PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf...

By YroEno

8.5K 152 14

"Gising ako sa buong magdamag, Aurora. Kinatatakutan ko ang magiging reaksiyon mo sa pagkatuklas mo sa pagkat... More

Martha Cecilia - The Wolf & The Beauty
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen - Last Part

Chapter Eleven

313 6 0
By YroEno


PAGPASOK niya sa guest room ay dinatnan niya roon si Manang Jacinta na kasalukuyang inilalapag ang jeans, blouse, at bra niya.

"Magandang umaga po," bati niya.

"Napalabhan at napatuyo na itong damit mo. Maaari mong gamitin ano mang oras," anito sa walang-emosyong tinig.

"Salamat po."

"Malinis na rin ang sneakers mo." Niyuko nito ang ibaba ng kama at naroon ang Keds niya. Kung nagpuputik iyon kahapon ay nagbalik na ang sneakers sa dati nitong kulay, pula. "Pauwi ka na raw ngayon..." It was more of a statement.

"Opo. Salamat po sa pagtanggap ninyong lahat sa akin."

Hindi kumibo ang matandang babae at lumabas ng guest room.

Napahinga siya nang malalim. She had this feeling that the old woman didn't like her. Tinungo niya ang banyo at naligo. Nang maisip ang ginawa ni Lukas kanina sa dagat ay napaungol siya. The sensation was overwhelming. Hindi siya makapaniwalang pinahintulutan niya si Lukas na gawin iyon sa kanya. A man she had just met! Ano na lang ang iniisip nito sa kanya?

Sinikap niyang alisin sa isip iyon. Tinapos ang paliligo at saka ibinihis ang mga damit niya. Pati na ang sneakers niya. Sinulyapan niya ang relo sa side table. Mag-a-alas-nueve na. Kahit pa hindi mabilis mag-drive ang driver ng car rental ay malamang na nasa norte na ang mga ito. Kailangan niyang tawagan si Doreen upang maituro niya ang address sa villa.

Paglabas niya sa guest room ay tuluy-tuloy siya sa kabahayan. It was very quiet. Kahit ang lobo na humiwalay sa kanya nang pumasok siya sa guest room ay hindi niya matanaw. Lumabas siya sa kusina. Naroon sina Manong Onofre, Manang Jacinta, at si Sabel at kasalukuyang nag-aalmusal. Niyakag siyang kumain ng mga ito.

"Thank you. May ideya po ba kayo kung saan ko makikita si Lukas?"

"Magkasama sila ni Mikhail sa farm. Kaaalis lang. May darating yatang mamamakyaw," sagot ni Manong Onofre.

"Ano pong oras ang balik nila?"

Nagkibit ng mga balikat si Manang Jacinta. "Bago marahil magtanghalian."

Lihim siyang napaungol. Tumalikod at lumabas ng kusina patungo sa sala. Palakad-lakad siya at hindi malaman ang gagawin. Gustuhin man niyang magalit ay hindi niya magawa. She was disrupting these people's lives. Makikisuyo lang siyang gamitin ang cell phone ni Lukas. Kailangan niya itong hintayin kung anong oras man ito makakabalik mula sa farm.

Kung sakaling nasa norte na sina Doreen at Ate Olivia ay natitiyak niyang maghihintay ang mga ito ng tawag mula sa kanya. They could park somewhere. Sa isang restaurant kaya at doon hintayin ang tawag niya. She prayed na hindi pa nakakarating sa Bangui ang mga ito.

Bumalik siya sa guest room at dahil puyat siya ay sinikap niyang itulog na lang ang paghihintay. Subalit bumangon din siya at muling lumabas ng guest room. Tinungo ang landline sa may malapit sa hagdan. Sana ay hindi na sira ang linya. Natitiyak niyang naroroon na ang stay-out nilang kasambahay. Kahit paano ay malalaman niya kung wala na roon sina Doreen at Ate Olivia.

She lifted the receiver and got a dial tone despite the presence of a crackling noise. Lihim siyang nagpasalamat. She dialed Bulacan's area code and dialed their number. Ilang beses siyang nag-redial bago nag-ring ang phone sa kabilang linya.

"Hello..." sagot ng isang di-pamilyar na tinig ng lalaki.

"This is Aurora. S-sino ito?"

"Miss Zuñiga," wika ng nasa kabilang linya na halos kailangan niyang idikit nang husto ang tainga niya upang maka-penetrate ang sinasabi nito sa ingay ng linya. "Si Samuel Magbanua ito..."

