THE BLACK DEMON'S HEART

By AllukaLuka

270K 6.7K 1.6K

Isang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat pa... More

PROLOGUE
PART 1 ~ BANGUNGOT
PART 1.2 ~ HABULIN..
PART 2 ~ TUGISIN
PART 2.2~ WANTED
PART 3~ KUTOB
PART 3.2 ~ PUGAD
PART 4 ~ KUTA
PART 4.2 ~ BLACK DEMONS
PART 5 ~ ISA
PART 5.2 ~ DALAWA
PART 6 ~ PART TIME JOB
PART 6.2 ~ PRANING
PART 7 ~ TULOG
PART 7.2 ~ GISING
PART ~ 8 "S"
PART 9 ~ BISTO
PART 10 ~ TROUBLE
PART 11 ~ XXX
PART 12 ~ BLACK NOTE
PART 13 ~ BAD OMEN
PART 14 ~ PROJECT
PART 15 ~ MY DAY
PART 15 ~ MY DAY PART 2
PART 16 ~ MY DAY-NGEROUS 2
PART 16 ~ MY DAY~NGEROUS 2.1
PART 17 ~ THE END
PART 18 ~ REWIND
PART 19 ~ DEMON'S PARTY
PART 20 ~ CAR WASH
PART 21 ~ MAGAZINE
Part 22 ~ THE LOST MONKEY
PART 23 ~ DEMON'S LAUGH
PART 25 ~ WEIRD MOMENTS
PART 26 ~ MALAS
PART 27 ~ TATTOO
PART 28 ~ SWIMMING
PART 29 ~ LESSON
PART 30 ~ TABLE MANNER
PART 31 ~ THE LUNCH
PART 32 ~ SHOE
PART 33 ~ FAST-FOOD
Part 34 ~ PHOTO SHOOT
Part 35 '~ DA OTOR ISH BAK!!
PART 36 ~ DEMON'S FOOD
PART 37 ~ INVITATION
PART 38 ~ BETRAYAL
Part 39 - That Girl
PART 40 ~ UNEXPECTED
Part 41 ~ Date with a Demon
Part 42.1 ~ The Date
Part 42.2 ~ THE GAME
Part 43 ~ The Visitor
Part 44 ~ RAMDAM
PART 44.2 ~ DONUT
PART 45 ~ IWAS
Author's Note
Part 45.1
Part 46 ~ Opening
Part 46.1
Part 46.2 ~
Part 47 ~ Beginning
PART 48- Her Heart
Part 49.1 ~ The apple
Part 49.2
Part 50 ~ Quest
PART 51 ~ Larawan
PART 52 - Family
PART 53 - Photos
PART 54.1 ~ SONG
PART ~ 54.2 OLD MANSION
PART 55.1 ~ GARDEN
PART 55.2
Part 56 - HISTORY

PART 24 ~ PATAY MOMENTS

4.5K 114 34
By AllukaLuka

hellowee! gumala ako kahapon kaya di po ako napagUD..salamat po sa inyong lahat! eehh..kinikilig ako..XD

enjoy^^

....................

"Alis." Matalim ang tinging pinukol sa akin ni X. Kung nakakahiwa lang iyon malamang  kanina pa ako bulagta. 

Napanguso ako. Sus maryosep! Napanguso tuloy ako. Tsk. Kinukulit ko pa rin ang X na 'to. Mabuti nga at humihinga pa ako at hindi pa niya naiisipang wakasan ang buhay ko. 'Andito kami sa kusina at abala siya sa pagluluto. Ang cute niyang tignan sa apron niya. Parang ang bait-bait niyang nilalang. Kung hindi lang siya magmumura ay pwede na siyang maging angel.

Nasuya ako bigla sa naisip. Hindi bagay. Erase. Erase. Erase.

  

"Tulungan na kitang magluto lord X. Adobong bul--

Tinapalan niya ang bibig ko ng towel na pinangpunas niya ng kamay.

  

Pwe! Bastos na Samurai X na 'to. Para clear lang tayo, di hamak namang mas gwapo si Kenshin Himura ng Samurai X kaysa sa demon na 'to. Do’n ko lang nakabit ang pesteng pangalan niya kasi kamukha niya 'yong samurai. Tama! At isa pa may pilat talaga siyang ekis sa ibaba ng tainga niya. Hindi lang pansinin dahil hindi naman malaki, saka hindi masyadong expose dahil sa buhok niyang magulo, mas magulo pa yata sa buhay ko.

