Among the Dead #Wattys2016

By Yllianna

37K 673 216

Choose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mu... More

Among the Dead
⇜Prologue⇝
⇜CHAPTER 1⇝
⇜CHAPTER 2⇝
⇜CHAPTER 3⇝
⇜CHAPTER 4⇝
⇜CHAPTER 5⇝
⇜CHAPTER 6⇝
⇜CHAPTER 7⇝
⇜CHAPTER 8⇝
⇜CHAPTER 9⇝
⇜CHAPTER 10⇝
⇜CHAPTER 11⇝
⇜CHAPTER 12⇝
⇜CHAPTER 13⇝
⇜CHAPTER 14⇝
⇜CHAPTER 15⇝
⇜CHAPTER 16⇝
⇜CHAPTER 17⇝
⇜CHAPTER 18⇝ PART 1
⇜CHAPTER 18⇝ PART 2
⇜CHAPTER 19⇝
⇜CHAPTER 20⇝
⇜CHAPTER 21⇝
⇜CHAPTER 22⇝
⇜CHAPTER 23⇝
⇜CHAPTER 24⇝
⇜CHAPTER 25⇝
⇜CHAPTER 26⇝
⇜CHAPTER 27⇝
⇜CHAPTER 28⇝
⇜CHAPTER 29⇝
⇜CHAPTER 30⇝
⇜CHAPTER 31⇝
⇜CHAPTER 32⇝
⇜CHAPTER 34⇝
⇜CHAPTER 35⇝
⇜CHAPTER 36⇝
⇜CHAPTER 37⇝

⇜CHAPTER 33⇝

225 8 0
By Yllianna

Sinenyasan ni Maeda ang kaharap na sumugod gamit ang hintuturo. Saglit lang nag-alinlangan ang babae bago nito itinaas ang sandata, isang patpat na nagsisilbing kutsilyo, at tinakbo ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Madaling nakaiwas si Maeda. Binayo niya ang kalaban sa likod malapit sa batok, sapat lamang upang bumagsak ito, saka niya kunwaring sinaksak ang dalaga sa ulo para ipakita ang tamang pag-atake at pagpatay sa isang biter.

"Mukhang nabasa ni Maeda ang nasa isip mo," sabi ni Haru habang pinapanood ang dalaga sa ginagawa. Napangiwi siya nang sipain ni Maeda ang lalaking umatake dito at itinulak naman ang isang lalaking mas maliit at mas bata sa babae. "At least hindi na natin iintindihin ang pagte-train sa mga residente ng mansiyon."

"Tena," ang tanging sagot ni Kenji saka ito naunang kumilos papunta sa harap ng bahay. Agad sumunod si Haru.

"Sasabihin ba natin sa kanila?" tanong ni Haru habang malalaki ang mga hakbang. Umiling si Kenji.

"Magpa-panic lang ang lahat kapag nalaman nila. Kailangang maging maingat tayo sa pagpa-plano nito. Walang dapat makaalam bukod sa mga isasama natin sa labas at sa mga bantay sa gate."

"Alam ko kung sino ang mga dapat nating isama, kung ganoon."

"Sige. Tipunin mo ang mga sinasabi mong tao. Magkita tayo sa gate," sabi ni Kenji saka ito bahagyang lumihis patungo sa kanan, habang lumihis naman si Haru patungo sa kaliwa. "Oo nga pala, Haru," dagdag ni Kenji nang may maalala, na siyang nakapagpalingon sa tinawag. Patalikod itong naglakad habang hinihintay ang sasabihin niya. "Hindi na ito dapat malaman ni Ren."

Tumango lang si Haru bago ito muling tumalikod at tuluyan silang naghiwalay. Nagdiretso si Kenji patungo sa gate. Nang mabungaran niya ang pakay na lugar ay nakita niyang napansin agad siya ni Ricky nang umikot ito sa pwesto. Tinapik nito ang katabi at itinuro siya. Humarap din ang isa pang bantay nang mapunang may nakapukaw sa kanilang pansin. Bago pa man siya tuluyang makalapit ay bumaba na ang mga ito mula sa tinutuntungan. Parang nahulaan ng mga lalaki na may importante siyang pakay.

"Kailangan ko ang tulong ninyo," sabi niya matapos matamang tingnan ang bawat kaharap. "Makakaasa ba ako sa inyo?"

Saglit na hindi nakasagot ang mga tinanong.

