The Scent of You [Under Revis...

By ARLabyouu

10.5K 614 67

Matinik hindi lang sa babae kungdi pati sa kama ang boss ni Rosie na si Echarri. Hindi mabilang sa daliri ang... More

The Scent of You
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3 (spg)
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7 (spg)
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20 (spg)
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29

Kabanata 30 (Wakas)

533 18 3
By ARLabyouu

Huling Kabanata

Ang masaya sanang selebrasyon ng barkada sa TIYZ ay humantong sa ospital kung saan itinakbo si Chairman Avanzado.

Panay ang dasal ni Rosie sa sandaling umapak ang kanilang mga paa sa loob, hinihiling na sana ay walang masamang nangyari sa ama ng nobyo.

"Where is Dad, Zayn?" nanghihina na tanong ni Echarri kay Zayn na katatapos lamang kausapin ang nurse.

Tinapik ni Hudson ang balikat ng kaibigan. "Chairman got this. You got this," pampalakas loob niya.

"Tama si Hudson. Si Chairman pa ba?" dagdag ni Rosie habang hawak ang nanginginig na kamay ng nobyo.

Si Axel ay nasa likuran ni Echarri upang alalayan siya kung sakali man na mawalan ng lakas ang kaibigan. Katabi nito si Fran na kanina pa palinga-linga sa paligid.

Nagpatiuna si Zayn upang puntahan ang ward na sinabi ng nurse. Sobrang hirap para kay Echarri na ihakbang ang kaniyang mga paa.

Kung ano na lamang kasi ang pumapasok sa kaniyang isip. Isa ro'n ang pagiging suwail na anak nito. Bumalik sa isip niya ang sinabi ng ama noon.

"I have given you enough chances, Echarri. Your old man is not getting any younger. I could die in my sleep anytime; I could get into an accident and lose my life. Life is unsure, if I always let you with your antics, how could you survive when I'm gone?"

Sagot pa nga niya ay malakas pa sa kalabaw ang ama. Ngunit bakit naman nito sineryoso na masangkot sa isang aksidente?

Nararapat lang na makita ng Chairman ang pagbabago ng kaniyang anak, ngayon pa na natupad na ang pangarap nito para sa anak; ang mapatino ng isang babae, sa katauhan ni Rosie.

Napasinghap ang lahat sa hangin nang makita ang katawang sinakluban na ng puting kumot.

"D-Dad?" Echarri is on the verge of breaking. "W-Wake up, Dad. W-Why are you laying there?" He broke down on the floor. "Daddy, wake up!"

"Nandito lang ako, Echarri. Hindi kita iiwan." Rosie held him tighter. Kahit siya man ay gusto nang magwala sa sakit na nadarama.

Hindi na rin napigilan ng iba pa ang lumuha. Kanina lamang ay kausap pa nila ang Chairman. Sino ang mag aakala na sa isang iglap ay sa ospital ang sunod nilang kikitain ang Chairman?

Life is surely unsure...

Napuno ng iyakan ang buong ward. Si Axel ay napaupo na rin sa sahig. Si Hudson na matapang ay pumatak din ang luha. Si Zayn at Fran ay magkayakap nang hindi yata nila napapansin.

Naistorbo lamang sila sa pagdating ng may edad na babae kasama ang isang estudyante batay sa suot nito.

"Kilala n'yo ba ang asawa ko?" tanong no'n sa kanila.

Pinilit ni Echarri ang tumayo. Inalalayan din ang nobya. Pinunasan ng binata ang kaniyang mukha at pinagmasdan ang ginang.

"H-how do you know my father?"

Sa pagkakatanda ng binata ay pumanaw ang kaniyang ina no'ng isilang siya. Nilihim ba ng kaniyang ama relasyon nito sa kaniya?

"Father ba kamo? Walang nabanggit ang asawa ko na mayroon siyang anak sa labas," sagot ng ginang, kunot na ang noo. "Isa pa ay bakit n'yo iniiyakan ang asawa ko? Ganiyan lang naman siya matulog, nakatalukbong." Tapos tinanggal ng ginang ang kumot sa mukha ng sinasabi na asawa.

