Denying Affinity (Affinity #1)

By kissmyredlips

3.6M 100K 13.1K

To love is to sacrifice. Iyon ang paniniwala ni Avis Magdalene Sebastian. She believes that love is doing eve... More

Prelude
Sugar and Mint
Virgin
Unsafe
Walang Paki
Forbidden Fruit
Dump Him
Kahapon
Meant To Be
Can We Date
Missed
I Don't Mind
Fun
Montero Sport
Backseat
Manliligaw
Hung Up
Maybe I Could
I'll Reply
Prioritize You
Button Up
Make Me Mad
Next Time
It's Positive
Papasok
Come With Me
Binabaliw
Jealous and Insecure
What's This Feeling
Hindi Tayo Pwede
All You Want
My Boyfriend
Secret Girlfriend
Won't Approve
To Sacrifice
Akala Ko Ako
Fight For You
He Kissed
Dumampi
End
Epilogue

Let Him Go

71K 2.3K 303
By kissmyredlips

Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko ngayon. Nanatili sa isipan ko ang pangyayari kahapon. Mabigat ang dibdib ko at para akong naghihina.

The last text that Luke Dashiel sent was him wishing me goodnight. Ngayong umaga ay wala akong natanggap na text sa kanya. I feel guilty for what I did.

Iniwan ko na nga siya kahapon ay hindi ko pa sinabi sa kanya kung bakit.

Pagkagising ay nanatili lang ako sa kama at nakatulala sa ceiling habang iniisip kung ano ang sasabihin ko kay Luke Dashiel. I'm sure he's mad. Kung ako man iyon ay magagalit ako at hindi ko naman siya masisisi kung magalit siya sa akin. I wholeheartedly accept that I was the one at fault here.

Pinag-iisipan ko ng mabuti kung ite-text ko ba siya o hindi. Kung oo, ano ang sasabihin ko? Sasagutin ba niya ang text ko o hindi papansinin kagaya ng ginagawa ko sa kanya kahapon? Shit. This is hard. Bahala na.

Me:
I'm sorry.

Nakailang palit ako sa kakarampot na text na iyon. It felt wrong to explain everything in text. Hindi ko na hinintay ang reply niya at binitawan ang phone.

Tumayo ako mula sa kama para makaligo. Kung hindi ko bibitawan ang phone ko ngayon ay paniguradong hihintayin ko ang walang kasiguraduhan na pag reply ni Luke Dashiel. I'd look lovesick and pathetic. It's bad enough that I already feel like one.

Pagkalabas ng kwarto ay saktong lumabas din si Les mula sa kanya. Our rooms were slightly adjacent. Mas nauuna ang pinto sa kwarto ko kaysa sa kanya.

Avis." tinawag ako ni Les kaya hindi na muna ako lumakad at hinintay siyang makalapit. Tinaasan ko siya ng kilay at hindi na nag-abala pang magsalita. "Hinahanap ka sa akin kahapon ni Luke Dashiel, ah."

Kumunot ang noo ko. Kaya siguro siya tumigil sa pagtanong kung nasaan ako dahil tinanong niya kay Les. I tried to transfer my attention back to my sister.

"So?"

Ngumuso si Les at parang nagpapa-cute na tuta na tumingin sa akin. She's acting. Best actress talaga. "Wala..."

I don't want to keep secrets from my sister. I love her. but she has a big mouth. Kahit na hindi sinasadya ay may posibilidad na madulas siya. I know Luke Dashiel did the same dahil kung sinabi na niya sa kapatid ko ang tungkol sa aming dalawa ay 'di sana dati pa lang kinulit na ako ni Les.

Dinala ko ang sariling sasakyan at tamad na umalis ng bahay. Nakarating na ako ng campus ngtuut hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ni Luke Dashiel ang text ko. He's mad at me. Natural lang na hindi niya ako replyan.

The thought made me feel worse.

Nauna akong makarating sa room kay Savion. Nang dumating siya ay
sinalubong ako ng mga mata niya na parang may hinahanap na kasagutan sa mukha ko.

"What happened?" she asked, placing her handbag on the armchair.

