POS 1: Miles, Track and Field...

By sailerstories

148 24 28

In order to reach the finish line, there are obstacles and uneven roads to pass through. It wasn't that easy... More

POS 1: Miles, Track and Field Hottie
Teaser
Prologue
Sprint: One
Sprint: Two
Sprint: Three
Sprint: Four
Sprint: Five
Sprint: Seven
Sprint: Eight
Sprint: Nine
Sprint: Ten
Sprint: Eleven
Sprint: Twelve
Sprint: Thirteen

Sprint: Six

5 2 4
By sailerstories


///

"Ginagawa mo rito? Akala ko ba, nasa Neon's ka?"

"Ginagawa mo rin dito? Odd to see you here in the lounge area of Mechevel when you're a regular at Neon's," puna ni Miles kay Shane na naupo lang sa isa pang sofa doon sa lounge area. Ang malawak na ground floor ng Mechevel Hall kung saan tumatambay minsan ang mga athletes katulad nila. May WiFi doon, may outlets, may flat tv kung saan mapapanood nila ang mga laban sa sports channel na gustuhin nila o di kaya'y nood lang ng kung ano-ano. May mga mesa kung saan nagsisilbing study area nila o kainan.

Iilan lang sila doon sa lounge area at nandoon siya upang tapusin ang school paperworks gaano man ka-boring iyon sa kanya. He was typing on his laptop, his notes on the side.

"I may be a people person but I have my limits of socializing," Shane said and put down a magazine with some picture of paintings on it. "Isa pa, kinantiyawan na ako ni coach na puro lakwatsa at party inaatupag ko." Napabuntong-hininga ito.

"Totoo naman." walang kakurap-kurap niyang sang-ayon sa coach nito. Mas lalo tuloy itong nangitngit. "Nagui-guilty ka pa rin sa kapalpakan mo?"

"Isa pa, Miles. Mumurahin na talaga kita," banta nito ngunit natawa lang siya at ni-save ang document niya. Shane is a sunshine person but he took that failure for so long in him, a failure in the team. Ito ang napansin niyang problema dito, masyado nitong pinoproblema ang tingin ng mga tao rito.

"You just have to prove those people that you still have guts in you. That failure doesn't define your capability as a player."

Napasandal lang ito sa sofa. "It is. And I'm trying."

"Tama si Preston." Miles randomly said. Napatuwid tuloy nang upo si Shane. Kapag talaga may kinalaman sa dalawang pasaway ay attentive ang mga ito.

"Ang alin? Anong tama si Preston?"

"Procrastination destroys you." Sa puntong iyon, sinalubong na niya ng tingin si Shane na natigilan lang. Para itong sinampal sa sinabi niya. Naikuwento na ni Attwell, kalahi ni Charles na madaldal at roommate ni Shane na kapag pressure daw itong si Shane. Mas lalong tumatambay sa Neon's para mag unwind o di kaya'y marathon ng cartoons imbes na nagpr-praktis, different from them.

"I heard my name." Mas lalong nanigas si Shane at siya naman ngayon ang sumabay kay Shane na parang nakakita ng multo nang lumingon sila sa kaliwa.

Papalapit sa kanila ang naglalakad na si Preston, in his billiard's uniform shirt, cap and shorts. Parang highschool student lang ang hilatsa ng mukha. Sabagay, hindi halata dahil nangingibabaw ang Eastern features nito unlike him and Shane who's more matured in physical looks.

"Tapos na practice mo?" sa halip ay sambit ni Shane, nakangiting tabingi kay Preston. Blangko lang ang mukha ni Preston at naupo sa one-seater na sofa.

"Sort of. Bakit nandito kayo? You're not in training?" parang sita nito sa kanila.

"Paperworks," Miles answered.

"And you?" baling ni Preston kay Shane. Siya na ang sumagot kay Shane.

"As usual, procrastinating," Miles answered, chuckling.

"What? No. Nagpapahinga lang ako." katwiran ni Shane. "Kaya nga nandito ako sa Mechevel, wala sa Neon's."

Defensive ang loko. "'Di mo ata kasama si Ainsley. Training rin siya?"

Nagkibit-balikat si Preston. "I am not her mother. Probably. Or maybe eating somewhere. I don't know."

Tinaklob na ni Preston ang cap nito sa mukha nito at maya-maya pa ay pumainlanlang na ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Natahimik na rin ang natural na maingay na si Shane. Naglakbay na naman yata ang isip nito kung saan. Ibinalik niya naman ang atensiyon niya sa naghuhumiyaw niyang paperworks. Procrastination pa more.

//

After his paperworks, Miles slept for hours and woke up at quarter to three in the morning. It was still dark out there when he put on his track suit after his hot shower.