"One more word and I'll twist that mouth," sabi niya na ni-lazer beam na naman ako.

Pinagalaw ko ang mga daliri ko na parang sa mga ninja.

"What are you doing?" kunot-noo niyang tanong.

Huh! Takot niya lang.

"Gumagawa ako ng shield," seryoso kong sabi at pinagpatuloy ang ginagawa.

 "Leave," nagpipigil ng inis niyang sabi, tinuro pa niya ang pintuan.

 “Wait lang lord, hindi pa ako tapo—

Nang akmang ibabato niya sa akin ang hawak na sandok ay tumakbo na ako. Asar na ang demonyo, eh. Baka isahog ako pa sa niluluto niya.

Maliban sa pare-parehas nilang pangtri-trip sa akin ay pare-parehas din sila ng hilig­­­—ang pagluluto. May schedule sila sa pagluluto at masasabi kong magagaling sila. Pwede na silang maki-jamming kay Chef  Boy Logro. Kitang-kita rin na nag-e-enjoy sila sa pagluluto lalo na 'tong si XXX. Ayan para tunog X-rated.

  

Alas dose palang nang tanghali at talagang kina-career ng ulan ang pagbuhos.Madilim pa rin sa labas, kasing dilim ng aura ng kasama ko ngayon. Busy pa yata ang mga kampon ng hari sa paghahasik ng lagim dahil hindi pa sila umuuwi. Juice ko po! baka dumami ang mga 'yon pagnaulanan.  

Napabuntong hininga ako. Asan kaya si S? Nakakatamad talaga 'pag hindi nakikita ang crush. Walang vitamins. Umikot-ikot ako habang naka-dipa. Pinahiram ako ng damit ni X. Ewan ko kung saang cabinet niya pinaghuhugot 'tong maluwang na long sleeves at maluwang na cotton pants.

Nang mahilo ako ay umupo ako sa sofa. Umiikot pa ang paningin ko dahil sa kagagahan ko. Wala, eh, trip kong umikot. Imbes na rumaraket ako sa purinarya ay nagapapaalipin ako rito. Buti na lang nakipagpatayan ako sa kanila para ipaglaban ang day off ko bukas.

Binuksan ko ang 42 inches na LED tv. Babawi na lang ako sa konsumo ng kuryente. Wala naman na akong gagawin kaya pwede nang pumetics.  Nilipat-lipat ko ang channel hanggang sa mahanap ko ang gusto kong panoorin.

  

Wow! Prince of Tennis! Makikita ko naman si Ryoma at Tezuka. ^__^

  

Napanood ko na ang episode na pinapalabas pero hindi ko mapigilang matawa pa rin. Nag-bech volleyball kasi ang team at nagpustahan na kung sino ang matatalo ay iinom sa ginawang weird na inumin ni Inui senpai. Nakakatawa si Ryoma dahil kung anong ginaling niya sa tennis ay siyang kabaliktaran niya sa volleyball. Mabuti na lang at magaling si captain Tezuka my love.

Nangingisay na ako sa tawa habang nanonood. Napa-cartwheel pa tuloy ako. Hindi man lang ako umaray nang mauntog ako sa center table. Nang matapos ang palabas ay sinabayan kong kantahin ang ending song habang sumasayaw ako. Ganyan talaga ako manood. Sabi nga ng mga kaibigan ko tinatakasan daw ako ng bait kapag nanonood ng anime.

Umikot-ikot ako habang kumakanta. Matibay naman siuro 'tong sofa ng mga demons na ginawa ko ng playground. Natigilan ako nang makita ko sa may pinto si X. Nakasaldal siya sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip.

Naging ngiwi ang ngiti ko. Mabilis akong bumaba mula sa sofa. Baka sermonan ako ng demon o mas malala ipapalit niya sa akin ang sofa nila. May pagka-arte rin kasi 'tong demon na 'to, eh.  

Tumikhim siya nang magtama ang mga mata namin. Tinawag niya ako sa pamamagitan ng isang daliri niya. Atubiling lumapit ako sa kanya. Pinagdikit ko ang dalawang hintuturo ko habang papalapit sa kanya.

