NAIRA

By GurongHoyce

1.3K 47 11

An eyes that can see beyond a human's reality. An eyes that can predict what's going to happen tomorrow or i... More

Episode 1 - SOUL
Episode 2 - IRA
Episode 3 - WATCHERS
Episode 4 - EROS
Episode 5 - CHA
Episode 7 - ???
Episode 8 - ZEUS
Episode 9 - WELCOME
Episode 10 - HELLO WATCHERS
Episode 11 - KEAGAN
Episode 12 - HANGING
Author's note
Episode 13 - DANGER
Episode 14 - SIDE
Episode 15 - BAD
Episode 16 - SPECIAL NUMBER
Episode 17 - FIRE
Episode 18 - COLD
Episode 19 - CRAZY
Episode 20 - KEIRAN
Episode 21 - HELP
Episode 22 - CAREFUL
Episode 23 - CARING
Episode 24 - DISAPPOINT
Episode 25 - SHOT
Episode 26 - FLOWERS
Episode 27 - HER

Episode 6 - CHE

54 3 0
By GurongHoyce

NAIRA

Episode 6 – CHE

Makalipas ang halos isang oras na pananatili sa cafeteria ay tumayo na si Cha.

"Let's go to my office." Aya niya sa amin ni Eros.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

Seriously? Meron siyang sariling office? Wow!

Napatingin naman sa akin si Cha na parang hindi makapaniwala.

"Don't tell me..." nanlalaki ang mga matang simula niya.

"What do you expect Cha? Ni hindi nga niya alam na ikaw ang Student Government President. What more yung maluho mong office?" putol sa kanya ni Eros habang nakatutok sa cellphone niya.

Napatango tango naman si Cha sa sinabi ni Eros.

"Kunsabagay. Anyway, most probably nandun sa office ko yung kapatid ko kaya tara na don para mameet mo siya." Nakangiting wika sa akin ni Cha saka na niya ko hinawakan sa braso ko para akayin papunta sa west wing nung school.

Nakayuko pa rin ako habang naglalakad kami at napatunayan ko naman na sikat pala talaga itong si Cha. Lahat kasi ng madaanan naming estudyante ay binabati siya ng "Good afternoon." Malugod naman niya silang tinatanguan at nginingitian. Which is ang bagay na hinding hindi ko maimagine ang sarili kong gagawin ko.

Si Eros naman ay nasa likuran lang namin at nakasubsob pa rin sa cellphone niya. Seriously? Ano bang meron sa cellphone niya?

Naramdaman siguro ni Cha na tinitingnan ko si Eros kaya nagsalita na siya.

"Most of his business kasi sa cellphone niya kinakausap o inaasikaso kaya ganyan yan. Plus! Paniguradong kausap niyan yung babae niya." Nakangising wika ni Cha.

Magtatanong pa sana ako nang pumasok kami sa College of Law. Dire-diretso kami sa lobby nung building na yun. At tinumbok namin agad yung elevator sa kanang bahagi nito.

Pagkapasok namin ay pinindot ni Cha ang 10th floor.

Habang naghihintay na makarating sa tamang palapag ay wala namang nagsasalita samin.

TING!

Pumasok naman kami agad ni Cha habang nasa likuran pa rin namin si Eros.

Nanlaki talaga yung mga mata ko nung nasuri kong mabuti yung sinasabi ni Cha na office niya.

Pinakamataas na floor ito kaya naman kitang kita mo talaga yung buong university. Plus puro salamin lang naman ang pader nito which makes the room more classy and magical. Unang sasalubong sa pagpasok mo ay isang parang maliit na lounge. May kulay beige na sofa at center table na may miniature ng buong university. Ang color theme ng office ni Cha ay beige at red. Bagay na bagay sa personality niya.

Meron ka pang glass door na papasukan na sa tingin ko ay ang pinakaoffice niya. Pagpasok mo doon ay mapapansin mo agad ang napakalaking color red niyang table. Maraming nakapatong doon na color coded na mga folder na lahat ay may nakaengrave na pangalan niya.

Sa likuran ng upuan at mesa niya ay isang napakalaking portrait niya. Para bang kapag tumingin ka doon ay parang tumatagos sa mata mo ang titig niya.

May couch din sa loob ng main office niya na katulad ng nasa lounge sa labas.

Naupo na agad si Eros doon at sinenyasan naman ako ni Cha na umupo na rin at may tatawagan lang daw siya.

Pagkaupo ko ay parang may sumaging malamig na bagay sa braso ko.

Sa pagkagulat ko ay napatayo ako mula sa couch at napasigaw ng malakas.

Nanginginig kong itinuro yung kamay na nakasampay sa may arm rest nung couch. Namumutla ito at parang wala ng dugo.

