The K-Pop Star and I

By legoguywrites

104K 2.8K 549

More

Teaser
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen

Chapter Four

4.4K 142 27
By legoguywrites


CHAPTER FOUR

"걱정하지마." [Everthing is fine now.]

Nahimasmasan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Sir. Kaagad akong nag-angat ng tingin dito. Ang matinding takot at sindak ang dahilan upang bumunghalit ako ng iyak sa dibdib nito. Iyon ang pangalawang beses na umiyak ako nang labis simula nang mamatay ang mga magulang ko.

"울지마." [Don't cry.] Kahit hindi ko man naintindihan ang sinabi ni Sir ay mababakas naman sa tinig ang pag-aalala habang hinahaplos ang likod ko. Marahil ay may ideya ito kung ano ang nangyari. Ngunit bakit ito bumalik para sa akin?

Noong sandaling iyon ay wala akong nararamdamang anumang malisya kundi kaligtasan sa mga bisig nito.

"May yakapan agad-agad?"

Bigla akong kumalas sa pagkakayakap kay Sir nang marinig ko ang boses ni Kuya Rodel sa likuran nito. As usual, mapang-asar na nakangisi ito sa akin. Napanatag lalo ako nang makita ko ito.

Gusto ko sanang itanong kung bakit bumalik ang mga ito na labis ko namang ipinagpasalamat. Ngunit matindi pa rin ang panginginig ko kung kaya hindi ako makapag-isip ng sasabihin.

"'Saktong pag-andar ng sasakyan ay nakita ni sir na may dalawang lalaki sa bakanteng lote sa tabi ng apartment mo na tumalon mula sa bakuran mo. May dalang laptop at microwave oven," paliwanag ni Kuya Rodel nang marahil ay mabasa sa mga mata ko ang mga katanungan.

"S-salamat," may takot at nginig pa rin sa boses ko nang magsalita ako. Dumistansya ako nang kaunti kay Sir at nagpasalamat sa kanya. "Kamsahamnida."

He just smirked at me. Pagkatapos ay may dinukot ito sa bulsa ng maong pants nito, may inalabas na panyo. Inabot nito iyon sa akin nang hindi ako tinitingnan.

Pansin ko ang panginginig ng kamay ko nang abutin ko ang panyo nito. Pinahid ko iyon sa mga luha ko. Ngunit natigilan ako sa nakita kong galos sa kamao ni Sir.

Marahil ay napansin nito na tinitingnan ko iyon kung kaya pinasok nito sa bulsa ng pantalon ang kamay nito. Nilingon ko si Kuya Rodel and I threw him a questioning look.

"Inupakan ni sir 'yong dalawang nanloob sa 'yo. Nakatakbo sila pero nasa kotse 'yong mga gamit mo," paliwanag kaagad nito. "Ang galing nga ni sir! Hindi nakuhang manlaban iyong dalawa. Parang si City Hunter lang!"

Napatingin ako kay Sir. Nakagat ko ang lower lip ko upang pigilan ang sarili na mapangiti sa tuwa. Pakiramdam ko ba ay nasa isang pelikula at ako ang damsel in distress. Mabait ka naman pala, sabi ko sa kanya sa isip ko.

Nabigla ako nang bigla akong hawakan ni Sir sa ilalim ng aking braso at halos hatakin ako palabas.

"W-where are you taking me?" nagtatakang tanong ko.

"You're not safe here," sagot nito na nadala ako hanggang palabas ng gate sa tapat ng kotse nito. "Stay in my hotel."

"I'm okay now, Sir," sabi ko nang sa wakas ay mabawi ko ang braso ko sa pagkakahawak nito. Nabigla ako sa pinakikita nitong concern sa akin. Nakakakilig. Feeling ko ang haba-haba ng hair ko.

"Thank you so much. But I can take care of my self," pa-demure kong sabi. Sinikap kong huwag mag-blush kahit nararamdaman ko na nag-iinit ang mga pisngi ko.

"아이씨!" [Ayssi!] Napailing si Sir at napahawak sa batok nang tanggihan ko ito.

"Baka kasi bumalik 'yong mga nanloob. Ikaw din," susog ni Kuya Rodel nang bumalik ito sa kotse. Ngunit hindi muna ito kaagad pumasok.

Biglang sumanib muli ang kaba sa akin sa sinabi nito. Sa totoo lang ay gusto ko munang umuwi sa Bulacan ngunit hindi ko rin naman gustong pag-alalahanin si lola.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga na pinakawalan ni Sir bago tila nababagot na pumasok sa kotse.