"Ah-ah..yes Lord X," pinagpapawisan kong sabi.

  

"Let's eat."

  

Huh? Nagtaas ako ng ulo. Pagkasabi niya ay tinalikuran na niya ako. ‘Let's eat’ daw? In tagalog tara kain “tayo”? 

Tayo? Tayo? 

Ahem! Nakainom siguro siya ng gamot niya, tinawag akong kumain, eh. As in kasabay siya. Kumakain  naman talaga ako dito. Makapal naman mukha ko 'pag dating sa pagkain. Pero ni minsan hindi pa kami nagkasabay ni Samurai X sa mesa.

  

Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa umupo siya. Na mighty bond yata ang paa ko at hindi ko mailakad. Masyado akong na-shock sa pagyaya niya. Nakakapagduda. Sana naman hindi ako ma-trauma nito. 

Bumalik ang diwa ko nang kalansingin ni X ang plato gamit ang kutsara niya.  "Ano pa’ng tinutunganga mo? Sit. Here," turo niya sa katapat niyang upuan. 

Zooooom!

  

Mabilis akong pumasok sa kichen cum dining room at umupo sa tapat niya. Hindi ko rin namang kayang tiisin ang amoy ng mga pagkaing niluto niya. Para ko nang nakikita ang pagngisi ng mga alaga ko sa t’yan. Tiba-tiba na naman sila. 

Ang tanong lang: Kaya ko kayang lumunok sa harap niya? Otso, parang huling pananghalian ko na 'to ah. Daig ko pa'ng bibitayin.

  

Tahimik siyang kumain. Napaka-elegante ng galaw niya. Pangmayaman talaga kahit pagsubo. Kaya lang ang boring. Nakakaantok.

"Stop watching me rug doll. Eat."

  

"Ahehehe,” pilit ang tawa ko. “Okay po kahamahalan."  Bakit pa ako tatanggi? Libre kaya 'to. Walang masamang tinapay sa katulad kong patay-gutom. 

Bago ako kumain ay pinagsalikop ko muna ang mga palad ko at umusal ng pasasalamat para sa libreng pagkain. Kung meron man magandang bunga ang pagpapaalipin ko sa mga demonyong ito, isa na ang pagkain. 

Pagbilang ko ng tatlo ay mabilis akong kumuha ng pagkain. Pinuno ko ang plato ko at sinimulang kumain na may malaking ngiti sa labi. Muahahaha! Sa totoo lang masarap talagang magluto ang         Samurai X na 'to. Saka kakaiba ang mga niluluto niya at maganda pang tignan. 

Lamon dito, lamon doon ang ginawa ko. Nawawala rin ako sa sarili kapag kumakain ako. Aminado akong pito ang bituka ko.

Narinig ko ang pagtikhim ni X kaya naapangat ako ng ulo. Punong-puno ang bibig kong tumingin sa kanya. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng puno kong bibig. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Fshwkqihaml," sabi ko.

Gumuhit ang inis sa mukha niya. Mukhang hindi nagustuhan ang narinig. "Slow down. Wala kang kaagaw.”

Nag-peace sign na lang ako. Pinilit kong nilunok ang nasa bunganga ko at baka ihagis niya ako palabas. Dahil sa dami ay hindi kinaya ng lalamunan kong lunukin lahat kaya naman bumara na lang. Binayo ko ang dibdib habang nanlalaki ang mga mata. "T-tubig," nahihirapan kong sabi.

  

Patamad na tumayo si X at pumwesto sa likod ko.

Lechugas na demonyo! Parang narinig ko ang pag-crack ng spinal cord ko sa ginawa niya. Hampasin ba ako ng malakas sa likod. Imbes na iluwa ko ang pagkaing nag-stop over sa lalamunan ko at balak pang tumambay sa esophagus ko ay tuluyan ko nang nalulon.  

  

Inabot ko ang baso at sinaid ang lamang tubig. "Salamat ha!" sarkastiko kong sabi.

"Ganyan ka ba magpasalamat?" walang emosyong sabi niya, pabalik na ang demonyo sa upuan niya at sana ay takbuhan siya ng silya.

