Project: Black Out (Philippin...

By EMPriel

50.5K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... More

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)

980 51 13
By EMPriel

In the End, we will remember not the words of our enemies, but the silence of our friends.

-Martin Luther King Jr.

"Hindi man lang siya nag-alangan. Maraming tao dito," bulong ni Inspector Robert Vega habang nagpapatuloy sa paghahanap kay Dylan. Nakasunod sa kanyang likuran si Tanya kasama na ang nagpapanggap na alalay nito. Isang lalaki naman sa likuran ni Tanya ang patuloy din na nakasunod sa kanya habang nakangiti. Nakasuot siya ng isang pulang sombrero at itim na jacket. Tumingin naman sa kanyang likuran ang kasama ni Tanya at agad namang nagpanggap na nakikiraan lamang ang lalaking iyon. Sinundan niya iyon ng tingin hanggang sa siya'y tumungo sa kumpol ng mga tao at nakihalubilo.

Agad namang umiwas ng tingin ang lalaking iyon nang maisip niyang walang masamang intensyon ang lalaking iyon ngunit nang umiwas sila ay muli siyang tumingin. Ngumiti siya at dahan-dahang sumunod sa pamamagitan ng pagdikit sa iba pang mga bisita.

Isang matandang lalaki naman na nakasuot ng top hat ang yumuko upang bigyang pugay ang isang magandang dilag. Agad kinuha ng lalaking iyon ang kanyang top hat at ipinalit ang sumbrero na kanyang suot. Hindi naman iyon napansin ng matandang lalaki. Nagtawanan lamang ang mga tao at nang mapansin niyang iba na ang kanyang suot ay agad niyang sinipat ang paligid ngunit huli na ang lahat. Hindi niya na nakita pa ang kanyang magarang sumbrero. Ang lalaki naman na umagaw ng sumbrero ay sumunod pa rin sa dalawa. Sa pagkakataong iyon ay iba na ang kanyang galaw. Taas noo itong naglalakad habang sinusundan si Tanya. Hindi na rin iyon napansin ng alalay ng dalaga dahil sa iba nitong suot.

"Nasaan ka ba?" bulong muli ng inspektor. Tila pinagpapawisan na siya ng malamig habang aligaga sa paghahanap.

"Uhmf!" inda ni Dylan nang makabangga niya ang inspektor. Sa pagkakataong iyon ay kalalabas niya pa lamang ng banyo.

"Inspektor.Nagmamadali ka yata," wika ng binata.

"A-aah. Dylan. Pasensiya na...akala ko kasi..."

"May hinahanap po ba kayo inspektor?" pagsisiyasat ng binata. Agad namang tumigil si Tanya sa paglalakad nang makita ang binata. Tila nagulat pa ito sa biglaang pagsulpot nito. Naglakad na lamang siya na parang normal habang kasama ang kanyang alalay. Tila nag-iba naman ang tingin ni Brigand sa dalaga nang mapansin ang biglaang pagbabago ng kilos nito. Nginitian ng dalaga si Dylan. Ngumiti naman pabalik ang binata sa kanya.

"Ahh. Akala ko kasi kung napano ka na. Haha," tila pinagpawisan na ang inspektor nang sabihin niya iyon. Napaglaruan naman ng pagdududa ang pag-iisip ni Dylan. Hindi na lamang nito pinahalata ang kanyang hinala. Sa isang banda ay napangiti naman ang misteryosong lalaki na sumusunod sa kanila. Tiningnan niya ang binata sa malayo habang nakapangalong baba at nakasandal sa isang sulok.

"Dylan Ford...sa wakas," wika niya sabay ngisi.

"Delikado ang ginawa mo Tanya. Masyado kang malapit!" wika naman ni Albert mula sa kanyang communicator.

"Hanggat hindi ako nagpapapansin lalo akong mawawalan ng tyansa na makausap siya! Diskarte ko na 'to! Ako na ang bahala..." wika naman ng dalaga.Sa pagkakataong iyon ay nakalayo na siya kay Dylan. Kumuha na lamang siya ng champagne mula sa isang waiter na naglalakad habang dala ang tray na naglalaman ng baso na may alak. Hindi siya nagpahalata.Nakihalubilo siya at muling binantayan ang galaw ng binata.

"Tayo na inspektor. Nagsisimula na ang subastahan ng mga libro," pag-aanyaya ni Dylan. Hindi man pinahalata ang kaba ay batid na rin ng binata ang paghihinala nito.