Bumilog ang pisngi ni Axel upang magpigil ng tawa maski si Fran ay nagtakip ng buong mukha. Hudson scratched his eyebrow, his upper lip lifted. Zayn sniffing, putting his finger on his nose.

Sumiksik si Rosie sa likod ng nobyo, natatawa rin.

Everything is a mess up until a curtain goes swooshing. "You were in the wrong place, son."

Napalingon ang lahat sa taong nagsalita. Mulagat ang mga mata nilang tinungo iyon at tila sila nakakita ng multong nabuhay.

"Shit? Chairman... you're alive!" gulat na bulalas ni Axel at saka hinaplos-haplos pa ang katawan ni Chairman. "Guys... mainit-init pa...."

Nakatanggap tuloy si Axel ng pitik sa kaniyang noo. "Who told you I was dead, you mischievous beings. Buhay na buhay pa ako ay iniiyakan n'yo na!" sermon nito.

Tutok ang tingin ni Echarri sa ama na mayroong benda sa noo at gasgas sa braso. Nang magtama ang tingin nilang mag-ama, 'tsaka lamang lumapit si Echarri upang yakapin ang ama.

"You scared the shit out of me, Dad. I thought y-you left me for good," suminghap ang binata.

Hampas sa likod ang tinamo ni Echarri sa kaniyang sinabi. "I was just sleeping when I heard you crying. Mga siraulo kayo, papatayin n'yo pa ako," ani Chairman habang tumatawa.

Lumapit sa kaliwa ni Chairman sina Zayn at Hudson kasama si Axel. Sa kanan naman ay naroon ang magkaibigang Rosie at Fran at ang nakayakap na Echarri.

"Ano'ng nangyari, Chairman? Mabuti po gasgas lang ang natamo n'yo sa aksidente." Si Zayn.

Bumitiw sa yakap si Echarri at tumango sa tanong na 'yon ni Zayn. "Kumusta ang driver at secretary mo, Dad? Are they okay?"

"Maingat ang drayber ko, anak. Mild injury lamang ang natamo naming tatlo dahil naiwasan ni Carding ang kotse na balak bumangga sa amin."

"Bumangga? Dad, does that mean the car accident was premeditated?"

"According to my intel, it was Mayor La Torre. Nagbayad siya ng tao upang palabasin na aksidente ang dahilan ng pagkamatay ko kung sakali."

"Why would he do that to you?" Echarri asked.

"He was being investigated for the embezzlement of public funds and will need to step down of his position because of me. Hindi niya iyon kayang lusutan kaya sinubukan niya na patayin ako."

Hudson hissed, "crazy La Torre bunches," he said.

"Like father like daughter." Zayn approved.

"Anyway, can you all go out except Rosie? I want to talk to her in private." Chairman shooed them all while he tells Rosie to come closer.

Sumunod ang lahat maliban kay Echarri. "Why do you need to talk to her? You'll not going to scare her away, right, Dad? There is no 'ito ang isang milyon layuan mo lang anak ko' line, right?" aniya.

Natawa si Rosie sa lumalabas sa bibig ng nobyo. Samantalang si Chairman ay patuloy na tinataboy ang sariling anak hanggang makaalis siya.

"Sit here." Tinapik ni Chairman ang espasyo sa gilid ng kama. "I will not beat around the bush," patuloy nito pagkaupo ni Rosie sa kaniyang tabi.

"Ano po 'yon, Chairman?" usisa ni Rosie.

Chairman holds the hand of Rosie. "Tanda mo ba nang inutusan kitang hanapin ang babaeng pinahahanap ko sa 'yo? Rosie, una pa lamang ay alam kong ikaw 'yon. Bago pa kayo umamin sa akin ni Echarri ay alam ko na ang kwento n'yong dalawa. At pagpasensyahan mo kung sasabihin ko rin na alam kong bumili ka ng pregnancy test kit sa botika," pag amin ni Chairman.

