Ochinaide (The New Version)

By mariarcane

223 85 14

©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: August 9, 2023 Ended: October 21, 2023 Fictional Characters doesn't... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
EPILOGUE

11

7 3 0
By mariarcane

Araw-araw ay nasanay na akong tumulong kay lola sa ibang gawain niya. Iyon lang din kasi ang pinagkakaabalahan ko. Nagbabasa ako ng libro, kapag nakakatapos ay pinapalipas ko muna ng ilang araw bago ako muling magbasa ng panibago.

“Jogging lang po ako, lola,” paalam ko sa kaniya.

Abala naman siya sa pag-aayos ng mga libro niya sa library. Umagang-umaga ay iyon ang naharap niyang gawin.

“Sige, apo. Mag-ingat ka.”

Inilagay ko ang airpods sa tainga ko at lumabas na ako ng bahay. Ala sais pa lang ng umaga, medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Naisipan kong magjogging dahil wala na akong ibang gagawin ngayong umaga. Para na rin makalibot ako kahit papaano.

Ang ganda ng tanawin dahil sa rami ng puno at may bundok pa. Pasikat na ang araw. Medyo natatabunan pa kasi iyon kanina ng mga ulap. Mabagal ang pagtakbo ko dahil in-e-enjoy ko pa ang view sa bawat dinadaanan ko. Isali pa ang magandang tugtog ngayon na naririnig ko. Nakashuffle pa naman ang spotify ko, gusto kong makadiscover ng iba pang magagandang kanta.

Natigil lang ako nang tumawag si Nihannah. Nakarami naman ako ng ikot kahit papaano. Pabalik na dapat ako ngayon pero dahil sa tawag ni Nihannah, naisipan kong tumigil muna sa bench na nakita ko at nagpahinga ako ro’n.

“Oh?” sagot ko sa tawag niya.

[“Kailan ka babalik sa Manila?”] tanong niya.

Hinihingal pa ako dahil sa naging takbo ko. May dala naman akong tumbler at pamunas ng pawis ko. Kaya nga ngayon ay nagpapahinga ako habang nagpupunas ng pawis at kausap si Nihannah.

“Pagkatapos ng bakasyon. Why? Miss na miss mo na ba ako?” pang-aasar ko pa.

[“Duh! Malamang! Gusto ko nang gumala kasama ka. Ang tagal ng bakasyon.”]

Halos isang buwan na lang nga at matatapos na ang bakasyon. Parang ayaw ko pang pumasok. Iniisip ko pa lang na makikita ko na naman sila Dom ay nawawalan na ako ng gana. Hindi pa rin lilipat ang mga iyon.

“Maghintay ka, sis. Malapit naman na magpasukan. Sabay tayong mag-enroll,” ani ko.

Nang makapagpahinga ay nagpasya na akong maglakad na lang pauwi. Kausap ko pa rin si Nihannah. Nagkukwento siya sa mga ginagawa niya at pinupuntahan araw-araw. Ako naman ay gano’n din. Nagkwento rin ako sa kaniya.

Pagkarating sa bahay ay nagpaalam na ako kay Nihannah. Mag-aalmusal pa kasi ako at mag-aasikaso ng sarili. Kaya naman pumayag din si Nihannah na mamaya na lang kami ulit mag-usap kapag hindi na kami busy parehas.

“La, kumain ka na?” tanong ko.

Nasa library pa rin siya at hindi pa tapos mag-ayos ng mga libro niya. Balak niya yatang magbawas ng mga libro kaya inaayos niya ang mga ito.

“Hindi pa, apo. Marami pa akong inaayos,” sagot niya naman.

Lumapit ako para tingnan ang mga librong inaalis niya. Mga librong pwedeng gamitin ng mga studyante kung may mga kailangang i-research ang mga ito. Ang ibang libro naman ay mga kwento ang laman.

“Magbibihis lang po ako at tutulungan ko kayo rito,” sabi ko.