"S-tayo na," wika niya. Muling naglakad si Dylan at kahit na paika-ika ay pinilit niyang lumakad. Sinubukan naman siyang alalayan ng inspektor.Hinawakan nito ang kanyang braso at inakay upang makatayo at makalakad ng maayos.

"Ahaha. Salamat po..."

"Parang ako na ang iyong ama Dylan. Natatandaan mo ba ang sinabi ko sa'yo noon? Kahit na ano man ang mangyari ay poprotektahan kita. Iyon din ang pangako ko sa iyong ama," wika niya. Natahimik na lamang si Dylan at ngumiti.

"Paano mo poprotektahan ang taong dapat na hinuhuli mo, inspektor?" wika ni Dylan sa kanyang sarili.

"May point ka...hmm..." bulong naman ng lalaki na nagmamasid at nakasuot ng top hat. Sa pagkakataong iyon ay hawak na niya ang isang mansanas na kakakuha pa lamang niya sa tray ng waiter na nagdaan. Kumagat muna siya dito bago muling sumunod sa binata.

_____________________________

"...para sa mga susunod nating bidders, ngayon na namin ipapakita ang mga items na isusubasta maya-maya lamang," wika ng announcer ng malaking subastahan na nagaganap. Muli namang umupo si Dylan sa kanyang puwesto. Sa kanyang kaliwa ay ang matandang butler at sa kanyang kanan naman umupo ang inspektor. Tila hindi pa rin ito mapakali, si Dylan naman ay nanahimik lamang habang nakikiramdam. Mula sa malayo ay tiningnan niya ang panauhing pandangal ng gabing iyon na si Dr. Levine Klein. Ngumiti siya ng saglit at iniiwas ang kanyang tingin.

Isang maikling patalastas ang sumunod na ipinalabas sa entablado. Ang mga patalastas na mula sa MEMO. Isang imahe ng babae na gawa sa hologram ang lumabas sa gitna ng entablado. Agad namang nanahimik ang mga tao habang pinagmamasdan ang paglalakad ng babaeng iyon. Nakatitig lamang sila sa babae nan naglalakad palayo sa kanila. Ilang mga letra pa at mga numero na nagpapakita ng mga detalye ng taon ang lumabas mula sa hologram imaging at ipinakita ang kabuuan ng litrato.

'MEMO: Preparing for your future.'

Hinubad niya ang kanyang damit at sombrero at ipinakita ang memory gene na nakakabit sa likurang parte ng kanyang ulo. Agad namang nagpalakpakan ang mga tao. Pumalakpak din si Dylan ngunit sa sarkastiko at mabagal na paraan. Naningkit naman ang inspektor habang pinagmamasdan ang pagpalakpak ng binata.

"Ano ang masasabi mo sa memory gene?" tanong niya. Ngumiti naman si Dylan at inilagay ang tungkod sa kanyang harapan para itukod ang kanyang nangangawit na mga kamay.

"Ang lahat ng maling bagay na ginawa ng tao ay may kaukulang parusa..." iyon ang sabi niya. Bigla namang napatingin sa mga mata ni Dylan ang inspektor.

"Iyon ang sabi ni lolo..." dagdag naman ng binata.Sa pagkakataong iyon ay medyo nakahinga ng maluwag si Inspector Vega.

"Naniniwala ka?"

"Hindi," tugon ni Dylan. Halos ilang segundo ding naghintay ang inspektor sa muli nitong pagsagot.

"Mas naniniwala ako sa dahilan ng mga taong gumagawa ng mali," dugtong nito.Napayuko naman ang inspektor. Tila kumunot ang noo nito habang iniisip at tila pinagdudugtong-dugtong ang mga ebidensya na unti-unti niyang nabubuo.

"Tingin mo inspektor...bakit ba gumagawa ng krimen ang mga bid?" tanong ng binata. Muli namang napukaw ang atensyon ni Inspector Vega sa kanya. Tahimik naman si Brigand habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

"Dahil nagugutom sila?" tanong ni Inspector Vega.

"Tama...nagugutom sila. Pero kahit ano pa man ang gawin nila, sa mga mata mo...kriminal pa rin sila. Tama ba?" tanong ng binata.Napalunok naman ng kaunting laway ang inspektor. Tila tinamaan siya sa sinabi ng binata.

