SA LIKOD NANG TEXT MESSAGE(ba...

By KimVerly

2.7K 43 28

nangyari ito sakin kaya sinulat ko lang.wala lang trip ko lang bigyan nang one shot kung kagugulat na nalaman... More

SA LIKOD NANG TEXT MESSAGE(based on a true story)

2.7K 43 28
By KimVerly

SA LIKOD NANG TEXT MESSAGE

Napuyat ako kagabi kaya tinanghali ako nang gising,hindi ko napanood yung anime na gusto ko kaya ewan mukhang naging bad mood yung gising ko.pag gising ko inabutan ako nang kapatid ko nang 30 pesos.

ano to’?nakasimangot na tanong ko

pang load mo.at dahil kagigising ko lang at parang ewan tamad na tamad akong mag-salita dumiretsyo nako nang kusina

Sakto naman at may ulam na para sa tanghalian at kanin.kumain nako kasi gutom nako,ulam ko yung hipong urong.kung hindi niyo alam yun isearch niyo nalang.yung itsura nun ay pahaba na parang hipon yun nga lang maraming tinik-tinik yung katawan.basta.

So ayun pagkatapos kong kumain naupo nako sa sala set namin at nanood nang tv.nakasimangot padin ako dahil yung cp ko lowbat at yung charger ko na kapapagawa ko palang nahiklat nang pinsan ko de ayun,sira na naman tuloy.

Pero nakapag charge padin naman ako sa tulong nang isang pinsan ko.katulad ko kasi siya nang charger so ayun hiniram ko nalang.nag fb ako sa phone ko at dahil badtrip ako at talagang ewan ko ba kung bakit.parang sinapian ako nang masamang espiritu kaya kahit anong mali Makita ko sinisita ko

Yay!nag comment ako dun sa isang status nang mga character ko.may napansin akong name,ewan ko ba parang uminit yung ulo ko nung nakita ko yung name na yun.haha.kaloka deh ayun nga.so nagbibiruan lang naman daw sila about dun sa name na yun na hindi ko na pinagka abalahan pang mag comment ulit

Mas lalo pang uminit ulo ko nang maalala kong na virus memory card ko at nabura lahat nang laman except sa mga kanta ko,pero yung mga video,picture ka echosan ko dun burado lahat.badtrip talaga.isabay pa yung pangungulit nung sumunod kong kapatid sakin

hoy,alam mo ba kung bakit kita binigyan nang 30 pesos?bigay ni Nanay yun at..hindi ko na siya pinatapos mag-salita at inirapan ko siya

paki ko..

sungit mo naman!salubong na yung kilay kong nanonood nang tv,basta napatawa lang ako nung nanonood nako nang show time at inabutan ako nang 120 nang nanay ko para ipambayad ko sa utang ko.xd

Sabi ko kasi may utang ako sa friend kong 120 kahit wala.hoho.ganun talaga utakan lang yun.sobrang init din at kahit gusto kong mag kulong sa kwarto at gumawa nang update tinatamad ako kasi nga ang init.so nakipag kwentuhan nalang ako sa mga kapatid ko.

Alam mo yung parang buntis ka na nag-lilihi?naasar na naman ako kasi ang dami kong gustong kainin,gusto kong kumain nang mangga,French fries,sagong malamig,tinapay na may palamang keso at ham,gusto ko din nang inihaw na paa,dugo at isaw.

Gustong-gusto ko talagang kumain niyan.kaya nagpabali ako ang kaso wala sa lahat nang yan yung nakain ko except sa sago dahil yung nagtitinda nag day off.sosyal may pa day off-day off pa.kainis.kaya ang ginawa ko nagpabili nalang akong pandesal at nag prito ako nang itlog na gutay-gutay at sausage na sunog.walang pakialaman sa pagluluto,ako naman yung kakain eh.

Pagkatapos kong kumain naligo nako para matanggal yung mga libag na namuo sa aking katawan.xd at pagkatapos kong maligo at magbihis hinarap ko na yung laptop para mag type.gusto kong gumawa nang pang ud ko sa story ko.sakto naman biglang may nag text.

hoy panget musta?!ganyan yan mag text sakin garapal,yung nagtext sakin siya yung kauna-unahang naging textmate ko simula nung nagkaroon ako nang cellphone

Flashback

Second year high school ako nang magkaroon nang cellphone,nokia 33/15 pa yung talagang in na mga cellphone noon.haha.hindi parin uso yung unlimited. so limited lang talaga yung maittext mo.mga importanteng tao lang kumbaga.