Nag-jogging lang siya, did some few stretches and run for minutes. No pressure. Hindi muna niya inisip ang mga kompetisyong susuungin niya. He was enjoying the peaceful surroundings in DCU, under the starry sky. The comforting cold wind swayed with the trees on the pathway he was jogging by.

Napadpad siya sa 24/7 at napamaang nang makita doon ang isang taong nakasuot ng trademark nitong purple cap. Madami itong biniling pagkain base sa puno na nitong table.

Ang babaeng cashier na nagbabantay doon ay mukhang inaantok pa yata. Tanging dalawa lang ang tao sa 24/7. Ito at ang cashier.

"Holy shit, Mitchell. 3 AM and here you are pigging out. Again." Saka lang ito napalingon sa kanya dahil buhos na buhos ang atensiyon nito sa kinakain nitong noodles.

"Blame that coach of mine. Pinagbawalan ako sa mga pagkain. And I need food for energy and inspiration," katwiran nito sabay tungga ng juice sa bote. Inalis na nito ang tennis cap at kahit malamlam nang bahagya ang ilaw, his eyes speaks its colors, resembling green fields.

"Inspiration mo muk'a mo. Matakaw ka lang talaga." Kumuha siya ng isang tetra pack ng fresh milk sa ref doon. Malapit lang sa kinalalagyan ni Ainsley.

Naningkit ang mga mata nito. "How many times I told everyone that I have a unique eating routine?"

"Yeah? Six times a day? Seven times?" Miles snorted and snatched an oatmeal bar. "Even Preston didn't believe your so-called routine."

"Bukas kayo sa 'kin." Natigilan si Miles. Nakalimutan niyang isa ito sa demon duo. Kanina lang niya nakasalubong ang isa. Mabuti pagod na pagod ito para makapang-trip.

Biruin mo na lahat, 'wag lang ang Ainsley na gutom.

"May minaltrato na naman daw ang bola mo kanina sa tennis," pag-iiba niya ng usapan.

"I was pissed off. Hindi niya ako sineseryuso. I got mad that whenever his guard down, I smashed him. It's his fault, hindi siya marunong dumepensa."

Lihim na napangiwi si Miles sa kabrutalan nitong taglay pagdating sa tennis court. Even them, spectators who watch Ainsley's game turn away their eyes when he smashed. Lalo na kapag pakiramdam nila, diretsong matatamaan sa kalaban nito. He could imagine the sounds coming from the 'flying' tennis ball. Even his teammates are scared of him. He was great in his field, that's why he's included in POS no matter how notorious he is.

Hindi ito forgiving type sa tennis court. Nakakatakot makipaglaro dito kahit katuwaan lang.

"But it's your teammate," he insisted. Tumabi lang siya nito ng table pagkatapos niyang magbayad sa cashier.

"Says the one who's uptight with his teammates too." Ainsley chuckled and it's his turn to frown because it's the truth.

"I don't like their guts and attitude."

"I don't like how they play the sports. Too weak for me."

Kulang na lang tumikhim siya. Palibhasa, may maipagmamayabang ito.

"Natatakot lang sila sa 'yo." Napansin niya sa mga players.

"Ha! They don't deserve my game kung takot sila sa 'kin. They know how I swing my racket when they don't take me seriously."

"Maybe because they will lose in the end even if it's a practice game." Totoong walang masasabing worthy opponent sa tennis team para kay Ainsley kaya bigla-bigla na lang daw itong nabo-bore.

"Disappointing. It's not about losing and winning here. It's about analyzing how weak or strong we are at some points in our sports. How? When did they not even try? Dahil matatalo sila sa 'kin?" He laughed in menacing way that brought some chills to Miles. Kulang pa ata ang makapal niyang track suit para takpan ang lamig niya sa paraan nang pagtawa nito. "If fear overruled you, then you will achieve nothing."

Miles had a discussion about this with Preston in the cafeteria. Pareho rin pala sila ng obserbasyon sa tennis team. May mga iba pang closet gems na athletes sa DCU na hindi nag-try out sa tennis team dahil sa kaalamang halimaw si Ainsley sa larangan na iyon. Or maybe for some other reasons. It was just a mere speculation.

"Just wait, Mitchell. Magkakaroon ka rin ng worthy opponent."

Ngumuya lang ito nang ngumuya. Balik na naman sa pagkain. You can never separate Ainsley and food.

//

Usap-usapan sa DCU ang pandadaya ni Eros sa swimming tournament na napanalunan nito. Ayon sa mga taong tsismis lang yata ang ginagawa sa buhay ay umiinom daw ng drugs si Eros na bawal para sa isang swimmer. The news spread like wildfire and everybody is waiting for Eros's statement. May iba ngang nagsasabing baka nanalo ito sa mga swimming tournament dahil nandadaya ito. Those were the gossips Miles heard in the cafeteria. Hanggang ngayon, tikom pa rin si Eros at MIA na naman. Palaisipan kung nasa university ito sa mga oras na ito o wala. Base sa pagkakakilala niya kay Eros, ayaw nitong nai-invade ang privacy nito. Mailap ito sa mga interviews at kakaunti lang ang scoop na nakakalap ng Dayton Express, ang university's publication, ang tungkol rito.

