Thanks, Hater

By herkiwii

1.2K 60 14

"Ang pangit ng ugali, I hate you, I hate you Caelum!" Everyone adores and obsessed with The Daze that's why... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
01
02
03
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26: Caelum Nazarro
27: Caelum Nazarro
28: Caelum Nazarro
29: Caelum Nazarro
30
31
EPILOGUE

24

20 1 0
By herkiwii

Tahimik.

Kulang nalang ay magtawag ako ng kuliglig maputol lang ang katahimikan naming dalawa sa kotse. Nakabalik na kami galing sa hospital ginamot lang ng doctor ang braso ko dahil wala naman akong masyadong natamo.

"Dito nalang ako." putol ko sa katahimikan.

"Okay."

Binuksan ang pinto ng kotse sana manlang may goodbye kiss 'di ba? huy! charot!

"Ah, salamat. Mauna na ako." Mahinhin kong sambit. Tinapunan niya lang ako ng saglit na tingin bago tumango. Pagkasara ko sa pinto ng kotse niya siya namang alis niya.

Impit akong napatili habang maski sa pagpasok ko sa bahay ay kagat-kagat ko ang labi ko.

"Gusto kong magalit sa'yo."

"Hindi ko magawa kasi tangina! marinig at makita ko lang na umiiyak ka mas gusto kitang yakapin kaysa pabayaan ka."

" Ihhh!" kinikilig kong tili naabutan ko naman si Clarisse na nagluluto. Nilapitan niya ako dala ang kunot niyang noo.

"Ano 'yan ante? para kang inasinan na uuod, may nangyari ba sa inyo ni sir Atlas?" Usisa niya.

"Wala! gagang 'to, bakit naman may mangyayari sa amin e boss ko yun!"

Nag kibit-balikat siya."Malay ko ba kung may something na sa inyo? ang bait niya sa'yo e halatang may pagtingin."

"Shut-up! hindi naman siya ih... si kuan!" Kinagat ko ang ibabang labi ko. Mukang narealize niya ang ibig kong sabihin akala ko ay kikiligin din siya pero hindi, kinurot niya lang ang tagiliran ko.

"Ano ba?! ang rupok mo! kike ka!" Singhal niya pero imbis na mainis ay mas lalo pa akong kinikilig.

"May pag-asa pa ako, tiwala lang sa kamandag ko." Sambit ko sabay kindat.

Pumasok ako sa kwarto at doon itinuloy ang kilig ko na naudlot dahil kay Clarisse.

As the days went by I was busy at the office and of course I was able to take leave after that to go home to the Philippines. Namiss ko na rin ang pamilya ko roon iyon nga lang may pagbabago.

It's been a years na rin nang mag disband ang The Daze at parang buong araw ko noong college ay nasa The Daze. Ang saya pa no'n.

Totoo pala na ang kapalit ng saya ang lungkot. Matinding lungkot. Magkasama kami ni Clarisse sa pagpunta sa ibang bansa at ngayong uuwi na sa pinas kami pa rin ang magkasama. Sobrang proud ako dahil pareho kaming naging matatag habang lumilipas ang araw.

"Aisha! Clarisse!" bungad sa amin ng matangkad at maputing lalaki nakasuot siya ng puting polo at mukang kakagaling lang sa trabaho. Grabe ang tangkad niya! mas lalo rin siyang gumwapo.

"Ano ba naman 'yan! wala manlang pasalubong sa akin?" Nakangusong tanong ni Harrison kinuha niya ang dala naming maleta.

"Bakit ikaw ang nagsundo sa amin?!" Taas kilay na tanong ni Clarisse.

"Busy sila e, ako lang natawagan ni Tita. Bilang kuya kailangan kong sunduin ang mga bunso ko." Proud niyang sabi napairap nalang ako.

"Ang daldal mo pa rin talaga,"

"Pogi naman." Sabat niya sabay kindat sa akin. Inirapan ko siya.

Kalaunan ay tinulungan na niya kami sa mga gamit naming dala sa kotse niya rin kami sumakay pero natigilan ako nang makita ang babae sa passenger seat. Tinaasan pa ako ng kilay!

"Sorry girls, sa likod kayo." Ngising sambit ni Harrison napasimangot si Clarisse.

"Hilig talagang mambwisit nito." Bulong ni Clarisse natawa nalang ako bago sumakay sa kotse.

"Are we late?" Tanong ng babae.

"'Di pa naman may dalawang oras pa." Sagot naman ni Harrison.

Maganda ang kasama niyang babae maliit at maputing babae. Medyo mahaba rin ang buhok niya na kulay brown pero inirapan niya ako kanina!

"Saan nga pala kayo tutuloy ngayon?" Si Harrison.

"Uuwi ako sa amin, gano'n rin si Aisha."

Balak kong bumisita bukas sa puntod ni Jacob matagal na rin kasi akong hindi nakakapunta roon simula ng umalis ako sa pinas. It was painful but I accepted it because there was nothing I could do, he wouldn't live if I didn't accept the truth.

Hinatid lang kami ni Harrison sa aming bahay. Pagkarating ko naman ay sinalubong ako kaagad ng yakap ni Mommy. Bihira lang kaming magkita sa ibang bansa dahil madalas narito sa pinas ang business nila.