"Ano ba'ng gusto mong gawin namin?" tanong ng katabi ni Ricky. Isinukbit nito sa malapad na balikat ang mahabang baril na siya nitong hawak tuwing magbabantay.

"May mga biters sa labas ng bakod," panimula niya. Bumakas ang pagkabigla at pag-aalala sa mukha ng mga kausap. "Hindi ko alam kung gaano sila karami ngunit sa tingin ko, mas mabuting maliit na grupo lang ang isama ko para ayusin ang problema sa labas. Mas madaling makakalapit ang grupo nang hindi mapapansin ng biters."

Tumangu-tango si Ricky.

"Sneak attack. Ayos 'yan."

"Pero ang bawat isa sa grupong sasama sa planong ito ay dapat na marunong makipaglaban. Marunong pumatay ng patay. At marunong tumakas kung magkaroon man ng problema sa plano," patuloy ni Kenji. "Nangangalap ng ilang tao si Haru para sumama sa amin. Kailangan ko ang isa sa inyo at ang dalawa ay mananatiling tagabantay para masigurong walang makakalapit sa gate. Isa pa, kailangan ko ng mapagkakatiwalaan dito na siyang maninigurong hindi makakarating sa mga tao ang nangyayari sa labas."

"Sasama ako sa grupo mo, Kenji," determinadong sabi ng lalaking may sukbit na armas sa balikat.

"Makakaasa ka na walang malalaman ang mga tao," sabi ni Ricky.

Tumangu-tango si Kenji bilang sagot.

"Kenji," tawag ni Haru sa kaniya. Papalapit ito kasama ang dalawang lalaki at isang babae. May nakasukbit na baril sa bewang ng huli. Balingkinitan ang dalaga ngunit sa porma ng pangangatawan nito ay mukhang sanay makipaglaban. Nang huminto ito at ang mga kasama sa tapat nina Kenji ay nameywang ang dalaga. Kita sa hugis ng mga braso ng dilag na hindi ito ang tipong magmamakaawang may tumulong dito para makaligtas sa isang biter. Kaya nitong ipagtanggol ang sarili.

"May problema ba?" taas ang kilay na tanong nito na siyang nakapukaw ng atensyon ni Kenji mula sa pagmamasid sa dalaga. "Kanina mo pa 'ko kinikilatis ah. Wag kang mag-alala, hindi ako magiging pabigat sa grupo."

"Ah...hindi. Hindi iyon ang iniisip ko," tanggi niya. Lalo lang tumaas ang kilay ng babae habang diretsong nakatingin sa kaniya. Para nitong sinasabing hindi siya magaling magsinungaling. Tumuwid ng tayo si Kenji. Bahagya pa siyang pumihit sa kaliwa para tuluyang harapin ang babae.

"Iyang baril sa bewang mo," sabi niya na bahagyang tinanguan ang nakatagong armas bilang pagtukoy doon. "'Yan lang ba ang sandatang dadalin mo?"

Hindi agad sumagot ang tinanong. Ngunit makalipas lang ang ilang sandali ay umukit ang isang aroganteng ngiti sa gilid ng mga labi nito. Hindi inaalis ang mga mata sa kaniya, dinala nito ang kamay sa likod at dinukot ang isang bagay na nakatago sa likod, saka ipinakita iyon sa kaniya. Isang patalim. Matulis na matulis ang dulo. Hindi tulad ng karaniwan, may pinturang itim ang patalim maliban sa matalas na gilid niyon. Kaya hindi kaagad kakalawangin kahit paulit-ulit mang gamitin.

Napangiti si Kenji.

"Nice."

Tumangu-tango ang babae habang hindi naaalis ang animo ngisi nito. Itinago nitong muli ang patalim.

"Si Glen. Glenda, pero kung umasta parang Glen. Kaya Glen ang tawag namin dyan," pakilala ni Haru sa dalaga. Walang ingat na hinampas ito ni Glen sa likod. Halos nagmistulang dinagukan nito si Haru. Napahakbang pa ang binata ngunit matapos makabawi ay tumawa lang.

"Hindi ako tibo!"

"Astang tibo lang," singit ni Ricky saka nagtawanan ang mga lalaki. Naitirik ni Glen ang mga mata bago muling binalingan si Kenji.

"Ano'ng plano?"

***☼***

"Wag kang basta sumugod nang walang tiyak na target," bakas sa tinig ang inis na sabi ni Maeda sa binatilyong sumugod sa kaniya. Humihingal ito habang nakasalampak sa lupa at hindi makatingin nang diretso sa kaniya.

"May target naman ako eh," sagot nito.