Nag-umpisa ko siyang maging textmate nang makitext yung pinsan ko sakin,nag-aaway kasi sila nang boyfriend niya kaya ayun nakitext sakin kasi naubusan nang load.ang kaso itong pinsan ko na wrong send sa iba kaya biglang nagtext sakin yung nasendan niya

hey,na wrong send ka at dahil sayo nag break kami nang girlfriend ko.marami pa siyang sinabi tapos puro English kaya hindi ko matandaan.haha

ay,sorry po baka po yung pinsan ko yung na wrong send sayo kasi nakitext siya sakin kanina.reply ko na mabilis din naman nitong sinagot

pano na iyan?nagalit yung girlfriend ko dahil sa tinext mo.daah,ang sungit nung nagttext sakin katakot,hindi pa naman ako sanay sa mga kasungitan

ah.hindi naman po ako iyong nagtext sayo yung pinsan ko.capslock intense pako,haha ganun kasi talga dati diba?tapos puro buo pa yung letra pag hindi kapa sanay magtext

Pagkatapos nung araw na iyon hindi na siya nagtext.kinabukasan lang at tinatanong niya ako kung ano daw name ko.syempre wala naman akong ganong katext kasi yung iba kong kaibigan sa school hindi naman nagrereply mukhang mga walang load kaya nireplyan ko siya

Christian pala yung name niya at 17 years old na daw siya.ako nung mga time na iyon ay turning 14 palang so,medyo ilang akong itext siya kasi matanda siya sakin.nakakatakot,baka mapagalitan ako ni Nanay.

Tumagal naman nang tumagal yung pagttext naming dalawa hanggang sa makatext pa nga niya yung ate ko kasi nanghingi siya nang katextmate sakin.yung ate ko yung binigay ko at kahit medyo inis ako minsan kasi yung ate ko na yung palagi niyang nakakatext wala narin naman akong nagawa.

Pero  isang araw niloko-loko ako nang ate ko kasi sabi daw ni Christian sa ate ko balak daw ako nun ligawan pag pumunta daw saming bahay.syempre ako natakot at nainis.haha,wala pa sa isip ko yung mga ganung bagay at takot nga ako sa nanay ko,masunuring bata ako eh.haha

sweety,ano?wala ba talaga akong pag-asa sa’yo?third year high school na ako niyan,nasa loob ako nang room at panay ang reply sa mga text niya wala padin naman kasi yung teacher namin

haha.iba nalang kasi wag na ako.message sent

ikaw nga gusto ko.bakit ba ayaw mo sakin?

hindi pa nga kita nakikita eh.”

eh di magkita tayo.kinabahan ako sa sinabi niya,natatakot akong makipag meet sa kanya syaka ang layo nang place niya samin

wag na kasi.yun yung last na reply ko sa text niya at hindi ko na ulit siya nakatext kahit tinatawagan at tinetext niya parin ako

hindi ko na siya nakatext nung nag fourthyear ako kasi nag-iba nakong number at cellphone,haha.improving lang.syaka  madami nadin kasi akong katext nun kaya wala nakong paki sa kanya.haha,sama lang,hanggang sa nagka bf ako at nasundan pa nang nasundan nang new bf.hehe

Alam ko mga part nang February ata yun.2011 nakatext ko ulit siya,tinry ko kasing imisscall yung number niya at himala gumagana parin.akala ko nga hindi siya magttext pero bigla siyang nagtext sakin.

hu u?oh diba,text na text lang ang dating, nag improve na muli ang cellphone ko syempre into meron nang camera at memory card.bwahaha

si kim ito,remember?

ah,ikaw pala long time no text ah.waah,akalain mo kilala niya pa ako at hindi niya pa ako nalilimutan saya lang.

oo nga eh.musta ka?

ok naman,ikaw ba?may boyfriend kana?bongga lang siyang magtanong,direct to the point agad

haha,oo eh.ikaw musta?may girlfriend ka?may boyfriend ako at malapit na kaming mag three years,tagal na naming naglolokohan.xd

wala na,nag break na kami nung last week pa.

