Chapter 4- Whacky
'Time flies when you're having fun'
common na kasabihan pero totoo, sa loob ng anim na taon na nakalipas naging masaya si justice
nakalimutan nya ang problema, yung lungkot dahil sa anak nya, kay Whacky.
tuwing pagmamasdan nya ito parang may humahaplos sa puso nya at ang nakakatawa ni minsan hindi lumipas ang isang araw na hindi nya naalala si Daze
dahil sa tuwing titingnan nya ang anak nya, tuwing magsasalita si whacky, kapag tumatawa ito...ay nagpapakita ng kabuuang replika ni daze
para sa isang limang taong gulang na bata ay mas advance mag-isip si whacky, mas matured.
"mommy!" tawag ni whacky sa kanya
"yes baby?"
kumunot ang noo nito sabay ang pagkamot sa tenga, napangiti sya...one of the cutest gesture ni daze
"mommy, how many times do I have to tell you po that I'm not a baby anymore, I'm a man! a handsome man!" he said proudly
ginulo nya ang buhok nito
"bakit ka ba kasi nagmamadali? baby pa kita" sabi nya
lalo pang kumunot ang noo nito
sa limang taon nilang magkasama, alam nya na unti-unti, magsisimula na itong magtanong tungkol sa ama nito, at hindi pa sya handa.
habang nagbubuntis sya hindi tumigil si daze sa pagpapadala ng mga pagkain sa kanya, pinapapunta din nito ang katiwala para tulungan sya
kaya naman hindi nya magawang alisin sa puso si daze, dahil sa loob ng anim na taon mula ng makulong ito ay ginagawa naman nito ang paraan para maalagaan sya
yun nga lang para sa kanya, hindi na nya kayang magtiwala dito ng buo, laging may duda
"mommy, sabi ng teacher ko gusto ka daw nyang makausap" pagbibigay alam ng anak nya
dinagsa sya ng pag-aalala
"why?, may ginawa ka bang kalokohan?"
"mommy, you know that It's not my nature na makigulo, and I have no Idea why she wanted to talk to you po" sagot nito
napailing sya, pati galing sa pangangatwiran ni daze ay nakuha pa rin nito
Habang papunta sa school na pinapasukan ni whacky ay biglang sumagi sa isip nya si daze.
ano kayang nangyari dito? sa pagkakaalam nya ay nakalaya na ito nuong isang linggo pa, pero ang ipinagtataka nito ay kung bakit hindi pa ito nagpaparamdam sa kanya
hindi kasi maipagkakailang umaasa sya sa pangako nito
"mommy, that guy is awesome!" sigaw ni whacky habang nakatingin sa labas ng sasakyan
muntik pa syang mabangga dahil nagulat sya
tiningnan nya ang tinutukoy nito at nanlaki ang mata nya, si daze
tinitingnan ng anak nya yung picture nito sa malaking tarpauline, nasa tapat kasi sila ng kompanya ni daze
"b-bakit mo naman nasabi yun whacky?" she asked stammering
"because I saw him on the newspaper, it says that he closes another deal, and he's one of the most influencial business tycoon and besides I like those toys na ginagawa nya po" paliwanag nito
"t-talaga?" nabasa siguro ng anak nya ang dyaryo na binabasa nya kagabi
"mommy, you know what?, he's kinda familiar, I can see myself on him"
dahil sa gulat ay naipreno nya bigla ang sasakyan at napatingin dito
"a-anong s-sinasabi mo dyan?" she asked
"why are you mad mommy?" naiiyak na sabi nito
she heaved a deep sigh
"just review your lessons, shut up" sermon nya sa anak
pakiramdam nya ay tatalon na ang puso nya dahil sa sobrang kaba, oo may balak naman syang sabihin sa anak ang totoo, but not now
hindi sya handa, hindi nya alam kung paano sisimulan
hanggang sa makarating sa school ay tahimik si whacky, alam nya na nagtatampo ito
pagkatapos nyang maihatid ang anak sa classroom ay nagderetso sya sa office ng principal
"hello Ms. Madrigal" pormal na bati nito
ngiti lamang ang isinagot nya
"okay let's get straight to the point, Ms. Madrigal, Your Kid is wiser than others, yung pag-iisip nya hindi pang limang taon, so I suggest kung papayag kayo ay i-advance naten sya ng level" sabi nito
saglit syang napaisip, marahil ay ito ang naging epekto ng lahat, dahil sa naging seryoso sya masyado, kailanman ay hindi nya ito ginamitan ng baby talk at kahit maliit pa lamang ay maaga nya itong tinuruan
o baka naman namana na naman nito sa ama?
"pag-iisipan ko po" sagot sya
yun lamang naman ang napag-usapan nila
palabas na sya ng gate ng biglang may mahagip ang mga mata nya sa di kalayuan mula sa kinatatayuan nya, sa gym....
standing the man who never get tired na guluhin palagi ang utak nya
si daze, kung sa physical appearance lang din naman ay masasabi nyang nagbago ito, malaki.
well define na ang mga braso nito, mas lalong pumuti at walang duda, his aura matches his age
pero bigla syang naging aware dahil sa kaba, hindi pa sya handa kaya naman nagmadali syang nagtungo palabas ng gate ng school
nakatungo syang naglalakad ng biglang may mga paa na humarang sa daan nya
dahil sa nakatungo sya, hindi pa nya nakikita ang itsura nito, pero kinakabahan sya
because it's funny to think na pati size at itsura ng paa ni daze, alam nya....
8:09 P6/20/2013
Whacky sa side
Figs_Araza