"Gano’n ka ba tumulong?” balik tanong ko. “Balak mo yata akong balian ng spinal cord." Kumibot-kibot pa ang labi ko habang hinihimas ang nasaktang parte.

Natahimik ako nang tumingin siya sa akin nang masama. Second degree ang pinukol niyang tingin kaya naman isinara ko na lang ang bibig para sa kabutihan ng hinaharap ko. Nagngingitngit kong tinuloy ang pagkain. Sa sobrang tahimik namin ay mahihiya ang kulisap na mag-ingay. Pasimple kong tiniris ang magsyotang langgam na ginawang Luneta park ang mesa. Baka kasi mag-ingay sila, eh, ako pang sisihin ni Samurai X.

  

Nagulat ako nang biglang kumulog nang malakas. Parang may sumabog na omba sa sobrang lakas ng tunog. "Agdheyekqobdjwu." Nakalimutan kong puno na naman pala ang bibig ko.

Tumayo na naman si X. Ha! Uulit pa eh. Napatayo ako agad at pumorma  ng fighting pose. Mabalis kong nginuya ang pagkain at nilulon ang unang grupo. Oh ha, by group 'yang mga 'yan. "Yah! Ayos lang ako. Hindi ko kailangan ng tulong mo lord. Matutuluyan na talaga ang spinal cord ko sayo," sabi ko habang panay ang talsik ng kanin mula sa bibig ko.

Gumuhit ulit ang kidlat na sinundan agad ng malakas na kulog. Otso, parang nakikigiyera ang kalangitan.

Nanigas ang buo kong katawan sa sumunod na nangyari. Hindi ko man lang naiangat maski isang daliri ko para protektahan ang sarili ko. Si X, ang Samurai X na 'to, ang hari ng mga demonyo, ang XXX at X virus ay yumakap sa akin?

  

Ilang segundo rin akong natigilan. Naestatwa ako at nag-mal-fucntion ang utak ko. Ano bang trip niya at yumakap siya sa akin? 

"H-hoy! H-hindi por que alipin niyo ako ay pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo. S-sige ka g-gagamitin ko talaga ang tecniques ko sa pakikipaglaban. May lahi kaya akong ninja. Pwede ko ring tawagin ang katropa kong si Naruto. L-lagot ka do’n. Nagta-times two-times two 'yon." Tinulak ko siya pero lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Rumatsada ang tibok ng puso ko. Ang walang hiyang demon na 'to pagsasamantalahan pa ako.

"Bibilingan kita. Makakatik--"

"Don’t move," mahina niyang sabi. Napatigil naman ako. Hindi niya ako nauto, iba kasi ang pakiramdam ko. Para siyang nahihirapan. Napapahigpit ang yakap niya sa tuwing kumukulog nang malakas. Parang tumitigil ang paghinga niya.

Ang hari ng mga demonyo, ramdam ko ang takot niya.

"Shi*" mura niya nang kumulog na naman.

"Hoy lord X takot ka sa kulog at kidlat?"

"Shut up.”

Sus! Parang bata naman 'to. Nanantsing yata 'tong demon na 'to. Kakalas na sana ako pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya.

"N-no. I-I'm afraid, damn it" sabi niya na may galit at pait sa boses.

  

........

Bumunot ako ng baraha sa hawak ni X. Pinagpapawisan ako nang malapot sa laro naming unggoy-ungguyan. Kanina pa ako natatalo sa kanya. Parang nakikita niya ang baraha ko.

Nagliwanag ang mga mata ko nang mabunot ko ang jack of spade. Naaamoy ko na ang pagkapanalo ko. Napangisi tuloy ako.

Naabutan na ako ng gabi sa bahay nila. Hindi kasi tumigil ang malakas na buhos ng ulan. Hindi pa rin  naman nakakabalik ang ibang miyembro kaya naisipan kong  ayaing maglaro si X. Mabuti nga pumayag. Takot niya lang sigurong iwan ko. Mabuti na lang at natigil na ang pagkulog at pagkidlat dahil kung hindi malamang malamig na bangkay na ako ngayon. Sobrang higpit kasi ng pagkakayap ng demon na 'to. Feeling ko nga inuunti-unti niyang winawakasan ang buhay ko kanina. 

