If we fall in-luv

By SirIncredible

26.1K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 41

380 0 0
By SirIncredible

Lunes ng umaga.







Nabalot ng iba-ibang kulay ang buong unibersidad. Maraming nagkalat na lobo, mga confetti na ginawa sa gupit na papel de hapon, mga sumbrerong karton, iba-ibang maskarang may glitters, clowns, jogglers, acrobatics! Pati ang ilang mga bata na may dalang torotot at palobong mula sa tinunaw na JOY dishwashing liquid ay aliw na aliw sa natatanging selebrasyon sa lugar. Ang mga estudyanteng sasali sa Choir Competition ay nagkaroon ng huling pag-eensayo sa kani-kanilang classroom.

 Ang mga kalahok naman sa Sayawan at Aktingan ay magiliw na inihahanda ang kanilang mga gagamiting props at damit. Mayroon ding booth ang 'Student Government' na nagbibigay ng mga papel para sa mga kandidato sa halalan na magaganap ilang araw pagkatapos ng kasiyahan. Ang mga guro naman ay puro abala rin bukod sa kanilang gagawing 'Teachers Party' ay may mga dadalong bisita mula sa labas ng unibersidad kung kaya't mabilis nilang nilalagyan ng disenyo katulong ang mga piling mag-aaral ang bawat College Booth. 

Maraming nakapark na sasakyan... mga nagpapasa ng mga assignments o projects... mga nagpupulong na organisasyon... mga nagkalat na guwardiya at medic... mga magkakasintahan... at samu't saring media na nagcocover ng 'University Week' ng isa sa mga kinikilalang pamantasan sa buong Asya.

Siyempre, kasabay ng anibersaryo ng naturang unibersidad ay ang palakasan na itinatanghal ang pinakamahuhusay sa kani-kanilang larangan. Ang 'Sports Fest' na sisimulan isang araw pagkatapos ng 'Opening Ceremony' ay ang pinaka-highlight ng selebrasyon. Binubuo ito ng dalawampung events mula sa iba't ibang kolehiyo at ilang ekshibisyon mula naman sa mga alumnus nito. Kabilang sa kinatawan ng 'College of Science, Research and Studies' ang pinsan ni Janice sa TABLE TENNIS DOUBLES na nag-eensayo sa isang P.E. Room na hindi kalayuan sa punong simbahan ng eskuwelahan.


"Pre! Huwag kang masyadong kabahan... Nandito naman ako eh!", banggit ni Alvin na ka-partner ni Leo sa laro

"Oo naman... ikaw pa!", sabi ni Leo na takagtak na ang pawis habang hawak ang raketa at pumapalo ng pingpong sa katapat na kaibigan, "Tiwala naman ako sa'yo na ngayong taon eh sa College na natin mapupunta ang gintong tropeo!"

"Haha! Sinabi mo pa!", banggit ni Alvin sabay ng malakas na hampas ng bola na didiretso sa gilid ng tenga ni Leo na hindi matatamaan ng hawak na raketa

"Out!!!", sigaw ni Leo na mapapatingin din ang iba pang mga kalahok na nag-eensayo sa kani-kanilang lamesa, "Pre naman eh! Nawala ka na naman sa control... Last na iyan ah!"

"Sorry Pre!", hingal na banggit ni Alvin, "Masyado kasing malambot itong hawak ko... palit nga tayo!"


Ibibigay ni Leo ang hawak na paddle at pupunta sa water area para uminom ng isang basong malamig na malamig na tubig. Pagkatapos maubos ang isang baso ay pupunuin niya muli ito nang biglang magri-ring ang dalang cellphone at didiretso sa lamesa nila ng ka-partner.

"Oh! Tubig... pahinga muna tayo!", sabi ni Leo na ibibigay ang baso kay Alvin

"Wow! Salamat...", banggit ni Alvin sabay lapag ng raketa sa mesa at pupuntahan sa gilid si Leo. Huhubarin ni Leo ang nabasang sando at ilalapag sa balikat habang nakaupo sa sahig malapit sa dingding. Kukunin nito ang nag-ring na cellphone sa kanang bulsa ng suot na short.