"What do you mean?" matamlay na tanong ko.

"Kahapon! Luke Dashiel called me. He sounded really worried tapos
hinahanap ka?"

Mas lalo ako nakaramdaman ng guilt. Talagang hinanap ako ni Luke Dashiel.

Pati si Savion ay pinagtanungan niya. Damn. That boy... Parang kinukurot ang puso ko.

Napabuntong hininga ako. "Biglang dumating si Dad sa kinakainan namin. Pumunta ng restroom si Luke Dashiel kaya hindi kami nahuli."

Kinagat ko ang ibabang labi at napailing-iling. "Muntik na yon, Savion. Imagine what could have happened kung hindi naisipan mag rest room ni Luke Dashiel. Kung nahuli kami. I panicked. that's why I left."

"But you still should have told him.He sounded so in distress yesterday, Av. I think my heart broke when he told me that you weren't responding to his texts and calls. Grabe, Avis. Sumikip dibdib ko sa tono ng boses niya."

Hindi ako nakasagot. Kahit na hindi ko personal narinig ay naninikip ang dibdib ko. I'm very familiar with Luke Dashiel's wrecked voice.

"Nag-alala sa'yo yung tao."

Mariin na ipinikit ko ang mga mata sa kamalian na nagawa ko. Napalunok ako. "I know." mahina ang boses ko at hirap pa nang sabihin iyon.

Lumungkot ang mukha ni Savion. Kahit na hindi magpaliwanag ay naiintindihan ako ni Savion. Naiintindihan niya ang nararamdaman ko. Na mahirap para sa akin ang sitwasyon na ito.

"Ano nang plano mo ngayon?" maamo ang boses ni Savion.

I helplessly looked at my cousin. Kinagat ko ang labi ko. "I know I should and it's probably the right thing to do but Savion... I can't let him go."

Napauwang ang labi ni Savion sa sinabi ko. Isang big deal na marinig ni Savion iyon mula sa akin. Hindi na siya sumagot nang pumasok ang professor namin para sa unang subject.

The topic was never brought up again. Savion was being sensitive because of my current mood. Buong araw akong tahimik habang binabantayan ang phone ko. I'm almost done for today but I still haven't heard a word from him. It made me feel hollow inside.

Nang matapos ang klase ay dumeretso ako sa car park para hanapin ang usual parking space ni Luke Dashiel. Patapos na ang practice nila at mabilis lang naman siyang mag shower kaya dito ko na lang siya hihintayin.

It's been a little more than thirty minutes. Nakatayo lang ako sa harapan ng

Montero Sport para hintayin siya. Inililibot ko ang mga mata ko para sa kanya pero imbis na siya ang makita ay ang kaibigan niyang si Calum ang nakita ko.

Nakatingin din sa akin si Calum habang naglalakad. Kilala niya siguro ako.

Nakita niya ako nung huling beses na hinintay ko si Luke Dashiel sa labas ng shower room nila.

I'm sure he knows where Luke Dashiel is. Mukhang wala siyang balak na kausapin ako dahil dumiretso siya sa tapat ng isabg sasakyan. Naisipan ko na ako na lang ang lalapit sa kanya.

"Uh. hey. Calum. right?" nag-aalinlangan na tawag ko sa kanya. Lumingon sa akin si Calum at mukhang gulat na gulat nang makitang nasa gilid niya ako.

"Holy shit." his eyes were wide. Napakunot ang noo ko sa naging reaksyon niya pero isinantabi iyon dahil iba ang pakay ko.

"I'm Avis Sebastian." inabot ko ang kamay ko sa kanya. "Luke Dashiel's..."

"Girlfriend?" pagdugtong niya. Tumango ako at manghang-mangha naman niya akong tiningnan. "Holy shit... You're real? Akala ko nagyayabang lang sa akin si Luke na girlfriend ka niya kasi patay na patay yon sa'yo, but holy shit.."

Tinitigan ko lang siya, hindi sigurado kung ano ang isasagot ko doon. Namula ang buong mukha ni Calum nang nagtagal ang pagtitig ko sa kanya.

"Uh, ano ang kailangan mo, ate Avis?"

