Bae Meets Dre

By imarksato

382K 10.1K 1.1K

"You are the trouble I'm In" More

Foreword
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Author's Note
Migo's Diary
Part 55
Hey!
HEY! HEY!
Part 56
Part 57
Part 58
Part 59
Part 60
Part 61
Part 62
Part 63
Part 64
Part 65
Part 66
Part 67
Part 68

Part 8

8.7K 263 4
By imarksato


MIGO

Gusto kong pasalamatan ang kabutihang nagawa sa akin ni Eirik.

Naisipan kong bilhan sila ng mga groceries bilang kapalit sa pag sagip sa buhay ko nung isang araw sa bar.

Napansin ko kase na salat sila sa mga household supplies. Kaya, sana makatulong itong gagawin ko sa kanila.

Nais ko sanang bilhan nadin ng gamot si Lola Anita.
Kaso, hindi ko naman pala alam kung anong gamot ang mga iniinom ng Lola ni Eirik.

Naging maasikaso sila sa akin lalo na si Eirik.

Masasabi ko na maganda ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang Lola.

Paano kaya naipagsasabay ni Eirik ang trabaho sa pag aaral noon? Siya lang din naman ang tanging inaasahan ng kanyang Lola sa mga gastusin sa bahay.

Lahat kargo ni Eirik, mula sa pagkain nila araw araw, sa bayaran ng tubig at kuryente, kay Lola Anita, at syempre para na rin sa kanyang sarili.

Di ko tuloy maiwasang hangaan si Eirik.

Napangiti ako sa naisip.

Kasalukuyang nagmamaneho ako papunta kela Eirik nang tumunog ang phone ko.

Sinuot ko ang bluetooth headset at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Utol? asan ka?"

Sabi ni Sonny sa kabilang linya.

"Nagmamaneho ako, ano meron?"

"Nagyayaya si Chase, andito na daw siya sa Pinas. Pati, birthday daw ng anak niya ngayon."

Medyo kinabahan ako sa narinig kong pangalan na binangit ni Sonny.

Chase. Chase.

Kamusta na kaya si... Chase?

Matagal tagal na simula nung makita ko siya.

It's been what, two years?

Napa isip ako dun.

Nakalimutan ko na may kausap pala ako.

"Ano sabay ka ba sakin o mauna na ko dun?"

Saglit akong di nakasagot ng mahagip ko sa daan si Eirik.

San kaya galing to?

"Hello Migo? Utol, anjan ka pa?"

"Ah Sonny call back kita saglit lang."

Tinangal ko ang headset sa tenga ko at binusinahan si Eirik.

Napalingon naman ito at kumunot ang noo marahil nagtataka kung sino ang sakay ng pulang kotseng nasa harapan niya.

Nakangiti ako nang lumabas sa kotse.

"Migo?"

Halatang nabigla siya sa kung sino ang nakita niya na bumaba sa magarang kotseng nasa harap niya.

"San ka galing?"
Tanong ko nang makalapit na ko kay Eirik.

"Rumaket lang ako jan sa may Kabilang kalye"

Sagot niya habang naniningkit ang mata.

Sobrang init ba naman kase, alas dos ng hapon ba naman!

"Ayos ah"

Sabi niya habang ginagala ang paningin sa kotse ko.

Ningitian ko lang siya.

"Mayaman ka nga talaga. Mukhang iba nanaman to sa nakita ko nun sa Makati ah"
Sabi niya nang nakangiting nakatingin na sa akin.

Kita parin sa mata niya ang pagkamangha.

"Sus, maliit na bagay. Tara, sabay ka na sakin"

Yaya ko sa kanya.
Ang init init kase.
Pwede naman kami mag usap sa loob ng kotse.

Buti naman at di na siya nagtanong at agad nang sumakay sa kotse.

Medyo nilakasan ko ang aircon. Whew! grabeng init!
Pinagpawisan agad ako.

Buti natitiis ni Eirik na lakarin to? Tindi din ng isang to. Kung ako yan,di ako tatagal.

Pinagmamasdan ko lang si Eirik.

Kitang-kita ko sa mukha niya ang di maalis na kanina pang namamangha sa kotse ko.

"Ano okay ka na?"
Pabiro kong sabi sa kanya.

"Kanina mo pa sinisiyasat kotse ko eh, may warrant search ka ba?"
Patawa kong dagdag sa sinabi ko.

Saglit kaming nagkatitigan at sabay na tumawa.

Buti nalang at na gets niya ang sinabi ko.

Ayos din pala tong si Eirik.
Kalog. May sense of humor.

Sige lang siya sa pagtawa.

Ako naman ay natatawa at napapa iling nadin habang binubuhay ko ang makina.

Hala siya.
More tawa more fun ang peg ng mokong.

Tinitigan ko siya.

Tawa pa din to ng tawa.
Sabay takip sa bibig niya.

"Salamat pare, napatawa mo ko dun sobra!"
Sabi niya ng maluha luha sa kakatawa.

