The Red Assassin

Bởi nicejan9single

26.1K 934 192

Si Cassandra Jane Santiago o mas kilala sa tawag na Cassie ay isang famous student sa school nila at isang ba... Xem Thêm

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Acknowledgement

Chapter 3

1.2K 44 8
Bởi nicejan9single

"The path to paradise begins in hell."- Dante Alighieri

Chapter III

"Bryan ako 'to." Rinig ko sa kanan kong tenga. Umaalog ako marahil malubak ang daan. Teka nga, umaandar?Unti unti kong binuka ang mata ko. Nahihilo pa rin ako parang may naamoy ako kanina na sobrang toxic ang amoy. Nag unat pa ko bago ko narealise na madilim na daan ang tinatahak ko. Tinignan ko ang katabi ko.

Si Coco.

At unti unti nang nanumbalik ang mga nangyare kanina. Sya ang nagchop chop sa Uchico na yon! Napakapit ako sa upuan ko habang tinignan nya ko habang gamit ang phone ko. "Oo papunta na ko dyan. Abangan nyo ko."

"San mo ko dadalhin!?" sigaw ko sa kanya.

"Hinahon ka lang Santiago baka putulin ko yang dila mo." Nasa daan pa rin ang tutok nito at di man lang tumingin sa akin. Tumingin tingin ako sa paligid. Binalot na kami ng dilim at 1:24 na ng hating gabi. Napalunok ako. Di ko alam na dito na pala matatapos ang buhay ko. Di ko man lang nakamit ang pangarap ko.

Hindi ko magawang umiyak. Matagal nang ubos yon at hindi na ko mag aaksaya pa na bumuhos ito. Kung ano man mangyare bahala na.

"Alam mo bang pinaka ayokong princess character?" sabi ko habang nakangiti nakatingin sa daan.

"Hindi ko alam at wala akong pake." Sagot naman nya pero di ko sya pinansin.

"Si Snow White. Alam mo kung bakit?"

"Tingin mo ba manghuhula ako para sagutin yang mga tanong mo?"

"Kasi dapat hinayaan na lang nya na makatulog sya habang buhay kasi kapag bukas ang mata mo papatayin ka ng realidad. Makakasalamuha mo mga plastic na tao. Mga taong tinulungan mo ng buong puso pero kahit kabaitan lang ang hinihingi mo pinagdadamot pa. Mga tinuturing mong bestfriend hindi pala mutual ang understanding, option ka lang pala. Minsan ka na nga lang magmamahal puro kasinungalingan lang pala ang sukli." Nakatingin ako sa bintana habang sinasabi iyon. "Masasaktan at masasaktan ka lang pero kailangan mong tangapin kasi yun ang realidad na hindi kagaya ng puso mo ang ibang tao."

"Ang drama mo naman." Napalingon ako sa kanya. Nakatutok pa rin ito sa daan. Bahagya nya ulit sinayod ang buhok nya gamit ang kanang kamay. "Hinalikan sya ng prinsipe di ba? Alam mo kung bakit?"

Tumungo ako habang tinitignan sya. "Kasi kailangan nyang magising ng tunay na pagmamahal."

"Mali." Napakunot ako sa sinabi nya. "hinalikan sya dahil alam kailangan ng letcheng Snow White na 'yan na magparami sila!" sabi nito sabay tawa.

Napasimangot ako sa sinabi nya akala ko naman seryoso ang sasabihin nya. May sabit talaga utak nito. Hindi ko na sya pinansin at tumingin na lang muli sa bintana. Nakita ko ang isang road sign nakalagay ay MB.

Biglang huminto ang sasakyan at lumabas si Coco para buksan ang pinto ko. "Bakit tayo tumigil?"

"Lumabas ka na lang." inip na sabi nito. Lumabas na ako. Dito nya ata ako chop chopin. Ang haggard ko na pala. Nakauniform pa rin ako at gulo gulo na ang buhok ko.