If he intakes drugs, he doesn't care, if he is, then Eros will suffer the consequences. But then, Miles doubt it if Eros uses it. Gaano man ka-creepy at misteryuso nito, matino ito. Hindi bagay sa personality ito ang uminom ng drugs.

From: Theo

Check's DiAn's

He received a text from Theo. Bahagyaang tumaas ang kanyang kilay at umalis na sa table niya. He brought him his banana milk drink in tetra pack. He's biting the straw as he opened the DiAn's app. Bumulaga sa kanya ang public chat.

Warren:

think his position in pos will be affected

Wyatt:

Not sure

Might be

That would be six vacancy in POS

Raymond:

You surely believe he did it?

Farreth:

He's gonna have to defend himself

Raymond:

He's literally nowhere to be found

Joseph:

Guilty?

Miles:

Probably not

Joseph:

Why u say so @Miles?

Miles:

He's too elusive

And no

Hindi siya matatalsik sa POS list

It's the jury who will decide it

Antonio:

Hey guys

Have you heard?

If proven

The body will disregard him as the winner of the swimming tournament he won last 2 weeks

Raymond:

Oh damn

Copper:

Yes damn baby

Unless proven

Kung nagsalita na sana ngayon

Even defend himself

Then it wouldn't be this big now

Raymond:

Have to wait for Eros's response

May mga tao talagang kapag nakakita ng mali ay iyon ang mas pinagtutuunan ng pansin, nakalimutan na ang mga bagay kung bakit ito umangat. May mga tao ring nandiyan naman sa tabi mo, pinupuri ka pero ang totoo, gusto kang hilahin pababa o iyong mga taong nakikihati sa spotlight. Napailing-iling na lang si Miles at tumungo muna sa banyo bago pumasok sa sunod niyang klase.

Nadatnan niya roon si Shane na panay ang suklay sa magulong buhok gamit ang mga daliri. Shane smiled crookily at him and washed his hand, while looking at his reflection on the mirror. Tinapon lang ni Miles ang tetra pack sa basurahan at tinabihan si Shane sa lavatory.

"Naniniwala kang nagawa iyon ni Apostol?" Shane asked. Nakatingin ito sa salamin kagaya niya.

Marahan siyang umiling at ipinilig ang ulo niya, pinagmasdan ang panga niyang unti-unti nang tumutubo ang stubbles. "Not really. He's not that dumb. Unless he said so." kibit-balikat niyang sagot. Shane just smirked and went inside the third cubicle.

Nakaisip siya ng kalokohan nang mapansing ang tagal ni Shane sa cubicle. May nakita siyang alambre sa paanan ng isang balde at ngingisi-ngising dinampot niya ang alambre at dahan-dahang tinungo ang cubicle ni Shane. He heard Shane's humming a familiar song. Mukhang may mahabang session ito sa toilet bowl. Maraming nagsasabing minsan hindi namamalayan ng track team na lumapit siya dahil magagaan ang kanyang mga hakbang.

He tied the wire on the cubicle's door and secretly laughed at his silly prank. Hindi pa siya nakontento. He snatched the toilet paper then went outside. Hindi pa man siya nakakalayo ay umalingawngaw ang boses ni Shane.

"Langhiya, Miles! Oras na lumabas ako rito, gigilitan ko 'yang leeg mo!" inis na bulyaw nito.

Tumakbo siya patungo sa klase niya. Sa sobrang bilis, hingal na hingal siya nang makarating sa classroom. Ilang minuto ang lumipas, pumasok ang prof.

Habang nagdi-discuss ito ay nakatanggap ng mensahe si Miles mula kay Theo. Nag-isang linya ang mga labi niya nang mabasa iyon.

From: Theo

The officials from the swimming tournament stripped off Eros' winning because of the issue. Walang kompirmasyon kung gumagamit siya ng illegal drugs.

//

Winning is not permanent. Aabot sa punto ng buhay mo na pagsamantala lang pala ang panalo mo at namamantsahan iyon
ng pagiging pabaya o sadyang pinalasap lang sa 'yo ang pakiramdam na manalo?

"What?" untag sa kanya ni Eros nang maging katabi niya ito sa open bleachers. Ang tanging suot lang nito ay swimming trunks at nakasabit lang ang tuwalya nito sa leeg, di alintana ang kasuotan nito sa paligid.

Ilang metro lang ang layo ng outdoor pool mula sa oval track kung saan ito lumalangoy. It's the first appearance Eros had made when the controversial issue arose.