sad naman,hanap ka ulit.”

haha,ikaw nalang pwede ba?

daah,may bf nga ako diba?!parang tanga to.makulit siyang katext at hindi ko alam kung bakit hindi kami nauubusan nang pag-uusap na dalawa,may sense of humor kumbaga

ouch naman!makatanga naman to.hiyang-hiya naman ako sa katalinuhan mo!ganyan siyang magtext parang gay,makulit kasi

ewan ko sayo tanda!haha,dito nag-umpisa yung tawagan naming dalawa sa bawat isa

hoy hah!hindi pa ako matanda malakas pa ko sa kalabaw.

whatever gurang.haha.”

sinasaktan mo naman ako.pag mga ganito na yung text niya tinatamad nakong replyan siya,don’t know ayoko kasing maging kami.haha

tumigil kana nga,arte mo!

mas maarte ka.ang sungit-sungit mo pa buti napapagtiyagaan ka nang bf mo.

syempre mahal ako nun,ganun talaga huwag kang mainggit gurang.hanggang sa araw-araw ulit kaming nagkakatext nun

Dumating pa nga sa point na kinagalit iyon sakin nang bf ko,why?kasi daw ang dami na naman daw naka register na number sa phone ko at puro lalaki pa.mga friend ko lang naman yun kaso mag selos wagas-wagas kaya ang nangyari nagpalit pa kaming dalawa nang simcard nang one week para lang hindi ako makapagtext sa iba.

Natigil na naman nang ilang buwan yung pakikipag text ko kay Christian.gumugulo kasi yung relasyon namin nang bf ko dahil sa isang babae na todo tanggi pa siya.mga lalaki talaga hindi makuntento sa isa kaya sa inis ko yung textmate ko sinagot ko.haha,pero kinabukasan nakipag break din ako dun,loyal ako eh

sino ba talaga yung babaeng yun?nasa park kami nang bf ko at eto nagtatalo na naman kami dahil dun sa kalandian niyang babae

wala nga,todo tanggi niyang sagot

bakit ang sinungaling mo?

wala nga kaibigan ko lang yun,see,talaga namang parang gusto ko siyang batukan

Sobrang sinungaling.bwisit!nag-away kami kasi ganito yung nang-yari,naubusan ako nang load kaya nakitext ako sa kaibigan ko para ietxt itong hinayupak kong boyfriend na sa park nalang kami magkita.then kinabukasan niloko ako nang friend ko na may babae daw iyon.

Syempre pag babae ka at sinabihan ka nang ganung salita nang kaibigan mo,kabahan kana,ayaw sabihin sakin nang friend ko yung about dun pero pinilit-pilit ko siya kasi hindi ako makakatulog,halleer.so ayun nga nalaman kong napagkamalan pala siyang si bituki.

Pangalanan nalang nating butiki yung girl kasi hindi ko na maalala yung name niya,pag dating ko nang park kasi dun tagpuan namin,haha,dun kami nagkikita.tinanong ko siya about dun sa girl na pinangalanan kong butiki

sino ba iyon?ano mo siya?

sino?patay malisya pa siya

yung babaeng binanggit mo nung nakatext mo yung friend ko.

hindi ko kilala yun.

talaga?ang galing hah,nag imbento kalang nang pangalan ganun?puta!ginagawa akong tanga nang gago

tang ina naman,sinabi ko nang huwag sasabihin sayo sinabi pa.bulong niya na may pag suntok pa sa kinauupuan namin

alam mo mag-hiwalay nalang tayo.

wala naman yun eh!kaibigan ko lang iyon.

ngayon naman kaibigan mo?napaka sinungaling mo talaga.

wala naman kami nun,akala ko kasi siya yun kasi nga ganun siyang magtext.ouch lang,pag ako nagtetext sa kanya nang ibang number yung gamit hindi niya ako kilala tapos yung butiki alam niya kung pano magtext

galing mo?buti pa siya alam mo kung panong magtext tapos ako pag ibang number gamit ko,hu u ang nirereply mo.”

wala nga yun!super badtrip talaga ako kaya tumayo nako para umuwi

uuwi nako,saka nalang tayo mag-usap.walang imik na hinatid naman niya ako sa sakayan