"Pasensya na, mababaw lang talaga kaligayahan ko"
Sabi niya ng makabawi sa katatawa.

Ngumiti nalang ako habang napapa iling at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Ilang saglit pa at nagtanong natong si Eirik kung san ang lakad ko.

Pinaliwanag ko sa kanya na gusto kong makabawi sa pagtulong niya sa akin nung ako ay pinagtutulungan na ng negrong sumapak sa akin sa bar.

Syempre, tumanggi siya.
As expected.

"Di ka na sana nag abala. Maliit na bagay naman yung pagtulong ko sayo nung isang gabi. At natural na tulungan kita nun kase wala kang kalaban laban sa kanilang tatlo."

paliwanag pa ni Eirik habang nakatingin ng mataman sa akin - na kasalukuyang nakatuon ang mga mata sa daan.

"Well, accept the groceries nalang Eirik. Hindi ako matatahimik kung di mo man lang tatangapin tong mga pinamili ko sa inyo ni Lola Anita." Sagot ko habang abala sa pagmamaneho.

Sana tangapin na niya.
Para din naman sa kanila to e. At least may makakain sila in times diba?

"O sige sige, pero last na yan ha." - Eirik

Napangiti ako at buti naman di na siya nagmatigas na tangapin ang return favor ko sa kanya.

EIRIK

Malayo palang kami pero kitang kita ko na ang mga mata ng mga tao na obvious naman e manghang nakatingin sa kotse nitong si Migo.

Ganyan talaga mga tao dito sa amin. Kung makatingin kala mo kung ano. Lalo na kapag bagong dayo ka sa lugar namin.

Maraming tsismosa dito sa amin. Talamak ang away. Numero unong dahilan ng away? Pera.

Aakalain mo na naulit nanaman ang gyera. Tila world war three kapag nakakarinig ka ng murahan at sigawan dito sa amin.

Kaya pinaliwanag ko kay Migo na wag nalang pansinin ang mga tingin na binabato sa kanya ng mga tao.

Nang makahanap ng pagpa-parkingan, binuksan ni Migo ang compartment bago niya
pinatay ang makina at kami ay sabay na bumaba.

Tinulungan ko na siyang bitbitin ang mga groceries.

Diretso kami sa bahay at tinawag si Lola.

"La, nandito na ho ako"

Bumukas naman ang pinto at nakita ko si Lola na may kasama...

Sus, kinabahan ako dun.
Si Denver lang pala.

"Naks! Mukhang maganda ganda ata raket natin ngayon parekoy ha"
Ngiting bungad sa akin ni Denver.

Napatingin si Denver sa kasunod ko.

Pinakilala ko siya kay Denver, "Parekoy si Migo pala. Sa kanya galing tong mga groceries" sabay baba ko ng groceries sa may lamesa sa kusina.

Nagpalitan sila ng ngiti at nilahad ni Migo ang kamay niya, para sila ay mag shake hands.

Tinanggap naman yun ni Denver sabay sabing,
"Nice to meet you boss Migo"

"Ang dami naman niyan, saang galing yan mga supot Apo?"

tanong ni Lola ng mapansin niya ang dala dala naming groceries.

"Bigay ho sa atin ni Migo la" nakangiting sabi ko kay Lola.

Tumingin si Lola kay Migo,
"Aba napakabait mo naman bata ka, salamat ha, nag abala ka pa."

Ngumiti naman si Migo.

"Wala ho iyon, la, basta ho para sa inyo"

"Lika tamang tama, dito ka na mag meryenda. nagluto ako ng paborito ng Apo ko, ginataang bilo bilo"

Excited na yaya ni Lola kay Migo.

"Si Migo lang ho? Paano ho ako la? Tinulungan ko ho naman kayo sa pagluluto niyo ah"

Kunwaring tampo pa tong si Denver.

"Ay nako, di ka pa ba nabusog doon? Ang dami mo na ngang nakain. Niluluto ko palang, tikim ka na ng tikim"

"La naman," napakamot sa ulo si Denver.

Nagtawanan naman kaming lahat at pumunta na sa lamesa.

Ako naman ay naglagay na ng nilutong ginstaan ni Lola sa isang bowl at nilagay ko iyon sa gitna ng mesa.

Wow. Alam na alam ni Lola ang mga paborito ko.

Si denver ay tumulong nadin at naglagay ng mga mangko at kutsara sa mesa.

Ganyan na yan si Denver sa amin. Feel at home. Di narin naman naiba ang turing namin sa kanya.

Naging masaya ang pagkain namin sa niluto ng Lola.

Maya maya pay nagpabili si Migo ng 2 kasalo size na coke at ininom namin iyon.

Tubig lang si Lola kasi bawal sa kanya yun. Matamis.

Natutuwa ako kasi may bago nanaman akong nakilala.

Salamat kay Sonny at sa pakiusap niya. Kung di dahil doon di ko makikilala tong si Miguel... Migo.

Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
65.2M 1.3M 73
Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker an...