"Ayos lang sa 'yo? You were what? Accuse of something below the belt, Apostol. Parang wala lang sa 'yong nabawian ng titulo." sambit niya rito sabay punas ng kanyang pawis mula sa training niya kanina. Ang iilan sa track team ay panay lang ang pag-uusap habang nakasandal sa railings na siyang harang sa oval track.

"It's just a damn trophy." Eros said, still on his blank expression. "I still won that swimming tournament."

"Are you really into drugs?" Ni hindi man lang natinag ang kilay nito sa tanong niya. Diretso lang ang tingin nito sa harap.

"I didn't drink illegal drugs if that's what they are saying. Those whims assumed when they saw me drinking medicines."

Napasinghal ito at bahagya siyang tinapunan ng tingin.

"I didn't want to elaborate that."

"Dahil ba ayaw mong malaman nilang may sakit ka?" Miles assumed, his eyebrows raised a bit upon hearing Eros words.

Mariin itong umiling, naniningkit ang mga mata. Sandaling dumilim ang mukha nito. "Wala akong sakit."

"Kung ganoon, bakit hindi mo na lang inamin ang totoo? Nadumihan pa ang reputasyon mo bilang swimming athlete." Mukhang may malalim na dahilan kung bakit hindi nito inamin ang totoo sa lahat. The guy seems unaffected.

"Para saan?" matabang nitong sabi. "Hayaan ko na ang mga tao kung ano ang iisipin nila. Paniniwalaan pa rin naman nila ang opinyon sa mga bagay-bagay. Magsasayang lang ako ng oras."

Miles crossed his arms. Naitukod niya ang mga kamay sa bleachers at tinitigan ang iba't ibang kulay ng langit. Papalubog na kasi ang araw at anumang sandali ay magsisiliwanag na ang ilaw sa Sports Center; ang gitna ng DCU kung saan nandoon ang halos lahat ng sports facilities.

"You're not going to inform this to that annoying sports writer?" Tumiim ang tingin nito sa kanya, hindi gusto ang ideyang hinala nito sa kanya kaya
natawa na lamang siya.

"I'm not. Hindi ako tsismoso," giit niya. Miles squinted his eyes when he saw Shane who's now approaching them.

Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya nang magsimula na itong tumakbo, nangungunot ang noo nito. Matapos itong ma-stuck sa loob ng banyo at maubusan ng toilet paper ay inutusan niya ang isang kaklase nito na may faculty member na kakausap dito pero hindi iyon totoo kung kaya't napahiya ito sa loob ng faculty room. Alam niya dahil nakatambay lang siya sa labas ng faculty room ng CBA dahil may ipapasa lang. Buti na lang ay umalis na siya bago pa man siya nito nakita. Minsan talaga, umaandar ang pagiging maloko niya lalo na't may target siya at malapit na ang track events. It was his way to chill-out a bit and release some nervous jitters.

"Miles!" sigaw ni Shane.

Tinakbuhan niya ito at dahil may kabilisan siyang tumakbo at maliksi siyang kumilos ay natakasan niya ito. Saka lang niya natuklasan na napalayo na pala ang pagtakbo niya't napadpad siya sa Eastside. Bumuluga sa kanya ang Sportsland; commercial building na dalawa ang palapag at kung saan may mga stores na nagbebenta ng kung ano-ano na may kinalaman sa sports.

Paano kung bibili siya ng bagong sapatos? Napangisi na lang siya sa isiping iyon at humakbang papasok sa loob ng establishment.

///


"You said that it's effective? Bakit hindi umepekto sa kanya, Principe?" gigil na singhal ni Rasmus kay Preston na kumakain lang nang tahimik sa isang table. Iyon ang dinatnan ni Miles pagkapasok pa lang niya sa cafeteria ng Sports Center. Nasa ground floor lang iyon ng grandstand nasaan ang bleachers. Kakaunti pa lamang ang mga tao roon. Alas sais pa kasi ng umaga. Mas pinili niyang kumain roon ngunit hindi niya inaasahang makikita niya ang pagmumukha ni Rasmus at mukhang inis na inis ito kay Preston na balewala lang sa singhal ni Rasmus.

May mga taong napapatingin na sa mga ito. "Effective?" patuyang sambit ni Preston, nanatiling wala ang atensiyon ng mga mata kay Rasmus bagkus panay lang ang kain nito. Pumila si Miles upang bumili ng pagkain at within earshot lang ang mga ito sa kanya. Namulsa na lamang siya sa track pants niya.

Rasmus crinkled his nose in annoyance when Preston didn't care about his outburst so he grabbed Preston's wrist who's holding a spoon of food. Bahagya siyang napangiwi nang matapon ang pagkain nito. Preston clenched his jaw. Binawi nito ang kamay nito't may kinuha sa bulsa ng pantalon nito.

Preston left eye twitched. "Namali lang ata ako ng bigay sa 'yo." he snorted.

