Love Is A Bitch

بواسطة Kkabyulism

62.8K 1.9K 209

[Published under Psicom] [Love Series #1] Isa si Hyacinth sa mga taong hindi naniniwala sa pagmamahal. Para s... المزيد

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
LAST CHAPTER

Chapter 13

2K 72 1
بواسطة Kkabyulism

Naglakad papasok si Russel habang nakalingon siya kay Clinton na kakalabas lang ng bahay. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko sa paglilinis ng kawali.

"It's Clinton, right?" Tanong niya nang nakarating siya sa loob ng kusina. Tumango ako bilang sagot niya. 

Napansin kong nanginginig ang mga kamay ko kaya huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. 

"Anong ginagawa nya dito, Hyacinth?" Tanong niya ulit sakin pero hindi ako sumagot. Dahil kahit ako, hindi ko alam ang ginagawa niya dito. Oo, sinabi niyang gusto niyang mag-usap kami pero.. alam kong hindi lang 'yun ang pakay niya dito. 

Naramdaman ko ang kamay ni Russel sa kanang braso ko kaya nilingon ko 'yun. Marahan niya kong iniharap sakanya pero hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya nang tuluyan niya kong naiharap sakanya. 

"Are you okay? May ginawa ba siya sa'yo?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko kaya tumingin ako doon at kitang-kita ko parin ang panginginig nun. 

"Wala," sagot ko sakanya. Binawi ko kaagad ang kamay ko at iniwanan siya doon. "Anong ginagawa mo dito--"

"May kumalat na balita kanina sa school na nag-collapse ka raw, I went to Prince's classroom para tanungin siya kung naiuwi ka ba niya dito ng maayos, pero sinabi niya sakin na.." Hindi na niya tinapos ang sasabihin niya dahil pareho naman naming alam na si Clinton ang nasa loob ng bahay kanina. Ibig sabihin, siya ang nag-uwi sa'kin dito. 

Bumilis ang tibok ng puso ko nang naramdaman kong nasa likuran ko na ulit si Russel. Am I having a heart attack? Nakakainis na. 

"I'm okay. Pwede ka ng umuwi, Russel," humarap pa ko sakanya pagkasabi ko nun, pero hindi siya umalis sa kinakatayuan niya. 

"What happened?" Tanong niya ulit sa'kin. "Bakit alam ni Clinton ang bahay mo?" Tinignan ko siya ng masama dahil sa tanong niya pero sinalubong niya lang din ako ng galit na tingin. 

Hindi siya nag-iwas ng tingin kahit na ang sama ng tingin ko sakanya, kaya sa huli ako na ang nag-iwas ng tingin. 

"What the fck is wrong with you, Russel?" Tanong ko sakanya pero umiling lang siya at kinuha ang bag niya. Isinabit niya ulit 'yun sa balikat niya, sumulyap pa siya sakin bago siya naglakad. 

"Ayos ka na naman, aalis na ko," naglakad na siya palabas ng bahay pagkasabi niya nun. 

Pinanood ko lang siyang umalis at hindi na nagsalita pa kahit na ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. 

--

Hindi umiimik si Lianne nang naglalakad kami papunta sa isang classroom namin. Hindi na rin ako umimik dahil baka mamaya ay wala sya sa mood. Hayaan na lang. 

Nang papasok sa ko sa classroom ay hinawakan ako ni Lianne sa braso, nilingon ko sya at pinagmasdan ang mukha niya. Habang tumatagal ay paganda siya nang paganda. Mas lalo rinng humaba ang brown niyang buhok. 

"Si Clinton ang nag-uwi sa'yo kahapon, hindi ba?" Tumango ako bilang sagot. Do I need to answer their freaking questions about Clinton? 

"Anong gusto mong malaman?" Tanong ko kay Lianne, kitang-kita ko ang pangungunot ng noo niya dahil sa tanong ko.

"I'm your friend pero wala akong alam sa buhay mo, Hyacinth. Kung hindi ko pa maririnig na si Clinton ang nag-uwi sa'yo kahapon, mananatili akong clueless--"

"Why is it such a big deal na hinatid ako ni Clinton sa bahay?" 

"You're asking me that?! Isn't it a mystery na ako na kaibigan mo, hindi ko alam ang bahay mo, pero si Clinton.. alam ang bahay mo? To think na hinatid ka niya ng wala kang malay!" Pumasok na siya pagkasabi niya nun at iniwan ako sa may pinto. Huminga ako ng malalim at tumingin sa gilid kung saan naglalakad si Clinton kasama ang mga kaibigan niya. 

Diretso ang mga tingin niya sakin kaya inirapan ko siya at pumasok na sa loob, pero tumakbo siya palapit sa'kin at hinawakan ako sa braso. Kumantyaw ang mga kaibigan niya pero hindi ko 'yun pinansin, ngumisi lang si Clinton at tinignan ako sa mga mata.

"Maayos ka na ba?" Tanong niya sakin. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko at tumayo ng tuwid.

"Yep, why?" Inilagay niya ang mga kamay niya sa gilid ko para ma-corner ako. Napasandal ako sa pinto dahil sa ginawa niya at halos murahin ko siya sa isip ko. Nakarinig ako ng mga singhapan sa loob ng classroom at tawanan sa labas dahil sa ginawa niya. 

