EHS 3: His Sweetest Karma

Galing kay missgrainne

3.7M 94.9K 3.9K

Living in an island away from the people and her heart-wrenching past became Hillary's safe haven. Not until... Higit pa

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 10

142K 4.1K 239
Galing kay missgrainne

CHAPTER TEN





NAPAHAWAK si Hillary sa magkabilang sentido dahil sobrang sumasakit na talaga ang ulo niya.

"Sige na, sweetheart, pumayag ka na. Sasama ako sa iyo. Promise, behave lang ako at hindi ko papasakitin ang ulo mo." Itinaas pa ni Axer ang kanang kamay na animo ay talagang seryoso sa pangako nito.

Damn, ngayon pa nga lang ay sumasakit na ang ulo niya at siguradong mamaya lang ay mababasag na ang bungo niya. Kanina pa kasi ito pilit nang pilit sumama sa bayan. Ano naman ang gagawin nito roon? Siya kasi, maggo-grocery.

"Pumunta ka do'n mag-isa kung gusto mo. Ayaw kitang isama! Saan ka ba ipinaglihi ng mommy mo, bakit sobrang—Ay, ewan ko sa iyo!" Halos kurutin na niya ito sa kahit saang bahagi ng katawan para lang mawala ang yamot na nararamdaman niya.

"Sa mga babae yata ako ipinaglihi ni Mommy kasi mahilig ang mga girls na lumapit sa akin. I don't know, sweetheart." At nagkibit-balikat pa si Axer.

Dahan-dahan siyang bumuntong-hininga. "Isasama kita pero huwag kang—"

"Good. Let's go!" Hinila na siya ni Axer papunta sa garahe ng mga sasakyan nito. Huminto siya. Ito naman ay napatingin sa kanya. "Sabi mo isasama mo ako, right? Wala nang bawian."

"Yes, isasama nga kita pero hindi tayo sasakay sa sasakyan mo."

Namilog ang mga mata nito at napaawang ang mga labi. "Are you fucking serious? Ayaw mong sumakay sa Bugatti Veyron ko? You know how much my women love to ride here?" Itinuro pa nito ang sasakyan. "Pero never ko silang pinasakay. Ikaw pa lang sana ang unang babae na sasakay dito..." Lumungkot ang mukha nito at lumapit sa sasakyan. "Virgin pa itong car ko at okay lang sa akin kung ikaw ang makakakuha ng virginity nito."

Seriously? Kailan pa naging birhen at hindi birhen ang isang sasakyan? Siguro kapag bagong bili mo ito, ikaw ang nakauna? Gano'n?

"I don't care about your women basta hindi tayo sasakay diyan and that's final."

"Saan tayo sasakay?"

"Magko-commute tayo, okay?"

Napasinghap ito. "No, sweetheart, ayoko. Maalikabok at hindi aircon ang mga jeep and tricycle."

Napakamot si Hillary sa pisngi. Ang arte ng lalaking ito. "Huwag kang sumama kung ayaw mong sumakay sa jeep. Diyan ka na nga!" At tinalikuran na niya ito.

"Wait, sweetheart, sasama ako!"

Lihim siyang napangiti. "Faster!"

Mayamaya lang ay nakaakbay na si Axer sa kanya. Sanay na siya sa pagdidikit ng katawan nila. Namula ang pisngi niya nang maalala ang ginawa nila ni Axer noong gabing malakas ang ulan—no, walang nangyari sa kanila. She was still a virgin... but her half body wasn't a virgin anymore.

They made out. Iyon lang. At bilib siya sa lalaki dahil malakas ang self-control nito. Kung hindi ay baka naibigay na rin niya ang sarili rito. 'Buti na lang 'yong isang bahagi ng utak niya ay matino rin noong mga oras na iyon.

Agad naman siyang pumara ng tricycle para makapunta sa bayan.

"Sa bayan po, Manong," sabi niya sa tricycle driver at pumasok na sa loob. Si Axer naman ay sumunod sa kanya.

"Sweetheart, ang sikip. Move," maktol nito at inusod-usod pa siya noong nasa daan na sila at bumibiyahe.

Napangiti siya sa hitsura nito. "First time mo?"

