi mo ko sinipa sana maayos iyon hindi ba," pinisil niya ang pisngi ko.

"So stubborn talaga ng baby Niel ko, go! Go in your room mama will fix this," kumaway siya sa'kin na parang babae at napatawa na lang ako.

Isip bata rin 'yang si Six eh, mabuti na lang din at andito siya kundi baka ano pang na gawa ko kay Kidd, ayaw ko rin saktan ang kababata ko hindi lang iyon kundi best friend namin ni Rious.

Muli kong nilingon si Six at kausap niya na ang mga staff na mag-aayos ng na sira namin. Para ko na ring kuya iyan eh saka best friend siya ni kuya kaya malaki ang tiwala ko sa kaniya sana mapigilan nila ang gulong dala ni Kidd sa school na ito.

❦❦❦

Uwian na at parang may kailangan talaga akong gawin na nakakalimutan ko eh.

Inisip kong maigi at nagkamot ng ulo, inilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko ng may nakapa ako.

"Ah oo nga pala 'yung sulat." naglakad ako pabalik sa building ng mga educ student at hinanap si Nana pero wala na sila doon, miske si Red wala na rin sa room kaya napabuntong hininga na lang ako at dumeretsyo sa sasakyan ko.

Pagsakay ko nakita ko si Rious na nakatingin sa'kin habang na kasakay sa kotse niya pero hindi ko siya pinansin at nagdrive na.

Mabuti na 'yung ganito para makapag-isip isip siya, hindi pwede 'yung pinapakita n'yang ugali sa iba dapat matuto siyang gumalang at magbagong buhay naman.

Tinignan ko 'yung address na binigay sa'kin ni Six, dito daw sa village na ito na katira 'yung dalawa, as in magkapit-bahay lang sila sa apartment hindi ko alam.

Byumahe ako ng mga 15 mins at nagpaikot-ikot sa village, na pansin ko sa village na ito karamihan ng nakatira ay mga kapwa bampira ko. Pero may mga tao rin at karamihan sa mga bampira ay mga dhampir or half vampire.

Pinarada ko ang sasakyan ko doon sa parking lot ng convenience store kasi baka makaabala sa ibang dadaan if sa harap ng apartment.

Sumilip ako sa tindahan at tinuro sa babae 'yung kotse ko, sinenyasan ko siya na saglit lang ako at ngumiti siya sa'kin bago dumating 'yung kasama n'yang isa ay umalis na ako.

Tumakbo ako papuntang apartment nila kasi pinagtitinginan ako ng mga commoners dito sa village na ito, mahirap kasi talaga maging gwapo lalo na kung 'yung mga tao dito minsan lang makakita ng ganitong pinagpalang mukha.

*ding dong*

Nag door bell ako sa apartment ni Nana pero walang na sagot kaya lumipat ako sa kabilang pinto at dito kumatok.

*ding dong*

*tok tok*

Tagal ha! kumatok at nagdoor bell pa ko wala pa rin lumalabas, wag mong sabihin may ginagawang kababalaghan 'yang si Red at Nana. Sabi ko na nga ba eh babaero 'yang si Red.

"Ah sino po sila?" Napaurong ako sa nagbukas ng pinto.

Mali ba ko ng apartment na napuntahan? Sino 'to tomboy? Boy? Girl? O nerd?

"Ah hahaha dito ba nakatira si Red Acosta?" Tumango siya at biglang sumigaw.

"Oy pula may naghahanap sayo!" Narinig ko ang yabag ng paa napapalapit samin at sumilip si Red sa pinto.

"Anong ginagawa mo dito toko?" Napangiwi ako ng ngiti, the heck ang pogi ko tatawagin akong toko? Mukha ba kong kalahi ng butiki?

"Bastos mo naman sa bisita mo papasukin mo kaya." siniko niya sa tyan si Red at napasinghap ito.

"Aray! Tsk pasok," sabi niya sa'kin at na una ng pumasok 'yung nerd? Lalaki? Tomboy? O babae?