Pagkadating ko nang bahay panay ang text at sorry wala naman daw iyon hanggang sa nagkita ulit kami at eto nga nagtatalo na naman kami.pero ang hindi ko kinaya yung sinabi niya sakin na talagang kina down ko nang todo

huwag mo nga siyang pagsalitaan nang ganyan kasi may pinag-aralan yun tao.na shock ako sa pag-sigaw niya pati narin sa gigil niyang pag-sabi nun sakin kaya napa tikom ako nang kamao sa galit

ganun?bakit?mukha ba akong walang pinag-aralan?purkit mas mataas yung pinag-aralan niya sakin magsasalita ka nang ganyan sakin.”

hindi naman sa ganun!puta!gusto kong pumatay

uuwi na’ko.

bhe..naman.

tigilan mo ko sa bhe mong tawag.uuwi nako.naiiyak ako sa galit imagine inapakan niya yung pagkatao ko.

Lumipas yung isang linggo hindi kami nagkikita nung bf ko,pati narin si Christian hindi ko parin nakakatext,hanggang sa ewan kung bakit pag gising ko isang araw ayaw ko na sa kanya.pag sa tuwing nagkikita kami nasusuklam ako sa pagmumukha niya

Ang sabi niya,hindi na daw iyon mauulit at magbabago na daw siya basta bigyan ko siya nang second chance.kung tutuusin pang third chance na yung binigay ko at siguro naumay narin ako sa kakabigay sa kanya kaya ang tingin ko sa kanya ngayon isa nang halimaw

gusto ko nang pizza,ibili mo naman ako.yan,naging ganyan nako sa kanya,material girl na.itetext ko siya pag gusto ko niyon at niyan.

Siguro nagbabago na talaga siya pero para sakin wala na yung effort na yun,dumating narin sa point na hindi nako makatulog sa gabi kasi hindi ko na talaga kayang maging boyfriend siya.pag tumatawag siya sakin at nag a I love you hindi ako makasagot nang I love u too.

Palabo nang palabo yung relation naming dalawa.at pag sa tuwing gusto niyang magkita kami ang palagi kong sagot may lakad ako at may work ako.nag-wwork nako at yun ang ginagawa kong dahilan sa kanya.sumapit yung another monthsary namin

Pumunta siya nang bahay nang 7:00pm.hindi ko akalain na pupunta pala siya nang gabing iyon,ang sabi ko pa naman sa kanya wala ako sa bahay nun kasi nga yung oras nang work ko 2:00pm to 10Pm.balak niya siguro akong isurprise.Eh,talaga namang na surprise ako sa ginawa niya.

kim,nandyan boyfriend mo.akala ko nabibingi lang ako at nagkamali ako nang dinig pero nandun nga siya samin

Ang lakas nang kaba ko.kasi diba nga nag-sinungaling ako sa kanya,paglabas ko nang kwarto nakaupo na siya sa set namin at may dalang tatlong red roses na may napakahabang tangkay.meron din siyang dalang malaking tobleron

Dahan-dahan akong umupo sa set katabi niya.haha,hindi ako makaimik,iniisip ko pa kasi yung kasinungalingan kong sasabihin sa kanya para makalusot.hehe.tumingin siya sakin tapos inabot yung dala niya sakin na kinuha kodin

uuwi na’ko.sabay tayong sabi niya

uuwi kana?!

oo.tapos bigla na siyang lumabas nang bahay at nagpaalam sa magulang kong nasa labas nang bahay

bakit uuwi kana agad?yung nanay ko nagtatanong

may dadadaanan pa po kasi ako.”

ah,ganun ba sige ingat ka.tumango naman ito at nag tuloy na sa paglalakad.ako, nakasunod lang sa kanya

ang sinungaling mo!inis niyang sabi sakin habang naglalakad kami

nabago yung schedule ko,malay ko bang itutuloy mo pa yung pagpunta mo nang bahay kaya hindi ko na tinext sayo.ayan na yung kasinungalingan ko

sige na,umuwi kana.wag mo na akong ihatid itext mo nalang ako kung kailan mo gusto,hindi na ako umimik pero hinatid ko parin siya hanggang sa makasakay siya nang tricycle

Hanggang sa tuluyan na kaming nagbreak na dalawa.hindi na kasi maisalba yung gusot saming dalawa.nawala na kasi iyong tiwala at masyado nang magulo kung pipilitin pang ayusin yung mga bagay na nalagyan na nang lamat.

