PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf...

By YroEno

8.5K 152 14

"Gising ako sa buong magdamag, Aurora. Kinatatakutan ko ang magiging reaksiyon mo sa pagkatuklas mo sa pagkat... More

Martha Cecilia - The Wolf & The Beauty
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen - Last Part

Chapter Sixteen

384 6 0
By YroEno


NAPILITAN si Aurora na titigan ito na parang nahihipnotismo. Dahan-dahang itinaas ni Lukas ang blouse niya at nang mahantad dito ang dibdib niya ay ibinaba nito ang bra niya at yumuko. Muntik na siyang mapasigaw nang maramdaman ang init ng bibig nito sa dibdib niya.

She was so hot she couldn't even think sensibly. May mainit na bagay na dumadaloy sa kanya pababa sa pinakasentro ng pagkababae niya. And it's making her weak. Subalit kailangang pairalin niya ang matinong kaisipan.

"Lukas, stop!" awat niya rito at itinulak ito. "Makikita tayo ni Maring..."

Lukas gave a low growl. Mariing inihilamos ang mga palad sa mukha at sunud-sunod ang ginawang paghinga. Si Aurora ay agad na tumayo mula sa pagkakaupo rito at naguguluhang bumalik sa mahabang sofa.

Nasa ganoon silang ayos nang bumukas ang pinto sa silid ni Doreen. Nang sulyapan ito ni

Aurora ay nakabihis na ito.

"Magandang umaga sa inyong dalawa," anito.

Lukas growled his response, tumayo at sa pang-isahang sofa naupo. Dinampot nito ang baso ng lemon juice ni Aurora na kalahati pa ang laman at ininom. Sa wari ay uhaw na uhaw ito.

Kinalma ni Aurora ang rumaragasang damdamin. She wasn't normal! she accused herself. She was insane! A wanton! The wolf was kissing her and she was so hot. Would a normal woman do that?

At natitiyak niyang alam ni Doreen ang nangyayari sa kanila ni Lukas. Doreen was just tactful. Ano ang iisipin at gagawin nito kung ito ang nasa lugar niya? Kung ito ang nakakita kay Lukas kagabi sa pagpapalit nito ng anyo?

O nagpalit nga ba? Hindi kaya totoong nanaginip lang siya? At ang sira sa kisame ay totoong pinasok sila ng tauhan ni Gregor. Ipinilig niya ang ulo at tumingin kay Doreen.

"N-nakabihis ka? May pupuntahan ka ba?"

Bumaba na muna ito bago sumagot. "Kausap ko kagabi si Mrs. Lucio, Rory," anito. "Inalok niya akong pamahalaan ang isang branch niya sa Hong Kong."

"Really?" she said absentmindedly.

"Mag-uusap kami ngayon," patuloy nito na nagpapaunawa ang mga mata, sinulyapan si Lukas. "Ikinalulungkot kong hindi ako makakasama sa inyo sa Pagudpud, gustuhin ko man. Kailangan ko ng ibang lugar, Rory. Kailangan kong makalimot at makaalis dito. Kahit sa Quezon City ay hindi rin ako mapapanatag. At ang Pagudpud ay hindi naman nalalayo sa Bangui."

Saka pa lang rumehistro sa isip niya ang sinasabi nito. "Naiintindihan kita, Doreen," she said with a sigh. May lungkot na gumuhit sa dibdib niya. Sa nakalipas na tatlong taon ay sanay na siyang naririyan si Doreen at si Ate Olivia.

Now she would be totally alone. Well, there was her sister Nadja. But then Nadja would stay at their condo in Quezon City. At siya ay dito sa Bulacan para pamahalaan ang tindahan kung sakaling muli itong mabubuksan. Iyon ay kung mahuhuli ng mga alagad ng batas si Gregor.

"Ayokong iwan ka, Rory. Kayo ni Nadja," anito. "Pero kailangan ko siguro munang mangibang lugar. Labis-labis na sa emosyonal kong kakayahan ang nangyayari. Nagiging dependent na yata ako sa drugs na makapagpapanatag sa akin. At ayoko ng ganito."

Tumango siya. "Naiintindihan ko," she whispered, kasabay ng pagyuko nito at paghalik sa pisngi niya.

"Tutuloy ba kayo mamaya sa biyahe ninyo?"