Napatingala ako sa langit nang maramdaman kong may pumatak na ulan sa mukha ko. Sinundan iyon ng malalaking patak ng ulan.

Si Kuya Rodel naman ay nag-aabang ng magiging pasya ko. "O, ano pa ang hinihintay mo? Ang lumakas ang ulan at kumanta ng 'On My Own' sa gitna ng kalsada?"

Narinig ko ang pagbukas muli ng pinto ng kotse sa side ni Sir. Lumabas ito sa ulanan at hinarap ako. "Are you coming or what? You are no good to me if something bad will happen to you or if you'll get sick!"

Bumagsak ang mga balikat ko sa sinabi nito. Kasing-bigat ng ulan na bumubuhos na mula sa langit. Ang buong akala ko pa naman ay concern ito sa akin.


NAGDALA lamang ako ng ilang mga damit. Ni-report ko din sa baranggay ang panloloob sa apartment ko. Magpaparonda raw ang baranggay ng mga tanod upang matiyak na mahuhuli ang mga nanloob. Ngunit duda kong mahuli pa ang mga iyon. Laking pasasalamat ko na lamang talaga na nabawi ang mga gamit ko lalong-lalo na ang laptop ko. Thanks to my arrogant Korean Sir in Shining Armor.

Gabi na nang ihinto ni Kuya Rodel ang kotse sa tapat ng hotel entrance. Naka-baseball cap at shades si Sir nang bumababa ng kotse at nagtuluy-tuloy sa loob ng hotel.

"Akala ko naman concern. Gusto lang pala nito akong buhay hanggang sa matapos ko ang trabaho ko sa kanya." Umikot ang mga mata ko habang ina-unbuckle ko ang seatbelt sa pagkaka-strap.

"Nagalusan dahil nagpaka-City Hunter. Nag-abot ng panyo. Nagpabasa sa ulan. Ang sarap namang maging hindi concern ni sir, 'no?" sabi ni Kuya Rodel na tila ba may gustong isahimig. "Nakakaloka ka."

Napatingin ako sa kanya bago bumaba ng kotse. "Maraming salamat pala."

Tinanguan lamang nito ako nang isara ko ang pinto at saka nito pinaandar ang kotse. Yakap-yakap ko sa dibdib ang duffel bag ko at nagtuloy na sa loob ng hotel.


LABIS pa rin ang pagkamangha ko sa suite ni Sir. Parang 'yong bahay ni Dao Ming Si sa Meteor Garden. Ang sahig ay makikintab na kahoy at ang buong living area ay nalalatagan ng magarang carpet. May mga hallways na hindi ko alam kung saan pa ako maaaring dalhin.

Napahinto ako sa living area at sinundan ng tingin si Sir habang binubuksan ang mga kurtina roon. Bumulaga sa malalaking glass window ang nagliliwanag na buildings sa Makati. Napahakbang ako tungo roon at pinagmasdan ang nakakamanghang tanawin sa labas.

The view was spectacular. Nasapo ko ang dibdib ko at bahagyang naparam sa isip ko masamang nangyari kanina.

"You'll sleep here."

Napalingon ako kay Sir. Itinuro nito ang malaking sofa sa living area.

Tumango na lamang ako bilang tugon. Iyon lamang at tinalikuran nito ako at nagtungo marahil ay kuwarto nito.

"Kamsahamnida," pahabol na pasasalamat ko.

Napahinto ito sa paglalakad at nilingon ako. "You take a full rest. You'll need it," tugon nito bago ito tuluyang mawala sa paningin ko.


NAKAKARINIG ako ng pag-ungol. Iyon ang gumising sa mahimbing na tulog ko. Nagtaka ako nang sa pagmulat ng mga mata ko'y malamlam na liwanag ang nabungaran ko. I realized later it was from the lamp shade. Nasa unahan ko iyon sa side table.

Nang tumingin ako sa kisame ay bumungad sa paningin ko ang isang malaking chandelier.

May ilang sandali ang lumipas bago nag-sink in sa akin na wala pala ako apartment ko at kung bakit sa sofa sa suite ni Sir ako natutulog.

Pinakiramdaman ko ang paligid para tiyakin kung ano ang ingay na gumising sa akin. Muli kong narinig ang pag-ungol. Galing sa kuwarto ni Sir.

Napanganga ako. Natatandaan kong lumabas pa kagabi si Sir pero hindi ko matandaan kung anong oras na itong nakabalik dahil tulog na ako. Hindi kaya nagdala ito ng babae sa suite?