Did he say Samuel Magbanua? Agad gumitaw sa isip niya ang anyo nito. Ito iyong detective na humahawak sa kaso ng robbery at murder sa tindahan nila. Ano ang ginagawa nito sa bahay nila?

Bago pa niya matanong ito ay dinugtungan na agad ng detective ang sinasabi. "Ikinalulungkot ko, Miss Zuñiga, subalit hindi nakaalis ng Bulacan si Ms. Doreen. Kasalukuyan siyang nasa bahay ng isang kakilala ng pamilya ninyo. A certain Mrs. Lucio."

"A-ano ang nangyari, Detective?" May kabang biglang bumundol sa dibdib niya.

"Pinasok kagabi ng bandang alas-otso pasado ang bahay ninyo ng mga hindi kilalang lalaki. Sinira nila ang mga gamit, Miss Zuñiga—"

"No! Ano ang nangyari kay Doreen?"

"Calm down, ma'am," wika ng detective sa panic na nasa tinig niya. "Maliban sa naghihisterya sa takot ay wala namang pinsala si Ms. Doreen. Dinala ito kagabi sa ospital sanhi ng nervous breakdown. May pulis na rin po akong nakabantay roon..."

"W-what happened, Detective?" Nais niyang bumulalas ng iyak subalit pinigil niya ang sarili.

"Kasalukuyan niyang inaabangan ang car rental nang matanawan niya mula sa master's bedroom ang pagparada ng isang sasakyan sa tapat ng bahay ninyo. She thought it was the car rental. Sasalubungin sana niya kaagad ito nang mapunang hindi kotse ang dumating kundi isang malaking van.

"Ayon kay Ms. Doreen ay muli siyang sumilip at nakita niya nang magsibabaan ang apat na mga lalaki. Napansin niyang may hawak na armas ang mga ito at agad siyang tumakas at sa likod-bahay nagdaan patungo sa kabilang compound..."

"Oh, I'm glad she's okay," bulalas niya, nakahinga nang maluwag. "What about Ate Olivia?"

"Wala akong balita sa kanya, ma'am. Hindi nabanggit ni Ms. Doreen na magkasama sila kagabi," sagot ni Magbanua. "Maraming nasirang kagamitan, Miss Zuñiga. Wasak ang mga drawers at laslas ang mga kutson at iba pa. Kahit ang mga upuan sa sasakyan ay nilaslas nila."

"Hinahanap nila ang mga alahas!"

"Iyon din ang hinala ko. Itinawag ni Ms. Doreen sa presinto kagabi ang nangyari. Kaninang hatinggabi pa ako rito at ilang mga pulis. Ang sabi ni Ms. Doreen ay tatawag ka kaya nanatili ako rito. Naiwan niya sa pagtakas niya ang cell phone niya kagabi at kasamang sinira iyon ng mga nanloob..."

Napaungol si Aurora. Parang hindi na matapus-tapos ang mga suliranin niya kay Gregor. Sunud-sunod ang kabog ng dibdib niya kasama na ang galit. "Detective, nais kong ipaalam sa inyo na ang mastermind ng panloloob at pagpatay ay si Gregor Dimitri—"

"Si Mr. Dimitri, ma'am?" hindi makapaniwalang usal ng detective. "Paano mong nalaman."

"Narinig ko mismo mula sa bibig niya kahapon ng umaga nang hindi niya inaasahang darating ako. It was an inside job, Detective. Hindi ko pa alam kung sino ang kasabwat niya. Now, I am running for my life. Hinahanap niya ako at ng mga tauhan niya."

Hindi agad makaapuhap ng sasabihin ang detective. Kapagkuwa'y, "Nasaan ngayon si Mr. Demitri, ma'am?"

"Nasa bahay niya sa San Isidro, sa Bangui... gawin ninyo ang marapat, Detective."

"Magpaparadyo ako ngayon din sa pulisya sa Bangui, Ms. Zuñiga at magpapa-APB din ako sa buong Norte. Ngayon din mismo ay magpapa-alarma ako. Kahit paano ay mayroon na tayong lead."

"Thank you, Detective. I'll call you back later." Ibinalik na niya sa cradle nito ang telepono. May ilang sandali siyang nakatayo roon na hindi malaman ang gagawin at iisipin.

Pagkatapos ay tila wala sa sariling lumakad siya palabas sa balkonahe. Tulalang naupo sa duyan, niyakap ang isang throw pillow at saka umiyak nang umiyak.