Napakurap si Aurora. Muling nagbalik sa isip ang natuklasan tungkol kay Lukas. She opened her mouth to say something but closed it again. Ano ang sasabihin niya? Would she travel with him back to Pagudpud? At ano nga ba talaga ang nangyayari? Nalilito siya.

Lukas said something about vampire. At si Lukas ay napagmasdan lang niya kagabi nang magpalit ng anyo mula sa pagiging wolf patungo sa pagiging tao. Binalingan niya ito. Nakatitig ito sa kanya. There was something in his grey eyes that tugged at her heart. Something like fear and insecurity.

Ano ang posibleng katatakutan nito? And why the insecurity?

"Kailangan mong sumama kay Lukas, Aurora," untag ni Doreen bago pa siya makaisip ng sasabihin. "Hindi ka ligtas dito sa atin. May bulung-bulungan kahapon sa apartment ni Olivia, na..." Her voice trailed off. Nasa mukha nito kung itutuloy pa ba ang sasabihin o hindi.

"What? Anong bulung-bulungan ang sinasabi mo?"

"Na... bampira ang pumatay kay Olivia at—"

"Naniniwala ka ba sa haka-hakang iyon, Doreen?" she asked, confused. Sinulyapan si Lukas na nananatiling hindi kumikibo.

Doreen squared her shoulder. "First year college lang ang natapos ko, Aurora. Laking probinsiya ako at may mga bagay na hindi natin kayang paniwalaan pero totoo at nangyayari." She paused. "Iyong nangyari kay Olivia ay hindi ko kayang sagutin. Pero nakita nating pareho ang katawan niya."

Nang humakbang ito patungo sa pinto ay saka pa lang tumayo si Lukas. "Ihahatid ka na namin sa pupuntahan mo, Doreen. Paalis na rin kami at may appointment sa abogado si Aurora..." Sinulyapan siya nito at sa wari ay hinihintay na kumontra siya o umayaw na sumama rito.

Kinapa niya ang dibdib niya. Would she really want to go back to Pagudpud with him?

Ang pananahimik niya ay sinamantala ni Lukas. "Ipagbilin mo kay Maring na isara ang kabahayan bago umuwi. Kung nakapag-empake ka na ay tayo na." Niligpit nito ang tablet at ipinasok sa backpack. "Pack light," pahabol nito. "Lahat ng maaari mong gamitin ay mayroon sa villa."

Tila siya robot na tumayo at lumakad papanhik sa silid niya. Wala pa siyang nai-empake pero madali nang maghagis ng mga gamit niya sa maleta. Sandali siyang napahinto sa pagpanhik. Talaga bang nais niyang sumama kay Lukas pabalik sa Pagudpud?

Hindi kaya mula sa kawali ay tumalon siya sa apoy?

But if he wanted to harm her she would have been dead days ago. Katunayan, hindi nga ba at sa lahat ng pagkakataon mula nang magtagpo sila ay pinangalagaan siya nito?

She wanted him. Hindi niya ikinaila sa sarili iyon. But would she want someone like Lukas? Totoo nga ba ang lahat ng ito? Hindi kaya produkto lang ito ng naguguluhan at naliligalig niyang isip?

Pero ang isipin pa lang na mawawalay siya rito at hindi na sila muling magkikita ay para na siyang kinakapos sa paghinga.


HABANG nagmi-meeting sila ng abogado ay nakikipag-usap naman si Lukas sa staff ng airline company upang makakuha sila ng biglaang flight. Alas-dos ng hapon nang matapos ang meeting niya. Sa Makati na siya bumili ng bagong cell phone. Mayroon din naman siyang seven-inch tablet subalit hindi siya kumportableng gamitin iyon sa pagtawag. Pero iyon man ay kasamang nahulog sa bangin.

Ang sasakyan ni Lukas ay muli nitong ibinalik sa parking ng condominium. Mula roon ay nag-taxi sila patungong airport nang walang usapang namamagitan.

"Natatakot ka ba sa akin?" tanong ni Lukas nang nasa ere na sila sakay ng flight nila pa-Laoag.

She sighed. "Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, Luke. But the mere fact that I'm coming back to your place considering what I've shockingly learned, the point is moot."

"Susunduin tayo ni Onofre pagdating natin sa Laoag airport..."

