HIS BESTFRIEND (Juvia Lockser...

By Juviabaebae

2.4K 92 14

Juvia's secret love for Gray-sama <3 (Fairy Tail fan fiction) More

ULAN
MALIGAYANG PAGBABALIK
MASAKIT NA KATOTOHANAN
NAKALIMUTANG PANGAKO
FIORE
S-CLASS MISSION
ONE-SIDED LOVE
ANG KATOTOHANAN
Final Chapter

MISSION WITH GRAY-SAMA

161 8 8
By Juviabaebae


Hindi naka-uwi si Juvia sa Fairy Tail Guild ng umalis sila ni Lyon. Napilit kasi siya ni Chelia at Sheryl na sa Lamia Scale na lamang matutulog, hindi niya na nakagawa pang magpaalam sa kanilang master.

******

Nang makauwi na si Juvia ay sinalubong siya ni Mira. Hinahanap daw siya ni Master Makarov dahil may misyon siyang gagawin. Bago pumunta sa silid ni Master ay pumasok muna si Juvia sa kanyang kwarto. Kasalukuyan siyang nakaupo sa harap ng kanyang tokador ng mapansin niya ang binigay ni Gray na rosas sa kanya. Nalalanta na ito at sa tabi ng bulaklak ay ang masayang larawan nilang dalawa ni Gray. Pareho silang nakangiti ng malapad sa larawang iyon.

"Gray, sana tulad pa rin tayo ng dati. Yong ako ang una mong hinahanap at gusto mong makasama. Gray, sana hindi na lang kita minahal para hindi na ako umasa pa at sana hindi ako nasasaktan ng labis ngayon. Gray, mahal na mahal kita kahit kapatid at matalik lang na kaibigan ang turing mo sa'kin." Lumuluhang wika ni Juvia habang hawak ang lantang rosas na binigay ni Gray.

Naligo at nagbihis si Juvia pagkatapos ay pumunta na siya sa silid ni Master at kumatok.

"Pasok!" Ang narinig na sagot ni Juvia kaya binuksan niya ang pinto, ng makapasok ay nagulat pa si Juvia dahil nasa loob din si Gray. Ngumiti lamang sa kanya si Gray ng mapansing nakatingin siya sa lalaki.

"Master, pinapatawag niyo daw ako." Ang wika ni Juvia ng tuluyan ng makapasok sa silid.

"Oo Juvia, may misyon kasi akong ibibigay sayo, ay hindi, sa inyo pala." Ang nakangiting sagot ni Master Makarov.

Nakaramdam naman ng kaba at kasiyahan si Juvia, saglit niyang sinulyapan ang naka-ngiting mukha ni Gray.

"Sino pong makakasama ko?" Ang tanong ni Juvia.

"Si Gray, malaki ang maitutulong niya sa misyong ito. Tutal at perfect combination naman ang kakayahan niyo, Water Mage at Ice Mage. Madali lamang pagsamahin at gumawa ng malakas na kapangyarihan kapag perfect combination ang kakayahan ng isang Wizard." Ang paliwanag ni Master.

"Hi Juvia, sa wakas magkakasama na din tayo sa isang misyon. Matagal ko ng gusto na makasama ka sa isang misyon, salamat naman at natupad na rin sa wakas." Ang nakangiting wika ni Gray at inakbayan si Juvia.

Ngumiti na lamang ng tipid si Juvia.

"Eh? Master, kailan ba kami mag-uumpisa sa misyon na yan?" Ang nakayukong tanong ni Juvia.

"Ngayon na mismo Juvia, maghanda ka na ng iyong mga kagamitan. Hihintay ka ni Gray." Ang sagot ni Master.

"Gusto mo bang tulungan pa kitang mag-ayos Juvia? Tapos na kasi ako sa mga gamit ko." Nakangiting anyaya ni Gray sa kanya.

Umiling na lamang si Juvia at ngumiti ng pilit.
"Wag na Gray, salamat na lamang. Hintayin mo na lang ako sa labas. Master, mauuna na ako." Ang wika ni Juvia at humakbang na paalis sa silid na iyon.

Nang makalabas si Juvia ay napalitan ng lungkot ang matamis na ngiti ni Gray. Nalulungkot siya sa malamig na pakikitungo ni Juvia sa kanya.

"Master, lalabas na din ako. Maraming salamat dahil pinagbigyan mo ako sa kahilingan ko." Ang malungkot na wika ni Gray.

"Walang anuman Gray, basta gawin mo ang lahat kung maaari wag mong sayangin ang pagkakataon na ito. Naniniwala akong magiging masaya ka rin lalo na sa piling niya. Wag ka sanang paghinaan ng loob. Kung ano man ang mangyari naniniwala akong maiintindihan ka ng iyong kaibigan." Ang nakangiting wika ni Master Makarov at bahagyang tinapik ang kanyang balikat.

******

Malungkot na nililigpit ni Juvia ang kanyang mahahalagang gagamitin sa kanilang misyon. Hindi niya maiwasang malungkot dapat nga ay masaya siya dahil makakasama niya si Gray ngunit hindi niya magawang sumaya dahil sinabi niya na sa kanyang sarili na kakalimutan na ang pagmamahal kay Gray kahit napakasakit para sa kanya.

Nang matapos sa pagliligpit ay lumabas na si Juvia sa kanyang silid. Agad siyang dumiretso sa ground floor ng Fairy Tail.
Nakita niyang nandun sina Erza, Mira, Lisanna, Elfman, Evergreen, Lucy, Natsu, Wendy, Justin Freed, Bisca, Alzack, Laxus at Gray.

"Nandito na pala si Juvia." ang nakangiting wika ni Lisanna ng makalapit na siya sa kanila.