Ano ang gagawin niya ngayon na hindi siya masusundo ni Doreen? Doreen was traumatized twice. She must have suffered nervous breakdown. Nasa ganoon siyang ayos nang mapansin niya si Manang Jacinta na lumabas. Inabutan siya nito ng kahon ng tissue paper.

"May maitutulong ba ako?"

She couldn't even speak. Nagsikip lalo ang lalamunan niya sa ipinakitang pakikiramay ng matandang laging masungit sa kanya. Umiling lang siya at humugot ng tissue sa kahon.


HAPON na nang magbalik si Lukas sa villa. Si Manang Jacinta kaagad ang kinausap niya.

"Anong oras dumating ang sundo ni Aurora, Manang Jacinta?" he asked. Sinadya niyang umalis ng bahay upang hindi niya makita ang pag-alis nito. Labis na ang epekto ni Aurora sa damdamin niya. Hindi niya gusto ang nangyayari.

Hiniling ni Lukas sa pinsan na magpakita bilang lobo dahil malimit na itong hanapin ni Aurora. Subalit nang may pananabik na yakapin ito ni Aurora kanina sa pier at gumanti ng pagdila sa mukha ng huli si Mikhail ay hindi siya makapaniwala sa bayolenteng damdamin na umusbong sa dibdib niya.

Gusto niyang daluhungin ang lobo sa matinding panibughong naramdaman niya. At nang hanapin niya si Mikhail pagdating nila sa bahay ay wala ito. Kailangan niyang magpalamig ng ulo bago siya muling kantiyawan ng pinsan.

"Walang sumundo sa kanya, Lukas," sagot ni Manang Jacinta. "Hinahanap ka niya paglabas niya ng guest room. Ayos na yata ang telepono sa sala dahil nagamit niya. May nakausap siya at malamang na hindi maganda ang balita. Tulala siyang lumabas sa balkonahe at nakita kong umiiyak..."

Napatitig siya sa matandang babae.

"Nilabasan ko siya ng tissue paper at umaasa akong magsasabi siya. Pero nagpasalamat lang at muling umiyak..." She paused. "Nang muli ko siyang tingnan ay nakita kong nakatulog ang pobre..."

Sinulyapan ni Lukas ang relo. Ala-una y media ng hapon. "Magpahanda ka ng pagkain at kapag gising na siya'y ipalabas mo sa veranda." Mabilis siyang tumalikod at naiwang nakasunod ng tingin sa kanya ang matandang babae.

Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadarama niya nang malamang nasa villa pa ito. Na hindi ito nasundo. He'd been standing behind closed glass doors for more than twenty minutes just watching her sleep. Ito ang ikalawang pagkakataong pinagmamasdan niya itong natutulog. At may init na gustong mag-umapaw mula sa dibdib niya.

Her lips slightly parted. Ang buhok nito ay banayad na nililipad ng hangin palayo sa mukha nito. She looked tired, bothered, even in her sleep. There were even dried tears in her cheeks.

Kanina ay narinig niyang umuungol ito at nagliligalig. Muntik na niya itong labasin at gisingin subalit muli itong pumayapa. He didn't have the heart to wake her up.

This woman was a total stranger. Paanong nangyaring may ganito siyang damdamin dito? Both sexually and something else. Mahigit pa lamang sa beinte-kuwatro oras mula nang una niya itong makita sa beach. He had women friends, iyon man ay sa Romania o dito sa Pagudpud. Mga babaeng matatagal na niyang kakilala at kabisado na niya ang uri ng mga pagkatao; mga babaeng naghahangad na mapansin niya.

Subalit ni isa sa mga iyon ay wala siyang maramdaman tulad ng nararamdaman niya ngayon. And when he heard that she was really running from someone, his gut had tightened. He wanted to hurt whoever was after her. Ang sabi nito ay may nagnanais ditong pumatay. That must have been an exaggeration. It could have been just a lovers' tiff. Tumakbo ito at natural na habulin at hanapin. Marahil ay may mabigat na bagay na pinagkagalitan.

Huminga siya nang malalim. Hindi niya kayang isipin ang tungkol sa ibang lalaki. Kaya naman minabuti niyang umalis na kaninang umaga. Subalit parang gusto niya itong yakapin nang mahigpit nang malaman niyang naroroon lang ito sa duyan at natutulog.

Hindi niya kailangang magpadaig sa damdamin niya. Walang babaeng magkakagusto nang totoo sa isang tulad niya. Sasaktan lang niya ang sarili. At hindi siya masochist para gawin iyon.