"I can't believe this is happening."

"This was supposed to be a simple robbery-murder case, Aurora," ani Lukas. "Iyon ay kung nakuha nila ang mga alahas. And then Gregor will move on. Maghahanap ng panibagong bibiktimahin. But as it happened, hindi nito matanggap na ang malaking salaping inaasahan nito ay hindi nito nakamit. Or maybe Gregor both wanted you and your money."

"Hindi si Gregor ang nais kong tukuyin," aniya sabay sulyap sandali rito. "Ang tungkol sa iyo... at sa sinasabi mong vampire ang ibig kong sabihin..." Hininaan niya ang tinig sa huling sinabi. "I am not even sure if I want to hear an explanation. I don't even want to believe it. Kung hindi ko nakita kagabi at natiyak ngayong umaga na hindi ako nananaginip ay hindi ko paniniwalaan ang lahat. Lalo na ang sinabi ni Doreen tungkol kay Ate Olivia."

"Nang makita ko ang katawan ni Olivia kahapon ay natiyak kong isang vampire ang pumatay sa kanya. Nang suriin ko ng tingin ang buong apartment ay wala akong nakitang force entry, o nawasak na bintana o bubong. Kilala ni Olivia ang pumatay sa kanya at kusa niyang pinapasok. O..." He paused, looked at her, "naghihintay na sa kanya."

"S-si Gregor?"

"Posible."

"You mean Gregor is a vampire!" pabulong niyang bulalas.

Lukas sighed. "I've searched him in the Internet, Rory, mula pa kaninang madaling-araw. Bukod pa roon ay may mga tinawagan akong mga tao habang nasa meeting ka. Gregor's record started only four years ago. Bago pa roon ay wala nang mahanap na record.

"Tatlo sa mga taong iyon ay empleyado siya ng MJ Jewelry..." she murmured. Kapagkuwa'y nalilitong nilingon si Luke. "If... if... Gregor's a vampire, hindi ba totoo ang myth na hindi sila nakakalabas sa araw?" Other times, Aurora would have laughed at herself. The question was as good as believing Lukas about the vampire thing.

Pero ano pa ba ang hindi niya paniniwalaan? Nakita niya ang pagpapalit ng anyo ni Lukas kagabi mula sa pagiging malaking lobo patungo sa pagiging tao.

"Kung totoo ang hinala ko, Gregor is a vurdalak..."

"Vur... w-what?"

"A Russian vampire. Ang ilan sa kanila ay nakapaglalakad sa ilalim ng araw huwag lamang direkta."

"Of course! Sa umaga'y nasa mall siya hanggang alas-nueve ng gabi. At nitong huli na nanliligaw siya sa akin, natural na lalabas kami tuwing pagkatapos magsara ng mall. Oh, I remember something!" she exclaimed.

"What?"

"Nasa bahay siya at kagagaling lang namin sa funeral parlor. Iyon iyong huling lamay ni Tatay. Nasa labas kami ng bahay. Sa garden. He... he was trying to... to kiss me..." She took a deep breath, sinulyapan si Lukas na biglang nagdilim ang anyo subalit nanatiling nakikinig. "I... I tried to avoid his overtures. Hindi pa kami pormal na magkasintahan bagaman nangako akong sasagutin ko siya pagkagaling ko ng European tour ko..."

"What happened?"

"He... tried to kiss me. Subalit iniwas ko ang sarili ko at mula sa pisngi ay... ay bumaba ang halik niya patungo sa leeg ko. I tried to stop him and push him. He... he was getting... persistent. Nagsimula na akong kabahan na hindi ko siya maaawat. Hindi ko gustong mag-away kami. Nang biglang may liwanag na tumama sa amin mula sa gate. Si Ate Olivia at si Doreen..."

"Ano ang koneksiyon?"

"I... I could have sworn I felt his teeth on my neck. Nang mabilis akong kumawala, his teeth grazed on my skin..." Banayad niyang dinama ang bahaging iyon ng leeg niya.

Lukas said something unprintable. Napangiwi si Aurora.

"Are you sure you weren't bitten?"

"I was not!" she said horrifyingly. Tinakpan ni Lukas ang bibig niya dahil nilingon sila ng pasahero sa kabilang bahagi ng eroplano.