"Ay... nakakapagod!", sabi ni Leo

"Eh isa't kalahating oras ka ba namang pumalu-palo eh! Sino kayang hindi mapapagod doon!", komik na mukhang banggit ni Alvin na mapapansing seryoso sa pagbabasa ng text message ang kaibigan, "Teka... teka, textmate na kayo ni Karen nuh! Alam ba ito ni Virgo loves mo?!"

Kukunin ni Leo ang nakasabit na sando at ihahampas sa ulo ng kausap. "Oy!"

"Aray naman Pre! Ito... masyadong defensive!", dagdag ni Alvin

"Si Virgo ang nag-message sa akin oh!", sabi ni Leo na ipapakita pa sa kaibigan ang nabasa sa cellphone

"Sorry... eh iba kasi yung reaksiyon mo kapag si Virgo ang nagtetext sa iyo eh! Yung tipong nagniningning ang mga mata mo at walang ka-sign sign na may Chinito Problems ka!"

"Utot mo! Chinito Problems... kakabad trip lang kasi!"

"Bakit? Torn Between two Lovers ba ang peg mo?!"

Ihahampas sana ulit ni Leo ang sando nang biglang magsasalita ng "Joke Lang!" si Alvin sa kanya.

"Pinapapunta ko kasi siya rito sa praktis natin ngayon eh kaso magluluto pa raw sila before lunch para sa mga visitors ng College nila. Tapos nung mini-missed call ko, cannot be reached na! Pinatayan pa ata ako ng phone! Bwisit!"

"Ayan... iniistorbo mo pa kasi sa pag-aaral yung tao! Alam mo namang siya ang pinakamasarap sa klase nila eh!", banggit ni Alvin

"Ano???", pagtatakang sabi ni Leo

"Ah... I mean! pinakamasarap magluto at makisama!", dagdag ni Alvin na kinabahan na tatanguhin naman ng kausap, "Tsaka... University Week naman eh!"

"Yun na nga Pre! Dapat happy happy lang ang lahat at hindi yung ganitong aral-aral pa rin! Bakit kasi hindi na lang kumuha yung propesor niya ng chef sa labas para magluto sa mga guest nila! Bad trip talaga!", pag-inis ni Leo na masisipa pa ang paa ng lamesa nila

Tatapusin ni Alvin ang iniinom na tubig at magwiwika, "Para saan pa't nandiyan naman si Karen munchkins mo?"

"Karen! Karen! Puro ka Karen!", sabi ni Leo sabay tago ng cellphone sa bulsa, "Siguro ikaw yung may gusto dun noh! Tsaka kinuha lang naman nun number ko para nga raw itext siya kung kailan yung laban ng College natin sa SportsFest at maibalita niya sa publication!"

"Well, yun ang alam mo... Pero, may something sa pagbibigay-bigay ng donuts nun sa iyo eh! Parang yung Chemistry eh..."


Kukunin ni Leo ang sando at malakas na hahampasin si Alvin sa kaliwang balikat, "Gago!", sagot ni Leo, "Ikaw lang naman umuubos ng mga binibigay nun sa akin tsaka tama na yung hanggang classmate lang turingan namin!"

Mula sa pinto ay may papuntang babae sa lamesa nila Leo na may hawak na papel at ID na PRESS.

"Classmate!!!", sigaw ng magandang babae na lalapit sa dalawa na susundan ng isa pang babaeng may naka-kuwintas na NIKON Camera at may bitbit na karton.

"Oh! Karen... kumusta na!", bungad ni Alvin na hinihilot ang nasaktan na braso

"Eto... cute pa rin! Ikaw Lee...Yoh!", maharot na sambit ng babae

"O... okay lang din! Kakapagod nga eh!", sabi ng naka-topless na binata


Papalakpak si Karen at magwiwika, "Tamang tama! Dumaan ako sa mall kanina para ibigay itong munchkins sa'yo! Enjoy..."