Bumalasik ang galit sa mga mata ni Rasmus. Umalerto si Miles. Ano bang laban ng isang billiard player sa track and field pagdating sa pisikalan? At mas malaking lalaki si Rasmus. Ngunit hindi mabanaag ang takot sa mukha ni Preston, sa halip ay tila nanghahamon ang mga mata nito.

"You stoop so low just to get the girl you like?" Preston's face darkened.

Doon na talaga napangiwi si Miles. Maraming nagsasabing galitin mo na lahat ng tao sa DCU, wag lang ang isang Preston Knoxx Principe. Preston raised a small bottle with some pink liquid inside.

"Akala mo maloloko mo ako sa sinasabi mong non-existent girlfriend." Preston coldly smirked.

They could feel the tension between the two. Kagaya niya, nag-aabang ang mga tao roon sa mangyayari.

"Give me that!" Hahablutin sana ni Rasmus ang maliit na bote pero ibinalik lang ni Preston ang bote sa bulsa ng pantalon nito. Bago pa nito hilahin si Preston ay lumapit na si Miles. Hindi niya maiwasang ngumisi sa narinig.

"Sa sobrang desperado mong makuha ang isang babae. Gagamit ka ng gamot sa kanya?" Napapalatak na lang si Miles. Tila nagsilabasan ang ugat sa noo ni Rasmus nang lumingon ito sa kanya. Naikuyom nito ang mga kamao nito.

"Bakit, Rasmus? Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin tinatantanan ang babae na 'yon?" Napasinghal siya. "Di ka ba nakakaintindi na ayaw talaga n'on sayo?"

Hinintay niyang susuntukin siya ni Rasmus ngunit nagulat na lamang silang lahat nang pumagitna si Agamemnon. Mas kilalang Aga sa kanila. Kabilang rin ito sa POS at popular bilang isang boxer. Kung suntukan rin lamang, luging-lugi sila rito. Bahagya silang napaatras dahil kay Aga na ngayo'y pinagkrus lang ang mga kamay sa ilalim ng dibdib. Matiim ang mga mata nitong nakatingin sa kanilang tatlo.

"Tama na 'yan. Masyado pang maaga para pakuluin lalo ang ulo n'yo. Mabuti pa'y pumasok na kayo sa mga klase ninyo o magsimula nang mag-training." Parang galit tumitig minsan si Aga kahit di naman nito iyon sadya. Si Rasmus ang nasampolan nito ngayon.

"Kung ayaw talaga ng babae sa 'yo. Tigilan mo na," payo nito. Nagpipigil lang si Rasmus magsalita, tumiklop yata kay Aga. Mukha ba naman itong bakulaw. Napadako ang mga mata nila kay Preston na pumilas ng isang tseke.

"Here's your refund," Preston said. Inilagay lang ni Preston ang tseke sa mesa at umirap saka ito umalis na parang walang nangyari. Tiningnan lang sila ulit ni Aga at umalis kagaya nang kung paano ito pumagitna sa kanila.

Natira na lamang sila ni Rasmus, masama ang tingin sa isa't isa. Nasa pareho silang track team pero karibal ang turingan nila sa isa't isa.

"I will see you go downhill in the marathon, Benavente." he spat.

Miles smirked. "'Wag kang pakampante, Rasmus. Sinuwerte ka lang noon dahil hindi ako nasali. Tingnan lang natin mamaya sa training kung sino ang unang kokompleto sa training regimen." Plano ng track team na suyurin ang Puerto Real. Nauna na siyang gawin iyon noong bago pa siya nagkasakit. "I'm not still giving my one hundred percent, Rasmus. A heads up for you. Baka magulat ka na lang, ako ang mapipiling pambato ng DCU."

Hihirit pa sana ito pero lumayas na siya sa harap nito at lumabas na ng cafeteria. Nawalan na rin kasi siya ng ganang kumain.

Sumaglit na lang siya sa 24/7 at bumili ng energy bar. Ngumangata siya niyon habang nakasandal sa salaming dingding ng convenience store nang makatanggap siya ng text message kay Theo. Ito talaga ang tiga-supply ng balita sa kanya.

From: Theo

Nagkakamabutihan na ang bruha at si Manong Alonzo. Sabay nag-breakfast ang dalawa sa Main Cafeteria. Success.

Tama nga ito dahil pagpatak ng lunch at dumaan muna siya saglit sa dorm ay nakita niya ang nakabukas na pinto ng dorm ni Attwell at Shane. Magka-dormmate ang mga ito. Doon nagsiksikan ang mga ito, may tinatanaw sa nakabukas na bintana at nakisingit siya sa mga ito.

Napangisi na lang siya nang makitang tumatambay sa isang bench si Manong Alonzo at Madaam Ophelia, nag-uusap at himalang nakangiti ang bruha at may pagtakip pang nalalaman sa bibig. Kailan pa ito naging ganoon kahinhin?