Narinig ko muli ang pag-ungol ni Sir at bigla akong napatakip ng bibig sa biglang naglaro sa isip ko.

Naisip kong i-ignore na lamang ang naririnig at bumalik na lamang sa pagtulog. Ngunit hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin upang alamin kung ano ang nagaganap sa kuwarto ni Sir.

Inabot ko sa ibabaw ng coffee table ang eyeglasses ko, sinuot ko iyon at dali-daling tumayo. Tahimik ang mga yabag ko na sinundan ang pinagmumulan ng mga pag-ungol.

Nakarating ako sa tapat ng pinto ng silid ni Sir.

Napakunot ang noo ko nang mapagtanto ko na para bang may hindi magandang nangyayari kay Sir sa paraan ng pag-ungol nito. Hindi gaya ng ibang iniisip ko.

Kinatok ko ang pinto ng silid nito. Isa. Dalawa. Tatlong beses. Ngunit walang pagtugon mula sa loob.

Nilakasan ko ang panghuling katok ko sa pinto. May pag-aalala na akong naramdaman. Pinihit ko na ang door knob at marahang itinulak pabukas ang pinto.

Bumungad sa paningin ko ang isang malaking silid. Sa gitna niyon ay isang king size bed at sa ibabaw niyon ay si Sir na balot-na-balot ng kumot, nanginginig sa ginaw.

Nag-aalinlangan ako na pumasok sa silid pero mas nangibabaw ang pag-aalala ko. Sumampa ako sa malaking kama upang abutin ang balikat nito at gisingin ito. May palagay akong binabangungot ito. Tila may pangalang sinasambit sa pag-ungol nito.

"Oh, my!" Halos mapaso ang kamay ko nang hawakan ko ang balikat nito. Nag-aapoy ito sa lagnat. Siguro dahil sa nagpabasa ito sa ulan kahapon.

Inalug-alog ko ito sa balikat upang magising. Sandaling nagmulat lamang ito ng mga mata at tinitigan ako na tila sinisino ako. May binanggit ito sa salitang Korean bago ito muling pumikit.

Mabilis na hinanap ko ang remote ng aircon at pinatay iyon. Pagkatapos ay tinipon ako ang lahat ng kumot at comforter sa kama at ipinatong kay Sir. Kaagad akong dumirecho sa banyo sa silid and for goodness' sake halos malula ako sa laki ng banyo. Kasing laki yata halos 'yon ng apartment ko!

Nakakita ako ng facetowel sa towel rack. Binasa ko 'yon ng malamig na tubig sa sink.

Umuungol pa rin si Sir nang balikan ko ito. Sumampa akong muli sa ibabaw ng malaking kama at saka ko inilapat ang basa at malamig na bimpo sa noo nito. May ilang sandaling huminto ito sa pag-ungol.

Pinahid ko ang basang bimpo sa braso nito pababa hanggang sa kamay. Doon ko uli nakita ang mga galos sa kamao nito. Hinawakan ko ang kamay nito at dinala iyon sa tapat ng aking bibig. Hinipan ko ang mga galos nito at banayad na hinalikan para gumaling kaagad.

"May personal assistant ka na may nurse ka pa, ha," nakangiting bulong ko.

Nag-dial ako sa front desk upang magpaakyat ng gamot, Betadine at Band-Aid at paracetamol. Pagkatapos ay kumuha ako sa kitchen ng malaking bowl; pinuno ko 'yon ng malamig na tubig at ice cubes mula sa fridge bar. Bumalik ako sa silid at muling pinunasan ang noo ni Sir.

Sinubukan kong alisin ang maraming comforter na nakabalot sa kanya upang mapunasan ng bimpo ang buo nitong katawan. Basa na rin ang comforter sa matinding pagpapawis nito. Ngunit may isa pa akong natuklasan dahilan upang mapatakip ako ng bibig upang pigilan ang mapasinghap nang malakas.

Humantad sa paningin ko ang hubad at pawisang matipunong katawan ni Sir. Nakasuot lamang ito ng boxer shorts!

Mariing napapikit ako habang dahan-dahang ibinabalik ko sa pagkakabalot dito ang comforter; sinisikap kong iiwas ang tingin sa mapanuksong nilalang sa harap ko. Matagal na sandaling ibinaling ko sa ibang parte ng silid ang tingin habang napapakagat-labi.

Oh, lord, give me strength.

