Crush Kita Konti Lang

Autorstwa asherinakenza

2.6M 50.8K 3K

High school life Więcej

Prologue
1
2
3
4
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Finale
Epilogue

5

61.9K 1.1K 83
Autorstwa asherinakenza

Chapter 5

 

Sabado ngayon! At naisipan kong mag jogging! Maganda ang gising ko dahil sinundan ako kahapon ng crush ko! Oha oha! Sinudan ako ni Shane! Next time daw ulit eh! Sana araw araw niya akong sundan! Mehehe~~ 5:30am na rin naman, kaya hindi na masyadong madilim sa labas!

Pagbukas ko palang ng pinto amoy na amoy ko na yung mabangong hangin! Bakit nga ganun kapag madaling araw ang bango bango ng simoy ng hangin! Inilagay ko na yung hood ng jacket ko sa ulo ko saka inilock yung pinto.

Pumunta na ako sa park at nagsimulang ikutin yun ng takbo! May mangilan ngilan din na nagjojogging. Nakaearphone lang ako habang tumatakbo, natawa ako dahil ang aga aga napaka emo ng pinapakinggan ko. Stranger by Secondhand Serenade.

You call me a stranger
You say I'm a danger
But all these thoughts are leaving you tonight
I'm broke and abandoned
You are an angel
Making all my dreams come true tonight

 

Naalala ko bigla si Mr.Snowman, Stranger na stranger ang dating niya saakin pero kinakausap ko pa rin siya. I don’t know why I have this feeling..pero namimiss ko yung pag uusap namin sa library kahit hindi siya nagsasalita.

Gusto kong ikwento sakanya yung mga nangyari saakin nitong mga nakaraang dalawang linggo.. Saka isa pa gusto ko rin malaman kung kumusta na siya, kumusta na yung puso niya na tumitibok para sa kapatid niya.. Sobrang sakit pa rin kaya?

You call me a stranger
You say I'm a danger
You call me a stranger

 

 

Alam ko na!

Kapag nagkita ulit kami ni Mr.Snowman, kukulitin ko siya na makuha ang number niya! Para naman kahit papano makausap ko siya, saka para makalimutan na niya yung nararamdaman niya para sa kapatid niya.. Pero napatigil ako pagtakbo, tama ba yung gagawin ko? Magiging panakip butas ako?? Umiling iling ako, hindi naman siguro.. Hindi ko naman boboyfriendnin si Mr.Snowman! Pasasayahin ko lang siya, para kahit papaano matutulungan ko siya.

Umupo ako sa isang bench, grabe nakatatlong ikot palang ako pero hinihingal na kaagad ako! Bihira lang kasi akong mag exercise eh.. Pinanood ko nalang yung ibang nag-eexercise habang nagsasound trip ako, mejo lumilitaw na rin yung araw at ang ganda niya tignan.

Napapitlag ako ng biglang may umupo sa tabi ko! Nanlaki ang mata ko!

“She-Shane?!!” – sigaw ko saka hinila ko ang earphone sa tenga ko! Diretso lang ang tingin niya sa mga nag eexercise! Shet, aging aga may gwapo sa tabi ko! Nakajacket din siya! Hindi lang yon pareho kaming kulay puti ang jacket! Soulmate?!!

Tumingin siya saakin! ASDFGHJKL!! Mahihimatay na ba ako?!

“Pagod ka na kaagad? Tatlong ikot palang yon.” – tanong niya.

“Si-sinundan mo ako??” – nauutal na tanong ko! ETO NA BA YUNG SINASABI NIYANG NEXT TIME ULIT?

Dahan dahan niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko, napalunok ako dahil naamoy ko yung mabango niyang hininga.. Napapikit ako ng pitikin niya ang noo ko! Saka siya lumayo!Napahawak ako sa noo ko! Hindi naman ganun kasakit yung pagpitik niya.

“Hindi kita sinundan. Nakita ko lang kahapon ‘tong park nung hinatid ka namin ng driver ko, kaya naisipan kong dito mag jogging ngayon.” – seryosong sabi niya, tama ba ‘tong naririnig ko?! Ang haba ng sinabi niya ha!

Ngumuso ako, kunyare pa siya.. Ayaw pa niyang aminin na sinundan niya ako! Hindi naman ako magagalit eh! Kikiligin pa nga ako!

“Tara.” – sabi niya saka tumayo, tumingala ako para tignan siya!

“Ha? Sa-saan?”

“Kakain.” – sabi niya saka tumalikod na.