"Hanep, bro. Mukhang epektibo ang ginagawa natin. Ano? Bili na ba tayo ng beer mamaya? Baka maging mainit ang gabi niya ngayon." sabi ng isang karate player, tinutukoy si Madaam Ophelia. Umalis siya sa kumpulan nang biglang magsitago ang mga ito. Pagsilip niya sa bintana, nakita niyang nakatingala na si Madaam Ophelia sa puwesto niya. Masama ang tingin nito na ginantihan lang niya ng ngising aso sabay kuha ng phone niya sa pantalon niya.

To: Theo

Looks like we gotta have to party tonight

//

Obladi oblada life goes on bra!

La-la life goes on!

Napuno ng kantahan ang running session na iyon sa pangunguna ng tukmol na si Shane na sumali lang sa pagtatakbo ng track team upang guluhin ang mga ito. Sa pamamagitan ng pagkanta na halos pasigaw na. Malakas ang sounds nito mula sa mp3 nito. Nag-isang linya lang ang mga labi ni Miles, patuloy lang sa paggalaw ang mga paa at mga kamay.

Desmond takes a troll to the jeweller's store

Buys a twenty carat golden ring

Takes it back to Molly waiting at the door

As he gives it to her she begins to sing

Kasabayan niya ang track team sa pagtakbo ng pitong kilometro, patungo sa Dayton Central Park, kung saan sila titigil saka babalik sa DCU. Dumami ang napapatingin sa grupo nilang mga runners na may singit na football player dahil sa pagkanta ng mga ito. May iba pang sintunado na masakit sa tainga. Dahil doon ay mas binilisan ni Rasmus ang takbo nito at nang hindi na ito maingayan. Kanina pa sila hindi nagpapansinan ni Rasmus at walang pakialam doon si Miles.

Si Shane ang may pinakamatinong boses. May magandang boses ang walanghiya at nangitngit ng konti si Miles do'n. Shane ran backwards and faced him. Bahagyang nakakunot ang noo ni Miles, focus sa breathing niya at ang pag-maintain ng pace niya.

"Bakit ayaw mo kumanta? Hindi ka marunong?" Ngumisi pa talaga ang tukmol. Kahit wala namang gatla ang noo ni Miles ay tila magkakaroon niyon dahil kay Shane. Binilisan niya ang pagtakbo upang hindi na siya maabutan nito.

"Langhiya ka naman, Miles! Ikaw na nga 'tong may maraming kasalanan sa 'kin. 'Wag mo naman akong takbuhan." angal nito sa nagbibirong boses kaya napairap siya nang wala sa oras at saglit na tumigil nang maging berde na ang stoplight.

Tatawid pa sila ng kalsada upang makarating sa Dayton Park na nasa gitnang bahagi ng downtown ng Puerto Real. Bahagyang hinihingal na ang mga kasama ni Miles dahil apat na kilometro na ang tinakbo ng mga ito samantalang siya ay tila hindi pa rin tumatalab ang kapaguran sa mga binti.

"Mabuti pa, bumalik ka na sa DCU at magpraktis ka na kasama mga teammates mo, Imperial." pagtataboy niya rito ngunit balewala lang rito ang sinabi bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pagtakbo.

Miles saw a lamp post. Mababangga ito ni Shane kaya napangisi na lang siya nang palapit na sila roon. Abala ang mga tao sa labas ng isang Café, ang iba ay nag-aagahan pa yata. Umaga pa kasi. Kakaunti pa ang mga kotseng dumadaan sa kalsada.

"Shane! Look out!" sigaw ng isang ka-team niya sa track. Miles smirked when Shane bumped into the lamp post and groaned in pain. Mistulang defeated soldier ito na napaluhod sa cobbled pavement, dumadaing samantalang nilampasan lang ito ni Miles at hinabol ang nangungunang si Rasmus.

Miles closed his eyes for a bit, recalling that moment when he's young and full of hope that he will surely succeed in this field.

His breathing. His pace. Ang hangin na sumasalubong sa kanya at ang unti-unting paglabo ng mga bagay sa paligid, tanging ang finish line lang ang sentro ng mga mata niya. Ang mga binti niyang tila hinihila niya upang lumampas ito sa limit maging ang momentum ng pagtakbo niya. When he finished and win that race when he was young, he still ran for a couple of meters and halted.

Napakurap-kurap siya nang makarating na siya sa entrance ng park, habol ang hininga at bahagyang naningkit ang mga mata nang makita si Rasmus na nakahiga na sa malawak na damuhan ng parke. Ilang minuto ang lumipas, nakahabol ang mga kasamahan nila. Hingal na hingal, habol ang hininga at ibinagsak ang mga katawan sa damuhan.