Nakaleggings at sports bra lang kasi ako. Tamang kasuotan sa pagjogging. Mabilis akong pumunta sa kwarto ko para magpalit ng damit. Mamaya ako maliligo kapag tapos na kaming mag-ayos ni Lola sa  library niya.

Pagkalabas ko naman ng kwarto ay naabutan ko rin si lola na papunta sa dining. Doon na rin ako nagpunta.

“Magbreakfast muna tayo, apo. Nagugutom na rin kasi ako,” aniya.

Nakahanda na ang  breakfast namin. Nauna na raw kumain kanina ang dalawang kasambahay ni Lola kaya ngayon ay kami na lang ni Lola ang sabay kakain. Kaunti lang ang kinain ko dahil wala pa akong gana, at nagjogging din ako kanina.

Nang matapos kumain ay nagpahinga lang kami saglit. Bumalik sa library si Lola na agad ko namang sinundan. Nagsimula na siyang mag-ayos ng mga libro kaya tumulong na rin ako sa kaniya.

“Anong gagawin sa mga inaalis mong libro, lola?” tanong ko.

Ang bilin niya ay alisin ko raw ang mga luma na at ang mga librong magagamit ng mga studyante. Ipapamigay niya kaya ang mga ito?

“Hindi naman kasi nagagamit at naluluma lang ang mga iyan dito. Kaya para mapakinabangan ay ipamimigay ko na lang,” sagot niya.

Bigla naman akong na-excite sa isiping iyon. Gusto kong magpamigay ng mga libro sa mga batang makikita ko sa kung saan. Kapag naisipan ko ring mag-ayos ng mga libro ko ay hahanap din ako ng mga hindi na magagamit at ipamimigay ko na lang din iyon.

Pinagpatuloy namin ang paglilinis dito sa library niya. Tinatanong ko siya minsan sa mga librong tingin ko ay hindi pa gaanong luma pero baka gusto niya na ring ipamigay.

Tanghali nang matapos kami sa pag-aayos. Nakapagluto na ng tanghalian ang dalawang kasama namin dito sa bahay. Nagpasya akong maligo muna bago kumain dahil pawisan ako gawa ng paglilinis namin ni Lola.

“Anong next na gagawin mo, lola?” tanong ko kay Lola habang kumakain kami.

Umiling siya sa akin. “Wala na, apo. Magsi-sieta muna ako,” sagot niya naman.

Wala na rin naman akong ibang gagawin kaya baka matulog o magbasa na lang ako mamaya. Matapos kumain ay sa kwarto na ako tumambay. Nagbukas ako ng social media ko para tingnan kung may mga messages ba. Si Nihannah lang ang may chat. Nagsend ng picture niya na kumakain ng salad. Puro dahon iyon. Nagdidiet na raw siya. Sexy naman siya at hindi na kailangang magdiet.

Ni-like ko na lang ang picture niyang ’yon. Nagreply na rin ako kahit na hindi naman siya online. Nagpicture ako habang nakahiga at may hawak na libro. Si-n-end ko iyon sa kaniya. Alam niya na kung anong gagawin ko ngayon, magbabasa ako ng libro.

Hindi naman ako nabored sa pagbabakasyon ko sa bahay ni Lola. Nang dumating ang araw ng pasukan at kinailangan ko nang umuwi ay nagsabi pa ako kay Lola na bumisita naman sa bahay kapag may libreng oras siya.

“Grabe namiss kita!” bungad ni Nihannah nang magkita kami.

Ang dami niyang naging kwento sa akin tungkol sa bakasyon niya. Pinakita niya sa akin ang mga pictures niya sa mga ginalaan niya noong bakasyon. Wala namang halos naging ganap sa akin kaya hindi na rin ako masyadong nakapagkwento sa kaniya.