Tss. May kinakatukutan din pala ang X na 'to. At mukhang hindi lang simpleng pagkatakot ang meron siya. Napapahinga siya nang malalim at talagang nahihirapan siya na ewan. Tinanong ko nga siya kong natatae siya, eh. 'Ayun, muktik na niya akong sipain. Takot na nga ang sama pa rin ng ugali. 

Binaba ko ang dalawang jack ko. Tatlo na lang ang baraha ko. Sa wakas, naamoy ko na si mareng Victory. Kanina pa niya pinagdidiskitahan 'tong mukha ko. Bright idea ko ang parusa, doodle sa mukha gamit ang lipstick, dahil gusto kong bumawi ng pasimple. Ang kaso nag-back fire ang plano ko at tinatamasa ko ngayon ang walang humpay na kahihiyan. Aba naman, abot sa buwan ang ngisi niya.

Napa-yes ako nang maitapon ko na lahat ng baraha ko. Nagliwang ang madilim kong paligid. Nakaka-excite gumanti. Muahahaha.

Nag-inat at naghikab si X. Note: with elegance ha. "I'm going to sleep. Ayusin mo na lang ang kalat," sabi niya sabay tayo.

Hanu raw? Otso, tatakasan pa ako.

Tinaas ko ang isang kamay ko na parang isang traffic enforcer. "Ops lord! Hindi pwede. Parusa muna. Daya mo ha, talo ka, eh."

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Hindi mo ba ako narinig?"

“Bakit wala ba akong tenga?” sagot ko, agad-agad.

“Kinakalaban mo ba ako?”

“Bakit pumorma na ba ako ng fighting pose ko?”

Inabot niya ang pisngi ko saka binanat. May balak yata siyang ihiwalay ang pisngi ko sa mukha. “I’m your lord. Obey me if you want to live longer .”

“A-aray ko naman,” daing ko.

Binitawan na niya ang pisngi ko saka tumalikod na. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko. Otso, sakit n’on , ah.

Nilabas ko sa kabilang tainga ko ang sinabi niya. Hindi ako papayag na hindi  makaganti. Otso lang pinaghirapan kong ipanalo ang laban tapos gagamitan lang niya ako ng pagiging hari niya. Kinuha ko ang lipstick na kulay pula. Kinalkal ko pa 'to sa kwarto ni C. Malandi talaga.

"Tigil!” sigaw ko. “Ipagkakalat ko ang baho mo kung tatakasan mo ako," seryoso kong sabi.

Tumigil nga siya at liningon ako. Tinignan niya ako nang masama, mga second degree pa rin. Muahahaha. Hindi na tatalab 'yan sa akin. Ngayon pang alam ko nang may kinatatakutan din pala ang katulad mo.

Nang hindi siya gumalaw ay lumapit na ko sa kanya. Ido-doodle ko talaga ang makinis niyang mukha. Ginawa kaya niyang mapa 'tong mukha ko.

Akmang guguhitan ko na ang mukha niya nang tinabig niya ang kamay ko kaya naman tumilapon ang lipstick.

Nabusangot ang mukha ko. "Wala kang isang salita," bulong ko.

"Nakakatamad na.” Namulsa siya saka tumalikod na.

Siyempre hindi ako papayag. Ang usapan ay usapan. Pinulot ko ulit ang lipstick at hinabol siya. Sumampa ako sa likod niya. Kailangang makaganti ako sa demon na 'to. It’s now or never.

"Get off you rug doll," inis niyang sabi.

Kumapit naman ako nang todo-todo.  "Ayoko! Maduga ka. Matapos mo'ng pagsawaan ang mukha ko aalis ka na lang basta."

"Get off!" bulyaw niya.

Bumagsak ako sa sahig nang makalas niya ang pagkakapit ko.

“Tss. Stupid rug doll." Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

 Napanguso ako ng wala sa oras. Lechugas talaga 'tong taong 'to. Akala mo ba tatantanan kita. Hindi pa siya nakakalayo nang dinamba ko siya. Nabuwal siya kaya sinamantala ko siyang sakyan habang nakadapa siya sa sahig. Muahahaha! The revenge is mine!

"S-stop it...you..." hindi niya maitutuloy-tuloy ang sasabihin dahil kiniliti ko siya sa batok niya. Sabi ko na nga ba may kiliti siya rito. Tumaas kasi ang balahibo niya kaninang sumampa ako sa likod niya at hindi sinasadyang napahawak ako sa may batok niya. Naitulak pa rin niya ako kahit nakatalikod siya. Malakas talaga 'tong demon na 'to. 