Maya maya pa ay bigla na lang may ilaw ng dal'wang motor ang paparating. Napatikip ako ng mata sa sinag. Nagpark ito sa harapan namin. Tumingin ito sa dayo namin habang si Coco ay nakasandal lang sa saksakyan ko at naka ekis ang balikat. Ang ganda talaga ng biceps nya.

Tumingin ulit ako sa dalwang sakay ng motor tinangal nila yung helmet nila.

Agad kong nakilala ang isang babae. Sya yung nasa mini stop! Which means kasama nya tong kambal nya. Teka anong kinalaman ni Coco sa kanila?

"Small world!" sigaw nung lalaki na silver ang buhok.

"Kilala nyo sya?" tanong ni Coco sa ganoong posisyon pa rin .

"Oo sya lang naman makapal ang mukha na tumingin sa'kin." Bangit naman nung mataray ang kilay kanina na nakaaway ko. Kapag minamalas ka nga naman oh!

Ngumisi ako sa kanya. "Mga mamatay tao pala kayo." Matapang kong sinabi sa kanila. Di na ko natatakot mamatay. "Patayin nyo na ako ano pang hinihintay nyo." Nakangisi pa rin ako. Ngumisi din naman yung pony tail.

"Your wish is my command." Biglang hinugot ng nakapony tail ang baril nya sa likod at agad na tinutok sa ulo ko. Nagulat ako oo! Grabe ang warfreak ng babaeng to. Napapigil ako ng hininga bigla! Napatayo ng straight si Coco at ganon din yung silver ang buhok.

"Do it now." Mata sa mata kong sinabi. Ngumiti muli ito.

"Juliet." Rinig kong sabi ni Coco na tumingin ito sa kanya. Lumapit ito sa Juliet ang pangalan. Juliet pala ang pangalan ng warfreak na ito. "Wala ng dahilan para pagsalitain ang babaeng 'to." Sabi ni Juliet na mukhang kating kati na pindutin ang gatilyo.

"Hey sis take it easy!" pigil nung silver ang buhok.

"We know the rules Bryan." Sagot nya doon. Okay yung silver ang buhok Bryan ang pangalan. Nakatutok pa rin sakin ang baril. "kapag may naka alam kung sino tayo. Kalabit agad ang gatilyo." Malamig na sinabi nito.

"Mamatay tao." Matigas kong sinabi sa kanya. "Gawin nyo na nasasayang na-"

"Tumahimik ka na." maotoridad na utos sakin ni Coco. Tumingin si Coco kay Juliet at hinawakan ang baril. Nasa harap ko ngayon si Coco nakikita ko ang matipuno nitong likod.

"Don't stop me. Pagnalaman yan ni General mamatay ka. Dawit kami ni Bryan."

"This girl saved my life." Napatingin ako sinabi nya. Miski yung Bryan at Juliet ay di mapaniwala sa sinasabi nito. "I owe her my life."

"Anong balak mo ba sa kanya?" tanong ni Bryan na tumingin sa likod ko. "Hindi natin masisiguradong hindi sya magsasalita kapag pinakawalan natin?"

Hinawakan na ni Coco ang baril at binaba ito. "Isasama ko sya."

"What!?" sigaw ng kambal. Nagtataka rin ako sa sinasabi nya san nya ko isasama?

"You can't do that." Iling ni Juliet na mukhang stress sa sinabi ni Coco.

"Ow! Posible yon. Pwede natin syang gawing isang participants sabihin lang natin na gustong gusto nya maging assassin!" hyper na sabi ni Bryan.

"That's what I think." Sabi naman ni Coco. Teka teka, I process ko lang saglit. Assassin?

"Mga hibang na ba kayo?" pagpigil ni Juliet. "Isang kilabit lang ng baril tapos ang problema natin!" frustrated na sabi ni Juliet. Nalilito na ko sa kanila.