"Pero trabaho mo ang hulihin sila...kahit na alam mong mabigat ang dahilan kung bakit sila nagnanakaw," dugtong ni Dylan. Napakurap na lamang ng ilang beses ang inspektor at tumingin sa mukha ng binata. Nakangiti lamang si Dylan habang nakaharap sa malaking entablado.

"T-tama ka..." bulong na lamang nito.

"Master...nagsisimula na po ang pagsubasta ng mga libro," putol naman ng matandang butler na si Brigand. Tumango lamang si Dylan at inabot mula sa kanyang butler ang hologram tablet.

"Handa na ba kayo sa una nating libro na kasama sa auction ngayong gabi?" tanong ng announcer. Hindi naman magkamayaw ang mga bidder sa pagsabi ng 'handa na' habang itinataas ang kanilang mga hologram tablet.

"Ang unang libro na isusubasta ngayong gabi ay halos umaabot na sa bilyong piso!" wika ng announcer. Lumabas naman ang dalawang babae mula sa harapang hati ng entablado. Hawak nila ang isang mesa na de gulong. Itinulak nila iyong patungo sa gitna ng entablado. Napapatungan naman ng tila pulang kurtina ang ibabaw ng babasaging casing ng librong iyon. Maya-maya pa ay tinanggal na ng announcer ang kurtina na iyon at doon ay nakita nila ang isang kulay dilaw na libro. Halos lumain na ito ng panahon ngunit kitang-kita pa rin ang imprenta sa cover nito. May tapyas at punit na ang mga gilid ng librong iyon. Halos kulay tsokolate na rin ang papel dahil sa labis na kalumaan. Ipinakita naman mula sa hologram screen ang librong iyon. Tinutukan ng camera ang libro upang lalo pa nila itong makita.

Naka-imprenta sa librong iyon ang mga katagang 'Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino.'

Napangiti naman si Dylan dahil sa kakatuwang pangalan ng librong iyon. Tila natawa naman ang ilan dahil sa titulo ng libro. Ang iba naman ay tila nanlilibak.

"Kung ganoon eh hindi na pala dapat tayo mga Pilipino! Hindi tayo bid! Hindi tayo Pilipino! Mga bidder tayo! Ang mga bid ang mga baliktad magbasa ng libro!" wika ng isang lalaking kalahok sa subastahan. Nagawa pa nitong tumawa habang sinasabayan ng mga kantyaw ng iba pa.

"Dapat bakit baliktad magbasa ng libro ang mga bid ang title niyan!" wika ng isa pang babae. Ngumiti si Dylan ngunit sa loob-loob niya ay hindi niya nagugustuhan ang kanyang naririnig. Tila nagpapakahipokrito ang mga taong iyon habang pinagtatawanan ang titulo ng libro.

"Ang librong ito ay isa sa mga best-selling books noong taong dalawanglibo at mahigit. Kakatuwa ang titulo ng librong ito ngunit kapupulutan ng aral at mga kakatuwang karanasan bilang Pilipino.Ang starting price natin ay..." tila binitin ng announcer ang pagbanggit ng presyo ng librong iyon. Lumabas naman sa hologram screen ang paglalaro ng mga numero. Palaki ng palaki ang presyo ng librong iyon hanggang sa umabot sa totoong presyo nito.

"Dalawang bilyon at limandaang libong piso mga kaibigan!" wika ng announcer.Tinitigan naman ng binata ang mga numerong iyon at nagsimulang presyohan ang libro. Tila naging tahimik naman sa buong bulwagan habang nagpepresyo din ang iba pang mga bisita.

"Tatlong bilyon ang presyo! Ito ay galing kay Mr. Willie Guevarra! May magtataas pa ban g presyo?"

"Kumpleto na ang koleksyon ng iyong ama kung makukuha mo ang isang 'yan, Master," wika ng matandang butler.

"Alam ko Brigand...sa tamang panahon. Konti pa," sagot naman ni Dylan.

"Tatlong bilyon at isandaang libong piso mula kay Mrs. Fernandez! Tatlong bilyon at tatlong daang libong piso mula naman kay Mr. Sy..." bawat banggit ng pangalan ng announcer ay siyang tutok naman ng ilaw mula sa mga drone kung saan nakakabit ang napakaliwanag na spotlight. Ngumingiti pa ang mga ito sa camera habang kumakaway. Ang iba naman ay tumatayo pa at ngumingiti. Ipinapakita ang kanilang mga imahe sa malaking hologram screen ng bulwagan.

