South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 323K 207K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter

Epilogue

130K 6.2K 6.6K
By JFstories

Hello to all of you! We're now at the end of SB4! I heard that this one is the Epilogue you preferred, thus I won't be using the uncut official version for the time being; possibly kapag naging book na lang ang novel na ito in the far, far future.

Troublemaker has already received a book offer, but I doubt I'll be able to accept it. To be honest, editing an old novel is quite difficult. Nonetheless, this Epilogue that you're about to readis not revised (since this is what you wished for), but I did include 'some' scenes that weren't included in the raw. Thank you for making it this far! :) -JF



"HUGO EMMANUEL!"


Ipinasok ko ang hinliliit na daliri sa aking kaliwang tainga habang paalis ng faculty. Naglabasan na ang litid sa leeg ni Mommy pero parang wala akong naririnig. Galit na galit kasi ito dahil hindi ako sumabay sa pagpasok ngayong first day of new school year.


"Sinasabi ko sa 'yo, Hugo Emmanuel, subukan mong mag-cutting sa unang araw ngayong pasukan, susunugin ko ang motor mo!" habol pa nito.


"I love you, 'My!" sabi ko lang saka tuloy-tuloy na sa paglalakad paalis.


I went to the canteen to buy a burger. Ginutom ako sa five-minute speech ni Mommy. Hindi naman ako naaasar, sanay na ako rito. Alam ko naman na hindi kompleto ang araw nito nang hindi ako tinatalakan, iyon ang love language nito. Saka cute si Mommy kapag galit.


Kumakain ako ng burger nang mapansin ang isang estudyanteng babae na naglalakad palapit. Lutang na lutang ito sa iba nitong kasabayang estudyante. Maganda, parang taga-private, pero natiyak ko na tagarito dahil sa suot na uniform. And her eyes... they were copper brown.


Foreigner ba siya?


Napahinto na pala ako sa paglalakad habang hawak ang burger. Nakatingin na lang ako sa kanya habang para siyang tanga na nakangiti sa kawalan. Tsk, what a waste. Ang ganda pa naman, ang kaso mukhang may sira yata.


Hmn, okay lang naman kahit defected. Basta maganda, puwede na. Iyong last GF ko nga na taga Imus, nagsasalita mag-isa, 'tapos leader pa yata ng kulto, pero natiyaga ko naman ng three days. Siya pa kaya na mas maganda at mukhang anghel.


Our eyes met and I was surprised when she suddenly smiled. Parang may lumipad na mga paru-paro sa paligid dahil sa ngiti niya. So she liked me, too?


Humakbang ako pasalubong sa kanya. Wala akong GF ngayon dahil kabi-break lang namin ng last GF ko kagabi, kaya puwede na akong magka-GF ulit. Didiskartehan ko na siya ngayon, at sana bago mag recess ay kami na.


Nakahanda na ang pamatay kong ngiti nang biglang magbaling siya ng paningin sa ibang direksyon. Still smiling. Nagsalubong ang mga kilay ko. Did I get it wrong?


Hindi ba ako ang dahilan ng mga ngiti niya? Seryoso? Parang bigla akong naasar. Hindi ko tuloy namalayan na nakalapit na siya. Wala siya sa sarili sa paglalakad kaya magkakabangga kami. Akma akong iiwas nang bigla rin siyang gumilid. The ending, we collided.


Iyong burger ko, nadikit sa boobs niya. "Shit!" Naitulak ko siya ng palad sa noo.


Narinig ko ang boses niya na bagaman malumanay ay mariin, "Bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?"


Ah, even her voice was angelic.


"Kumakain ka pa habang naglalakad, tingnan mo ang nangyari, nagkaroon ng ketchup ang damit ko!" sabi niya habang pinupunasan ang blouse niya na nadikitan ng burger ko.


Hindi ko naiwasang hindi mapatitig sa dibdib niya na may ketchup. Anong grade na kaya siya sa SHS? Nasisinag ko kasi ang loob ng kanyang blouse, parang baby bra pa rin ang suot niya. Cute naman. Sakto lang sa boobs niya.


"Sorry, sorry," sabi ko. Inako ko na kahit siya naman talaga ang nambangga. "'Di ko naman sinasadya. Nagmamadali kasi ako." Ganito ang mga babae, gusto nila na nagso-sorry sa kanila kahit sila naman ang may kasalanan.


"Next time, tumingin ka sa dinaraanan mo." Galit siya pa rin siya pero ang hinhin ng boses. Ano kaya kapag umuungol siya?


Nang tumingala siya sa akin ay para siyang nakakita ng ten million cash. Natulala siya.


I grinned. That was a normal reaction, though. Nabura din ang ngisi ko nang magbago ang kislap ng mga mata niya. Mula sa paghanga na nababasa ko roon ay pumalit ang disgusto. What happened? Ayaw niya ba ng ten million?


Nakasimangot ang maamong mukha na tinalikuran niya na ako. Naiwan akong tigagal sa kinatatayuan. Iyong pakiramdam na para akong biglang na-dump. Shit!



...........................................................HINDI PA BELL. Tumambay pa muna ako sa labas ng school. I was about to light my cigarette stick when I saw that girl again. The brown-eyed chic.


Nakatayo siya sa gilid ng gate. She looked like she was waiting for someone. Panay ang haplos sa buhok at sa suot na uniform. Parang kanina lang din. Hindi siya mapakali. Naaliw ako na pagmasdan siya ulit.


Nang may humintong kotse ay nagtago siya sa mga nagdaraang estudyante. Ang lulan ng kotse ay isang teacher ng school namin, at ang driver ay isang matangkad na lalaki. Tantiya ko ay matanda lang sa akin ng isang taon ito. Guwapo, mukhang matino, at ewan ko kung bakit wala naman itong ginagawa pero mabigat ang dugo ko rito.


Nang makapasok ang teacher na inihatid ng lalaki ay saka lumabas sa pinagtataguan iyong chic na may kulay tansong mga mata. Nilapitan niya iyong lalaki. "Kuya Harry!"


Kuya? Kaano-ano niya ito? Ah, saka ko naalala na si Mrs. Aragon pala iyong teacher kanina. Nakatatandang kapatid ng Filipino teacher na si Mrs. Herrera.


Bumalik ang paningin ko sa brown-eyed chic. Kung ganoon siya ang anak na babae ni Mrs. Herrera? Iilan lang naman ang may brown na mga mata sa school. Mga anak lang ni Mrs. Herrera, dahil half Caucasian ang asawa nito.


If she was the daughter of Mrs. Herrera then her name was probably Jillian. And since Mrs. Herrera and Mrs. Aragon were sisters, meaning this guy was her cousin. In short, hindi sila talô.


"Hello! Nandito ka pala. Hinatid mo ba si Tita Eva?" tanong niya sa lalaki. Okay, hindi na ako sigurado ngayon kung pinsan niya lang ba ito. Obvious kasi na nagpapa-cute siya sa lalaki.


She was trying so hard to prolong their conversation, and I couldn't help but to chuckle. Napatingin tuloy siya sa akin. Pati iyong kuya-kuyahan niya ay tumingin din sa kinaroroonan ko.


Biglang nagkaroon ng tigas ang mga tingin ng pinsan niya. Niyaya na siya agad nitong pumasok. Awts, so what was that, huh? Family stroke?


Inihatid siya ng lalaki sa gate. Naglakad ako papasok din habang nakapamulsa. Sinadya ko na banggain siya sa balikat, pagkatapos ay nginisihan ko ang kuya niya na matalim ang mga mata sa akin.


I was still able to hear what the guy said to her, "You too, take care, Jill. 'Wag kang makikipagkaibigan sa mga estudyanteng may bisyo. Mag-aral kang mabuti."


I grinned even more. Sa isip-isip ko, kapag ako pinansin niyan, syosyotain ko agad iyan. 'Pinsan ka lang! Mamatay ka sama ng loob kapag naging boyfriend ako niyan!'


Tumambay pa ako sa may stage dahil may humarang sa akin na babae. Ex ko raw ito last year. Two days lang daw kami, 'tapos gustong makipagbalikan. Nang mag-bell na ay iniwan ko na ito.


Tamad na tamad ako kahit first day of school pa lang. Pero iyong panlalata ko ay parang magic na nawala nang pagpasok ko ng room ay nakita ko si Jillian Mae Herrera. She was in the same class as me.


Ang mga labi ko ay awtomatikong napangisi. Nakapamulsa na naglakad ako papunta sa kinaroroonan niya. Akmang may estudyante na mauuna sa tabi niya nang titigan ko ito nang masama. Susukot-sukot na umalis ito.


Paglapit ay doon ako naupo sa mismong upuan na katabi niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay lalong tumamis ang ngisi ko. "Hi, classmate!"


Ang panlalaki ng magagandang uri ng kulay tanso niyang mga mata ay nauwi sa pagtalim. And after that, nagbawi na siya ng tingin at hindi na ako muli pang pinansin.


What a cold-blooded woman.



...................................................................TOO SERIOUS.


Jillian Mae Herrera was super focused on all of our lessons. Nangalumbaba ako sa armchair habang nakatitig sa kanya.


"What?" nakasimangot niyang angil sa akin, but as usual, mahinahong boses. Malalaman mo na lang na naiirita o galit dahil ang mga mata niya ay bahagyang matalim. But still, ang amo pa rin.


Palagi na lang siyang badtrip. Galit ba siya sa guwapo?


