His BABYsitter (Complete)

بواسطة Eilramisu

7.5M 71.1K 3.5K

On-going revision.... المزيد

Prologue
One
Two
Three
Four
*Private Chapter*
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
*Eleven*
*Twelve*
*Thirteen*
*Fourteen*
*Sixteen*
*Seventeen*
*Eighteen*
*Nineteen*
*Twenty*
*Twenty One*
*Twenty Two*
*Twenty Three*
*Twenty Four*
*Twenty Five*
*Twenty Six*
Babysit ~ Twenty Seven
Babysit ~ Twenty Eight
Babysit ~ Twenty Nine
*Special Chapter*
Babysit ~ Thirty
Babysit ~ Thirty One
Babysit ~ Thirty Two
Babysit ~ Thirty Three
Babysit ~ Thirty Four
Babysit ~ Thirty Five
*Special Chapter*
Babysit ~ Thirty Six
Babysit ~ Thirty Seven
Babysit ~ Thirty Eight
Babysit ~ Thirty Nine
Babysit ~ Forty
Babysit ~ Forty One
Babysit ~ Forty Two
Babysit ~ Forty Three
Babysit ~ Forty Four
Babysit ~ Forty Five
Babysit ~ Forty Six
Babysit ~ Forty Seven
Babysit ~ Forty Eight
Babysit ~ Forty Nine
Babysit ~ Fifty
Epilogue

*Fifteen*

155K 1.4K 110
بواسطة Eilramisu


"Kamusta dito Yaya Lucia?" Bungad ni Sir Hanzen pagkapasok namin sa bahay. 

"Naku, Sir, si Hannah, nakapasok po dito sa bahay kahapon ng umaga. Hinahanap si Reese. Hinalughog pa ho niya ang lahat ng kwarto. Hindi ko ho alam kung paano nakapasok ang isang iyun."

Ang tinik pala ng isang yon. Tsk! Umakyat na lang sa kwarto ni Reese, tulog nanaman siya. Pagod siguro. Nakipag puyatan pa kasi samin kagabi eh. Ang kulit kulit. Ayaw paawat. 

Nung naayos ko na yung mga gamit ni Reese pati yung gamit ko, naligo ako ng mabilis saka dumamba sa kama at nagtititili sa unan. Takte!! Nikikilig ako. Mwahaha. Para akong baliw tawa ng tawa habang tumitili. Ang ganda ganda ko kasi eh. Mwahahaha talaga!!!

Naupo ako sa may gilid ng pool at pinaglaro ang mga paa ko sa tubig. Naisip ko na may mga bagay pala talagang hindi malaya. Gaya na lang nitong tubig sa swimming pool, nakakulong siya. Hindi tulad ng tubig sa dagat, malaya at flowing. Ganun lang din tayong mga tao, may ilan na nagagawa nila yung mga gusto nila. May ilan naman na hindi, kasi may pumipigil. Pero minsan, mas maganda rin kung nakakulong tayo, kasi ligtas tayo. Yung tubig kasi sa dagat, pinapasabog. Etong tubig pool, nilalagyan pa ng chlorine para maging malinis at ligtas.

Parang pagmamahal din yan, minsan hindi kinakailangang maging malaya, kasi doon, may posibilidad na mapahamak tayo, bakit ko nga ba hahayaan na nandyan lang yung pagmamahal ko, yung wala namang nakikinabang, wala namang pinagtutuunan. Pero kung magpapakulong ako sa pagmamahal na iaalay kay Sir Hanzen, doon, mas malalaman ko talaga yung kahalagahan ng buhay. 

Mahirap man intindihin, dahil kahit ako hirap na intindihin, but still may point ako. Mwahaha, kaya mamaya, gagapangin ko siya. Landeee.

"Juice?" Napatingin ako sa tampalasan na sumira sa katahimikan ko.

Wow!! Yummy din! Gwapo, may abs na kumakaway at nagmamalaki. Nginitian ko siya at para kong na-hypnotize sa ngiti nya kaya tinanggap ko yung offer niyang juice. 