Ngunit napabalik ako ng tingin kay Sir nang maramdaman ko ang mainit na palad nito na mahigpit na kumapit sa kamay ko na nanatiling nakapatong sa ibabaw ng dibdib nito.

Muling umungol si Sir at tila sinisikap na dumilat. May sinasambit ito sa sarili nitong lengguwahe.

Unti-unti'y gumapang ang mainit na palad nito paakyat sa aking braso na para bang hinahatak ako palapit dito.

I went still. Nanigas ang buong katawan ko at nanlalaki ang mga mata ko habang parang nahigop ang buong lakas ko kung kaya hindi ko mapigilan ang sarili na mapalapit dito.

I started to panic.

Nang sandaling iyon ay hindi ko kailan man naisip na posibleng mangyari ang nangyayari. Na tila ba bumagal sandali ang oras at nagaganap ang lahat in slow motion. Gusto na hindi ko ang nagaganap. May parte ng pagkatao ko nagsasabi sa akin na hindi ko dapat hayaan na mangyari iyon.

But I felt powerless. Para bang hinigop ng pagkakawak nito sa akin ang bawat hibla ng enerhiya ko upang kumilos pa.

Before my brain could work out what was happening next, natagpuan ko na lamang aking sarili sa ibabaw ng katawan ni Sir. Gusto kong magtititili. Tanging ang dulo ng bangs ko na nakabagsak sa noo nito ang nakapagitan sa mukha namin. His face was flushed.

Nakapikit si Sir at umuungol pa rin. I thought I heard a name. Dama ko sa mukha ko ang mainit na hininga nito. God, he smelled good. Amoy cotton candy at scented stationary na kinukulekta ko noong high school pa ako. Ang init sa katawan nito ay tila ba pumapaso sa buong pagkatao ko.

Alam kong nananaginip lamang si Sir. O baka naman kaya ako ang nananaginip? Hindi ko alam. Pero kung aking panaginip man ito ay parang ayoko nang magising.

Lalo akong nag-panic nang maramdaman kong bumigat ang pagkakahawak nito, hinihila ako upang patuloy na maging malapit pa ako sa kanya... palapit sa mga labi nito.

Alam kong kaunti na lang ay mawawala na ang maliit na distansya sa pagitan ng mga mukha namin. I could feel his warm breath against my parted lips as he slowly grazed his nose along mine.

Napapikit ako nang mariin. Hindi ko gustong pigilan ang mangyayari kahit alam kong hindi tama iyon.

And then I felt something warm on my lips.

My eyes flashed.

His warm lips gently pressed on mine.

I felt the world narrowed down to me and him, and nothing else existed. Parang eksena sa pocketbook na nababasa ko. Doon ko napatunayan na gano'n pala talaga ang pakiramdam.

Iyon ang sandali ng buhay ko na parang ang bagal ng lahat at parang ang hazy ng buong paligid na ang tanging malinaw na nakikita ko ay ito lamang.

May ilang segundong naglapat ang mga labi namin sa isa't isa. It was crazy. It was beautiful. Hindi ko kayang ipaliwanag. Ang tanging alam ko lamang ay masarap ang nangyayari. Iyon na marahil ang masarap na pakiramdam na natikman ko sa buong buhay ko next to blueberry cheesecake.

At katulad ng isang magandang panaginip, bumalik ako sa realidad nang makita kong nakamulat si Sir at deretso ang maiitim nito mga matang nakatingin sa akin.

Marahang itinulak ko ang aking sarili palayo sa kanya at mabilis na tumakbo palabas ng silid.

Napasandal ako sa dingding at doon ko pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigilan.

Halos naririnig ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Para akong tumakbo ng milya-milya sa bilis ng pintig niyon. Dama ko pa rin ang init sa aking katawan mula sa katawan ni Sir, mula tainga pababa hanggang sa nanlalambot kong mga binti.

Parang may sariling utak ang kamay ko na unti-unting umangat tungo sa aking mga labi, dinadama ang init na iniwan ng halik nito.

Oh, god, what have I done?

Tuluyan nang nabulabog ang pagkatao ko. Paano ko ito kakaharapin bukas?



Continue Reading

You'll Also Like

41.6M 831K 61
Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.
80K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
991K 68.6K 33
When 30-year-old Golda learns she only has a year to live due to cancer, she decides to relive her youth by going back to high school by bribing the...
9.5M 143K 59
Simple lang naman ang gusto ni Samantha sa buhay, ang maka-graduate na may highest honors at talunin ang karibal niya sa academics na si Audrey. Pero...