Nagluto lang si Mommy ng paborito kong ulam habang si Daddy ay naglilinis ng kotse niya sa labas.

"May susuotion kana ba sa wedding party ni Simone?"

"Yes, dad. Nakahanda naman na iyon si Simone pa nga ang pumili ng kulay."


"Mas excited ako kaysa sa kaibigan mo!" tuwang-tuwa na usal ni mommy napailing nalang si daddy habang natatawa.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ay dumaretso na ako sa kwarto ko para maligo tinagalan ko talaga sa banyo dahil miss ko na ito.

My gosh! nakakamiss ang amoy ng kwarto ko!

Nagtapis lang ako ng tuwalya sa katawan bago lumabas sa Cr nahagip kaagad ng mata ko ang Lego ni Jacob. Napangiti nalang ako nang maalala na marami siyang collection nito.

Hindi pa man ako nakakarating sa walk in closet nakarinig na ako ng katok. Paniguradong si mommy iyon kaya binuksan ko ang pinto.


"Mo---eh?" kumunot ang noo ko nang bumungad sa akin ang lalaki.


Seryoso siyang nakatingin sa akin bumaba ang tingin niya sa kabuuan ko. Nang marealize na nakatapis lang pala ako ng tuwalya agad kong sinara ang pinto.

"Argh! Open the door! my finger got stuck!"

Oh my gosh!

Muli kong binuksan ang pinto." Sorry, Caelum! Sorry! a-ano tara nga!" Hinila ko siya papasok sa aking kwarto.

Hindi ko alam ang gagawin, anong gagawin ko? first aid kit?! nasaan ba 'yon?!

"Can you please calm down?" Napasinghap ako nang hilahin ni Caelum ang kamay ko dahilan para mapaupo ako sa tabi niya.

Tumikhim ako't pasimpleng tiningnan ang daliri niya na ngayon ay namumula.

Shit! kasalanan ko 'yon.

Ano ba kasing ginagawa niya rito?! Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Magbihis kana." Utos niya at akmang aalis na ng higitin ko braso niya.

"Gagamutin ko muna yang sugat mo." Tumayo akong muli para kuhanin ang aid sa cabinet ko.


Kumuha lang muna ako ng masusuot ko at nagbihis sa loob ng closet pagkalabas ko naabutan ko si Caelum na pinagmamasdan ang larawan naming lahat na nasa study table ko.


"How can we get back to the way it used to be?" he asked, he looked at me.

Nakakatawa para akong tanga palagi sa harapan niya. Lumapit ako't kinuha sa kanya ang picture binalik ko iyon sa study table.

Paano nga ba kami babalik?

"May sari-sariling buhay na tayo, ang mga kaibigan natin may ikakasal na habang yung iba naman busy sa kanilang career, tapos ikaw..." I looked at him. "May girlfriend ka na."


"She's not my girlfriend."

"Huh?"

"She's nothing to me, she always says she's my girlfriend even though she's not." Aniya sabay ngisi.

Nakaramdam naman ako ng inis sa sinabi niya, tangina! mahal na mahal ko si Caelum pero tangina lang ulit! ang tarantado niya talaga!


"Ikaw? Available ka ba?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Ngayon ko lang din napansin na sobrang lapit na pala namin sa isa't isa.


"Because... I'm available, single." Shit! Ang puso ko. Pinagti-tripan niya ba ako? kasi noong huling kita namin ay galit pa siya sa akin tapos ngayon na narito siya inaakit naman niya ako?



Lokong ito.

"O-oo naman!" Agad kong sagot. "Bakit mo tinatanong?"

"Wala lang." Tinalikuran niya ako bigla.

Siraulo talaga! naiwan tuloy akong tulala siya na ang gumamot sa sarili niyang daliri habang ako ay sinusundan lang siya ng tingin.


"Dito muna ako sa inyo."

"What?!" humarap si Caelum sa akin sabay taas ng kilay niya.

"Bakit? hindi mo ba alam na habang wala ka dito ako nakatira?" Napalabi ako.

Muling bumalik ang inis ko sa kanya sobrang yabang niyang magsalita! at 'tsaka bakit dito siya tumutuloy e may condo naman siya ah? sa pagkakaalam ko.


Huminga ako ng malalim. Hindi ko na siya nilingon o kinausap pa. Naguguluhan ako sa kaniya, mahal ko pa rin siya pero baka iba ang nararamdaman niya para sa akin baka kapag nalaman niyang mahal ko pa rin siya ay iwan niya ako bigla o 'di kaya'y gantihan sa katangahang nagawa ko noon.


Nakakatakot siyang mahalin.





Continue Reading

You'll Also Like

236K 2.7K 22
I have found an ideal life. I have a loving husband, no work and no danger. This is exactly what I wanted when I ran away and changed my identity. Bu...
19.5K 677 9
Sabi nila, ang mga nilalang na nagtataglay ng itim na dugo ay maaaring mawasak. Maaaring mamatay. Sabi nila, ang mga nilalang na may itim na dugo ay...
1.5K 117 45
This is the continuation of Lament of hearts season 1. What will happen to Khiena after she moved to a city? Would she be able to live in a peaceful...
552K 35.2K 71
"Sshhhhh....." he hushed and pinned us against the wall leaving no space between us. I held onto his biceps with my hand in reflex. He shook his head...