Paradise In Your Eyes (Street...

itsjepg

435 28 11

"Paradise is a place. But for me, it's in his eyes." 03.01.2024 Itsjepg 2024 Еще

Street Series #6
Prologue
Chapter 2
Chapter 3

Chapter 1

70 6 4
itsjepg

Chapter 1: Ligaw



I like him.

Sigurado ako sa nararamdaman. Tahimik itong lumago at nagbunga hanggang sa hindi ko na kaya at gustong gusto ko nang umamin sa kanya.

"So kailan ka aamin?" 

"Hindi ko alam. Hahanap muna ako ng magandang tiyempo,"

It all started when we were in Grade 9. I thought it was only a simple and short attraction and eventually I would get over him but boy I was wrong. 

I don't know but I purely believe we're meant to be. Napapansin ko na tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para magkaroon kami ng interaksyon.

If life was a movie...we have a lot of scenes and all those scenes will make me fall in love with him.

"Ang dami sigurong madidismaya lalo na ang mga babaeng nagkakagusto sa'yo kapag nalaman nilang hindi babae ang gusto mo," komento ni Jude, isa sa mga matalik kong kaibigan simula grade 7.

Inisip ko iyon. Nakilala ako sa Casa High School bilang campus crush dahil na rin pambato ako lagi sa tuwing may contest na ang labanan ay mukha at karisma. 

Hindi ko masisisi ang ilang tao kung tunay na lalaki ang tingin nila sa akin. I'm not very vocal and expressive when it comes to my identity. Maybe they think I’m straight because I dress and act like it but I act naturally and in a way I would feel comfortable. 

"Paminta," minsan condiments pero madalas iyan ang tawag sa katulad ko.

Well I'm not pa-men. Lalaki ako kung kumilos at natural iyon sa akin pero kailangan ba kapag hindi ka straight ay palong palo ka dapat? Nagsusuot ng pambabae at make up? Para saan? Para gawing katatawanan at entertainment ng mga heterosexual. 

Wearing girl’s clothes and make up is fine when you’re a gay but they should understand that it’s not applicable to all homosexual. We all have different ways to express ourselves but I think we don’t have to explain our art. 

"Lalo na si Joanna! Crush ka raw no'n!" 

Buntong hininga lang ang nasasagot ko sa mga sinasabi nila. May dapat ba akong gawin para sa mga taong nagkakagusto sa akin? Wala. I didn't ask them to like me but I appreciate it. Kung madismaya man sila ay problema na nila iyon.

Umayos ako ng upo nang makita si Arkus na naglalakad kasama ang mga kaibigan niyang babae. Even from afar, he looks so cute and handsome. The hairstyle, height, skin tone, narrowed nose, chinky eyes, and everything about him is making me crazy.

Dumapo ang tingin niya sa banda namin. Ngumiti ito kaya napalunok ako at umayos pa lalo ng upo.

"Shet tinitigasan na!" tukso ng mga kaibigan ko dahil siguro sa point of view nila ay mukha na akong asong naglalaway.

Sinamaan ko sila ng tingin kaya tumikom ang bibig nila pero natatawa pa rin.

"Hindi ko siya nagustuhan dahil d'yan," giit ko.

"Pero darating din kayo doon," banat nila.

Halos umirap ako.

"Pero masyado pang maaga para isipin 'yan. Alam niyo kaya ang daming batang ina o batang ama eh! Masyadong napaaga ang pag romanticize nila ng sex! Hindi ba pwedeng highschool love story muna?" I said with conviction.

"Kung makatingin ka naman kasi!" si Jude.

"Masaya lang ako at kinikilig!" depensa ko.

Malapit nang matapos ang recess kaya naglakad na kami pabalik sa room pero bumagal ang lakad ko at hindi iyon napansin ng mga kaibigan ko.

Nag aayos ng mga monoblocks si Arkus kasama ang mga student council katulad niya. May pupunta kasing anak ng gobernador para magbigay ng motivational speech.

Hinugot ko ang snickers sa bulsa at tahimik itong nilapag sa monoblock malapit sa inaayos niya. Hindi niya ako nakita at abala siya sa ginagawa. Ngumisi ako at 'di maiwasan na purihin ang seryosong mukha niya.

Nagtago ako sa may halaman nang makita niya na ang snickers na may little note. I watched as he read the note and it made him smile. Tinago niya sa bulsa ang note at kinain ang snickers.

"Yes!" bulong ko sa sarili.

Kung magiging tayo, hindi lang snickers ang kaya kong ibigay sa'yo, Arkus. 

Maagang natapos ang klase dahil dadalo kami sa program. Hinanap agad ng mga mata ko ang presensya niya at nagtaka nang hindi siya makita.

"Umuwi na ang baby mo..." bulong ni Jude.