Naging kaklase na naman namin sila Dom. At kagaya ng mga nakasanayan nila, ako pa rin ang nagsasagot ng mga assignments nila. Galit na naman si Nihannah at balak nang isumbong sila Dom pero pinigilan ko siya. Sinabi ko naman sa kaniyang mas okay na ganito na lang kaysa ibang klaseng pambubully pa ang gawin sa akin.

Itinuon ko ang buong atensyon ko sa pag-aaral. Kailangan magfocus dahil sobrang daming kailangan gawin at pahirap din iyon nang pahirap. May mga gabing halos hindi na ako natutulog para lang magawa ang mga dapat gawin para sa mga subjects. Kahit weekends ay hindi nagiging pahinga dahil may mga kailangang puntahan para magpractice sa mga binigay na tasks sa amin. May mga role play rin at paggawa ng videos kaya kailangan talagang pumunta sa iba’t-ibang lugar.

“Sol, kumain ka na muna,” ani Mommy.

Abala ako sa pagrereview ngayon. Malapit na ang exam namin. Ilang gabi na akong puyat.

“Mamaya na, Mommy. Kailangan ko pa pong aralin ’to,” sagot ko.

Hindi pwedeng mababa ang grades ko. Malapit na akong magcollege at ayaw kong mababa ang mga grades ko. Kahit na ayos lang kila Mommy kung hindi sobrang taas ng grades ko o hindi sila nag-e-expect sa akin, gusto ko pa ring maayos ang kalabasan ng pag-aaral ko.

Lumapit si Mommy sa akin at tinapik ang balikat ko. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Tipid na ngiti ang binigay niya sa akin.

“Napapansin ko na masyado kang tutok sa mga ginagawa mo. Napapabayaan mo na ang sarili mo, anak. Ayos lang naman sa amin ng Daddy mo kung hindi ka honor student. Ang mahalaga sa amin ay na-e-enjoy mo pa rin ang buhay mo, huwag mong ipressure ang sarili mo,” aniya.


I sighed. “Mommy, I’m doing this for myself. I’ll making myself proud. Hindi ko naman po hahayaang mapabayaan ang sarili ko. Kumakain naman po ako kahit minsan late na. Natutulog naman din po ako kahit minsan inaabot ng umaga.”

Hinagod niya ang buhok ko. “Don’t pressure yourself, okay?”

I nod. “Yes, Mommy.”

Ilang oras pa akong nagbabad sa pagrereview. Kumakain habang nagrereview, bago matulog ay nagrereview. Talagang ginagawa ko ang best ko para sa pag-aaral ko. Ginagawa ko hindi para may mapatunayan sa ibang tao, ginagawa ko ito para sa sarili ko.

I’m in first year college now. Kaklase ko pa rin si Nihannah. I changed. Hindi na ako tulad noong highschool ako na manang manamit. Pinatanggal ko na rin ang braces ko. Nagpagawa na ako ng contact lense na may grado para hindi na ako magsuot ng salamin. Well, sometimes nagsasalamin pa rin ako, pero hindi na ’yung makapal at itim na salamin. Nagpagawa ako nung tingin ko ay babagay sa kahit anong isuot ko.

Tuwang-tuwa si Nihannah sa pagbabago ko. Parehas na kasi kami kung mag-ayos. Tinuruan niya nga rin akong maglagay ng make up. Noong una ay medyo hindi pa ako sanay at madalas akong maghilamos. Pero kalaunan ay nasanay na rin ako at natuto na ring maglagay.

I am still obsessed with books. Sa katunayan nga ay nagpagawa na ako ng bookshelf sa room ko. Ang malaking space sa gilid ng kama ko ay pinalagyan ko ng stante para doon ilalagay ang mga libro ko. Para kahit nakahiga na ako ay nakikita ko pa rin iyon at madaling kumuha ng pwedeng basahin. May harang naman kaya hindi malalaglag sa akin ang mga iyon.

“Mall tayo,” aya ni Nihannah sa akin.