Napamulagat si Rosie at nakaramdam ng pamumula sa mukha. "P-pinapasundan n'yo po ba ako, Chairman?" Hiyang-hiya ang dalaga tungkol sa pagbili niya ng pregnancy test kit.

"Nais ko lamang na palagi kang ligtas para sa anak ko. Hindi ko naman akalain na iyon ang bibilhin mo sa botika imbis na gamot. Aba'y teka, ako ba, e, magkaka-apo na?"

Nalunok ni Rosie ang sariling laway. "H-hindi ko pa po iyon ginagamit, Chairman..."

"Ganoon ba? Narito na rin naman tayo sa ospital, bakit hindi ka magpa-check up?"

"Po?"

"Rosie hija, hindi ka naman siguro bibili ng test kit nang walang dahilan, hindi ba?"

At ang totoo niyan ay isang buwan nang hindi dinatnan si Rosie. Plano ng dalaga na subukan ang test kit ngunit naisip niyang baka false alarm lamang ang delay niya dahil abnormal din naman ang kaniyang regla.

"Sige na at magpa-checkup ka upang maalagaan natin ang apo ko habang nasa tiyan mo pa lamang," sulsol ni Chairman.

Rosie sheepishly smiled. "Kayo po ang pinakauna kong pagsasabihan kapag mayroon na. Gusto ko po muna makasiguro para hindi po tayo madismaya sa resulta," paliwanag ng dalaga.

"Mapilit ako ngunit sige, hija. Rerespetuhin ko ang desisyon mo. Basta ako ang una mong pagsasabihan."

Ilang beses na pagtango ang sinagot ni Rosie upang mapanatag ang loob ni Chairman.

UMAGANG tapat, mababanaag sa veranda ng mansyon si Chairman hawak sa kanang kamay ang diyaryo habang hawak sa kabila ang hinihipan na kape.

Nasa front page ng diyaryo ang pagkaka-aresto kay ex-mayor La Torre sa kasong intensyon na pagpatay kay Chairman maliban pa sa embezzlement case nito.

Ang anak nitong si Monica La Torre naman ay sumasailalim na sa psychiatric evaluation ayon sa balita.

Iyon din ang breaking news na pinanonood ni Echarri at Rosie na magkasama sa bahay ng binata.

Nakayakap mula sa likod ng nobya ang binata habang nasa harapan ng TV. 'Di nito maiwasan na dampian ng mga halik ang balagat ng dalaga.

"Malapit na ang birthday mo. May gusto ka bang puntahan?" tanong ni Echarri.

Humarap ang dalaga sa kaniyang nobyo at sinukbit ang mga kamay sa balikat nito. "Kahit saan kung ikaw ang kasama ko ay masaya na ako," ngiting sagot ni Rosie.

"How about we celebrate your special day in bed and enjoy ten rounds of love?" kindat pa ng binata.

Kunwaring napaisip ang dalaga. "Um... that sounds good," pagtango niya at suminghap nang bigla siyang buhatin ni Echarri.

"Let's start the countdown!" masayang sambit ng binata na nagpa-alab sa malamig na umaga nilang dalawa.

OCTOBER 31st - TUESDAY

"Happy Birthday, babe." Alas dose pa lamang ng hating gabi ay iniistorbo na ni Echarri ang mahimbing na tuloy ng kaniyang nobya. "Babe... how about we do the first round?" he whispered in Rosie's ear.

Sinubukan ng binata na kilitiin ang leeg ng nobya gamit ang kaniyang bigote. "Babe. Blow your cake. Wake up."

Nilayo ni Rosie ang mukha ng kaniyang nobyo. Wala pa yata sa mood ang dalaga. Tumagilid pa siya ng higa kaya naman lumipat sa kabila ang binata upang kulitin siya lalo.

"Babe. Get up."

Pikon na nagmulat si Rosie. "Magpatulog ka, p'wede?" inis niyang wika.