Tahimik na nakikinig ang lahat sa lalaking nagsasalita sa stage. Magtatayo ng bagong building sa school at sila ang may donasyon no'n. Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi at abala ako sa paghahanap kay Arkus.

"Paano mo nalaman?" 

"May samba sila tuwing huwebes," kaswal na sagot ni Jude.

"Ha?" I asked, confused.

"Hindi mo ba alam? INC si Arkus?" Jude divulged.

It shocked me a bit but somehow I understood. 

"Ang sarap ng nagsasalita sa stage! Anak ba ito ni gov? Gov baka naman!" maharot na komento ni Jude.

Hanggang sa sasakyan ay lutang ako habang iniisip ang nalaman. Sinundo ako ni Papa dahil nagkataon na isa siya sa mga nag escort sa anak ng gobernador papunta rito sa school at diretso na siyang uuwi kaya hinintay niya ako.

"Lalim naman ng iniisip ng isa d'yan..." napansin ni Papa ang pagkatulala ko.

Ngumisi ako at kinusot ang mata. 

"Inaantok lang, Pa," sagot ko sabay hikab.

Iba ang relihiyon ni Arkus. I respect all religions but there's something that worries me. I don't know what or which it is.

Tumigil ang sasakyan dahil sa stoplight at nahinto pa kami sa tapat mismo ng isa sa mga kapilya ng INC. It was huge and high. I always admire the exterior of it and for me it was just a genius craft.

Marami ang tao roon. Ang mga lalaki ay nakasuot ng black slacks at long sleeves. Ang mga babae ay kung hindi palda ay naka pencil cut skirt na lagpas tuhod saka blouse. 

"Sinong tinitignan mo riyan?" napansin ulit ako ni Papa.

Umiling ako at sa diretso nalang ang tingin.

"Mukhang may bumabagabag sayo? Sabihin mo sa akin ano 'yan, Miko..." ani Papa.

"Wala lang. May nalaman lang." sagot ko sabay singhap.

"Ano naman ang nalaman ng anak ko at masyadong napalalim ang pag-iisip," 

I sighed, "Yung crush ko kasi, INC pala siya..." 

Nakita ko ang mabilis na pagtingin ni Papa sa akin na para bang hindi niya inaasahan ang sasabihin ko kaya ito siya at gulat na gulat.

He got it already without me explaining. Because I was very close to my parents so they know every inch of me. 

I made Papa speechless the whole trip. Maybe we have the same thing running in our mind right now and just like me, he doesn't know how to vocalize it.

Naging tahimik ang aming hapunan. Usually it filled with stories and laughter but today it was different. Tahimik lang akong pinapanood ng magulang ko. Minsan ay nahuhuli ko silang nagtitinginan na mag asawa at para bang nag uusap gamit ang mga mata.

Arkus is gay and everyone knows that. Malaya niya rin naman naipapakita ang sarili pati ang kilos. Isa nga rin iyon sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. 

Because just like me, he's so natural and carefree. He's just being himself and using no force which I truly admire. I really think that our relationship will work if he'll allow me to be his boyfriend…

"Tanggap kaya siya ng parents niya?" iyon ang unang lumabas sa bibig ko ngayong gabi.

"Bakit naman hindi tatanggapin?" si Mama.

"Dahil sa relihiyon nila?" sagot ko at mabagal na ngumuya.

"Hindi naman siguro. Ang sa amin lang ng Papa mo ay kahit ano pa ang relihiyon natin ay matatanggap ka namin, Miko. Kaya sigurado akong tanggap din ang crush mo ng pamilya niya," komento ni Mama.

Papa gave it a nod. Lagi talaga sila pareho ng opinyon o baka minsan sumasang-ayon lang si Papa sa kanya kasi wala siyang masabi?

Konnor Alvarez, my good-looking father, was very careful with his words ever since. He wants time to process it and think about it before he voices out. He has rational thinking and he's wise. That's one of the reasons why he's the leader of the security force of Laguna's former governor because he has that logical and realistic thought. 

While my mother, Mirasol Alliana Alvarez, was street smart and soft. She's also pretty. She's generous and thoughtful and very vocal. Her honesty is incomparable and I think I get that trait from her. She's just living naturally.

Mama was from a wealthy family. I'm always asking her what happened to their fortune but she said that I was too young to understand everything. 

"Hindi mo na siya gusto? Napanghinaan ka ba ng loob?" my father interfere.

Ngumuso lang ako at nagkibit balikat. Bakit ko nga ba iniisip ang bagay na 'yun? Ang lakas ko rin itanong sa sarili na "Matatanggap kaya kami ng pamilya niya kapag naging kami na?" 

I laughed at that thought. Akala mo naman guarantee na kapag umamin ako kay Arkus ay sasagutin niya na agad ako? Mas maganda kung ganoon pero hindi rin siya yung tipo ng taong nagmamadali.

