Facing The Legacy (FS # 1)

By SilentInspired

1.7M 33.3K 1K

"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We h... More

Facing The Legacy
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Wakas
"Kamukha ito ng.."
SilentInspired Closer

Kabanata XXXIV

39.1K 783 19
By SilentInspired

This is not the last chapter. May Epilogue pa after this. Thankyou so much.

"Hey baby" napalingon ako at nakita kong nakatayo si daddy sa labas ng room ko. Umuwi ako ngayon sa bahay dahil I feel like I need my comfort zone again.

I smiled at him. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"What is the problem?" Tanong ni daddy. 

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. I sighed.

"Dad, should I just give up? I mean sa relasyon namin ni Dylan?" Tanong ko sakanya. Natawa naman ito kaya kumunot ang noo ko.

"Daddy naman eh!" Pagmamaktol ko pero napailing nalang siya.

"You know what? Your mom left me before. For two years I felt like I am dying because I am not with her, yung tipong naisip ko kung kailangan ko na ba talagang sumuko kahit alam ko naman na I can't but you know?  Nung bumalik siya ilang beses din sinubok ulit ang pagibig samin pero hindi kami sumuko. Why? Because I know I can't live without her. I want to spend my life with her. Mas gugustuhin ko pang umalis pa siya kahit ilang taon basta babalik siya sakin. That at the end of all we've been through, kami pa rin hanggang sa huli." Napangiti ako sa kwento niya. Lagi namang kinekwento ni mommy sakin ang lovestory nila ni daddy pero this is the first time I heard daddy's side.

"Now, do you see someone else beside you except for him?" Napaayos ako ng upo sa tanong niyang iyon. Meron pa ba? I can't think of anyone. Kumikirot ang puso ko pag naiisip kong hindi siya ang makakatuluyan ko.

"Even though I don't really like his family. It's fine for me kung siya talaga but I still need to talk to him if ever" napatango nalang ako at yinakap si daddy. 

"I love you daddy. Super duper" lambing ko sakanya. Natawa naman siya at yinakap din ako. 

"I love you too baby. Hindi ko akalain na ang panganay ko ay inlove na. I will still be your number one right?" Tanong nito sakin kaya natawa ako. Tumango naman ako.

"Of course! Second si Dylan then third si Jayden" napatakip ako ng bibig sa sinabi ko. Nanlaki ang mata ni daddy kaya sabay kaming natawa.

"Iwan na muna kita. Papaakyatin ko na ang mga pinsan mo okay? Kanina pa sila sa sala. Nagiging campo na ang bahay natin" tumango nalang ako.

Nandito sila? Baka naman for Jayden. Maglalaro siguro sila ng basketball.

"Hey" natigil ako sa pagiisip nung makita si Ate Pin at Jess sa labas ng pintuan ko. Mabilis na tumakbo si Jess at humiga sa kama ko.

"I miss this" sabi nito at yinakap ang unan ko. 

"Nakita mo ba ang kwarto mo? Linilinis pa rin yon." Sabi ko at tumango naman siya.

"Bakit pala kayo nandito? It's sunday" sabi ko.

"Well hinihintay namin matapos mag basketball si Kuya Jos. Ginamit nila yung court sa subdivision niyo" tumango naman ako at humiga ulit.

"Oh.. okay" sabi ko nalang pero napabalikwas ako sa susunod na sinabi niya.

"One on one with Dylan Wong" nanlaki ang mata ko. Ito ba yon? Yung one on one na sinasabi ni Kuya Jos? Ngayon na ba talaga?

"Hala natulala pa siya" natatawang sabi ni Jess at doon lang ako natauhan.

"Bakit hindi niyo siya pinigilan?!" The heck! Hindi pa nga kami maayos tapos nauna pa silang mag one on one.

"Well nakaka enjoy kayang makita silang nag kakaganyan" natatawang sabi ni Ate Pin. Mabilis akong nag tsinelas at tumakbo palabas. Nakasunod si Jess at Ate Pin sa akin.

Tinungo ko ang hagdan at nakita ko ang mga pinsan kong nandoon.

"Hey Jas, we miss you" bati ni Jerem sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.

"Fuck! Wow ah? Lahat kayo naghihintay?" Hindi ako makapaniwala. Mabilis akong lumabas at tumakbo ako habang papunta sa court ng subdivision namin.

Para tuloy kaming mga batang nag lalaro. Sumunod sila sakin kaya lahat kami ay tumatakbo papunta sa court. Dalawang street ang dadaanan bago makapunta don.

Bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko si Dylan. 

"Four - three" sigaw ni Jayden. Siya lang ang nandon na nanonood. Mukhang nasiyahan ang mga pinsan ko. Lumapit si Jasper at Jerem kay Jayden para manuod.

Napatingin sa akin si Dylan kaya naagaw sakanya ni Kuya ang bola. Napakagat ako sa labi ko. Lumapit kaming lahat kay Jayden. 

Bakit ganon ang itsura ni Dylan? He doesn't look good. May sakit ata siya?

"Ang ganda ng laban. Walang nag papatalo. We're here for two hours already pero yan palang ang scores" paliwanag ni Jayden. Ang nagawa ko nalang ay tumango.

"Sinong four?" Tanong ko. Habang nag lalaro sila ay naguusap din sila. 

Ano kayang pinaguusapan nila? Ano kayang mangyayari pag natapos to? Meron ba silang kasunduan?