Ah, it would be really nice if she could act cute for me.



...................................................................SHE THREW MY BIMPO INTO THE TRASH CAN.


Yeah, that white towel was mine. May baon akong extra dahil alam ko na magpi-P.E. ngayong hapon. Nakita ko na hindi siya sanay sa physical activities. Hinihingal siya agad. Parang kusa na lang sa akin na ibinato sa kanya ang malinis na towel ko.


But she threw it too. Doon pa sa basurahan.


I couldn't blame her, though. Sino ba ang gagamit ng towel ng may towel? Kahit sabihin pang malinis iyon at guwapo ang may-ari. Napailing na lang ako habang nangingiti.


Pero hindi talaga tumatagal ang ngiti ko dahil palagi siyang may panggulat. Ngayon ding araw na ito ay nalaman ko na pinopormahan siya ng dati kong kaklase sa St. John na si Wayne Daniel Chung.


Katulad ko, nalibot na rin ng lalaki ang lahat ng private at public school dito sa GenTri. Sa madaling sabi, isa ring tarantado.


Ang tigas ng mukhang mangarap nang mataas, ah? Sa tingin ba ng hunghang na ito ay papatulan siya ni Jillian Mae Herrera? Ako nga na mas guwapo, mas mabango, at mas mabait nang one percent sa kanya ay palagi pang natatarayan, siya pa kayang kutong lupa siya.


Sa katotohanan lang, ah. Lamang ako sa Wayne Daniel Chung na iyon ng hindi lang basta isang dosenang paligo, kundi pati bubble bath pa. Kung paguwapuhan lang din, umuwi na siya!


Dinampot ko ang Gatorade na nasa tabi ni Jillian. Alam ko kung kanino iyon galing. Pagkalaklak ko ng kalahati ng Gatorade ay dumighay ako. Ang gulat sa maamong mukha ni Jillian ay napalitan ng pagkainis.


Ah, what should I do? She was really cute that I wanted to keep teasing her.


.................................................................PERSONAL SERVICE DRIVER.


Jillian Mae: You're not going to Naic because you're going to pick me up here in Pascam!


Wow, katakot naman.


Hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula na naging rider ako ng babaeng ito. Napapatanong na lang ako sa sarili. Like what the hell was I doing?


Why I was letting this girl boss me around?


Ako, si Hugo Emmanuel Aguilar, na hindi lang basta gago, kundi siraulo, yet I kept on doing the things that she was asking me to do. Seriously, ako pa ba talaga ito?


...................................................................LITTLE BY LITTLE. As the days went on, I gradually got to know more about Jillian Mae Herrera.


I also noticed that she liked the character Pikachu from the cartoon show Pokémon. A small, cute, chubby yellow creature with horizontal brown stripes on its back. Ganoon ang purse niya, ang keychain sa bag niya, and even her eraser.


I just found it funny. Masyado kasi siyang seryoso para magkaroon ng ganoong paborito. I wonder kung ano pa ba sa mga gamit niya ang merong mukha ni Pikachu.


Marami pa akong natutuklasan sa kanya habang tumatagal. Katulad nang sobrang magkaiba kaming dalawa. Katulad ng diamond siya pero ako, gold lang.


And then one time, her naturally pink lips that were always stiff revealed a smile that was so sweet. Hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan dahil sa pagkagulat.


She really did smile. Ugh. Napahawak ako sa aking dibdib. Why did she have to smile like that?


At hindi iyon ang huli, kundi ang simula ng mga pagngiti niya. At simula ng pagkagulo-gulo ng lahat...


................................................................WAS SHE SERIOUS?


"If that's all kissing means to you... Hugo, c-can you kiss me, too?


Pati yata Adam's apple ko ay nalunok ko. She was asking me if I could try kissing her!


And I did what I told. Di ba nga masunurin ako?!


Try lang naman daw. Ang kaso, hindi yata siya informed na hindi ako pang trial lang. Wala naman siyang palag. So, slowly, my kiss deepened, and became demanding.


Ang mga labi ko ay napangiti sa mga labi niya. Ah, ganito pala kasarap makahalik ng isang Jillian Mae Herrera...



..................................................................TO CUT THE LONG STORY SHORT, I BECAME JILLIAN MAE HERRERA'S PASTIME.


Kapag trip niya ng rider, kasama, makakausap, makikinig sa kanya, one call away ako. May gas man o wala.


Habang tumatagal din ay mas trip ko nang makasama siya kaysa magliwaliw ako at mag-inom. Kumbaga, good for bato and baga ko siya. Kapag nagpatuloy pa na parati ko siyang kasama ay hahaba talaga ang buhay ko.


Saktong tambay lang kami palagi. Kapag sinusuwerte, nakakahalik, pero kahit wala, G pa rin. Another funny thing, kuntento na ako sa ganoon.


Malinaw sa akin ang sitwasyon. I got that Jillian Mae Herrera was way out of my league. She was a studious student, a sensible, and kind person. My total opposite. And no matter how stupid I was, I knew that she had no feelings for me.


We had no future together. So, I guess I just had to enjoy what we have now.



..................................................................SILA NA.


Jillian got what she wanted. That guy. Her step-cousin. Sila na. Of course, she was happy.... And yes, she no longer needed me.


..................................................................MONTHS HAD PASSED. I was now back to basic. Tambay, inom, babae.


Sa babae ay hindi na pala masyado. Nagpapakitang-gilas ako ngayon sa childhood crush ko, kay Susana Alcaraz or 'Sussie'. Nagpunta lang ito sa Bulacan para mag-caregiver sa buo nitong pamilya, pero ngayon ay nag-back to Cavite na. Classmate din pala namin ito ngayong huling taon.


So far, so good. Ilang buwan din ang lumipas. Hindi pa rin ako umuusad kay Sussie kasi may umi-epal dito, at ini-entertain naman nito. Kaya heto, nandito na naman ako sa mansiyon ni Donya Dessy dahil badtrip na naman ako.


Nagpapalipas ako ng badtrip nang biglang may kumatok. Mumurahin ko na sana dahil ayaw na na ayaw ko ng naiistorbo, pero laking gulat ko nang si Jillian ang aking mapagbuksan.


Ngayon na lang ulit siya nagpunta rito. At wala na ang ningning sa mga mata niya. "Hugo..." 


Nagtagisang mga ngipin ko. Bigla ang ahon ng galit sa dibdib ko. "What did that fucker do to you?"


"Harry and I... We're over."


Wala na sila ng syota niya kaya siya nandito. Ibig sabihin, kailangan na naman niya ako. Pero ayos lang, at least nandito siya. Ako ang tinakbuhan niya.


She was sad and broken, and I hated myself because I was happy. 


Sobrang sama ko ba dahil masaya ako na wala na sila? Sobrang sama ko nga siguro talaga. At kinarma naman din ako. Nalaman ko na lang sa sumunod na mga araw, sina Sussie at Arkanghel na.


I guess, kami na naman muna ni Jillian ang magtitiyaga ngayon sa isa't isa.



.................................................................JILLIAN WAS SLIPPING BY.


Jillian and I used to be so close... But now, it felt like we were a million miles apart...


Ayos lang, nakatanaw lang ako sa kanya. Pinapanood siya, and silently cheering for her.


Gaano man siya kahina sa panlabas, matibay naman siya sa loob. Kapag may gusto siya, gagawin niya. May mga sinasaalang-alang siya, pero sa huli, gagawin at gagawin pa rin niya. Ipaglalaban niya. That was what I liked about her. She always stood her ground.


Yeah, I liked her. Hanggang doon lang naman. Basta kailangan niya ako, nandito pa rin ako. Hindi ko siya iiwan hangga't hindi siya ang maunang mang-iwan.



..............................................................."YOU'RE DEAD, MOTHERFUCKER!"


Ang putanginang Wayne Daniel Chung ay pinagtangkaan si Jillian. He tried to rape her, goddamn! Duguan na ang ilong at nguso nito mula sa gulpi ko.


"T-tama na, Aguilar!" pagmamakaawa nito, pero bingi ako. I wanted this bastard dead!


Sinapak ko ulit ito. "Anong tama na? Wag kang excited, papatayin pa kita!"


Dumudura na si Wayne ng dugo pero wala akong balak tumigil. Dudurugin ko ang bungo nito.


"Bimbo, asero!" sigaw ko.


Pumasok sa pinto ang isang malaking lalaki, isa sa tropa ko. Si Bimbo Zaragosa. May bangas ito sa mukha na mula sa pakikipagbasag-ulo. Sa kaliwang kamay ay may nakataling scarf na panyo. Sa baba ay ang mga ito ang humarap sa tropa ni Chung.


Nang kalasin ni Bimbo ang scarf sa kamao ay lumitaw ang isang four-finger metal ring. Inihagis nito iyon sa akin. "Salo, Hugo Boy!"


Sinalo ko iyon gamit ang isang kamay lang. Pagkasuot na pagkasuot ko ay balak ko nang sapakin si Wayne nang biglang may tumawag sa akin.


"H-Hugo, 'wag..." basag ang malamyos na boses na aking narinig.


Minsan lang ako makipag-basag-ulo, madalas starter lang, o mga tropa ko ang uupak. Pero kapag kasali ako, wala pang away na napatigil ako ng kahit sino. Unless kung mawawalan ako ng malay-tao. Pero ngayon ay kusang huminto ang kamao ko.