Paano naman kasi, lukot na lukot ang mukha nito at napapapikit tuwing may maalikabok silang nadadaanan. Hindi pa kasi developed lahat ng kalsada sa lugar, 'yong iba ay under construction pa rin.

"Yeah," tipid na sagot ni Axer at nagtakip ng bibig o ilong ba o mata?

Sigurado siya na ang suot nitong white sando ay magiging kulay-dirty white na mamaya. Naka-summer shorts pa ito and flip-flops. Simpleng-simple lang ang suot nito at common na iyon sa lugar pero mamaya ay matutunaw ito sa titig ng mga tao. Sigurado siya roon, dahil siya nga ay hindi maialis ang tingin dito.

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Axer at nagsalita. "Alam kong guwapo ako."

Agad siyang nag-iwas ng tingin. Nakakahiya! Nahalata nito na sinusuri niya ang hitsura nito.

Hindi na sana papansinin ni Hillary ang lalaki kaya lang ay naawa siya nang bumahing ito. Siguro dahil salo nito lahat ng alikabok dahil ito ang nasa bungad ng tricycle at siya ay nasa pinakaloob. Kinuha niya ang panyo sa bag at iniabot dito.

"Here, use this to cover your face." Yes, face talaga.

"I'm o—" Naputol ang sasabihin nito nang muli na naman itong bumahing.

"I told you, hindi ka kasi nakikinig. Humarap ka nga rito, Axer," sermon niya at hinawi nang bahagya ang balikat nito para mapaharap sa kanya. Naaawa kasi siya. Halata naman kasi na hindi ito sanay sa alikabok.

Inilayo niya nang bahagya ang mukha nang humarap ito sa kanya kasi isang uga na lang ay magdadampi na ang mga labi nila. Siya na mismo ang nagtakip sa mukha nito gamit ang panyong hawak.

"I can't breathe," reklamo nito. Napapadiin kasi ang pagtakip niya tuwing dadaan sila sa malubak na kalsada.

Hinawakan ni Axer ang kamay niyang nasa mukha nito para siguro matantiya ang tamang pagtakip lang sa ilong nito para makahinga ito nang maayos.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating din sila sa wakas sa pupuntahan nila.

"One hundred pesos, Miss," sagot ng driver nang tanungin niya kung magkano ang pamasahe.

"Ito ho." Agad na nag-abot ng isanlibo si Axer.

"Sir, wala po akong pamalit diyan," tanggi ng driver.

"Keep the change. Tara na." At hinila na siya nito papasok sa mall.

Kumibot-kibot ang mga labi ni Hillary nang halos ubusin na si Axer sa tingin ng mga babaeng nadadaanan nila. Ang sarap nitong suotan ng helmet para lang matakpan ang mukha nito at hindi na titigan ng mga babae at binabae.

Huminto ito sa paglalakad at tumingin sa kanya. "What's the problem? Bakit ganyan ang hitsura mo? Nakalunok ka rin ng maraming alikabok?" tanong nito.

Hinatak niya ang kamay mula rito at nauna nang maglakad. Ayaw niya itong kasabay kasi naiirita siya sa mga babaeng tumitingin dito.

"Wait, sweetheart. Bakit ang sungit mo? May monthly period ka ba?"

Yes, meron nga siya kaya siguro masungit siya. "Yes, kaya huwag kang makulit kundi iiwan kita rito."

"Gusto mo, mawala iyan?"

Gusto sana niya hanggang maaari kasi may dysmenorrhea siya. "Paano ba mawala ito?" maang na tanong niya.

Bakit ba kasi may menstruation pa ang mga girls? Hindi ba puwedeng 'yong mga boys na lang?

"Okay lang ba sa iyo kahit nine months kang walang monthly period?"

Kung siya ang tatanungin ay okay na okay sa kanya iyon. Tumango siya bilang sagot.

Lumapit si Axer sa kanya at bumulong. "After ng period mo, uumpisahan ko na ang nine months na walang monthly period na request mo, okay?"

Tumango-tango uli si Hillary na akala mo totoong mawawala ang menstruation nang siyam na buwan unless mabuntis siya.

Mabuntis?