"But have we decided to celebrate your birthday with 10 rounds?" biro ng binata na dahilan ng pag-irap ni Rosie sa kaniya. "Hey, I was kidding. I just want to be the first one to greet you a happy birthday, babe."

"Natanggap ko na ang bati mo, p'wede na ba tayong bumalik sa tulog?"

"How about your cake? Won't you blow the candle?" Binitbit ni Echarri ang red velvet cake. "I struggled to book a reservation from a French pâtissier to make this cake a month before your birthday, babe."

Sinindihan ng binata ang dalawang numero na kandila. 3 'tsaka 0. Hindi lubos maisip ng dalaga na tumuntong na siya sa trenta.

Walang gana niyang hinipan ang cake. Ni hindi niya pinagtuunan ng pansin ang detalye no'n. "Nahipan ko na, balik na tayo sa pagtulog," aniya bago humiga pabalik.

Napailing si Echarri. Handa pa naman sana ang daliri nito upang pahiran ng cake ang mukha ng nobya. "Babe? No rounds today?" subok ng binata ngunit walang sagot na natanggap.

Ipinagsawalang-bahala na lamang muna niya, baka nais ng nobya na matulog muna.

Ayon lamang ay hanggang sa paggising nila sa umaga ay yamot si Rosie sa pagmumukha ni Echarri. Kumukulo ang dugo niya rito.

"Babe..."

"Stay there!" bulyaw ng dalaga.

Napanganga si Echarri at huminto sa paglapit sa nobya. "W-why?" takang tanong nito.

"Naiirita ako sa 'yo. Doon ka muna," taboy ni Rosie sa kaniya.

"Babe? Naglilihi ka ba?" mapagbirong pahayag ni Echarri ngunit naestatwa silang dalawa. "Oh, boy! A-Are you really?"

Kagat-labi na tumungo si Rosie sa banyo at inilabas ang test kit. Pikit ang kaniyang mata na naghihintay ng tatlong minuto.

"Rosie? Open the door."

Hindi maiwasan ni Rosie na kabahan. Pati pinto nga ay kaniyang sinarado. Matapos ang ilang minuto ay nagmulat siya ng mga mata at unti-unting sinilip kung ilan ang linya roon.

"D-dalawang linya..."

Natutop ni Rosie ang bibig.

"B-buntis ako."

Rosie cries a happy tear. And as promised, she dialed Chairman's number to be the first person to know about her pregnancy.

"Chairman... you are going to be a grandfather soon..."

Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng kapapasok lamang na Echarri gamit ang spare key ng banyo.

"I'm going to be a Daddy?"

Nang tumango si Rosie ay masaya niyang nilapitan ang nobya upang buhatin at pupugin ng halik.

"Magiging Daddy na ako! Magiging Daddy na ako! Oh gosh, thank you for making me a dad, Rosie!"

"Ito ang pinaka-magandang regalo na natanggap ko ngayong kaarawan ko," masaya niyang sambit.

"Thank you, Rosie. I came to know the meaning of love because of you. You are the greatest gift I've ever gotten."

Napakasaya ng puso ni Rosie. Hindi niya kahit kailan ipagpapalit ang kasiyahan na iyon bigyan man siya ng trilyong halaga.

— WAKAS —

Continue Reading

You'll Also Like

62.8K 994 61
Tamara Collete Mendez was living her normal life as a single mom for almost six years May sariling bahay ... May stable na Trabaho at higit sa lahat...
36.2K 816 22
Akala ni Dianna ay isa lamang na panaginip ang pakikipagtalik niya sa isang estranghero noong gabi ng kasal ng kanyang best friend na si Judith. Ngun...
354K 9K 44
[UNEDITED: Sorry for misspelled,typos,wrong grammar,etc.] Casanova's Fake Wife: For Real Ayesha and Trevor story. May pag-asa pa ba kung nakalimuta...
41.4K 881 41
Trojan Andrade, a coldhearted guy who's busy finding his long lost little sister. On his friend, Ashter Mendoza's Wedding day. There is this woman wh...