"Hindi mahalaga kung sa katapus-tapusan ay hindi mangyari ang inaasahan natin," came Mikhail's voice from behind him. Halos pabulong.

"What do you mean?"

"Kung sa katapus-tapusan ay hindi magkatugon ang damdamin ng dalawang tao..."

"Tulad ni Mama kay Papa? Iyon ba ang ibig mong sabihin?"

"Your father loved Aunt Luna, Lukas. Sa kabila ng hindi matanggap ng mama mo ang pagkatao ng papa mo. At ikaw mismo. But she tried her best to love you. Iyon ang sabi ng lahat... Kahit ikaw ay alam mo iyon."

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" He gave his younger cousin a deadly glare.

"Na sa kabila ng hindi matanggap ng mama mo ang pagkatao ng papa mo, hindi dahilan iyon upang hindi ito mahalin ni Uncle. He loved your mother to destruction. And given a choice, mamahalin pa rin niya si Aunt Luna kahit na halos katakutan at pandirihan ng mama mo ang papa mo.

"Tulad na lang kanina, umaasa kang wala na si Aurora pagdating mo. You are a defeatist, Lukas. Ni hindi mo gustong alamin kung iba si Aurora sa mga babaeng nakatagpo mo na. Kung iba siya kaysa kay Elnora."

"Huwag kang umasa, Mikhail," matabang niyang sabi.

"Naniniwala akong hindi lahat ng babae ay tulad ni Elnora o ng mama mo, Lukas," patuloy ni Mikhail. "You've been in and out of a relationship. Pero hindi ka masaya. Ang bayolohikong pangangailangan mo lang ang nasasapatan mo. Hindi ang damdamin mo. Take a gamble. Hindi ko matandaan kung saan ko nabasa na kahit ka mabigo basta naranasan mong nagmahal ka ay sapat na—"

"I'm sure sa slumbook," he said drily. "Kung magsalita ka ay tinalo mo pa si Manang Jacinta."

He grinned. "Kasi ako ay tinatanggap ang realidad ng buhay. Ako ay walang dinadalang poot sa dibdib ko..."

"Even those who killed your parents?"

Mikhail sighed. "I was just a three-year old boy when they were killed. Through the years, I have learned to accept the facts of life, Lukas. The hunters killed them just as many of the packs killed humans, too."

"Tama ka. Grupo ng mga lobo na hindi tulad ni Papa... na hindi tulad natin. Damn it, Mikhail, but we're half-human! We don't hunt to kill. We kill to protect ourselves!" Anger and bitterness laced his voice.

"And I am so scared that one of these days I could be like them, Lukas." Puno ng pangamba ang tinig nito. "Baka hindi ko kaya ang ginagawa mo. That is why I am enjoying life... ang buhay ko bilang tao."

"Don't be ridiculous. The curse said—"

"Damn the curse! Sino ba ang nakakaalam kung totoo man lang iyon!? For all we know, depensa lang ng mga great-grandparents natin iyon sa pagnanais na itanggi ang pagiging kalahating hayop."

"We weren't born pups, Mikhail. We were born human. Disciplined yourself!"

May ilang sandaling hindi kumibo si Mikhail. Kapagkuwa'y itinuon ang paningin kay Aurora na nasa veranda. "Bakit daw hindi nasundo si Aurora?"

"Hindi ko alam. Kailangan ko pa siyang magkausap. Worse comes to worst, ako ang maghahatid sa kanya sa Bulacan."

Napatingin sa kanya si Mikhail. "Dapat ba kitang samahan?"

Umiling siya. "Anihan ng mga prutas sa dragon farm. Kailangang naroon ka."

Tinapik siya ni Mikhail sa balikat at tumalikod na. Ibinalik niya ang paningin kay Aurora na nagsisimula nang magising. Bumangon ito mula sa pagkakahiga sa duyang kahoy. Her hair toussled. She looked warm and beautiful. And something inside Lukas stirred.

Mas maliwanag sa veranda kaya hindi kaagad siya nakita ni Aurora mula sa labas. Nilingon nito ang salaming pinto, pilit siyang inaaninag. At nang marahil matiyak nitong nakatayo siya roon ay ngumiti.

And his heart sommersaulted.

Nilingon ni Lukas si Manang Jacinta at sumenyas upang ihanda ang pagkain ni Aurora. Pagkatapos ay binuksan niya nang todo ang salaming pinto at humakbang siya palabas sa veranda. Naupo siya sa kabilang bahagi ng duyang kahoy.