"Tama na Juliet. Stop acting like a bitch." This time malamig na tingin ni Coco kay Juliet na kahit di pahalata ni Juliet ay napalunok din sya.

"Okay fine." Pagsuko nito.

Humarap naman sakin si Coco. "Makinig ka sakin Santiago. Kung gusto mo pa mabuhay sumunod ka sa sabihin ko. Magiging participants ka sa gaganapin na tournament. At sasabihin mong gustong gusto mo maging assassin. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Kumunot ang noo ko. Pero bago ko pa sabihin ang gusto kong sabihin bigla na lang nag black out muli ang paningin ko.

***

Lagi na lang ba ako magblablack out? Minulat ko muli ang mga mata ko pero di gaya kanina isang putting kisame ang sumalubong sakin. Napatayo ako kahit nahihilo pa ko. Nasa kama ako.

"Gising ka na." napalingon ako sa kanan bahagi ko. Nakita ko ang isang matandang lalaki. May balbas ito at nakangiti ang hugis ng mata.

"Sino ka?" nakasuot sya ng itim na long jacket.

"Ako si Priston, isa akong doctor dito. Tamang tama gising ka na. Nag aasembly na yung ibang participants sa lobby."

"Participants? Saan po?"

"Hindi ba ikaw ang trainee ni Vincent"

"Vincent? Sino po 'yon?" tila kumunot ang noo ni Lolo Priston. Bigla ko naalala ang malalamig na mata ni Coco bago ako mawalan ng malay. Nabangit nya ito.

"Suotin mo ito Miss Santiago." Inabot nya sa akin ang isang black na sando at isang leather pants. "Salamat po pero tawagin nyo na lang po akong Cassie." Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti naman ito pabalik. Ang amo ng mukha nya. Nilagay nya sa likod ang dal'wa nitong kamay. Kamukha nya si Master Buten ng Dragon Ball.

"Goodluck Cassie. Sana manalo ka sa competition." Isang ngiti ulit ang pinakawala nito at saka na sya umalis.

Naalala ko na. Gusto ako pasalihin ni Coco sa competition na ito para maging assassin para di nila ako patayin. Pero hindi pwede 'to paano na ang pangarap kong mag model?

Bago pa ko lunurin ng masasamang thoughts nagbihis na ko. Kasyang kasya sakin ang black leather pants at sandong ito na mukhang pang practice. Kinuha ko rin ang isang lastik at tinali ang buhok ko.

Binuksan ko yung pinto at sumilip. Walang tao kaya lumabas na ko. Isang mahabang hallway ang tumambad sakin. Mukhang maraming pasikot sikot dito. Nasan ba ako dinala ni Coco?

"Yow!" isang boses sa likuran ko ang umalingaw ngaw. Tumingin ako don at nakita ko ang pamilyar na mukha si Bryan. Nakangiti ito sakin. Nakasuot din ito ng kagaya ng sakin. Hapit sa katawan nya yung black t shirt na parang babakat na yung abs nya. May biceps din ito pero mas maganda ang hubog ng kay Coco. Di katulad ng una naming pagkikita maayos na nyang nasuklay ang silver nyang buhok.

"Ikaw si Bryan hindi ba?" takang tanong ko sa kanya.

Nilagay nito ang dalwa nitong kamay sa bewang nya. "Ako nga. Hindi ko pala napakilala ang sarili ko ng maayos. Ako si Bryan Eleanor at yung tumutok sayo ng baril si Juliet ang kambal ko. Identical twin kami kaya di kami magkamukha." Malumanay nito sabi. Unlike kila Coco at Juliet masasabi kong mas okay ang aura nya kesa sa dalwang warfreak na 'yon. "Halika na. Inaantay ka na sa lobby."

Sumama na ko sa paglalakad sa kanya may katangkaran din ito pero mas matangkad ata si Coco. "Nasan ba talaga ako?"