Mag..magde-date kami?!

Tumayo na ako at sinundan siya! Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa simpleng sinabi niya, yay! Magdedate kami. OO assuming ako bakit ba?

Nakita kong pumasok siya sa isang Pancake House.. Siya yung umorder sa counter, napansin ko naman na ang ganda ng ngiti sakanya nung kahera! Para ngang naglalaway na ‘to kay Shane eh!

__________

Magkaharap kami ngayon ni Shane habang kumakain ng pancake, nakatungo lang siya at seryosong kumakain.. Parehong Hot Chocolate yung inumin namin.

“Hmm, nga pala Shane..yung panyo mo na..pinahiram mo saakin sa sinehan, sa Monday ko nalang isasauli ha?” – sabi ko, bigla ko kasing naalala na hindi ko pa nababalik yung panyo niya.

“May balak ka palang ibalik yon.” – sabi niya at napansin kong ngumiti siya ng kaunti, ang gwapo niya *O*..

“O..oo naman, nakalimutan ko lang kasi.. Nga pala kapatid mo ba yung kasama mo nung araw na yon?” – tanong ko, tumango lang siya bilang sagot..

“Favorite niya rin si Sulley? Narinig ko kasi eh.” – tumango nanaman siya..

“Sayang nga lang nung araw na yon, hindi ko natapos yung palabas..kasi..” – hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi  naman naalala ko yung dahilan kung bakit hindi ko natapos yung Monster University.

Tumingin siya saakin!

“Kasi?” – walang emosyon na tanong niya.

“Ah..wa-wala!!” – sabi ko saka iwinagayway yung kamay  ko! Ngumiti ako saka sumubo ng pancake! Nakakahiya!

“Ang bilis mong magtiwala.” – biglang sabi niya..Tinignan ko siya ng buong pagtataka.

“Huh?”

“Kinuha mo lang basta yung panyo ko, hindi ka manlang nag isip na baka may pampatulog yon.” – sabi niya, nanlaki ang mata ko! May ganitong side din pala si Shane?! May korning side pala siya!

Tumawa ako ng mahina! Pasalamat siya gwapo siya! Pero natigilan ako ng tignan niya ako ng masama, ayan nanaman yung nakakamatay niyang titig.

“So-sorry..” -  bulong ko.

“Pe..pero alam mo tama ka..” – sabi ko, naisip ko kasi si Mr.Snowman, saglit ko lang siya nakilala pero pinagkakatiwalaan ko na siya.

“Kasi may isang tao akong pinagkakatiwalaan na kailan ko lang nakilala.. Sinabi ko sakanya yung isang sikreto ko.. Pero okay lang naman saakin eh, may sinabi din naman siya saakin..” – sabi ko.. Napansin ko nakakunot ang noo niya.

“Ah! Basta! H’wag mo nalang pansinin yung sinabi ko!” – sabi ko dahil parang naiirita yata siya sa kinukwento ko, naisip ko tuloy ayaw niyang nagtitiwala ako sa iba kaya. *O*

_____________

Pagkatapos naming kumain, nag offer siya na ihatid ako sa bahay. Napapangiti ako kasi kahit papano hindi na siya yung isang sagot isang tanong.. Yun nga lang pag napapagod na siyang magsalita tatango nalang siya ng tatango. Naglalakad na kami ngayon.

“Thank you pala sa breakfast ha! Nabusog ako!” – masayang sabi ko! Nabusog naman talaga ako eh! Lalo na at siya ang kasabay ko kumain! Hihihi!

“La yon.” – matipid na sagot niya..

Tahimik na kaming naglakad ulit, hanggang sa makarating na kami sa bahay.

“Salamat ulit!” – sabi ko habang kumakaway kaway pa sakanya, nakatingin lang siya saakin.. Parang may iniisip siya na ewan..Yung  mata niya sobrang seryoso. Nginitian ko siya saka tumalikod na ako, pero natigilan ako ng hilahin niya ang kamay ko, tinignan ko siya.

“Piliin mo lang yung mga taong pagkakatiwalaan mo.”

*****

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

4.7M 100K 40
Friend zoned. Hindi na bago kay Tom Andres Santos ang salitang yan, sa dalawang beses na nagmahal siya ng totoo jan palagi ang bagsak niya. Palaging...
31.3K 1.4K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
31.6K 524 58
Ang magulong buhay ng Young Family. Bakit nga ba 'Where is the Love?' Ang title ng SS na'to? Kasi..... Basahin nyo na!
438K 4.3K 41
Isang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na...