"Tatlong bilyon at isang milyon naman mula kay Mr. Miran!" nagulat ang mga bisita nang marinig ang presyo na iyon. Isang lalaki na may kalakihan ang katawan ang tinutukan ng camera. Nakangisi pa itong tumingin sa camera habang nananabako. Inabot naman ng kanyang alalay ang isang ginintuang ash tray upang budburan ng kanyang upos.

"Going once? Going twice?" pagtatanong ng announcer.

"Aba! May humamon! Ito na ang pinakamalaki nating offer ngayong gabi! Siguradong importante ang librong ito para sa kanya!" bulyaw ng announcer.Sa pagkakataong iyon ay nakangiti na si Dylan. Nakikita sa kanyang hologram screen ang napakaraming numero. Napatingin naman si Inspector Vega sa hologram tablet nito at tila nalula sa presyo na ibinigay ng binata.

"Apat na bilyon para sa librong ito mula kay Mr. Ford!" bulyaw muli ng announcer.

"Shit!" bulong naman ni Tanya. Narinig naman ni Albert ang kanyang sinabi.

"Hindi nagbibiro ang isang 'yan," wika ni Albert sa kanyang communicator. Nanlalaki lamang ang mga mata ng dalaga habang pinapanood ang mga numero na lumulutang mula sa hologram screen. Ilang segundo pa ay ipinakita na ang mukha ni Dylan. Nakangiti ito at tumatango-tango pa habang patingin-tingin sa kanyang paligid.

"Putang..." gigil na sambit naman ng kanyang nakalaban. Agad siyang nagpipindot sa hologram tablet at lumabas ang mga presyo sa hologram screen ng announcer.

"Mukhang mahigpit ang laban para sa item na ito mga kaibigan. Limang bilyong piso! Ito ay mula ulit kay Mr. Miran! Ito na ba ang pinakamalaki nating presyo ngayong gabi?"

"Tsk! Tingnan natin kung hanggang saan ka..." bulong ng binata. Muli siyang pumindot sa kanyang hologram tablet. Kalmado pa siya habang pumipindot. Ang lahat ay nakaabang sa kanyang iooffer. Nakatutok ang mga camera sa kanya at ang spotlight naman ay halos sumisilaw na paligid ng kanyang kinauupuan.

"WOOAA! Hindi ko inaasahan ito mga kaibigan! Ito na nga ang pinakamalaking offer ngayong gabi!" wika ng announcer na tila di makapaniwala sa kanyang nababasa.

"Sampung bilyong piso!" sigaw ng announcer.

"Oh my gosh!"

"Pambihira!Seryoso ba siya?!"

"Anak ng!"

"WOOOW!"

"WOOOOH!"

Nagsimula sa mga bulong-bulungan hanggang sa mga sigawan at palakpakan. Iyon ang naging hudyat ng pagkapanalo ni Dylan sa subastahang iyon. Ngumiti lamang siya ng mrahan habang tumatango sa iba pang mga kalahok.

"Congratulations!"

"Grabe ang lupit!"

Patuloy ang pagbati ng mga tao sa kanya. Halos manggigil naman sa inis ang kanyang nakalaban na si Mr. Miran sa subastahang iyon. Sa inis ay tumayo na lamang siya at lumabas ng malaking bulwagan.

"At mukhang hindi na lalaban pa si Mr. Miran! Ang nanalo ng librong ito na sinulat pa mismo ng sikat na manunulat na si Bob Ong ay walang iba kundi si Mr. Dylan Ford! Congratulations!" wika ng announcer. Nagtayuan naman ang mga tao upang makita ang binata.Tumayo din si Dylan habang inaangat ang kanyang kanang kamay para kumaway.Hawak niya ang kanyang tungkod gamit naman ang kaliwa. Matapos ng halos tatlumpong-segundong standing ovation ay muli siyang umupo.

"Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang katas ang presyo mo para sa libro niya. Ano bang meron ang librong 'yon Dylan?" tanong naman ng inspektor na hindi pa rinmakapaniwala sa mga nangyayari.