Pinakawalan ko si Wayne Daniel Chung at pinaubaya sa tropa sa ibaba. Dumating din si Isaiah Gideon del Valle at ang tropa nito. May atraso rin daw sa mga ito si Chung.


"Kami na rito," sabi ni Isaiah Gideon. Katabi nito ang semi calbo na si Asher James Prudente. Isa rin sa mga schoolmates namin. May hawak itong basag na bote ng beer.


Si Michael Jonas Pangilinan o 'Miko' ang nagplano kung ano ang hatol kay Chung. "Bangasan lang sa mukha para mabawasan ang yabang, pero 'wag itutuluyan."


Hinayaan ko na ang mga ito dahil mas kailangan ako ni Jillian. Hindi ko pa rin mapatawad ang sarili kung bakit ako nahuli. Nasaktan na siya ng piece of shit na si Chung.


Jillian was drugged. There was no other way to help her unless she would let me take her to the hospital, but she didn't want that.


"HUGO, I TRUST YOU."


Ilang beses ko siyang tinanong. Ilang beses ko siyang binigyan ng pagkakataon. And that was her answer to me.


It was not my first time and I had already touched a lot of girls. Easy na lang dapat ito, pero tangina, para akong bumalik sa pagka-virgin. Bigla akong nablangko na hindi alam ang gagawin.


That night, naubos yata lahat ng baon kong pasensiya. And we finally did that thing.


Pareho kaming humihingal pagkatapos. She was looking at me with so many emotions in her deep brown eyes like I was a hero who saved her. But she got it all wrong from the beginning.


Sinalubong ko ang mga titig niya. "I am no prince charming. I will not catch you if you fall, but I'll make sure to lay down with you on the ground..."


And I meant it. Every word. They were not only from the bottom of my heart but from the deepest part of my soul.



....................................................HARRY CAESAR ARAGON.


Isang lalaki ang nakatayo sa harapan ng bahay nina Dessy pagbalik ko sa Buenavista. Kahahatid ko lang pa-motor kay Jillian sa kanila.


Alam ko ang pangalan ng lalaking ito na nakatayo sa harapan ko. This guy sent me a friend request twice. And twice, I declined. Bakit ko siya ia-accept? First of all, chix ba siya?


Anyway, he was here. Alam ko ang sadya niya. Malas lang niya dahil late na siya.


"Jillian is safe now," sabi ko para kumalma siya. 


Bumukas ang mga labi niya para magsalita. "Jillian was calling me nonstop. Hindi ko lang nasagot dahil naka-silent ang phone ko."


Nagtagis ang mga ngipin ko. Kusang na-transalate sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya to: Ako ang unang tinawagan niya at gusto niyang pumunta sa kanya, pero hindi ko lang nasagot, kaya ka nandito ngayon. Ikaw ang second choice.


Mabuti at nag-beep ang phone ko. Nawala ang atensyon ko rito. Nag-text sa akin si Michael Jonas Pangilinan o Miko. Nandoon na raw ang mga ito sa presinto. Pumunta rin daw doon ang kuya ni Jillian na si Jordan.


Paalis na ako nang sumunod si Harry. Kaasar pero isinama ko na lang din kasi parang naliligaw na tuta. Ayun, inangkas ko siya sa motor papunta sa kung saan naroon si Chung.


Pulis na may katungkulan ang nanay ni Miko, kaya napabilis ang proseso. Wala pa ang guardian ni Chung kaya nakapasok pa kami sa loob. Pinayagan kami ng bantay na pulis.


Si Jordan Moises Herrera na palaging tahimik at kalmado ay sinugod si Chung sa loob ng selda para banatan. Galit na galit ito, pulang-pula ang mukha hanggang leeg. Hindi ko inawat.


Hindi rin umawat iyong Harry. Madilim lang ang mga mata nito habang nakatingin sa nangyayari. Ang mga kamao nito ay mariing nakakuyom.


Walang naawa sa amin kahit pa mukha ng lamog na gulay na si Chung. Kung tutuusin, sa itsura nitong bugbog sarado, may sugat sa pisngi at ulo, ay dapat nasa ospital ito at wala sa presinto.


Pagdating ng pulis na bantay, pinaalis ko na iyong dalawa. Nagpaiwan ako. Kailangan may humarap kung sino ang gumulpi kay Wayne. Hindi puwede na si Jordan, kaya ako na lang. At least, parents ko e sanay nang siraulo ako.


"Alis na." Itinaas ko ang aking kamay at itinuro ang palabas ng istasyon. "Ako nang bahala rito."


Ayaw pa ng kuya ni Jillian. Nginisihan ko ito. Sa huli ay humawak ito sa aking balikat at tumango. Pagkaalis nito ay napailing na lang ako.


Iyong Harry naman, tumango rin sa akin. Ayaw kong makarinig ng pasasalamat mula rito kaya nauna na akong tumalikod. Pero narinig ko pa rin ang salitang mga binitiwan niya.


"Thank you for saving Jillian. I owe you, man."


Hindi ako nag-abala na lingunin siya. O kahit sagutin man lang ang pasasalamat niya.



....................................................WHAT WAS YOUR PLAN, JILLIAN?


Ilang araw na matapos iyong nangyari sa amin. Hindi ako matahimik, pero ang tanging magagawa ko lang ay ang maghintay sa kanya. Ayaw ko siyang pangunahan. Hinihintay ko kung ano ang plano niya.


Nag-aalala ako sa kanya kasi malamang hindi pa siya okay. Hindi ko naman magawang puntahan siya dahil baka magtaka ang parents niya. Walang nakakaalam sa involvement ko sa kanya, maliban sa kuya niya at sa ex niya. Sa tingin ko rin ay hindi niya gugustuhing pumunta ako sa kanila.


Lumipas ang isang linggo at ilan pang araw na wala siyang paramdam. Iyong tungkol sa nangyari sa pagitan namin ay wala rin siyang pinagsabihan. Ah, I got it. She wanted to keep it a secret.


Nakakahiya nga naman kung malalaman ng mga nakakakilala sa kanya at sa pamilya niya na na-involved siya sa katulad ko.


Kilala ko na talaga siya, kung ano iyong mga trip niya. Alam ko na rin na wala na sila ngayon sa Pascam. I heard it from my mom. Nakalipat na raw ang mga Herrera sa Tagaytay.


I got a text from that guy, Harry Caesar Aragon, the following day. He told me that Jillian was getting better. Na nagkabalikan na rin daw silang dalawa. Hindi ko naman tinatanong. 


Ni hindi ko rin alam kung saan nakuha ng lalaking ito ang number ko. Ipinagkibit-balikat ko na lang. Bahala sila, basta masaya sila. I just went on with my life after that. Tambay sa bahay, video games, pero wala nang tambay sa ibang lugar at inom ng alak.


Ewan ko, bigla na lang akong tinabangan. Ayaw ko na bigla sa lahat. Badtrip ako maghapon, magdamag. Ang gulo-gulo rin ng utak ko. Daig ko pa ang naka-drugs.


Natagpuan ko ang sarili na tambay na naman kina Sussie. Dito ako madalas isama ni Mommy. Boto si Mommy rito. Sakto pa, iniwan na ng syota nito si Sussie. And this was the girl I liked, should I pursue her now?


Pero sino ang babaeng magkakagusto sa isang lalaking patapon?


Goods lang talaga kasi kilala ako ng tatay ni Sussie. Magkaibigan ang parents namin. Pero hindi nababago na patapon pa rin ako. Siguro dapat ko na talagang ayusin ang buhay ko. Masaya sina Mommy na nakatapos ako ng high school, at mas mapapasaya ko sila kung pati college ay makapagtatapos ako.


Pero bago sana ang lahat, gusto ko munang makausap si Jillian. Gusto kong malaman kung talaga bang ekis na ako sa buhay niya. Kasi kahit umuusad na rin ako, willing akong huminto kung pahihintuin niya ako.


Kahit nagiging okay na ako kina Mommy at Daddy, nakapag-enroll na ako sa DLSU, at nakakasilip na ako ng pag-asa kay Sussie, kahit masakit sa dibdib, ititigil ko lahat. Hindi na ako mag-aaral kung papayag siyang panagutan ko siya. Kasi hindi naman ako gago para tumalikod sa taong inagrabyado ko.


But I had not heard anything from Jillian. She was so silent, and because I knew her, I knew what she wanted to convey through this silence. She was trying to get rid of me.


Kahit sabihin ko pa na kaya kong magbago, maghanap ng trabaho, para mapanagutan siya, hindi rin siguro uubra. Sino lang ba kasi para sa isang katulad niya? Hindi niya ako maipagmalalaki, baka makasira lang ako hindi lang sa kanya kundi pati sa pangalan ng pamilya niya.


..........................................................A FEW DAYS LATER, Jillian finally sent me a message. Kahit lasing ako, nawala bigla ang kalasingan ko. Napabangon ako sa kama para lang sagutin ang tawag niya.


She said that she wanted us to meet in the plaza of Malabon. Sabi niya ay manggagaling daw siya ng Pascam, pero alam ko namang hindi. That she was lying. They were already in Tagaytay, and he had no intention of telling me.


And that guy texted me again. He even called before I could leave. Parang nangangapa ito ng sasabihin sa akin. Ako na lang ang nagbanggit na magkikita nga kami ni Jillian. Alam daw nito. Ito pa nga raw ang maghahatid kay Jillian, pero hindi nga lang ito sasama hanggang sa plaza.


