Prologue
Zinniana POV
" Saan ka na Naman ba galing!!?" Rinig kong sigaw ni mommy sa baba
Malakas ang ulan pero rinig ko parin ang gamit na nabasag sa baba,sinabayan pa Yun ng lakas ng kulog at kidlat
"Ano bang pakialam mo,HUH!!"
"Hindi kana talaga nadala!,nababaon na tayo sa utang!!!"
Naiintindihan ko si mama,kunti nalang kunting kunti nalang mawawalan na kami ng pera dahil sa pagka adik ni dad sa sugal
Ilan pang gamit Ang narinig Kong nabasag,Maya Maya pa nawala na Ang ingay ng mga gamit... Hindi ko na namalayan na bumukas na pala ang pinto ng kwarto ko...at pumasok si... m-mom?
Nakaramdam ako ng kaba at takot
Kilala ko si mommy,ganiyan ang hitsura niya sa tuwing nakakainom Siya...para niya akong pinapatay ng tingin
Agad niyang nilibot ang paningin sa kwarto ko at nadaanan ng mata Niya ang isang baseball bat na binigay pa sa akin ni kuya
Kinuha niya Yun at lumapit sa akin
N-no... please
"Kasalanan mo to!!"sigaw niya
Mabilis akong napaigtad sa malakas na Palo Ng baseball bat sa hita ko
Masakit sobrang sakit...TANGINA
Ilan bang beses niya akong pinalo...tatlo?apat?
Pero para sa kaniya kulang pa yun
Agad akong napahiga sa sahig dahil sa sakit Ng katawan ko,Hindi ko magawang mag makaawa,Wala na akong lakas
Mabilis ang naging kilos niya,naghalungkat siya sa cabinet ko.
Hindi ko na kailangan itanong pa,isa lang ang hinahanap Niya
Hanger!... Buti kung hanger lang pero hinde! bakal yun,ginamit niya sa akin yun noon kaya masasabi Kong mas masakit Yun kesa sa baseball
Nang makuha niya Ang hanger mabilis niya akong pinalo gamit yun
"ARGHHH!!! T-Tama.. n-na.. p-po.."
Pagmamakaawa ko pero hindi siya nakinig,tuluyan ng bumuhos ang luha ko,dumudugo na ang mga sugat ko pero,manhid na ata Ang katawan ko
Isa lang ang pumasok sa isip ko nun ....
At yun ang tumakas