"Ang librong iyon ay ang kulang sa koleksyon ni lolo. Kumpleto siya ng mga libro ni Bob Ong at ang librong 'yon ang pinakamahirap na hanapin. Namatay siya nang hindi nakukuha ang librong 'yon. Ngayon ay nakuha ko na ang para sa kanya," paliwanag ni Dylan.

"Hindi ko talaga maintindihan.Bakit ang mahal ng librong 'yon?" tanong muli ng ispektor.

"Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa mga tao kung sino ang manunulat ng mga sikat na libro kabilang na ang librong 'yon...hanggang sa lumipas ang mga taon at mga dekada, walang nakakilala sa kanya. Wala siyang ibang ginawa kundi ipamahagi ang natutunan niya mula sa kanyang mga karanasan bilang Pilipino at manunulat. Wala siyang ibang hinangad kundi ang mga aral ng buhay...wala siyang pakialam sa kasikatan. Iyon ang dahilan kung bakit umaabot sa halos bilyong piso ang presyo ng kanyang mga libro," paliwanag muli ni Dylan. Nakangiti lamang ito habang pinapanood ang mga tao na patuloy ang sulyap sa kanya. Ngumiti din ang inspektor sa kanya at dahan-dahang pumalakpak.

"Hindi biro ang target natin..." wika ni Albert. Nagtinginan naman sa kanya ang kanyang mga kasama. Tikla pinagpawisan ng malamig ang mga ito habang pinakikinggan ang mga nangyayari sa loob.

"Kaya niyang bilhin kahit na ilang bid at isang siyudad dahil sa yaman niya," wika ng isa pang sundalo.

"Siya ang nagmamay-ari ngayon ng Ford Automotives na gumagawa at nagsusupply ng mga automotive hover vehicle sa buong mundo. Hindi na nakakapagtaka. Sa yaman niya ay halos wala na siyang ginagawa kundi dumalo sa mga malalaking pagpupulong gaya nito..." wika ni Albert.

"Kung mayaman na siya...bakit kailangan niya pang pumatay ng mga bidder?" tanong naman ni Tanya. Sa di kalayuan ay agad niyang napansin ang lalaki na nakasuot ng top hat at kumakain ng pop corn. Nakataas pa ang kanyang mga paa habang siyang-siya sa kanyang pinapanood. Napakunot na lamang siya ng noo habang pinapanood ang lalaking iyon.

"Hindi natin alam kung siya ba talaga si Black Out. Duda ako..."

"Duda saan?Sa mga ebidensya ko?!" tila nainsulto naman si Tanya sa kanyang narinig.

"Hindi pa tayo sigurado Tanya.Mayaman ang taong 'yan...hindi ito biro. Wala tayong makitang dahilan kung bakit niya kailangang pumatay ng kapwa niya bidder," sagot naman ni Albert. Sa inis ay tinanggal ni Tanya ang communicator mula sa kanyang tenga at ibinagsak sa sahig. Agad niyang inapakan ang device na iyon gamit ang takong ng kanyang sapatos.

"Tanya? Tanya!" biulyaw ni Albert. Sa inis ay ibinato din ni Albert ang kanyang communicator sa harap ng hologram computer at lumabas ng van.

"Albert, sa'n ka pupunta?" tanong ng isa sa mga sundalo na kanyang kasama.

"Hindi niya alam ang ginagawa niya! Maraming makapangyarihang tao sa loob ng PICC! Baka mabuko tayo!" wika naman ng pinuno ng New Order.

"Hayaan muna natin siya.Gumagana pa naman ang camera na dala niya," wika naman ng isa pa. Muli namang sumulyap si Albert sa loob at doon ay nakita niya ang pagtayo at paglakad ng dalaga kasabay ang iba pang mga tao gamit ang hologram screen.

"Ms. Tanya. Kailangan na nating bumalik," wika ng kasama ni Tanya. Tila aligaga ito habang pinapanood ang mga kilos ng mga guwardya sa paligid.

"Mukhang may problema tayo Albert..." sabat ng isa pang sundalo. Agad nilang tinunghayan ang isa pang hologram screen kung saan makikita ang pangyayari sa isa pang grupo ng mga kasamahan nito.

"Bravo team...sumagot kayo. Napapaligiran na kayo!" wika ni Albert.

"S-sir. Ano pong gagawin namin? Mukhang naghinala na sila na may tinitiktikan tayo sa loob!" sagot naman ng kanilang kasamahan mula sa kabilang linya. Gamit ang thermal imageing ay nakita nila sa paligid ang mga kulay pulang ilaw na hugis tao. May bitbit na baril ang mga ito at dahan-dahang nilalapitan ang itim na hver van na nakaparada sa gitna ng malamig na kawalan.