[ I didn't go with Jillian because she wants to speak with you alone, but I'm waiting for her here in Monterey. Pahatid na lang sa kanya sa sakayan ng jeep pagkatapos niyong mag-usap. ]


Hindi ko na nasagot pa ito. Dahil ano ba ang sasabihin ko? 'Okay', 'Sure', or 'thank you?'


Jillian was on her way here. Doon na natuon ang buong atensyon ko. I was going to see her again after almost a month. Naroon iyong excitement, pero nangingibabaw iyong kaba. Ramdam ko na kasi kung ano ang sunod na mangyayari.


Pagkakita ko pa lang sa kanya, gusto ko na siyang yakapin, kahit pabiro lang sana. But her expression was so serious. Kapansin-pansin din na para bang hindi siya mapakali. What? Nagsisisi na ba siya na nagkita pa kami?


Wala rin naman siyang gaanong sinabi. She just asked me about my plans. She just listened to everything I said. It was like she just wanted to make sure I was going to be okay.


Then I realized, ito na nga talaga iyon. She just met me to tie all the loose ends before she would start a brand new life.


A life without me.


The worthless idiot she used to fool around with.


At nang sumakay na siya sa jeep na sabi niya ay hanggang Pascam lang, kahit pa alam kong deretso na siya pabalik sa Tagaytay, na naroon si Harry sa Monterey at hinihintay siya, ay tahimik na tumango na lang ako.


Hindi na para kung ano pa ang sabihin ko. This girl had gone through a lot, and I didn't want to put another weight on her.


At sa pag-alis ng jeep na sinasakyan niya, alam ko na rin... iyon na ang huling beses na makikita ko pa siya...



................................................................MATAGAL AKONG TULALA SA PLAZA.


Tumataas na ang araw, umiinit na ang sikat sa balat, at dumarami na rin ang mga taong paroo't parito dito. Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako.


Nakaupo ako sa bakal na bench habang magkasalikop ang mga kamay at nakayuko. Ilang beses ko nang nabasa ang text mula sa Harry na iyon. Thanks, man. She's with me now.


Magkasama na sila. Jillian was with that guy and was sure to get home safely. So why I was still thinking about her?


Matigas talaga ang ulo ko. Alam ko na hindi na dapat, pero ayaw ko munang mag-isip ng dapat at hindi dapat. I took out my phone and tried to call her number, only to find it was unattended again. She turned off her phone again. Or maybe, she tossed away the sim card entirely.


Talagang tapo na. At napatunayan ko iyon nang i-check ko ang social media account niya. Deactivated pa rin kahit ang chat app. She really had no intention of looking back.


Gusto niya na talagang ibaon sa limot ang lahat.


................................................................TWO NIGHTS AND THREE DAYS. After meeting with Jillian in Malabon, hindi ako agad umuwi. Sa tropa ako sa Pascam bumagsak. Inuman lang hanggang hapon.


Kung saan-saan lang ako, kung di nakina Sussie, nasa tropa, o kaya nasa kalsada. Wala akong magawa. Lagi akong lutang. Malapit naman nang magpasukan, kaya sinulit ko na lang.


Gabi. Patakas ako para lumabas nang maulinigan na may kausap si Mommy sa phone. Nasa sala ito at nakatalikod sa gawi ko. "O saan ba kayo sa Tagaytay, Ethel?"


Kusa na lang huminto ang mga paa ko. Nang banggitin ni Mommy ang lugar, iyon na lang ang tanging mga salitang narinig ko. Lumabas ako ng bahay nang walang nakakaalam.


Kahit gabi na, kahit walang jacket at naka-shirt lang, minotor ko mag-isa ang papunta sa Tagaytay. Nagkaligaw-ligaw ako kakahanap sa subdivision. Dahil hindi ako papalagpasin ng guard kung walang contact sa kahit sinong homeowners, itinago ko ang aking motor sa likod ng puno. Sumampa ako sa bakod para makapasok.


Isang nagdya-jogging ng gabi ang nakasalubong ko. Nagpanggap ako na bagong lipat at naliligaw, itinanong ko kung saan banda iyong bagong gawang bahay na mga teacher ang may ari. Mabuti na lang at alam ng napagtanungan ko. Itinuro nito ang street.


Pagdating sa nasabing street, madali na lang para makita ang aking hinahanap. Bukana lang ay natanaw ko na ang bagong tayong bahay. Sakto sa aking pagtingala, dalawang lalaki ang lumabas mula sa terrace. Kahit madilim sa bandang kinaroroonan nila, kilala ko silang dalawa. Lalo na ang isa sa kanila.


Oh, nice. That guy was also here in Tagaytay. Ang convenient lang, ano? Ngayon ay magkalapit na sila ng tinitirahan. Surely Jillian was happy.


Kung magtatagal pa ako, baka may makakita pa sa akin dito. Magiging problema niya pa ako. The only thing I could do for her was to completely let her go, so she could begin a new life. A new and perfect life that someone like her truly deserved.


Umalis na ako sa kinatataguang poste at nakapamulsa na lumakas nang paalis. Nag-motor ako palayo sa subdivision na iyon. Bago umuwi sa Gentri ay dumaan pa ako sa Silang. May inuman doon ang tropa ng tropa.


Hindi na ako nakauwi pa pagkatapos dahil sa kalasingan. Isang text lang ang gumising sa akin kinabukasan. A text from Sussie, the girl who was just like me. Baka nga sa pagkakataong ito ay puwede na kami. Ah, right. Baka nga. Ngumiti na ako at bumangon para puntahan siya.



................................................................SIX YEARS.


Iyong Hugo na siraulo, siraulo pa rin naman pero di na gaanong ulol.


Iyong dati na kumbaga sa gutom na aso sa kalsada, kahit pa hindi masarap, basta lamang tiyan ay puwede na. Iyong kahit walang nararamdaman, okay lang basta may mapaglabasan ng init ng katawan. Wala na. I'd gotten off that path.


Hindi na ako sakit ng ulo nina Mommy at Daddy, at least hindi na katulad nang dati. Bina-badtrip ko pa rin sila from time to time, pero hindi na ganoon kalala.


I also finished college and passed the engineering board examination. I did all that while doing OJT at my father's construction company in Manila.



.............................................JILLIAN MAE HERRERA.


This was not the first time I had come across this account on social media while scrolling through my newsfeed. I'd been tempted to visit her account countless times, but my respect for her always won out.


Ilang taon din siyang nawala na parang layon talaga na magtago sa lahat, pero ngayon ay muling nagpakita. Gusto ko man siyang kumustahin, ay para saan pa ba? Baka nga hindi na ako nito kilala.


Another reason why I couldn't even visit the account was its profile photo. Isang lalaki na kahit matagal na ay namumukhaan ko. The guy he loved ever since, Harry Caesar Aragon.


Nice, right? Sila pa rin. Ang tibay lang.


I also heard from my friend, Carlyn, that the two were already engaged to be married. Jillian must be really happy being with the man of her dreams.


At least, masaya siya. Iyon lang naman ang mahalaga.



.................................................................. I THOUGHT I COULD ALSO BE HAPPY.


I really believed I could have a chance with Sussie. Kami lang ang natira sa isa't isa. Kahit sinabi nito nang ilang ulit na hanggang magkaibigan lang kami, at kahit pa hindi ko tuluyang tinatawid ang pagitan namin, I still hoped and dreamed to have a future with her.


But then Sussie's ex, Arkanghel Wolfgang, came back. Isang epal lang nito, nawalan na agad ako ng papel sa eksena.



....................................................................IT TOOK ME A YEAR BEFORE I TOTALLY MOVED ON.


I had no regrets loving Susana Alcaraz. Ito ang kasama ko sa mga panahong nag-iisa ako. Ako rin ang kasama nito noong mag-isa ito. Pero kung ano mang feelings ang meron noon, parte na lang iyon aming mga nakaraan ngayon.


We were now back on being friends. A genuine friendship. At sino ba ang mag-aakala, na ang ang asawa ni Sussie na si Arkanghel, magiging kaibigan ko rin pala sa huli?



............................................................................EVERYTHING IN MY LIFE WAS GOING WELL.


I was enjoying my job. Masarap na mahirap maging adult. Iba pala talaga kapag sariling pera mo na ang ginagastos mo. Ngayon ay may kaunting ipon at pundar na ako, and I couldn't be prouder of myself.


Ang dalawang kotse ko, fully paid na ang isa two years ago, at iyong luma noong college ay bagong gawa. Fully paid na rin ang condo ko sa QC last year, may bahay na ring naipagawa ngayong taon. Iyong katabing lote ng sa Ninang ko, nabili ko na rin. May utang pa ako sa bangko, pero ang importante, nababayaran ko.


Nagbago na rin pala ang ipinagbubunganga ni Mommy sa akin ngayon. Dati, ayaw nito na may nali-link sa aking babae, pero nitong nakaraan, halos ipagtulakan na ako nito na mambabae. Nasobrahan na raw kasi ako sa pagiging workaholic, at gusto na raw nito ng manugang at apo.


I was only twenty nine. Hindi ako pressured na magkaroon ng babae sa buhay ko dahil hindi naman ako nagmamadali.


Hindi naman nakamamatay ang mag-isa.


Sa condo lang ako pag walang trabaho. I had prefer to stay at home than to go out. Girls, parties, and even alcohol had become tiresome to me now. Siguro ay dumarating lang talaga ang mga tao sa punto ng buhay na pagsawaan ang mga dating kinasanayan.


