THE NIGHT HE STOLE IT

By MelCaraballe

159K 4K 249

Heart broken, I tried to drown my sorrow with alcohol until I pass out. But the next morning, I woke up with... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 2

11.8K 248 14
By MelCaraballe

Pinilit kong mamuhay ng normal nang mga sumunod na araw, ngunit parang mga tukso naman ang mga tao sa paligid ko. Kung ano ang iniiwasan kong isipin, 'yon naman ang pinag-uusapan nila.

"Masyado lang siyang choosy ano! Kung makapag-inarte akala mo naman eh virgin pa," inis na sabi ng katabi kong babae sa jeepney. Papasok na ako noon ng opisina.

"Aba, malay mo naman," sagot naman ng kausap niya.

"Hello, twenty-two na siya. Sa panahon ngayon, madalang na lang ang mga twenty-year-old virgins. Kahit nga pangit, may experience na pagsapit sa edad bente pataas. Ang mga lalaki ngayon, nagpapaligsahan 'yan... padamihan ng makukuhang virgins. Kaya nga ang lakas nilang mang-uto, bumigay ka lang."

"Oo nga naman, lahat ipapangako, makuha lang ang gusto. Mabuti na lang at marami na ring understanding na mga lalaki ngayon."

"Paano namang hindi sila understanding, eh, kasali din naman sila sa competition."

Napasandal ako sa inuupuan ko. Hindi ba nahihiya ang dalawang 'to sa topic nila? Wala ba silang ibang pwedeng pag-usapan? Ang sarap nilang pag-untugin pareho.

On the other hand, napaisip din ako. Maybe I shouldn't feel guilty because I lost it. Maybe, I would still find a guy na willing akong mahalin at pakasalan kahit na second-hand na lang ako. After all, tama nga naman ang isang babaeng katabi ko... hindi na big deal ang virginity sa panahon ngayon. Ang iba nga diyan, kahit may anak na, pinapakasalan pa.

Kaso, pride ko 'yon eh. Kahit nga ilang beses na akong muntik mahubaran ni Jeff, naaawat ko pa rin siya. Kaya hayun, nambabae siya at kasalanan ko pa raw dahil hindi ko maibigay ang pangangailangan niya, sa iba niya tuloy hinihingi.

How absurd! Hindi ko ibinigay sa two years ko nang boyfriend, ibinigay ko naman sa hindi ko kilala. Is it a man I met from the bar? Tinawag kasi si Alex ng boyfriend niya, naiwan tuloy akong mag-isa sa bar. Just how bitchy can I be when I'm drunk? Ako ba ang nagyaya?

Could be. Ang state of mind ko that night is parang nagsisi din ako na hindi ko pinagbigyan si Jeff sa gusto niya. Parang nawala na ako sa tamang pag-iisip at nasabi ko nga yata sa sarili kong ipamimigay ko na lang. Ang sarap magrebelde noong gabing 'yon. Tila gusto kong yayaing magmotel kahit sinong lalaki na lalapit sa akin. Maybe that's what happened.

Funny, I still remember that horrible thought I was having pero hindi ko na maalala kung ano ang nangyari matapos magpaalam si Alex na pupunta kay Carl. Sana sumama na lang ako sa kanya nang yayain niya ako, kaso I was so stubborn I even got mad at him and told him to go to hell for all I care. Nainis din noon si Alex kaya hindi na nagsalita pa, iniwan na lang ako basta.

It was my fault...

.

.

Muntik na akong ma-late, as in one minute na lang, late na talaga ako. Buti na lang at umabot pa ako sa oras. Pagdating ko sa desk ko, agad akong naupo at binuksan ang computer ko. Habang hinihintay kong lumabas ang display, nakita ko ang picture naming dalawa ni Jeff na masayang magkaakbay habang nasa Tagaytay kami.

Ang tindi ng frustrations niya noon dahil hindi ko siya pinagbigyan. We broke up but we managed to talk about it and fix everything. Idinisplay ko ang picture na 'to para reminder na we've been through a lot and we're going stronger with each hurdle.