"Thanks." Pa-demure po yan, may kasama pang paghawi ng buhok at pag-ipit sa ear ko. Ang daming gwapo dito. 

"Kanina pa kita napapansin na parang ang lungkot mo."

"A-ah, wala, uhmm, hindi pala. May iniisip lang." RAWR!!! May gayuma ata tong juice na to. Blue eyessss, kay pogi pogeee. 

"Hindi bagay sa ganda mo ang nakasimangot, dapat sa'yo laging ngumingiti." Parang magic word yung sinabi niya at bigla na lang akong napangiti. "Better." Nung sinabi niya yun, mukha na kong tanga na pangiti ngiti. Oh lala, papa!!

"Ciara"

"Mommy!" 

Ay kabayo. Napalingon ako sa tumawag sakin na walang iba kundi si Sir Hanzen at Reese  . Nakakunot ang noo ni Sir Hanzen na may kasamang usok sa ilong. Siya pa galit niyan? Eh ako nga naputol ang pag mo-moment kasama si Mr. Blue-Eyed Papa.

Nakanguso na lang akong tumayo. Uminom pa ko ng konti juice at iniabot dun kay Mr. Blue-Eyed Papa. "Thanks for this." Tapus nginitian ko na lang siya at tumalikod na. Paglapit ko kilaReese  nagpabuhat siya.

"Who's he?" 

"Who's he? Ay oo nga pala. Sayang!! Di ko natanong ang pangalan niya." Umiling iling pa ko, tapus nilingon ko yung inupuan ko kanina. Wala na siya, naglalakad na palayo.

"Nanghihinayang ka pa? Tsk!" Umiling iling lang si Sir Hanzen at tumalikod. "Let's go!" 

Sumunod na lang ako sa kanya, paano kaya nila natunton kung nasan ako. 

Natapos na kaming mag dinner, hindi ako kinibo ni Sir Hanzen. Kung anu ang problema niya, kanya na. Marami na kong problema para problemahin din siya. Hmp!

Nung matutulog na kami, pumasok si Reese sa kwarto ni Sir Hanzen, tapus lumabas at hinatak ako papasok ng kwarto ni Sir Hanzen. 

"Dito tayo sleep mommy." Ha ? GAME--este bakit??

"Bakit?"

"Gusto ko kasi makatabi ang mommy at daddy ko sa pagtulog eh. Pwede po ba?"

"H-ha, eh--"

 "Why Ciara? Malaki naman ang kama, kasya tayong tatlo."

 "Eh, Sir Hanzen."

"Please? Payag ikaw?" Sabi ni Reese  habang hinihila hila pa ang damit ko.

"S-sige na nga."

"Yey!!" Biglang tumalon si Reese  sa kama. "Mommy, higa na." Medyo nag aalinlangan pa kong lumapit sa kama at humiga. Hayy, wala nanaman akong choice eh. Nahiga na lang ako sa tabi ni Reese   at kinumutan siya. 

Tapus sumunod na din si Sir Hanzen na nahiga sa kabilang side ng kama.

"Mommy, sleep na me."

"Ok baby." Tapus yumakap siya sakin kaya medyo humarap din ako sa kanya na nakaharap din kay Sir Hanzen na hindi ko na lang pinapansin ang mga titig niya. Hinahawakan ko na lang ang buhok ni Reese  at nag hum na ko. Tapus humikab siya at mas lalong humigpit yung yakap niya sakin. "Good night baby." Then I kissed the tip of her nose.

Nung makatulog siya, nakatitig pa din si Sir Hanzen sakin.

"Siguro, ganyan ka din sa magiging anak natin?" Sa sinabi niya, nasamid ako sa sarili kong laway.

"A-ano po ba yang mga sinasabi niyo S-sir."

"Hanzen na lang, masyadong pormal kung may Sir pa."

"Ha? Sige po, Sir--"

"Cut the Sir, Ciara." Tapus tinitigan niya ko na parang laser ang mga mata niya. Tagos sa kaibuturan eh.

"Sorry."

