The Scent of You [Under Revis...

By ARLabyouu

10.4K 613 67

Matinik hindi lang sa babae kungdi pati sa kama ang boss ni Rosie na si Echarri. Hindi mabilang sa daliri ang... More

The Scent of You
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3 (spg)
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7 (spg)
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20 (spg)
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30 (Wakas)

Kabanata 14

278 23 4
By ARLabyouu

Kabanata 14

The birth of another power couple. Echarri Avanzado of Avanzado Mall was spotted on a date with Monica La Torre, the daughter of the current Sinag City Mayor...

Ang laman ng balita Linggo ng umaga. Trending topic 'yon sa twitter na kasalukuyang nasa number one spot.

Nagpatawag ng emergency ang Chairman kaya't pumasok ang mga matataas na rangko maski linggo. Iyon nga walang tigil ang tunog ng telepono sa bawat sulok ng opisina.

"It's not confirmed yet. You will hear from us once we get the confirmation from Mr. Avanzado. Thank you." Rosie lost count of how many times she answered a phone call. Memorized na nga nito ang isasagot.

Paulit-ulit.

Si Fran nama'y binabagsak na ang telepono dahil rinding-rindi na siya sa unipormeng tanong ng mga media.

Napaligiran na rin ang building ng mga nakahandang outside reporters. Sa papalit-palit na babae sa buhay ng kanilang amo, ito ang pinakaunang eskandalo nito.

"Oy Rosas, kaya pa ba?" tanong ni Frances matapos ibaba ni Rosie ang telepono.

Double meaning ang ibig nitong sabihin. Kung kaya pa ba ng kaibigan, physically and emotionally. Nag aalala lamang siya sa kaibigan.

"Salamat sa concern pero wala 'to, Fran. Ang nasa isip ko lang ngayon ay pahupain ang rumor na 'to. This is considered a defamation against Sir Echarri. Sobrang obnoxious ng gumawa nito," hinaing ni Rosie, pikon na pikon sa nangyayari.

"Relax ka lang, friend!"

Pinanlisikan ni Rosie ng mata ang kaibigan. "Paano ako magrerelax kung bulok ang sistema ng journalismo sa bansa natin?" Umirap ang dalaga bago magpatuloy. "What's hard about making sure it's a fact, and not only based on rumors? That's why they have brains, hindi lang pang-display!"

Unti-unting tinago ni Fran ang ulo nito sa sariling cubicle. Feeling nito ay mas apektado pa ang kaniyang kaibigan kaysa sa kanilang amo.

Amo nilang pinanatili ng Chairman sa loob ng bahay. He was grounded, sa tanda niyang 'yon. Maigi na lang malakas ang koneksyon ng kaniyang ama kaya pinabura lahat nito ang artikulong kinasasangkutan niya.

But they only managed to suppress the impact, the fire is still raging with reporters swarming around the involved.

"Puntahan mo na lang kaya si Sir Charri kaysa naman pumuputok ang butsi mo, ano Rosas?" suhestiyon tuloy ni Fran at nang hindi rin siya nadadamay sa galit ng kaibigan.

Panay ang tunog ng telepono sa tabi ni Rosie ngunit nakatingala lang ito at malalim na nag iisip. Pagbaba ng tingin niya'y tumayo ito at marahas na binunot ang kable ng telepono mula sa saksakan.

"Kahit na ano'ng gawin kong alog sa utak ko, para talagang may mali," aniya habang lumalapit sa cubicle ni Fran. "Parang sinadya..."

Nakuha niya ang atensyon ng kaibigan. "Ano'ng basis mo?" usisa nito.

Pinagkrus ni Rosie ang balikat. "Sa dami ng naka-date ni Sir, imposibleng walang ni isa na litrato ang mga 'yon. So, why Monica? Bakit siya lang ang katangi-tanging lumabas sa publiko?" May kasiguraduhan niyang sagot.

May punto ang kaibigan ngunit... "Malay natin nagkataon lang na si Monica ang natiyempuhan?"

"Her family is influential, and she is very adamant about getting Sir Echarri back. And with her power, this is possible."

"But Rosas, it could also be one of his exes taking revenge on him."