"Hindi naman, Pa." sagot ko.

Bakit ako panghihinaan? I'm just thinking that...it may complicate things. 

"Ganyan dapat! Base nga sa walang kamatayan na kasabihan, kapag mahal mo ipaglaban mo!" giit ni Mama.

Tumawa kami ni Papa. 

"Pero alam mo dapat kung hanggang saan at kailan ka lalaban," my father added.

Sumimangot tuloy si Mama sa kanya kaya mas lalong natawa si Papa.

"Alam ko 'yan, Kon---"

"Kaya pala muntik ka nang mapahamak?" banat ni Papa.

Ngumisi ako. May point naman si Papa. Naalala ko ang kwento ni Papa sa akin na hindi raw siya tanggap ng magulang ni Mama dahil mahirap lang ang Papa ko. What a typical love story, huh?

My mother was fighting for their love and she kept disobeying her parents. Hanggang sa tumakas si Mama ng bahay  nila para puntahan si Papa. Dahil delikado pa ang tinitirhan ni Papa noon ay muntik pang maholdap si Mama!

Mukhang magiging katulad din ata ako ni Mama ah? Napangisi tuloy ako. 

Kinabukasan ay maaga ako sa school para gumawa ng assignment sa library. Akala ko ako lang mag isa pero nang pumasok ako ay naabutan ko si Arkus.

Nagulat siya nang nakita ako. Isusuot niya na sana ang airpods at pa-landscape na ang hawak niya sa cellphone. Siguro ay manonood siya ng movie.

"H-Hi! Good morning. O-Okay lang?" I said shyly.

He smiled sweetly. Hindi na niya sinuot ang airpods at pinatay na ang cellphone.

"Okay lang. Gagawa ka rin assignment?"

Tumango ako at umupo na sa harap niya. Naglabas na siya ng newsprint at mga highlighters at pen. Ganoon din ang ginawa ko. 

We worked silently but I got all the chances to see a glimpse of his peaceful eyes. His eyes are so innocent and he's so soft and fragile. Parang kaya kong gawin lahat 'wag lang siya mabasag.

Grabe na talaga ako. Nandito ako para gumawa ng assignment at mag aral pero siya na ang inaaral kong mahalin pa lalo. 

Ngumisi ako. Tumingin ulit ako sa kanya at napawi ang ngisi ko nang makitang nakatingin siya sa akin!

He caught me smirking! Shit! Nakakahiya! 

"Sorry. Masaya lang kasi...uhm...nagawa ko na assignment ko hehe..." I reasoned and that was the most stupid reason I've used.

Tumango siya pero nahahalata ko ang pagpipigil niya ng ngiti. 'Di ko rin tuloy maiwasan na ngumiti ulit.

"Ang cute mo," hindi ko na napigilan ang sarili.

His eyes widened and I witnessed how his cheeks turned to red. 

You got me so good, Arkus.

"Sorry..." pambawi ko.

"O-Okay lang. Salamat..." aniya, nahihiya sa puri ko.

"Walang anuman. Sigurado akong marami na ang nagsasabi sa'yo na cute ka," 

Nakatitig pa rin ako sa kanya. Inayos niya ang glasses niya at nahihiyang ngumiti at tumawa.

"Eh totoo naman na cute ka..." dagdag ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Paano ba naman! Namumula na siya sa harap ko kaya hindi ko na maawat ang sarili. Naging 2x faster ang tibok ng puso ko.

He bit his lip and smiled.

Napalunok ako at napaisip. Ito na ba ang pagkakataon para sabihin sa kanya? Kinabahan ako bigla.

Sinarado ko na ang libro at tinabi ang gamit. Kunwari lang na tapos na pero hindi pa.

"Kaya nga...gustong gusto kita eh," pag amin ko.

Bahala na! Nandito na rin naman ang feelings ko edi ilalabas ko na.

"H-Huh?" he was shocked.

He swallowed hard. Tumango ako at umayos ng upo. Nilapit ko ang mukha ko sa tainga niya.

"Gusto kita, Arkus..." bulong ko.

He got frozen on his seat.  

"Pwede bang manligaw?" dagdag ko, may panunuyo sa tono ng boses.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Game Over beeyotch

Любовные романы

602K 21.7K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
How To Trust A Liar prim

Любовные романы

9.5K 648 13
[ Iskwala Series #1 ] Intrigued by the unknown and driven by curiosity, Damian Villados was a man of exploration, always eager to dive headfirst into...
300 Lanterns of Binondo bluerbees

Любовные романы

6.9K 497 35
[ COMPLETED ] • [ EDITED ] People disappear, like how the calendar changes its month, how the days bounce from one another, and how the birds fly whe...
Ditto Dissonance (Boys' Love) JosevfTheGreat

Любовные романы

753K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.