"Wag kang maconfuse babae 'yan," sabi sa'kin ni Red at tinanong ako.

"Anong gusto mong tubig? Mineral o maynilad?" Tangina nito, ngumiti ako sa kaniya ng asar na asar.

"Pakker!" Tumawa siya at kumuha ng juice sa refrigerator nila.

"Ay si Sir Daniel pala," sabi ni Nana at inayos ang upo niya saka ako inayang umupo sa lapag, walang sofa sa sala kundi isang maliit na lamesa lang.

"Pumunta ako dito para ibigay ito sayo pinapabigay ni Kaelynn my labs." at biglang nanlaki ang mata nung tomboy.

"Woooh girlfriend niyo po si ate Kaelynn?" Sabi niya na parang manghang-mangha. So kilala niya si Kaelynn? nag-ala penokyo ang ilong ko at nagsimula na kong magsinungaling.

"Hahaha oo matagal na kami mag-iisang taon na." tuwang-tuwa siya sabay asar kay Red.

"Wahaha kuya pula na talo ka niya?" At bigla akong nakaramdam ng sapok sa ulo ko.

"Wag kang maniwala sa kaniya Gabs"

Pagtingala ko andun na 'yung mukha ni Red na asar na asar sa'kin kaya nagpeace sign ako sa kaniya at hinimas ang ulo ko.

"Joke haha samin nagtatrabaho si Kaelynn." ngumiti siya at nagbow sa'kin.

"Nice to meet you po Sir." namula naman ako sa kapormalan niya.

"Ahaha wala 'yon," sabi ko at tinignan siya, kaano-ano naman kaya ito ni Kaelynn?

"Kaano-ano ka ni Kaelynn?" Tanong ko sa kaniya at nagbasa-basa siya ng libro.

"Ah kasama niya po ako sa ampunan, siya po ang nag-alaga sa'kin dati," sabi niya sa'kin habang nagbabasa.

"Ah ilang taon ka na ba?" Inayos niya ang salamin niya at sumagot.

"18 po," at bumalik ulit siya sa pagbabasa.

Hmmm, na curious naman ako sa babaeng ito, siguro marami siyang alam tungkol kay Kaelynn dahil inalagaan siya nito ah magtatanong na lang ako.

"Kilala mong maigi si Kaelynn hindi ba?" Tumango siya sa'kin.

"Sabay kayo maligo?"

"Opo kasi isa lang ang CR ng mga babae doon sa taas eh karoom-mate ko po siya kaya lagi kaming sabay maligo pag na pasok." wow! buti pa siya kainggit sana maging tomboy na lang din ako na sumasabay sa pagligo ni Kaelynn my labs ko.

"So anong bust size niya?" Binato niya ko ng libro sakto sa mukha kaya na gulat ako at sila Nana.

"Waah!" sigaw ni Nana at tinarayan na ko ng tingin nung tomboy.

"Manyak," sabi niya sa'kin at lumayo layo ng upo sa'kin.

Teka-teka tomboy siya hindi ba? Dapat hindi niya dinidibdib 'yon? Wag mong sabihing bababe talaga siya?

"Di ba sabi ko babae siya," sabi ni Red na umupo sa tabi ko.

"Kung mang gugulo ka lang dito, alis na," sabi niya kaya niyakap ko siya at dinikit ang pisngi ko sa pisngi niya na pinangdirihan niya.

"Ayaw ko ayaw ko pa umuwi please—!" tinulak niya ko kaya napasalampak ako sa sahig, ganito na lang ba ang mangyayari sa'kin?

"Ba't ka ganiyan Red? Pwede ba dito ako matulog kahit ngayon lang?" Umiling siya.

"Hindi nga pwede, kita mo nag-aaral kami para sa entrance exam niya." tinuro niya si tomboy este si girl.

"Oh magkocollege kana saan?" Tanong ko at inirapan niya ko.

"Sa Crimson College." nanlaki ang mata ko at tumawa lang si Nana.