"Nasa may pool ka lang pala kanina at may kausap, kung saan saan ka pa namin hinanap ni Reese ."

"Hindi niyo na po ako dapat hinanap pa." 

"Nag alala ako sa'yo dahil bigla ka na lang umalis ng walang pasabi."

"Nag pahangin lang po ako."

"Mas nahanginan ka ba habang kausap yung lalaking yun?"

"Po? Hindi po naman sa ganon--"

"Forget about it. I'm just jealous. We better sleep." Tapus bigla siya lumapit sakin at hinalikan ako sa labi. "Sa ayaw at sa gusto mo, mai-inlove ako sa'yo at walang masasaktan. Good night Ciara." 

WHAT'S THE MEANING OF THIS??? Mag re-react na sana ako, kaya lang pagtingin ko kay H-hanzen, nakapikit na siya. Kaya tinitigan ko na lang yung mukha niya.

Medyo may kakapalan ang kilay, matangos na ilong, red and kissable lips. Hayyy, mai-inlove daw siya sakin at walang masasaktan? Maniniwala ba ko?? 

Medyo napatagal na din pala ang pagtitig ko sa kanya dahil nag-uutos ang mga labi niya na halikan ako, masunurin ako, kaya unti unti akong lumapit sa labi niya, ayan na... malapit na. Konting konti na lang, matitikman ko na ang malambot, mapula, masarap, masarap, at masarap niyang labi. Konti na lang....

at napatunganga ako. Nanigas ang katawan ko, takte.

Sa isang iglap, biglang pumikit ang mata ko, kasi bigla siyang nagmulat ng mata, kaya pumikit ako. Goshyyy, sana hindi niya mapansin na nagtutulog tulugan ako, sana hindi niya mapansinnn!!! Cross finger, pinagpapawisan na ko. Hihinga na sana ako ng maluwag kasi wala namang ginawa or sinabi si Hanzen, baka tulog na ulit. Yes!! Hindi niya ko napan--

"Hindi mo naman sinabi na gusto mo pa ng halik ko." With that, bigla na lang niya kong hinalikan. Gusto kong gumanti, gusto ko. Shett, nafu-frustrate ako. Gusto ko, pero kailangang isalba ang kagandahan ko. Kaya pinanindigan ko na tulog lang talaga ako. Nung tumigil siya sa paghalik,  dinampian niya ng halik yung noo ko at bumulong sakin.

"Mas makakatulog na ako,  pati ikaw ng mahimbing. Dream of me, sweetie." Shetttttt!!!!!! Ang lapit lapit lapit lapit niya, pero parang ga-milya ang layo niya.

Hindi po ako tulog. Halikan mo ko!!! Please! Nyee! Anu to? PBB TEENS??

Pagkagising ko, waaaaaaaaa kinikilig ako!!

Si Reese  nakayakap sakin, nakayakap din ako sa kanya. Si Hanzen, nakayakap sakin. Para kaming family. Ang sweet lang namen. Picture perfect. 

Bigla na lang akong nagtititili ulit nang maalala yun, para kong maiihi sa kilig. Shett!!

Nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"Ciara! What happened??" Oh no! Ganon na ba kalakas ang tili ko para marinig ng iba?

"Ah eh! H-hanzen, ano, parang may ipis kasi akong nakitang lumipad. Akala ko kasi b-butterfly, kaya nilapitan ko, feelingerang ipis pala."

"Damn! Ciara, wag mo ng uulitin yun, okay? Akala ko may nangyari ng masama sa'yo." Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. Para lang akong tanga na tango ng tango. Hindi pa ma-digest ng utak ko. "Mag pahinga ka na rin, habang natutulog si Reese  ." Pagkasabi niya nun, inayos niya ng konti yung comforter ko at lumabas na siya ng room ko.

Seriously, what was that? Mamamatay na ba ko dahil sa kilig? Sana hindi na matapos yun. Shett lang! Shett lang talaga. Titili sana ulit ako, pero naalala ko yung gwapong mukha ni Sir Hanzen, kaya kinuha ko ulit yung unan at dun nag tititili.