"Umalis na kayo diyan! Walang puwedeng magsakripisyo sa misyon na 'to! Hindi nila dapat malaman na nandito ang New Order!" utos ni Albert. Bigla namang pinaandar ng driver ng van ang sasakyan nito. Agad iyong umangat mukla sa nagyeyelong semento. Naging alerto naman ang mga sundalo na nagbabantay sa perimeter ng PICC. Nakasuot sila ng itim na mga uniporme at helmet. Tinutok nila ang kanilang mga baril sa kinaroroonan ng van.

"Tigil!" sigaw ng isa sa mga sundalong nagbabantay.


"Pambihira...anong gagawin natin?" tanong ng isa.

"Umalis na kayo diyan bilis!" muling sambit ni Albert. Agad namang hinarurot ng driver ang itim na hover van. Sa pagkakataong iyon ay nakumpirma na ng mga sundalo na mayroon ngang ibang grupong nagbabantay sa paligid.

"Alert! All units! Code red...I reapeat. CODE RED!" wika ng isang sundalo sa kanyang communicator. Agad namang nagpaputopk ng baril ang iba pang mga sundalo. Pinatamaan nila ang van ngunit nakaalpas ito mula sa kanila.

Narinig naman ang mga putok ng baril sa paligid ng PICC. Mas lalong naging alerto ang mga sundalo at gwardya sa loob ng bulwagan. Naglakad ng mabilis ang iba, ang iba naman ay nagtakbuhan upang ialarma ang iba pang mga kasamahan. Narinig din ni Inspector Albert Vega ang report ng sundalong iyon kaya't agad siyang tumayo.

"Inspektor, may problema ba?" tanong ni Dylan.

"Hindi ko alam...pero mukhang tama ang hinala ko. Nandito nga si Black Out...hindi pa sigurado. Maiwan ko muna kayo," tugon ng inspektor. Nakaramdam naman ang mga bisita na may kakaibang nangyayari kaya't palingon-lingon din sila sa paligid. Ngiti naman ang isinukli ng misteryosong lalaki na nakasuot ng top hat at kumakain ng mansanas. Mula sa malayo ay tinititigan niya ang mga bodyguard ni Dr. Klein. Sinimulan na nilang ilikas ang doktor. Nakaramdam naman ng takot si Dr. Klein at tumingin-tingin din sa paligid.

"For your own safety sir, let's go..." wika ng isang bodyguard.

"W-what's happening?" tanong nito.

"They suspect that Black Out is here..." bulong ng isa pa.Agad namang naglakad ang doktor kasama ang mga bodyguard. Nagsimula namang mangibabaw ang mga bulong at unti-unting naging ingay sa paligid.

"Master?" wika ni Brigand, tila humihingi ng atensyon mula kay Dylan. Ngumiti lamang ang binata at tumayo. Inusisa niya ang paligid at tumingin sa kanyang hologram tablet nang maramdaman ang pag-vibrate nito.

'Mr. Klein, you are advised to go to our stock room for safety.' Iyon ang nabasa niya sa kanyang hologram tablet. Humarap siya sa kanyang butler at tumango senyales na kailangan na nilang umalis.

"Nasaan na ba kayo? Bilisan niyo! Sinesecure na ang mga bisita!" bulyaw ni Inspektor Vega sa kanyang communicator. Agad namang tumigil ang dalawang sundalo sa kanyang harap at agad na sumaludo.

"Bantayan niyo ang mga entrance at exit!Walang makakalabas o makakapasok hanggat hindi dumadaan sa inspection at profiling!" wika niya.

"Yes sir!" sagot naman ng dalawang sundalo. Agad silang tumakbot sa magkaibang direksyon ng hallway. Binunot naman ng inspektor ang kanyang handgun at naghanap ng bintana upang sulyapan ang labas ng PICC. Nakabukas na ang mga ilaw sa labas at tila naglalaro sa kawalan. Ang mga sundalo ay nakaalerto na bitbit din ang kanilang mga baril.

"Albert!" wika ng kasamahan ng pinuno ng New Order.

"Bakit?"

"Nawawala daw si Tanya," sagot niya.