"Sige, ipagpalagay nating tama ka. Sinong ex niya ang malakas ang loob banggain ang Avanzado? Like among them, I could only think of Monica. If you think I was biased against her, you are mistaken. I'm sure this is Monica's scheme to keep Sir Echarri to her grasp."

Inaamin ni Fran na kapani-paniwala ang hula ng kaibigan. Naiintindihan nito kung saan nanggagaling si Rosie. This is one big blow kung pakana man ni Monica 'to.

Bumalik si Rosie sa pwesto upang hablutin ang nakasabit na sling bag sa upuan. "Puntahan ko lang si Sir, Fran," paalam niya.

Fran taps her pen on the table. "You won't tell him your conclusions, will you?" she asked.

"Malalaman ko pagdating doon," anas ni Rosie 'tsaka nilayasan si Fran.

Napakamot na lang si Fran habang tinatanaw ang likod ng kaniyang kaibigan. 'Your love can't hide, Rosas kahit ano'ng gawin kong iiwas ka sa tukso. Bahala ka na, you're too old to get scolded.' Fran mumbled.

Walang pagbabago sa isip ni Rosie na puntahan ang kanilang amo sa bahay nito. Kaya lang maski roon ay naka-set up na ang kagamitan ng 'di niya mabilang na reporters.

Maigi na lang at may sikretong passage sa likod ng bahay ni Echarri kaya ro'n dumaan si Rosie. She has knowledge of her boss's door passcode, but waited until she got the approval of Echarri to let her in.

Pagtapak pa lang nito sa loob ay bumalik ang alaala ng dalaga sa gabing pinagsaluhan nila. Lumilibot ang kaniyang tingin sa kabuuan ng malawak na bahay nang biglang lumitaw si Echarri.

Napayuko ang dalaga nang wala sa oras. "Good afternoon, Sir," bati nito.

Mukhang kagagaling lang ng kaniyang amo sa fitness room dahil sa suot nitong compression suit, lahat ng maaaring bumakat ay talagang bakat. Basa pa ang buhok nito sa pawis.

Agad na nag iwas ng tingin si Rosie. While Echarri is wiping his entire face with a sweat towel. "Oh, hi, Rosie. Please make yourself comfortable. I'll just wash up," anito.

She gulped and sighed as she sat on the couch. Kalahating oras lang siya naghintay dahil lumabas si Echarri ginugulo ang basa pa na buhok.

At least he is wearing not so tempting clothing. Just a dark-colored sweatshirt and a dirty white fleece jogger.

"How's everything going there today?" tanong ni Echarri paglapit sa nakaupo nang sekretarya.

"Everything is a bit of a mess, Sir, to be honest with you." Walang dalawang isip na sagot no'n. "Maski sa opisina po nakatambay ang iba pang reporters."

"My fault. Sorry," he apologized. "I should have been extra careful. Are you monitoring the status of the stocks?"

Itsura pa lang ng sekretarya ay alam na kaagad niya ang sagot. Nilabas nito ang bitbit na tablet upang ipakita kay Echarri.

"0.8 percent declined as of now, Sir."

Echarri couldn't take his eyes off the red mark. "The articles? Does it still spread like wildfire?" He lets go of the tablet.

Binawi ni Rosie 'yon. "They deleted the source, but screenshots are being posted on social sites. Ang best and basic option po ay magbigay ng statement sa press." Gayon din ang napag-usapan sa nangyaring emergency meeting ng board.

Echarri crossed his leg and put both hands at the back of his head. "Have they figured out where the source came from?" he asked.

"Unfortunately, hindi rin po matukoy no'ng mismong broadsheet kung kanino ang source. They were saying the pictures were posted on their media boards. Tingin po namin, e, pro hacker po ang may gawa kaya gano'n na lang kahirap i-track."

"Who would it be?"

Sasabihin ba ni Rosie ang hinala? Magmumukha iyon isang alegasyon laban kay Monica ngunit malakas talaga ang loob ng dalaga na tama siya.

"Allowed po ba akong magbigay ng opinyon, Sir?" tanong niya.

Her boss extends arm saying to go ahead with it. She clears her throat and speaks up.