"Are you really okay?" Tanong niya sakin habang nakangisi. 

"Hindi ka ba nandidiri sa ginagawa mo?" Itinulak ko siya palayo sakin pagkatapos kong tanungin 'yun. Hinawi ko ang buhok ko at tinignan siya. "Stop talking to me," nilagpasan ko siya at pumunta na sa upuan ko. Nadaanan ko si Lianne na napapailing dahil sa inis sakin, pero hindi ko na pinansin. 

"Clinton's courting you, Hyacinth?" Tanong ng babaeng nasa likod ko kaya umiling ako. That's so gross.

"No," at kahit kailan hindi niya maiisipang gawin 'yun. 

Hindi ako inimikan ni Lianne hanggang sa matapos ang klase namin. Iniiwasan niya talaga ko. Nagpunta sya sa cafeteria para kumain ng lunch kanina, pero hindi na ko pumunta doon. Dumiretso na ko sa susunod na klase namin kahit na ang ending noon ay maghihintay ako sa labas ng classroom dahil may klase pa. 

"Mag-isa ka ata," hindi ko pinansin ang nagsalita sa gilid ko. "Dadalhin sana kita sa dorm ko kahapon dahil hindi ko alam ang bahay mo, pero dumating si Clinton at kinuha ka sa'kin," Kwento niya sakin.

"I know the whole story," sabi ko sakanya kahit na hindi naman talaga. Wala rin naman akong balak alamin. Kakalat naman ang balita na 'yun. Kumakalat na nga, e. Dagdagan pa ng kabaliwan na ginawa niya kanina sa loob ng classroom namin, lalabas ang balita na nililigawan niya ko kahit na hindi naman. 

"I want to court you, matagal na, pero hinarangan ako ng mga kaibigan ni Clinton," Nilingon ko si Prince dahil sa sinabi niya.

"Ano?" Tanong ko. 

"Your boyfriend's friends told me to back off," ngumiti siya pagkasabi noon at tumayo ng diretso. Ngumiti siya sa'kin at ibinigay niya ang isang bracelet. "Nalaglag mo 'yan kahapon," 

Pinagmasdan ko ang bracelet bago ko isuot 'yun. May gusto pa sana siyang sabihin pero nanahimik na siya. Halata sa mukha niya ang hesitation pero hindi ko na tinanong kung ano 'yun dahil hindi ako interesado. 

Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase, naglabasan ang mga estudyante sa loob ng classroom, hinintay kong maubos 'yun bago ako pumasok sa loob at umupo sa pinaka-dulo. 

Ilang sandali lang ay nakita ko si Lianne na pumasok sa classroom kasama si Russel, pareho nila kong hindi pinapansin kaya pareho ko rin silang hindi inimikan. Para silang mga ewan. 

Kumunot ang noo ko nang nilagay ni Lianne ang bag niya sa tabi ko, inismiran niya ko at tumingin kay Russel.

"Sige na, pumunta ka na sa klase mo. Male-late ka pa," tumango si Russel at umalis na pero sumulyap pa siya sa gawi ko bago siya tuluyang umalis. Si Lianne ata ang tinignan niya dahil kumaway pa si Lianne sakanya. 

Hindi kami nag-imikan ni Lianne kahit na magkatabi kami sa huling klase namin, lumabas rin siya kaagad pagkatapos ng klase namin kaya lumabas na rin ako. 

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko dahil nagva-vibrate nanaman 'yun, nakita kong number lang ang tumatawag kaya hindi ko pinansin. Ibinalik ko lang 'yun sa bag ko.

"So rude, ayaw mong sagutin ang tawag ko," huminto ako sa paglalakad at nilingon ang lalaking nagsalita. 

"What the hell do you want?" Tanong ko sakanya. Nagkibit balikat siya at sumandal lang sa pader na nasa gilid niya. 

Kitang-kita ang ka-gwapuhan niya kapag nakangisi sya sa tuwing nang-aasar siya. 

"I just want to talk," wag lang siyang magsasalita dahil naiirita ako. 

Matangkad si Clinton at maputi. Kitang-kita ang tulis ng dulo ng mga mata niya kung tititigan mo siya, siguro isa 'yun sa mga dahilan kung bakit maraming nagkakagusto sakanya. Masarap tignan ang mga mata niya. Parang palaging dumidiretso sa kaluluwa mo ang mga bawat tingin niya. Matangos ang ilong at maganda ang hugis ng mga labi. Para siyang isang anime character na nabuhay.

Tinalikuran ko na siya pero nagsalita pa ulit siya. 

"He wants to see you, Hyacinth."

Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil hindi naman ako interesado sa sinabi niya. Wala akong pakielam sa gusto niyang mangyari. Ngayon kung pinaglalaruan niya ko sa school dahil alam niyang iniiwasan ko siya, edi makikipaglaro ako. That's the only way para tigilan niya ko. Para tigilan nila ko.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

111K 3.9K 13
It's a new world never seen.
697K 22.4K 49
Even the scariest girl in the world has her own love story.
Vivi | nct بواسطة 炒饭

قصص الهواة

143K 4.9K 121
A girl who has been liking this guy from afar, anonymously sending nerdy jokes and puns, and who has no intention of expecting anything in return. P...
SPG بواسطة Precious Heart Story

القصة القصيرة

73.3K 172 15
SPG