"Si Jos ang four." napaawang ang labi ko hindi dahil sa sinabi ni Jayden kundi dahil sa natumba si Dylan. 

Mabilis ko siyang dinaluhan. Namumutla pa ito. Kinuha siya ni Kuya Jos at Jasper, binuhat siya at sinakay sa sasakyan ni Kuya Jos. Bumalik kami ng bahay at inihiga siya sa sofa namin. Pinaypayan ko naman siya. 

"Magigising din yan. Balita ko kasi ay nag hunger strike daw yan" balita sakin ni Kuya Jos. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Alam mo naman pala tapos inaya mo pang mag basketball?!" Naiinis kong sabi at natawa naman ito. 

"Easy lil cousin. Atleast napatunayan natin ang kaya niyang gawin para sayo. Don't worry tanggap ko na siya para sayo." sabi nito at nag simula na silang mag ayos ng gamit.

"Maiwan na namin kayo" sabi ni Jasper. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Jayden na sumasama din.

"Tapos na ang papel namin sa lovestory niyo so it's up to you na niyan" sabi ng kapatid ko at hinalikan ako sa noo.

"Jayden kahit ikaw?" tumango ito at nauna ng lumabas. 

"Jas, nasa study room lang si Tito Francis. Don't do anything" sabi ni Jerem at kumindat sakin. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Ito talagang lalaking to. 

Nung makalabas na sila ay napatingin ako kay Dylan. Pumunta ako sa kusina at nag pa ready ng pagkain. Kumuha din ako ng towel sa kwarto ko at pinunasan ko siya. 

Ilang minuto din ang lumipas at gumising din siya.

"Jasmine" mahina niyang tawag sakin. Umiwas nalang ako ng tingin at inabutan siya ng tubig. 

"Hey" sabi ko at pinunasan siya ulit. Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba.

Napatingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang paghihina.

"Tignan mo nga yung sarili mo! Pinabayaan mo! Gusto mo talagang mamat--"

Natigilan ako dahil yinakap niya ako. Napakahigpit nito, yinakap ko din siya. I know he suffered a lot. I know its because of what I did. One week ko rin hindi sinasagot ang calls and messages niya.

"I missed you so much" sabi nito. Napapikit ako at humiwalay sakanya. Kinuha ko ang kamay niya at tinulungan siyang tumayo. 

"You should eat, mamaya nalang tayo mag usap." sabi ko at tinulungan ko siyang pumunta sa kusina.

I watched as he eats. The thing under his eyes is getting bigger. Nung matapos siya ay sinabihan ko siyang lumabas kami. It's very awkward to talk about us inside our house. Naglakad kami papunta sa park. 

I sat down on one of the bench there and he sat beside me.

"How are you?" Panimula ko. Naramdaman ko ang mga titig niya sakin pero hindi ko siya nilingon. 

"I am sorry" napapaos niyang sabi. Doon lamang ako napatingin sakanya. I saw his eyes.. nanunubig ito kaya doon ako natigilan.

He is crying over me.

Tumayo ako at nag kneel sa harapan niya. Hinaplos ko ang mukha niya at pinunasan ang luha niya.

"I am not perfect but I am trying my best. I am trying" tumango tango nalang ako sa mga sinasabi niya. Wala akong masabi, I know na nahihirapan siya because of me pero wala akong magawa. I hate to see him like this. 

Doble ang sakit tuwing nakikita ko siyang nasasaktan.

"Do you want to run away? Iiwan ko lahat para sa atin just don't give up on me. Just don't leave me Jasmine." napaawang ang labi ko. Tumayo siya kaya napatayo rin ako.

"Are you proposing? I mean are you telling me that you want to spend your life with me?" hindi ako makapaniwala. I mean I know he loves me but not in this extent na iiwan niya lahat pati pamilya niya para sa akin. 

"If I will, will you say yes?" napalunok ako sa tanong niya. Huminga akong malalim at hinawakan ang kamay niya.

"Nanggaling ako sa pamilya kung saan tinuruan kami na pahalagahan ang lahat ng bagay. I know you love your family and they love you too kaya gusto ko sana matanggap muna nila tayo. Ang sarap mabuhay ng legal diba? Yung tipong I can go to your house without thinking na itataboy nila ako. I want that kind of relationship. Sa ngayon ang kailangan natin ay tiwala, pagmamahal at paninindigan para sa ating dalawa." wika ko sakanya. Kumunot ang noo niya at humigpit ang hawak niya sa akin.

"What if hindi mangyari yon?" tanong niya sa akin pero umiling ako. Ngumiti ako sakanya.

"It will happen. I know it will because true love wins" saad ko at yinakap niya ako. Ginantihan din niya ako ng yakap.

I looked at the sky and smiled.

Grandma Ryle, is this what you felt when you and Grandpa Luke decided to face everything together? It felt so damn great.

Continue Reading

You'll Also Like

361K 12.6K 32
(Finished) Arabella Eurydice was supposed to hate men like Archer Nevyn, or should she not?
3.5K 433 39
World Trip Series 8 During summer, Aesthesia Carseldine spends her summer break with her family back in New South Wales and as a journalism student...
1M 18.2K 31
Si Josephine Morgan, kilala dahil sa kanyang dinadalang apelyido. Her life was as beautiful as it can be. Paano kung mawala sakanya ang yaman at buon...
423K 9.8K 54
Marami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibi...