CEO's SON (COMPLETED)

By thatLadyWriter

5.1M 93.5K 11.3K

Prologue Graduate si Maxine Roxas sa course na Education, pre-school. Mahilig siya sa bata dahil sa mga pinsa... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
NOT AN UPDATE!!
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36.1
Chapter 36.2
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Thank you!

Chapter 30

136K 2.3K 324
By thatLadyWriter

30.

Matagal pa bako ako tumayo sa kinauupuan ko. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko na mga what ifs. Iniisip ko ngayon kung katukin ko kaya si sir sa kwarto niya?

Ano namang gagawin ko kung pagbuksan niya ko? Kaya ko bang sabihin sa kanya lahat ng nasa isip ko? Kaya ko bang aminin yung nararamdaman kong matagal ko na palang kinikimkim ngunit di ko inisip na pwedeng mangyari?

Hindi ako paarte o ano, sadyang di ko lang kaya. Siguro magiging sapat na muna saking alam kong gusto din pala ako ni sir. Magpapalipas ako ng araw, ng oras, ng minuto at ng sandali hanggang alam ko na sa sarili ko na kaya ko.

Iniyak ko lang lahat ng frustrations ko nung gabing yun sa higaan. Sobrang sakit pa ng ulo ko pag gising ko nung umaga, hindi ko alam kung nalasing ba ko sa wine kaya ko din nagawa at nasabi ang mga bagay na yun pero iniisip ko kasi kung nakakalasing ba ang wine.

Hindi din ako lumalabas ng bahay (nanaman) kasi pakiramdam ko uuwi si sir any moment. Kahit hindi ko kayang sabihin sa kanya yung feelings ko, gusto ko naman sana makita siya. Kahit pa iisnob-in niya ko, okay lang. Kahit pa magbangayan kami ulit, okay lang.

"Max, dapat na ba kong kabahan?"

"San?" alam ko namumugto ang mga mata ko dahil sa iyak ko nang ilang gabi, isang reason din bakit ayaw ko lumabas. Tinignan ko si Ate Marina na parang walang kaalam-alam sa tinutukoy niya.

"Dyan."

"San nga?"

"Dyan! Sa mukha mong maga! Halata namang umiyak ka! Ano ba talagang nangyari sainyo ni Caleb? Ilang araw nang tawag ng tawag sa cellphone ko kasi ayaw mo daw sagutin ang tawag niya. Nag away ba kayo? Break na ba kayo?"

Umirap ako at saglit na pumikit. Sa totoo lang, ganon kabilis nawala sa isip ko si Caleb. Parang naguguilty pa nga ako kasi.. kasi diba? Wala talaga. Ganon pala yun? Yung nararamdaman mong infatuation sa isang tao kahit pa sa tingin mo ay ganon na kalalim ay kayang-kayang burahin ng love mo sa iba.

Totoo, nung mga panahong magkasama kami ni Caleb sobrang masaya ako. To the point na umaabot kami sa kilig moments. Na ang kulang nalang talaga samin ay magsabi na "Okay, tayo na."

Pero hindi kami umabot don. Bakit? Sa tingin ko, inadya na din talaga ng Panginoon na hindi kami umabot don, kasi papasok pa sa buhay ko si sir. Kasi sa ilang araw pala naming pagsasama sa Palawan, mahuhulog na ko sa kanya. Kasi sa ilang beses na kwentuhan at seryosong usapan, mabibitawan ko agad si Caleb.

Ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko kay Caleb. Sa isang banda ng isip ko, iniisip ko na masaya siguro siya ngayon kasi kasama naman niya si Kim nung makita ko, nagkabalikan na ba sila?

Siguro, kung nakita ko sila bago pa mangyari ang Palawan, baka umuwi na ko ng Davao kasi alam kong masasaktan ako. Pero somehow nagkaron ako ng fallback eh, si sir yun.

"Ate, wag muna natin pag-usapan-"

"Max, wag naman ganyan. Tinuturing na kitang nakababatang kapatid, minsan nga halos anak na. Nagaalala din naman ako sayo." Tumingin ako kay Ate Marina at talagang nagdrama siya ng ganyan sa panahon pa na pusong mamon ako.

Huminga akong malalim at pinigilang hindi maiyak kahit na parang may bumubukol na sa lalamunan ko.

"Sana Max, wag kang magdalawang isip na magsabi sakin para hindi mo naman solohin. Gusto ko din naman makatulong kahit papano. Kahit taga kinig lang."

Susme! Dinagdagan pa! Ayan napaiyak na ko. Tsk.

"Naman to eh. May ganon pang drama." Hinampas ko pa siya sa braso kasi pinaiyak pa ko! Agad kong pinahid sa laylayan ng t-shirt ko yung luha at sipon na unli sa pagtulo.

"Eh kasi naman eh. Nakakamatay kaya pag sinosolo ang problema. Kaya nga nilikha ang ibang tao para may kadamay ka. Eh di sana nilagay ka nalang ng Diyos sa isang isla mag-isa kung ganyan lang din pala ang gusto mo." Sinasabi pa niya yang makabagbag damdamin niyang speech habang ang ulo ko ay nasa dibdib niya, nakatakip ang kamay ko sa mukha para itago ang iyak, at tinatap niya ang ulo ko.

Nung mahimasmasan. "Ate Marina, si Sir Niel."

"Ano? Si sir? Nasa office-"

Umiling ako at umayos ng upo, pumunta din ako sa kabilang dulo ng sofa at nagpahid ulit ng mukha kasi feeling ko ang dungis ko na. "Si sir ang dahilan bakit ako ganito."

"Ha? Nag-away kayo?"

"Sana nga away lang eh."

"Eh ano?"

"Mahal ko si sir." Simple kong sinabi. Ang sarap palang sabihin ng bibig. Ngayon ko lang siya sinabi ng malakas. Madalas nasa isip ko lang. Iba pala sa feelings. Parang may nawala saking something na ewan. Mahal ko si sir. Nabanggit ng labi ko. Shocks.

Napahawak pa siya sa bibig niya. "Di nga?" tumango ako.

"Inamin mo na? Anong sabi? Basted ka ba kaya ka ganyan?"

"Hindi! Hindi ko pa sinasabi. Di ko kasi kaya."

"Ah. Naiiyak ka kasi di mo masabi?"

"Parang ganon na.. hindi na ewan. Basta. Halo-halo."

Lumapit pa siya sakin ng bahagya. "Teka lang.. teka lang Max. Grabe. Teka di ko makaya to." Para siyang nabalisa na ewan at sumigaw ng malakas. As in! Napatakip ng tengga si Gav at parang naiinis na sa pagsigaw ng yaya niya.

"Huy ate! Maghulos dili ka nga! OA to."

"Grabe Max! Totoo ba? Mahal mo si sir? Gusto mo na rin siya? Totoo talaga yan!?" tumango lang ako. Napahawak siya sa bibig niya ulit at sobra makangiti. Antagal niya magsalita ulit kaya bigla ko lang narealize yung sinabi niya.

"Anong sinasabi mong gusto ko 'rin'? Bakit may 'rin'?"

"Ano ka ba naman Max! Ang shunga shunga mo talagang babae ka! Sino ba namang hindi makakahalata na gusto ka din ni sir? Ikaw lang! Sa tingin ko ikaw lang talaga! Nung nasa Palawan sobrang halata na, kaya nga nagtataka ako na hindi mo alam." Halata? Ayoko naman kasing isipin na ganon nung panahong yun.

"Kaya nga madalas kaming magchikahan ni Mang Jaime tungkol sainyo. Sa tingin din kasi niya may gusto si sir sayo noon pa."

"Anong noon pa? Paanong noon pa?"

"Ewan ko. Di din naman ako naniniwala sa mga kwento ni Mang Jaime noon, dati pa chinichismis na niya sakin na para nga daw may gusto sayo kasi pinapasundan ka, kayo ni Caleb, pinapaimbestigahan ka, mga kaibigan mo, pamilya mo, lahat ng tungkol sayo. Tapos lagi nagtatanong kung anong ginagawa mo, nasan ka na, anong nangyari sayo. Lahat."

Napalunok ako. Wait. What?

"Sa tingin ko ginagawa niya yun dahil pinoprotektahan niya ang kanyang anak. Syempre, si Max ang nag-aalaga kay Gav, dapat alam niya lahat ng tungkol sa kanya para mas sure!" ito naman ang sapantaha ni Dette.

Habang nag-uusap kasi kami ni Ate Marina bigla nalang dumating ang babaeng to ng walang pasabi. Wala daw siyang magawa dahil restday niya kaya makikikain daw siya dito. So napasama siya sa kwentuhan namin.

"Dette, bakit ako di naman pinaimbistagahan ni sir non? Oh dun nalang huli na." dipensa ni Ate Marina.

"Baka kasi hindi ka naman mukhang kidnapper."

"Hoy! So mukha akong kidnapper?" singit ko sa usapan nila. Tumawa lang si Dette. "Hindi naman. Ibig ko sabihin, si Ate Marina galing ng agency yan, for sure andon na lahat ng info na kailangan ng boss niyo para malaman ang background niya."

"Pwede din. Pero Dette, bakit kailangan pang paimbestigahan pati ang buong pamilya ni max na para bang kinikilala na niya ang mga ito kung wala siyang ibang itensyon maliban sa makilala lang siya? Isa pa, nasabi ni mang Jaime ang laki daw ng pinagbago ni sir. Sobrang laki daw. At nagumpisa yun nung dumating si Max. Di pa naman daw niya napapansin noon, lalo lang daw niyang napansin na nung bago at matapos ang birthday ni Gavin. Dun daw niya napatunayan sa sarili niya na tama ang hinala niya."

"Ganon? Bakit di naman obvious kay Max? Oy Max, anong pagbabago ba ni CEO ang napansin before and after the birthday?" baling ni Dette sakin.

"Di ko na maalala. Basta ang naaalala ko lang naman na event before ng birthday ni Gav ay ang pagpapapunta niya sakin sa office niya para makibalita sa preparation ko at para sakin wala namang iba don." Matapos kong sabihin to, pilit ko ding inaalala pa ang ibang event sa buhay namin ni sir before Palawan. Kasi sa memory ko mas nagstay ang mga memories namin together ni Caleb noon at natatak nalang naman si sir sa akin nung nasa Palawan na.

"Basta nagbago. Oh diba inaway mo siya ng mismong party dahil sa away nila nung-sino yun?-boyfriend ni Mam Celine? Oh yun. Inaway mo, naglalasing daw palagi siya non. Parang sising-sisi siya."

"Malamang! Brithday ng anak niya ang sinira niya! Malamang Ate Marina magsisisi yun!" table ni Dette.

"Hindi nga! Saglit! Kasi diba nagsorry siya sayo? Alam mo ba na sa ilang taon ng nagtatrabaho ni Mang Jaime kay Sir Niel ngayon lang niya nakitang magsorry ng ganon? Ngayon lang daw siya nagsorry sa isang tao. Aba, kung di pa ba kakaiba yun sa inyo ewan ko nalang."

Nag-isip muna si Dette ng matagal bago sumagot. "Pwede kasi na kaya siya nagsorry kasi narealize niya yung mali niya kay Gavin. Syempre kay Max siya nagsorry dahil ito ang nagready nung party. Pero.. kung di siya nagsosorry before-kakaiba nga yun." Sinamaan ko ng tingin si Dette na parang biglang kumampi sa kampo.

"Ito pa Dette ha, si Max ang nagsabi na magbakasyon daw silang magtatay, at ginawa ni sir yun. Sinama pa nga kaming lahat diba. Alam mo bang ilang araw daw di makausap ng maayos si sir non dahil nag-iisip siya kung san maganda magbakasyon." Pabida ang pagkakasabi ni Ate Marina kaya nginiwian ko.

"Ate excuse me lang, nagpunta siyang Palawan kasi may business venture siya don, nagkataon lang, kaya sinama tayo." Paliwanag ko.

"Tungaks! Hindi ganon yun, sinabi niya lang yun no! Bakit sa buong paglagi natin don, diba mas matagal ang panahon na kasama natin siya kaysa nasa isla sila? Kasi nga pangalawang rason lang ang pagpunta don. Pwede naman daw umusad ang pag-gawa non kahit wala siya. Di nga naman kapani-paniwala kung di man lang siya pupunta don paminsan-minsan."

"Pero Ate Marina, sa mga kwento ni Max sakin non, sure na din naman ako na nung panahon na nasa Palawan kayo, medyo may gusto na si sir non kasi hinahalikan nga siya sa noo, ang ipinaglalaban ko lang naman ay kung gaano na ito katagal. Ay basta.. wala pala akong pinaglalaban. Bakit ba natin to pinaglalabanan nga pala? Kumain na tayo! May tanghalian na ba kayo?"

Nagluto si Ate Marina ng puchero kaya masarap ang kainan namin ngayon, may maingay pa kaming kasama sa table.

"Oy Dette, kamusta na pala yung jowa mo?" tanong ni Ate Marina after niyang magsandok ng ulam (round 3).

Lumunok muna yung bisitang nakikikain bago sumagot. "Ayun, ganon pa din naman." At ngumiti. Ewan, pero may something sa sagot niya. Di ko nalang pinansin kasi masarap ang puchero.

Pinatulog ko si Gav para sa siesta nung bandang alas dos na at nung makatulog ay agad akong bumaba sa sala, nanlalantak ng chichirya nanaman yung dalawa don.

Tumalon pa ko sa gitna nila doon sa sofa kaya nagkatawanan kami. Ang ganda ng palabas sa Cinema One ngayon eh, One More Chance. Popoy and Basha ftw!

Medyo kakaumpisa palang kaya damang-dama namin. Ilang beses ka na to napanood pero feel na feel ko pa din ang bawat eksena.

Nandon na sa scene kung saan binabalatan ni Popoy yung chicken habang nagsasalita sa gathering nila nung biglang nagsalita si Dette. "Alam mo, minsan kasi kailangan mo talaga sabihin sa isang tao yung nararamdaman mo. As in kung ano talaga. Kasi tignan mo yan, akala ni Popoy may iba na si Basha, kasi hindi open ang communication. Importante talaga ang communication sa isang relasyon pag-"

"Hoy, magdadaldalan nalang ba tayo dito o manonood? Ang iingay niyo eh. Nood muna!" sita ni Ate Marina na parang dun palang sa scene na yun ay naiiyak na. Kaya nag ngisian nalang kami.

Pero sa kabilang banda, inisip ko din ang sinabi ni Dette, dapat talaga open sa isa't-isa. Naglaro sa isip ko ngayon, kung sinabi ko kaya kay sir nung gabing yun na parehas kami ng nararamdaman at mali yung hinala niya na gumaganti ako, ano na kayang mga eksena ngayon?

Nung matapos ang movie, agad pumwesto si Ate Marina sa sofa at natulog. Mamaya na daw niya lilinisin yung kalat namin dito sa sala at iidlip lang daw siya.

Si Dette naman ay naglipat-lipat ng channel sa TV kasi hindi maganda yung kasunod na movie sa Cinema One. Kinuha ko ang phone ko at for the first time ata sa ilang araw ay binuksan ko ito.

Dahil masyadong makabago ang phone ko, matagal pa bago ko ito nagamit ng maayos dahil ilang beses nag hang ang phone kasi sunod-sunod na pumasok ang mga messages ng kung sino-sinong tao.

Auto-connect din naman ako sa wifi ng condo kaya sumabay pa ang noti ng FB ko. Pero sa dami non, isang pangalan lang ang hinahanap ko sa inbox.

Caleb
Ate Jing
Ian
Dette
Tita Minda

Ito ang mga pangalan na lumabas sa inbox ko. Walang Kuya Jaime or...

Binasa ko nalang muna ang text ni Tita Minda at Ate Jing. Ayoko muna isipin si Caleb ngayon magulo pa isip ko.

Tita Minda:
Iha, di kita macontact.

Tita Minda:
Call me when you can. Asap.

Ate Jing:
Bunso! Tawagan mo ko pag available ka na. Miss you!

Dette:
Hoy girl punta ko dyan now na. Makikikain ako. Mwahaha.

Ian:
Max. Please.

Tumaas ang kilay ko sa text ni Ian. Ano to?

Ako:
Hoy Ian. Bakit?

Ian:
God! Can I call you? NOW.

Di pa ko nakakapag type ng reply ay nagring na ang phone ko.

Ako: Oh. Bakit?
Ian: Max. Kausapin mo na si Caleb please. Kahit para sa friendship nating dalawa. Please.
Ako: (buntong hininga)
Ian: Please. Just.. just let him ano.. just let him explain his side and and and.. ano.. Basta please Max.
Ako: Ian. Kasi.. ganto..

Hay! Bakit ko ba kasi nireplyan to! Related nga din pala to kay Caleb.

Ako: Mahirap kasi ang sitwasyon ko ngayon at.. (buntong hininga)
Ian: Max... sobrang ano kasi.. sobrang nahihirapan si Caleb ngayon. Like.. like he doesn't want to eat karsi feeling niya ang laki ng nagawa niya sayo.
Ako: Ako din naman.
Ian: I know. But please.. please talk to him.
Ako: Ian, nagising si Gav. Sige na.

Di ko na inantay na magsalita pa siya at binaba ko na ang call. Nakakastress! Di ko pa nga maayos yung sarili kong emosyon tapos dagdag pa tong si Caleb.

"Max, bakit di mo kausapin si Caleb? Tska ano ba talaga nangyari sainyo ni CEO?"

Tinignan ko si Dette at bumuntong hininga. Mas masarap sa feeling pag nagsheshare. Kaya siguro mas maraming lalake ang nagsusuicide kasi di sila mahilig magshare ng problema habang ang mga babae ay mahilig naman magkwento. Kaya magkkwento nako.

So inumpisahan ko mula nung umuwi kami dito hanggang sa nag date kaming apat at hanggang sa makita ko nga si Caleb na kasama si Kim na ex niya na akala ni sir dun ako nagselos pero di niya alam na gusto ko na silang buhusan ng wine kakakwento nila ng throwback stories nila ni Celine!

"Eh girl, ano nga ba nafeel mo non? Nung mismong time na yung tumayo ka at nakita mo si Caleb?"

"Yun mismo yung time Dette na nafeel kong hindi love ang nararamdaman ko kay Caleb. Kasi walang pain. Wala talaga. Hindi ko lang din alam kung dahil kasi nabugbog na ang puso ko dahil kay sir at Celine bago ko pa makita yun, pero basta wala talaga. Nagtaka ako, oo, napaisip ako bat sila magkasama, oo, napaisip din ako bat siya nagsinungaling na nasa bahay lang siya, oo, pero pain? Heartache na sinasabi nila? Wala."

"Eh girl, ano namang feeling mo nung before yun.. balik tayo sa time na nagkkwentuhan sila about sa-ano yun? Trip nila churva churva. Anong nafeel mo non?"

"Actually girl, nung time palang na pinaplano ko na ang date ulit nila, may iba na sa pakiramdam ko. Yung parang di tama. Pero pinush ko eh."

"Eh kasi nga that time ayaw mo pang aminin na love mo na siya." Nakataas pa ang kilay niya sabay subo ng buo sa pringles.

"Oo ganon na nga. Tapos nung gabi na nag-usap kami, inisip niya palang nagselos ako kay Caleb at ginagantihan ko lang daw siya kaya ko siya sinasaktan."

"Oh anong sinabi mo?"

"Wala. Umiyak lang ako ng umiyak."

"Ay lokreng. Bakit ka umiyak?"

"Eh kasi halo-halo yung emosyon ko non. Masaya ako kasi sinabi niya na mahal niya ko, masakit kasi naiisip ko pa din yung past nila ni Celine, magulo kasi di ko mapaliwanag yung sarili kong emosyon nung oras na yun. Naiyak nalang ako."

"Shoooocckkkss. Girl. Ang haba haba haba haba ng hair mo talaga." Tapos inaalog-alog niya ko. "Buti ka pa."

"Ano? Bakit?"

"Haaaayy. Waaaallaaa lang." napaka obvious ng babaeng to.

"Ano nga. Sige na kwento mo na. Share mo na." Huminga siyang malalim bago nagumpisa.

"Di kami okay ni Rom ngayon." Malungkot niyang bungad.

"Ha? Sinong Rom?"

"Yung bf ko girl! Anobey!" Ahhh.. Romualdo naman kasi ang pangalan pa Rom-Rom pa.

"Yun nga, di kami okay mga.. ilang buwan na?"

"Ilang buwan? Bakit?"

"Ewan ko. Alam mo yung feeling na.. basta may iba na sa aming dalawa. May iba na sakanya. Pinipilit kong alamin kung ako ba ang may problema pero hindi eh. Wala akong problema at ginagawa ko lahat ng girlfriend duties ko no."

"Paanong nag iba? Nanlalamig ba ganyan?"

"Ewan. Parang ganon na ewan. Kasi.. nagtetext pa din naman siya. Nag a-I love you pero alam mong.. iba na. Lagi na kaming nag aaway kasi tinatanong ko kung may problema ba kami. Lagi niyang sinasabi na ako daw gumagawa ng problema kahit wala naman talaga kaya nag aaway kami."

"Wag ka kasing tanong ng tanong. Baka naman nakakairita talaga ang pagtatanong mo girl." Ang galing ko mag advice eh no. LOL

"Siguro nga, kasi ulit-ulit ako eh. Kaya lang nag-uulit ako kasi para bang hindi ako masatisfy-satisfy sa sagot niya. Kasi nga sinasabi niyang okay kami pero ramdam ko naman na hindi."

Ay. Parang ang hirap naman magkaron ng relasyon. Kasi tignan mo yan oh, feeling ko perfect na silang dalawa tapos may ganon pa rin pala sa pagitan nila.

"Parang ayaw ko na tuloy magkaron ng bf pag ganyan." Biro ko.

"OA! Ganon naman talaga kasi sa relationship no! Di naman kasi palaging smooth or happy happy lang. Talagang may pagsubok at may problema. Kasi kung wala yun, di titibay ang relasyon."

"Wow. Expert ka girl? Pang ilang bf mo na si Romualdo?"

"Una!" sabay kaming tumawa ng malakas. Kaloka. Kala mo dami ng karanasan eh no.

"Gaano na kayo katagal ba?"

"Basta matagal na. Halos buong college namin magjowa na kami. Kaya matagal na. Kaya alam ko din na dagok lang to sa relasyon namin pero sa kabilang banda ng isip ko, natatakot na ko na baka matuloy to sa hiwalayan."

"Huy Dette wag kang ganyan! Ang gulo mo naman. Sabi mo lang kanina na dagok lang yan tapos biglang ganyan. Kaya pa yan isalba!"

"Haaay. Sana talaga girl masasalba pa! Kasi iba na talaga to sa mga naging away namin before. Sa totoo lang kasi.."

"Kasi..?"

"Basta. Ayaw ko muna isipin!"

"Ano nga?"

"Tsk! Basta wag na!"

"Arte mo Dette! Sige na tuloy mo na."

"Ang kulit mo. Sige na nga!" tapos huminga ng malalim. "Ayaw kong ientertain sa isip ko pero feeling ko may iba na siya."

Nanlaki ang mata ko at hinampas siya. "Dette wag ganon! Wag kang mag-iisip ng ganon!"

"Alam ko okay! Ayaw ko nga isipin pero naiisip ko pa din pero inaalis ko talaga sa isip ko girl! Ayaw ko naman isipin kasi sa 5 yrs naming pagsasama girl, never niya kong niloko. Never siyang nagkaron ng iba. Kaya ayaw kong isipin." Tapos tumulo na yung luha niya. Nahabag ako. Ganito ba sa relasyon?

Biglang nagring ang phone ko na pumutol sa pagdadrama ni Dette, di ko sana sasagutin pero siya na din nagsabi na baka importante.

Si Tita Minda. Patay.

Ako: Hi Tita.
Tita Minda: Hi Max. Sabi ko tawagan mo ko.
Ako: Sorry po kasi kakagising ko lang. RD ko po today.
Tita Minda: Ganon ba? Sorry. Anyway I just want to remind you na birthday na nina Kyle and Kylie this coming Friday. You need to be here.
Ako: Ahhh.. titignan ko po.
Tita Minda: No. You need to be here. Hindi ka na nagpapakita samin. Anyway I already called Becky at sinabi niyang willing siyang magbigay ng VL sayo.

Nanlaki ang mata ko. Tinawagan niya si Ms. Becky? Eh di syempre si Ms. Becky sinabi na yun sa boss niya? OMG.

Ako: Ahhh...

Biglang nagring ang phone ni Ate Marina na ikinagising niya. "Oh.. Bakit?... Oo andito... ha?..." tapos tumingin siya sakin. "O sige sige..."

Tita Minda: Ano? Be here okay? Friday and Saturday ang ipinaalam ko para ng sa ganon makapag stay ka pa then you can resume your work on Sunday. Baka din kasi late na matapos ang party ng Friday eh. Okay? Sige na I need to go. Be here alright? Bye.

Napanganga nalang ako sa sinabi ni tita. Pagbaba ng phone nagsalita naman agad si Ate Marina.

"Tumawag si Mang Jaime, sabi daw ni sir okay lang daw kung wala ka ng Byernes at Sabado. Basta daw sabihin mo kay Gav ng maayos." Napanganga nalang ako. Ang bilis naman! Walang takas.

Pero.. bakit di nalang niya kasi ako tinawagan direkta? Bakit kailangan pa niyang ipadaan kay Kuya Jaime? Sa bagay, mas madalas naman na ako ang tumatawag sa kanya. Tumawag na ba siya sakin?

Tuesday palang ngayon kaya dalawang araw pa ang naging pagitan ko para iready si Gav na mawawala ako ng Friday at Saturday.

Medyo hindi okay si Gav, iniisip niya kasi na wala siyang katabi sa gabi kahit na di naman ako madalas dun sa kama niya! Makadahilan nalang din tong batang to eh. Kahit si Dette na araw-araw na kung tumambay sa condo ay kinukumbinse na din siya ay ayaw pa din.

"May problema ba yon si Dette?" bulong ni Ate Marina nung pang-apat na araw na ni Dette na tumatambay dito. Nagtitimpla siyang juice ngayon at ako naman ang nagaasikaso ng mga baso at chicha na lalantakan namin. Si Dette ay tinuturuan si Gav sa isang activity ko para sa kanya.

"Ha? Bakit?"

"Wala naman, parang ngayon lang kasi yan nagtagal dito ng tambay." Tumawa ako at tinignan siya ng nakakaloko.

"Bakit? Matakaw ba?" Hinampas niya ang braso ko.

"Ano ka ba, hindi naman. Ayos nga kasi maingay. Wala lang, nakakapanibago lang na andito siya madalas." Walang keme niyang sinabi habang hinahalo yung juice sa pichel.

Ayaw kong maging chismosa sa problema ni Dette, kung gusto naman niya sabihin kay Ate Marina yun, okay lang, siya nalang. Hindi ko naman problema yun para ishare sa iba. So di ko nalang sinabi.

"Hoy Dette, may problema ka ba sa puso?" halos mabitawan ko ang sinasalinan kong baso para kay Gav sa gulat kay Ate Marina, direct to the point mag tatanong eh!

"Susme Ate Marina! Nambibigla ka naman nakita mong umiinom ako!" totoong nagulat si Dette at may mga tumapon pang onti sa t-shirt niyang Hello Kitty.

"Bakit? Maayos naman tanong ko. Ano, may sakit ka din sa puso tulad ni Max?" binuksan niya ang forever favorite niyang Lays sabay tingin kay Dette na tumingin naman sakin para manghingi ng saklolo. Umiling lang ako para sabihing wala akong kinalaman don.

"Ayaw mo ba ko dito?"

"Ang layo naman ng tanong mo sa tanong ko. Gusto ko lang malaman kung may sakit ka din ba tulad ng kay Max kasi halata naman sayo." Malakas niya kung nguyain ang bawat piraso ng Lays, para bang hindi pag-ibig ang pinag-uusapan namin.

"Halata ba ko?" mahina lang ang tanong na yun ni Dette pero napatingin kahit si Gav dahil parang maiiyak na siya.

Bumuntong hininga si Ate Marina at lumapit ng onti kay Dette. "Babae din ako, mas matanda lang ng onti sainyo pero babae pa din ako. Alam ko naman yung mga ganyang pasimple. Ramdam kong may problema ka." Eh di wow ang makabagbag-damdaming speech ni Ate Marina. Hahaha.

"Ate, parang maghihiwalay na kasi kami ni Rom eh. Parang, parang ano, habang tumatagal na magkaaway kami lalo kaming nalalayo sa isa't-isa. At parang ako nalang ang lumalaban. Parang ako nalang may gusto na maayos to kasi tignan mo nga oh, nakailang text na ko sakanya pero wala man lang reply. Tumatawag ako di sinasagot. Di mo alam kung busy ba o ayaw lang talaga niya ko pansinin." At tuluyan na ngang naiyak si Dette.

Napatingin sakin si Gav at halatang gulat siya sa biglang pag-iyak ng maingay naming bisita. "Come on Gav, it's time to take a nap na." bulong ko.

Hindi naman siya tumanggi at agad na kaming umakyat sa kwarto niya at iniwan na nag-iiyakan yung dalawa sa baba.

"Tita, why is Tita Dette crying?"

"May problem kasi siya baby eh." Inaayos ko ang higaan niya para mas kumportable ang tulog niya.

"Do big people cry if they have problems?"

"Sometimes."

"Do you cry too tita?"

"Hmmm.. um um. Sometimes." Tumabi na ko sa kanya para mas makatulog agad.

"I thought only kids cry."

"Hindi ah. Minsan nga adults cry more often than kids. Kasi ganon talaga, crying is for everyone."

Parang nag-iisip pa siya pero maya-maya ay nakatulog din naman. Isang gusto ko kay Gav ang madaling makatulog. Hindi tulad ng ibang bata na pahirapan pa para lang don. Talent to. Haha.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan para makiramdam pa kung ano na ba ang ginagawa nung dalawa.

"Nag-usap na ba kayo?"

"Oo, ilang beses na Ate Marina! Pero walang napupuntahan. Mas lumalala ang away pag tapos."

"Hindi kaya.. hindi kaya gusto na niya makipag hiwalay? Wag ka magagalit Dette pero parang siya na kasi ang gumagawa ng paraan para maghiwalay kayo."

"Ganon naiisip ko, ganon nararamdaman ko pero ayokong ientertain sa isip ko kasi di pa man kami naghihiwalay nawawasak na ko."

Tumabi ako kay Dette kaya nasa gitna namin siya ni Ate Marina. Di ko alam kung paano ko siya lubusang madadamayan kasi yung sakit na nararamdaman niya ay hindi naman katulad nung sakin non. Siya kasi hiwalayan na ang usapan. Ibang level ng sakit to.

Ramdam ko sa pagtingin at pagtapik sa likod niya na talagang nasasaktan siya sa nangyayari. "Bakit di mo pa bitawan?" nakakahindik ang tanong ni Ate Marina. Ako ang nagwoworry sa magiging feelings ni Dette sa mga diretsahan niyang tanong eh.

"Limang taon ang itatapon ko ate."

"Eh kaysa naman nagtitiis ka ng ganyan. Oo sayang ang mga taon na naipon niyo na pero diba kung ipipilit mo lalong masakit yun?" segunda pa niya.

"Di ko kaya. Sa tingin ko kasi, naguguluhan lang siya sa mga bagay-bagay. Baka kailangan lang niya ng time."

Ayaw kong pilitin si Dette, di ko din naman alam ang side ni Romualdo kaya di ko masabi. Siguro sa ngayon damay-damay lang ang magagawa ko.

Pero araw-araw talaga andito na siya, pang gabi siya at yung panahon na itutulog nalang niya ay pumupunta pa siya sa condo para may makausap at hindi na namin ipinagkait pa yun sa kanya. Pero si Gav ayaw pa din akong payagan. Tsk.

Hanggang nung Friday ng umaga, medyo di pa okay si Gav. Nagiinarte sa madaming bagay.

"Gav, I don't like that attitude na ah." Banta ko nung nakabusangot habang nagsasandok ako ng pagkain sa plato niya.

"You're leaving me here alone."

"Andito si Ate Marina! Anong alone?"

"I'm alone."

"I'll be here today until tomorrow baby, would that be enough for you to let Tita Max go later?" para akong binaril ng stun gun dahil hindi ako nakakilos or nakareact man lang nung biglang magsalita si sir.

Pumasok siya sa Dining Area ng di ko naramdaman, nasa likod niya si Kuya Jaime at si Ate Marina agad lumanding ang mata sakin.

Hindi ko alam san ako titingin o ano. Nakakabigla naman.

Inalis niya ang coat niya at sinabit sa sandalan ng upuan tapos niluwagan niya ang necktie niya. Nakatayo pa din siya sa gilid ng upuan ni Gav.

Tinuloy ko ang pagsasandok ko. "Hi Papa!! Really? You'll stay here?" excited na tanong ng bata.

"Yup." Sabay halik sa noo ng nakatingalang si Gav. Napaatras pa ko ng bahagya dahil para akong hihimatayin pag napapalapit sa mukha ko ang mukha niya.

Umupo siya sa pinaka head ng table, buti nalang pala hindi umupo dun si Ate Marina kasi madalas siya don umuupo pag kaming tatlo lang.

"Join us Jaime."

"Opo." At umupo sa katapat ko si Kuya Jaime.

Sampuan ang table na ito, apat sa magkabilang side plus dalawa sa magkabilang dulo. Nasa dulo si sir, nasa kanan si Gav at katabi ako, habang sa kabila ay si Ate Marina at Kuya Jaime.

Sinandukan ni Ate Marina si sir at napansin kong masarap din ang almusal ngayon. Hindi normal na hotdog at itlog. Ang ulam namin ngayon ay American Tapa at itlog. Susyal.

At ngayon ko lang napapagtanto na mukhang pinaghandaan ang pagdating niya.. napatingin ako kay Ate Marina na agad namang yumuko. Traydor! Alam niya na dadating si sir ngayon kaya masarap ang ulam na hinanda niya! Hmmp. Di man lang sinabi!

"Papa, will we go out or we'll stay here like we always do?" napangiwi ako sa tanong ni Gav. Loko to. Alam ko naman na ilang araw na kaming di lumalabas pero kailangan talaga itanong sa papa niya?

"Why? You don't go out anymore? I thought you always stay in the Park?"

"Before. But not anymore." Bumabagal ang hinga ko kasi inaanticipate ko pa ang ibang itatanong ni sir at isasagot ni Gav.

"Really? So what are you doing here?" alam kong tumitingin si sir pero di ko kayang tapatan. Jeez. Di ko kaya.

"Tita Max said that I need to do my studies first before we can go out. Sometimes we just watch TV or read books. Some.. boring stuffs and all." Napatingin talaga ako kay Gav. Kotongan ko kaya to? Boring daw!?

Nakita kong ngumisi si sir. Nakita ko talaga. Kaya binalik ko nalang ang tingin ko sa pagkain ko. Yung seryoso ngang mukha di ko na keri, ngiti pa kaya?

"So, what time are you going?"

Antagal ng gap bago ko narealize na ako ang kausap niya. Wala kasing sumagot na iba sa table. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sakin. Agad kong iniwas ang tingin ko.

"Ahh.. mga 12?"

"Why aren't you sure? What time is your cousin's event?" Max, wag ka na magtaka bat niya alam ang detalye. Diba nga sabi ni Ate Marina pinapaimbestigahan ako ni sir? So malamang alam niya reason bakit ako pinagpaalam ni Tita Minda sa HR Head niya.

"4?"

"Are you always like that? Unsure?"

Double meaning jeez. Humarap nalang ako ulit sa plato ko. I don't like this. Di na ko makahinga.

"Jaime, bring Maxine on her aunt's house in Rizal..." napatingin ako sa kanya para magprotesta pero bigla niya kong tinitigan kaya di nako nakapag salita. "..and fetch her tomorrow-what time are you going home?"

Home? Home.

"6?"

"AM?"

"PM?"

"6PM. Are you sure?"

"Opo?"

Bigla siyang tumawa pero mahina lang. Yung mabilis na tawa na mahina. Yung tawa ng mga gwapo. I.can't.breath.

"Pero wag niyo na po akong ipahatid-"

"No."

"Hindi pwede kasi makikita siya don. Ano yun pinahatid pa ko ng boss ko? Eh di nagulat sila don?!"

"Yeah. Tell them pinahatid ka ng boss mo." Simple niyang sagot.

"Hindi pwede."

"No. Ihahatid ka ni Jaime at susunduin."

"Di nga pwede! Magpapaliwanag pa ko!"

"No."

"No din! Bahala ka dyan." Bigla siyang huminga ng malalim.

"Sige, san ka pwedeng ibaba? Yung hindi ka makikita?" muntik ko ng maibuga yung iniinom kong kape. Seryoso? Pumayag siya?

"Ahh.. sa ano.. Yung basta medyo malapit don para magjijeep nalang ako."

"Okay." At nagpatuloy siya sa pagkain.

Ramdam ko nanaman ang mata nung tatlo sakin. Ano ba to!

Para akong nakahinga after ilang taon na nakalubog sa tubig nung matapos kaming kumain at nagpunta na kong kwarto para magready. Dalawang set ng damit lang naman ang dadalin ko. Di naman kalakihan na bag ang dadalin ko kasi ayaw ko din magbitbit kahit pa alam kong hatid-sundo ako.

"Huy Max." napatingin ako sa hamba ng pintuan, si Ate Marina tuwang-tuwa. "Ayos ah. Hatid na sundo pa." nang-aasar nanaman to.

"Ayaw ko na nga sana."

"Sus. Kunyari pa! Tsaka di naman papayag yun. Love ka nun eh. Ayeeee."

"Huy Ate Marina wag ka nga maingay dyan! TSaka ikaw ah, alam mong uuwi siya no?"

"Oy, wag mo ko pag-isipan ng masama ha! Kaninang umaga ko lang din nalaman na uuwi si sir dahil tumawag si Mang Jaime sakin. Di ko na nasabi kasi busy ka na din kay Gav non at ako naman ay busy na sa pagluluto. Kaya wag kang bintangera." Umirap nalang ako at nagtuloy sa paghahanda.

Tumawag ulit si Tita Minda at sinabing baka pwedeng mas maaga ako sa 12 pumunta dahil daw may ibang kamag-anak kami na pupunta don at gusto niyang mameet ko sila bago yung pinaka-party. Mga pinsan ko din daw yun sa mga pinsan nila ni mama kaya importante.

So yung 12 ay naging 10.

Para akong magaabroad sa drama ni Gav. Alam mo yung mahinang iyak at puro hikbi lang? Ganon! Andito kami sa lobby ng condo at nakayakap pa siya sakin hanggang ngayon.

"Gav, andyan naman papa mo oh! Bonding kayo."

"I know. But I like it more if you'll be with us." *hikbi*

"Babalik naman ako bukas din."

"I know."

"Oh sige, sama ka nalang sakin sa paghatid. Pero di ka pwedeng bumaba. Ihahatid niyo lang ako ni Kuya Jaime."

Nanlaki ang mata niya at agad lumingon kay sir. Nasa likod lang namin siya at nakahalukipkip na nanonood sa pagdadrama ng bata.

"Papa! Can I go with tita? I'll just stay in the car."

"Why?"

"I just want to." Nag-isip pa kunyari si sir.

"Nice reasoning. Okay."

"Really?"

"Yup. We'll go with her." Sabay ngiti at nauna pang pumunta sa sasakyan na nasa labas na ng condo. Binuksan niya ang pintuan at inaantay akong pumasok.

"Bakit kasama ka pa sir?"

"Di ko naman pwedeng iwan si Gav. Pasok na." di na ko nakipag-talo at pumasok na din sa loob.

Tahimik lang si sir sa byahe pero si Gav ang madaldal. Nagtatanong siya sa mga nadadaanan namin kaya naging instant tour guide ako.

Tinuro ko ang Ateneo (na sinabi ni sir sa anak niyang school niya at nagpa "wow" sa bata), UP Diliman, Sandigan Bayan pati yung ginagawang SM na nadaanan namin sa San Mateo.

Hindi masyadong nakakagala si Gav sa labas ng Eastwood kaya masaya na siya sa mga ibang bagay na nakikita niya basta ibang lugar. Kahit nga mismo yung sementeryo lang na nadaanan namin kinamanghaan pa niya.

Nakakatuwa ang kasiyahan niya pero nakakalungkot sa kabilang banda kasi alam mong may kulang sa pagkatao niya, hindi kumpleto ang pagkabata niya at hindi buo ang magiging ala-ala niya sa paglaki niya. Kasi hindi siya naging katulad ko, katulad namin, hindi man siya salat sa laruan at mga materyal pang bagay, salat naman siya sa mas mahahalagang aspeto ng buhay.

"Dito nalang ako Kuya Jaime, malapit na to sa bahay nila tita, magjijeep nalang ako."

"Are you sure?"

"Oo sir. Dito nalang. Baka pag sa mas malapit may makakita pa. Sige po." Bumaling ako kay Gav na nasa kabilang side ng upuan. Si sir kasi ang nasa gitna at si Gav at ako ang nasa magkabilang side ng bintana.

"Una na ko Gav. Don't cry ha. Kasama mo naman si papa mo. Uwi ako agad bukas."

Ngumiti siya at tumango. "Alright tita. See you tomorrow!" nag-lean siya palapit sakin para ikiss ako kaya lumapit din ako sakanya para ikiss siya.

Pero pagkiss ko kay Gav ay siya ding pagkiss ni sir sa sintido ko. Yun kasi ang katapat ng mukha niya since sa harap niya kami ni Gav nag tagpo para magkiss.

Napatingin ako agad sa kanya. Mabilis lang naman kasi magkiss si Gav sakin at nagulat ako nung bigla niyang halikan ng mabilis ang lips ko na lalong nag papanic sakin. Lumayo ako agad sakanya at nataranta sa pagkuha ng mga gamit ko.

"Just text Marina or Jaime when you need to be fetched tomorrow." Sabi niya na parang wala lang. Na parang di kami nag-away nung nakaraan! Na parang di niya ko hinalikan! Kainis!

Tumango lang ako at agad bumaba ng sasakyan. Para akong timang na nawala sa ulirat nung bumaba ako. Sa totoo lang di ko naman alam tong lugar na to kasi di pa naman ako nagstay talaga dito ng matagal. Pero alam ko lang na sa lugar na to may jeep na kong masasakyan papunta sa San Rafael kung saan nandon ang subdivision nila tita.

Pumara ako ng jeep na ang lakas ng sounds at madaming design. Di ganon kapuno pero anlakas talaga ng sound. Ang astig lang kasi narinig parin nung kundoktor yung pag-abot ko ng bayad kahit pa halos di ko na marinig ang konsensya ko sa tindi ng beat nung drums sa kantang di ko din alam.

Pagdating sa San Rafael, agad akong nagtungo sa gate ng subdivision nila, malapit lang naman kasi ito mula sa pinaka-kanto at sa babaan ng jeep.

"Kuya sa mga Abarquez po." Nakatayo ako sa bintana ng guard house nung bumisina ang isang itim na CRV sa gilid ko. Papasok ito ng subdivision. Narecognize ko agad na kay tita to.

"Max! Get in."

Pagpasok ko sa sasakyan ay siya ding pagpasok ng CRV sa loob. Dun ko lang narealize na madami palang sakay si tita.

"Max, they are your cousins from my cousins." Lumingon ako sa tatlong nakaupo sa likod at dalawa naman sa gitna. Sa harap kasi ako napaupo at walang nakasakay don.

"Hi." Kaway ko sa kanila. Halos kaedad ko lang ang mga ito or baka mas matanda akong onti. Sa banggit nila ng pangalan nila, sila daw sina Jose, Marie, Cris, Lina, Miguel. Pero hindi ko na maalala kung sino dun ang may-ari ng mga pangalang yon.

Sabi ni Tita yung ibang pinsan daw nila ni mama ay nasa Nueva Ecija kaya sinundo niya itong mga anak ng pinsan nila sa terminal ng bus sa Cubao. Hindi daw nakasama ang mismong mga pinsan niya kasi may aasikasuhin pa sa kanilang mga farms.

"Sana pala dinaanan na kita sa Eastwood." ngiti lang ang sinagot ko kay tita kasi hindi din naman ubra yun at buti na nga lang di niya naisip yun.

Mostly College students ang mga 'to at tanging si Miguel lang ang nagtatrabaho na bilang Highschool teacher sa NE din.

Pagdating sa bahay, sinalubong agad ako ni Kylie ng yakap. Nag hello din siya sa lima pero ako ang agad niyang hinila papasok sa kwarto niya. Siya nagbitbit ng bag ko at sinabing dun na ko matulog kasi yung room ni Kyle at yung guest room na isa ay gagamitin nung mga pinsan namin na bisita.

"Couz! Sobrang namiss kita. As in. Parang ang tagal kitang di nakita." Times 3 ang saya niya ngayon na kinakataka ko pero ganito talaga si Kylie kaya nakakahawa.

"Happy birthday Kylie! May gift ako." Kinuha ko yung binili kong watch para sa kanya. Tuwang-tuwa siya at alam daw niya mahal yun. (Salamat kay Dette na nautusan ko para bumili non dahil ayaw ko pang lumabas ng Condo. Buti nalang kahit masakit ang puso niya at laging walang tulog, pumayag pa rin siyang mautusan ko. hihi)

Nagkwentuhan kami at sinabing hayaan na sila sa baba na mag-ayos dun. Tinanong lang niya kamusta ang work ko at siya naman nagkwento na napromote daw siya last February at dapat magkaron kami ng dinner-out para magcelebrate.

"Asan pala si Kyle? Babatiin ko muna. Tsaka tong gift ko bibigay ko."

"Nako wag na. Andon siya sa kabilang street, sa bahay nung bestfriend niya nung elementary. Nagkaron pa sila ng overnight party don kaya andon pa sila. Uuwi din yun mamaya."

"Ganon, may party na ngayon nagparty pa kagabi?"

"Ang arte eh. Akala mo naman debut. Yaan mo na."

"Sinong kasama niya don? Puro classmates?"

"Yup. Mga classmates lang niya nung elementary na mga classmates din naman niya nung highschool." Umirap pa at umiling. "Pero later pati yata mga kawork niya dadating. Not sure yet."

Nagprepare na kami bandang 3pm, naligo at nag-ayos. Yes, nag ayos. Di ko nga alam bakit kailangan pang mag-ayos. Itong si Kylie pauso at pinilit niyang lagyan ako ng make-up at kulutan ng buhok. Ayaw ko sana, kakain lang mag gaganon pa.

Pero mapilit siya kaya nagpalagay na ko pero sabi ko light lang. Super light na parang wala na.

Nagstay din ang iba naming pinsan (sa pinsan nila mama) dun sa kwarto at nagpaayos kay Kylie. Mukhang enjoy naman si Kylie sa ganon kaya di siya tumanggi. Nakakwentuhan din naman sila kaya nalaman ko na mga graduating na sila at plano nilang sa Manila magwork at hindi sa NE.

"Ikaw Miguel, di ka sasama sakanila?" tanong ko nung maalala kong teacher nga pala siya sa NE.

"Ayoko. Ayos na ko don."

"Ayaw mo itry magwork sa call center or any corportate type job? Nagpapasok naman sila kahit educ grad." Suggestion ni Kylie habang nagkikilay kay Lina.

"Educ ang tinapos ko, yun din ang propesyon ko hanggang pag tanda. Masyadong marami ng teachers ang di tumupad sa pinangako nilang tungkulin nung makapasa ng board at nung mismong nag-aaral palang. Iniwan nila ang propesyon nang pagtuturo para sa ibang trabaho dahil may kanya-kanya silang dahilan. Nauunawaan ko yun. Ang di ko maunawaan, di rin pala sila magtuturo, bakit nag educ pa sila? Sana kung call center o banko o anumang pang opisina ang kukunin nilang trabaho, related nalang din sana dun ang course na tinapos nila. Para san pa ang pag-asa ng mga bata na balang araw may guro sila dahil sa dami ng grumagraduate na teachers taon-taon kung 10 percent lang halos non ang nagtutuloy sa pagtuturo." Ouch. Napayuko naman ako sa sinabi niya. Sa bagay, iba-iba naman talaga. Tulad ko, di ko naman ginusto ang educ talaga pero since yun ang gusto ni papa, ginawa ko.

"Max is educ too. Diba Max?" nginiwian ko si Kylie. Sinabi pa! Tamang-tama na nga sakin ang mga litanya ni Miguel!

"Talaga? San ka nagtuturo?"

"Ahhh.."

"She's a Call center agent in Eastwood. So basically isa siya sa 90 percent ng teachers na hindi nagtuloy sa teaching." Kinurot ko sa tagiliran si Kylie na tumawa lang. Pang-asar talaga. Nakita ko ang disappointment sa mukha ni Miguel pero hindi naman na siya nag comment. Buti nalang, kasi kung may sasabihin pa siya.. haha. Wala lang.

Pagbaba namin (which is first time since umakyat ako kanina dito), nagpasalamat pa ko kay Kylie na inayusan niya ko. Medyo, medyo, medyo formal ang party. Di ko yun nafeel masyado nung umakyat ako dito na ganon pala ang set-up na inaayos kanina. May kalakihan naman ang bahay nila kaya nagmukha itong mini-hotel. Nakadress ang halos lahat ng babae (or skirts) at buti nalang nakadress pala ako. Kung hindi mukha nanaman akong chimiaa.

"Bakit ang formal pala?" bulong ko kay Kylie nung makababa kami.

"Ewan ko don sa panget na yun. Pauso. Yaan mo nalang."

"Buti dress pala talaga dala ko."

"Kahit naman hindi ka nakadress couz, papahiramin kita no! Tsaka kahit anong suot mo you're pretty." Sabay kurot sa pisngi ko na alam kong may blush-on dahil sa nilagay niya kanina. Kinurot ko nalang siya ng mahina sa tagiliran na nagpangisi sa kanya.

Umikot-ikot kami sa ibang bisita, pinapakilala ako sa mga kung sino-sino. Di naman to super formal, wala lang, naka dress lang at nakapolo ang mga bisita.

Namataan namin sa isang table sa labas si Kyle na may katawanan na mga lalakeng bisita, agad naman kaming nagtungo don.

"Hoy panget, andito na si Max oh." Nakita kong ngumiti si Kyle at niyakap akong bahagya.

"Happy birthday. Oh. Gumastos pa ko." Biro ko sabay abot ng regalo.

"Uy, thanks ah."

"Open it! Patingin." Sabi ni Kylie. Umirap lang si Kyle pero binuksan pa din.

"Ano ba yan Max! Parehas pa kami ng regalo!" sabi ni Kylie sabay pakita kay Kyle nung suot niyang regalo kong relo. Kulay white ang kay Kylie, blue naman ang kay Kyle.

Natawa ako at nag peace-sign. Natawa din naman ako nung time na binili to ni Dette kasi sabi niya maganda naman daw na pareho since kambal sila.

"Arte mo." Sabi ni Kyle sa kambal niya at bumaling sakin. "Help me please." Nagpapatulong na ikabit ko sa kanya ang binili kong relo.

"Pre, introduce us to your cousin naman." Narinig kong sabi nung isa na nasa table kaya napatingin kami.

"Hoy, Irvin, she's off limits." Tinago pa ko ni Kylie sa likod niya kaya napasmile ako.

"Ipapakilala lang naman. Come on." Sagot naman nung Irvin.

"Okay, no touch." Tapos inilapit ako ni Kyle dun sa table kaya nakita kong limang lalake yun na mga naka-longsleeves pero nakatiklop hanggang sa mga siko nila.

"This is Leonard, Kevin, Justin, Neo and Irvin. They were my classmates before." Introduction ni Kyle.

"Hi. Nice meeting you all. Maxine. Max nalang." Bahagya din akong kumaway. Tatayo pa sana si Irvin para makipag kamay sakin pero inawat siya ni Kyle na nagpatawa sa iba pang nasa table. Ngumiti nalang ako sakanya at sa iba pang nandon.

"Kyle, nasan na daw sila?"

"Andyan na yon. Nasa San Isidro na kanina eh." Di ko alam kung sino ang pinag-uusapan ng kambal pero nakumpirma kong yung mga kaofficemates ni Kyle ang tinutukoy ni Kylie.

Merong pumarada na pulang Audi sa harap ng gate at may bumaba na nagpanganga sakin ng bongga kasi, 1. Bumaba si Mark, yung jowa ni Celine sa Driver's seat kaya naalala kong boss nga pala siya ni Kyle, patay kang bata ka, 2. Yung last na bumaba mula sa front seat ay sinalubong ni Kylie ng yakap at halik sa labi. Kung titignan mo alam mo na hindi sila basta magkaibigan o magkakilala. May relasyon sila.

Masaya at excited na inangklahan ni Kylie ang lalakeng yun at naglakad patungo sakin. Habang papalapit sila, nakatitig lang ako sa mukha niya, nagdadasal na sana ibang tao ang nakikita ko, na sana nagkataon lang na magkamukha sila. Pero hindi, nakumpirma ko ito dahil nung magtama ang mata namin, alam kong kilala niya ko dahil sa pagkagulat at lubos na takot na bumakas sa mukha niya.

Sinubukan kong hindi magreact at kung pwede nga'y aalis na ko pero lumapit sila sakin dahil sa paghila ni Kylie.

"Couz! Finally mamimeet mo na siya. Sobrang excited akong makilala mo siya. Here's my special someone, Romualdo." Nakangiting lumingon si Kylie sa kanya, tapos sa akin. "Love, ito naman yung kinikwento kong pinsan na call center sa Eastwood, si Max."

"Ah-He-Hello. Hi." Ang sama ng tingin ko sa kanya, sobra. Pero ayaw kong gumawa ng iskandalo lalo na birthday party ito ng pinsan ko.

"Hi. I'm Max. Nice meeting you." Ngiti kong plastic.

Ngumiti siya sabay pahid ng pawis sa noo at batok. "Nice meeting you, too." Hindi ko tinangkang kamayan siya dahil ayoko. Kasi baka hablutin ko yun at itumba ko siya na parang sumo wrestler.

"Maxine?" Sa sobrang overwhelm ko sa "special someone" ni Kylie na walang iba kundi si Romualdo, nakalimutan ko ang number 1 kong napansin sa mga bumaba sa Audi.

Putspa. Andito nga pala si Mark!

"Hi! Mark! Kamusta?!" parang nagulat siya sa pagiging feeling close ko. Lumapit ako agad sa kanya at bineso siya na ikinagulat niya, pero mabilis akong bumulong. "Wag ka magsasalita ng kahit ano, babayagan kita."

Napatingin siya at kitang-kita ko ang gulat niya pero ang ganda naman ng smile ko.

"Hey couz, kilala mo nga pala si Boss Mark because you're friends with Ms. Celine diba?" utas ni Kyle.

"Oo! Kasi nagkakilala kami ni Celine sa isang party sa office kaya nameet ko siya tapos eventually napakilala naman siya sakin ni Celine sa isa ding party sa office." sabay tawa. Ganon ang pagkakalahad ko ng kwento para naman sana magets ni Mark na yun dapat ang panindigan niyang kwento. Susme! Disaster ang pagpunta ko dito. Mabilis akong tinitigan ni Mark at pinandalitan ko siya, dapat gets na niya yun kasi tototohanin ko ang banta ko subukan lang niya talaga!

"Yeah! Oo nga pala nameet na namin yung girlfriend mo kasi friend siya ni Max." natutuwang sinabi ni Kylie, naalala niya siguro na pinakilala ko sakanila before si Celine sa Megamall nung minsang sumama siya sakin.

Napatingin sakin si Romualdo at tinaasan ko siya ng kilay, gusto mo sabihin ko sa pinsan kong kilala din kita? Yumuko naman siya. Subukan lang niya sabihin ang tunay kong trabaho babalatan ko siyang buhay! Lalo pa ngayon na alam ko na ang reason kung bakit sobrang nasasaktan si Dette.

Hindi kumportable si Romualdo nung itabi siya sakin ni Kylie nung umupo na kami sa isang table. Siguro ang gusto ni Kylie ay maging close kami dahil bf niya to. Inom ng inom ng tubig si Romualdo habang si Kylie naman ay kwento ng kwento sakin.

"Love, couz, wait lang ah. Puntahan ko lang yung kabilang table. Mga teachers namin yung nung highschool eh." Tumango ako at parang ayaw naman ng katabi ko, "Couz, pakibantayan si love ah." Hinalikan pa niya sa pisngi si Romualdo na nagpangiwi sakin, bago siya tuluyang umalis.

Dalawa lang kami sa pang-animan na table na ito. Si Mark kasi ay nakikipag-usap sa kung sino at si Kyle ay palipat-lipat ng table.

Humalukipkip ako at nag-iisip palang ng sasabihin sa katabi kong ugok nung magsalita na siya. "Max, please.. please.. let me explain." Bulong niya.

"Alam mo kung anong nasa isip ko ngayon? Gusto kong ipalo yang hawak mong baso sa mukha mo ng dalawang beses, una para sa pangloloko kay Dette, pangalawa, sa pangloloko sa pinsan ko." Kalmado pa ko. Promise. Kalmado ng boses ko at mas natakot siya siguro dahil don.

Humarap na siya sakin. "Maxine, wala akong niloko-"

"Hoy, adik ka ba? Si Dette ilang araw na saming nagsstay dahil sa problema niyo, tapos kayo na pala ng pinsan ko? Anong hindi pangloloko don?"

Ang bilis na ng hinga niya, di niya siguro alam paano mageexplain sakin. "Max, di ko naman sadya-"

"Syempre! Lahat naman ng nagloloko ganyan ang dahilan. Pero choice mo yan! Ano, tulog ka tapos pag gising mo nagdecide ka ng mag girlfriend ng iba kahit pa may karelasyon ka pa?"

"Magulo na kami Max. Antagal na naming nagkakalabuan at.. at madaming bagay pa kaming di pinagkakasunduan kaya di ko maiwasang magkaron ng iba."

Di ko napigilan, kinurot ko talaga yung braso niya ng malakas. Nanggigigil kasi ako. Talagang napadaing siya ng sakit at sinamaan pa ko ng tingin. "Dukutin ko mata mo titingin ka pa ng ganyan eh. Gusto na nga kitang sakalin ngayon sa totoo lang! Napaka walang kwenta ng rason mo! Eh di sana hiniwalayan mo na siya agad-agad hindi yung ganyan!" naiiyak ako sa inis. Alam mo yung ganong feeling? Naiiyak ka sa sobrang inis mo sa isang tao? Yung feeling na gustong-gusto mo talaga siya saktan ng pisikal para lang mailabas mo yung pakiramdam mo? Ganon kasi ang feeling ko ngayon!

"Oh, anong nangyari sayo love?" napatingin kami kay Kylie na bagong dating at nakitang nakahawak si Romualdo sa braso niyang kinurot ko. "Wala naman." Sagot niya sabay ayos ng upo. Di na pinansin pa ni Kylie yun.

Di ko malaman kung anong dapat kong gawin, sabihan si Dette o sabihan si Kylie. Sinong dapat magparaya? Masaya akong makita si Kylie na masaya sa piling ni Romualdo, pero nasasaktan naman akong makita si Dette na umiiyak at clueless sa mga nangyayari sakanila ng boyfriend niyang pang lolo ang pangalan!

"Couz! You look tense. Are you okay?" tawag sakin ni Kylie nung mapatulala ako sa hangin kakaisip sa sitwasyon niya at ni Dette.

"Ayos lang."

"Now I know kung bakit may paganitong party pa si Kyle, ipapakilala niya pala kay mommy yung nililigawan niya. Sus! Di pa naman niya girlfriend!" napangisi ako sa sinabi niya.

"Andyan na ba yung girl?"

"Oo! Ayun oh!" tinuro niya yung table di kalayuan samin, yung table na inuupuan ni Tita Minda at nung iba pang mga kaedaran niyang bisita, andon si Kyle at may babaeng katabi na pinapakilala kay tita.

Nakadress na red ang babae at mula dito sa pwesto ko, alam ko ng maganda talaga siya.

"Nililigawan palang niya yan?" tanong ko habang nakatingin dun sa table na yun.

"Yup. Di pa siya sinasagot. Malamang pinapakilala kay mommy para dagdag point naman sa chick. Old style." Umiling pa si Kylie at uminom nung hawak niyang juice. "Buti pa si Love, he has his own style in making me fall for him." Di ko maiwasang di tignan si Romualdo. Ngumiti naman siya sa pinsan ko pero halatang hindi siya kumportable dahil sa mala-agila kong tingin sa kanya. I wonder kung ano kaya yung 'style' na sinasabi ni Kylie. *irap to the left*

Di nagtagal ay umabot sila sa table na inuupuan naming tatlo sakto naman sa pag-upo din don ni Mark (yung jowa ni Celine) na may dalang wine(?) na nasa baso.

"Whoa whoa whoa! Look who's here?" sabi niya nung lumapit sila Kyle at girl tapos nagbeso silang dalawa. So kilala din niya.

"Yan, this is my cousin Maxine, of course you know Rom and my sister Kylie." Nakita kong tinitigan ni Kyle ang kambal niya para warningan ito. Hahaha. Siguro di type ni Kylie ang nililigawan ni Kyle.

"Hello." Sabi ko at inabot ang kamay ko. Si Kylie naman ay tumayo at bumeso kay 'Yan' na akala mo dati na silang magkakilala. Maganda yung girl, mukhang mahinhin at may class. Mala-Celine na mas mababa ng level ng onti. LOL.

Dun sila umupo sa table namin kaya napuno ito bigla. Nag-usap sila habang ako ay nakangiti lang at nakikinig.


Unknown Number:
Enjoying the night?


Biglang kumalabog ang puso ko at otomatik na umikot ang paningin ko para hanapin ang source ng text na ito. Wala akong ibang suspect kundi siya. Andito ba siya?

Sobrang kaba ko nung bigla lumanding ang mata ko sa table na pinanggalingan namin kanina, yung table ng mga classmates ni Kyle at nakita ko si Irvin na may hawak na wine glass sa isang kamay at hawak naman ang cellphone sa kabila. Ikinaway niya sakin ang kamay na may hawak na phone.

Nadisappoint ako. Siya yung nagtext? Haaay. NAwala ang excitement ko at agad bumalik sa cellphone ko. Di ko nalang rereplyan. Sino naman nagbigay ng number ko don? Tsk.

Unknown Number:
Hope you're enjoying yourself there, coz I'm not. You're too far away from me.


Ano ba to? Tsk. Ayaw kong tignan ulit ang table nila kasi medyo creepy ang dating sakin nung friend na yun ni Kyle. Pero bat ganto? Half ng feeling ko si sir to pero bumabalik sa isip ko yung pag kaway nung Irvin hawak ang phone niya na parang sinasabi na siya yung nagtext.

Di ko ulit nalang papansinin at mag fe-feeling na kasali ako sa usapan para tantanan na niya ko. Umilaw ulit ang phone ko tanda na may text ulit. Kainis na.

Unknown Number:
Why aren't you replying? Too busy, huh.

Papatayin ko nalang sana ang phone ko nung biglang magvibrate ito dahil sa isang call, call ni Unknown Number! Irita! Pinatay ko agad. Ano ba yun?

Unknown Number:
Answer my call.

Wow ah. Mukha mo. Pag lang lumapit-lapit sakin yung lalakeng yun tatakbo ako papasok ng bahay at di na bababa hanggang bukas. Natatakot na ko.

Nag ring ng ilang beses pa pero di ko sinasagot at kina-cancel ko lang.

Unknown Number:
Damn it. Answer my call. NOW.

Ang yabang! Makapag-utos naman! Nakakabadtrip kaya nung tumawag ulit ay tumayo ako sa table at lumayo sa kanila para sagutin.

Ako: Ano ba kuya? Hindi tayo close at sa totoo lang naiinis ako sa kakatext mo! Isusumbong kita kay Kyle, nakaka-ano ka na ah.

Galit ang utas ko nung unang sagot palang. Nakakaasar naman kasi. Di naman kami close para makapang-utos siyang ganon.

Siya: What?
Ako: Si Irvin ba to?
Siya: Who's Irvin?

Biglang nanlaki ang mata ko at napahawak pa sa bibig ko. Lumingon ako sa table nila Irvin at nakita kong tumatawa siya don kasama ang mga ibang nasa table. Ngayon ko lang nabosesan kung sino ang kausap ko. Shockers. Bakit unknown na siya sa phone ko? Nagpalit ba tong number?

Ako: Si-sir?
Sir Niel: Sino si Irvin?

Napapikit ako. Epic Fail! Akala ko naman kasi yung classmate ni Kyle! Sana kanina ko pa sinagot at nireplyan!

Ako: Wala. Bat kasi nagtetext ka ng di nagpapakilala? Nagpalit ka ba ng number?
Sir Niel: Maxine, who is Irvin?
Ako: Yung isang classmate lang ni Kyle! Akala ko kasi siya yung nagtetext dahil hindi ka naman nagpakilala.
Sir Niel: Why would you think na ako yun? Is he hitting on you? Nagpapacute ba?
Ako: Hindi! Akala ko lang nga.
Sir Niel: Bakit mo nga magiging akala?
Ako: Naman! Tsk! Bakit ba? Bakit ka ba tumawag? Mang-aasar ka lang?
Sir Niel: (huminga ng malalim) Nope. Just want to.. talk to you.
Ako: Wow. Tagal mo kong di kinausap, biglang gusto mo na kong kausap ulit?

Medyo badtrip na ang pagkakatanong ko sakanya. Kasi diba? After ng dramahan moment namin nung nakaraan, hindi na siya nagparamdam pa sakin. Tapos kanina ni-kiss pa niya ko sa lips, kahit mabilis yun kiss pa din yun no. Hmmp.

Sir Niel: Gavin is sleeping already. Ang galing ko no?
Ako: Anong ginawa mo? Bakit natulog agad? Maaga pa ah.
Sir Niel: We played PS3 the whole afternoon then he got tired so he slept early.

Natawa ako. Ayos ah.

Ako: Kumain ba ng dinner?
Sir Niel: Yup. We ate pizza while playing-
Ako: Ano? Pizza lang? Bakit hindi kanin?
Sir Niel: Bakit? What's wrong with pizza?
Ako: Hindi nakakabusog yun!
Sir Niel: Anong hindi? Nabusog nga kami.
Ako: Ay nako! Iba pag kanin. Magigising pa yan mamaya eh, kasi gutom. Dapat kanin kasi.
Sir Niel: No, he's tired, he'll wake up tomorrow morning na for sure.
Ako: gigising yan! Tinapay lang pinakain mo eh! Tapos medyo maaga pa. Nako, magready ka na kasi sigurado ako gigising yan.
Sir Niel: So what are you doing there?
Ako: Wala. Nakaupo lang.
Sir Niel: Why aren't you socializing? Pag party dapat nakikipag socialize sa ibang bisita.
Ako: Sus. Di naman ako businessman o artista. Simpleng mamamayan lang ako kaya ayos na ko sa paupo-upo, pakain-kain.
Sir Niel: Well, you should practice ngayon palang.
Ako: Bakit?
Sir Niel: What are you wearing?
Ako: Dress lang. Simpleng dress at flat shoes.
Sir Niel: Gaano kahaba?
Ako: Hanggang sakong. *irap to the right*

"Max, come here saglit. I'll introduce you with some people." Napalingon ako sa tawag ni Tita Minda at nag senyas ng wait.

Ako: Oh sige na. Tawag ako. Makikipag "socialize" muna ako.
Sir Niel: Good. You need to practice.

Kumunot lang ang noo ko bago ko binaba. Anong practice?

Dinala ako ni Tita Minda sa ibang tables, mga classmates ni mama noon, mga classmates niya, mga kung sino-sino pa.

Last table namin ay mga friends daw nila ni mama noong college. Parehas daw kasi sila ng circle of friends ni mama noon. Eh di mga taga-Ateneo din tong mga to.

"Here is Manilyn's youngest. She's a cum laude and now working as a call center agent in Eastwood then this year she's planning to pursue Law." Yun lagi ang pambungad ni tita sa bawat table na pupuntahan namin. Nagpapantig na nga ang tenga ko at gusto ng malaglag ng ulo ko sa lapag kasi ang bigat na.

"Cum Laude, yet on a call center? Bakit don?" sa lahat ng table, ito lang ang may nagreact sa trabaho ko (kuno).

"It's just a stepping stone Norma. She wants to enter Law with her own money kaya dun siya pumasok." Paliwanag ni tita.

"If she's that good, hindi dapat sa call center lang." nagpantig ang tenga ko sa "lang" niya.

"Bakit po, may problema po sa call center?" I asked her politely.

"Well, I look at that job as the.. lowest kind of job that's working on an office building."

"Lowest? Paano pong naging lowest?"

"Kasi yan ang job na walang requirements. As long as the applicant know how to speak in English, papapasukin na don. Unlike if you're accountant, or, doctor, or an IT. But call center? Psh. Rubbish. Low-class job."

"Maybe, wala ngang requirements tulad ng ibang firms such as those you mentioned, but call center agents don't just need to be fluent in English, they also need to have patience longer than what they naturally have for those irate and impolite clients like you who think that they are just some low-class employee with low-class job. Po." *smile*

Tumingin siya ng masama sakin pero natawa naman ang ibang nasa table.

"Yes, infact most of our agents are degree-holder." Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong si Ms. Becky pala yun. Kumindat siya sakin at ngumiti. Nagsmile din ako sa kanya.

Yabang naman nitong isang to, maka low-class sa mga call center agents ah. Di nga ko call center pero nakikita ko naman si Dette, nakikita ko din ang libo-libong agents na pakalat-kalat sa Eastwood at naririnig ko ang mga pag-uusap nila.

Sabi nga ni Dette sa sobrang irate ng mga clients gusto niyang lumusot sa headset niya at sabunutan ang walang modo (minsan) na mga customers.

Ito nga lang bisita ni tita nag-iinit na ulo ko, paano pa kaya pag kausap ko sa trabaho, ilang daang ganyan ang pag-uugali? Di ako tatagal dyan.

"Pasensya ka na don kay Norma. She's always like that kahit nung college pa kami." Sabi ni Ms. Becky nung lumapit siya sakin after ko makipag-usap sa table nila.

"Okay lang po. Nakakainit lang po ng dugo. Buti nalang pala di ako agent talaga kasi po baka tanggalin niyo ko agad, mapapasigaw ako sa mga ganong tao eh." Tumawa siya.

"Nako, kung nasa floor ka na, makakasanayan mo din ang mga irate customers like that. Marami ngang mas Malala pa dyan." Nagmsile lang ako. "Anyway, buti pinayagan ka ni CEO?"

"Ahh.. oo nga po."

"I heard that Gav is so close to you to the point na hindi kayo mapaghiwalay, buti pinayagan ka niya."

"Nako oo nga po. Pumayag din naman kasi po nagstay si sir dun ngayon kaya silang dalawa ang magkasama hanggang bukas." Bigla kong naalala yung kwento ni sir na nag PS3 lang silang dalawa.

"Ha? He stayed in the house? With Gavin?" napakunot ang kilay ko sa gulat niyang tanong. Bakit?

"Opo. Proud pa nga na napatulog niya si Gav."

"Really? That's.. weird. I mean, you know I've been working with him for quite some time kaya alam kong halos hindi siya umuuwi."

"Umuuwi naman din, minsan pag gabi ganyan. Pero ngayon lang yung nagstay siya dun maghapon para di umiyak si Gav."

"That news blew me. Nakakagulat. I know him to be cold and rude with his son. Nagbobonding na pala sila ngayon?"

"Opo. Nagbago na since nag Palawan kami. Dun sila naging close talaga." Nanlaki ang mata niya.

"You're with them in Palawan?"

"Ah.. opo. Di lang naman ako pati yung driver at yaya ni Gav kasama."
M
"Nakakagulat ang mga kwento mo ah! Like we are not talking with the same person. Are we talking about Nathaniel Marquez?" sabay kaming tumawa. Wow. Nakakagulat na kahit sa iba pala ay alam kung gaano kasama si sir at ngayong nagbabago na siya ay gulat na gulat sila.

Nakakaproud naman makita ang pagbabago ng isang tao. *laki butas ng ilong*

Pagbalik ko sa table namin, wala ng tao. Okay na din para makapag muni-muni kahit papano.

Pag upo ko, umupo din si Mark. Napapikit pa ko kasi naamoy ko mula sa upuan ko ang alak sa hininga niya.

"So, what's your stunt kanina? They don't know that you're working with Niel as Gav's tutor?" sabi ko na yan ang sasabihin niya eh.

"Yup. At hindi mo yun sasabihin."

"Why wouldn't I?" sinamaan ko siya ng tingin. Anong trip nito?

"At bakit mo sasabihin? Ano bang concern mo don? Sus. Pampam ka din talaga."

"What?" inirapan ko lang.

"You know Max, I can use that fact to get something from you." Bumulong sya sa tenga ko at nangilabot ako sa hininga niya.. maliban sa mabaho dahil sa alak, naramdaman ko pa ang hangin sa leeg ko.

"Ano ba! Bakit ka bumubulong? Ang baho. Tsk." Tumawa siya at nilagok ang hawak na alak.

"Let's have a deal Max, don't let Niel and Celine be close and I won't tell your family that secret." Umirap ako. Lasing lang to. Bukas makalawa wala na yan sa isip niya.

"Like I care." Sagot ko.

"Really? O sige I'll tell them right away." Biglang lang niyang sinenyasan si Kyle na nasa kabilang table kaya lumapit ito. Inaabangan ko kung nanakot lang siya o totoo kaya di ako kumikilos. Anyway iniisip ko nga lasing lang to.

"Kyle, you know that your cousin is not a call center agent in Eastwood.." biglang nanlaki ang mata ko at sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa. Dire-diretso kasi ang pagsasalita niya.

Buti nalang, sakto na nag feedback yung mic na hawak nung guest singer ng party ni Kyle.

"Sorry boss, didn't catched that. What are you saying about Max?"

Tumingin ng nakatawa si Mark sakin, di na ko makahinga ng maayos, "Nothing. I am just enjoying your party. You go ahead." Tapos tinapik ni Kyle si Mark sa balikat tapos tinanguan ako.

"Anong trip mo?" singhal ko.

"I told you I'll tell them that you're lying kung di ka makikipag cooperate sa akin." Napa-facepalm ako. Naman!!

"Ano ba kailangan mo?"

"Why do you sound irritated?"

"Bakit hindi? Ang baho mo, ang yabang mo, nang-cocorner ka ng sitwasyon at hindi ko pa din nakakalimutan yung pang-gugulo mo sa birthday party ni Gav na ako ang naghanda! FYI."

"Yeah.. 'bout that, I want to apologize. Really, sorry." Parang biglang umihip ang hangin, from kayabangan niya ang nakita ko na ay yung Mark na minahal ni Celine. Alam ko na mabuti din naman tong tao, mayabang, siguro kasi may iyayabang naman siya pero hindi naman masama ang ugali. Pero di ko na pinakitang nakita ko ang sincerity sa pagsosorry niya. Tumango nalang ako at umirap (kunyari).

Matagal kaming di nag-usap. Nakatingin lang ako dun sa banda na kumakanta sa harap habang si Mark ay pinaglalaruan yung baso niyang hawak kanina. Kaya napatingin ako sa kanya nung bigla siyang nagsalita. "I love Celine more than anything, Max. And I can't completely get her 'cause of Niel."

Nakatitig lang ako sa mukha niyang kitang-kita ang pagkapula dahil sa nainom niya. Tisoy tong si Mark. Matangos ang ilong at medyo tayo-tayo ang manipis niyang buhok.

Tumingin siya sakin at nag smirk. "Since college I've been competing with him at pakiramdam ko hindi ako manalo-nalo. So when I got Celine because he abandoned her, I feel like I got the highest score between our inside war."

Di pa din ako masyadong nagfofocus sa kanya, kahit papano, gwapo si Mark. LOL. Nakakadistract siyang titigan ng matagal.

"But can you blame me Max? That after all the effort I did to make Celine stay with me, she still wants to be with Niel?" kumunot ang noo ko. Nung nag-usap kasi kami ni Celine sa resto, sinabi lang niya na di na sila okay pero di niya sinabing dahil gusto pa niya si sir.

"Paano mo nasabing si sir pa din?"

"She told me."

"Ha? Kailan?"

"Last week. We talked, of course I want to make this work, then she admitted that it's still Niel. All this time, it's still him."

"Hindi naman.. hindi naman na siya gusto ni sir." Gusto ko sana with conviction ang pagkakasabi ko, gusto ko sana patunayan sa kanya na, hindi, hindi na siya ang gusto ni sir kundi ako, kasi sinabi niya yun sakin last week.

"What? Well, you don't know your boss that well. I know Celine have been hoping for him at nung nagparamdam ulit si Niel sa kanya, I know, I know how much she was torn to stay with me and to be with the one she really loves."

"Pero wala na yun kay sir. Alam ko, ano, alam ko wala na kay sir."

"How can you say that when just last night I saw them together?" parang umikot ang paligid ko. Ano? Pwede paulit?

"When she told me she still loves him, pinapasundan ko na siya everyday, kaya alam ko na halos araw-araw ay nag-uusap sila. Hinayaan ko lang, but then last night was different, I saw them embraced. I saw them so close to kissing at hindi ko na kayang tignan pa ang kasunod. Damn Niel!" hinampas niya ng malakas ang table namin na ikinabigla ko at nung mga katabi namin. Nagtinginan sila sa pwesto namin at nahihiya ako kasi baka isipin nila nag-aaway kami dito.

"Sorry. Let's go outside." Tumayo siya at sumunod na ko. Naisip ko kasi na mas nakakahiya kung maiiwan ako pag tumayo siya. Mamaya isipin naman nila nag walk out si Mark tas ako nandon lang.

Pumunta kami sa pinaka labas ng bahay at binuksan niya ang sasakyan niya tapos sumakay sa driver's seat. Ngumiwi ako. Uuwi na pala siya pinasunod pa ko.

Biglang bumaba yung bintana ng front seat, "Get in. Let's go somewhere else."

Sumilip ako. "Ayoko nga! Sige na, papasok na ko sa loob ng bahay."

"Please. I need to vent this out." Huminga akong malalim at sumakay na din. Mabango ang loob ng Audi niya.

Hindi naman kami lumabas ng Subdivision, nag ikot-ikot lang kami dito, di ko alam kung may bahay ba siya dito or ano, pero nung may makita kaming bakanteng lote na medyo malayo sa ibang bahay ay nagpark siya don at lumabas ng sasakyan, gumaya na ko.

Umupo ako sa hood ng sasakyan niya, may kinuha siya sa likod, juice-in-can, Four Season, ayos.

Binuksan at inabot niya yun sakin. "Thanks, meron ka talagang ganito sa kotse mo ah."

"Celine wants me to carry a cooler with juice-in-can everytime." Ngumiti ako ng malungkot.

Habang umiiinom ako, naalala ko yung huli niyang sinabi na nakita daw niya kagabi si sir at Celine. "San mo nga pala sila nakita kagabi?"

"Celine's condo's parking lot. Madalas niyang ihatid si Celine lately. Damn it. Sinadya niya talagang hindi kami okay para lumapit ulit." Umiling siya.

"Baka naman ano.. nagiging friendly lang ulit si sir." Sige, push pa Max.

"Friendly? Exes can't just be friends okay? Laging may involve na feelings lalo na kung hindi pa totally nakaka-move on."

"Naka-move on na si sir."

"Don't make me laugh. Hindi naman siya magpaparamdam kay Celine nung mga nakaraang buwan kung naka-move on na siya."

"Malay mo lately lang siya naka-move on."

"Lately lang sila nagkikita ulit ng sila lang. Before naman hindi."

Di na ko sumagot ulit. Bakit ba pinipilit ko? Kasi ayoko din tanggapin yung mga sinasabi niya.

Hindi masyadong kita ang stars ngayong gabi, pero sa tingin ko naman ay hindi uulan. Bigla ko lang naalala na ang ganda ng sky sa Palawan.

"Mag effort ka kaya. Ligawan mo ulit. Ipakita mo sa kanya na mas karapat-dapat ka para sa kanya." For a long time nang pagtingin sa langit, yun lang ang nasabi ko kahit pa ang daming words ang nabuo sa isip ko.

"I don't need to do that."

"Wag kang KJ Mark. Dapat mag effort ka. Kasi the more na gaganyan-ganyan ka, the more na mapapalapit sila. The more na binibitawan mo siya, the more na magkakaron siya ng chance na pumunta sa iba."

Para ko ding sinasabi sa sarili ko yung mga linyang yan. Hindi ko alam kung alin ang totoong sir, yung nakita ni Mark na kayakap ni Celine at 'madalas' naghahatid sa kanya o yung humalik sakin kanina sa sasakyan, tumawag sakin at naka-away ko last week.

Kailangan ko din mag effort, kailangan ko din malaman kung sino ba talaga yung Niel na yun. Sino ba talaga gusto non? At kung talagang ako nga, dapat ko na sigurong sabihin sa kanya. Dapat ko ng ipaalam para hindi na magkaron pa ng puwang si Celine sa buhay niya. Dapat ako ang ookupa ng buong puso niya. Si Gav din pala.

"Sige, bakuran mo si Celine, babakuran ko si sir." Tumingin siya sakin, nag tataka, iniisip niya siguro kung anong ibig kong sabihin. Hindi ko na ieexplain yun. Bahala na siyang unawain yun. Basta, babakuran ko si sir.

Bumalik din naman kami sa bahay nila tita at hindi pa din tapos ang party. Inaantok na ko kaya dumiretso na ko sa loob ng bahay nung magpaalam ako kay Mark. Dire-diretso akong pumasok sa kwarto ni Kylie habang naglalaro sa isip ko kung paano ko nga ba babakuran si sir.

Ako pa ang nagulat nung maabutang magkasama sa loob si Kylie at Romualdo. Agad silang naghiwalay na parang walang nangyari. Na parang di ko nakitang magkadikit ang mga labi nila kanina. Jeez. Bumalik ang pagkaasar ko sa lolo na to.

"Couz, sorry iniwan na kita. Ahh... Matutulog ka na ba? Lalabas na din kami." Tumango ako at lumabas ng kwarto, umupo ako dun sa couch sa tapat ng pinto ni Kylie. Unang lumabas si Romualdo at tinaasan ko siya ng kilay. Parang timang lang siya na nakatayo don sa harap ko, di malaman kung aalis o magsasalita, kaya lang lumabas na din si Kylie at hinila na siya pababa. Pumasok na ko sa kwarto at naligo para makapag palit na ng pang tulog.

Di ko nga alam kung makakatulog ba talaga ako. Maliban sa sarili kong lovelife, iniisip ko pa pati ngayon ang lovelife ni Mark at Celine tapos pampagulo pa ang Dette-Romualdo-Kylie love triangle. Buhay!

Nakaidlip ako at nagising nalang nung isara ni Kylie ang pinto ng cr niya. Dinilat ko ang mata ko at nakitang mukhang bagong ligo siya at patulog na din.

"Oww.. did I woke you?"

"Di naman. Patulog ka na? Tapos na party?" tanong ko habang bumabangon sa kama. Naiihi ako.

"Di pa halos, Kyle's friends still there. I'm sleepy na kaya umakyat nako. Anyway, Rom's gone kaya boring na." nakita ko pa ang smile niya bago ko sinara ang pinto ng cr para umihi. I need to confront her.

"Kylie, san kayo nagkakilala non?" sa pagtwinkle palang ng mata niya, alam kong alam na niya kung sino ang tinitukoy ko.

Niyakap niya yung isang unan at pinatay ko naman yung ilaw na binuksan ko kanina bago pumunta sa cr. Tumabi ako kinikilig kong pinsan.

"I already know him before since he's Kyle's workmate. Pero 2 months ago nung nakausap ko siya at.. yun na nga." Kinilig pa siya lalo. Gusto kong kiligin. Gusto ko talaga kasi favorite story ko palagi ay romance stories. Masarap kiligin kahit para sa ibang tao diba? Normal naman ata yun. Pero di ko kaya this time.

"Paano? I mean, paanong from 'workmate' lang ni Kyle naging someone special siya?"

"Well, it happen on one of their nightout. So ayun, sayaw-sayaw, inom-inom then I saw him sa couch sitting alone kaya kinausap ko. He's always.. private. Kahit si Kyle walang masyadong alam about him kasi hindi naman palakwento. Then nung nag-usap kami that night, I found out that he has lovelife problem." Napalunok ako.

"So yun, gave him some advice and all. Told him na if you're not happy with a relationship, leave. You don't need to suffocate yourself if you have a choice to run naman." Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

"Then.. few days after that, akala ko wala lang naman yun, sinundo niya ko sa office." Kinilig siya at nanlaki naman ang mata ko. Di pa sila nagbbreak non. Bakit sinundo na niya si Kylie? Inakala yata ni Kylie na kilig ang reason ng pagdilat ko kaya nagtuloy pa siya sa kwento.

"Yon.. we ate, some chitchat, hanggang sa everyday na pala nagkikita kami at magkasama. Eventually, nahulog ang loob ko sa kanya.. and.. boom!" hinagis pa niya yung unan pagkasabi nung 'boom'.

"Anong boom? Sinagot mo na siya? Nanligaw siya ganon?" tinignan niya kong masama at hinampas sa ulo ko yung unan na hawak niya.

"Ano ka ba couz! It's not important anymore! Pag parehas naman kayo nang nararamdaman, you don't need that stuff!" umiling pa siya na parang ang shunga ko kasi di ko yun alam.

"Pero.. ano na nangyari sa lovelife niya? Break na sila nung GIRLFRIEND niya?"

"Maybe. Yeah. I think so naman. Of course he wouldn't pursue me at all kung hindi pa sila break diba?" umayos na siya ng higa at humikab ng may sound, pero ako nakaupo pa din. Pinag-isipan ko maigi ang susunod na sasabihin.

"Tinanong mo ba kung talagang break na sila? Paano kung hindi pa pala sila break? Paano kung di lang sila okay ngayon at ikaw yung nagiging reason para di sila magkaayos? Willing ka bang bitawan siya pag nalaman mong -"

Tinignan ko si Kylie at nakanganga na sa sarap ng tulog. Antok na nga talaga siya. Bumuntong hininga ako. Paano ko sasabihin kay Kylie na maling lalake yung minahal niya? Naniniwala kasi ako na kung nagawa niyang lokohin si Dette, maaring gawin niya din ito kay Kylie pag dating ng araw.

Unknown Number:

Is the party over?

Aww. Bakit gising pa si sir? Save ko muna number niya. Nagpalit siguro ng number to kasi meron na siyang nakasave sakin eh.

Ako:

Di pa. Pero nasa kwarto na ko patulog.

Sir Niel:

Gav woke up a while ago, he's hungry.

Ako:

Hahahaha! Sabi ko sayo eh.

Sir Niel:

I know right. He's asleep again.

Ako:

Bakit ikaw di ka pa matulog sir?

Sir Niel:

Just want to check on you first.

Ako:

Luh.

Sir Niel:

What 'Luh' means?

Ako:

Hahaha. Short cut ng "HALA"

Sir Niel:

I see. So.. are you sleeping now?

Hindi! Gusto pa kitang katext kahit parang walang kwenta ang usapan natin. Haha.

Ako:

Nakaidlip na kasi ako kanina, nagising ulit. Medyo di pa ko antok. Ikaw?

Sir Niel:

Not sleepy yet. Can I call you?

Kumalabog nanaman ang puso ko. Susme ka sir!

Ako:

Tulog na si Kylie sa tabi ko.

Sir Niel:

Okay.

Sir Niel:

MAxene, I have something to tell you tomorrow. Can Gav and I come with Jaime to fetch you?

Ako:

Ano yun? Sabihin mo na dito.

Sir Niel:

I don't tell important things thru text. Can Gav and I come with Jaime to fetch you?

Ako:

Arte mo naman. SAbihin mo na po sir.

Sir Niel:

Why aren't you answering my question? I said can Gav and I come with Jaime to fetch you?

Ako:

Di ko ba sinasagot? LOL

Sir Niel:

Maxene!

Ako:

Hahaha! Chill. Eh di sumama kayo! Boss naman kita kung anong trip mo yun na yun. Basta wag niyo ko susunduin dito sa bahay nila tita mismo. Dun nalang ulit sa pinagbabaan niyo sakin kanina.

Sir Niel:

Alright. What time?

Ako:

Mga after lunch?

Sir Niel:

Okay. Just text me or Jaime.

Sir Niel:

Wait! Don't text Jaime, text me instead. Just me.

Possesive. Sayang lang at nakatulugan ko na ang last text niya. Gusto ko pa talagang makipag text kaya lang dala na din siguro ng pagod at antok dahil sa party na yun, nagising nalang ako ng umaga.

Tulog pa si Kylie nung magising ako at nakita kong pasado alas-nwebe na. Naghilamos at toothbrush na ko bago bumaba at si Tita Minda ang naabutan ko sa table. Kasunod ko lang din bumaba si Kyle.

Agad naghain si manang Lot para samin ni Kyle. Si tita busy sa laptop niya habang may kausap sa phone kaya di na kami nakausap hanggang magstart akong kumain.

"Grabe, halos 4AM na ko nakatulog." Napalingon ako sa katabi kong gulo-gulo pa ang buhok.

"Ano pang ginawa niyo non?"

"Inuman." Tumango lang ako at bigla nanaman naglaro sa isip ko, bakit ba kailangan may inuman sa mga party? Bakit sa Davao, dahil hindi naman nagiinom ang papa ko kahit mga tito at tita ko don, ang kasiyahan don videoke at darts lang sapat na. Mas late pa nga kami kung magparty pero walang alak.

Bakit yung iba kailangan may alak?

"Max, dito ka na manggaling bukas." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tita Minda after niya makipag-usap sa phone.

"Ha? Di na po. Uwi nako. Kailangan ko pang.. mag-ayos sa apartment. Mag.... Lalaba pa po ako."

Di naman sumagot si tita. Pero di muna ako hihinga ng malalim hanggang hindi ako nakakalabas ng bahay nila na bitbit ang bag ko para siguradong aalis na ko.

"Hey Max, what do you think about my girl, huh?" siniko ako ni Kyle.

"Kala ko nililigawan mo palang?"

"Well, I got her answer last night." Proud niyang sinabi.

"Wow! Congrats ah!" nag-apir pa kami. Si tita naman umiling pero nakangiti. "Taga san nga pala yun?"

"Alabang. She's Boss Mark's cousin." Napabagal ang nguya ko sa sinangag na may itlog. Ano ba yan!! Bakit parang ang liit ng mundo ko?

"Ahhh.. Eh yung boyfriend ni Kylie?"

"Rom? Workmate ko din."

"Diba.. may girlfriend siya?"

"Yeah.. si Kylie?"

"Hindi. I mean, diba bago naging sila may girlfriend siya?"

"Why? Do you know him? Paano mo nalaman?" tapos naningkit pa ang mata niya sakin na para bang may tinatago ako. So nagpoker face ako.

"Nakwento lang ni Kylie sakin kagabi na nung gabi daw na nag bar kayo, yung night na nagstart ang friendship nila, may problema siya sa pag-ibig. So naconclude ko lang na may girlfriend nga siya that time." Kumuha ulit ako ng bacon na nasa gitna ng table at kinain ito agad. Para di ako mahalata. Para di makita sa mukha ko at sa kamay ko na kabadong-kabado ako sa pinagsasabi ko.

"I don't know. Di naman makwento yun. Alam ko may girlfriend nga siya. But, I don't think he would go for Kylie kung hindi pa sila break. Subukan lang niya at ako ang makakaharap niya." Nabitawan ko pa ang kutsara ko dahil sa banta ni Kyle. Susme! Patay ka Romualdo! Isumbong ko kaya?

Kaya lang paano naman si Dette? Alam kong mahal na mahal niya yung lolo na yun kaya masasaktan yun pag napatay siya ni Kyle. Isa pa, paano ko sasabihin sa kanya na pinsan ko ang dahilan ng mga problema niya ngayon?

Parang nawalan naman ako ng gana kumain. Naiipit ako wala pa man.

"Good morning." Napalingon kaming lahat sa kakagising lang na si Kylie. Dun siya sa katapat ko umupo.

"Hoy panget, mag-kaaway ba kayo ni Rom kagabi bago siya umuwi?" halatang nabigla si Kylie sa tanong niya.

"Ha? Nope. Why?"

"Weird. Nagtext kasi si boss Mark, nagpadaan daw si Rom sa Eastwood para mag-inom. Thought nag-away kayo kaya don na nag-inom at hindi dito."

Kumunot lalo ang noo niya at bumagal ang pagsandok ng pagkain sa pinggan niya. Siguro iniisip niya kung may nasabi bas i Rom sa kanya about dun. Pero ako may ibang kutob.

Hindi siya iinom ng Eastwood. Jeez. Kailangan kong macontact si Dette.

Mukhang pinalipas lang din naman ni Kylie ang sinabi ng kakambal niya, it's either wala siyang pake or matured enough siya para hindi maghinala o magalit agad-agad sa mga ganong balita.

"Couz, let's go out later." Yaya niya sakin.

"Nako, kailangan ko ng umuwi kasi maglalaba pa ko. Mag-aayos din ako sa apartment." Kailangan kong panindigan ang una kong storya.

"Awww. Ito naman minsan na nga lang tayo magkita di mo pa lubusin. Let's go out muna bago ka umuwi." Nagpapa-awa epek pa si Kylie.

"Sorry di talaga pwede." Kasi susunduin ako nila Sir Niel at ayokong imove pa yun dahil mabi-beastmode siya! Gusto ko sana idugtong.

"What if ihatid ka namin sa Eastwood? What do you think mum? Para makita na din namin yung apartment mo." nanlaki ang mata ko. ISip ng palusot Max!

"Nako. Ayaw ng kasama ko sa apartment na may mga bisita. Medyo may problema kasi siya ngayon sa pag-ibig so ayaw ko munang i-test ang limit niya." Totoo namang may problema sa puso ang "kunyaring" kasama ko sa apartment na si Dette.

"Wag ka ngang mapilit panget. Let her do her errands alone. Call your boyfriend kung gusto mo mag gala." Umirap pa si Kyle sa kanya kaya binelatan ni Kylie.

Namiss ko tuloy sila Ate Jing at Ate Jess. Iba kasi ang kulitan ng magkakapatid no?

After breakfast nagkachance akong makapunta ulit sa kwarto ni Kylie, sigurado akong bugbog nanaman sa text at call yun.

143 Missed Calls

24 Text Messages

Aba matinde.

Lahat ng calls galing kay Sir Niel. Yung text, meron siya, si Dette at si Caleb. Yung kay sir lang ang binasa ko.

Sir Niel:

What time will you be awake?

Sir Niel:

Gav and I are waiting for you.

Sir Niel:

Sleepyhead! Wake up!

Sir Niel:

We're on our way.

Sir Niel:

We're near.

Sir Niel:

We're outside the subdivision. How long will it take for you to go out?


Grabe naman! Nagreply ako agad. Di ko kasi sure kung trip ba to o ano.

Ako:

Sir! Yung totoo nasan na kayo???!!!!!

Sir Niel:

You're late.

Ako:

Asan na nga kayo?

Sir Niel calling...

Ako: Asan na po kayo?

Sir Niel: Outside your aunt's house.

Ako: Seryoso nga?

Sir Niel: Yes.

Ako: Grabe naman! Sabi ko mga after lunch pa eh! Hindi naman after breakfast.

"Tita! I miss you!" narinig ko sa background ang boses ni Gav. Pambihira, so talagang andyan na nga kaya sila sa baba?

"Hi baby! I miss you too!" medyo malakas pa ang pagkasabi ko kasi feeling ko nasa tenga pa din ni sir ang phone at kailangan kong lakasan para marinig ni Gav.

"We're here at.. what's that papa? Corte-?" nanlaki ang mata ko. Cortejos de San Rafael ang pangalan ng subdivision nila tita, so nasa gate na nga sila????!!!

"Huy huy huy! Sir! Nasan nga kayo? Parang adik to. Yung totoo nga kasi."

"Tita we're here outside a gate of a.. there's a sign.. and- and-"

"Baby! Tell your papa to go home."

"Tita I miss you so much."

"I miss you too ulit baby. I'll be home na mamaya okay?"

"HOY! Huli ka Maxine! Sino yang kausap mo ah! Baby?! Wow ah!" nagulat ako sa biglang pagpasok ni Kylie sa kwarto niya, pinipilit niyang kunin ang phone ko pero nilalayo ko. Susme! Mabubuko pa kop ag nagkataon. Agad akong tumakbo sac r at nilock yun. Tawa pa siya ng tawa habang kinakatok ang pinto. Kulit neto.

Binaba ko na ang phone at agad nagtipa ng text para kay sir.

Ako:

Maliligo lang po ako. Wag kayo dyan sa labas ng gate, dun kayo ulit sa pinagbababan niyo sakin sir, dun ko kayo pupuntahan.

Sir Niel:

Who's that?

