PAUMAHIN
Naniwala ako sa tamis ng iyong salita
Naniwala ako sa balarila ng iyong dila
Tumango ako't hindi nag-atubali
Tinanggap ko nang buong puso at hindi ako nagmadali
Ngunit bakit tila plano mo'y sinunog?
Dala ba ito ng guryon mong salakot?
Bakit ako'y iyong pinaikot?
Dahil ba ikaw ang hari na nakaluklok?
Walang bahid itong aking dila
Matamaan ka'y, hindi ko sadya.
Kung sakaling ako'y iyong kakatukin
Bibigyan kita nang buong pansin
Subalit kung matalim ang dila mo
Asahan mong ako'y hindi gaganti,
Hayaan ko na lamang ang itim na tinta ang siyang maghari.
miss_reminisce