Weekend ngayon at kapag weekend daw ay Nihannah time raw. Sinabihan ko na rin sila Mommy na kapag ganitong weekend ay madalas nga kaming lumalabas ni Nihannah. Iniisip nila na baka raw girlfriend ko si Nihannah. Akala nila ay sobra pa sa pagkakaibigan ang mayroon sa aming dalawa. Pero nilinaw ko iyon kila Mommy na hindi naman kami ganoon ni Nihannah.

“Book store,” nakangising sambit ko naman.

May mga bagong labas na libro last time. Hindi ko lang nabili agad dahil nagmamadali kami no’n. Kaya ngayon ko iyon babalikan. Nagbawas naman na ako ng libro sa room ko, pinamigay ko na iyon dahil hindi ko naman na gagamitin. Ang mga naiwan lang ay ang mga books na hindi ko kayang i-let go.

“Adik talaga sa libro. Oo, sa book store din pupunta tayo,” sambit niya naman.

Nakaayos naman na kaming dalawa. She’s wearing black fitted sando top and maong ripped jeans. I am wearing my maroon strap dress. Si Nihannah ang nagsabi na mga dress or skirts daw ang bagay sa akin. Sinunod ko naman siya dahil mas may alam siya sa fashion kumpara sa akin.

Nagyaya siya magmall dahil bibili siya ng bagong phone. Nasira daw kasi ang isang phone niya, ang madalas niyang gamit. Ang gamit niya ngayon ay ’yung extra phone niya na pang bahay lang daw. No choice siya kundi gamitin ngayon hanggang dito sa mall. Bibili naman daw siya ng bago kaya niyaya niya ako.

“Iphone or android?” tanong niya sa akin.

Papunta pa lang kami sa bilihan. Nakaangkala siya sa akin habang naglalakad kami.

“Android na lang. Mas okay pang gamitin. Camera lang naman maganda sa iphone,” sagot ko.

Android kasi ang gamit ko. Hindi naman ako maarte sa phone. Basta maayos ang camera at malaki ang storage ay ayos na sa akin. Maingat naman din ako sa paggamit.

“Okay.”

Hinatak niya ako papunta sa isang shop. Nagtingin na siya ng mga phone. Ako naman ang tinatanong niya kung okay lang ba iyon o hahanap pa ng iba. Storage at quality ng camera ang una kong tinitingnan sa mga phone na pinapakita niya sa akin.

“Mas okay ’to,” sabi ko at binigay sa kaniya ang isang phone na mas mura ng kaunti kaysa sa hawak niya.

Maganda naman ang quality. Okay na ’yon para sa akin, ewan ko lang kay Nihannah kung ayos lang din iyon sa kaniya. Pero mukhang may tiwala naman siya sa taste ko kaya iyon na nga ang kinuha niya. Binayaran niya gamit ang card niya. Naghintay lang kami saglit at nang matapos ay inaya ko na siyang pumunta sa book store.

“Hindi muna ba tayo kakain?” tanong niya.

Busog pa naman ako. At gusto kong tingnan na ang mga librong bagong labas. Mukhang magaganda ang mga iyon kaya sigurado akong may mabibili ako ngayong araw.

“Mamaya na. Titingin muna akong libro,” sagot ko.

Ako naman ang umangkala sa braso niya para mahatak ko agad siya sa paglalakad. Ang bagal niya kasi, atat na atat na akong tingnan ang mga bagong libro. Nagniningning na nga yata ang mga mata ko kahit nasa malayo pa lang ang book store.

“Kaya hindi ka nagkakajowa, e. Puro ka libro,” aniya. Hindi ko na pinansin pa.

To be continued. . .

Continue Reading

You'll Also Like

74.7K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...
941K 33K 55
Haily Constello is an orphan who lives alone and who loves to make a mess. But an unexpected accident happened that changed her life. She got reincar...
4.9M 117K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
55.3M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...