Ako:

Yung pinsan ko. Sige na.

Kahit pa nagkukulit si Kylie, nagprepare pa din ako at sinabing mas maaga na kong uuwi para makatulog pa ko after maglaba.

"Tita, sorry po ah. Kailangan lang talaga. Pag nalang may time ako bibisita nalang po ako ulit." Paalam ko nung nasa pinto na ko.

"Are you sure you don't want me to bring you to Eastwood?"

"Wag na tita, magpahinga nalang kayo. Napuyat kayo kagabi diba? Keri lang po."

"Pero sino muna yung kausap mo Max?" pang-aasar ni Kylie. Umirap lang ako at ngumuso ng pabiro.

Mabilis akong lumabas ng bahay at subdivision, buti nalang di na sila nagpilit pa na ihatid ako kahit sa gate man lang, kasi pambihira (!!!) andito pa din sila sir sa gate!

Napafacepalm ako sa isip, grabe talaga to. Lumabas si Kuya Jaime para pagbuksan ako ng pintuan. "Hi Max, ayos ba ang party?"

"Oo kuya. Bakit di kayo umalis?"

"Ayaw eh." Tapos nginuso ang loob ng sasakyan. Psh.

"Tita!" sinalubong ako ng yakap sa leeg ni Gav. Hinagod ko naman ang likod niya.

"Hi baby."

"Let her in first Gavin." Sagot ni sir.

Iba pa din pag magkasama kami ng live. Alam mo yun? Pag kasi call at text, parang kayang-kaya kong makipag tagisan ng usap at kulitan dito, pero pag personal na, may certain aura siya na nakaka-awkward.

Nasa gitna namin si Gav nung una na agad nagkwento tungkol sa mga ginawa nila ng papa niya. Iba talaga ang saya ni Gav pagdating sa boss ko, ilang taon din ba kasi na malamig si sir sakanya.

Naging madaldal si Gav sa buong byahe. Excited magkwento. Excited sa mga bagay-bagay. Since di naman ganon kalayo ang Eastwood dito sa totoo lang, mabilis lang din kami nakarating ng condo.

Binaba kami ni Kuya Jaime sa entrance ng condo. Buti nalang kahit di ko sabihin, dumidistansya naman si sir sakin. Alam niay sigurong awkward ako sa kanya sa totoong buhay at malakas lang ang loob sa text at call.

Hawak kamay kami ni Gav papasok at si sir nasa likod lang namin nung biglang may lumapit sakin.

"Hi. Maxine right?" mabilis na nagflashback ang isip ko para irecall kung sino tong nasa harap ko.

"Kim?" parang nagulat siya na kilala ko siya, pero nagsmile at tumango naman siya.

"Uhmm.. I am just wondering kung pwede kita makusap sandali?" napatingin agad ako kay sir na nakatingin lang din naman mula sa likod at kay Gav na nakatingala samin at iniisip din siguro kung sino tong babaeng to.

"Ahh.."

"We'll go up first. Just make sure you'll follow." Singit ni sir at kinuha si Gav sa kamay ko at naglakad papunta sa elevator.

Parang naiilang pa ko na ewan kasi naiwan kaming dalawa lang.

"San ba tayo mag-uusap? Dito nalang ba?"

"Uhm.. okay lang kung sa pool?" tumango ako at nauna nang pumunta sa elevator. Nasa 5thfloor kasi ang pool.

Ako ang unang umupo sa isa sa mga bakanteng upuan sa poolside.

"Maxine, I just want to apologize. I don't mean to hurt you or to ruin your relationship with Caleb. Since I left him I know that there will come a time na magkakaroon siya ng iba maliban sakin but when I saw you two together, here, sa lugar na ito mismo few months ago, that's when I realize I can't let him be with someone else but me."

Nakatingin lang ako sa pool na walang nagsswimming at hinayaan siyang magsalita. Hindi naman ako pumayag makipag-usap sakanya para maging bad girl, gusto ko nalang din linawin sa kanya.

"So, so I started to do things para mapalapit sa kanya ulit. I found the best chance, that's when we went to Subic. Nalaman ko kasi na hindi ka niya kasama." Napatingin ako sa kanya. KAsama siya sa Subic?

"Yup, sumama ako dun." Sagot niya yata sa nagtatanong kong mukha. LOL. Galing naman niya nababasa niya isip ko.

"Sweet told me that you can't come because you'll be in Palawan so I made that my last shot to get him. According to Sweet din kasi, medyo malalim na yung relationship niyo kaya kailangan ko ng 1 big chance na masolo siya." Okay okay okay. So magkasama sila non. Okay. Kumakalabog ang heart ko. Wew.

"I can say that it was really really hard to please him. To make him understand that he was just using you to forget me. That he really doesn't love you, you were just his rebound Max. Alam kong alam mo yan since kakagaling lang niya sa break-up when you two met. Hindi naman siguro mali na ipaunawa sakanya yung bagay na totoo na." gusto kong magprotesta sa mga sinasabi niya. Oo alam kong I love Sir Niel, pero ang isipin na lahat ng nangyari samin ni Caleb before ay pangtatakip lang niya sa naging sakit ng puso niya sa break-up nila nitong babaeng to.

"He still loves me Max. HE even told me that nung nasa Subic kami. Kaya lang he was torn between loving me and hurting you. Alam niyang masasaktan ka kung pipiliin niya ko so on our last day in Subic, sinabing niyang makikipag-usap siyang maayos sayo so you could end whatever you two had."

Mahal siya? Bakit ako sinalubong pa ng ganon sa airport? I mean, okay, may ganon na silang usapan, pero bakit kailangan pa niyang mangganon sakin? Yes, thankful ako ngayon, as in! Thankful ako na sa Palawan palang nainlove na ko kay sir, kasi kung hindi, para akong pinaasa ni Caleb sa wala. Para san ang mga efforts niya kuno nung dumating ako kung may ganito na silang usapan ni Kim?

"The night that you saw us sa resto, sobrang naguilty siya kasi sinabi niya sayong nasa bahay lang siya and yet we're together. Actually we're always together. Sa mga araw na ayaw mong lumabas ng condo, we're always together. Kasi gusto niya na magkasama kami at masaya siya na hindi ka nagpapakita kasi makakasama niya ko."

Di ko naiwasang tignan si Kim at ngiwian. Sheez. Akala ko mabait, susme.

"Bakit ayaw mo pa siyang kausapin? Kakausapin ka kasi niya para tapusin na ang lahat. Alam ko din namang alam mo yan, kaya ba ayaw mo siyang kausapin? Ganon ka ba kaloner para tiisin siyang wag kausapin wag lang kayo maghiwalay? I know your story Max, your family is in Davao at yaya ka ng anak ng taga pent house, but, I will not be an understanding girlfriend that will tolerate someone like you. Get a life Max, please, and leave us alone."

Pwede pala yun? Nilalait ka pero sa malumanay at discrete na paraan. Parang mas gusto ko pa tuloy na sigawan niya nalang ako para sana meron akong dahilan para sigawan din siya.

Di ko mapigilang hindi maiyak. Kasi naiinis ako, pero di ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa mapanghusgang to. May ganito palang tao? Totoo pala na once in your life malalait ka ng iba?

Mabilis kong pinunasan ang luha na tumulo sa kanang mata ko. Naiinis talaga ako. Kaya after kong magpunas ng luha at suminghot ng marahas, tumayo na ko at iniwan siya.

Naisip ko ding walang kwenta kung makikipag-talo pa ko.

Tuloy-tuloy lang pag-iyak ko kaya nakayuko akong lumabas ng pool area kasi nakakahiya naman kung may makakita sakin, ano nalang iisipin, naiyak ako dahil sa swimming pool?

"Max? Max!" bigla nalang akong hinablot ni Caleb at kinulong sa yakap. Lalo akong naiyak. Halo-halo na kasi ang emosyon ko. Ayaw ko siyang Makita ngayon kasi siya ang dahilan bakit ako umiiyak. "I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit niyang sinasabi habang nakayakap sakin at marahang hinahagod ang likod at buhok ko.

"Caleb!!" sabay kaming lumingon sa sumigaw mula sa likod.

Umiiyak din siya at galit nag alit. Nawala na lahat ng poise niya at class niya na meron kanina habang nilalait ako.

"Kim, what have you done? Sabi ko ako muna ang kakausap sa kanya, ano to?" tapos tinuro ako na nagpupunas pa din ng luha.

"I just told her what we've talked about, wala naman akong sinabing iba. Come on she's just overreacting!" gigil na gigil pa siya.

"Una na ko Leb." Mabilis akong naglakad palayo sakanila kahit pa paulit-ulit niya kong tinawag. Buti nalang sakto sa pagbukas ng elevator ang pagwo-walk out ko. Tamo pati yung building nakikisama sakin.

Wala na kong luha pero alam kong madungis ang mukha ko dahil sa luha at sipon ko kanina, at since mag-isa lang ako sa elevator ngayon, nagpunas ako ng mukha gamit ang laylayan ng t-shirt ko. Sakto sa pagbaba ko ng shirt ko sa pagbukas naman ng pinto ng elevator.

Napaatras pa ko dahil si sir ang bumungad sakin sa pinto. "Oh-"

Pero wala na, di na ko nakapag salita pa kasi niyakap niya na ko. Wow. After ng yakap ni papa, ito na ang pinaka comforting na yakap na naranasan ko mula sa lalake.

Hindi na ko umiiyak at parang ilang taon na ang nakaraan nung awayin ako ni Kim dahil sa yakap ni sir.

Pero wait, bakit alam niyang di ako okay at kailangan ko ngayon ng masarap na yakap mula sa kanya?

Ang bango ni sir, pero nawala ang focus ko sa yakap niya nung magbuzz ang elevator. Nyay. Di pala nagsasara ang elevator dahil nasa pinto kami ni sir nagyakap.

Binitawan din niya ko at hinatak ako ng marahan palabras ng elevator.

"Are you okay?" tumango ako pero di ako makatingin sa kanya. Overwhelming ang kagwapuhan naman neto.

"Ang dungis mo, clean yourself bago ka magpakita kay Gav so he won't worry." Tumango ako ulit. Wala si Gav sa sala kaya hindi nagging mahirap sakin na magninja moves papunta sa kwarto ko at sa cr sa second floor.

Sinadya kong tagalan sa cr para mahimasmasan ang narararmdaman ko. Di ko pa din maunawaan ang mga sinabi ni Kim. Ang dating kasi sakin non ay hindi totoo ang lahat ng pinakita ni Caleb.

Importante sakin si Caleb at lahat ng pinagsamahan naming, at kahit pa ngayon si sir na ang mahal ko, hindi ko pa din masasabi kahit kanino na peke lang ang ipinakita ko kay Caleb noon.

Masarap ang lunch namn ngayon, kaya pala kung makapag madali si sir na umuwi na ko ay ganon-ganon nalang. Tatlong putahi ang ipinanda niya kay Ate Marina.

"Papa, should I tell tita now?" napatingin ako kay Gav mula sa tawanan naming nila Ate Marina habang naglalunch.

"Sabihin ang alin?"

Tumingin si Gav sa papa niya na parang nanghihingi ng permiso sa kung ano man yung sasabihin niya.

"Okay, go ahead." Excited na humarap sakin si Gav at sinabing, "Tita, we'll watch a movie later!!"

"Talaga?! Wow! Anong papanoorin niyo?"

Kumunot ang noo ni Gav, si sir naman ngumisi habang umiinom ng four season juice. "Why? You're not coming with us?"

Nagulat ako. Kasama ako? "Really? Kasama ako?"

"Ofcourse tita!" tumingin ako kay sir to confirm at ngumisi lang siya. Jeez ang gwapo.

"Oh eh di okay. Anong papanoorin natin?" excited din ako. Kailan ba ko huling nanood ng sine? At first time kong manood ng sine dito Eastwodd at kasama ko pa sila sir at Gav.. teka.. "Eh si Ate Marina, di sasama?"

"May gagawin ako Max eh. May pinapaluto si sir sakin para sa dinner mamaya." Ngumiti siya ng makahulugan, malamang, may malisya sa kanya to dahil ibig sabihin tatlo lang kaming manonood mamaya. *Gulp*

Naliligo mag-isa si Gav (dahil big boy na daw siya) sa cr ng kwarto niya habang ako ay nasa kama at inaayos ang isusuot niya nung pumasok si sir.

"This was Gav's idea. When we went out yesterday he saw the poster of a showing movie and ask me if we could watch it together, so I said yes. Okay lang ba sayo?" nagulat ako sa tanong niya kasi diba bakit naman siya magkakaidea na ayaw ko.

"Oo naman sir, bakit hindi?" cool ko sumagot, kunyari hindi nagwawala yung isang bagay sa dibdib ko na nagpa-pump ng dugo.

"Nothing. I just thought you would not be comfortable around me anymore."

"Diba ikaw nga nag-iisip na galit ako sayo at gumaganti lang, so baka ikaw ang di okay." Susme! Di ako makapaniwala na kaya kong masabi ang mga nasa isip ko ng ilang araw na nang ganito ka pormal.

"Let's just say, I will not care about that anymore now." Tumayo siya at yumuko naman ako sa kanina ko pang inaayos na damit ni Gav na di na natapos-tapos, lalabas na siya sa wakas. Nakakapigil hininga ang makasama siya ng ganito kalapit.

Pero bago lumabas, tumayo sa harap ko at hinalikan ang toktok ng ulo ko, "I will not care about what you feel to me anymore, I will only care about mine."

Hindi ko alam kung itetake ko ba yun na banta o ano, ewan ko na... basta ang iisipin ko ngayon ay manonood kami ng sineng tatlo.

Continue Reading

You'll Also Like

25.3M 732K 52
"Curiosity killed the kitty Miss Adams." My body stiffened. Slowly I turned around just to see Mr. Parker standing in front of me with hands in his...
55.3M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
16.4M 546K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...
14M 78.3K 9
Book Cover Credit- @badbitty10 Book one to the Romano's Crime Organization Series. (18+) In which a rookie detective, Diamond Lee, ends up in the wr...