"Ano? Yung braso ko?"

"Yung puso mo."

Nagtaas ng kilay si Maeda.

"Hindi ba importanteng parte ng katawan ang puso? Kung doon ko matatamaan ang biter, mapapatumba ko iyon."

"Mapapatumba mo, oo. Pero hindi iyon mamamatay."

Nagkatinginan ang lahat dahil sa kaniyang sinabi.

"Saksakin nyo man ang puso ng isang patay ay paulit-ulit pa rin iyong tatayo. Utak ang magpapabagsak sa isang biter. Pag na-injure ang kanilang utak, hindi na sila babangong muli. Iyon ang kanilang kamatayan. Kaya ulo ang dapat ninyong target," paliwanag ni Maeda. Siniguro niyang nasalubong ang mga mata ng bawat tinuturuan.

"Paano namin mapa-practice iyon, Maeda?" kunot ang noong tanong ng isang dalagang matanda marahil ng ilang taon sa kaniya.

Luminga siya. Huminto ang kaniyang mga mata sa isang binatang halos kaedad niya ngunit di hamak na matangkad. Sa isip niya, kasing taas marahil ito ni Kenji. Ngunit hindi tulad ng huli, namumutok ang braso nito sa muscle.

"Ikaw. Sumandal ka doon sa puno," walang pag-aalinlangan niyang utos sa binata.

Bahagyang umawang ang bibig nito saka napatingin saglit sa katabi at muling ibinaling ang tingin sa kaniya. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito, gayon din sa mga katabi.

"May galit ka ba sa 'kin?" tanong ng binata. Hindi ikinubli ng tinig nito ang di pagkagusto sa inutos niya.

"Maeda," singit ng isang dalagita. "Hindi naman yata tamang isa sa atin ang pagpraktisan natin. Masyadong delikado."

Mahinang tumawa si Maeda. Iyong tawang hindi dahil natutuwa siya kungdi tawang nagsasabing ang tanga ng kaniyang mga kausap.

"Hindi natin siya pagpapraktisan. Gagamitin lang natin ang taas niya para markahan ang bahagi ng puno kung saan tatapat ang kaniyang ulo. Yung height niya, mahigit kumulang, ay katulad ng maraming biters na nakasagupa namin sa labas. Kung magpapraktis kayong sumaksak gamit ang taas niya, sa palagay ko ay mas malapit ang magiging karanasan ninyo dito sa training sa tunay na mararanasan ninyo pag totoong biter na ang kaharap ninyo."

Napatangu-tango ang ilan sa kaniyang paliwanag habang ang iba naman ay nanatiling tahimik. Ngunit alam niyang kumbinsido ang mga ito na tama ang pamamaraang gusto niyang subukan ng mga ito.

"Biter," baling niya sa binata. "Handa ka na ba ngayong paunlakan kami?"

He smirked. Tanda na nabasa nito ang kaniyang pasaring. Ngunit kumilos din ito papunta sa punong nakatayo ilang dipa sa kaniyang likod.

"Harry," sabi nito nang mapatapat sa kaniya. Hindi siya nito tiningnan at diretso lang naglakad sa puno. Sumunod ng tingin si Maeda sa binata. Sumandal ito sa puno at animo naghihintay sa kaniyang gagawin o susunod na utos.

"Mas gusto ko na Biter ang itawag sa'yo," sagot niya saka siya lumapit sa binata. Tumigil siya sa tapat mismo nito. Kinailangan niyang tumingala dahil sa malaking agwat ng kanilang taas, ngunit balewala iyon sa kaniya. Hindi siya nai-intimidate ng taas nito o laki ng pangangatawan. Inilabas niya ang sariling patalim mula sa suksukan niyon at itinaas sa tapat ng dibdib ng kaharap habang diretsong nakatitig sa lalaki. Nagbaba si Harry ng tingin para salubungin ang mga titig niya. Alam niyang napansin nito ang patalim niyang hawak ngunit hindi ito doon nakatitig kundi sa kaniyang mga mata. Saglit silang naglaban ng titig bago may ngisi sa mga labing inilapit niya ang sandata sa mukha ni Harry. Hindi nakatakas sa kaniyang pandinig ang pagsinghap ng isa sa mga nanonood sa kanila ngunit wala sa kanila ni Harry ang natinag. Itinaas niya ang patalim hanggang tuluyang tumuwid ang kaniyang braso at lumampas ang patalim sa ulo ng binata. Gamit ang matalim na gilid ng sandata, ginilitan ni Maeda ang punong sinasandalan ni Harry, tama lamang upang tandaan ang taas ng lalaki. Saka niya muling ibinalik ang hawak sa lalagyan niyon. Sa buong sandaling iyon ay walang nag-iiwas ng tingin sa kanila ng kaharap. Diretso lang ang "labang" nagaganap sa pagitan nila nito. Nang mag-umpisa siyang kumilos ay saka nagsalita si Haru.