"Nasa Mortal Brigade Institute ka. Sa narinig mo kagabi kuta to ng mga assassin. Bago ka pa magtanong uli di kami kagaya ng assassin na iniisip mo. Ang mga kinitilan lang naming ay masasamang tao." Paliwanag nya. Habang naglalakad kami ang daming kwarto hindi ba sila nalilito dito.

"Pero di naman kailangan mag chop chop ng tao." Pangatwiran ko sa kanya. Napatingin naman sya sa akin.

Ngumiti ito bahagya kaya nakita ang dimple nito sa kanan nyang pisngi. "Tingin ko si Vincent na dapat magpaliwanag niyan sayo."

"Huh? Sino si Vincent?" bago pa nya masagot ang katanungan ko ay napunton na ang atensyon ko sa maingay na nagkukumpulan sa isang lobby. I scanned their faces and I swear to myself it will be not easy. Ano ba tong pinasok ko?

Mga 15 na tao ang kamukha ng damit ko lahat sila may mga hawak na patalim o kung ano man tawag don. Mukha silang makikipagpatayan.

"Si-sino sila?" bulol na tanong ko kay Bryan.

"Sila lang naman makakalaban mo."

"Huh?!" kulang na lang talaga lumuwa ang mata ko. Tumigil lang silang lahat ng pumalakpak si Bryan. At laking gulat ko na humanay sila sa harap.

"In a week magsisimula na ang tunay na laban. Lahat kayo ay natrain na ng halos gusto ko magfocus pa kayo ng mas mabuti at bago pa magsimula ang competition. May bago tayong salta si Cassie Santiago." Tumingin sila sakin. Sinubukan kong ngumiti pero di ko magawa. Para kasi nila akong kakainin.

"Gustong gusto nyang maging Assassin kaya sya nandito. Di ba Cassie?" gustong gusto? The hell yah think bro! Mas gusto ko pa ata mamatay kesa pumatay. Nasan na ba si Coco.

"Di ba Santiago?" tanong mula sa likuran ko. Napalingon ako. Nakasuot sya ng puting mahabang jacket. Mukha syang leader. Malinis na rin ang mukha nito. Kitang kita din sa suot nya ang kakisigan nya tapos yung biceps nya din kitang kita.

"Coco Martin!" tawag ko sa kanya. Bigla naman akong nagulat nang biglang tumawa yung mga kasamahan ko daw. Kumunot ang noo ko.

"Bakit sila tumatawa?" tanong ko kay Bryan na nakangisi din. "Hindi mo ba sinabi ang totoo mong pangalan?" matawa tawang tanong ni Bryan kay Coco. Pero seryoso lang ang mukha nito.

Nang nakalapit na si Coco ay biglang sumaludo yung mga participants. "Good morning Sir Vincent Morgan!"

Mouth dropping moment for me. What the? Vincent Morgan?

"Yes, tama ang nasa isip mo. Hindi Coco Martin ang pangalan ko. I'm Vincent Morgan." Ngumiting aso ako at napailing. Ilang araw kong tinawag sa utak ko Coco ang name nya?

Then suddenly out of the basket everyone's calling him Vincent Morgan?

"Simula ngayon mag practice ka na. Dahil sa loob ng dalwang araw magsisimula na ang kompetisyon naiintindihan mo ba?" tumungo lang ako sa sinabi nya.

Iniwan na rin nya ako at naiwan ako sa mga taong to. Hati ang bilang ng lalaki at babae. Mga busy sila at halatang ayaw magpa istorbo kaya napaupo na lang ako sa isang tabi. I was surely in hell right now.

"Napilitan ka lang din no?" isang babae ang nasa harapan ko ngayon. May pagkamorena ito at maliit ng konti sakin. Umupo ito sa tabi ko. "Wag ka mag aalala dinala din ako ni Morgan dito para iligtas daw ako." Paliwanag nya habang nakatingin sa mga iba pang participants. Likas na ba talaga kay Coco este langyang Vincent na yan ang magrecrute? "Nakita ko sya dati na may pinapatay. Akala ko papatayin din nya ako pero sinabi nyang hindi nya ko mapapatay kung sasali ako sa Devil Game."