After nang break-up namin .isang taon ulit yung lumipas nang makatext kong muli si Christian,ang gago todo ligaw sakin sa text kasi single na daw ako pero hindi ko naman pinapatos dahil ewan.hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kayang sabihan nang I love you.parang nadidiri ako,haha

hoy!panget.ano?tayo na kasi.nangungulit na naman siya

sige na nga tayo na.

talaga?

oo nga.

hindi nga?baka niloloko mo lang ako?

haiz.kainis ka!ang sabi mo maging tayo na. nung sinasagot naman kita hindi ka makapaniwala,hay naku!gurang !wag na nga nagbago na yung isip ko.yung totoo wala talaga akong balak na sagutin siya.biro lang yun

hmp!arte mo,kaya walang magtiyagang manligaw sayo ngayon kasi masungit ka.

hoy!hindi ako masungit.tumigil kana nga ambisyoso.

tatawag ako sagutin mo.”reply niya.sa tagal nang pakikipag text ko sa kanya ngayon ko lang maririnig yung boses niya,dati kasi nung tinatawagan ko siya ayaw niyang sagutin at pag siya tumatawag sakin ayaw ko rin sagutin

ok.reply ko,excited akong marinig yung boses niya kaya nung tumawag siya sakin todo hello agad ako.

Pero nadissapoint ako sa boses niya.why?kasi mas malandi pa siyang mag salita kaysa sakin,basta para siyang babaeng tawa nang tawa basta kakaiba.inisip ko nga bading or tomboy siya eh.kaya niloko-loko ko siyang bading ka no?na kinainisan niya lang

Nauwi na kami sa ganung biruan na dalawa.madalas niya pa nga akong loadan eh,haha.may sponsor ako nang load at siya yun.pero kahit anong pilit niya na maging kami hindi talaga ako bumibigay.hindi ko alam kung bakit eh

May naging boyfriend din kasi ulit ako kaso hindi kami nagtagal kaya eto balik na naman ako sa pakikipag kulitan sa kanya.i wonder kung bakit hindi niya mabigay sakin yung fb account niya,kahit noon  pa na Friendster palang ang uso.

Palagi niyang sinasabing wala daw siyang ganung account dahil hindi daw siya mahilig sa mga social network pero may laptop naman siya.ang gusto niya kasi mag meet na daw kami pero natatakot talaga ako,gusto ko kasi alam ko muna yung itsura

Daaah.never pa kasi akong nakipag meet sa isang textmate eh.parang nakakahiya kasing nakakatakot.haha,sa panahon ngayon dapat mag-ingat na din.palagi nalang ganun yung usapan namin pag nagtetext kami at nauuwi siya sa drama niyang maging kami na tinutulugan or hindi ko na siya nirereplayan.hehe

bakit ayaw mong mag-asawa na?tanong ko sa kanya habang magkatext kami

ayoko nga kasi may hinihintay pako.”

sino bang hinihintay mo?wala sigurong magkagusto sayo kaya ka ganyan.haha,biro ko

wala nga.

bakit kasi ayaw mong ipakita sakin mukha mo,wala kaba talagang fb manlang?kinukulit ko siya ulit about sa fb account niya

wala nga.baka matakot ka lang.

bakit ako matatakot?halimaw kaba?haha.walanghiya kaming magtext sa isat-isa

oo.halimaw ako.

kaya pala.haha,ganun ka talaga kapangit para hindi ipakita sakin yang mukha mo?!

ang kulit mo,sabi nang wala nga eh.goodnight na nga.oh.napikon na siya.haha

ok.goodnight.”reply ko,another week ulit bago ako naka receive nang text galing sa kanya

Ganun lang yung estado naming dalawa.nagtetext pag gustong mangulit sa isat-isa at makipag-asaran,parang hobby lang ako nitong itext pag wala itong magawa at maasar sa buhay.baliw na yata yung lalaking iyon.

hoy,panget.

makapanget ka naman parang ang gwapo mo ah.

haha,pikon kana niyan?!

duhh,hindi ah kasi alam kong mas pangit ka kaysa sakin.