I gave him a horrified look. Mukha ba akong matanda? Either that or Luke Dashiel mentioned about our age gap.

Umiling ako sa kanya. "Don't ever call me that."

Mas lalong namula si Calum. "S-sorry."

Tumango lang ako sa kanya. It doesn't matter. "Do you know where Luke Dashiel is?"

Nagliwanag ang buong mukha niya at mukhang masaya dahil binago ko na ang topic. "He's still in the field. Nagpaiwan siya mag-isa."

I thanked Calum before leaving the car park. Dumiretso ako sa soccer field.

Gusto ko siyang maabutan sa field dahil mahihirapan akong mahanap siya kung sakaling wala na siya doon.

Nakahinga ako nang maluwag nang matanawan ko si Luke Dashiel sa gitna ng field. Mag-isa lang siya doon at may katabing cart na lalagyanan ng bola.

May mga nakahilerang bola sa damuhan at sinisipa niya iyon isa-isa patungong net.

I gulped hard before taking my steps toward Luke Dashiel. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita ako. May parte sa akin na natatakot na baka ipagtulakan niya ako palayo. May isa pang parte na nasasaktan kapag iniisip na baka hindi niya ako pansinin.

Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat paghakbang na ginagawa ko. Halos hindi na ako makahinga nang makalapit ako sa kanya.

Nakatalikod siya sa akin at abala sa pagsipa ng bola kaya hind niya pa alam na nasa likuran niya lang ako.

I watched Luke Dashiel from his back. His hair was wet, like he just got out of shower. His neck was glistening with sweat and even the shirt that he was wearing was sticking to his skin. It fit him so well that I could see his well- developed muscles.

Matitikas ang balikat ni Luke Dashiel. His arms looked strong. his muscles firm. Likod pa lang niya ay masasabi na gwapo talaga siya. He's tall and has a good body structure.

Umatras siya patalikod para kumuha ng bwelo bago sinipa ng napakalakas ang bola. Umabot iyon sa goal at tumama sa net. Parang hinigit ang hininga ko sa ginawa niya. There's something about Luke Dashiel playing soccer that made him even more attractive to me.

"Hi." bati ko.

Mabilis na napatalikod si Luke Dashiel at mukhang nagulat dahil sa pagsulpot na ginawa ko nang hindi niya namamalayan. His widened eyes turned back to normal and he gave me the coldest look that I've seen on him yet.

"What are you doing here?" matabang na tanong niya sa akin.

Masakit na marinig siyang galit sa akin. Pangalawang beses na nagalit siya pero mas malala ang pagkakataong ito dahil may kasalanan ako. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy at sasabihin na sa kanya ang ipinunta ko dito.

"I'm sorry." maamong sambit ko.

Luke Dashiel's jaw clenched. "Yun lang?"

Gusto niya akong magpaliwanag. Iyon naman talaga ang plano ko pero hindi ko alam kung paano magsisimula. I avoided his gaze and tried to find my tongue.

"Biglang dumating si daddy nung umalis ka. I needed to leave. Alam mo naman na hindi niya tayo pwedeng makita na magkasama diba?" malumanay na paliwanag ko sa kanya.

"That's it?" matigas na tanong niya.

Napakagat ako sa labi. There's a massive ache in my chest. Inaasahan ko na maiintindihan niya agad iyon at kahit papaano ay huhupa ang galit niya sa akin. I thought wrong. Huminga ako ng malalim at nanghihina na tumingin sa kanya.

"I'm sorry."

"Okay." baliwala na sagot ni Luke Dashiel bago ako tinalikuran. My heart jumped seeing him turning his back on me to leave. I panicked.

"Wait. Luke." tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

Nagpatuloy siya sa paglalakad papalapit sa goal habang ako naman ay nakasunod sa kanya. I feel so vulnerable right now. Nanghihina ang loob ko at pakiramdam ko ay nanlalabo ang paningin ko sa sobrang panghihina. I can barely hear my beating heart. It was slow and almost lifeless.

"Luke... Please. talk to me."

"Luke Dashiel..." tawag ko ulit dito. Isa pang tawag ay mababasag na ang boses ko.