"Juvia, mabuti naman at bumaba ka na, si Gray kasi di makapaghintay. Atat na atat ng umalis kayo. May balak na nga siyang sunduin ka sa silid mo kaso nga lang pinipigilan namin." Ang natatawang wika ni Lucy.

"Hindi naman sa ganun, baka kasi maiwan na kami ng tren." Ang nakayukong wika ni Gray.

"Talaga lang ha?" Ang nakangising wika naman ni Mira.

Ngumiti na lamang si Juvia bilang tugon.

"Mag-iingat kayo ate Juvia." Ang nakangiting wika ni Wendy.

"Sana makabalik kayo agad, ingat kayo ha?" Nakangiti ding wika ni Lisanna at niyakap si Juvia.

"Salamat sa inyo, sige aalis na kami." Ang nakangiting sagot ni Juvia.

"Aalis na kami ni Juvia." Ang wika ni Gray.

"Ingatan mo si Ate Juvia Kuya Gray." Ang wika ni Wendy.

"Oo naman Wendy, akong bahala kay Juvia."
ang nakangiting sagot ni Gray.

"Umalis na kayo at baka maiwan na talaga kayo ng tren." Ang wika ni Laxus.

Humakbang na silang dalawa palabas ng Fairy Tail, kumakaway pa sina Wendy, Lucy, Mira at Lisanna sa papalayong sina Gray at Juvia.

Sa istasyon sila ng tren pupunta patungo sa kanilang misyon pero sa kasamaang palad ay nahuli sila. Naiwan nga talaga sila ng tren.

"Pano na yan Gray? Wala ng tren. Pano na tayo makakaalis?" Ang nag aalalang tanong ni Juvia.

"Wag kang mag alala Juvia, akong bahala. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka Juvia at makarating tayo sa ating misyon."
ang wika ni Gray sa katabing si Juvia.

Napangiti naman si Juvia dahil sa sinabi ni Gray.

"Salamat Gray!" Ang bulong ni Juvia.

Sa isang napaka-liksing hayop sila sumakay ni Gray. Yakap-yakap niya ang binata mula sa likuran.

"Yumakap ka ng mabuti Juvia."

*******
Ang kanilang misyon ay pumunta sa Galuna Island upang tulungan ang mga taong sinasalakay ng malalakas na mahikerong gulo lamang ang gustong mangyari. Natatakot ang mga nakatira sa Galuna Island kaya humingi sila ng tulong sa Fairy Tail Guild na agad naman pinagbigyan ni Master Makarov at pinadala sina Gray at Juvia dahil malakas at makapangyarihan silang dalawa ngunit alam naman nilang di basta-basta ang kanilang makakalaban.

(Fast forward)

Nang makarating sa Galuna Island ang dalawa ay sinalubong sila ng pinuno ng lugar na iyon at inanyayahang sa tahanan nila silang dalawa tutuloy. Pag uusapan din nila ang buong detalye para sa misyon na iyon.

Nang makarating sa kanilang tutuluyan ay inumpisahan ng magpaliwanag ng kanilang pinuno.

"Nakatanggap na kami ng mensahe o babala mula sa grupong naghahasik ng kaguluhan. Ang lugar na namin ang susunod nilang aatakihin. Natatakot akong mangyari yon kaya't agad akong humingi ng tulong sa inyo. Pakiusap, gawin niyo ang lahat upang wag mawasak ang aming lugar, hindi ko kakayanin kapag maraming masawi sa aking mga kababayan. Pakiusap! Protektahan niyo kami. Protektahan niyo ang lugar namin." Ang naiiyak na paliwanag ng kanilang pinuno.

Naaawang nagkatinginan sina Gray at Juvia.

"Wag ho kayong mag-alala, gagawin po namin ang lahat upang maprotektahan kayo." Ang wika ni Juvia at niyakap ang kanilang Pinuno.

"Tama po si Juvia, gagawin ho namin lahat ng makakaya namin upang mahuli at matalo ang grupong naghahasik ng kaguluhan.
" ang nakangiting wika pa ni Gray.

"Salamat, maraming salamat sa inyo." Wika ni pinuno at ngumiti sa kanilang dalawa.
"Magpahinga na muna kayo, tatawagin ko na lang kayo kapag nakahanda na ang hapunan. Maiiwan ko na kayo. Ihahatid kayo ni Lila sa inyong magiging silid. Maiiwan ko na kayo, Lila, ikaw na ang bahala sa kanila." Ang wika nito.

Ngumiti si Juvia at nagsabing "Salamat" samantalang tumango naman si Gray.

Nang makarating sa kani-kanilang silid ay nagpahinga ang dalawa. Dahil sa pagod sa paglalakbay ay nakatulog si Juvia samantala sa katabing silid ay gising na gising si Gray.

"Juvia, sana ito na ang tamang panahon. Mahalaga ka sa'kin at gagawin ko ang lahat para maging masaya ka. Sana'y maintindihan ni Lyon ang gagawin ko." Ang wika ni Gray sa sarili.

~~~
Author's Note:
1 chapter left.
Whoah! Sana magustuhan niyo ang Ending. Hihihi

GrUvia o LyVia ???

~Juviabebe

Sa nanonood ng Fairy Tail, ang cool ng episode na yan. Muling nagkita sina Gray at Lyon at kalaban pa po si Lyon dyan. Hindi ko po totally ginaya yong mga scene. Tanging yong mga pangalan lang ang ginaya ko para related pa rin sa Fairy Tail.

Jaaa ~ ^_________^

Continue Reading

You'll Also Like

6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
703K 1K 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
390K 411 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