"Devil Game?"

Bahagya itong tumawa na parang natatawa ito sa kamangmangan ko. "Ito sinasalihan mo. Ang tawag dito ay Devil Game." Langya pwede magmura?

"Pagkatapos ng dal'wang araw. Dadalhin tayo sa Survival Mountain kung saan magpapaunahan tayong makuha ang flag sa mountain peak. Ang manalo itatanghal ng The Red Assassin."

"Red? Bakit Red? I mean pwede naman blue or white?"

"Mejo comedian ka rin no? Red ibig sabihin halos handa nyang patayin ang lahat para lang manalo kahit magkalat pa ang dugo nya sa kamay nya. Syempre para wala kang kaagaw kailangan mong pumatay makuha ang flag. Red is power." Napalunok ako sa paliwanag nya.

Ano ba 'tong pinasok ko?

Matapos ang paguusap naming na ang pangalan nya pala ay Ruby. Agad akong tumungo sa lungga ko. Maliit lang ito kumpara sa condo ko. Napaupo ako at naisapo ko ang dalwa kong kamay sa mukha. Ano to? Ano tong nangyayare sakin? Hindi pwede mangyare sakin to. Hindi.. hindi..

Biglang bumukas ang pinto ko at tumambad sa harap ko ang mukha ng hinayupak na walangya na nagdala sakin dito. Agad nyang sinara ang pinto.

"Hayop ka." Agad ko syang binato ng suntok sa dibdib nya. "Hayop ka! Hayop ka!" patuloy pa rin ang hampas ko hangang sa hinawakan na nya ang dal'wang braso ko pero di pa rin ako nagpaawat. "Ilabas mo ko dito!" galit nag alit ang itsura ko.

"Huminahon ka nga!" sigaw nya sakin na hiniga nya ko sa kama at hawak pa rin nya ang dalwa kong braso at nasa ibabaw ko. "I did this to help you to be out of death!"

"Kung ganito lang naman ang tulong na ibibigay mo pinatay mo na lang sana ako!"

"Sira ka na ba? Pag nanalo ka dito pwede ka na bumalik sa buhay mo dati."

"Tanga ka ba? Tignan mo nga yung mga nasa lobby kanina tingin mo ba maililigtas ko sarili ko sa kanila?" wala na tumulo na ang luha ko.

"Then kill them!"

"Ni ipis nga di ko mapatay tao pa kaya? Don't ever treat me like I was a devil like you." Bigla syang tumayo mula sa pagkakahiga namin. Bumangon din ako. Nakatayo sya habang nakaupo ako. Sinayod nya ulit ang kanan nyang kamay sa buhok nya. Humarap ito sa akin. He already was biting his red lips.

"The only thing to survive in this battle is not to trust anyone." Humarap na ito sa pinto at hawak na ang door knob. "Make friends but don't trust."

"Please nagmamakaawa ako sayo. Ayoko dito."

Binuksan nya ang pinto at nasa labas na ito. "Survive."

Yun na ang huling nyang sinabi sakin bago isara ang pinto. Napailing ako. Humiga na lang ako at tumingin sa kawalan. Makakaligtas ba ako dito? Ganon na lang ba katigas ang puso nya?



Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

966K 28.4K 46
anong gagawin mo kung magkagusto sayo ang kinatatakutan ng lahat? paano kung gawin nya ang lahat para maangkin at makuha ka magpapakuha ka ba?! kung...
629K 14.9K 100
A Heartless Assassin that has a Mission to Protect the Sole Heir of the Johnsons no matter what. Little did she knew that there is more to her Missio...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
MOON Bởi Maxine Lat

Hành động

20.5M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...