Dalawang linggo na lang, competition na at pambato sila ni Rasmus doon. Puspusan ang training nilang dalawa at umabot pa sa puntong lagi silang ginagabi. Kung napansin man ng coach na may binago silang dalawa sa training regimen ay hindi nito iyon sinabi bagkus ay ito ang nagmo-monitor sa accuracy, pace, at oras nila sa pagtakbo. Lagi nilang bine-beat ang mga previous records nila. Not to mention, the battle of the universities.

//

"Hindi ko na kailangang sabihin sa inyong dalawa na ituring ninyo ang mga sarili ninyong magkalaban sa marathon, " sambit ni Coach Martin. Kapwa silang nakatayo sa harap ni Coach Martin, sa ilalim ng tirik na tirik na araw ngunit hindi nila alintana iyon. "Lahat nagagawa kapag nagsumikap. Aalalahanin n'yo ang mga sakripisyong ginawa ninyo para sa mangyayari sa susunod na araw. Hahayaan ko kayo kung ano ang gagawin niyo ngayon. I won't overtrain you. Ayokong mabalitaang nahimatay kayo sa kalagitnaan ng race."

Kilala ni Miles ang coach nila. Hindi sila nito sinisigawan kapag gusto nitong ipaalam sa kanilang mag-exert pa ng effort bagkus pinagkr-krus lang nito ang dibdib nito. Hindi ito pushy ngunit hindi naman ito pakakampante lalo na pag nanalo sila sa mga track events.

Nagkatinginan silang dalawa ni Rasmus at ipinosisyon ang sarili nila sa starting line para sa 400 meter dash. Nag-focus si Miles sa harap, pinigil ang hininga niya nang ilang segundo at dinama ang nangyayari sa paligid niya. Ang mahinang hanging umiihip sa mga pine trees katabi ng grandstand.

He bend his right knee and leaned his palm on the rubber track, bending also his left knee.

"On your mark! Ready! Set! Go!" Coach Martin shouted kasabay ang alingawngaw ng pistol. Kapwa silang tumakbo at nauna si Rasmus sa unang mga metro. Miles pushed himself forward, still not increasing his stride length. Nang umikot na sila sa curve, doon na niya pinakawalan ang bilis niya kaya magkapantay na silang dalawa.

He quickened his face even more as if he's in the real race. Kung nagulat man si Rasmus sa biglang pagbulusok niya ay mas pinag-igihan nito ang pagtakbo. Nang makahabol ito nang kaunti at maramdamang malapit na sila sa finish line ay dinagdagan niya ng power ang mga galaw ng binti niya.

When they're close to the line, nauna si Miles lampasan iyon at isang kalahating segundo lang yata ang pagitan nang lagpasan iyon ni Rasmus.

"49.04, Miles." usal ng Coach niya. "49.43, Rasmus. A close fight. This is just the 400 meters dash. Huwag niyong kalimutan ang intake ninyo sa proteins, carbohydrates at tubig." paalala ng Coach niya. "Bukas, hindi kayo magtr-training. Ikondisyon n'yo ang katawan ninyo at magpahinga muna sandali."

Tahimik na umalis silang dalawa. Magkaiba ang rutang lumakad pabalik sa dorm. The next day, Miles could feel the tension on his shoulders. Parang kukulot lalo ang buhok niya nang wala sa oras. To release some of it, he cooked a heavy breakfast. Niyaya niyang sumabay sa kanya si Ainsley tutal wala naman itong reklamo sa mga luto niya.

Kasalukuyang nasa court si Theo na nasa tapat lang ng Maroon Hall court. Naglalaro ito ng basketball mag-isa.

"Wow! Busog na mga mata ko. Ayos sa plating, boss!" pabirong bungad ni Ainsley sa kanya na nag-thumbs pa sabay kuha ng kutsara't tinidor. Tinusok lang nito ang malambot na steak at inisang lamon. Marami pa siyang nailutong pagkain at mukhang parang ang unfair na si Ainsley lang ang nakakatikim.

Mabuti na lang, hindi na masyadong nagch-check si Madaam Ophelia sa dorm nila dahil abala ito sa pagpapa-cute kay Manong Alonzo. Malaya na siyang magluto nang kung ano-ano basta hindi sila mabubuking sa pag-aasta nilang Kupido.

Nag-mensahe siya sa GC ng mga naging kaibigan niya sa dorm. Niyaya niyang sumabay sa agahan nila ni Ainsley. Panay ang kain nila ni Ainsley na ngayo'y tahimik lang at lamon kung lamon.

Maya-maya pa'y nakarinig sila ng tugtog ng gitara.

Sino pa ba ang walanghiyang malakas ang loob kumanta sa lahat ng mga atlethes?

Someday, someway, together we-eee will be baby

I will take, and you will take your ti-iii-me ...