haha.arte mo!expression na yata niya yung salitang arte mo

mas maarte ka,nabuhay ka ata at naalala mokong itext?

bakit?namatay naba ako?!pamilosopo niyang reply sakin

oo!diba namatay kana?tapos ngayon muli ka ulit nabuhay.

ang sama mo.hay nakuh!tatanda kang dalaga niyan.

paki mo!

sungit mo.

ewan ko sa’yo.tulog na nga ako wala kang kwentang katext gurang na panget!.

napakasama mo talaga.ayaw mo ba talaga sakin?”ayan na naman siya sa ganitong tanong

iba nalang wag ako.bakit kasi ayaw mo pang magpakasal sa iba.?nangingilabot na naman ako sa ganitong text namin

hoy FYI lang ha….hinihintay kita baka nakakalimutan mo?hahaha.hinihintay niya daw ako,siraulo lang

ambisyo ka,feeling mo naman papatusin kita.mangarap ka nang gising gurang.

ahai.ewan ko sayo.another week ulit yung lumipas nang makatext ko siya

ano nang gawa mo?tanong nito

wala nga eh,boring na boring na sa buhay.

hay.sabi ko naman sayo pakasalan mo na ako para hindi kana maboring.natawa at napailing lang ako sa nareceive kong reply nito

bakit?may hacienda kana ba?or mansion ba?

wow!ganun agad hinihingi?mabubuhay ka naman sakin huwag kang mag-alala,makakain ka padin anng tatlong beses sa isang araw.

mukha mo!eh volunteer ka nga lang sa ospital eh.wala yung suweldo no.ambisyoso ka!nurse kasi itong si Christian,ewan ko kung totoo o gawa-gawa niya lang.haha pero volunteer nga lang siya

hoy!may sweldo ako,huwag ka.tara nang magpakasal.”

ang ambisyoso mo talaga!kadiri ka.haha

uhmp!bahala ka,wala kanang ibang mahahanap na katulad ko.”

ewan ko sayo.end of text naming dalawa

At after one month ulit nagkatext kami ngayong.april,08,2013.may bigla siyang inamin sakin na kinagulat ko.haha,actually parang hindi naman ako masyadong nagulat para kasing expected ko na talagang ganun talaga siya kasi sa mga pananalita palang niya.

hoy!panget musta?text niya sakin na nireplyan ko naman kasi may load ako today.hohoho

maganda parin,kaw ba?

ayy.gwapo pa din naman..gawa mo?may kakapalan talaga ito kahit kailan

kapal.wala,kaw?

nunuod ng tv,wala din akong magawa ehh.now I know,mangungulit na naman ito

ah,ganun?kaya pala tinext moko kasi wala kang magawa?

hindi naman miss lang talaga kita?daah,ayan na naman kilabot ko,haha.hindi ko feel na sinasabihan niya ako niyan eh,pero bakit pag sa kanya lang?pag ibang guy naman hindi.

weh.di nga?

uo nga,miss kita.ikaw lang naman ang hindi nakaka miss sakin.

mukha mo!reply ko at may devil sign pa iyan sa dulo nang text ko,haha

miss nga talaga kita sweety.nakasanayan na niya ako tawaging sweety noon pa man.naalala ko tuloy dito si Harley yung character ko sa story na getting to know each other on bed

weh,huwag mo nga akong tawaging sweety,kadiri!syaka mag-asawa kana kasi para hindi mo na’ko namimiss.

tara pakasal na tau para magkasama na tau para hindi na kita namimiss.grabeh talaga naman,nangilabot talaga ako nang bongga sa Sinabi nito kaya naipost ko patuloy sa fb yung convo naming dalawa

Hindi ko maimagine na ikakasal kaming dalawa.hindi ko talaga siya feel na maging karelasyon kahit sa text lang.haha.ewan ko ba,basta hanggang friend lang tingin ko sa kanya at wala na talaga

hoy ano na.text niya ulit sakin,sinakyan ko nalang yung trip niya

oo ba tara!reply ko

seryoso?meet tayo bukas?

haha.tapos kasal na agad-agad?gaguhan lang ah.natatawa nalang talaga ako dito

hindi ahh,kelan ba kita ginago?kaw ehh,takot ka namang makipagmit sakin.baka nga ako pa reypin mo?kadiri talaga mga pinagsasabi niya,haha.