I don't need this anymore... Tinanggal ko 'yon at pinunit bago inihulog sa trash bin. Blangkong picture frame ang ibinalik ko sa mesa.

"What does that mean?" gulat na naitanong ng katabi kong si Anita. Nakita niya ang ginawa kong pagpunit at pagtapon ng picture.

"Exactly what you saw," malamig na sagot kong umaktong parang may pinupunit sa hangin.

Bumadha ang simpatya sa mga mata ni Anita. Kilala ng lahat dito sa office si Jeff. Madalas akong sunduin nito sa office at nakita ng lahat kung gaano kami ka-sweet sa isa't-isa.

"Gano'n talaga. Hindi lahat ng maganda sa simula ay sa maganda rin nagtatapos," pawalang-bahala na sabi ko. Pagdaka'y napatingin ako kay Alex tatlong mesa lang ang layo mula sa akin. Nakatingin din siya sa akin na para bang pinapakiramdaman kung okay lang ako. Nginitian ko lang siya at tumutok na ako sa trabaho ko.

Okay lang ako! 'Wag kayong mag-alala.

Lumipas ang oras hanggang nag-lunch break. Eto na ang oras na pinakakaiwasan ko. Agad na nagsilapitan ang mga kasama kong nag-nightclubbing last Saturday. Siguradong isasalang na nila ako sa hot seat nito.

"So what happened sa inyo? Wala na talaga?" tanong agad ni Cecile.

"What happened sa amin nino?" maang-maangan ko. Tuloy lang ako sa pagligpit ng mga kalat ko sa mesa.

"Sa inyo ni Jeff," singit naman ni Marites.

"Sinong Jeff?" tanong kong tiningnan sila isa-isa saka iniwan na. Hindi ko na hinintay pang madugtungan ang mga tanong nila. Hindi pa ako handang pag-usapan si Jeff. Kung nakakaintindi sila, hindi na nila ako kukulitin.

Nilapitan ko si Alex at niyaya sa paborito naming kainan. At least, nakakaintindi siya, hindi man lang siya nagbanggit ng kahit anong tungkol kay Jeff. Inaliw niya ako sa mga corny niyang jokes at walang kwentang kwento.

"Alam mo kahapon ng hapon, 'di ba umuwi na lang ako pagkatapos kong maghugas ng plato kasi tinulugan mo na naman ako. May nadaanan akong orange na pusa doon sa tabi ng basurahan sa labas, kumakain. Ang ginawa ko, ginulat ko siya, kinalabog ko bigla ang basurahan... alam mo ba nagulat din ako kasi, ang taas pala tumalon ng pusa! Hahaha! Mas mataas pa ang talon niya sa basurahan," may kasama pa itong action habang nagkukuwento siya.

"Pwede sigurong maglaro ang mga pusa ng basketball kung gano'n! Kayang-kaya nilang mag-dunk," naaliw naman ako.

Papasok na kami ng building nang mapansin ko si Anita sa tabi ng isang naka-park na motorsiklo, may kausap na gwapong lalaking mukhang pastor. Nakita kong humalik ito sa pisngi ni Anita.

Muling sumama ang pakiramdam ko. Naisip ko na naman si Jeff. Mas sweet pa kami diyan eh.

Inakbayan ako ni Alex, nudging me to step forward papasok ng office building at iwanan ang tagpo.

"Vanessa! Alex!" tawag ni Anita na humabol pa sa amin.

Huminto kami at hinintay siya. Kung ano pa 'yong gusto mong iwasan, 'yon pa 'yong kakalabit mismo sa 'yo.

"Boyfriend mo?" tanong ko nang makalapit na siya.

"Yeah, si Randy. Gwapo ba?" nakangiting nilingon pa niya ang lalaking sakay na ng motor at nagsisimula nang paandarin 'yon.

"Hmm... gwapo naman. Kaso mukhang seryoso. Ano ba ang trabaho niya?" tanong kong kumapit na sa beywang ni Alex.

"Layman siya sa church namin. Gusto nga niyang maging pastor."