Mabilis siyang umupo habang nakahawak sa may batok. "Rug doll, you’ll pay for this," namumula niya sabi.

Aww..ang kyut namumula.

Erase. Erase. Maibaba ang meaning ng salitang cute sa taong ito.

Tinaas ko ulit ang red lipstick. "Paisa na kasi."

"I'm your lord. Kung ano ang sinabi ko, that's it," bwisit na bwisit na niyang sabi. Mga tatlo pang kakulitan ko at sa ilog Pasig na ang bagsak ko.

Tinamaan talaga ako nang katigasan ng ulo ngayon. Matigas akong umiling. "Sumang-ayon ka kaya kanina."

"Narinig mo ba akong--

"Yah!" walang kasere-seremonyang dinaganan ko ulit siya. Napangisi ako dahil nakaharap na siya sa akin. Mas madali ko nang maisasakatuparan ang plano ko.

"G-get off," sabi niya. Unti-unti na namang namumula ng mukha niya. Pero hindi ko siya pinakinggan. Hinawakan niya ang kamay ko nang ilapit ko sa kanya ang lipstick.

"Wag kang kj lord X. Madali lang 'to."

"D-don't move. Shi*." Mukha siyang ewan sa pamumula niya. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya.

Muahahaha.. Pati yata sa lipstick takot 'tong taong 'to. Binawi ko ang kamay ko. Nang nanglaban pa siya ay kiniliti ko na naman siya. Sa apat na sulok ng bahay ay parang Nescafe lang ang tawa niya--nangingibabaw.

"Fine. Do what you want rug doll. Just stop it!" sabi niya sa pagitan ng pagtawa niya.

Napa-Mcdo smile ako. "Papayag ka rin pala lord. Pinagod mo pa ako."

Nang tinigilan ko siya ay nawala agad-agad ang tawa niya. Sumeryoso siya at tumingin sa akin nang deretso. Napalunok tuloy ako sa ginawa niyang pagtitig sa akin. Parang gusto kong kamutin ang ulo sa ginagawa niya.

Napalunok ako. Naaasiwa man ay nilapit ko ang kamay kong may hawak ng lipstick sa mukha niya. Napatalon yata ang puso ko nang pinigilan niya ang kamay ko. Otso ang alam ko, bulate lang ang alaga ko. Bakit ngayon may kabayo na. Ang bilis tumakbo at ang lakas ng tunog. Balak pa yatang kumawala sa rib cage ko.

"Sh**! Anong kababalaghan ito!?"

"Gross!"

"Bro, picturan mo dali."

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ko ang mga kampon ng kadiliman. Napatayo ako bigla. Napa-aray pa si X dahil naapakan ko siya. Hindi mawala-wala ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa titig niya.

"Kinikilibutan ako mga bro," sabi ni F na yumakap pa kay H.

Nag-sign of the cross naman si H. "Katakot 'to."

Hindi ko magawang kumontra sa mga sinasabi nila. Lutang pa rin ako. Hiniwakan ko ang magkabilang pisngi ko. Kumakapal kasi.

"Rug doll. Go home."  Napaigtad ako nang marinig ang walang emosyong boses ni X. Na-lock yata ang bunganga ko at hindi ko magawang magsalita. Tinapunan lang ni X ang apat na demons saka umakyat na sa taas.

"Mukhang nagkakasayahan kayo, ah," nakakalokong sabi ni C.

"Ano kayang susunod na mangyayari kung hindi kami napaaga ng dating," sabi naman ni F.

Nang medyo kumalma na ang mga organs ko ay nakuha ko nang mag-react. Tinignan ko sila nang masama. "Sa totoo lang ang pangit talaga ng timing niyo," nababanas kong sabi.

Napatakip si C sa bibig. "I knew it. May pagnanasa ka talaga kay X."

Napangisi ako nang umakbay si C sa akin. "Hehe. Oo. Ganito kalaki ang pagnanasa ko," sabi ko sabay guhit ng lipstick sa mukha niya. "Oh ayan nakaganti na ako."

"F8ck! Fishhhhyyyyyyy!"