.......................................................................REALLY, I WAS FINE LIVING MY LIFE... until I saw that kid in the men's restroom.


I was from my newly built house in Tagaytay. Dumaan lang ako para i-check, ngayong taon ay ginagawa ko every once a month. Pauwi na ako sa condo ko sa Manila nang maisipan ko na dumaan ng SM Dasma.


May titingnan lang ako na video card. Bago bumalik sa parking lot ay na-jingle ako. Sa restroom ay walang katao-tao maliban sa akin, nang biglang may pumasok na isang batang lalaki.


Matangkad ang bata, nakasuot ng specs, parang may lahi dahil sa kulay ng mga mata. Sa tantiya ko ay nasa sampung taon ang edad. Kung mas bata pa roon ay baka dahil sa malaking bulas nga. Pero para nga yatang mas bata pa.


Nagkasabay kami sa urinal. Mababa lang ang partition kaya siguro napatingin ang bata sa akin. I couldn't help but grinned. Kitang-kita kasi sa inosenteng mukha nito ang amazement habang nakatingin sa akin.


I looked at 'his' too. Okay naman para sa edad ng bata. Pero kung ikukumpara sa akin, sisiw pa iyong ano nito.


Napaangat ang mukha nito sa akin nang marinig ang mahinang tawa ko. "W-what are you laughing at, sir?"


I didn't know what had gotten into me. I was so amused to see the annoyance in the boy's copper-brown eyes. He reminded me of someone I knew from the past.


Ah, that woman. Sumagi na naman siya sa isip ko. Kumusta na kaya siya ngayon? Kasal na siguro. May anak na siguro. At kung lalaki ang anak niya, siguro ay itong batang ito ang kamukha...


"Sir?" untag ng bata sa aking sandali pagkakatulala sa kanyang little thing.


Ah, oo nga pala, he was asking me what I was laughing at. I bent down to level my face to his. "I laughed because you have a small dick."


Napanganga ito sa gulat at pagkatapos ay lalong sumimangot.


Ang ngisi ko ay unti-unting naglaho habang nakatingin sa mukha nito. Ngayon na mas natitigan ko ito ay may napagtanto ako. Wait, this kid definitely looked like me! What the heck?!


It was like I was looking at a child version of myself. Akong ako ito. Except for the color of the eyes. Hanggang sa tumalikod na ito ay nakahabol ako ng tingin. Tigagal ako na parang tinamaan ng masamang hangin.


Sa huli ay napailing. I wanted to laugh at myself for even considering such a thing. At kung sakali nga, sino naman kaya ang naanakan ko?



............................................................"MOMMY, THERE'S A GUY INSIDE!"


Paglabas ko ng restroom ay nasa labas pa ang bata. Walang ibang tao sa hallway kundi ito at ang mga magulang yata nito. Narinig ko itong nagsusumbong sa mommy nito.


"That guy said that I have a small dick! I just happened to glance at his dick while peeing. I was amazed because he got a massive one. He looked at mine too and then he laughed."


Ang babae ay bata pa, siguro nasa mid twenties. Ang maamo nitong mukha ay dumilim pagkarinig sa sumbong ng bata. And then I heard her soft voice that sounded very familiar, "Who the hell is that guy and how dare him insult my son?!"


Pagtingin ng babae sa akin ay sandali akong napatitig sa kanya. She was also examining me. Mula ulo hanggang paa at pabalik ulit sa ulo.


Ako naman ay napangisi nang makasigurado. "Herrera."


Right, this woman was the ever beautiful Jillian Mae Herrera. Ang pagkatulala ng babae ay lumala. Para siyang nakakita ng multo sa katauhan ko. A ghost that she never wanted to see ever again.


Napakurap siya nang magsalita ulit ang bata. "Mommy, he's the crazy guy with a massive dick!"


Saka ko na-realize ang sitwasyon at kung ano ang tawag ng bata sa kanya. "He's your kid?"


May anak na nga siya? At itong batang ito ang anak niya?! Pero iyong bata, naglalaro ang edad sa walo o siyam. Ang utak ko ay kusang nagkalkula kung kailan ito ginawa.


Tumiim ang bagang ko. Hindi na kailangang magbilang. Ang mukha lang ng bata ay sapat na. Rumaragasa ang mga reyalisasyon kasabay ng sari-saring emosyon. I knew that Jillian hated me back then and it was not surprising that she still hated me now. But how could she do this to me?!


Daig ko pa ang tinadyakan sa dibdib. Fuck, pakiramdam ko ay ninakawan ako ng malaking bahagi ng aking pagkatao!


"Our kid," malamig naman ang boses na sabat ng lalaking katabi niya. Doon ko lang din ito napansin. Ah, this guy again. Harry Caesar Aragon.


This motherfucker. How dare he steal from me? How dare he steal what was mine? How dare he claim my family as his?!


Bago sila tumalikod sa akin ay nagtama pa ang mga mata namin ni Jillian. And you, Jillian. For all these years, how could you hide my own blood and flesh?!


.................................................................SEVEN DAYS.

One week. One week na buhay na buhay ang dugo ko. Si Jillian talaga iyon. Si Jillian iyon.


It had been a long time. Actually, much too long. She got fiercer now. Siguro dahil sa mga taong lumipas.


And we had a child. A child that she chose to hide from me, na kung hindi ko pa nakita, hindi ko pa matutuklasang nag-e-exist pala. All this time, wala akong kaalam-alam! Ganoon pa rin ba talaga kaliit ang tingin niya sa akin? Para hanggang ngayon ay ipagkait niya ang anak namin?!


Natigil ako sa pagpapalakad-lakad nang mag-ring ang phone ko. Sa wakas, matapos kong ilang araw na paulanan ng text message si Carlyn, ay sumuko na ito. Ito ang tumatawag ngayon sa akin. Agad ko itong sinagot.


[ Itlog, engaged na 'yong tao. Pero kung tungkol lang naman sa anak niyo, pwede naman siguro kayong magusap. Pero dumeretso ka na, 'wag na dumaan sa akin. Ayaw ko makialam sa desisyon ni Jillian. ]


"What? She was still engaged? Akala ko kasal na sila? Ilang taon na, ah?"


[ Ewan sa trip nila. Kanya-kanyang trip lang naman y'an. ]


Naibaba ko na ang phone pero tigagal pa rin ako. Jillian was still not married to that guys... Kung ganoon, kanino nakapangalan ang bata?


Sumunod na hinagilap ko sa phone ang number ng aking dating tropa. Pulis Manila na ito ngayon. Si Bimbo Zaragosa.


[ Hugo boy, anong atin? ] agad na tanong nito.


"Do you still remember Dessy Paredes?" tanong ko rito. Sa nakita kong post ng kapatid ni Bimbo last year lang ay naging girlfriend nito ang vlogger na si Dessy. That woman was Jillian's best friend, na palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon kung paano nangyari.


Humingi ako ng kahit anong impormasyon kay Bimbo. Nagtagal din ang kapatid nito at si Dessy, dahil sa kapatid ni Bimbo nakakahiram ng mga gamit pang-vlog si Dessy noong nag-uumpisa pa lang ang babae sa vlogging.


[ Ah, iyon nga, Hugo boy. Nabanggit nga sa akin ng kapatid ko, lagi raw kinukuwento ni Dessy si Pres sa kanya. Hindi ko naman masabi sa 'yo, kasi syempre baka wala ka naman ng paki. Ang tagal na noong huli kayong magkita. ]


"Anong kuwento?" Kung tunog sabik man ang tono ko ay hindi ko na inintindi.


"Iyon nga, boy, si Pres lang daw ang may gusto na ma-engage doon sa fiancé nito. Si Pres daw ang naghahabol doon sa lalaki. Ayoko ngang maniwala, kasi di naman ganoon si Pres, di ba?"


I didn't want to believe it either. Kahit gaano kamahal ni Jillian ang Harry na iyon, hindi siya magpapakababa nang ganoon. Pero bakit pumayag siya na pahabain nang ganito katagal ang engagement nila?


[ Ito pa, Hugo boy, di raw gusto si Pres nong nanay ng lalaki. Palagi raw inaapi. Ang chismis pa ni Donya Dessy, wala raw magawa iyong lalaki. Kawawa lang tuloy si Pres ngayon. ]


After my conversation with Bimbo I opened the internet to look for an account. For the first time, I tapped on it. Ang kaso, tama ako na naka-lock nga iyon. Kahit ang cover photo ay hindi ko rin makikita nang buo. 


I searched for another account. Ang profile photo ay isang babaeng may kulay tansong mga mata. Kung ang kaninong account ay lalaki ang profile, ito naman ay babae. Ang account na pag-aari ni Harry Caesar Aragon. Fortunately, although the wall was private, it was not locked.


No posts could be seen but past profile photos were visible to the public. Iilan lang iyon kaya madaling isa-isahin. May isang lumang photo ng bata itong ginamit. My grip on the phone tightened. The child was probably five years old here. It was Jillian's kid. Our kid.


Matapos kong i-saved ang photo ay tiningnan ko ang comment section.


Sa comment section ay mababasa ang ilang komento ng iilang accounts. Pero hindi lahat ay positibo. Isang account na kaapelyido ng lalaki ang naka-tag sa isang tanong na: "Eva, may apo ka na pala kay Harry!"


And that Eva's answer to the question annoyed the hell out of me: "No. Why would I have a grandchild? I haven't even given my son permission to marry!"