Nanlaki naman ang mga mata ni Cha habang nakatingin doon at madaling tinapos ang kausap niya sa telepono.

Agad agad siyang tumakbo papunta sa kamay at napapikit na lang ako ng hawakan niya yung bagay na yon.

Narinig ko naman ang pagpalatak ni Eros.

"Ano bang ginagawa mo diyan sa ibaba? Bakit hindi ka sa couch mahiga?" pagalit na wika ni Cha habang itinatayo yung tao dun sa gilid.

"May nangungulit na naman kasi sa akin e. Ayaw akong tigilan kaya nagtago na lang ako dito. Hindi ko naman namalayan na nakatulog ako." Nangangamot ang ulong wika nito.

Napatingin naman siya sa akin at sa gulat ko ay napatitig ako sa mga mata niya.

Pagkatapos ng ilang saglit ay may narealize ako.

Napabuntong hininga naman si Cha.

"Sino siya?" nagtatakang tanong nung lalaking nasa tabi ni Cha. Nun ko lang din napansin na sobra silang magkahawig. Parang male version lang siya ni Cha.

"Naira San Gabriel." Tinatamad na sagot ni Cha.

Nanlaki naman ang mga mata nung lalaki at agad siyang lumapit sa akin. Napaatras naman ako sa ginawa niya.

"Hi! I'm Chester Niccolo Rodriguez – Valderma. Just call me Che." Nakangiti nang wika nito. Saka naman niya inextend yung kamay niya sa akin.

Napangiwi naman ako kung tatanggapin ko yun o hindi. But since ayaw ko naman siyang mapahiya kaya tinanggap ko na rin.

Ang lamig ng kamay niya.

"Pasensya ka na ha? Malamig lang talaga ako palagi. Hehe." Paliwanag niya sa akin nang makita niya yung ekspresyon ko.

"He's my twin brother. And his a Polypsychic." Paliwanang ni Cha.

"Polypsychic is the ability to see soul or ghost." Dagdag paliwanang ni Cha.

Napatango naman ako. So yung sinasabi niyang nagungulit sa kanya kanina...

"Yung nagungulit sakin kanina, kaluluwa." Nakangiwi niyang wika sa akin habang nangangamot ng ulo.

"Ewan ko nga ba! Kung sino pa yung duwag siya pang naging Polypsychic." Parang natatawang wika ni Eros.

Binato naman siya ng fries ni Che.

Kumakain na kami ng lunch dun sa parang conference room ni Cha dun sa office niya. Since hindi naman daw kami kasya sa table ng office niya at ayaw niya rin daw mag-amoy ulam yung buong office niya kaya sa conference kami kumain.

Nalaman ko rin na simula pala bata sila ay nakakaattend na sila sa ball. Nagtataka nga raw sila dahil alam naman nilang may anak ang Tita Venus at Tito Nathan nila pero kahit minsan ay hindi pa dinala ng dalawa ang anak nito. At ako nga yon. Kaya nga raw nung mapansin ako ni Eros sa library ay hindi na siya nag-aksaya ng oras.

"Pumunta lang naman talaga akong library para makatulog." Panimulang kwento ni Eros.

"Tapos napansin ko agad siya." Saka naman niya ako itinuro.

"May hawak siyang libro pero alam ko namang hindi siya nagbabasa. Parang, alam mo yun, malalim yung iniisip. Tapos parang iniiwasan niyang mapatingin sa mata nung mga estudyanteng katabi niya. Then that hits me. Nagpunta agad ako dun sa log in machine nung library. Then I scan the students who are inside the library. And I saw 1 San Gabriel. Alam kong San Gabriel sila Tita Venus. I clicked her profile and saw her full name and picture. Grabe! Hindi makakaila na anak siya nina Tita Venus at Tito Nathan dahil para silang pinagbiyak na bungang tatlo!" natatawang wika ni Eros.

Napangiti naman ako sa kwento niya.

"Tapos ayun nga, nung nilapitan ko mas naconfirm ko nga na siya yun dahil ayaw niyang tumingin sa akin." Nagmamalaking wika ni Eros.

Nakangisi naman yung kambal habang nakikinig kay Eros.

Buti na lang talaga at mahaba haba yung vacant ko ngayon kaya wala akong pangamba na malelate ako.

Pagkatapos naming maglunch ay inihatid pa nila ako sa next class ko. Nalaman ko rin na Mass Comm pala itong course ni Eros, Political Science naman yung kay Cha at Culinary Arts naman itong kay Che.

Ayaw ko na sanang magpahatid kaso ang kukulit nila kaya hinayaan ko na lang. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanila. For many years ngayon lang ako nakatawa at nakangiti ng totoo. Sana naman hindi panaginip lang ang lahat ng ito.

Continue Reading

You'll Also Like

29.3M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...