"Bakit doon?" Tanong ko, mahihirapan siya pagdoon normal na tao lang siya.

"Eh scholar ako doon eh." Tumingin ako kay Nana at nakatingin din siya sa'kin, saming apat kaming dalawa lang ang may alam kung anong meron sa school na iyon.

"Hey listen kid, hindi ka pwede doon," sabi ko sa kaniya at tinaasan niya ko ng kilay.

"Di mapipigil ng pananakot mo ang pangarap ko." napatitig ako sa kaniya at bumalik siya sa pag-aaral.

At that moment parang nagliwanag siya dahil sa determination niya, hindi maaari ito. Bumilis ang tibok ng puso ko! It must be lo..

LOVE!?

SAAN? SA TOMBOY NA YAN! SA ISANG GEEK NERD AT MUKHANG BOOK WORM NA 'YAN!

Oh damn! ito ba ang tinatawag nilang love at first encounter? Pero teka ayoko gusto ko kay Kaelynn! imposible 'to!

Nilihis ko ang tingin ko at tumayo, kinalma ko ang sarili ko at huminga, nagkakamali lang ako for sure siguro humanga lang ako sa kaniya.

Yeah, tama humanga lang ako sa kanya.

"Yo! kailan ang pasok mo?" Tanong ko sa kaniya kahit na iilang na kong tumingin sa kaniya.

"If mapapasa ko ito bukas, sa monday na ko magsta-start." tumango-tango ako. Tumawa si Nana at tumingin ako sa kaniya.

"Bakit?" Tanong ko at umiling lang siya ng nakangiti, isa pang weird 'yang babaeng iyan kinikilig mag-isa, sinuot ko ang sapatos ko at nagpaalam na.

"Uwi na ko geh bye!" kumaway silang dalawa sa'kin pwera kay Red at umalis na ko sabay hawak sa dibdib ko, kumaripas ako sa sasakyan ko at pinaandar ito.

❦❦❦

Monday na naman, nakakatamad at hindi ko alam bakit hindi ako mapakali. Sabi kasi ni Nana nakapasa raw 'yung si Gabs sa exam. I dont know bakit nagkakaganito ako pero pag nasa mansion ako na kucutan pa rin ako kay Kaelynn.

Ah! Isa 'tong puso ng isang taksil!

Pasensiya na Kaelynn my loves kung may iba akong iniisip ngayon. Sorry talaga pero mukhang makakapagmove on na ko sayo pero parang ayaw ko pa lalo na kung sa isa akong tomboy na fall.

"Anong problema?" nagbuntong hininga ako.

"Kasi dude I think I'm inlove." tumawa 'yung kumausap sa'kin.

"Congrats," sabi niya at nilingon ko siya.

Nanlaki ang mata ko at tinitigan siya maigi.

"Gabs?" Ngumiti siya sa'kin at tongonong 'yan! Gustong tumalon ng puso ko paalis sa katawan ko!

"Morning senpai!" at tinapik niya ko sa braso saka umalis.

"Senpai?" Bulong ko sa sarili ko at na tulala habang sinusundan ang pag-alis niya.

"Senpai?" At doon, doon na nagsimula ang panibagong love life ng poging katulad ko.


TO BE CONTINUED


AN: senpai is upper class man or 'yung mas na kakatanda san'yo at ahead sa inyo.
So ito po si Gabrielle Louise in cosplay mode hahah with contact lens.

Continue Reading

You'll Also Like

46K 1.3K 48
We used to obey the command of the higher. We used to do what the client's want. We used to do missions from the higher. We used to acce...
379K 11.2K 45
[Lady Criminals Series #1] What will you do if the most hunted down criminal is a girl with a deceiving look? ** Chaos. That's what's currently happ...
3.2M 125K 50
(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every girl wishes to be a princess. To live in...
158K 8.8K 43
Tagalog Vampire-Romance story. Ano ang gagawin mo kapag tumira ka sa isang mansion kasama ang mga bampira? Ikaw ba ay matatakot o magmamahal? Hindi m...