Kinurot niya ito sa tagiliran at agad naman itong napaigik. "Axer Lance Wilson, kailan ka ba titino, ha?! Puro ka kalokohan!" At muli na naman niya itong kinurot nang pino. Ngayon lang kasi nag-process sa utak niya iyong sinabi nito.

"Aray, sweetheart! Ang bad girl mo talaga. Damn, my skin!"

Ang arte ni Axer, promise.

Dinala na lang niya ito sa supermarket. Tutal malakas naman ito kaya ito na lang ang pagbibitbitin niya ng mga bibilhin.

Agad siyang namili ng mga kailangan habang ang lalaki ay nakasunod lang sa kanya.

"How about this? Or this?" tanong ni Axer na may hawak na dalawang feminine wash.

"'Yong pink," sagot ni Hillary at inilibot uli ang mga mata sa malalaking estante sa harap niya.

"Sweetheart, mas mabango itong kulay-yellow," sabi nito na nakita pa niyang pinagpapalit-palit ang pag-amoy sa dalawang feminine wash.

"Fine, grab the yellow one. Hindi naman ikaw ang gagamit, bakit ikaw pa ang namimili?" sita niya.

"Hindi nga ako ang gagamit..." Lumapit ito nang bahagya sa kanya. "Ako naman ang aamoy, ako lang."

Napatayo si Hillary nang tuwid nang marinig ang nakakataas-balahibong boses ni Axer. Kung may iba itong meaning, hindi niya rin alam.

Hindi na niya ito pinansin dahil busy na ang utak niya sa kaiisip ng mga dapat bilhin. Tumalon-talon siya para maabot 'yong Nutella sa pinakaitaas na bahagi ng estante. Bakit ba kasi sa itaas iyon nakalagay? Hindi tuloy niya maabot.

Isang talon pa at naabot na niya ang bagay na iyon—

"Sweetheart, kunin mo na! Faster or else I will bite your butt!"

Agad niyang kinuha ang palaman at agad din naman siyang ibinaba ni Axer. Hinawakan pala kasi siya nito sa baywang at binuhat pataas para maabot niya ang pahirap na Nutella.

Mataman siyang tumingin dito. Hindi naman ito nakatingin sa kanya kasi may hawak itong hindi kilalang brand ng inumin. Siguro ay binabasa nito ang description doon.

Hindi niya alam kung bakit sa anggulong iyon ng lalaki ay napapangiti siya. Naka-side view ito na bahagyang nakayuko. Para bang hindi ito iyong Axer na babaero, iyong Axer na mayamang negosyante, ang Axer na ito ay simple lang.

Kahit lagi nitong pinapasakit ang ulo niya ay masaya siya kapag kasama ito. Masaya siya kapag nakikita ang mabilis na pagpapalit ng emosyon sa mukha ng lalaki. Mahilig pa itong maglungkot-lungkutan sa harap niya at natutuwa siya sa ugali nitong iyon.

Napapansin na lang niya na sobrang close na nila ni Axer sa isa't isa na halos araw-araw na niya itong kasama. Kung hindi pa niya ito pauwiin sa bahay nito ay hindi ito uuwi. Ang ibig niyang sabihin ay ang bahay talaga nito, hindi sa rest house sa resort.

Napakurap siya nang lingunin siya nito at ngumiti sa kanya.

Damn, her heartbeat went fast. Ilang beses na niya itong nakitang  ngumiti pero hindi naman bumilis 'yong tibok ng puso niya hindi tulad ng nangyayari ngayon.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang maglakad ito papalapit sa kanya.

"Okay na? Nabili mo na ba lahat ng kailangan mo?" tanong ni Axer na hinawi pa ang mga buhok niyang napunta sa kanyang mukha. "Hey," untag nito.

Sa buong buhay ni Hillary, ngayon lang siya natulala sa isang lalaki. She had never felt this kind of feeling before. Kahit sa ex-boyfriend niya ay hindi rin. Kay Axer lang talaga.

Ilang beses pa siyang napakurap at bigla na lang niya itong niyakap.