Walang reaksyon sa naturang comments, but it was likely that many people had already read it, it was also likely that even Jillian's parents or Jillian herself had read it. And to think that this bastard didn't even delete his mother's comment.


Nagpalit na ang lalaki ng profile photo. Isang araw lang nito ginamit ang photo ng bata. Ang sumunod ay photo na ni Jillian. At iyon na ang gamit nito hanggang ngayon.


I finished looking at the man's account and still couldn't get rid of the anger in my chest. He already had Jillian, what else was he waiting for?! 


Nagsalin ako ng panibagong alak sa shot glass. Ngayon na lang ulit ako uminom. Kung hindi ako iinom, kung hindi ako malalasing, ay baka kung saan ako makarating. Kailangan kong mag-isip, pag-isipan nang mabuti ang susunod na mga hakbang.


Jillian was only nineteen when she got pregnant. Walang may alam, kahit si Mommy o mga co-teachers ni Mrs. Ethelinda Herrera. Itinago nang mabuti ng pamilya nila. Kahit social medias, wala sila. At nagbalik si Jillian sa pag-aaral pagkatapos manganak.


It had been a year when I tried to call Jillian's number again, it was still unattended. May pagkakataong nakakasalubong ko noon si Harry sa La Salle, maraming ulit na ginusto ko itong tanungin, pero umiiwas ito sa akin.


One time, I saw the man talking on the phone, he was calling her name, telling her how much he loved and missed her. Doon ako ulit nagising. Masaya na siya. Masaya na sila para akin pang guluhin.


Dumiin ang hawak ko sa shot glass. Kalahati na lang ang laman ng bote ng alak na nasa tabi ko. 'All this time, I really thought you were happy. How could you lie to me?'


Hindi ako puwedeng magkamali at magsayang ng sandali. Tinungga ko ang tirang laman ng shot glass, at pagkuwan ay nilaklak nang deretso ang tirang alak sa bote.


'Jillian Mae Herrera, there was a reason why we met again.'



...................................................................SHE WAS STILL ENGAGED.


I should back out. Tarantado man ako, pero patas naman akong lumaban. Kung masaya si Jillian, hindi ako makikialam. Pero hindi naman ganoon ang nangyayari. She was not happy at all.


Paano ako magpaparaya ngayong mas marami pa akong nalaman tungkol sa kanya? Kung paano siya nahihirapan, paano siya parang tumutulay sa alambreng may apoy dahil sa panghuhusga at masasakit na salita ng tita niya, at kung paano siya nagsisikap nang mag-isa dahil sa hiya sa mga magulang niya.


Jillian deserved more. Kaya nga ako bumitiw, kasi alam kong hindi ako iyong makakaabot ng kung ano ang deserve niya. Kaya kahit palagi siyang sumasagi sa isip ko, pilit kong iniignora. Kasi ang buong akala ko, okay siya. Pero hindi pala.


Many realizations came to me now that I saw Jillian again. First I missed her so much. I really thought I was able to fulfill her wish to forget about her but to no avail.


Napatunayan ko iyon nang makita ko siya ulit sa SM Dasma. Kung wala sa isip ko na kasal na siya at may asawa, gusto ko siyang yakapin nang mahigpit sana.


Pangalawa, iyong nararamdaman ko noon sa kanya na hindi ko maintindihan at pilit kong pinipigilan, ngayon ay parang multo ako na pinaghihigantihan.


Bakit ba ako naduwag noon na lumaban? Kahit wala akong pag-asa, sana inilaban ko. Sana rin, kahit magalit pa siya at isumpa ako, sana noong huling pagkikita namin ay inuwi ko na siya sa amin sa Buenavista.


But what had happened in the past could no longer be undone. Nangyari na ang mga nangyari. Pero sa kasalukuyan ay may magagawa pa para makabawi.


Tinigasan ko ang aking mukha. I offered her marriage. Hindi lang kasal, kundi buong pamilya para sa anak namin. Iyon ang dahilan ko, pero mas malalim pa talaga roon ang totoo. I wanted to be with them. To be with her.


I wanted to make it up to Jillian for enduring everything alone until now. Gusto kong ibigay iyong mga akala kong ibibigay ni Harry sa kanya. Gusto kong bumawi... if she would only allow me... Babawi ako sa lahat-lahat.



............................................................................IDINAAN KO SA BILIS.


Dati, pinipigilan ko ang aking sarili, kasi alam kong hindi ako iyong para sa kanya. Pero ngayon, ako man o hindi, ipipilit ko na. Kahit wala kaming anak, hahabulin ko pa rin siya. 


Ngayon nag-sink in sa akin kung bakit mag-isa ako. Dahil merong siya. Dahil babalik siya. At ngayon, hindi ko na siya pakakawalan pa. Kahit maglupasay pa siya.


I did everything to make Jillian feel that if she would marry me, she would have everything she needed. I wanted her to not regret choosing me and giving me a chance to make her happy.


And I was over the moon when she finally said yes.



....................................................................SUMUSUGAL AKO.


Sinusugal ko na naman ang puso ko. Sa pagkakataong ito, pinusta ko lahat. Wala akong itira sa akin. Kumbaga sa gera, patay kung patay.


Nang kasal naming dalawa, ilang beses ko siyang nakitang sumusulyap kay Sussie. Naririto ito dahil kaibigan ko ang babae. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Jillian. Maliban sa pagtingin-tingin niya, wala naman akong napansin pa sa kanya na kakaiba. Hanggang sa matapos ang kasal at tumuloy na kami sa hotel kung saan ang honeymoon namin. 


That next day, I saw Jillian holding Sussie's wedding gift for us. Nabuksan ko iyon kanina. Isa sa mga maliliit na regalo na nailagay ni Mommy sa aking duffle bag.


Nauna iyong ibigay ni Sussie nang magpunta silang pamilya sa amin. Yeah, I talked to Sussie. I told her that I was genuinely happy and that I had a child. Masaya naman ito para sa akin. Doon natapos ang pag-uusap namin.


When Jillian showed it to me, I didn't know what to say to her. For the first time in my life, I was daunted, fearing how she would react to it.


Pero mukhang hindi naman siya apektado. Masaya pa siya na ibinibigay sa akin ang isa sa pares ng couple's watch na regalo ni Sussie. Parang wala lang. Kahit pa alam niya kung paano ko noon hinabol si Sussie.

Ni hindi rin siya nagtataka kung bakit sa dami ng regalo sa kasal namin ay iyon ang nakita niya na binuksan ko rito sa hotel. I should be happy because my wife was not mad about the gift, but I felt the opossite. Hindi ko alam, bigla akong naasar.


Alam kong masyado pang maaga para mag-expect, pero hindi ko lang talaga maiwasan. At noong gabing may mangyari ulit sa amin, I heard her utter something that made my heart skip a beat... "I love you"


I might be drowned with too much happiness at this moment, but I was still aware of the reality. Those three words were not really meant for me...



....................................................................................BACK TO WORK. After our stay at the hotel, nagkaroon ng problema sa kompanya ni Daddy. I needed to go back to Manila. Ilang linggo na rin akong absent dahil halos a Tagaytay na ako tumira.


Naisip ko rin si Jillian na hindi sanay na mawalay nang matagal kay Hyde. Iniuwi ko na siya sa bahay namin. I just made sure they were okay before I leave them. Na komportable sila ni Hyde, may helper, at hindi nagkukulang sa kahit ano man. Iyon lang naman kasi ang akala kong mahalaga, ang ma-provide ko ang mga pangangailangan nila.



.....................................................................GUSTO KO NANG HILAIN ANG ARAW.


I was always looking at my phone. Should I text Jillian? Hindi kaya busy siya? 


And what should I tell her? Kasal naman na kami, kaya baka mainis lang siya kung kukulitin ko pa siya. Ah, siguro mayamaya na lang.


Napasubsob ako sa aking desk. Damn! Ngayon pa talaga ako nagkaganito?!


Dinampot ko ang phone nang hindi na talaga makatiis. There's only one topic that I knew would not irritate Jillian. I would ask her about our son. Yeah, tama. Tatanungin ko kung kumusta na ang bata. Gusto ko rin naman talagang malaman.


And voila! Nag-reply agad siya!


Mula noon, naging normal na ang palitan namin ng text messages ni Jillian. Ganado siyang sumagot basta tungkol kay Hyde. Okay na rin sa akin. Nakakausap ko na siya, nakakabalita pa ako sa anak namin.



..................................................................LINGERIE.


A first family night. Ngayong gabi ay nagyaya si Hyde na matulog kami nang sama-sama sa unang pagkakataon, and who was I to say no? Hindi naman siguro magagalit si Jillian kung makikita nito ako sa kama since dito rin naman talaga ako matutulog, di ba?


Magkatabi kami ni Hyde sa kama sa master's nang lumabas si Jillian mula sa bathroom. God knows kung paano ako nagpigil na 'wag mag-react. But, damn! Why was Jillian wearing lingerie?! And a sexy lingerie at that!


Hindi lang ako makapaniwala na ganoon pala ang trip niyang pantulog!


Ngayon, ang tanong ay paano naman ako nito makakatulog?!


Kahit si Jillian ay nagulat nang makita ako na nakatingin sa kanya. Para siyang nagising bigla na may asawa na siya. Hindi niya rin yata inaasahan na dito nga ako matutulog sa master bedroom. Akala niya ba ay doon ako sa kuwarto ni Hyde matutulog ngayon?


