WARNING: BAD WORDS AHEAD.
Marcus' POV
Andito kami ngayon sa mansion ko, Oo MANSION talaga at AKIN to, Naka caps na yan para naiintindihan mo.
"Leche talaga kayong dalawa!" binato ni james si gerome at miko ng bottled water pero di naman tumama. Napakatanga talaga.
"Nako james wag na nga sabing bitter eh!" napailing ako, Bitter talaga 'tong lalakeng to kahit kailan. "Weh? Ako bitter? Pakyu na lang miko" ayaw pa kasi aminin eh. Bitter lagi si james tuwing natatalo sila ni gerome sa basketball
Dumating yung katulong namin may dalang pagkain "Bakit ka may dalang pagkain? nagpakuha ba ko?" umiling sya "Kainin mo yan."
"Ngayon na po ba?" napa face palm ako "Hindi hindi, Bukas. Bukas mo kainin." kinuha nya yung plato "Sige po sir." at umalis sya. Palihim akong napamura. Ang tanga eh.
"Nakakagago yung katulong nyo marcus." nagsangayon kami sa sinabi ni gerome. Maya maya naging akward yung atmosphere kaya naisipan kong kumanta "HEART BEATS FAST, COLORS AND PROMISES, HOW TO BE BRAVE, HOW CAN I LOVE WHEN I'M AFRAID."
Nagpipigil nang tawa si gerome at miko, Alam kasi naming maiiyak sya pagnarinig nya 'tong kantang to. Thousand Years. "TO FALL. WATCHING YOU STAND ALONE. ALL OF MY DOUBT. SUDDENLY GOES AWAY SOMEHOW."
"ONE STEP CLOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOSER!" napatakip sila nang tenga sa part na yun. Bakit ba? Ang ganda kaya ng boses ko. Tiningnan ko si james, Seryoso syang nakatingin sa lamesa.
Nako wrong move ata? Ang lalim ng iniisip nya eh. Baka si--- "I HAVE DIED EVERYDAY WAITING FOR YOU." tumingin si james kay miko "Ayan miko lagot ka, Ako lang kasi dapat kakanta eh." bulong ko sakanya
"Kayo ah nangaasar na naman. Gusto nyo kong paiyakin noh?" tumayo sya palapit samin
"Yung totoo di ka parin ba makamove on? Iyak lang palagi gago."
"Hindi ko alam."
"Ni hindi mo nga alam pangalan nya eh." totoo naman, Nainlove sya sa taong di naman nya kilala. Ang bobo talaga netong kupal na 'to habang buhay. Magsama sila nang utak nyang kasing liit ng munggo.
Ikaw ba sa tingin mo maiinlove ka sa taong di mo kilala, I mean hindi mo alam pangalan,Age, Address, Ganon! Kung oo edi bahala ka. Magsama na kayo ni james, Magkainlove-an kayo. Teka love at first sight ba tawag dun?
"Kabadtrip kamo kayo, Naalala ko na naman sya." tsk, eto na naman kami. Dramahan. "Pero di ako magdadrama dito ah. Laro na lang tayo." himala ah.
For the-- pang ilang time na ba 'to? Siguro 5th pa lang simula nang nagkakilala at nabuo 'tong gupo namin. Nag aya sya maglaro. Pag kasi nagaaya sya nang laro eh sobra syang natutuwa, nalulungkot at nagagalit. Ano naman? Pagbigyan na.
"Sigurado ka?" halata sa boses ni miko yung pagkagulat, Nakita kong ngumiti sya "Tss oo naman."
"Eh delikado ba yan?" karaniwang tanong kapag gustong maglaro ni james. Halos lahat ng larong ginagawa namin na sinusuggest nya delikado eh, Minsan may pagka abnormal yung laro. Tulad ng sinong unang makaka ubos ng tubig sa swimming pool.
Bobo talaga noh? Pero di namin tinuloy yun. Sinabi nya na magbike na lang kami sa pool, Mahirap pero ginawa namin para sa kaligayahan ni kupal.
Ending? Pinagalitan kami, Ang abnormal namin tapos nadumihan pa yung tubig sa pool kasi yung bike na ginamit namin galing putik.
"Hay ang kulit nyo ah? Wag na nga lang." pause "Joke. Gusto ko lang ng pustahan." ayos ah. Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa ko. Binilang ko yung pera ko tapos nilapag sa table, ganun din yung ginawa ni gerome at miko "James?" umiling sya
"Puta naman eh." napatawa sya "Tangina mo, anong nakakatawa?"
"Di kasi yun tungkol sa pera. Oh teka kwentuhan muna tayo! Ngayon lang naman eh." napabuntong hininga ako. Maguusap kami tungkol sa nonsense. "Tungkol sa mga bago anong tingin nyo sakanila?"
"Si ashley masungit, Nangiirap lagi."
"Si chai siga. Lagi akong sinasaktan pati inaaway."
"Si Stefany isnobera, Pinapakausap sakin yung kamay nya."
"Ikaw naman james!" sigaw namin. Eh pano ba yan sya na lang yung walang sinasabi eh. Lahat kami nakapagsalita na "Bakit si caitlin pa yung natira?" iritableng sabi nya
"Dami mong arte! Magsalita ka na dali!"
"Si caitlin panget. Ayoko sakanya." napa-tss sya. Nag yie kami pero sinamaan nya lang kami nang tingin. Ulol eh.
"Oh ano nang meron sa pustahan? Patanong tanong ka pa eh."
"Yung pustahan tungkol sa kanila."
"Ha?"
Lumapit sya samin at bumulong. Tangina eto yung gagawin namin? Tsk. Bahala na kung kaya namin to. "Seryoso ka ba james. Para ka namang tanga diyan e. Seryoso ako sa sinabi ko tol promise."
Tumawa siya ng sobrang lakas na nag echo na yung boses niya. "Mukha kong nagbibiro? Hindi. Ganti lang yan sa pang gagago sakin nung panget na yon nung first day."
Napa palakpak si gerome. "Wow lakas ng impact sayo ng pangbabara sayo ni ketlin ata yun. Haha yiee." Hinampas naman siya ni miko sa ulo "Tanga! Ketlin? Hahahah tanga tanga tanga si gerome. Gusto mo ipa brain surgery kita. Ano nga bang tawag dun..."
"Trainsplant!"
"Tanga gerome! Transplant yun. Sa puso lang ata yon e!"
"Weh? O sige na nga. Puso lang? Pwede rin kaya sa mata yun! Tanga ka james"
Napapasapo na lang ako ng noo sa pinagsasabi ni gerome. "Bahala ka sa buhay mo putakte." inis na sabi ni james. Sumuko na siya sa katangahan neto e. "Wag kang mag alala bibili kita sa sulit.com ng utak." sabi ko
Napatayo si gerome at cinongratulate ako. "Huh? Bakit mo ko cinocongragulate?" tanong ko sa bobong mayabang na 'to. "Grabe marcus! Manlilibre ka na for the very very first time!" napa kamot ako sa ulo ko. Wow libre? "I mean ako lang yung bibili, Pero yung pera galing sayo. Hahaha tanga talaga e."
"DAFUQ MARCUS ANO TO?"
Oooops si ate sht lagot na kami.
"1"
"2"
"3"
"TAKBOOOOO!" habang natakbo kami nag salita si james "Hoy basta yung pustahan ah! 20k na pala yung prize!"
Nako kaya ko ba talaga 'to? Kaya ko bang manloko..