"Let's go home. Alam kong pagod ka. Naglaba ka kanina, 'di ba?" Bahagya pa itong tumawa at mas lalo niyang nagustuhan ang tawa na 'yon. Kahit ang boses nito ay para nang musika sa pandinig niya.

"A-Axer..."

"Yes, sweetheart?"

Napapikit siya nang marinig ang endearment nito sa kanya. "I think... I'm—"

"You're tired? Kaya nga uuwi na tayo, baby. Mamaya mo na ako yakapin sa bahay kahit magdamag pa."

Marahan siyang kumalas dito at hindi na ipinagpatuloy ang dapat ay sasabihin. Siguro ay hindi pa iyon ang tamang oras para doon.

"Wait for me, sweetheart. Ako na ang magbabayad ng mga pinamili mo."

Tumango lang si Hillary at tumayo sa isang tabi habang pinapanood itong inilalagay ang mga pinamili nila sa counter.

Umarko ang isang kilay niya nang makita na nagpapa-cute ang cashier at ang bagger na babae kay Axer. Hindi niya alam kung bakit dinala siya ng mga paa niya papalapit sa mga ito. Basta ayaw niya sa nakikita.

Ipinulupot niya ang isang kamay sa braso ni Axer at bahagya pang idinikit ang katawan dito. He stiffened for a second pero ilang sandali lang ay hinawakan na rin nito ang kamay niya.

"Why, Hillary?"

Kumunot ang noo niya dahil tinawag siya nito sa first name niya. Por que ba may kaharap silang babae ay hindi na siya nito tatawaging sweetheart?

"Lahat po ba ito, Sir?" Halata naman na nagpapa-cute ang babaeng cashier sa boses pa lang nito nang tanungin si Axer.

"Obvious ba?" sarkastikong sagot niya. Bitchy mode siya ngayon.

She heard Axer chuckled. Lalong kumulo ang dugo niya nang kiming ngumiti ang babae kay Axer. She hated pa-cute and she hated this girl!

"Heto pa, Miss." Iniabot ni Axer ang naiwang feminine wash na hindi naisama o sinadyang hindi isama?

Mahigpit na ipinulupot ni Hillary ang kamay sa braso ng lalaki nang makita niyang nagdampi ang balat ng dalawa. Sasabunutan na niya talaga ang babaeng ito.

"Kasama po ito, Sir?" tanong pa ng babae na hawak ang malaking kulay-yellow na feminine wash na si Axer pa ang pumili. Sa tono ng tanong nito, parang ayaw kasing maniwala na kasama iyon sa pinamili.

"Yes, sa sweetheart ko 'yan," sagot ni Axer at kumindat pa sa kanya.

She gave the poor woman her smug face. Akala mo ipagpapalit ako ni Axer sa iyo? In your dreams! pang-aaway niya sa cashier sa isip niya.

"G-girlfriend n'yo, Sir?"

"She's my—"

"His wife!" putol niya sa sasabihin ng lalaki.

Namilog ang mga mata ni Axer nang tumingin sa kanya.

Matamis niya itong nginitian at kinurot ang pisngi nito. "Ang guwapo mo, sweetheart. Sana maging kamukha mo ang baby natin." She emphasized the word baby natin. Sinimangutan uli niya ang cashier na ngayon ay nakataas na ang kilay.

Alam niyang mamaya ay aasarin na naman siya nang todo ni Axer. That was fine. Ang mahalaga ay naipamukha niya sa mga nagpapa-cute dito na siya lang ang sweetheart nito.

Siya lang at wala nang iba!

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

6.3M 207K 55
Famous for her magnetic beauty, Tatianna attracts men without even trying--one of them being a Señorito from the powerful Guerrera family, a man will...
1.4K 187 32
Sa tradisyon nagsimula ang lahat.... Kasinungalingan Pangpapanggap At pagmamahal Kung sino man ang susuway sa tradisyon, dapat tanggapin na mayroong...
7.5M 364K 82
Carter Altaraza is lethal, skilled, and ruthless on the battlefield. But after the war, there are no warriors--there are only survivors. And then Ala...
4.2M 92.8K 24
Yvo Jorge Consunji's life turned black and gray when he got his heart broken. He is a Consunji and yet his heart is broken - that was a first and tha...