"Your relationship with Monica La Torre didn't end well..."

"Are you saying it was Monica?"

She nods. "Sir... what if ginawa niya ang isyu na 'to para isipin ng mga tao na kayo pa rin? At ikaw ang masisira sa mata ng madla kapag hiniwalayan mo siya. Tingin ko po hindi malabong gano'n nga dahil alam niyang malaki ang mawawala sa 'yo."

Haplos ni Echarri ang kaniyang baba at tinitimbang ang posibilidad sa sinabi ng kaniyang sekretarya.

"Given you were right, where is the evidence she's the mastermind?" Umiling ang binata. "We don't have any hard evidence on our hands."

"Willing po ako na puntahan at i-confront siya. Ire-record ko ang usapan upang mapatunayan sa lahat na kagagawan—"

Tumawa si Echarri sa balak na gawin ng kaniyang sekretarya. "Kung gagawin man natin ang bagay na 'yan, ako dapat ang humarap sa kaniya. Why would you trouble yourself with my issues?" he opposed.

Echarri really doesn't mean to sound offensive, but it does with Rosie. She frowns and begins to look gloomy. "Gusto ko lang makatulong sa problema. I'm sorry for crossing the line..." She got up and turned around.

Hinuli ni Echarri ang kamay nito. "With no offense meant. Rosie, of course you are a big help and I appreciate you. Ayoko lang na problemahin mo ang problemang ako dapat ang mag ayos. It's way beyond your task," he explained.

Lumingon si Rosie rito. "Can I be honest one more time?"

Binitiwan ni Echarri ang braso ng dalaga bago tumango.

"Ang rason po kung bakit ganito na lang ako mag alala sa inyo— 'di lang dahil sa pagiging sekretarya ko. Willing ako gawin kahit ano kasi mas higit pa ro'n ang turing ko sa dapat ay amo ko lang."

"Rosie..."

"Hindi mo ba nahahalata? Like for real, bulag ka ba, Sir? Hindi mo ba pansin sa mga kilos ko na mayroon akong lihim na pagtingin sa 'yo?"

Of course, Echarri wasn't expecting that from her.

"Why? Why do you like someone like me? You know every nook and cranny of me..."

"Ano naman sa akin 'yon, Sir? E, ano kung hindi mabilang na babae na ang dumaan sa 'yo? Hindi mababago no'n ang nararamdaman ko."

Tutop ni Echarri ang bibig, 'di makapaniwala sa naririnig. Tanggap naman ng binata na red flag ang tingin sa kaniya ng lahat. But... Rosie.

"Maybe you're just mistaken, Rosie."

"That is by far the worst yet the funniest rejection I've ever heard my whole life." Mapait ang naging pagtawa ng dalaga. "How could I be mistaken for my own feelings, Sir? Sige nga po, paano?"

"You don't deserve someone like me. I'm an as*hole, you know that."

"Ilang beses ko po ba na sasabihing wala akong pakialam kung as*hole ka o hindi?"

Echarri shakes his head as a sign of disapproval. "You deserve better, Rosie. You're too innocent, so don't insist on liking me—"

Rosie says otherwise. She filled the space between them and aggressively kissing her boss.

Echarri was too stunned to move while Rosie's hands slipped around his neck and shoved her tongue into his mouth.

By then... Rosie's innocent image was gone with the wind.

Bagaman kaagad pinutol ni Echarri ang mapusok na halik ng dalaga at tinulak palayo.

"I will pretend nothing happened. Never ever do that again. You know where the door is. Go home," he firmly spoken while touching his lips.

Echarri turns his back on crying Rosie. And a devastating moment of silence occurs.

Continue Reading

You'll Also Like

570K 9.6K 33
Jaime Vince Montevallo, a guy who has everything. but his past keep haunting him..isang bilyonaryong CEO at mahilig sa drag race.. Tabitha De Guzman ...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
62.8K 994 61
Tamara Collete Mendez was living her normal life as a single mom for almost six years May sariling bahay ... May stable na Trabaho at higit sa lahat...
900K 14.7K 36
COMPLETED(R-18)TAGALOG.FOR MATURE READERS ONLY. ****All Rights Reserved 2016