"Tama pala ang kilatis ko," natatawang humilig ako kay Alex habang naglalakad kami.

"As expected of you, Vanessa. Kaya kapag sinabi mong umiwas tayo ng daanan dahil mukhang holdaper ang makakasalubong natin, naniniwala agad ako sa 'yo eh," niyugyog naman ako ni Alex.

Nagkatawanan kami. Nang humupa ang tawanan, napansin kong waring balisa si Anita.

"Bakit? May problema ba?" di ko natiis, nagtanong ako.

"Ehh..." nag-alanganin siya, napatingin siya sa akin, tapos kay Alex naman, bago ibinalik sa akin ang tingin niya.

"Shall I go ahead?" tanong ni Alex na lumuwag ang pagkakaakbay sa akin. For a moment I felt unsure dahil binitiwan niya ako.

"Okay lang naman siguro 'yon. Alam ko namang sobrang close kayong dalawa at wala kayong sikreto sa isa't-isa," napayuko ito.

Napatitig lang ako kay Anita. Walang sikreto sa isa't-isa... sure...

"Saka, palagay ko, makakapag-advise din sa akin si Alex. Kaya okay lang na sabihin ko sa inyong dalawa. Kilala ko na kayo, hindi kayo madaldal."

"You bet! Kung sikreto 'yan, it will be safe with us," kinabig na naman ako ng mahigpit ni Alex.

"Tungkol ba sa boyfriend mo?" medyo apprehensive ako. Am I ready to talk about it?

"Okay lang ba kung doon tayo sa banda roon mag-usap? Medyo nahihiya kasi akong marinig ng iba. May twenty minutes mahigit pa naman bago mag-one o'clock," wika ni Anita na itinuro ang bandang fountain saan may mga bench sa ilalim ng mga malilim na puno.

Inakbayan ko na rin si Anita at magkakatabi kaming naupo sa bench malapit sa fountain. Ako ang pinagitnaan nilang dalawa.

"Niyaya na kasi niya akong magpakasal," simula niya.

"Wow! Talaga? Congratulations!" nasabi ko. Good news 'yon.

It hurts though.

"O, anong problema?" si Alex, napansin din yata nito na hindi siya masaya.

"Natatakot kasi ako. Napakabait niya at seryoso siya sa akin. Kahit minsan hindi siya lumalagpas sa halik sa lips ko. Paano kung..." halata sa mukha niya ang matinding pag-aalala.

"Ibig mo bang sabihin, hindi ka na..?" hindi ko matapos ang tanong ko. Heto na naman ang topikong gusto kong iwasan.

"Nagka-boyfriend na ako noong college. Alam mo na," nag-iwas siya ng tingin.

"So may nangyari sa inyo ng boyfriend mo noong college at hindi 'yon alam ng boyfriend mo ngayon? Bakit? Sinabi ba niya sa 'yong gusto niyang makapag-asawa ng virgin?" dire-diretsong mga tanong ni Alex.

"Hindi naman niya sinabi. Pero kasi nga, grabe ang respeto niya sa akin. Sobrang iniingatan niya ako. Saka, relihiyoso nga kasi siya. Baka kung kailan kasal na kami, magalit siya sa first night kapag malaman niyang may nauna na sa kanya. Baka hiwalayan niya ako," tinupi niya ng tinupi ang hawak na panyo hanggang sa lumiit na ito, saka pinilipit.

"So mahal mo talaga siya? Ayaw mo siyang mawala?" tanong ni Alex na inakbayan na naman ako. He is very considerate, alam niya ang pinagdadaanan ko pero alam na alam din niyang hindi ako aatras sa usapan. Ganyan niya ako kakilala.

"Sobrang mahal na mahal ko siya."

That said, natahimik kaming lahat, each thinking... si Anita, sa sarili niyang problema. Si Alex, kung paano ito pagpayuhan. Ako, ang future kong kapalaran. Paano kung magkaroon din ako ng panibagong boyfriend at katulad ng kay Anita, ganito din ang maging ending? What will I do?

"Kung lasingin mo kaya sa unang gabi ng kasal n'yo?" biglang nasabi ni Alex, I almost winced.