Hindi ako makapanawila. Parang kailan lang, nag da-doubt pa ko sa kanya, ngayon nag da-doubt na ko kung kaya ko bang pigilan ang sarili kong sunggaban ang katawan niya.

"Ang ganda dito. Sa almost two months kong pag i-stay dito, ngayon ko lang nakita to. Hindi mo kasi ako nai-tour dito dati Hanzen eh." Tapus inirapan ko siya, kaya hinawakan niya ang kamay ko.

Ang bilis ng mga panahon, akalain mong kami na? Mwahahahaha, first boyfriend ko siya, kaya kinikilig ako, two weeks na kami. Hmp!! Alam na nga din ni Reese eh, pati nila Manang Lucia, na tinatawag ni Reese na Yaya Lenks. Madalas dun kami sa kwarto ko natutulog na tatlo, sa gitna pa din namin siReese, hindi lang pag gising nakayakap samin si Hanzen, pati pag tulog, yakap yakap niya kami. 

Napaka maalaga niya, madalas lagi siyang may pasalubong, minsan may flowers, basta. Ang sweet sweet niya.  

Pero minsan, di maiwasan yung insecurities. Syempre, may building siya, company, marami dunng sexy, magaganda at talagang may napatunayan na. Eh ako? Sobrang sexy, sobrang ganda at WALA pang napapatunayan. Napapalibutan siya dun ng mga chiks. 

"Mommy, punta tayo daddy sa worlk." Napatingin ako kay Reese na parang may halo sa sobrang kaanghelan ng idea niya. Tapus tumingin ako kay Hanzen na nakatingin lang din sakin.

 "Kung okay lang kay daddy mo." Tapus tumingin ulit ako kay Reese.

 "Walang problema sakin. Pwede kayong magpahatid sa driver anytime."

Ngumiti lang ako, syempre di pa obvious na nagdidiwang ang kalooban ko. At last, madadalaw ko na ang soon-to-be husband ko sa work niya. 

Nung umalis si Reese para maglaro, biglang hinawakan ni Hanzen yung kamay ko at hinalikan.

"I love you." Enebeyen, sesebehen ke beng 'E leve yee tee.' 

"I love you too." Iiihh, kinikilig ako. Teka hihinga muna ako. "Maalala ko pala, how's Hannah?"

"Ganon pa din, she wants Reese   back."

"Bakit hindi na lang kayo mag karoon ng agreement? Hmm, at least thrice a week, makakasama niya si Reese  , pero dito lang sa bahay. Just give her a chance Hanzen, kapatid mo pa din siya. Siguro naman nagsisisi na siya sa ginawa niya noon."

"I'll think about it and consult my laywer."

"Hindi na lang para sa kapatid mo. Kay Reese   na lang. Wag mong ipagkait sa kanya yung mga panahon na pwede niyang makasama yung mommy niya. Karapatan niya yun. Enough na yung two years na pag protekta mo kayReese  , pwede mo pa rin naman siyang protektahan ng hindi itinatago kay Hannah. You should think about it Hanzen."

"Yes boss." Tumayo siya at niyakap ako. Then he kiss my neck and whisper. "Thank you, Ciara. Thank you for loving me and Reese  . Thank you sa lahat lahat ng ginawa at ginagawa mong pagbabago sakin, dahil yun ang tama. I love you." Napangiti na lang ako sa sinabi niya, kaya tumayo ako at gumanti ng yakap sa kanya.

"Thanks for accepting me, I love you too. Kahit wag mo na akong swelduhan, okay na sakin." And we both laugh.

(c) Eilramisu

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

2.4M 155K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
113K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.8M 49.8K 38
Sinong nagsabi na mga good girls lang ang kayang magpatino sa mga playboy at bad boy? Well, well, well, ang kwentong ito ang magpapatunay na kaya din...
150K 5K 27
Crystal has a long time crush, named Joshua. She really likes-loves him, but sadly Joshua didn't feel the same way. Then the day came when tragedy...