Tinanggal niya ang kamay nito at isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "This is crazy!" she whispered. "Am I really having this conversation with you? A vampire. A wolf. For all I know, Gregor was just trying to give me a hicky. And what I saw last night was truly just a dream."

Lukas smiled without humor. "Thank you for giving me the benefit of the doubt. But what you saw last night was real."

"Yet I did the most unthinkable instead..."

He frowned at her.

"I kissed you. I let you touch me!"

"You are still in denial?"

"I don't think so," she said. "Pero si Gregor? Talaga kayang isa siyang..." Her voice trailed off.

Kinabig ni Lukas ang ulo niya at inihilig sa balikat nito at hinagkan. "Umasa tayong hindi na natin malalaman iyon, Aurora."

"What... what if Gregor is what you said he is—a vurdalak?"

"And I am a wolf," he whispered in her ears. Hindi kumibo si Aurora. "Ikaw ang kauna-unahang babaeng hindi natakot sa akin sa natuklasan mo. Thank you."

Nag-angat siya ng ulo, glared at him. "Ano ang tawag mo roon sa hinimatay ako?"

Ang ngiting pinakawalan nito pagkasabi niya niyon ay umabot na sa mga mata nito. Dinala ni Lukas ang kamay niya sa bibig nito at hinagkan iyon. "You fainted because you saw me naked."

Nag-init ang mukha niya pagkaalala roon. Then she sighed. "Natakot ako, Lukas. Kahit sino ay matatakot. Robbery, thief, murder, those things happen. Laman iyon ng peryodiko sa araw-araw. Wala sana ako sa problemang ito kung hindi nangyari iyon sa akin. Pero iyong may makita ka at malaman na ang mga pinaniwalaan mong nangyayari lamang sa kathang-isip at usapang barbero sa probinsiya ay nakakasindak isiping totoo..."

"Buong magdamag akong nanatiling nakaupo sa sofa, Aurora. I dreaded the morning to come," mahinang usal nito. "Kinatatakutan kong sa sandaling magising ka'y hindi mo na ako gustong makita. Na magsisisigaw ka sa sindak at tatakbo palabas ng bahay."

Aurora detected pain in his voice and was surprised by it. "How unlady like," she pouted, sinisikap i-humour at pagaanin ang lahat. Then, "Maybe on the subconscious level I know you won't harm me. But believe me, Lukas, I was petrified..."

Namagitan ang mahabang sandaling katahimikan sa kanila. Aurora broke the silence. "Tell me about it, Lukas..." she whispered. "There were two wolves. Alam kong magkaiba sila dahil magkaiba ng kulay. Sino ang isa?"

"Si Mikhail ang nakakita sa iyo sa ilalim ng batuhan sa Viaduct. Nakita ka niya roon mula sa villa gamit ang teleskopyo. Hindi ko siya pinahintulutang magtungo roon pero sinuway niya ako at—"

Oh, my god! "Pati si Mikhail!" Napaangat ang ulo niya mula sa headrest ng upuan ng eroplano. Tumango ito. "Ang... ang mga katiwala sa villa?"

Umiling si Lukas. "Kami lang ni Mikhail. Subalit alam ng mag-asawa ang aming lihim. Matagal na silang katiwala ng aking mga magulang. For years they've kept our family secrets. Si Sabel ay walang alam. Tulad ni Maring ay umuuwi sa hapon si Sabel sa kanila sa bayan at dumarating sa umaga. Ako ang nagpapaaral kay Sabel sa isang special school sa Laoag. Nasa bahay siya dahil bakasyon."

"Hindi pa rin ako makapaniwala, Lukas," aniya. "Parang... parang palabas sa sine. Ang dami kong gustong itanong..."

"I know," he said with a smile and planted a kiss on her temple. "Sasabihin kong lahat sa iyo pagdating sa villa. We'll land at Laoag around eight."

Napahawak siya sa braso ni Lukas. "Ang... sabi ni Ate Olivia kahapon ay mag-iingat ako kay Gregor... na hindi ito pangkaraniwan at mapanganib ito!" Tumingin siya kay Lukas. "Kausap niya si Gregor kahapon at... maaaring nagsisinungaling si Ate Olivia nang sabihin niyang nasa Bangui pa rin si Gregor. You think Gregor killed Ate Olivia?"