Pinulupot ng walang hiyang C na 'to ang kamay niya sa leeg ko at sinakal ako. Hindi naman mahigpit pero otso lang, kinakapos pa rin ako ng hangin.

"Kita n’yo 'yon. Mukhang kalmado naman siya," nag-iinat na sabi ni H habang papaalis. “Tawag lang ako kay Q. Sabihin kong veeery fine si X. May kasama kasing pampakalma. Saludo ako,” sabi niya sabay saludo sa akin.

"Yeah! Pasalamatan natin si Dora the monkey " patamad na sabi naman ni D na kinurot pa ang pisngi ko.

Uso ang kurutan sa pisngi? At ang C na 'to walang balak na bitawan ako.

"Shocks my hair." Inayos ni Fukulot ang mala-seeweed niyang buhok. "Kailangan ko na ng new look." Tumingin siya sa akin at napangisi. Nanlaki ang mga mata ko nang kunin niya ang lipstick at dinagdagan ang road map sa mukha ko. Hindi naman ako makapalag dahil sakal-sakal ako ng malanding C na 'to.

"Tumigil ka. Tatadyakan kita," banta ko kay F. Walang lord lord sa mga oras na 'to. Aabutin ko sana ang buhok ni Fukulot pero mabilis siyang nakaiwas. "Bitawan mo nga akong  malanding C kaaaa!"

"Bro bilis. Takpan mo ang buong mukha ni fishy. Nakakaumay kasi.” Kahit hindi ko makita ang mukha ni C ay alam kong nakangisi siya.

"Aye, aye sir!" nakangisi ring sagot ni Fukulot.

Patuloy lang ang paglapastangan nila sa mukha ko habang nanlalaban ako. Otso dapat pala sinugod ko na lang ang ulan kaysa pagkatuwaan ng mga demons na 'to.

Nang nakatiyempo ako ng pagkakataon ay nagpakawala ako ng isang tadyak sa harap at pang-twilight na buka ng bibig. Napa-aray sila pareho. Nasapol sa binti si Fukulot habang bakat naman ang ngipin ko sa bisig ni C-horse.

"Sumpain kang Chuckie ka!" sabi ni F habang hinihimas ang binting natamaan.

"Lulunurin kitang isda ka," asar ding sabi ni C.

Benelatan ko sila. Muahahaha! Mabuti nga sa inyo.

"Tang**8. Humanda ka sa amin." nanggagalaiting sabi ni C. "Bro," sumenyas ito kay F.

Hmm..ano kayang balak ng mga ito. Mabilis silang lumapit sa akin. Hahawakan sana nila ako nang makalusot ako sa kanila. Swabe ng “the moves” ko. Nabitin ang ngisi ko nang may kamay na humablot sa damit ko.Hindi pa pala ako ligtas.

"Not so fast Dora."

Ang daya. Nakisali pa 'to eh. Sarap na nga ng upo niya sa sofa kanina. "Lord D, peace tayo di ba? Hindi ka naman kasali, eh. Bitaw na," nakangiti ko pang sabi.

  

Tila nag-isip siya. Napapatango-tango pa. "Uhm..okay."

Wow! Makapagpatayo nga ng rebulto niya. Nag-approve ako sa kanya na may kasamang todong ngiti. Ngunit nauwi rin sa ngiwi ang ngiti ko nang binitawan niya nga ako, sa kamay ng mga demons.

"Thanks bro," sabay na sabi ng dalawa. Ang pagkakangisi nila, pang-awards.

"Lechon kang isda ka," mala-demonyong sabi ni C.

"Ahahaha...mga lords gabi na oh. Bukas na tayo maglaro," sabi ko.

"Wag mo nga kaming isahan. Hindi mo kami mauuto," sabi naman ni F.

"Huh? Ano 'yon!?" sabi ko sabay turo sa labas. "Naglanding ang spaceship ni Kokey!"

Napabitiw naman ang dalawa sa akin at tinignan talaga ang tinuro ko.

Hindi raw mauuto. Psh.

.............>>>>>>>>

patay moments ni Syn imbes na kilig..XD

nirush ko lang po ito dahil sa mga nakakeleg niyong comments..XD

spread the demon's.........\^o^/

vote and comment

..........>>>>szhan mehh^^v

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 134K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...