"Ah, mainit kasi." Hindi siya makatingin sa akin, tila nahihiya. Bumalik na siya sa agad sa bathroom.


But why was she acting like that? We shared a lot of intimate moments already.


"Daddy, what are you thinking?"


Pasimple ko namang tinakip ang unan sa aking kandungan bago hinarap ang bata. "Nothing. I just think that your mom is really beautiful."


"She really is!" proud namang sagot nito.


Nag-apir kaming mag-ama. "Mana ka talaga sa akin, marunong tumingin ng maganda!"


Nakatulog na si Hyde habang halos nakadagan na sa akin, pero ako ay tulala pa rin sa kisame. What taking Jillian so long in the bathroom?


Mag-iisang oras na. Alam ko dahil inorasan ko siya. At mukhang wala na siyang balak umalis doon. Gusto ko na siyang katukin pero nang kumilos ako ay lalong dumantay si Hyde sa akin.


Nang bumukas ang pinto ay hindi ko alam kung bakit biglang pumikit ako. And I was glad that I did. Ilang minuto ang lumipas, sumilip lang siguro si Jillian. Para bang inalam niya kung tulog na ba kami, particularly me. And when she saw that I was already asleep, that was when she came out of the bathroom.


Naramdaman ko na lang ang paghiga niya sa kabilang dako ng kama. At noong dumilat na ako, nakatalikod na siya sa gawi ko.



.......................................................................I WAS ALWAYS EXCITED TO GO HOME. I enjoyed every second I spent with my little family. Bumabawi ako sa mga oras na wala ako, lalo na kay Hyde. Gusto kong makabawi sa anak ko.


Ang hirap lang kumilos at magpanggap na cool lang ang lahat. Maraming pagkakataon kasi na hindi alam ni Jillian, na nahuhuli ko ang mga pailalim na tingin niya.


Iyong tingin na parang nananantiya, 'tapos kapag tumitingin din ako, para siyang napapaso bigla. Kung ngayon siya natauhan, pwes huli na para magsisi pa siya.


There were times when I really wanted to confront my wife. Pero umaatras din ako. As much as possible, I didn't want to disturb her. Masyado na siyang nabigla sa bilis ng mga pangyayari, kaya ngayong mag-asawa na kami, gusto ko muna siyang makapag-adjust.


I missed her but I didn't want her to think that all I was after was the pleasure we could share. Because it was more than that...



......................................................................WHAT WAS HAPPENING?


Why, instead of Jillian being happy that I was doing everything for our son, she seemed to be drifting away from me?


When we talked, it was always about Hyde, as if she was reminding me why we were married in the first place.


Sinasakyan ko na lang. Gusto ko rin namang palaging pinag-uusapan ang bata. Kapag usaping tungkol dito, kahit gaano kaimportanteng bagay ang aking ginagawa, ihinihinto ko. Walang mas mahalaga sa anak namin at sa kanya.


I was doing this not only because I wanted to earn points from my wife, but also because I loved Hyde so much. I really wanted to make up for all the lost years...



..................................................................MY WIFE WAS JEALOUS OF SUSSIE.


Nagsimula ang pag-aaway namin nang makita niya ang mga photos namin ni Sussie. Mga photos na hindi ko alam na nandito pa pala. Nasama pala sa mga naiwan kong lumang gamit noong ginagawa ang bahay na ito.


Dito rin kasi ipinadala lahat ni Mommy ang mga gamit ko mula sa bahay namin sa Buenavista. Nasama roon. I thought my caretaker had already take care of my old things, so I was stunned to see Jillian holding that box.


Nang makita ko iyong mga photos, nag-panic agad ako at inagaw iyon sa kanya. Ayaw ko sanang makita niya ang mga iyon dahil baka kung ano ang kanyang isipin, kaya lang huli na. Nakita niya na.


Inaagaw ko sa kanya para ilayo iyong mga photos, pero napikon ako dahil pagpipilit niya na mahal ko pa rin daw si Sussie hanggang ngayon.


I admit, yeah, I got pissed. Lahat ng tao ay hindi naniniwala na okay na ako ngayon, at kasama rin pala siya sa mga taong iyon. Seriously? Hindi ba ako puwedeng mag-move on?!


Hindi ko alam kung saan ilalagay ang mga photos pagkatapos. Ayaw ko namang itapon. O sana nga ay itinapon ko na lang pala, dahil nakita ulit ni Jillian. But the last time na mahawakan ko iyon, sinunog ko na. Para lang sa kapayapaan ng loob ng asawa ko. Kahit baka doon lang, paniwalaan niya ako. At maging okay ulit ang pamilya namin.


But sadly, that didn't happen.



.................................................................."HUGO, AYOKO NA."


Parang bomba iyong pinasabog niya sa harapan ko nang bitiwan niya ang mga salita. I was speechless that I could not get angry.


Ginawa ko naman lahat pero bakit kulang pa rin?



............................................................WAS THIS KARMA?


Kinakarma ba ako sa lahat ng mga dating kagaguhan ko?


Para akong siningil nang isang bagsakan. Sumunod pang nangyari ay iyong tungkol sa anak namin. Hyde suffered the same thing that I suffered from the past. The same fucking trauma! Goddamn it!


Natanong ko na naman ang aking sarili kung ano pa ba ang aking kasalanan na hindi ko pa napagbabayaran?



............................................................I WAS NEARING MY LIMIT.


There were several instances when I wanted togive up, but I knew I couldn't. Gusto ko nang mag-breakdown, pero hindi puwede. Ako iyong haligi ng tahanan namin, hindi ako puwedeng mahina. Kahit putangina, nagpatong-patong na ang problema.


Ayaw ko silang pakawalan. Dapat dito lang sila sa poder ko, para maproteksyunan ko sila, para mabantayan. Pero sa huli, ang desisyon pa rin ni Jillian ang nangyari. She still left me.


Jillian left me but that didn't mean that we were over. Of course, ako si Hugo, matigas ang mukha at bungo ko. And she knew that. Kahit saan siya pumunta, susundan ko siya.


Susundan ko sila kahit hanggang sa dulo ng mundo. Dahil pamilya ko sila. Lalo ngayon, buntis ulit si Jillian. Magkakaanak na ulit kami. Tangina, lalong di ko siya tatantanan.


Humingi siya ng space, ibinigay ko kasikailangan niya. Pero hindi iyon mangangahulugan na ayawan na. Space lang.Nagtiis ako ng ilang linggo at halos buwan hanggang sa nalaman ko na safe nasila ni baby. Puwede nang ma-stress ulit.


Right then, I started to show myself again. Paunti-unti sa simula hanggang sa tuluyan na siyang masanay ulit, dahil this time, mas lalo ko pa siyang kukulitin, hanggang sa mapikon na siya at magdesisyon na bumalik ulit sa akin.


And when she did, I was beyond happy. Finally, my family came back to me.


...............................................................PREGNANT JILLIAN.


My lovely pregnant wife was looking at my phone. Nakatingin sa mga photos na naroon. Mga photos ng kasal namin na palagi kong tinitingnan kapag mag-isa ako sa aking condo sa Manila.


Gulat na gulat pa siya noong una niya iyong makita. Hindi raw siya makapaniwala na nakuhanan ko siya ng photos noon kahit sa lahat ng oras ay magkasama kaming dalawa.


The reason why I gave her my phone was for her to check it herself. I wanted her to know that I was not hiding anything from her. Kahit siya pa ang humawak niyon palagi, walang magiging problema sa akin.


Sinabi ko rin na burahin niya ang lahat ng contacts o mga apps sa aking phone, pero umiling siya. Wala raw siyang balak gawin iyon. Mas interesado siyang tingnan ang mga stolen photos na kinuha ko sa kanya sa kasal namin. Wala e, gandang-ganda ako niyon sa kanya.


Inagaw ko na sa kanya ang phone. "Time is up, buntis."


Nakalabi siyang tumingala sa akin. Araw-araw niya na lang kasing tinitingnan iyong mga photos niya sa phone ko, hindi na siya nagsawa. Sabagay, kahit ako ay hindi rin nagsasawa na tingnan ang mga iyon.


"Hugo..." Yumakap ang mga braso niya sa akin.


"Hmn?"


Ngumisi siya. "Tulog na si Hyde."


Tabi-tabi pa rin kami sa malaking kama sa master bedroom gabi-gabi. Pero madalas kapag tulog na ang bata ay sumasalisi kami.


Kinuha ko ang kamay ni Jillian at hinila na siya papunta sa kabilang kuwarto—sa guestroom kung saan ginawa niyang hideout noong inis siya sa akin.


Pagpasok na pagpasok pa lang namin at pagka-lock ko pa lang ng pinto ay tumingkayad na agad siya. Yumuko naman ako agad para salubungin ang mga labi niya. Palaging sabik si buntis. Hindi niya raw kasi ako napaglihian noon kay Hyde, kaya babawi siya ngayon.


Bumagsak sa sahig ang mga damit namin. Sobrang ingat ko sa paghawak kay Jillian. Kahit nasa limit na ang gigil ko, nagtitimpi ako. Ang laki-laki na kasi talaga ng tiyan niya.


And when I reached the zenith, I was almost breathless in delight.


"Hugo, ang sarap..."


I smiled as I looked at her lovely face. "You used to keep everything to yourself so no one knows what you're thinking."