"A-ano?!" sa pagkakataong iyon ay nabahala na si Albert.

"Offline na rin ang camera na nakakabit sa kanya..."

"Pambihira!Tanya ano bang ginagawa mo?!"

Mula sa loob ng malaking bulwagan ay tila nakipagpatintero naman si anya sa mga tao. Sinusundan niya pa rin ng tingin si Dylan mula sa malayo. Nagsimula na ring magtayuan ang iba pang mga tao. Maging ang host ng malaking subastahan na iyon ay naguguluhan na sa nangyayari.

"Naglaro na ang mga daga.Haha.Masaya 'to..." wika ng misteryosong lalaki habang kinakagat ang huling piraso ng mansanas na kanyang hawak. Matapos makain ang mansanas ay ihinulog niya sa sahig ang gintang parte nito. Nakataas pa rin ang kanyang mga paa sa upuan sa kanyang harapan. Mula sa kanyang bulsa ay kinuha niya ang isang hologram stick. Pinanood niya ang pagbilang ng mga kulay pulang numero hanggang sa maging zero na ang bilang nito.

*BOOOM!*

Isang pagsabog ang naganap sa kabilang gusali. Wala mang mga tao sa loob ng gusaling iyon ay tila naramdaman naman ng mga bisita ang dagundong ng paligid. Dinig na dinig din ang malakas na pagsabog na iyon. Nagsigawan ang mga tao at nag-unahan sa pagtakbo.

"Ano yun?!" bulyaw ni Inspektor Vega sa kanyang communicator. Mula sa bintana na kanyang sinusulyapan ay nakita niya ang nagngangalit na apoy mula sa kabilang gusali.

"Sir...sumabog po ang kalahati ng main building. Kailangan pong ilikas ang mga tao! Mukhang inaatake tayo!" Nanlaki na lamang ang mga mata ng inspektor dahil sa kanyang narinig.

"Tang...alertohin ang buong PNP! Magpadala kayo ng back up ngayon na!" bulyaw ng inspektor. Dali-dali siyang naglakad patungo sa hagdan pababa ng gusaling iyon.

"Ano bang nangyayari?" tanong ni Dylan. Umalingawngaw naman ang sirena sa paligid ng compound ng PICC. Ipinakita na sa mga hologram screen ang mga babala na kailangan nilang lisanin ang lugar. Maya-maya pa ay lumabas naman ang isang pamilyar na imahe. Agad na napatigil ang lahat upang tunghayan ang mga hologram screen sa paligid.

"I-imposible!" wika ni Dylan.

"Magandang gabi...mukhang hindi niyo nagustuhan ang surpresa ko..." sinadya mang sirain ang boses na iyon ay naging malinaw naman sa lahat ang sinabi nito.

"B-Black Out!Si Black Out nga!"sigaw ng isa habang tinuturo ang malaking hologram screen. Nakasuot ng itim na trench coat ang lalaki. Nakamaskara din ito gaya ng kay Black Out, pula din ang salamin na ginagamit nito upang matakpan ang kanyang mga mata.

Napatigil lamang si Dylan at ang kasama niyang butler habang nakatulala sa kanilang pinapanood. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang umiiling ng kaunti.

"Master?" wika ng matandang butler.

"Alam ko kaibigan...imposible. Nandito ako...hindi ko puwedeng hatiin ang sarili ko," paliwanag ng binata.

Napangiti namang muli ang misteryosong lalaki na nakaupo sa dulo ng bulwagan na para bang nababasa nito ang naiisip ng binata. Tinitigan niya si Dylan mula sa malayo habang pinaglalaruan ang isang rubic's cube na kinuha niya mula sa kanyang bulsa. Nakukulayan lamang ng puti at itim ang rubix cube na iyon.




Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 299 98
A mystery/thriller epistolary. Sequel of Anonymous (1191212518) The search for Anonymous, also known as 1191212518, continues. Secrets unfold, lies...
849K 57.2K 54
|COMPLETED| Once upon a time, in a land hidden where immortals exist, Alessia Condor was killed as Lady Elena, the woman destined to marry the king...
3.2K 16 1
It was fast. It was unexpected. I didn't see it coming. The moment I took a step on that school. My life totally changed. And when things are getting...
8.6M 293K 51
Sky Academy, a school wherein magic really exist and impossible things never. First book to the Sky trilogy. Completed. Wattys2016 Winner. Published...