"Wow... Maraming Salamat!", nakangiting sabi ni Leo na kinuha ang binigay ng dalaga galing sa kasama habang naglalaway sa tabi si Alvin

"Uhm... Siyanga pala! Pinsan mo yung babaeng nakipag-interview kay Dean last week nuh! That Janice... Behosano!?", sambit ni Karen na nakatitig sa mukha ni Leo

"Oo! Nagkakilala na pala kayo!", banggit ni Leo

"Yes! may isa pa siyang press na kasamang babae and they are looking for Ma'am Torecillo... Sayang nga lang at hindi nila matiyempuhan yung schedule ni Ma'am kaya sabi ko text na lang kita kapag nakausap ko na si Ma'am! Kaya kinuha ko na rin number mo"

"Oh... Ganun ba?", banggit ni Leo

"Sayang nga kasi... short time lang ang nangyari sa pag-uusap namin sa Publication Office eh pero I totally enjoyed it! She's so pretty ah..."

"Oh... Ganun ba?", banggit ni Alvin na tatahimik nang lingunin ni Leo
Titingin sa relos ang babaeng kasama ni Karen at bubulong ito sa tainga, "Okay!"

"So... Classmates! Good luck tomorrow ah!", sambit ni Karen sa dalawa na bebeso sa mukha ni Alvin at yayakap naman ng matagal sa maputing si Leo

"Ah... Karen...", pagpigil ng binata sa pagkakayakap ni Karen sa kanya

"Oops! Sorry... Ang bango mo pa rin kahit pinagpapawisan ka na! Ahm... just send my regards to your cousin and accept niya na lang friend request ko sa FB ah! Bye!!!", sambit ni Karen at magpa-flying kiss bago lumisan sa kuwarto

Iiwanan ng titig ni Alvin ang nakatalikod na dalaga at magwiwika, "Pre... kung ayaw mo sa kanya, pwede akin na lang si Pretty Munchkin?"

Itatapat ni Leo ang karton ng doughnut sa mukha ng kaibigan at magwiwika, "Oh! munchkins mo! Edi inamin mo ring trip mo yang EIC na iyan!"

Kukunin ni Alvin ang donuts at bubuksan. Susuutin muli ni Leo ang hinubad na damit at babalik sa lamesa upang magsanay sa 'penhold grip' at smash sa dingding. Maiiwang kumakain ang kaibigan sa tabi... "Saraaaaap!"



Sa Broadcasting Company. Nagkaroon na muli ng shifting sa mga staffs... May sampung staff ang napiling magpanggabi para sa ilang urgent works at printing programs. Kasama na rito si Mya na nagmomonitor ng mga artikulong inilalabas at inihahanda ng mga writer. Ang kadalasang oras para sa break ay ala-una ng madaling araw upang ang iba ay makapag-unat unat ng ilang minuto, makaidlip, at makainom ng kape pampagising sa trabaho. Nagbaon na lamang ng biskuwit si Mya sa kanyang cubicle upang masolo ang opisina habang break time. Maaalala niya ang nakuhang CD mula sa table ng Manager at kukunin ito sa drawer. Bubuksan niya ang CD Drive ng CPU at i-oopen ang mga file na naka-save sa naturang CD. Isang word document ang tumambad sa kanya ng three-paged Summary Report ni Janice na may mga pictures at related articles na kasama sa labas ng folder. Mabilis niyang ini-scan ang mga salitang binanggit ni Janice sa draft kabilang ang mga pangalan ng tao hanggang umabot siya sa pinakahuling parte na ang nakalagay:


CONFIDENTIAL DOCUMENTS AND INTERVIEWS TO BE FOLLOWED











Nang i-click ni Mya ang BACK button ay may makikita siyang Jpeg file ng isang kriminal. Kinakabahang pinindot ng babae ang image upang makita nang full screen at magugulat sa mapapansin. AAAH! Lalapit pa siya sa monitor upang lalong makita ang itsura ng tao nang biglang magriring ang kanyang cellphone. AAAH! Kinuha niya ang cellphone at tinignan ang screen:


LEADER is calling you...........................

Continue Reading

You'll Also Like

41.1M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...