Ngumiti na rin siya habang namumungay ang kulay tansong mga mata. Isa sa mga bagay na nagbago sa kanya, hindi niya na ngayon sinasarili ang nararamdaman. Sinasabi niya na agad kung masaya siya o may hindi nagustuhan.


Kahit pa nga kapag nasasarapan siya, sinasabi niya na. Katulad ngayon, binilang ko. Twenty times niyang sinabi kung gaano kasarap. Syempre, proud hubby here.


I placed a kiss on her forehead. "It's okay to go slow, Jillian. We have a lifetime ahead of us. Kahit paunti-unti lang, hihintayin kita..."


Nakangiti siya nang haplusin ang aking pisngi. And then she said something that made me want to thank God for this wonderful life.


"Hugo, I want to be the one who will take care of you and bring you nothing but happiness..."



..................................................................HER TUMMY WAS NOW SO BIG.


Ganito pala iyon? Hindi ko kasi nakita noong ipinagbubuntis niya si Hyde. Ngayon ko lang nakita kung ano ang itsura niya sa personal habang nagbubuntis. Sobrang ganda niya pala. She looked like a fairy who swallowed a whole watermelon.


Hirap siyang tumayo dahil sa bigat ng tiyan niya. Hindi rin siya makayuko. Palaging masakit ang balakang niya. Palagi siyang inaantok, uhaw, naiihi.


Sa mga pagkakataon na nahihirapan siya ay gusto kong upakan ang aking sarili. Naiisip ko kasi iyong mga panahon na ganito siya kay Hyde pero wala ako.


"Hugo..." Mula sa likuran ko ay yumakap siya. "Pinagtitimpla kita ng gatas ko, pero mag-iisang oras ka na rito."


Pasimple akong nagpunas ng mga mata bago lumingon sa kanya. "Bakit ka bumaba sa hagdan? Paano kung matalisod ka?"


"E bakit muna ang tagal mo rito?" nanunukso ang ngiti na tanong niya. "Siguro nag-senti ka naman, Daddy."


Sa huling salita na sinabi niya ay napayuko ako habang pigil ang ngiti. Damn, she was really cute when she was calling me 'daddy'.


Hinawakan niya ang aking pisngi at tumingkayad para halikan ako nang mabilis sa mga labi.


"Jillian..." Nakayuko ako ngayon sa kanya habang magkadikit ang aming mga noo. "I'm sorry for not being with you during your hard times."


She smiled after kissing my lips once again. "You already made up for it..."



....................................................................JILLIAN WAS NOW GIVING BIRTH TO OUR SECOND SON.


Nasa loob ako ng labor room. Hindi ko siya binibitiwan. Ayaw ko pang lumabas kahit tuturukan na raw siya ng karayom. "Daddy, labas na po," pakiusap ng isang nurse sa kanya. "Papasok na po si Doc. Kagagalitan po tayo."


Nakayuko ako kay Jillian habang hawak-hawak ang kamay niya. Hinaplos ng isang palad niya ang pisngi ko habang nangingiti siya. "Why are you still handsome even when you cry?"


Sinamaan ko siya ng tingin. "You shouldn't make my heart flutter at times like this, woman."


Kahit pawisan ay napahagikhik siya.


Nang pumasok na ang doktor ay doon na ako napilitang lumabas. CS ulit si Jillian kaya abot-abot ang kaba ko. Ayaw ko pa siyang bitiwan pero mas maghihirap pa siya sa loob kung magtatagal pa ako.


"Hugo Emmanuel, kumalma ka!" sigaw ni Mommy sa akin dahil nakailang beses na ako sa paroo't parito na paglalakad. Lahat ng nurse at doktor na dumaraan sa hallway ng ospital ay hinaharang ko para kumustahin si Jillian.


Si Mommy ay sinasaway ako pero ito rin naman ay hindi mapakali. Kasabay ko pa nga ito sa pagpapalakad-lakad. Ang sumasaway naman dito ay sina Daddy at mommy ni Jillian na si Mommy Ethel. Pero mga kabado rin naman ang mukha ng mga ito.


Madaling araw nang pumutok kanina ang waterbag ni Jillian. Hindi ko alam ang gagawin kahit pa isang buwan na akong nagpa-practice kung paano siya kakargahin, dadalhin sa kotse, at kung sino-sino ang mga tatawagan ko sa phone.


Lahat ng pinag-practice-an ko ay aking nakalimutan sa isang iglap. Isang hiyaw niya lang ay kandadulas-dulas ako sa hagdan dahil sa niyerbiyos.


Kung hindi pa ako inalalayan ni Hyde ay baka hindi na ako nakabangon para puntahan ang mommy nito. Mabuti na lang din at tinawagan nito ang Tito Jordan nito.


Ang bayaw ko ang nagdala kay Jillian sa opistal, habang ako ay tigagal pa rin, at ni hindi magawang mag-drive man lang. Natauhan lang ako dahil sa sapak sa akin ni Carlyn.


Nang lumabas ang doktor na nagpaanak kay Jillian, at sabihing success ang delivery ay saka lang ako nakahinga. She was safe. Padausdos ako na napaupo sa lapag. Our baby was safe, too. Naiiyak ako sa mga palad habang umuusal ng pasasalamat.


.........................................................KAI ALAIN HERRERA AGUILAR, our second son.


Karga-karga ko ang munting sanggol at parang ayaw ko na itong bitiwan. Ang tambok ng mamula-mula nitong pisngi, ang tulis ng ilong, ang pula ng mga labi. Ang lambot-lambot ng balat, and he was so tiny. So precious.


"Tahan na, Daddy," malambing na sabi ni Jillian. Nasa hospital bed siya. "Kagabi ka pa umiiyak."


I sat on the edge of the hospital bed while still carrying our baby. Inabot niya naman ako para punasan ng kanyang malambot na mga palad ang mga luha sa aking pisngi. Ewan ko ba kasi kung bakit hindi maampat-ampat.


"Mommy, ganito rin ba si Hyde noon?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan niya pa rin ako ng luha. "Ganito rin kaliit? Iyong mga daliri, ang liliit na parang matatanggal agad kapag hinila mo. Saka iyong mukha, malaki pa kamao ko."


"Yes, Daddy." Hinawakan niya ang maliit na kamay ng baby namin. "And you know what? Kamukhang-kamukha mo rin."


Ang munting bibig ng sanggol ay naghanap sa ere. Ibinigay ko na ito kay Jillian dahil mukhang siya ang hinahanap nito. Pinadede niya ang baby na parang ilang taong ginutom kung makasipsip. So adorable.


Nang mag-angat si Jillian ng mga mata sa akin ay ngumiti siya. "Naiinggit ka ba kay baby?"


Napangiti na rin ako kahit may luha pa sa mga mata. "Jillian, thank you..."


"Hugo..." Natulala siya sa akin.


"I will not get tired of thanking you." Garalgal ang boses ko, tumutulo ang luha ko, pero wala akong pakialam. "Thank you so much for taking me back... For this chance... For letting me experience this joy of being your husband and a father to our beautiful children... Thank you, thank you, Jillian...."


Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Ipinapangako ko na hindi ako gagawa ng kahit anong ikasasama ng loob niya.


Hinawakan ko ang isang kamay niya na nakahawak kay Baby Kai. "If you still want me to prove my feelings to you, even if I need to prove it over and over again, I'll gladly do it."


Namasa na rin ang mga mata niya.


"Jillian, stay with me, but if I do anything that you think is inappropriate, or if I annoy you even one time, then abandon me."


"All right, Hugo Emmanuel. I'll take note of that. But I don't think I can abandon you. Aba, malaki na rin ang hirap ko sa 'yo." Ngumisi siya habang luhaan na rin. "Siguro itatali na lang kita lalo sa akin bilang parusa mo. Kaya tahan na, ha? Baka magtaka si baby kung bakit iyak ka nang iyak."


Ako naman ang nagpunas ngayon ng mga luha niya, at pagkuwa'y pinagdikit ko ang aming noo. "Kahit 'wag mong higpitan ang pagkakatali, ayos lang. Wala akong balak tumakas. I love you, Jillian..."


Bumukas ang pinto at mula roon ay pumasok si Hyde. Nangingislap ang mga mata nito na kakulay ng mga mata ng babaeng pinakamamahal ko. "I want to see my baby brother!"


Sumampa na rin ang bata sa kama at nakiyakap kay Jillian na karga si Baby Kai. While looking at them, my heart was filled with so much joy. Oh, I swear to heavens that I would do everything to protect this little family.


My solace. The most beautiful sight I had ever seen in my entire life.


...And I owe all this to my wife.


Tumingin si Jillian sa akin nang buong pamamahal, saka ibinuka ang mga labi at bumulong, "I love you, too."


Napahawak ako sa dibdib ko. Ah, I still couldn't quite believe that we would be together in the end.


...


WHO WOULD HAVE THOUGHT? I was just once her service rider, her secret friend,


and her loyal dog...


And now her man.


I would never cease to respect her, protect her, support her, and serve her, until my very last breath on earth.


'I am Engr. Hugo Emmanuel Aguilar and this is my story.


For my wife, I will always strive to be the best version of me...


Because I love her... so desperately.


- Troublemaker, South Boys #4


JF

Continue Reading

You'll Also Like

15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
9.9M 387K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
18.6K 110 3
A Collection of One Shots #2 Romance, New Adult, Young Adult, Contemporary Literature, Romantic Comedy, Tragic, etc.