We'll wait, for our fate

'Cause nobody owns us baby

We can shake, we can shake the rock-ckk

Nag-message na siya na bukas ang pinto kaya hindi ito nahirapang pumasok kasunod ang bagong-gising na si Attwell. Sabog-sabog ang buhok ng unano, kakamot sa leeg at inaamoy ang pagkain. Nangningning ang mga mata nito nang makita ang mga handa niya at bahagyang naitulak si Ainsley.

"Hoy! Aba't!" angal ni Ainsley pero gumitna na si Attwell at walang sabi-sabing inagawan ng ulam si Ainsley. Nagkagulo na ang dalawa. Tumigil lang sa kakakanta si Shane at nginisihan si Miles. Ibinaba lang nito ang gitara at isinandal sa gilid ng sofa.

"Umaga, boss? Anong meron? Dahil ba competition mo na bukas?" untag ni Shane na kumuha lang ng mga kubyertos nito. Natigilan ang dalawang tukmol, napahiya yatang hindi alam na may marathon race event siya bukas.

"Kabado?" usisa naman ni Ainsley, may nakapasak pang karne sa bibig.

Miles shrugged his shoulders. "A bit."

May iba pang mga tao ang pumasok roon upang makikain. Papaubos na ang pagkain nang dumating si Theo na pawisan. Wala namang kaso kung maubusan ito dahil pinagluluto naman niya ito kung magsasabi ito.

Tumambay lang muna sandali si Miles sa bukana ng bintana, nakamasid sa baba kung saan may laro ng basketball na nagaganap. Ang iba sa mga iyon ay kasali sa koponan ng basketball.

Natigil lang ang pagmuni-muni niya nang magkagulo lalo sa hapag-kainan kung saan pinaypayan ni Ainsley ang bibig nito. Nang dumako ang mga mata niya sa isang bote ay natawa si Miles dahil sinadya talaga niya iyon. Hindi lang niya inaasahan na pakikialaman nito ang cupboard niyang may mga sauce.

"Akala ko ba banana sauce 'to?" danguyngoy ni Ainsley, nanlilisik ang mga mata sa kanya. It's a hot chili sauce. Naloko ito ng label na nakasulat na banana sauce.

Natawa na rin si Theo at kinuha ang bote ng banana sauce na ang totoong label ay maya sauce na popular sa Korean cuisine. These days, nag-eexplore siya ng mga luto ng Korean.

"What the hell, Miles?" bulalas ni Ainsley, panay ang lagok ng tubig. Tinatawanan lang ito ni Attwell na kalauna'y nabilaukan sa sarili nitong laway.

"Iniisip mo ba masyado ang magaganap na competition?" nakataas ang kilay na untag sa kanya ni Theo nang makaalis na ang mga matatakaw. Silang dalawa ang nag-aasikaso sa paglilinis ng mga kalat ng mga ito. Ang kakapal ng mukha, hindi man lang naghugas ng pinagkainan puwera kay Shane. Takot yata masampolan na naman ng pranks niya.

Matagal bago nakasagot si Miles. "Medyo." amin niya.

"Nah." Marahang umiling si Theo. "Minsan, hindi ang pagkapanalo ang iniisip ko. Hangga't sa nabibigay ko ang best ko at nag-eenjoy ako sa laro, manalo man o hindi. May suporta man o wala. I live for this, anyway. Walang sino man ang manghuhusga sa kung paano ako maglaro. You'll run in your own style and your own pace, Miles. I trust you."

Bahagyang napangiti si Miles habang nagpupunas ng mga plato. "Salamat." Sumandal siya sa lababo at pinagkrus ang mga kamay niya sa ilalim ng dibdib. "Noong una, wala akong eksaktong dahilan kung bakit ako tumatakbo pero napag-isip isip ko na bukod sa ito ang paraan ko na mabawasan ang galit at inis ko, mga frustrations sa buhay ay gusto kong maging hangin. That just a silly thought from an eleven-year-old kid. Until I came to a point when I felt like I'm the wind the moment I ran fast. Pushing myself out of the boundaries."

Tinapik ni Theo ang balikat niya. "Mas lalo kang gaganahan kapag may inspirasyon ka na," nakangising dagdag ni Theo na tinaasan lang niya ng kilay.

"Speaking of inspiration, sabihin mo nga ang totoo, may babae ka ba?" usisa niya.

"Damn, you sound like a girlfriend," nakangiwing sambit nito na pabirong sinuntok lang niya sa sikmura.

"Gago." Iiling-iling niyang sambit. "Kapag meron na, pakilala mo at nang maagaw ko sa 'yo." pabiro niyang dugtong.

"Inspiration?" Theo trailed off.

"It's tough to search for it but I know, we will go back to our sports no matter what, with inspiration or not."

Hahayaan niya ang hangin bukas na tangayin siya.

///

Continue Reading

You'll Also Like

584K 25.5K 62
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
33.4M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
15.8M 595K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
169K 5.3K 101
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...