"Hindi siya umiinom."

"Ang bait! Magpa-pastor nga pala," Alex flipped his shoulder-length hair at pa-demure niyang tinakpan ang sariling bibig.

"Sabihin mo na sa kanya ang totoo bago pa pag-usapan muli ang kasal. Kung ganyan siya katino, then mas gugustuhin niyang maging honest ka sa kanya," I gently placed my hand on her shoulder.

"Paano kung magalit siya at makipaghiwalay?" parang gusto na yatang umiyak nito.

"Kung mahal ka niya talaga, maiintindihan ka niya. Kahit magalit siya, in the end, he will still forgive," dapat isulat ko 'to sa papel at idikit sa dingding ko, para advice na rin sa self ko in the future.

"Girl, wala ka sa probinsya, nasa city ka. Kapag hindi ka maintindihan ng boyfriend mo, then he's not worth it. Huwag mo nang sayangin ang pagmamahal mo diyan. Bata ka pa, twenty-four ka pa lang. Marami pang darating sa buhay mo," banat naman ni Alex.

"Isipin ko na lang na maghihiwalay kami, naiiyak na ako," agad itong kumurap-kurap upang mawala ang nagbabantang mga luha.

"Isipin mo 'to... kung hindi mo sasabihin sa kanya ngayon, malalaman pa rin niya pagdating ng oras, 'di ba? Mas gusto mo bang sa unang gabi ng kasal ninyo, saka kayo mag-aaway? Hindi ba't mas mainam na ngayon pa lang, magkaalaman na? Kung magalit siya at gusto niyang makipaghiwalay, just move on. Hindi mo naman ginawa ang pagkakamaling 'yon dati dahil masama ka. Nagawa mo lang 'yon dahil nagmahal ka," hinagod ko ang likod niya, katulad ng ginagawa ni Alex sa akin kapag may problema ako. Nakakagaan 'yon ng loob.

"Maraming salamat talaga, Vanessa. All this time nagi-guilty ako, pero tama ka, nagmahal lang din ako noon. Iba talaga kapag nakaka-relate ang kausap mo. Sana magkaayos na kayo ni Kuya Jeff. Sayang ang nangyari sa inyo," nakangiting hinawakan niya ako sa kamay.

Sincere siya sa wish niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay ni Alex sa balikat ko. Wala sa sariling sumandal ako sa dibdib ng bestfriend ko.

"Wala sanang nangyari kung hindi lang ako nalasing," mahinang sabi ko na may bahid ng pagsisisi.

"Ha? Ibig mong sabihin, nawalan ka ng kontrol sa sarili kaya nangyari 'yon?" She perked up, biglang naging interesado sa kwento ko.

"Hindi eh. Nawalan ako ng malay sa sobrang kalasingan, pagkagising ko, tapos na, wala na akong magawa," tumawa ako upang pagtakpan ang galit na muling namuo sa dibdib ko.

"What! That's horrible!" react ni Anita.

"Tama na 'yan. Male-late na tayo," tumayo si Alex at nauna nang humakbang.

Thank you, Alex, bestfriend talaga kita. Alam mo kung kailan ako uncomfortable and you just know how to save me in time...

.

.

Continue Reading

You'll Also Like

18.4K 416 26
Hinulaan si Amanda ng isang matanda sa Peryahan noong bata pa siya. Sinabi nitong, "Sa oras na tumibok ang puso mo sa unang pagkakataon sa isang lala...
220K 1K 29
READ AT YOUR OWN RISK. READ AT YOUR OWN RISK!! PAALALA: Ang kwentong ito ay punong-puno ng mga kalaswaan na hindi maari sa mga close minded. Basahin...
117K 2.4K 26
Mahal mo, mahal ka ba? Babae ka at bakla siya, kaya mo ba?
36.2K 1.6K 40
Si Antonio(aka Toni) ay sumama sa kanyang mga kaibigan para medyo makalimot sa kanilang break up ng kaniyang boyfriend. Pero sa di inaasahan na pagka...