"Biter? Sigurado ka bang iyon ang gusto mong itawag sa 'kin?" may paghahamong tanong nito sa tinig na alam niyang sila lang ang nakakarinig. Imbes na balingang muli ang iba pang naroon gaya ng gagawin sana niya ay nanatli siya sa posisyon. Nakakangalay man sa kaniyang leeg ay ipinagpatuloy niya ang pagtingala upang salubungin ang mga naghahamong mata ni Harry. Kahit ng sadyang inilapit ng binata ang mukha sa kaniyang mukha.

"Maeda," narinig niyang tawag ni Shizu. Medyo nagulat pa siya nang marinig ang pangalan. Nang harapin niya ang pinanggagalingan ng boses ay nakita niyang patakbong lumalapit si Shizuka kasama si Kiari.

"Si Kenji?" may pag-aalala sa tinig na tanong agad ni Shizu.

Kunot ang noong nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga bagong dating.

"Ano'ng problema nyo?" nagtatakang tanong niya.

"Kailangan naming makausap si Kenji, Maeda," si Kiari ang sumagot. "Kailangan naming sabihin sa kaniya ang narinig namin sa radyo."

Lalong nangunot ang noo niya.

"Radyo? Binabangungot ba kayo?" singit na tanong ng isang dalagang tinuturuan ni Maeda.

Sunud-sunod na umiling si Kiari.

"Halika nga kayo," sabi ni Maeda saka lumayo sa grupo. Sumunod sa kaniya ang mga bagong dating. Hinarap niya ang dalawa nang alam niyang hindi sila maririnig ng iba. "Ano ba'ng pinagsasasabi nyo?"

"May nasagap na estasyon sa radyo si Kiari kanina. Isang balita."

"Balita?"

"Oo. At ayon sa nag-uulat, pandemic ang nangyayari. Walang tulong na dadating, Maeda," sagot ni Kiari.

Awang ang bibig, hindi niya malaman kung ano'ng sasabihin. Maraming mga pangyayaring biglang pumasok sa kaniyang isip. Mga posibilidad na kahihinatnat nilang lahat. Ang uri ng buhay na naghihintay sa kanila. Sa kanilang mundo. May pag-asa pa kayang malampasan nilang lahat ang mga panganib na nakakalat sa mundo?

"Kasama ni Haru si Kenji. Nang makita ko sila kanina ay papunta sila sa harap ng mansiyon," sabi niya nang makabawi sa pagkabigla saka nauna nang tumakbo patungo sa harap ng bahay. Sumunod agad sa kaniya ang dalawa.

***☼***

"Malinaw ba ang plano?" tanong ni Kenji sa grupong nabuo ni Haru. Simpleng tango lang ang isinagot ng mga ito ngunit sapat na sa kaniya iyon. "Tena."

Pinangunahan niya ang grupo sa gate na para sa mga tao. Binuksan ni Ricky ang gate kahit hindi niya inutos. Lumikha ng ingay ang lumang pinto hanggang sa tuluyang mabuksan iyon at tumambad sa paningin ni Kenji ang tanawin sa labas ng mansiyon.

"Tandaan nyo, last resort lang ang baril," huling bilin niya bago siya humakbang palabas ng ligtas na bakuran. Walang-salitang sumunod sa kaniya ang mga ka-grupo. Samantala, sa isang sulok ng hardin ay matamang nagmamasid ang isang pigurang nagkukubli sa likod ng halamanan. Nanatili ang pigura hanggang maisarang muli ni Ricky ang maliit na gate, saka ito palihim na umalis sa pinagtataguan.

Continue Reading

You'll Also Like

HUSH, HUSH By Teresa Sanchez

Mystery / Thriller

900K 32.3K 35
Hannah Yu is Mori's sweetheart. As one of the daughters of the village head, she's the school's topnotcher. Everything she does is loved by everyone...
25.6M 855K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
854K 41.3K 57
[UNEDITED] Night Blood University is a place where death is nothing but a next deadly adventure. The Earth's own version of hell. Can you stay alive...
7.1M 352K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...