"Hindi ko kayang sagutin iyan, Aurora. Maaaring tao ni Gregor ang pumatay kay Olivia at posibleng ito rin ang napatay ko kagabi." He stared at her intently. "But if Gregor's a vurdalak, he's not easy to kill..."

"W-what do you mean?"

"On a hand to hand combat, it isn't easy. Malibang tarakan mo siya ng tulos sa panahong tulog siya. Malakas ang uri niya. Unlike the ones he had turned. Ang mga iyon ay naging katulad lamang niya dahil ninais niya, para may mga galamay siya. And they're probably not that many. Dahil mahahantad sila. Natitiyak kong iilan lamang ang mga pinili. But this I promise you, hindi ka magagawang saktan ni Gregor sa villa."

Kahit paano ay may kapanatagan siyang naramdaman sa sinabi nito. Subalit naniniwala siya na hindi siya sasaktan ni Gregor. Hindi pa. Kailangan siya ni Gregor. Kailangan nito ang mga alahas na inaakala nitong matutukoy niya kung nasaan.


"ANO ANG balita kay Martin?" tanong ni Gregor sa isa sa mga tauhan niya habang kausap ito sa telepono.

"Wala akong balita, Boss," sagot ng tauhan niya. "Naghiwalay kami nang bandang hapon. Tutuloy raw siya sa bahay ni Olivia. At... si Olivia, Boss, todas na."

Pinutol ni Gregor ang linya nang walang sabi-sabi. Itinawag sa kanya ni Martin na naayos na nito si Olivia. Ang tanong ay kung nasaan si Martin. Inutusan niya ito kagabing kunin si Aurora sa bahay nito. Sa kakayahan ni Martin ay hindi nito kailangan ang iba pang tauhan para makuha nito si Aurora.

Ano ang nangyari?

He dialed a number. Agad namang may sumagot. "Ano ang balita?"

"Pabalik sila sa Pagudpud ngayon. Kasama iyong lalaking tumulong sa kanya na umuwi rito."

Sinabi na sa kanya ni Olivia at ng tauhan niya sa Laoag airport bago ito napatay ang tungkol sa lalaki. "Sinong lalaki? Paano silang nagkakilala?"

"Wala akong ideya. Ang pangalan niya ay Lukas Tliachev... magandang lalaki at mukhang may dugong banyaga—"

"Ulitin mo sa akin ang apelyido," putol niya sa sinasabi nito.

"Lukas Tliachev. Why?"

"Pamilyar sa akin ang apelyido," aniya at sinisikap alalahanin sa isip kung saan niya iyon narinig. "Saan nakilala ni Aurora ang Lukas na ito?"

"Hindi sinabi. Basta tinulungan siya. Nakakuha kaagad ng bagong boyfriend ang girlfriend mo, Gregor," he said sarcastically, chuckling.

Nagtagis ang mga bagang ni Gregor. "Alam mong kayang-kaya kitang ipatodas ngayon din."

"Pero hindi mo gagawin dahil kailangan mo ako, Gregor," paghahamon nito. "Isa pa'y nakahanda ako sa iyo, alam mo iyon. Mas madali sa aking patayin ka at hindi ako mananagot. Wanted ka, Gregor."

Sa isang sandali'y naghalili ito ng emosyon at malakas na humalakhak sa matinding kaaliwan. "Hindi mo ako kilala kaya huwag kang pakasisiguro." He cut off the connection. Stupid man. Hindi alam ang pinagsasabi. But then he was the least of his worries. Sa ngayon ay kailangan niya ito. At sa kaunting halaga ay nabibili niya ang pagkatao nito.

Kaya naman kailangan niyang matagpuan ang mga alahas at si Aurora. Hindi biro ang mga taong binabayaran niya. Kumunot ang noo niya. Muling sinikap na alalahanin kung bakit pamilyar ang apelyidong binanggit ng tao niya.

Continue Reading

You'll Also Like

129K 2.3K 11
This is the first of five books and the very first mini series that I did for Precious Hearts Romances. All five books were approved; four are alread...
244K 3.6K 21
Warning: šŸ”ž (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
1.8K 181 41
TRIGGER WARNING: STRONG LANGUAGE AHEAD ---------------- Ikatlong Kabanata ng Pahimakas: If the Sky and Ocean Suddenly Collide Date started: March 15...
107K 4.6K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...