"I'm sorry I've slept the hours away. Lagi na lang kitang nagigisnan."

"Kailangan mo ng pahinga. Hindi ka nakatulog kagabi." Nang hindi ito sumagot ay dinugtungan niya ang sinabi. "Hindi ka nasundo kaninang umaga..."

Naglaho ang ngiti sa mga labi nito at gumuhit ang ligalig sa mukha.

"Maglalabas ng tanghalian dito si Sabel. Kumain ka at pagkatapos ay sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong marinig."

"Lukas—"

"No arguments, Aurora. Kumain ka at saka tayo mag-usap..."

Ilang sandali pa'y inilalatag na ni Sabel ang pagkain sa mesa ng duyan sa harap niya. Dinengdeng, sinigang na isda, at pritong manok. Ipinaglagay siya ni Lukas ng kanin sa pinggan. Wala siyang ganang kumain. But she had to eat to please this man who was eager to feed her.

"Ikaw?"

"Kumain na ako sa farm, kami ni Mikhail."

Sumubo siya ng pagkain, nginuya, at nilunok. "Gaano kalayo ang farm mula rito?"

"A mile."

Namagitan ang ilang sandaling katahimikan habang kumakain siya. Then, "I'm sorry, Luke. Hindi ako nasundo ni Doreen at Ate Olivia."

"Tapusin mo ang pagkain mo at saka mo ikuwento sa akin ang buong pangyayari." Dinampot nito ang isang saging at kinain.

Ilang minuto ang matuling lumipas at tinapos na ni Aurora ang pagkain. Uminom ito ng tubig. Pagkatapos ay tumingin sa kanya. "Ano ang nangyari at hindi ka nasundo?" he asked. "Or better yet, start from the very beginning."

"T-there's no need for you to know everything." Kinuha nito ang hikaw sa tainga at inilagay sa mesa at itinulak malapit sa kanya. "Kailangan ko lang ng pamasahe pauwi sa Bulacan. Each stone is worth one carat. Please believe me—"

Marahas na tumayo si Lukas mula sa duyan at lumakad patungo sa barandilya ng balkonahe. "Ipanatag mo ang loob mo, Aurora. Nangangako akong tutulungan kita sa ano mang suliraning kinakaharap mo nang hindi mo isinasanla sa akin iyang hikaw mo ng pamasahe mo lang. Naiinsulto ako."

Nag-angat siya ng paningin dito. "I'm sorry. But I'm desperate. Lumala pang higit ang suliranin ko. And by now, natitiyak kong alam mong kahit piso ay wala ako sa bulsa. At pera pa rin ang kailangan ko para magtungo sa pinakamalapit na bayan upang isanla ang alahas ko."

"I already promised to help you, didn't I?" anito sa nag-iigting na mga bagang.

"B-bakit mo gagawin iyon?"

"Kailangan bang may dahilan kung bakit kita tutulungan? Kung iyong lobo ay tinulungan ka noong nakaraang gabi nang walang dahilan, hindi ba?" Sadya niyang inulit ang sinabi nito sa kanya kahapon ng umaga, mocking himself.

Umiwas ito ng tingin. "I didn't mean to insult you. I am so worried. And desperate. Nag-aalala ako sa buhay naming magkapatid, ni Doreen, at ni Ate Olivia. Muntik nang mapahamak si Doreen kagabi kung hindi nito agad nakita ang pagbaba ng mga lalaki sa sasakyan."

"Umpisahan mo sa simula..." utos niya.

"I... I don't want to involve you, Lukas..."

"Nang dalhin ka rito ni... ng alaga kong lobo ay idinamay mo na kami, Aurora. Umpisahan mo sa simula..."

Continue Reading

You'll Also Like

84.7K 2K 20
Elisse and her mother's life change nang magtungo sila nang maynila. Doon ay nakilala nila si Gabriel del Valle na siyang napangasawa ng kanyang ina...
62K 1.2K 10
"Hindi ko maaaring pilitin ang puso kong magmahal ng iba. I can only love once, at ikaw lang iyon..." Pagkatapos saktan ni Max ay sinabi ni Sabrina s...
1.8K 181 41
TRIGGER WARNING: STRONG LANGUAGE AHEAD ---------------- Ikatlong Kabanata ng Pahimakas: If the Sky and Ocean Suddenly Collide Date started: March 15...
11K 285 17
"Need not to explain, Dear. Yakapin mo lang ako, mauunawaan ko na ang lahat..." Si Raul ang kasintahan ni Rosette, ngunit sa masakit na biro ng tadha...