"What?!" napasinghap ako sa pagsigaw ni Luke Dashiel. Hinarap niya ako kaya napahinto ako at halos manigas ang buong katawan sa kintatayuan. I didn't expect him to shout at me. It terrified me that I couldn't even move.

Mukhang nakita niya ang gulat at takot sa mukha ko dahil kumalma siya ng kaonti.

"I sent you texts. I called you. Hinanap kita sa buong mall at ipinagtanong ko sa mga taong posibleng may nakakaalam kung nasaan ka. 1 was so... worried about you yesterday. Avis. You don't know how scared I was the whole time I was looking for you. Ang dami kong naisip. Na baka may masamang nangyari sa'yo. Na baka may nasabi akong mali. Na baka may nagawa ako na hindi mo nagustuhan. Na baka nagbago ang isip mo sa akin kaya iniwan mo ako. Na baka ayaw mo na sa akin... I was so worried."

Suminghap si Luke Dashiel at pumikit. "Tangina. Galit ako sa'yo pero buong gabi wala akong ibang inisip kung ano ang ginawa kong mali at bakit ayaw mo akong kausapin."

"I'm sorry." pumiyok ang boses ko. Napatingin ako sa dibdib niya dahil hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata.

Naramdaman ko ang mainit na kung anong gumapang sa pisngi ko. Kung ano man iyon ay naging dahilan iyon para mapasinghap si Luke Dashiel.

"I was..." bigla akong napasinok at hindi ko alam kung bakit. Nanlalabo rin ang mga mata ko at hindi ko rin alatn kung bakit. "I'm so scared. D-Dad won't approve, Luke Dashiel. Your mom won't too. Our parents won't a-allow us to be together. N-Natatakot ako. Natatakot ako kasi baka paghiwalayin nila tayo."

Napapikit ako at naramdaman ang basang-basa kong mga mata. l gasped hard because I was running out of breath. Panay ang hikbi ko at hindi ko alam kung bakit.

What's happening to me?

Umiling-iling ako at tiningnan si Luke Dashiel sa mga mata. 'l'm scared that I'll lose you. 1 can't. Luke Dashiel. I refuse to."

Kahit nanlalabo ang mga mata ko ay nakita ko kung paano lumambot ang mukha ni Luke Dashiel habang nakatingin sa akin. His eyes were filled with warmth but I couldn't appreciate it fully because somethings tearing inside my chest. It hurts.

Hinila niya ako palapit sa kanya at isiniksik ang mukha ko sa basang didbib niya. He was covered in sweat but I just really needed his hug right now. His arm placed safely around my waist while his other hand was on the back of my head. "Shhh. S-Stop crying.'

I was crying? A whimper escaped my mouth. I think I just let out a sob.

"Fuck. you're scaring me. Avis." bulong niya sa akin at mas hinigpitan ang yakap.

"Please. don't cry. Hindi ko kaya. I'm sorry. I'm sorry... Hindi na ako galit. Just please stop crying. Please." desperado ang pangingiusap sa akin ni Luke Dashiel. Pain lingered in his voice too. He's hurt because I was hurting. That thought only made me want to cry more.

"Avis..." his voice was pleading. lpinatong niya ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi ko at inangat ang mukha ko para makita ang mga mata ko na naniningkit
dahil sa pag-iyak.

His eyes shouted every unspoken promises as he stared at me. He shook his head. wiping my tears with his two thumbs.

"You're not gonna lose me. Avis. Sa'yo lang ako. Palagi. I love you and I'm gonna keep on loving you and nothing can stop me from doing exactly that."

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 24 1
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
159K 5.7K 37
Belle Ville Series #3. Life has always been tough for Hagia. She was forced by fate to be strong and independent at a young age. Working different pa...
Entry #10 By Luv

Teen Fiction

5.7K 93 6
Para kay Sheen Leigh Concha, isang kahibangan ang sinasabing love at first sight. Masyado itong mababaw na dahilan upang magkagusto sa isang tao. But...
8K 291 8
ALLISON FREDRIK SELLOZZO @El Camarico