hindi ako kinikilig,nadidiri ako kasi naman mas malandi pa kasi siyang tumawa at magsalita sakin pag nag-uusap kami sa phone kaya feeling ko talaga bading siya or tomboy siya, .ganun naman talaga mararamdaman mo kahit personal friend mo ang nagsabi niyan at hindi mo type.nangingilabot ka.haha

ang kapal naman..reply ko kasi nawawalan nako nang ganang magtext

hehehe.di nga?bakit kasi ayaw mo sakin?ayan na naman siya

daah.hindi pa nga kita nakikita eh.”at may mahal akong iba,bwisit kasi manhid lang yung gago kaya ayawakong patusin.xd

kasi nga ayaw mong makipagkita sakin.

kasi nga din kahit sa fb manlang ayaw mo din magpakita.giit ko sa kanya

makikipag kita ako.tomboy ako.reply niya na ikinagulat ko,ilang minuto din bago ako nakareply sa text niyang iyon

ngek.di nga?paniniguro ko kahit iyon naman talaga yung kutob ko

uo nga.sempre nahiya ako sayo baka mailing ka sakin.sorryimagine ilang taon ko na siyang nakakatext tapos wagas-wagas yung panloloko niya sakin.nagpanggap pa talaga siyang tunay na lalaki

haha,kaya pala mas maarte kapang tumawa sakin.yun nalang yung na reply ko sa kanya,

medyo nakakawalang gana kasi ok naman sakin na magkaroon nang kaibigang tomboy kasi may mga tropa akong tomboy pero yung lokohin ka nang ilang taon bwisit lang.ganun pa man medyo naunawaan ko siya kasi natakot siyang hindi ko na siya replayan pa.

hindi naman,pero seryoso.ok lang sayo na ganito ako?ok lang ba na ganito ako?tanong niya

wala naman kaso kasi friend lang naman tayo kaso nag sinungaling kapa din.

sorry,natakot lang kasi akong mailang ka.”

ganun?

oo..huwag ka sanang mailang sakin,sana replayan mo padin ako.

hahah.ok.yun nalang yung nireply ko at hindi na nagreply sa text niyang iba

Akalain mo nga naman yung kauna-unahan kong textmate at nagpanggap na lalaki tomboy pala.kaya naman pala hindi ko kayang sagutin siya nang I love you too,at kaya naman pala naninindig at parang naiilang ako pag tinatanong niya ako sa mga ganung bagay kasi naman nararamdaman ko palang kalahi ko siya.haha.

Ahais.oh kayo huwag basta tiwala sa textmate lang.dito talaga mapapatunayan sa text na ang pangit nagiging maganda at gwapo.ang in relationship nagiging single at higit sa lahat ang mga bading nagiging babae at ang tomboy nagiging lalaki.ahaha.kaloka,akalain mo yun.

Pero ang pinaka huwag niyong gagawin ay ang magpanggap.dahil kayo rin naman mahihirapan nung sa bandang huli.kung sa tingin niyo ay hindi kayo kayang tanggapin nang katext niyo dahil sa itsura at ugali niyo tanggapin niyo nalang kasi nga mas masarap mabuhay nang normal kaysa nagtatago ka sa iang kamalian.

You don’t need to be perfect to be like by someone.be yourself is the best.minsan ang pag-sasabi nang katotohanan ang mas kinagugusto nang karamihan.mas nakakatakot kasing mamuhay nang puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig mo.diba?

>_________________<

AN:

Haha.actually pinost ko ito kasi wala lang.hindi ko dapat ito gagawing one shot kasi story nang buhay ko ito pero kasi gusto ko lang magbigay nang lection sa bandang huli na hindi mo kailangan maglihim para lang magustuhan ka nang isang tao,mas maganda parin kasi yung nagpapakatotoo.sa pag sulat ko nang story na ito medyo natatawa ako.haha,hindi ko kasi akalain na ganun.yung mga palitan naman namin nang text dyan sa story ko yung iba diyan kinuha ko dun san aka save sa phone ko at yung iba yung mga natandaan ko.tamad kasi akong magbura nang mga message kaya nakalkal ko pa yan.so ayun lang.babush!

Love

kimverly

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 148K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
5.4M 136K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...